KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK ( 1ST QUARTER) KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG WIKA WEEK 1 KAHULUGAN NG WIKA. Ano nga ba ang wika? 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. 2. Finocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipag talastasan o di kaya’y makipag-ugnayan. 3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema arbitraryo ng mga simbolong ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. 4.Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estruktura. 5.Brown (1980)– Ang wika ay masasabing sistematiko. Set simbolikong arbitaryong mga nagaganap sa isang kultura, pasalita, pantao, at natatamo lahat ng tao. 6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at biswal na signal para makapagpahayag. 7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. 8. Bernales et al. (2002) - ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. 9. Mangahis et. al (2006)- may mahalagang ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. . 10. Constantino at Zafra- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang grupo ng mga tao. 11. Bienvenido Lumbera- Ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin. 12. Alfonso O. Santiago (2003)– Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan. KAHALAGAHAN NG WIKA. ● ● ● ● ● ● ● Ang wika ang pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Kung walang wika walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Wika ang nagsisilbing tagapag- ingat at tagapaglaganap ng mga karunungan at kaalaman. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kanya-kanyang wikang ginagamit. Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipag kasunduan sa isa’t isa. RESULTA NG KAWALAN NG ISANG WIKA. ● ● Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika. Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng pagkabigo ng sangkatuhan. KONSEPTO NG WIKA WEEK 2 KONSEPTO NG WIKA NG PILIPINAS. ● Ang tinatawag na “mga wika ng Filipinas” ay ang iba’tibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Hindi tiyak ang bilang ng mga ito, ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170. Itinuturing ang bawat isa na wika (language sa Ingles) dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika. Halimbawa, hindi maiintindihan ng tagapagsalita ng Ilokano ang tagapagsalita ng Bikol at vise-versa. Bawat isa sa mga wika ay may mga sanga na tinatawag na mga diyalekto na maaaring magkaiba sa isa’t isa sa ilang katangian. KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang Wika). ● Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang katutubo ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya. KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Ikalawang Wika) ● Ito ang wikang natutunan kasunod ng unang wika. Ito kasi ang karaniwang wikang nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan. KONSEPTO NG WIKANG OPISYAL ● Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. KONSEPTO NG WIKANG PANTURO ● Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolinggwal. Ang ibig sabihin, may isang wikang panturo—ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro na nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo, 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo. KONSEPTO NG BILINGGUWALISMO ● Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan. KONSEPTO NG MONOLINGGUWALISMO ● Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, wika ng pakikipagtalastasan, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa. KONSEPTO NG MULTILINGGUWALISMO ● Ang pilipinas ay isang bansang multilinggwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bihira ang Pilipino ang monolinggwal. Karamihan sa atin, lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan, ay naka pagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang wika o mga wikang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan. KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA ● Ang Pilipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng sambayanang may iba't-ibang nasyon at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang layunin sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay ang mabilis na pagkakaunawaan at ang pagsibol ng damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan na may iba't-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan. REGISTER - Estilo ito sa pananalita. Salita o termino na may iba’t ibang kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan nito. Halimbawa: - Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punong guro, iba rin ang gamit niyang register kapag kausap niya ang mga kasamahang guro at lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang kanyang