Uploaded by DanMichaelaAnegla Taray

elena

advertisement
Ang tatlong lawaran na ito ay May Isang
kahulugan kundi Ang pag-kakaisa namin sa bawat
isa, dito ko mararamdaman Ang aking tahanan, dahil
sa bawat litrato nito ay May nakatatak na alaala na
pinag samahan namin sa nakaraan sa aking pusot
damdamin.Nararamdaman ko ang tahanan sa mga
litratong ito dahil sa mga alaala na kasama nila. Kapag
tinitingnan ko ang mga larawan, naaalala ko ang mga
masasayang sandali na naranasan natin kasama ang mga taong malalapit sa atin. Ang
mga litratong ito ay nagpapaalala sa akin ng mga espesyal na
pagkakataon, mga tawanan, at mga pagkakasama na
nagpaparamdam sa akin ng pagkakaisa at pagmamahal. Sa
bawat tingin ko sa mga litratong ito, nadarama ko ang init at
kasiyahan na dulot ng tahanan. Sa tatlong larawan nato
ipinadama nila saakin Ang pagmamahal, Nagbibigay ng
kaligayahan at kasiyahan, Ang pagmamahal ay nagdudulot ng positibong emosyon at
kaligayahan sa ating buhay. Kapag tayo ay nagmamahal at minamahal ng iba,
nararamdaman natin ang pagkakaroon ng kasiyahan, kaligayahan, at kabuluhan sa ating
mga relasyon.
Nagbibigay ng suporta at pag-asa. Ang pagmamahal ay nagbibigay sa atin ng
suporta at pag-asa sa mga oras ng kahirapan at pagsubok. Kapag may mga taong
nagmamahal sa atin, nararamdaman natin ang
kanilang suporta at pag-alalay sa ating mga laban sa
buhay. Nagpapalakas ng mga ugnayan sa ating
pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay. Ito ay
nagbubuo ng malalim na koneksyon at nagpapalakas
ng tiwala at pagtitiwala sa isa’t isa. At sa isang larawan
ng Acolytes, dahil sa kanila naglalaan ako Ng oras
para sa ating Ama ,kahit mn ay marami akong
ginagawa isang Araw at isang Oras lang naman ang hinihingi ng ating panginoon,
Maraming mga tanong ang mga pinagsasabi ang mga tao sa pagseserbisyo namin , May
bayad ba ang pagseserbisyo nyo?”” Wala ka nabang Oras sa iba?,, kulang na lang sa
simbahan ka na tumira” “maghapon ka nasa simbahan” “sakristan ka pero panay ang
pagmumura mo” “naglilingkod ka sa simbahan pero ang sama ng ugali mo” “hindi ka
pwedeng maglingkod sa simbahan, dahil isa kang makasalanan”. Ito ang mga salita na
madalas naming marinig sa ibang tao, kapag kami ay naglilingkod bilang isang sakristan,
ngunit patuloy parin kaming naglilingkod para sa panginoon. Lahat ng kanilang mga
sinasabi sa amin ay ginagawa naming aral at inspiration gabay upang kami ay patuloy
na maglilingkod. Pagod tuwing araw ng linggo, puyat tuwing may pinagdiriwang na
mahalagang panahon sa simbahan, at oras kapag may mga kailangan pag usapan
tungkol sa ministry. Pero, hindi alam ng marami na sa ginagawa nating sakripisyo at
paglaan ng oras sa paglilingkod ay ibang kasiyahan ang dulot nito sa atin. Hindi
maipaliwanag na saya na uumapaw na kumukumpleto sa araw mo. Dito ako natutong
magsakripisyo ng oras at panahon, sumubok ng mga bagay na akala mo hindi mo kayang
gawin, at magkaroon ng mga kaibigan na kaya kang samahan sa panahon ng kailangan
mo ng masasandalan, kaya hindi ako nag sisisi na kasama ako sa groupong to, masaya
ako sa napili Kong larawan.
Download