Uploaded by Princess Ann Dela Cruz

AP7-EXAM-Q3

advertisement
CALAPANDAYAN INTEGRATED SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 7
3rd Quarter Examination
Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
__1. Siya ang italyanong adbenturerong taga-Venice na nakatuklas ng kagandahan ng Asya.
a. Vasco Da Gama b. Kublai Khan
c. Marco Polo
d. Ferdinand Magellan
__2. Ito ay tinaguriang banal na lugar sa Israel kung saan inilunsad ang Krusada mula 1096 hanggang taong 1273.
a. Rome
b. Greece
c. Egypt
d. Jerusalem
__3. Patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop
para sa sariling interes.
a. Nasyonalismo
b. Kolonyalismo
c. Imperyalismo
d. Kristiyanismo
__4. Serye ng kampanya ng mga Kristiyanong Kabalyero na ang layunin ay bawiin ang Jerusalem mula sa mga Muslim.
a. Krusada
b. Renaissance
c. Merkantilismo
d. Paglalakbay ni Marco Polo
__5. Ito ay isa sa apat na pangunahing salik sa panahong imperyalismo na isinulat ni Rudyard Kipling na nagpapakita ng
mataas na pagtingin ng mga Kanluranin sa kanilang mga sarili.
a. Kapitalismo
b. White Man’s Burden
c. Rebolusyong Industriyal d. Udyok ng Nasyonalismo
__6. Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika,pangkabuhayan at kultural sa
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado.
a.
Nasyonalismo
b. Kolonyalismo
c. Imperyalismo
d. Kristiyanismo
__7. Isa sa mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo kung saan ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng
ginto at pilak na mayroon ito.
a.
Krusada
b. Renaissance
c. Merkantilismo
d. Paglalakbay ni Marco Polo
__8. Isang Sistema na ipinatupad ng mga Kanluranin matapos sakupin ang Kanlurang Asya na naging dahilan upang ang
mga bansa ay magkaroon ng sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan.
a.
Monopolyo
b. Protectorate
c. Satyagraha
d. Sistemang Mandato
__9. Isang istrakturang bilihan na may malakas na puwersang itinakda ang presyo at dami ng ibebenta dahil iisa lamang
ang prodyuser na nagbebenta ng produkto at serbisyo sa maraming mamimili.
a.
Monopolyo
b. Protectorate
c. Satyagraha
d. Sistemang Mandato
__10. Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at kultural sa
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado.
a.
Nasyonalismo
b. Kolonyalismo
c. Imperyalismo
d. Kristiyanismo
__11. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan o nasyonalismo MALIBAN sa isa.
a. Si Jenny ay humihinto sa paglalakad tuwing papasok sa eskwela at maririnig na tumutugtog ang Pambansang
Awit.
b. Si Nicole na tinatangkilik ang mga produktong gawa sa Pilipinas
c. Si Andres Bonifacio na nakipaglaban sa mga Espanyol para sa Kalayaan ng bansang Pilipinas
d. Si Julie na gustong gusto ang mga produktong banyaga gaya ng Iphone, Louis Vitton, at Mcdonalds.
__12. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magpresenta ng mga
mag-aaral sa kasalukuyan ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito mapagyayaman hanggang sa
hinaharap. Alin ang mas angkop gamitin sa video conferencing?
a. Multimedia presentation at pagtatalakay
b. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
c. pagkukwento at pagtatanong
d. debate at pag-uutos ng dapat gawin
__13. Paano nakaapekto ang tulang White Man’s Burden sa pananakop ng mga Europeo ng mga bansa sa Asya?
a.
b.
c.
d.
Nagkaroon ng ideya ang mga taga Europeo na bawat lugar na kanilang nararating ay kanilang sasakupin.
Ito ang kaisipan na ginamit ng Kanluranin upang masira ang monopolyo ng Italian.
Nagkaroon ng higit na pangangailangan sa mga hilaw na sangkap na matatagpuan sa Asya
Ginamit itong katwiran ng mga Europeo upang palaganapin ang kanilang kabihasnan sa daigdig.
