MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EPP-ENTREPRENEUR AT ICT V I. Layunin a. Nasabi ang kahulugan ng produkto at serbisyo; b. Natukoy ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo. c. Naipakita ang kahalagahan ng produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa. II. Paksang Aralin A. B. Paksa: Sanggunian: Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo Grade 5 MELC https://ibangklase.org/wp-content/uploads/2020/06/Grade-5MELCCompilation.pdf C. Kagamitang Pampagtuturo Illustration board pandikit/double sided tape mga larawan laptop D. Mabigyan ng halaga ang pagiging entrepreneur ng bawat isa. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL 1. Panalangin Magandang umaga mga bata! Tumayo ang lahat para sa ating panalangin, Bianca maari mo bang pangunahan ang ating panalangin. Maraming salamat Bianca. Bago tayo umupo maaari ba ninyong pulutin ang mga kalat at iayos ang inyong mga upuan? Maraming salamat, maari na kayong umupo. Opo, ma’am. 2. Pagbati Muli, isang maganda at mapagpalang umaga sa lahat! Magandang umaga din po ma’am! Magandang umaga classmates! (Depende sa sagot ng sekretarya) Tinalakay po natin ang kahulugan ng Entrepreneur. Isang tao na nag oorganisa, nag mamay ari o nag papatakbo ng isang negosyo. (iba-iba ang sagot ng mga bata) (masipag, malikhain, matapat, maunawain, matiyaga) 3. Pagtatala ng lumiban 4. Princess, meron bang lumiban sa ating klase? Balik-Aral Bago tayo mag simula sa ating bagong leksyon, ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw? Tama! Ano na nga ang kahulugan ng Entrepreneur? Magaling, ang entrepreneur ay isang indibidwal na may taglay na talino sa sa pag papatakbo ng isang negosyo. Magbigay nga kayo ng halimbawa ng katangian ng isang entrepreneur. . Very good. At marami pang iba. Dapat na nagtataglay ng ganyang katangian ang isang entrepreneur upang maging matagumpay sa larangan ng pag nenegosyo. Naintindahan niyo na ba ang nakaraan nating leksiyon? Mayroon ba kayong katanungan? . Opo titser. Wala na po. Kung gayon, maari na tayong dumako sa ating susunod na leksiyon. B. Paglinang na Gawain GAWAING GURO 1. Pagganyak Bago tayo magtungo sa aralin na tatalakayin natin sa araw na ito, meron akong inihandang flashcards at tukuyin ninyo kung ano ang mga nasa larawan. Talasan ang inyong mga mata. Itaas ang kamay sa gustong sumagot. Naintindihan ba mga bata? GAWAING MAG-AARAL Opo titser. (tatawag ng bata) Nars (tatawag ng bata) Damit (tatawag ng bata) Gulay at prutas Mga larawan: 1. Tama, nars. Sa ikalawang larawan, ano ito? 2. Damit, tama. Sa ikatlong larawan? 3. Tama, mga gulay at prutas. Susunod na larawan? 4. (tatawag ng bata) Guro (tatawag ng bata) Karpintero (tatawag ng bata) Tinapay Mga pagkain po. Damit po. Mga tao po. Opo titser. (iba-iba ang sagot ng bata) Guro, tama. Ano naman itong susunod na larawan? 5. Tama, isang karpintero. At ang pang huling larawan? 6. Tama, mga tinapay. Mga tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan na aking ipinakita? 2. Base sa mga larawan, nakikita at nagagamit ba natin ito sa pangaraw-araw? 3. May ideya ba kayo kung ano ang pag kakaiba-iba ng mga ito? Magaling, ang lahat ng inyong ideya ay tama. Ang mga ito ay produktong nakikita at nagagamit natin, at nag bibigay ng serbisyo sa atin. 2. Paglalahad Upang mabigyan natin ng kalinawan ang inyung mga ideya, ang ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa pag kakaiba ng produkto at serbisyo. Inaasahan ko na sa pagtatapos ng aralin na ito ay masasabi ninyo at matutukoy ang pagkakaiba ng dalawa. Naiintindihan ba? Opo titser. Opo, titser. Opo, titser. Opo. 3. Pangkatang Gawain Bago tayo magsimula sa ating leksyon meron muna tayong pangkatang gawain. Hindi ba may kanya-kanya na kayong grupo? Ang bawat grupo ay may tig-isang illustration board na gagamitin. Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto upang tapusin ang inyong aktibiti. Maliwanag ba mga bata? Bago kayo mag simula, basahin muna natin ang mga panuntunin sa pag gawa ng aktibi. Naintindihan ba ng ating panuntunin? Kung gayon sisimulan na natin ang inyong aktibiti. PANUTO: Sa inyong illustration board ay may nakasulat na salita. Idikit ang mga litrato sa tapat ng salita o mga salitang nag lalarawan sa mga ito. Ipapaliwanag ng inyong lider ang napansin o naobserbahan ninyo sa inyong ginawa. Maliwanag ba at naintindihan ang panuto? Kung gayon, maari na kayong mag simula. Opo titser. Unang Grupo: Unang Grupo: 1. Ito ay isinusuot natin sa ating mga paa. 2. Ginagamit sa araw-araw na pangtawag o pang-text. 3. Ito ay pinaglalagyan ng gamit sa eskwelahan. 4. Nagbibigay ng hangin. 1. Ito ay isinusuot natin sa ating mga paa. 2. Ginagamit sa araw-araw na pangtawag o pang-text. 3. Ito ay pinaglalagyan ng gamit sa eskwelahan. 4. Nagbibigay ng hangin. Pangalawang Grupo: 1. Sila ay nag tatanim para sa ating pagkain 2. Sila ang nag kukumpuni ng sirang gripo o patubig. 3. Nag bibigay aliw sa kaarawan o binyag. 4. Sila ang nag papaganda at nag lilinis ng kuko Pangatlong Grupo: Pangalawang Grupo: 1. Sila ay nag tatanim para sa ating pagkain 2. Sila ang nag kukumpuni ng sirang gripo o patubig. 3. Nag bibigay aliw sa kaarawan o binyag. 4. Sila ang nag Papaganda at nag lilinis ng kuko Pangatlong Grupo: 1. Sila ay nag aayos ng kuryente. 1. Sila ay nag aayos ng kuryente. 2. Gumagawa ng tinapay. 2. Gumagawa ng tinapay. 3. Gumagawa ng kagamitang gawa sa metal. 3. Gumagawa ng kagamitang gawa sa metal. 4. Gumagawa ting mga ng damit. 4. Gumagawa ting mga ng damit. Pang-apat na Pangkat: Pang-apat na pangkat: 1. Nagpapabango sa ating katawan. 1. Nagpapabango sa ating katawan. 2. Hinihigop tuwing umaga. 2. Hinihigop tuwing umaga. 3. Ito ay ating pinag susulatan. 3. Ito ay ating pinag susulatan. 4. Pampaganda ng buhok. 4. Pampaganda ng buhok. Pang-limang Pangkat: Pang-limang Pangkat: 1. Gumagamot sa mga may sakit. 1. Gumagamot sa mga may sakit. 2. Tagapagtanggol ng bayan. 2. Tagapagtanggol ng bayan. 3. Tagapagtanggol ng naaapi. 3. Tagapagtanggol ng naaapi. 4. Gumagawa ng Disenyo ng mga Bahay at gusali. 4. Gumagawa ng Disenyo ng mga Bahay at gusali. Tapos na ba ang lahat ng grupo? Ngayon, sa unang grupo sino ang inyong lider? Maari mo bang ipakita sa harapan at ipaliwanag ang inyong ginawa? Very good. Ang napansin ng unang grupo ay mga larawang nag papakita ng mga produkto. Sa ikalawang grupo naman. Sino ang inyong lider? Maari mo bang ipakita at ipaliwanag ang inyong ginawa? Magaling, ang ikalawang grupo naman ay ang mga nag bibigay ng serbisyo. Sa ikatlong grupo, sino ang inyong lider? Ano ang inyong napansin? Sa ikatlong grupo ay gayundin nag bibigay ng serbisyo. Sa ikaapat na grupo naman, sino ang inyong lider? Ano ang inyong napansin? Tama, sa ikaapat na grupo naman ay mga produkto. At sa panghuling grupo, sino ang inyong lider? Ano ang inyong napansin? At sa huling grupo ay nagbibigay ng serbisyo. Opo titser. (Magpapaliwanag ang lider ng unang grupo) (Magpapaliwanag ang lider ng ikalawang grupo) (Magpapaliwanag ang lider ng ikatlong grupo) (Magpapaliwanag ang lider ng ikaapat na grupo) (Magpapaliwanag ang lider ng ikalimang grupo) Mahusay! Lahat ng grupo ay tama ang inyong mga napansin. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Lahat kayo ang mag kakaroon ng 10 puntos. C. Pagsusuri/Analysis GAWAING GURO Base sa inyong ginawang aktibidad, ano ang napansin ninyo sa inyong aktibiti? Tama, ito ay ang iba’t-ibang uri ng kagamitan at trabaho. Ano sa tingin ninyo ang pag kakaiba ng mga ito? GAWAING MAG-AARAL (tatawag ng bata) Napansin ko po sa aming ginawang gawain ay tungkol sa pagkain, iba’t ibang uri ng kagamitan at iba’t ibang trabaho ng tao. (iba-iba ang sagot ng mga bata) Tingnan natin! D. Pangwakas na Gawain GAWAING GURO 1. Pagtatalakay Base sa inyong ginawang aktibi, ang mga nasa larawan ay ang iba’tibang produkto at serbisyo. Paano natin makikita o matutukoy ang pag kakaiba ng mga ito? Bigyan natin natin ng