mga mag-aaral. - Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa mensaheng ipinadala patungo sa iba pang cell phone. Samantalang sa literatura, ang text ay tumutukoy sa anumang nakasulat na akda gaya ng tula, sanaysay, maikling kwento at iba pa. - Sa propesyon naman, iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer, game designer, negosyante at iba pa. BARAYTI – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika batay sa estilo, punto at iba pang salik pangwika na ginagamit ng lipunan. Iba’t Ibang Barayti ng Wika: A. Dayalek – Barayti ng wika na nililikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook. Halimbawa: Naga – Mahigoson ka talaga, Andres! Sorsogon – Maparangahon ka nagad, Andres! Naga – Magayunon ka, Marita! Iriga – Naggayon na ka, Marita! Iba pang halimbawa: Legazpi – iyo (oo) Naga – sogok (itlog) Guinobatan – amo Albay - bonay B. Sosyolek – Barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Halimbawa nito ay wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Halimbawa: 1. Mag-malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation. 2. Wow pare, ang tindi ng tingin mo sa chick! 3. Repapips, etneb na lang ang pera ko. C. Idyolek – Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Personal na dayalek ito ng isang tao na nagiging marka o pagkakakilanlan niya. Halimbawa: Paraan ng pananalita nina Noli de Castro, Kris Aquino, at Gus Abelgas HOMOGENEOUS - Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. May kaugnayan din ito sa paggamit ng isang partikular na wika. Halimbawa: Makikita ito sa mahigpit ng pagtuturo ng mga gramatikal na estruktura at patakaran ng kung ano ang istandard na Filipino o Ingles sa loob ng mga paaralan. HETEROGENOUS – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo- ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Halimbawa: Dito sa ating bansa, ang pagiging multilingual ay nagsasabi na nag-iiba ang wika. WIKA SA MODERNONG TEKNOLOHIYA WEEK 3 Ang Facebook (literal na "aklat ng [mga] mukha") ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kumpanya. Ang Google Inc., Itinatag noong 1998, ay isang kompanya sa Estados Unidos na namamahala ng Google search engine. Nasa "Googleplex" ang kanilang punong tanggapan na matatagpuan sa Mountain View, California at mayroon silang higit sa 3,000 empleyado. MTB-MLE – Mother Tongue Based Multilingual Education- Tumutugon sa suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa iilan, kailangang buuin ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad at may pagpapahalaga sa katutubong kultura at wika ng mag-aaral. Pagsasalin – paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng wikang isinalin. Teknolohiya – pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglutas ng mga suliranin ng tao. Bakit gumagamit ng facebook ang mga tao? ● Ito ay may kakayahang kumonekta sa mga tao at ibahagi ang pagmamalasakit sa kanila ng sabay. Para sa marami, ang pagkakaroon ng Facebook account ngayon ay bahagi ng pagiging online, tulad ng pagkakaroon ng sariling email address. At dahil ang Facebook ay popular, ang ibang mga website ay ginagamit ito para sa kanilang trabaho. Nangangahulugan ito na maaari mong gamitin ang isang Facebook account upang mag-sign in sa iba't ibang mga serbisyo sa buong web. MGA KONSEPTO NG WIKA 1. Wikang Pambansa - Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.” 2. Wikang Opisyal - Ayon sa Artikulo IV, Seksyon 7, ang mga wikang opisyal ng PilipinaS ay Filipino, at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles. 3. Wikang Panturo –Konstitusyon ng 1987 Artikulo XIV, Seksyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”. PAGKAKAIBA NG BILINGGWALISMO SA MULTILINGGWALISMO SA KONSEPTO NG WIKA SA TEKNOLOHIYA. ● ● Bilingguwalismo – tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa dalawang wika. Multilingguwalismo – tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. KAUGNAYAN NG GOOGLE SA KONSEPTONG PANGWIKA. ● Sa pamamagitan ng kaalaman sa wikang Opisyal ng Pilipinas, ang Filipino at Ingles ay maaari mong malaman ang mga impormasyon na itatanong mo sa Google. Bakit ipinatupad ang ang Bilingual Education Policy sa (BEP) Pilipinas? ● Ito ang magiging gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na larangan ng pagkatuto sa mga paaralan. Mga layunin ng Bilingual Education Policy (BEP): 1. Mapapataas ang pagkatuto sa dalawang wika. 2. Mapalaganap ang wikang Filipino Bilang wika ng literasi. 3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa. 4. Malinang ang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng akademikong diskurso. 