__14. Sa pagpasok ng Ikalawang Yugto ng imperyalismo lumaganap ang Industriyalisasyon, gumamit ng mga makina ang
mga Europeo na naging dahilan ng pagkakaroon ng labis na produkto. Sa paanong paraan nakasama ang
Industriyalisasyon sa mga bansa sa Asya?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng mga bansa Asya.
b. Nagkaroon ng pagkasira ng kalikasan dahil sa pangangailangan ng mga Kanluranin sa mga hilaw na sangkap na
matatagpuan lamang sa Asya.
c. Nagkaroon ng mga pamilihan ang mga kolonya sa Asya dahil sa mga labis na produkto.
d. Wala itong naging masamang epekto
__15. Paano ginamit ng mga Kanluranin ang Kapitalismo upang manakop ng mga bansa sa Asya?
a.
b.
c.
d.
Sa pamamagitan ng paggamit ng kapital o pera upang mamuhunan sa mga lupain sa Asya
Sa pamamagitan ng pagdala ng mga sobrang produkto sa mga pamilihan sa Asya
Ginamit itong paraan upang umunlad ang kanilang ekonomiya
Lahat ng nabanggit
__16. Ito ang tawag sa mapusok na pamamaraan ng nasyonalismo na ginamit ng bansang India laban sa mananakop na
Great Britain.
a. Aggressive
b. Defensive
c.Passive
d. Radikal
__17. Ano ang tawag sa pag-uwi sa Palestine ng mga Jews mula sa iba’t ibang panig ng daigdig?
a. Holocaust
b. Zionism
c. Sutee
d. Satyagraha
__18. Sumiklab ang unang pag-aalsa ng mga Indian laban sa mga Ingles dahil sa mga patakarang ipinatupad nito na labag
sa kanilang kultura at relihiyon.
a. Armitsar Massacre b. Sutee
c. Rebelyong Sepoy d. Racial Discrimination
__19. Nangangahulugan ito na ang isang bansa ay naghahanda na maging Malaya at isang nagsasariling bansa na
mapapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
a. Treaty of Versailles
b. Kasunduang Lausanne c. Sistemang Mandato
d. Kasunduan sa France
__20. Matapos bumagsak ng Imperyong Ottoman, naisilang ang Republika ng Turkey sa pamamagitan ng isang
kasunduan.
a. Treaty of Versailles
b. Kasunduang Lausanne c. Sistemang Mandato
d. Kasunduan sa France
__21. Matapos masakop ng mga Ingles ang India, nagpatupad ito ng mga patakaran na nagpasiklab sa damdaming
nasyonalismo ng mga taga Indian at isa na rito ay ang pagpatay sa mga babaeng sanggol na tinatawag na_________.
a. Female Infanticide
b. Sutee
c. Armitsar Massacre
d. Racial Discrimination
__22. Paano ipinakita ng mga Kanluranin ang Racial Discrimination o Pagtanggi ng lahi sa bansang India?
a.
b.
c.
d.
Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng patakaran na labag sa relihiyon at paniniwala ng mga Indian.
Sa paraan ng pamamaril ng mga Ingles sa grupo ng mga Indian sa selebrasyong Hindu
Hindi magandang pagtrato sa mga sundalong Indian at ginagawang alipin ang mga ito
Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga batang babaeng sanggol
__23. Mahalaga ba ang ginampanan ni Mohandas Gandhi upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansang India?
a. Opo, dahil isa siya sa kasapi ng Rebelyong Sepoy na lumaban para sa Kalayaan ng India
b. Opo, dahil siya ang nagtatag ng kilusang Hindu upang makamtan ang Kalayaan ng India sa kamay ng mga Ingles
c. Opo, dahil siya ang nangunang lider nsyonalista sa India na sinimulan ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa
pamahalaan.
d. Hindi po, dahil siya ay kumampi sa mga Ingles upang makuha ang kaniyang mga pansariling interes.
