Uploaded by Lovely jazmin Lajola

Radio-Broad

advertisement
Station ID: GPB/ Global Pinoy Balita
Anchor1: CJ Albino
Anchor 2: Eloisa Ong
Reporter 1: Samantha Macale
Reporter 2: Jkaine Billones
Reporter 3: Kelly Bayaua
Reporter 4: CJ Albino
Scriptwriter: Samantha Macale
Technical Applicator: Jkaine Billones
3 SECONDS BREAK
Voice Over: Sa ulo ng mga nagbabagang balita
SFX
Anchor 1: Katawan ng isang Singaporean na nawawala, natagpuang patay.
Anchor 2: Most wanted drug offender, kulong.
Anchor 1: Sports Complex ng Santiago City, Inumpisahan na
Anchor 2: Pambansang kamao, muling nagbabalik
OBB 30 seconds
Anchor 1: Magandang umaga Pilipinas
Anchor 2: Naimbag nga aldaw Lungsod ng Santiago
Anchor 1: Ako si CJ Albino ang inyong tagapagbantay ng balita
Anchor 2: at ako naman si Eloisa Ong inyong tagapagsiwalat ng balita
Both: Ito ang Global Pinoy Balita
BREAK 5 SECONDS
Anchor 1: Isang Singaporean na nawawala, natagpuang patay matapos mahulog sa
bangin sa Penang, Malaysia. Para sa buong detalye, Samantha Macale ibalita mo.
Reporter 1: Isang lalaking nagngangalang Chew Wei Fung na 29 na taong gulang
ay iniulat na nawawala noong ika-9 ng Marso, taong kasalukuyan. Ayon sa
Penang’s Fire and Rescue Department Assistant Superintendent, Muzzamer Mohd
Salle, nakatanggap ito ng tawag bandang ala-una ng hapon, pinaniniwalaan na ang
biktima ay nasangkot sa aksidente bago ito mahulog sa bangin at ang kanyang
katawan ay natagpuang patay sa labas ng kaniyang sasakyan. Dagdag pa niya’y
ang katawan nito ay puno ng sugat. Isang kamag anak ang nagsabi na ito’y
tumawag sakaniya ala-una ng madaling-a at sinabing pauwi na ito sa Alor Vista
malapi sa Relau. Inilipat na ang kaniyang labi sa mga pulisya upang imbestigahan
ito. Samantha Macale mula sa GPB.
BREAK 2 SECONDS
Anchor 1: Most wanted drug offender ng San Andres Manila, kulong. Para sa
karagdagang balita, Eloisa Ong, ibalita mo.
Reporter 2: Isang kilalang drug offender ang na-aresto ng mga tauhan ng Manila
Police District – Police Station 12 (MPD PS-12) nitong Martes sa San Andres
Bukid, Manila. Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si Jay-R T. Bernal, tatlumput
dalawa na isang market helper, at residente ng Brgy. Pitumput pito, San Andres
Bukid, Manila.
Siya ay nadakip ng tanghali ng ika-labing dalawa ng Marso taong kasalukuyan sa
Crisolita Street, San Andres Bukid, Manila. Ang pag aresto ay ba-tay sa Warrant of
Arrest (WOA) para sa Paglabag sa RA 9165 na inisyu ni Honorable Danilo D.
Leyva, Presiding Judge, RTC Branch 175, Lungsod ng Maynila noong ikalabing
isa, taong kasalukuyan na walang piyansa..
Si Bernal ay kasalukuyang nakakulong sa selda ng MPD PS-12 stasyon kung saan
ang nasabing warrant ay ibabalik sa issuing court hanggang sa ma-release ang
commitment order bago ito ilipat sa Manila City Jail. Eloisa Ong, nagbabalita
Anchor 1: Susunod…..
Anchor 1: Sports Complex ng Santiago City, sinimulan na!
Anchor 2: Pambansang kamao, muling nagbabalik
Anchor 1: tunghayan ang mga detalye sa pagbabalik ng GPK Balita
COMMERCIAL 90 SECONDS
BREAK 2 SECONDS
Anchor 2: Nagbabalik ang GPB, Global Pinoy Balita.
Anchor 1: Sports Complex ng Santiago City, Inumpisahan na. Kelly Bayaua,
Ibalita mo
Reporter 3: Kasalukuyang ginagawa ang Sports Complex sa Barangay Baluarte ng
Santiago City habang pinaghahandaan ng mga manlalarong Santiagueno ang
nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA Meet) sa
susunod na taong 2024-2025.
Malaking pagkakataon ito para mas mahasa ang angking galing sa larangan ng
isport. Layunin nitong maging maayos at mapalawak pa ang sakop nito sa iba pang
laro. Dugtong pa ng ating butihing Mayor na si Atty. Sheena P. Tan na kailangang
matapos ang nasabing complex sa loob lamang ng dalawang taon. Kelly Bayaua,
naguulat.
Anchor 2: Pambansang Kamao nasi Manny Pacquiao ay muling nasilayan matapos
ang tatlong taong pamamahinga sa larangan ng boxing. Para sa mga ibang detalya,
ibahagi mo CJ Albino.
Reporter 4: Muling nasilayan si Manny Pacquiao o mas kilalang Pacman sa Saudi
Arabia nitong Marso upang mag-ebnsayo sa paparating na laro, laban kay Buakaw
Banchamek sa darating na ika-20 ng Abril.
Matagal namahinga si Pacquiao sa pag-eensayo ng boxing dahil mas pinagtuunan
niya ng pansin ang pangangampanya kaya nang nabigyan siya ng pagkakataon
lumaban muli, agad-agad niya itong pinaghandaan. “Pacquiao has had the itch to
fight ever since his political campaign ended.” Dagdag pa niya’y , “ if the
opportunity comes up and his excellency wants this fight on, in Saudi Arabia,
Manny Pacquiao is ready to go. Pahayag ni Gibbons na kasama ni Pacquiao sa
Riyad.
Ang laban niya kay Buakaw ay tinaguriang “The Match of Legend”. Ang labang
ito ay inaabangan ng tao para sa muli nilang pagkikita. CJ Albino para sa GPB.
3 SECONDS BREAK
Anchor 1: at ito ang mga nakalap naming balita sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2: balitang tapat
Anchor 1: balitang sapat,
Anchor 2: sainyo’y nararapat
Anchor 1: Ako si CJ Albino ang inyong tagapagbantay ng balita
Anchor 2: at ako naman si Eloisa Ong inyong tagapagsiwalat ng balita
Both: Ito ang Global Pinoy Balita.
5 SECONDS OUTRO
Download