5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika sa Pilipinas at bilang wika ng siyensya at teknolohiya. Mga layunin ng multilinggwal na edukasyon (MTB-MLE)sa Pilipinas: 1. Matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto. 2. Kognitibong pag-unlad na may pokus Sa higher order thinking skills. 3. Akademikong pag-unlad na paghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kaalaman sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto. 4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanilang pinagmulang kultura at wika. “Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.” - Shakespeare GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN( Ayon kay M.A.K. Halliday) WEEK 4 Wika ● Mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan. Lipunan ● Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa. 1. Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. 2. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. 3. Regulatori - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. 4. Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. 5. Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. 6. Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. PARAAN NG PAGBABAHAGI NG WIKA (Jackobson 2003) Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) • Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon. Panghihikayat (Conative) • Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) • Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) • Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) • Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Patalinghaga (Poetic) • Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SPEAKING - Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika ayon kay Hymes. SETTING - Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon PARTICIPANTS - Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan n gating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di kaya'y sinusulatan. ENDS - Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap. ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan. KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap. INSTRUMENTALITIES - Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon. Lenggwaheng ginagamit o ang instrumenting ginamit upang makipag komunikasyon NORMS - Mahalagang maisaalang-alang ng isang tao ang paksa ng pinag-uusapan. GENRE - Batid dapat ng tao kung ano ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y aalam din ng kausap nang genre na kanyang gagamitin. GAMIT NG WIKA SA TELEBISYON AT PELIKULA Diyalogo ● Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng ugnayan. Tumutulong para maibabahagi ang mga bagay bagay o kaalaman na gustong iparating sa kapwa. ● Sa pamamagitan ng diyalogo ay madaling naipaparating sa kapwa ang mga gusto ipahiwatig at mga nararamdaman. ● Karaniwang ginagamitan ng diyalogo ay ang iskrip sa paggawa ng isang dula o pelikula. Pelikula ● Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan, bilang isang anyo ng sining o bahagi ng industriya ng libangan. Scarborough/Panatag Shoal ● Ang Kulumpol ng Panatag o Bajo de Masinloc (Ingles: Scarborough Shoal; Tsino: 黃岩島 Huangyan Dao), mas tamang sinasalarawan bilang isang pangkat ng mga pulo at bahura sa isang hugis atol sa halip na kulumpol, ay matatagpuan sa Pampang ng Macclesfield at Luzon, Pilipinas sa Dagat Timog Tsina, partikular ang Dagat Luzon. Katulad din ng karamihan ng anyong lupa sa dagat, pinagtatalunan ang soberanya ng lugar na ito. Ito ay inaangkin ng Pilipinas, Tsina at Taiwan bilang kanilang teritoryo. Sugnay ● Ang Sugnay ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito ay tinatawag na Clause sa wikang Ingles. HENERAL LUNA Ang kwento ay sinimulan sa pakikipagpanayam ni Heneral Antonio Luna sa isang kabataang mamamahayag, si Joven Hernando. Ipinaliwanag ni Joven na ang nasabing panayam ay para sa isang peryodiko tulad ng La Independencia. Dahil nais niyang tapusin ang mga nasimulan ng Heneral. Pagkatapos nito ay ipinakita na nagkaroon ng pagpupulong ang gabinete ng mga Pilipino. Ito ay dinaluhan ng ating unang pangulo na si Emilio Aguinaldo, unang Prime Minister na si Apolinario Mabini, Pedro Paterno, Manuel Buencamino, iba pang mga miyembro ng gabinete at syempre, ni Heneral Luna. Nagkaroon ng pagtatalo ang mga Pilipino kung ano ang dapat na mangyari sa pagitan ng Pilipinas ng Amerika. Sinubukan ni Heneral Luna na hikayatin ang mga Pilipino na maghanda ng mga pwersa para sa pakikipagdigma. Dahil ayon sa kanya na mas magandang mamatay sa digmaan kaysa pumunta sa pamumuno ng dayuhan. Agad itong hinadlangan ng marami partikular na nina Paterno at Buencamino. Iminungkahi nila na maganda ang adhikain ng Amerika at mas maganda kung tayo'y makikipagkasundo sa kanila. Umalma ang Heneral sa pamamagitan ng pagsabi na walang puwang ang mga bulag sa gabinete ng Pilipinas. Pahapyaw din na ipinakita