__24. Sa loob ng 465 na taon nasakop ng Imperyong Ottoman ang Kanlurang Asya dahilan upang umusbong ang
nasyonalismo rito. Bakit ginusto ng mga bansa sa Kanlurang Asya na makalaya sa kamay ng Imperyong Ottoman?
a.
b.
c.
d.
Upang magkaroon ng pagbabago sa Sistema ng pamahalaan, kultura, at ekonomiya sa kanilang mga bansa
Dahil masyado ng matagal ang paghahari ng Ottoman sa kanilang mga bansa kaya’t gusto na nila itong mapalitan
Dahil wala na silang tiwala sa kanilang pamahalaan
Dahil gusto nilang makapasok ang mga Kanluranin sa kanilang mga bansa
__25. Anong taon sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. 1914
b. 1915
c. 1916
d. 1917
__26. Ano ang bumubuo sa alyansa ng Central Powers noong Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Russia at Great Britain
c. Austria-Hungary at Great Britain
b. France at Germany
d. Germany at Austria-Hungary
__27. Siya ang namuno sa muling pagbangon ng Germany at nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Franklin Roosevelt
b. Adolf Hitler
c. Benito Mussolini
d. Winston Churchill
__28. Ito ang alyansa na nabuo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamumuno ng Germany,Italy at Japan.
a. Central Powers
b. Axis Power
c. Allies
d. Ahimsa
__29. Ito ang tawag sa hidwaan ng dating magkaalyadong bansa na United States at Soviet Union dahil sa pagkakaiba ng
ideolohiya sa usapang ekonomiya,militar at politikal.
a. World War I
b. World War II
c. Azerbaijan Crisis d. Cold War
__30. Sa pag-usbong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakisali na din ang mga bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig,
ito ay makabago at mapaminsalang kagamitan na ginamit ng Amerika upang magsagawa ng pag-atake sa Japan.
a. Atomic Bomb
b. Nuclear Bomb
c. Blast Bomb
d. Postal Bomb
__31. Kasunduan na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig na isinagawa sa
Versailles,France.
a. Treaty of Versailles
b. Kasunduang Lausanne c. Sistemang Mandato
d. Kasunduan sa France
__32. Mayo 1946 ng simulang alisin ng Russia ang kaniyang mga Tropa sa Iran na hindi tuluyang naisakatuparan bagkus
ay naging sanhi ng pagkakaroon ng ______.
a. Unang Digmaang Pandaigdig
b. Rebelyong Sepoy
c. Cold War
d. Azerbaijan Crisis
__33. Kelan sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Agosto 1939
b. Setyembre 1939
c. Oktubre 1939
d. Nobyembre 1939
__34. Bakit nagkaroon ng kasunduan na tinatawag na Tehran Conference sa pangunguna nina Franklin Roosevelt,
Winston Churchill at Joseph Stalin?
a. Upang magkaroon ng Kalayaan ang bansang Iraq sa kamay ng mga Kanluranin
b. Upang lisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili ito at maging malayang bansa.
c. Para higit na mapalakas ang kapangyarihan ng mga Europeo sa Kanlurang Asya
d. Para maiwasan ang mga kaguluhan dulot ng mga pananakop ng Kanluranin sa Asya.
__35. Ang Balfour Declaration 1917 ay ipinalabas ng mga Ingles kung saaan nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa
mga Jews upang kanilang maging tahanan. Paano ito nakaapekto sa Israel at Palestine?
a. Nagkaroon ng pagkakasundo sa pagitan ng Israel at Palestine na hindi na guguluhin ang isa’t isa.
b. Ito ang naging dahilan upang lisanin ng Palestine ang kanilang lugar at ipaubaya ito sa Israel
c. Napasailalim ang Israel at Palestine sa kamay ng mga Europeo
d. Ito ang naging dahilan sa pagkakaroon ng hidwaan at hindi pagkakasundo sa pagitan ng Israel at Palestine
__36. Bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a.
b.
c.
d.