kahulugan ang dalawa. Unahin natin ang produkto, Ang produkto ay mga ani o bunga na likha ng mga kamay o makina at maging sa ating isipan. GAWAING MAG-AARAL Ang produkto daw ay nalilikha sa pamamagitan ng ating mga kamay, makina at isipan. Mayroon akong mga larawan at nais kong tukuyin ninyo at kung saan likha ang mga ito. (Mag papakita ng mga larawan) Kamay (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (iba-iba ang sagot ng mga bata) Banig Parol Walis tambo Sa tingin ninyo, saan kaya likha ang mga ito? Tama. Ang mga ito ay mga produktong likha sa kamay. Bakit ninyo nasabi na ang mga ito ay likha sa kamay? Tama sapagkat ang mga ito ay ginagawa ng mano-mano. Sa makatuwid ang mga produktong likha sa kamay ay bunga ng masining nating paggawa sa pamamagitan ng ating mga kamay o mano-manong paggawa. Ano naman kaya ang mga ito at saan naman kaya sila likha? (Mag papakita ng mga larawan) Makina Kotse (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) Likha sa makina po ma’am. (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) Computer Papel Tama ang mga produktong ito ay likha sa makina. Sa madaling salita, ang mga produktong likha sa makina ay nalikha o nagawa sa pamamagitan ng paggamit ng makina o mga machine na naka disenyo para magawa ang isang produkto. Saan naman kaya likha ang mga ito at ano angh mga ito? (Mag papakita ng larawan) Isipan Awit Tula Nobela Tama, ang mga ito ay likha sa ating isipan sapagkat ang mga awit, tula ay nabubuo sa isipan ng isang author. Hindi lang yan, ang mga online games at paggamit natin ng internet ay kabilang sa produktong likha ng isipan. Naintindihan ba ng tatlong Likha ng produkto? Magbigay pa nga kayo ng halimbawa ng Likha ng Kamay, Likha ng Makina at Likha ng ating Isipan. Mahusay, tama lahat ang inyong mga halimbawa. Naintindihan ba ang pag kakaiba ng mga Uri ng Likha? Mayroon din tayong dalawang Uri ng Produkto. Ang durable goods at non-durable goods. Ang durable goods ay mga kagamitang maaring gamitin ng pang matagalan. Halimbawa ng mga ito ay damit, sapatos, computer, sasakyan at marami pang iba. Ang non-durable goods naman ay mga produktong madaling maubos o karaniwang ginagamit natin. Halimbawa ng mga ito ay pagkain, sabon, papel, ballpen at marami pang iba. Balikan natin ang aktibiti ninyong Likha po sa ating isipan. Opo titser. (iba-iba ang sagot ng mga bata) Opo titser. ginawa kanina, saan kaya dito ang durable at non-durable goods? (ipapakita ang dalawang illustration board na may larawan ng mga produkto) (tatawag ng bata) Tama, ang unang grupo ang durable goods at ikaapat na grupo naman ang non-durable goods. Bakit kaya? (tatawag ng bata) Magaling, dahil ang unang grupo ang mga larawang kanilang nagawa ay nagpapakita ng mga produktong hindi agad nnauubos o pang matagalang gamit at ang ikaapat na grupo naman ang mga larawan na kanilang nagawa ay mga produktong madaling maubos o pang araw-araw na ginagamit. Naintindihan ba ang pag kakaiba ng durable at non-durable goods? Opo titser. Ngayon mga bata naiintindihan niyo na ba kung ano ang produkto? Opo titser. Nagtatanim po titser. Magaling, kung gayon, aalamin naman natin ang serbisyo at kung ano pag kakaiba nito sa produkto. Ang serbisyo naman ay pag lilingkod, pag tatrabaho o hanapbuhay at pag aalay ng may kabayaran na naayon sa kasanayan at pangangailangan sa pamayanan. Sa aktibidad na ginawa ninyo kanina. May mga larawan na nagpapakita ng mga halimbawa ng serbisyo. Halimbawa ang mag sasaka, ano ang serbisyong ibinibigay ng mga mag sasaka? Tama, nagtatanim upang mayroon tayong ihahanda sa ating hapag kainan. Ano naman ang ibinibigay na serbisyo ng mga mananahi? Tama, sila ay nag bibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pag gawa ng damit. Tulad ng produkto na nahahati sa tatlong uri ng likha, ang serbisyo ay nahahati din sa tatlong sektor. Ang mga ito ay Propesynal, Teknikal at may Kasanayan. Ang Propesyunal na Sektor ay mabibilang ang mga hanapbuhay tulad ng