ni Mabini ang pagsang-ayon dito sa pamamagitan ng pagsasabi na dapat ipagdasal ang kapayapaan ngunit dapat na paghandaan ang digmaan. Sa gitna ng pagtatalo nila ay dumating ang isang liham mula sa mga puwersang Pilipino. Isinasaad nito na waring nagpapahiwatig na ang mga Amerikano ng giyera dahil pinaputukan ng mga ito ang mga Pilipino sa Sta. Mesa. Ito na ang nagsilbing hudyat ng labanan. Naganap ang labanan ng mga Pilipino at Amerikano sa pamumuno ni Heneral Luna at ni Arthur McArthur. Maraming mga Pilipino ang namatay at nasugatan sa labanan dahil sa napakalakas ng puwersa ng mga Amerikano. Dahil dito, marami ang pinanghinaan ng loob. Nang mapansin ito ng Heneral ay agad itong nanindigan at sumugod ng mag-isa sa mga kalaban. Nakita ito ng mga Pilipino at dahil dito ay muling nag-alab ang kanilang mga puso, ang pagmamahal sa bayan. Kinalimutan nila ang kanilang mga sarili at walang takot na sumugod para sa kasarinlan. Dahil dito ay umatras ang mga Amerikano sa nasabing labanan. Mayroong naging plano ang Heneral, ito ay ang gumawa ng isang hukay mula Caloocan hanggang Novaliches bilang bahagi ng taktika na kanyang binubuo. Hindi lamang nila magawa ang nasabing plano dahil sa kakulangan nila sa mga manggagawa. Nangalap ng mga tao si Heneral Luna sa loob ng tatlong araw. Nang siya ay magbalik ay mayroon na siyang 4000 na libong manggagawa na may dalang kanya-kanyang mga pala at asarol. Sunod na ipinakita ay ang pagpapatuloy ng panayam ng Heneral kay Joven. Dito ay ikinuwento ng Heneral ang katapangan at nag-aalab na pagmamahal sa bayan ng isang tinyenteng nakilala niya habang sila ay nakikipaglaban sa mga Amerikano. Ipinakita na tinitigan ni Joven sa opisina ng Heneral ang mga bala ng baril na waring nagsisimbolo ng katapangan at at pag-asa ng kasarinlan ng Pilipinas. Pagkatapos ay umuwi ang Heneral sa kanyang tahanan at doon ay naabutan niya si Isabel, ang kanyang kasintahan na nagmula sa isang mayamang pamilya. Bahagyang nang-away ang dalawa dahil sa lubos ang pag-aalala ni Isabel sa tuwing nakikipagdigma ang Heneral. “Giyera ang iyong asawa, ako ang iyong querida”, wika pa niya. Nagpasya si Isabel na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan kaysa sa kanilang damdamin sa isa’t isa. Dito ipinakita na mas pinili nila ang kanilang pagmamahal sa bayan kaysa sa pansariling kaligayahan. Sunod na nangyari ay nalaman ni Heneral Luna na nagpunta si Heneral Mascardo sa isang pistahan sa Arayat. Lubos niya itong kinagalit dahil ayon sa kanya ay wala na daw panahon sa pistahan sa gitna ng giyera. Ito pinagmulan ng kanilang pag-aaway na siyang nauwi sa paghaharap nila sa Gua Gua. Habang nasa Gua Gua si Luna ay sinugod ng mga Amerikano ang Bagbag na siyang nagpabagsak sa bayan. Pumunta si Heneral Luna sa bagong opisina ni Aguinaldo sa Nueva Ecija upang magbitiw sa hukbong sandatahan. Hindi ito tinanggap ni Aguinaldo at Mabini. Hiniling ni Luna na pagpasyahan na ang nais niyang magtayo ng kuta sa norte at pagkatapos nito ay lumisan na siya. Nagsumbong ng kasinungalingan sina Paterno at Buencamino kay Aguinaldo na nais daw umano ni Luna na maging isang diktador kapalit niya. Agad nitong nalason ang utak ni Aguinaldo. Makatapos ay may natanggap si Heneral Luna na isang liham mula kay Aguinaldo na nagpapapunta sa kanya sa Cabanatuan. Nagtungo siya rito ngunit di niya alam na nakahanda na rito ang mga taong papatay sa kanya. Hindi man lamang naghinala si Heneral Luna sa layunin ng liham dahil ipinakita sa kwento na malaki ang kanyang tiwala kay Aguinaldo. At dito ay naganap na nga kalunoslunos na parte ng kasaysayan ng Pilipinas. Walang awang pinatay ng mga kapwa niya Pilipino si Heneral Antonio Luna ngunit kailanman ay hindi nabigyan ng hustisya ang madugong pangyayari. Ang pelikulang ito ay ayon sa kasaysayan ng ating bansa. Umikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano sila lumaban tungo sa kalayaan. Ipinakita sa pelikulang ito ang paraan ng pamumuno ni Hen. Antonio Luna sa mga Pilipinong sundalo laban sa pwersa ng mga Amerikano. Inilarawan din sa pelikula ang mga suliraning kinaharap ni Luna kasabay ng kagustuhang makamit ang kalayaan- tagumpay, kataksilan at kamatayan. Sa huli, na salamin sa pelikula ang kahalagahan ng disiplinang kailangan ng isang bayan, at katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sarili para sa bayan. Hindi inamin ni Aguinaldo maging ni Buencamino na sila ay may kinalaman sa nangyari. Nananatili itong isang mantsa sa ating kasaysayan na kailanman ay hindi mabubura. Kasabay ng pagkamatay ng nag-iisang tunay na Heneral ng Pilipinas ay ang pagkaupos ng pag-asa sa kasarinlan ng bawat Pilipino. Sinabi ng Heneral na; “Kung panaginip lamang ang umasa sa pag- unlad, managinip tayo hanggang sa kamatayan.” Ang mga katagang ito ay kanyang pinanghawakan hanggang sa kanyang huling hininga. COHESIVE DEVICE O KOHESIYONG GRAMATIKAL 1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari ito maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto). 