Dahil sa pag-atake ng Germany sa bansang Poland
Dahil sa pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand
Dahil sa pag-aagawan ng Teritoryo ng mga Kanluranin
Dahil matagal ng pinlano ng Austria-Hungary na umatake sa bansang Serbia
__37. Siya ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka”
a. Swarmi Dayanad Saraswati
b. Bal Gandgadhar Tilak
c. Benito Mussolini
d. Don Stephen Senanayake
__38. Nakilala rito ang bansang Iraq sapagkat ang pagbabago ng pamahalaan ay madalas humantong sa karahasan.
a. Republika ng Takot
b. Republika ng Karahasan
c. Republika ng Biak-na-Bato
d. Republika ng Iraq
__39. Ito ay isa sa mga ideolohiyang ginamit ng mga bansa na nakatira sa Timog Asya kung saan ang mga tao ang may
kapangyarihang mamili ng mamumuno sa kanilang bansa.
a. Sosyalismo
b. Pasismo
c. Demokrasya
d. Komunismo
__40. Sistema ng pamamahala ng pamahalaan kung saan sandatahang military ang ginagamit upang maipatupad ang
kagustuhan ng namumuno.
a. Sosyalismo
b. Pasismo
c. Demokrasya
d. Komunismo
__41. Isang Sistema o kalipunan ng mga kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito na
nabuo.
a. Ideolohiya
b. Komunismo
c. Pasismo
d. Demokrasya
__42. Ano ang nagtulak kay Muhammad Ali Jinnah upang magtatag ng Muslim League noong 1906?
a.
b.
c.
d.
Upang ipaglaban ang kanilang kasarinlan laban sa mga mananakop na Ingles
Upang himukin ang mga Indian na magbasa ng veda upang maging batayan ng pang-araw-araw na pamumuhay
Para sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa laban sa mga hukbong British
Para hindi mapinsala ang kanilang kultura at relihiyon
__43. Si Bal Gandgadhar Tilak ay isang nasyonalista na taga India na nagtatag ng kilusang Rebolusyonaryo laban sa
bansang __________.
a. Great Britain
b. France
c. Italy
d. Germany
__44. Itinatag ito sa bansang Sri Lanka upang ipaglaban ang kasarinlan ng kanilang bansa.
a. Ceylon National Congress
b. Treaty of Versailles
c. Sistemang Mandato
d. Kasunduang Lausanne
__45. Ang CEDAW ay nangangahulugang _________.
a. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
b. Convention on the Elicit Forms of Discrimination Against Women
c. Convention on the Elimination of All Distraction Against Women
d. Convention on the Elicit Forms of All Forms of Discrimination Against Wome
__46. Tumutukoy sa karapatan ng mga babae na bumoto ng naaayon sa batas na nasyonal at local na eleksyon
a. United Front for Womens
b. Women’s Suffrage
c. CEDAW
d. Mothers Front
__47. Isa ito sa pinakamalaking samahang pangkababaihan na naitatag sa bansang Bangladesh.
a. United Front for Womens
b. Women’s Suffrage
c. Mahila Parishad
d. CEDAW
__48. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kababaihan MALIBAN SA
a. Ang mga kababaihan ay hinahayaang maghanapbuhay para sa kaniyang pamilya
b. Ang mga kababaihan ay walang karapatang mag-aral sapagkat hindi dapat sila magkaroon ng pantay na
edukasyon sa mga kalalakihan
c. Mahina ang tingin sa mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan
d. Ang mga kababaihan ay dapat nasa bahay lang at gumagawa ng mga Gawaing bahay
__49. Isang uri ng Ideolohiya na kung saan ang mga tao ay walang uri sa lipunan, pantay-pantay ang lahat, walang
mayaman o mahirap manggagawa ang nangingibabaw sa bansa.
a. Sosyalismo
b. Pasismo
c. Demokrasya
d. Komunismo
__50. Ipinangalan sa kaniya ang bansang Saudi Arabia matapos maideklara bilang hari.
a. Ali Jinnah
b. Gandhi
c. Ibn Saud
d. Gavrilo Princip
Download