Sa kasaysayan ng nakaraan, Ekonomiyang dumaan sa laban. Noong unang panahon, pagsulong ay mabagal at maraming katiwalian Yaman ng bayan, iilang kamay lamang ang nakakamtan. Gintong yaman ng Pilipinas, sa ibang bayan napupunta, Kagubatan at likas-yaman, sa pananakop, nililipol ang ganda. Nag-usbong ang pag-aaklas, sa pangarap ng kasarinlan, Ekonomiyang makatarungan, hangarin ng mga kababayan. Sa panahon ni Rizal, kahirapan ang agos, Mga tao'y nagtiis sa kahirapan ay nagagapos. Patak-patak ang sweldo, di sapat sa mesa, Marami ang nagugutom, araw-araw ang puwasa. Nakikita ni Rizal ang pangkakagapos ng bansa, Mga magsasaka't manggagawa, sila ang nababalisa. Kayamanan sa iilang kamay, kayhirap sa iba, Di pantay ang lipunan, ang agwat ay di matawa. Nais ay kayamanan at karangalan, ngunit buhay ay kay pait, Habang sa iba'y sagana, sa ati’y pag-asa'y malimit. Sa bawat sulok ng bayan, may nagsusumamo, Hiling ng bawat pusong sugatan, hustisya at maayos na pamumuno. Gunitain natin ang pagsisikap ni Rizal, Ito ang pilit nating dinarasal Nawa’y itaguyod ang bayan, umangat ang kabuhayan. Magbubuklod tayo, tungo sa mas maunlad na kinabukasan. Ito ang mensahe ni Rizal, sa bawat isa'y paalala, Sa harap ng kahirapan, magtulungan at magkaisa. Pag-asa'y di mawawala, sa bawat pagsisikap at lakas, Ating maaabot, walang hirap na hindi masusugpo sa liwanag ng bukas. Bilang aral mula sa kasaysayan, Ang ekonomiya'y dapat para sa lahat ng mamamayan. Sa bayan ni Rizal, ang pangarap ay uusbong Sana'y maging katotohanan anumang oras ng ating pagsulong.