SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 4 Kwarter 2, Ikapitong Linggo Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pagiingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kasanayang Pagkatuto at Koda Naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto (F4PN-IIc-7) Simulan mo! Matutunghayan sa araling ito ang pagbibigay ng paksa sa napakinggang kuwento. Mahalaga ang pakikinig nang mabuti sa kuwento upang maintindihan ang nilalaman ng binabasa. Sa nakalipas na maraming taon, ang mga bayani ang naging tagapagtanggol ng atin sariling kababayan at tumulong din sa kapakanan ng atin Inang bayan. Naging malaya tayo dahil sa kanilang ipinakitang katapangan sa pagliligtas ng atin bayan laban sa mga mapang-aping mga dayuhan. Matutunghayan sa araling ito ang kuwento ng isang bayani na magbibigay sa ating ng magandang inspirasyon nang dahil sa kagitingan at katapangan na ipinamalas. Halimbawa nito ang kuwentong pag-aaralan natin ay tungkol sa bayaning scout na si Valeriano “Yayong” Abello at kasama pa ang dalawang scout sa labanan na mga taga-Tolosa, Leyte. 1 Panuto:Basahin ang kuwentuhan ng dalawang batang magkaibigan. Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan? Mayroon ka pa bang nais idagdag sa kanilang kuwentuhan? Halika kaibigan , magkuwentuhan tayo! May alam ka bang iba’t ibang kuwento tungkol sa bayani ng inyong lugar? Pwede mo bang maibahagi sa amin ang nalalaman mong kuwento? Sige kaibigan magtatanong din ako para sa susunod na pagkikita natin marami tayong pagsasaluhan na mga kuwento. Aba! Oo mayroon pero kaunti lang po. Pwede ko naman pong tanungin yong mga nakatatandang naninirahan sa aming bayan para magkuwentuhan tayo ng mahaba-haba sa susunod na pagkikita natin. Di ba mas masaya ang kuwentuhan kung ganun? (Pixabay Com 2018) Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang pinag-uusapan ng magkaibigan? 2. Sino ang bayani sa inyong lugar na maibabahagi mo sa aralin ngayon? 3.Kung ikaw ang tatanungin tungkol sa mga bayani, mayroon ka bang maibabahagi na kuwento? 2 Alam mo ba? Ano ang ibig sabihin ng paksa? Paano mo maibibigay ang wastong paksa habang nakikinig sa isang kuwento? Isa sa sukatan ng isang mabisang pakikinig ang pagtukoy sa paksa o pangunahing-diwa ng kuwento o seleksiyong napakinggan. Ang bawat akda, lalo na ang maikling kuwento ay may nakapaloob na pangunahing diwa o paksa. Sa pagkilala sa paksa/pangunahing diwa, mahalagang malaman ang tao o bagay at pangyayaring pinag-uusapan sa kuwento o alinmang akda. Ang paksa ng isang kuwento ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito. Dito umiikot ang kuwento. Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin. Mahalaga ring lubusang maunawaan ang bawat talatang binabasa upang masuri ang mahalagang puntong nais palutangin dito. Narito ang isang halimbawa: Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan.Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque. 1. Tungkol saan ang seleksiyon? Sagot: Tungkol sa Sunduan 2. Ano-ano ang sinasabi tungkol sa Sunduan? a. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. b. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang puputahan. c. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque 3. Anong pangungusap ang nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng sinabi tungkol sa Sunduan? Sagot:Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan 3 Magtulungan tayo! Panuto: Makinig sa babasahing teksto ng kahit sino sa bahay, (ate,kuya,o mga magulang) na makakatulong sa inyong pag-aaral. Basahin at unawaing mabuti ang tekstong pakikinggan at para maibigay mo ang sagot sa mga susunod na gawain. Bayaning Boy Scout ng Leyte Sinulat ni: Paine Ellsworth Isinalin ni: Purisima N. Gariando Si Valeriano “Yayong” Abello ay isang Filipinong sibilyan na binigyan ng parangal ng Philippine Legion of Honor para sa ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino sa mga mapang-aping Hapones. Humingi siya ng tulong sa mga Amerikanong sundalo gamit ang kaniyang nalalaman sa Boy Scout sa pamamagitan ng pagsesenyas gamit ang semaphore flag. Ito ay nangyari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Siya ngayon ay kilala sa larangan ng Boy Scout sa Pilipinas. Noong Oktobre 18, 1944, sumalakay ang mga sundalong Amerikano laban sa mga Hapones, may 3 Filipinong sibilyan na dating Boy Scouts, sina Valeriano Ibanez Abello, Antero 4 Junia, at Vicente Tiston, kumilos sila