Uploaded by Bu Rick

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9 - Alamat

advertisement
CANILLO, REY JOHN M.
BSED-301
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
UNANG MARKAHAN, LINGGO 1
I.
LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat
tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan.
C. Kasanayang
Pampagkatuto
II.
III.
IV.
1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari (F9PU-Ia-b-41)
2. Napapahalagahan ang mga aral mula sa akdang nabasa.
NILALAMAN
- Alamat ng Tabako
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1. K to 12 Grade 9 Curriculum Guide p. 166
2. Literatura ng iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas pp. 191-192
B. Iba pang kagamitang Panturo:
1. Tarp Papel
2. Mga larawan
PAMAMARAAN
Gawaing Guro
A. Panimulang Gawain
Gawaing Mag-aaral
Magsitayo ang lahat para sa ating Panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at …
Amen.
Magandang umaga, mga bata.
Magandang umaga
rin po, sir.
Magsi-upo ang lahat.
Maraming Salamat
po, sir.
Mayroon bang liban sa ating klase ngayong Wala po, sir.
araw?
Mabuti!
B. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/o
Pagsisimula ng Aralin
Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang
Alamat.
Ano ang Alamat?
Ang Alamat ay
nagsasalaysay ng
mga kwento kung
paano nabuo o kung
ano ang pinagmulan
ng isang bagay,
pook, tao o hayop.
Magaling!
Ano-ano ang mga halimbawa ng alamat?
Alamat ng Pinya
Alamat ng Saging
Alamat ng Pilipinas
Magaling!
May mga katanungan paba tungkol sa Alamat? Wala na po, sir.
C. Paghahabi sa Layunin Kapag kayo ay nagbabasa ng mga kwento,
ng Aralin
maiintindihan ba ninyo ito kung magsisimula
kayong magbasa sa gitnang bahagi nito?
Hindi po, sir.
Kapag tayo ay magbabasa, dapat magsimula
tayo sa una hanggang huling bahagi ng kwento
para mas maintindihan natin ito at para
malaman natin ang mga pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa ating binabasa.
D. Pag-uugnay ng mga
Halimbawa nalang!
Halimbawa sa Bagong Tuwing umaga, bago tayo papunta sa paaralan,
Aralin
may mga hakbang tayong gagawin. Importante
ang mga pagkasunod-sunod nang mga
hakbang na ito.
Halimbawa:
1. Tayo ay gigising
2. Magliligpit ng pinaghigaan
3. Masisipilyo / Maliligo
4. Magbibihis
5. Kakain
6. Papasok na sa Skwelahan
E. Paglalahad /
Pagtatalakay
Ngayon ay ating basahin ang isang Alamat ng
galing mismo sa ating Probinsya sa Bukidnon,
ang Pinagmulan ng Tabako. Ibuklat ang
inyung mga aklat sa pahina 191.
Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto sa
pagbabasa.
Tapos na bang magbasa ang lahat?
Tapos na po, sir.
Binasa ba ninyo ng mabuti ang kwento?
Opo, sir!
Naintindihan ba ninyo ang mga pangyayari sa
inyung binasang kwento?
Para mas maiintindihan ninyo ang kwento,
ating pag iisa-isahin ang mga pangyayari.
F. Paglinang ng
Kabihasaan
Ngayon ay ating pagsunod-sunorin ang mga
pangyayari sa inyung binasang Alamat. Itiklop
ang inyung mga aklat.
____ Minsan ay may tatlong magkakapatid. Si
Magdalamu, Mahanglas at si Mahiduk. Si
Mahanglas at Mahiduk ay parehong nakapagasawa.
____ Walang ibig magmahal kay Magdalamu
dahil sa kanyang sakit sa balat. Ito ang dahilan
kung bakit siya iniwan ng mga kalalakihan.
____ Tumanda si Magdalamu at kina-usap siya
ni Magbabaya para tulungan siya at para
mahalin ng siya ng mga kalalakihan.
____ Namatay si Magdalamu at siya’y
inilibing. Mayroong tumubong halaman sa
kanyang puntod.
____ May matandang lalaki na napadpad sa
puntod ni Magdalamu. Gusto niyang
manigarilyo ngunit wala siyang sigarilyo.
Nakita niya ang damong tumubo sa puntod ni
Magdalamu at kanyang tinikman at
nagustuhan niya.
_____ Pinangalanan ng matandang lalaki ang
damo ng Tabako, nakilala ito nga mga tao at
kinagigiliwan dahil nilikha ito ng Diyos.
Ngayon, ang tabako ay kinagigiliwan na nga
mga lalaki.
Mas naintindihan ba
pangyayari sa kwento?
G. Paglalapat
ninyo
ang
mga Opo, sir!
Ngayon ay meron tayong pangkatang gawain.
Bumuo ng pangkat na may limang membro.
Kagaya kanina na pinag sunod-sunod natin ang
pangyayari sa alamat, ngayon ay gagawa kayo
ng pagka sunod-sunod ng pangyayari.
Panuto: Sa isang buong papel, isulat ang
pagkasunod-sunod ng pangyayari kung ano
ang inyung ginagawa sa umaga bago kayo
papasok sa skwela.
Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto.
Tapos na ba ang lahat?
Magaling!
Ipasa ang inyung mga papel sa harap.
H. Paglalahat
Ngayong araw ay tinalakay natin ang isang
Alamat, Ang Pinagmulan ng Tabako.
Mas madali nating maiintindihan ang kwento
kung binasa ito natin mula simula hanggang
wakas.
Napakamahalaga na alam natin ang
pagkasunod-sunod na pangyayari sa kwento
para mas maiintindihan natin ito.
Tapos na po, sir.
May mga katanungan paba?
Wala na po, sir.
Magaling!
I. Pagtataya
Kung wala ng katanungan ay kumuha ng isang
buong papel para sa ating pasulit.
Panuto:
Pagsunod-sunorin
ang
mga
pangyayari upang mabuo ang isang kwentong
“Ang Alamat ng Panimaloy”.
3
May Magandang dalaga sa bahay.
Itinanong nila sa aso kung kung nasaan ang
mga mangangaso. Sa kakatanong ay sumagot
ang aso. Nagtawanan sila at binalaan sila ng
aso na kapag nagpumilit sila, may hinding
pangkaraniwang magaganap at hindi sila
makapagsisisi.
1 Noong unang panahon, may bantog na
Datu na maraming alagad. Initusan ng Datu
ang mga tagasunod na mangaso upang
ipagdiwang nila nag lagti (ritual).
4 Kakarating palang ng mangangaso nang
umulan ng malakas at bumagyo.
5 Ipinasya ng magkasintahan na lisanin
ang pook. Ang bahay nila ay tinangay ng agos.
At ang dating kinatatayuan ng bahay, umagos
ng umagos ang tubig hanggang umapaw ang
tubig at nagging lawa ang pook na iyon. At
tinawag na panimaloy.
2 Hindi nagluway, nakahuli sila ng baboy
ramo, at ang asong kasama nila ang unang
umuwi.
V.
TAKDANG ARALIN
Para sa inyung takdang aralin, gumawa ng pagninilay sa inyung nabasang alamat ng may pamagat
na “Ang Pinagmulan ng Tabako” Sa isang buong papel isulat ang mga aral na makikita sa Alamat.
VI.
MGA TALA
VII.
PAGNINILAY
Download