Uploaded by Grace Faith Ferrancol

Part-1-Proseso-ng-Impormasyon-para-sa-Komunikasyon

advertisement
PAGPOPROSESO NG
IMPORMASYON
PARA SA
KOMUNIKASYON
Nilalaman
Panimula
Mga Layunin
Lunsaran
Ang Pananaliksik at ang
Komunikasyon sa Ating Buhay
Talasanggunian
Panimula
Magagandang Dulot ng K to 12
pagbubukas ng isip ng mga mag-aaral sa akademikong
gawain
isa na rito ang pagsasagawa ng mga pananaliksik na sa
dating kurikulum ay sa ikatlong taon pa ng mga
mag-aaral sa kolehiyo nasisimulan para sa kani-kanilang
tesis
Sa yunit na ito …
pagtatalakayan ang papel na ginagampanan ng pananaliksik at
komunikasyon sa buhay ng tao.
bibigyang-pansin ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksang
magiging pokus ng pananaliksik
bibigyang-linaw rin dito ang mga tiyak na halimbawa ng batis na
maaaring pagkuhanan ng impormasyong magagamit sa pananaliksik
may mga pamamaraan din ng pagkalap ng datos na ipipresenta at
pagsusuri sa mga ito.
Mga Layunin
1.
mabigyang-katuturan ang mga pamamaraan sa
pagpoproseso
ng
komunikasyon;
2.
impormasyon
para
matukoy ang mga batis ng impormasyon at proseso
ng
pagkalap
ng
impormasyons
kapaki-pakinabang sa pananaliksik; at
3.
sa
na
mabigyang-konsiderasyon ang kultura, aspektong
panlipunan, at kasalukuyang pandemya sa
pakikipagpalitan ng ideya gamit ang mga tradisyonal
at modernong midya.
Lunsaran
Panoorin ang mga sumusunod na video kaugnay ng
• https://www.youtube.com/watch?v=XCdwct8iFE8
• https://www.youtube.com/watch?v=QNKJhDyNwxM
ANG PANANALIKSIK
AT ANG
KOMUNIKASYON SA
ATING BUHAY
Kaalamang Natutuhan Mula sa Pag-oobserba at
Pagsusuri ng lipunan
ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at
pakikipagtalastasan sa kapuwa
Mga Nabatid at Napaglimiang Kaalaman Mula sa
Karanasang Panlipunan
pumapanday sa karunungang siyang gumagabay sa
ating maliliit at malalaking desisyon at hakbang sa
buhay
Pangunahing Salik ng Kaalaman
ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao,
sa ating kapaligiran, at midya
Samakatuwid…
lubhang
mahalaga
na
pagyamanin
ang
ating
kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang
bawat butil ng impormasyon na alam natin at
anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa
– dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman
ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng
desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay
sa nabuo nating kaaalaman at napanday nating
karunungan.
Pamamaraan ng Pangangalap ng Kaalaman
bawat pangyayari sa araw – araw mula sa umaga
paggising hanggang sa gabi bago matulog na
bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng
kaalaman
bawat karanasan mula sa pinakamaliliit hanggang sa
pinakamalalaki
Pamamaraan ng Pangangalap ng Kaalaman
ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha mula
sa pinakakumplikadong mga karanasan
pag-usbong ng mga perspektibo na maaari nating
magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung
kinahaharap natin lalo at higit sa mga
mapanghamong panahon na nagmumulat sa atin na
mas maging mahusay sa pagdedesisyon at
pag-aksyon sa mga bagay-bagay
Kaalaman
kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan
malakas ang bisa at talab ng mga ibinabahaging
kaalaman batay sa malalim at malawak na pagsusuri
at pagtatahi ng impormasyon
makatutulong sa pag-igpaw sa kamangmangan at
kahirapan
isa sa mga malakas na panlaban sa panlilinlang,
pang-aapi, at pang-aabuso
Disinformation
sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pangmadlang midya
komunikasyon, mas madaling
pamamagitan ng fakenews sa
ginagamit sa information and
technology (ICT)
at virtual na
maipakalat sa
mga midyang
communication
Disinformation
lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga
impormasyong nagmumula rito upang makabuo tayo
ng makabuluhan at makatuturang kaalaman na
magagamit sa pagpapaunlad ng ating buhay at
lipunang Pilipino.
Iba’t ibang Midyang Panlipunan
bahagi ng mataas na antas ng literasing pangmidya
ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga
impormasyong mula rito
walang anumang midya at teksto ng midya na values
free
Iba’t ibang Midyang Panlipunan
ang klase ng midya, wika at naratibong itinatampok
dito, ang estruktura at daloy ng kuwento, ang mga
tunog at imahen na ginawang representasyon ng
realidad, at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi
neutral
Iba’t ibang Midyang Panlipunan
may
sinasalamin
at
kinakatawang
diskurso,
ideolohiya, at kapangyarihang sosyal, kultural, at
ekonomik
nakapaloob ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng
mga prodyuser
Pangmadlang Midya (Griffin, 2012)
* Maxwell McCombs at Donald Shaw
nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko
*George Gerbner
tagapagsalaysay ng lipunan na limilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang
mundo’y magulo at nakatatakot
Pangmadlang Midya (Griffin, 2012)
* Marshall McLuhan
binabago ang simbolikong kapaligiran ng mga tao
at naiimpluwensiyahan nito ang kanilang
pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t
masasabing “ang midyum ay ang mensahe”
*Stuart Hall
ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may
hawak ng kapangyarihan sa lipunan
Samakatuwid…
kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa midya upang
magamit ang mga ito sa kapakinabangan sa halip
na kapahamakan.
kailangang
maging
impormasyong
pakikipag-usap.
mapanuri
nakukuha
sa
sa
mga
harapang
Samakatuwid…
ang sinasabi ng eksperto, mahal sa buhay, matalik
na kaibigan, sikat na artista, politiko, o tinitingala
sa lipunan ay hindi awtomatikong katotohanan.
mahalaga
ang
pagtatasa,
pagtitimbang,
at
pagtatahi ng impormasyon na galing sa iba’t
ibang tao bilang batis ng impormasyon – mula sa
mga taong nakadaranas hanggang sa mga
kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon
o penomenong pinag-uusapan.
