Uploaded by Carl Dave Pareja

DAY 1

advertisement
LESSON 1
“Si Hesus, at ang pagpasok
nang Kasalanan”
01
ARAW
Nagkaroon nang
Liwanag.
Gabi at Umaga
02
ARAW
Nagkaroon nang
Kalawakan.
Kalangitan
03
ARAW
Nagkaroon nang
Kalupaan.
Mga tanim
04
ARAW
Nagkaroon nang
Tanglaw sa Langit.
Araw, Buwan, at
mga bituin
05
ARAW
Nagkaroon nang
buhay sa tubig at
himpapawid
Mga isda at ibon
06
ARAW
Nagkaroon nang
buhay sa lupa.
Mga hayop at
ang paglalang sa
mga unang tao.
Ang Kasaysayan nang Paglalang | Genesis 1
“Nakita ng Diyos ang lahat
ng kanyang nilikha at ito ay
napakabuti.”
Genesis 1:31
“Taglay ng tao ang larawan ng Dios,
kapwa sa panlabas na anyo at sa likas.
Ang kanyang likas ay kasang-ayon ng
kalooban ng Dios. Ang kanyang pagiisip ay may kakayanan upang umunawa
ng mga banal na bagay. Ang kanyang mga
pangdama ay dalisay; ang panglasa at
kagustuhan ay nasa ilalim ng pagpigil
ng katuwiran. Siya ay tapat at masaya
sa pagtataglay ng larawan ng Dios at
ganap na pagsunod sa Kanyang
kalooban.” Patriarchs and Prophets, page 45
“Ang mag-asawang hindi pa
nagkakasala ay hindi nagsusuot ng
artipisyal na kasuutan; sila ay
nararamtan ng tumatakip na liwanag
at kaluwalhatian, tulad sa
kasuotan ng mga anghel.
Samantalang sila'y nabubuhay sa
pagsunod sa Dios, ang damit na ito
ng liwanag ay patuloy na bumalot
Patriarchs and Prophets, page 46
sa kanila.”
Sinabi ng Diyos sa tao, “Makakain mo
ang alinmang bungangkahoy sa
halamanan, maliban sa bunga ng
punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman
tungkol sa mabuti at masama. Huwag na
huwag mong kakainin ang bungang iyon,
sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay
mamamatay ka.”
Genesis 2: 16,17
Ang puno ng kaalaman, na nasa tabi
ng puno ng buhay sa kalagitnaan ng
halamanan, ay magsisilbing
pagsubok sa pagsunod,
pananampalataya, at pag-ibig ng
una nating mga magulang.
Patriarchs and Prophets, page 51
Sinabi nang Ahas, “totoo bang sinabi
ng Diyos na huwag kayong kakain ng
anumang bungangkahoy sa halamanan?”
Sumagot ang babae, “Maaari naming
kainin ang anumang bunga sa
halamanan,huwag lamang ang bunga ng
puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng
Diyos na huwag naming kakainin ni
hihipuin man ang bunga nito; kung kami
raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
Genesis 3: 1 – 2
Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo
iyan, hindi kayo mamamatay! Sinabi
lang iyan ng Diyos, sapagkat alam
niyang kung kakain kayo ng bunga niyon
ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging
parang Diyos at malalaman ninyo ang
mabuti at masama.”
Genesis 3: 4,5
Sinabi ng Diyos, “Katulad na natin
ngayon ang tao, sapagkat alam na niya
ang mabuti at masama. Baka pumitas
siya at kumain ng bungangkahoy na
nagbibigay-buhay at hindi na siya
mamatay.”
Genesis 3: 22,23
“Nasaan ka?”
Genesis 3:9
Sinabi nang Diyos, “Kayo ng babae'y
aking pag-aawayin, binhi mo't binhi
niya'y lagi kong paglalabanin. Ang
binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang
tutuklaw.”
Genesis 3:15
Download