para labanan ang sukdulang ginawang pagbobomba ng mga Hapones sa karagatan ng Leyte. Bilang taga-hatid, taga-tanggap at taga-sagwan (Abello, Junia,Tiston) nagtatag sila ng komunikasyon sa barkong 467 gamit ang senyas o hudyat (na natutunan nila bilang Scouts ng Troop II) na tinukoy nila ang kanilang sarili bilang Boy Scouts of America. Sumagwan sila papalayo sa karagatan dahil sa natamaan ang kanilang bangka ng pagbobomba ng mga Hapones. Lumangoy sila patungo sa baybayin at doon nagbigay sila ng impormasyon na “ Huwag ninyong bombahin ang baybayin. Maraming mga inosenting sibilyan kung maaari iligaw niyo gamit ang semaphore flag” at itinutro ang mga Hapones at iniligaw papalayo sa bayan ng Tolosa, Leyte. Sa mensahe ni Abello na ipinahiwatig sa mga sundalong Amerikano naisalba ang libo-libong Leyteňos na humantong sa paglaya ng Pilipinas laban sa Tropang Hapones. Ang napakatapang at walang takot na ginawa nila ay nagpakita ng magandang imahe sa Balitang Pandaigdigan. Dahil sa kabayanihang ipinakita nila, si Valeriano Abello ay pinagkalooban ng Philippine Legion of Honor ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1956. Isang istatwa ang itinayo sa Telegrafo, Tolosa, Leyte at ang Signal Day ay ipinatutupad taon-taon sa ika18 ng Oktobre. Ngunit sa kabila ng kanyang kadakilaan ang aplikasyon para sa veteran ay hindi pinahintulutan ng bansang Amerika at ang pagsisikap ng kanyang mga kamag-anak na mailibing sa libingan ng mga Bayani taong 2000 ay nabigo rin. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Sino si Valeriano “Yayong” Abello ng Leyte? 2. Saan naganap ang labanan sa pagitan ng mga Hapones at Amerikanong sundalo? 3. Ano ang parangal na ipinagkaloob ni Pangulong Magsaysay sa mga Boy Scouts? 5 4. Paano ipinakita ang pagtatanggol ni Yayong at ang dalawa pang scouts na sina Junia at Tiston sa labanan ng ginawang pagbobomba ng mga Hapones sa karagatan ng Leyte? 5. Bakit nabigo ang kanyang mga kamag-anak sa aplikasyon sa kabila ng kaniyang kadakilaang ipinakita? Pagsasanay 1 Panuto: Batay sa napakinggang kuwento sagutin ang bawat tanong. Piliin lamang ang tamang letra at isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan? A. Ang Bayaning Scout B. Bagong Bayani ng Leyte C. Bayaning Boy Scout ng Leyte 2. Sino ang Filipinong sibilyan na binigyan ng parangal ng Philippine Legion of Honor para sa ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino sa mga mapang-aping Hapones? A. Valeriano Abello B. Valencia Abellos C. Valle Rey Abella 3. Kailan sumalakay ang mga sundalong Amerikano laban sa mga Hapones sa bayan ng Leyte? A. Oktobre 18, 1944 B. Oktobre 16, 1942 C. Oktobre 14, 1940 4. Ano ang sukdulang ginawa ng mga Hapones sa karagatan ng Leyte laban sa mga Pilipino? A. pagbobomba B. pagmamaltrato C. pandadahas 6 5. Paano siya humingi ng tulong sa mga Amerikanong sundalo gamit ang kaniyang nalalaman sa Boy Scout? A. sa pamamagitan ng pagsesenyas gamit ang bandila B. sa pamamagitan ng pagsesenyas gamit ang semaphore flag C. sa pamamagitan ng pagsesenyas gamit ang pulang bandana Pagsasanay 2 Panuto: Basahin ang pangungusap at piliin sa loob ng kahon kung tungkol saan ang tinutukoy nito. Isulat lamang ang letra sa sagutang papel. a. Valeriano Abello c. Oktobre 18, 1944 e. Pang. Ramon Magsaysay b. semaphore flag d. Tolosa,Leyte f. Amerikanong sundalo 1. Petsa ng sumalakay ang mga sundalong Amerikano laban sa mga Hapones 2. Isang Filipinong sibilyan na binigyan ng parangal ng Philippine Legion of Honor para sa ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino sa mga mapang-aping Hapones 3. Ginamit sa paghingi niya ng tulong sa pamamagitan ng pagsesenyas 4. Pangulo na nagkaloob Philippine Legion of Honor dahil sa kabayanihang ipinakita nila sa mga Pilipino 5. Lugar kung saan ginawa ang pagbobomba ng mga Hapones 7 Pagsasanay 3 Panuto: Basahin ng mabuti at ibigay ang paksa ng bawat talata. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Si Valeriano Abello ay isang Filipinong sibilyan na binigyan ng parangal ng Philippine Legion of Honor para sa ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino sa mga mapang-aping Hapones. 2. Dahil sa kabayanihang ipinakita nila, si Valeriano Abello ay pinagkalooban ng Philippine Legion of Honor ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1956. Isang istatwa ang itinayo sa Telegrafo, Tolosa, Leyte at ang Signal Day ay ipinatutupad taon-taon sa ika-18 ng Oktobre. 