2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. 3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawawalang salita. 4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay. 5. Kohesyong Leksikal- Mabisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. a. Reiterasyon- (1) Pag-uulit o repetisyon, (2) Pag-iisa-isa, (3) Pagbibigaykahulugan b. Kolokasyon PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA SA LIPUNAN WEEK 5 Sitwasyon ng Gamit ng Wika sa Lipunan Bawat indibidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika na may kaakibat na tungkulin na kailangang pagtuunan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang paggamit nito. May mga pagkakataong kinakailangan ang gabay na tungkulin sa wika sa isang sitwasyon, at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon. Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language”, mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang paggamit ng wika. Halimbawa: Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong sakit. Pasalita: Pakikipag-usap sa mga nakasabay sa grocery at pinag-uusapan ang tungkol sa buhay may asawa at magulang. Isang katangian ng wika ay nakasandig sa kultura. Anuman o sinuman ang man dayuhan at makaranas ng mga pangyayari, matuto ng mga bagay-bagay ay tiyak na maiimpluwensyahan ang wika. Mabilis na lumalawak ang mga salitang hiram at nagiging bokabularyo rin kinalaunan. PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA WEEK 6 Wikang Pambansa ● Nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. ● Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. ● Ito ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng bansa. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Panahon ng mga sinaunang Pilipino Ang mga katutubo ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbaybay na mas kilala sa tawag na Alibata. Panahon ng Kastila Ipinakilala nila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol. Panahon ng Propaganda At Himagsikan Maraming naisulat na panitikan sa wikang Tagalog- tula,sanaysay,kwento at iba pa na hitik sa damdaming makabayan. Panahon ng Amerikano Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon. Pebrero 8, 1935 ● Artikulo XIV sec. 3 ng konstitusyong 1935 ang bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wikang mayroon sa ating bansa. ● Nagkaroon ng Unang Hakbangin ang Pilipinas ang magkaroon ng wikang Pambansa. October 27, 1936 ● Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng pag-aaral sa wikang katutubo. Nobyembre 13, 1936 ● Pinagtibay ang batas komonwelt blg. 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang kapangyarihan nito. Nobyembre 9, 1937 ● Pagtibayin ang Tagalog bilang saligan ng wikang Pambansa. Nobyembre 13, 1937 ● Ang unang Pambansang Asemblea Ng siyang bumubuo sa Institusyon ng Wikang Pambansa. Disyembre 30, 1937 ● Ang wikang Pambansa ang ibabatay Sa pamamagitan ng kautusang tagapagpaganap blg. 134 ng Pang. Quezon. ● Hinirang ni Pang. Quezon ang mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. April 1, 1940 ● Ipinalabas ang kautusang na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa wikang pambansa. Hunyo 7, 1940 ● Batas komonwelt Blg.570, mula sa hulyo 4, 1946 ang wikang pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 ● Ipinag utos ni pangulong Magsaysay Ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. Agosto 12, 1959 Tinawag na Pilipino ang wikang pambansa na nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ang Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Oktubre 24, 1967 ● Nilagdaan ni Pang. Marcos na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay ipangalan sa Pilipino. Marso, 1968 ● Kalihim ng Tagapagpaganap na si Rafael Salas na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. Agosto 7, 1969 ● Nanawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan si Ernesto Maceda na dumalo sa mga seminars sa Pilipino na idinaraos ng Surian ng Wikang Pambansa upang mapalaganap ang wikang pambansa. Agosto 17, 1970 ● Pagpapalabas ni Alejandro Melchor ng Memorandum Sirkular Blg. 384 nagtalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino. Marso 4, 1971 ● Pinalabas ni Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 443 na lahat ng tanggapan ng pamahalaan magdaos ng palatuntunan para sa kapanganakan ni Balagtas. Marso 16, 1971 ● Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 Nililiwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa. Hulyo 29,1971 ● Memorandum Sirkular Blg. 488 lahat ng