Bukod sa batis ng impormasyon…
dapat ding isaalang-alang ang pamamaraan ng
pagkuha ng impormasyon, ang konteksto ng
impormasyon at konteksto ng pinagkunan o
pinagmulan ng impormasyon.
Bukod sa batis ng impormasyon…
ang maling pamamaraan ay humahantong sa
palso at di-angkop na datos.
ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy
na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing
gabay sa interpretasyon nito.
Dagdag pa…
konsiderasyon din kung anong pamamaraan ang
gagamitin sa pagsusuri ng impormasyon para
makabuo ng sariling pahayag na magagamit sa
isang tukoy na sitwasyong pangkomunikasyon
ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay
nagreresulta sa kaalamang hindi maaasahan at
kahina-hinala ang katumpakan.
Higit sa lahat…
sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagproseso
ng impormasyon, kailangang magtiwala sa
kakayahan ng Filipino bilang mabisang wika ng
pag-unawa at pagpapaunawa
magtiwala
tayo
sa
kaangkupan
ng
mga
katutubong metodo sa pagkalap at pagsusuri ng
impormasyon
Sa paggamit
pamamaraan…
mas
ng
Filipino
magiging
maigting
at
at
katutubong
malaman
ang
komunikasyon sapagkat nagkakaintindihan ang
mga kalahok at mas nakauugnay sila sa paksa
dahil ang ating wika ay “hindi lamang daluyan
kundi tagapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng
kultura" natin bilang mga Pilipino. (Salazar,
1996, p. 45)
Sa paggamit
pamamaraan…
ng
Filipino
at
katutubong
makatutulong ito sa paglago at pagkabuo ng
kaisahang kultural na Pilipino" (Salazar, 1996,p.
45)
Kung malawak, malalim, at matalas ang ating
kaalaman at kakayahan sa pagpoproseso ng
impormasyon sa wikang Filipino…
ang kaalamang ibabahagi o ipahahayag natin sa
paglahok
sa
anumang
sitwasyong
pangkomunikasyon ay maisasandig natin sa
matatag
na
batayan
upang
maging
kapani-paniwala,
makabuluhan,
makapukaw-damdamin, kakili-kiliti sa isipan, at
makaaambag sa malusog na diskurso sa sariling
kalinangan at lipunan.
Tandaan…
hindi lamang sa paggawa ng tesis o papel
pantermino isinasabuhay ang metikolosong
pagpoproseso ng impormasyon.
Tandaan…
mahalaga rin ito sa pagbuo ng anumang kaalaman
na ibabahagi sa harapang pakikipag-ugayan
(halimbawa sa umpukan ng magkakamag-anak,
talakayan sa silid-aralan, pulong-bayan sa isang
komunidad, pagbabahay-bahay para sa isang
proyekto, lektyur sa isang seminar, talumpati sa
isang pagtitipon) o sa mediadong komunikasyon
(halimbawa, sa pamamagitan ng poster, video,
paskil sa social media).
Sa panahon ng “post-truth,”…
idineklara ng Diksyunaryong Oxford na salita ng
taon noong 2016
kailangang mas maging responsable sa paggawa
ng pahayag maging harapan man o ginagamitan
ng midya.
maisasakatuparan ang responsableng pagbabahagi
o pagpapahayag ng kaalaman sa pamamagitan ng
masigasig na pananaliksik
Pananaliksik
hindi dapat itinutumbas lamang sa tesis,
disertasyon, papel pantermino o artikulo sa
journal
batayang gawain hindi lamang sa loob ng
akademya at laboratoryo kundi pati sa labas nito,
maging sa araw-araw na pamumuhay (Salazar,
2016)
Pananaliksik
nagbubunga ng responsableng pahayag sa
anumang sitwasyong pangkomunikasyon, hindi
lamang tungkol sa “siyentipikong impormasyon
na masusukat sa pamamagitan ng numero
(Salazar, 2016, p.10)
Pananaliksik
nagmimithi ng “pagtatamo ng karunungan” na
batay sa masusing “pagsusuri ng ebidensiya” at
tungo sa “higit na matatag na direksyon sa
pananaw at pamumuhay ng tao” (Almario, 2016a,
p.2)
Pananaliksik
bata pa lang, dapat nang pagyamanin ng paaralan
ang karanasan, interes, at kakayahan ng mga
Pilipino rito
isang paraan para mamukadkad ang kultura ng
saliksik sa bawat tao, paaralan , at komunidad, at
sa buong lipunang Pilipino
lahat ay mananaliksik sa lipunang may malakas
na kultura ng saliksik (Almario, 2016a, p.2)
Pananaliksik
kailangan sa bawat
pagkakataong nais
magpahayag ng kaalaman sa anumang
sitwasyong pangkomunikasyon, lalong-lalo na
kung ang paksa ng usapan o talastasan ay mga
isyu ng bayan
tungkulin ng bawat responsableng mamamayan at
ambag sa pagbuo ng isang matino at maunlad na
lipunan kung saan may balanse ng mga
kapangyarihan (Salazar, 2016, p.16)
TALASANGGUNIAN
San Juan et al., 2019. Saliksik: Filipino sa iba’t ibang
disiplina. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.
Download