Yunit II – Pagpipinta Aralin blg. 1 – Mga magagandang tanawin sa ating bansa Code: A5EL-IIa Buod ng Aralin Art History Ang ating bansa ay biniyayaan ng magagandang tanawin na may natural na likas na ganda na nakaakit sa mga dumarayong turista. Ang mga ito ay mas lalong napaganda sa tulong mg arkitektura na ipinakikita ng pagiging malikhain ng mga Pilipino. Art Production Pagguhit at pagpinta ng natural na ganda ng tanawin likha ng mga Katutubong Pilipino. Art Critism Naipapakita ang ganda ng magagandang tanawin sa bansa. Art Appreciation Naipagmamalaki ang natural na ganda n gating mga tanawin. I. Layunin A. Nakikilala ang kahalagahan ng mga magagandang tanawin sa ating bansana maituturing na world heritage site.(A5EL-IIa) II. Paksang aralin A. Elemento ng Sining: guhit at kulay B. Prinsipyo ng Sining: Ritmo, Balanse C. Kagamitan: lapis, bond paper, water color at brush D. Sanggunian: google, magagandang tanawin III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik aral Magbigay kayo ng mga magagandang tanawin na makikita sa ating bansa. 2. Pagganyak Magpakita ng mga larawan ng magagandang tanawin. Ilawan ang mga ito. B. Panlinang na Gawain 1.Paglalahad Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa magaganda nitong tanawin kaya naman maraming mga dayuhan ang na nahuhumaling sa taglay nitong ganda. (Sumangguni sa LM, Alamin). 2.Gawaing Pansining (Sumangguni sa LM, Gawin) 3. Pagpapalalim ng Pang-unawa Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mapasyalan ang magandang tanawin dito sa ating bansa ano ang un among pupuntahan? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Sa pamamagitan ng pagpipinta ng magandang tanawin maipapakita natin at maipagmamalaki sa natural na likas na ganda n gating bansa. 2. Repleksiyon Sa paanong paraan mo maipagmamalaki ang natural na ganda ng tanawin ng ating bansa? IV. Pagtataya Ipaskil ang ipinintang larawan ng mga nag-aaral (Sumangguni sa Suriin)