3. Humingi siya ng tulong sa mga Amerikanong sundalo gamit ang kaniyang nalalaman sa Boy Scout sa pamamagitan ng pagsesenyas gamit ang semaphore flag. Ito ay nangyari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). 4. Maraming mga inosenting sibilyan kung maaari iligaw niyo gamit ang semaphore flag” at itinutro ang mga Hapones at iniligaw papalayo sa bayan ng Tolosa, Leyte. Sa mensahe ni Abello na ipinahiwatig sa mga sundalong Amerikano naisalba ang libo-libong Leyteňos na humantong sa paglaya ng Pilipinas laban sa Tropang Hapones. 5. Sumagwan sila papalayo sa karagatan dahil sa natamaan ang kanilang bangka ng pagbobomba ng mga Hapones. Lumangoy sila patungo sa baybayin at doon nagbigay sila ng impormasyon na “Huwag ninyong bombahin ang baybayin. Maraming mga inosenting sibilyan kung maaari iligaw niyo gamit ang semaphore flag” at itinutro ang mga Hapones at iniligaw papalayo sa bayan ng Tolosa, Leyte. 8 Magagawa mo! Panuto: Basahin ang mga talata. Ibigay ang angkop na paksa sa bawat bilang. Isulat ang titik lamang sa sagutang papel. 1. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan. Ipinangako niya sa gobernador-heneral na hindi siya tatakas. Isang araw, hinikayat siya ni Pio Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Jose Rizal at sinabing nakapagbitiw na siya ng pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma’y di siya tatakas. A. Siya’y hindi tatakas. B. Nangako si Jose Rizal. C. Itinapon si Jose Rizal. D. Nangako si Jose Rizal na hindi siya tatakas. 2. Ang mga Negrito ay pandak. Sila ay masisipag. Ang iba sa kanila ay nakatira sa tabing ilog. Ngunit ang karamihan sa kanila ay nakatira sa bundok. Maitim ang kanilang mga balat at kulot ang kanilang mga buhok. Ang pangangaso ang kanilang paraan upang makahanap ng pagkain. A. Maliit at Maiti C. Ang mga Negrito B. Ang Pangangaso D. Nakatira sa Bundok 3. Ang pambansang awit ay dulot ng malaking hangarin ng mga Pilipino na makalaya. Ito ay nilikha ni Julian Felipe at nilapatan ng titik ni Jose Palma. A. Ang Awit C. Ang Pambansang Awit B. Juan Felipe D. Ang Hangarin ng mga Pilipino 9 4. May mga halaman kami sa likod-bahay. Maraming bunga ang tanim naming upo roon. May kamatis, kalabasa, sitaw at patani rin kaming tanim. A. Sa likod bahay C. Ang aming mga halaman B. Ang aming bahay D. Marami kaming mga tanim 5.Si Marcelo H.del Pilar ay tinaguriang Dakilang Propagandista. Isa siyang abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pang-aabuso ng mga paring Espanyol. Ipinagpatuloy niya ang mga gawaing ito sa España kung saan naging patnugot at tagapaglathala siya ng La Solidaridad. Sa kakulangan ng pera at pangungulila sa pamilya, nagkasakit siya at namatay sa España. A. Ang abogado B. La Solidaridad C. Ang tagapaglathala D. Marcelo H. del Pilar, Dakilang Propagandista 10 11 Magtulungan Tayo Prosesong Katanungan 1. Si Valeriano “Yayong” Abello ay isang Filipinong sibilyan na binigyan ng parangal ng Philippine Legion of Honor para sa ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino sa mga mapang-aping 2. 3. 4. 5. Hapones. Sa karagatan ng Leyte Nagtatag sila ng komunikasyon sa barkong 467 gamit ang senyas o hudyat (na natutunan nila bilang Scouts ng Troop II) na tinukoy nila ang kanilang sarili bilang Boy Scouts of America. Isang istatwa ang itinayo sa Telegrafo, Tolosa, Leyte at ang Signal Day ay ipinatutupad taontaon sa ika-18 ng Oktobre. Hindi pinahintulutan ng bansang Amerika at ang pagsisikap ng kanyang mga kamag-anak na mailibing sa libingan ng mga Bayani Susi sa Pagwawasto: Mga Sanggunian: A. Aklat: Amoyo, Melinda Lourdes. 2020. Filipino Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode. Unang Edisyon. Edited by Lea C. Abenia, Shirley B. Bacal, Cresente A. Beato and Ma.Shiela C. Adona. Pasig: Department of Education- Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR). Accessed September 2021. Balbuena, Leonora, Rosebeminda Rubio, Alma Tabias, Elma Dulfo, and Cleofe Ramirez. 2018. Test Item Bank Quarter 1 (Week 6-10). Department of Education Region VIII. B. Elektronikong Mapagkukunan: Ellsworth, Paine. 2020. Wikipedia Org. 23 August. Accessed February 09,2022.https://en.wikipedia.org/w/index.php?=Valeriano_A bello&oldid=974464755. Creative Commons attributionShareAlike License. 2018. Pixabay Com. June 25. Accessed November 17, 2021. https://pixabay.com/fr/vectors/filles-en-parlant-jeunesalut-3495748/. Inihanda ni: PURISIMA N. GARIANDO Pangalan ng May-Akda 12