tanggapan ng pamahalaan magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa , Agosto 13-19. ● Agosto 7, 1973 ● Resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ang Pilipino. Hunyo 19, 1974 ● Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingwal. Hunyo 30, 1979 ● Department Memo no. 194- Ang naturang revised Filipino Alphabet ay binubuo ng 31 na letra. Setyembre 9, 1989 ● Pinalabas ng Kalihim Quisumbing ang Kautusang Tagapagpaganap blg.335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. Agosto 25, 1988 ● Kautusang Tagapagpaganap blg. 335 ay ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino na nagtadhana ng komisyong pangwika. Kung kaya patuloy ang pag-aaral tungo sa kaunlaran ng Wikang Pambansa. Taong 1987 ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. PANANAW NG MGA AWTOR SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SURIAN NG WIKANG PAMBANSA ● ● Mag-aaral ng mga dayalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at magpatibay ng pambansang wika batay sa isa sa umiiral na wika. Hangarin nito na paunlarin ang Filipino bilang isang modernong wikang magagamit na mabisang kasangkapan sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. DAYALEKTO ● Barayti ng wikang nilikha ng dimensyong heograpiko tinatawag din itong wikain. ● Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Tagalog ang siyang naging batayan ng Wikang Pambansa dahil nagtataglay ng humigit kumulang na 5,000 salitang hiram sa Kastila 1,500 sa Ingles, 1,500, Sa Intsik at 3,000 sa Malay. ● ● ● ● ● ● ● Madali raw matutong magsalita at makaunawa ng Tagalog ang mga tao na nakatira sa ibang isla. Iyon ay ayon sa pananaliksik na ginawa ni Propesor Apolinar Parale. Pinatunayan naman ni Prayle Domingo Navarette na siya ay natutong magsalita ng Tagalog ng walang gaanong hirap. Ayon sa mga Iskolar ang Tagalog ang siyang may pinakamalawak na dayalekto at ito’y halos sumakop sa ibang dayalekto sa Pilipinas. Ang wikang Tagalog ang siyang wikang nababagay sa yaman at flexibility para sa pag-unlad ng panitikan, ayon kay Frank Blake. Pinagtibay ni Henry Bartlett na ang heograpiya ay may malaking gampanin tungo sa pagpapatibay ng Tagalog. Pinagtibay pa ito ni David J. Doherty na ang tagalog ay may kapasidad na maging behikulo ng pagpapatuloy ng kulturang katutubo. Ayon nga sa mga mananaliksik ang tagalog ay may malawak na basehan malakas ang potensyal para sa paglalapi o pag-asimilasyon ng mga salitang banyaga sa Tagalog. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang Filipino? ● ● ● ● Filipino ang Wikang Pambansa ng Pilipinas Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at di Katutubong wika. Katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang wikang Filipino ay buhay at dahil nga buhay, ito ay dinamiko. Gaano kahalaga ang Pambansang Wika sa isang bansa? ● ● ● ● Itinuturing itong mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan Ito’y sibulan ng damdamin ng pagkakaisa Ito ang nag-uugnay ng sambayanan Ito ay isang sagisag sa pagtatag ng isang Pambansang pamahalaan. Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan ay iskolarling na pagpapahayag. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (WEEK 7) TAGALOG ● Isang Wikang natural at may mga Katutubo itong tagapagsalita. ● Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa na tinatawag ding tagalog. PILIPINO ● Bilang Wikang Pambansa noong 1959 bunga ito ng kalituhan batay sa Wikang Pambansa sa Tagalog noong 1937. ● Lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estruktura at nilalaman. ● Ito ay isang Mono Based National Language. FILIPINO ● Pambansang Lingua Franca, ito ay nagsisilbing pangalawang wika ng higit sa nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan. SANHI AT BUNGA NG PAG-UNLAD NG WIKA Ang Lingua Franca ay nabuo dahil sa pakikipag-ugnayan sa komersyo ngunit nagiging dahilan din ito para sa; ● Pagpapalitan ng kultura ● Relihiyosong ugnayan ● Diplomasya ● Pamahalaan sa magkalayong lupain ● Tungkol sa agham mula sa magkaibang nasyonalidad Pinaka esensya ng konsepto ng wikang Filipino. ● Bilang isang Lingua Franca, ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa lalo na sa mga siyudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano, Ilocano, Pampanggo, Tausug, Kalinga at iba pa. ● Dahil nga Lingua Franca at pangalawang wika, nabubuo ang barayti nito bunga ng impluwensiya ng ating kani-kanilang unang wika sa paggamit nito. ● Mga barayti itong bunga ng dimensyong heograpiko, kung kaya maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng Filipino, Cebuano barayti,Mindanaon barayti at iba pa. Pahayag ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo tungkol sa wikang Filipino. Ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.