pagiging guro, doktor, nars, abogado at iba pa na kailangang makatapos ng kurso sa kolehiyo at makapasa sa board o bar examination upang makakuha ng lisensya para makapaglingkod sa professional service sector. Magbigay pa halimbawa sa sector? Tama lahat ng inyong nabanggit. Sa Teknikal na Sektor naman ay kailangan ng sapat na kaalaman sa paggawa na nakukuha sa pamamagitan ng mga training gaya ng programa ng TESDA upang magkaroon ng sertipiko o National Certificate. Mahalaga ito lalo sa mga gustong mag abroad sa mga susunod na panahon. Halimbawa ng mga ito ay mga electrician, welder mga mekaniko at iba pa. Magbigay pa nga kayo propesyunal nga kayo Nanahi po ng mga damit para mayroon tayong isusuot. (iba-iba ang sagot ng mga bata) ng na ng halimbawa. Tama. Sila ang nag hahatid ng serbisyong teknikal. Susunod naman ang may Kasanayan, kabilang sa sektor na may KASANAYAN o SKILLED naman ay mga mangagawa na natuto sa pamamagitan ng karanasan at pagmamasid. Ito yung mga karpintero, mason, tubero at marami pang iba. Balikan natin ang inyong aktibiti kanina, (ipapakita ang mga illustration board) Saang sektor kaya kabilang ang aktibiti ng pangalawang grupo? Tama, ito ay sa may Kasanayang Sektor. Bakit kaya? Tama, dahil ang mga larawan ay nagpapakita na natuto ang mga ito sa pamamagitan ng karanasan o pagmamasid kung kaya naibibigay nila ang serbisyong may Kasanayan. Ang mga larawan sa pangatlong grupo, saang sektor naman kaya ang mga ito? Tama, ito ay sa Teknikal na Sektor. Bakit kaya? Tama, dahil ang ipinapakita sa larawan ay mga manggagawang nag aral ng bokasyonal na kurso o mga nagtraining sa TESDA at nakatanggap ng sertipikasyon. Ang panglimang grupo, ano kaya ang ipinapakita sa larawan? (iba-iba ang sagot ng mga bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) Tama, ito ay ang Propesyunal na Sektor. Bakit kaya tinawag na propesyunal na sektor ang mga ito? Tama, sapagkat sila ay nakapagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo at nakapasa sa board o bar examination na sinertipikohan ng Professional Regulatory Commission. Ngayon mga bata naintindihan ba ang kahulugan ng Serbisyo? (tatawag ng bata) (tatawag ng bata) Opo titser. Ang produkto ay tumutukoy sa mga bagay na naiproseso, naihanda o ginawa upang maibebenta o magagamit. Likhang Kamay Likhang Makina Likhang Isipan (iba-iba ang sagot ng mga bata) (iba-iba ang sagot ng mga bata) (iba-iba ang sagot ng mga bata) Kung gayon balikan natin ng mabilisan ang pag kakaiba ng produkto at serbisyo. 2. Paglalahat Ano ang pag papakahulugan ng produkto? Magaling, maari itong makita, mahawakan, maamoy o matikman. Ano naman ang tatlong uri ng pag likha ng produkto? Magaling, mag bigay nga ng halimbawa ng Likhang Kamay. Sa Likhang Makina At sa Likhang Isipan Tama, Magaling mga bata. Ano naman ang dalawang uri ng produkto? Durable at Non-durable goods po titser. Ang serbisyo ay pag lilingkod, pag tatrabaho o pag hahanapbuhay at pag aalay ng gawain na naaayon sa iba’tibang kasanayan. Propesyunal na sektor Teknikal na sektor May kasanayan Tama, ito ay ang mga propesyunal, teknikal at may kasanayan. Magbigay nga ng halimbawa ng propesyunal na sektor. (iba-iba ang sagot ng mga bata) Tama, sa teknikal na sektor naman, mag bigay nga ng halimbawa. (iba-iba ang sagot ng mga bata) Very good at ang pang huli ang may kasanayan mag bigay nga ng halimbawa. (iba-iba ang sagot ng mga bata) Magaling, ang durable goods ay mga produktong pang matagalan at ang non-durable goods ay mga produktong madaling maubos. Ngayon naman ang serbisyo, ano ang kahulugan nito? Tama, magaling at ito ay nag mumula sa lakas, angking talino at kaalaman at kasanayan ng isang tao. Ano naman ang tatlong sektor ng serbisyo? Magaling, napaka husay naman ninyo mga bata at natutuwa akong naintindihan ninyo ang tinalakay nating aralin sa araw na ito. 3. Pagpapahalaga Bilang isang batang entrepreneur na nag nanais na mag ka roon ng negosyo nangangailangang malaman ang pag kakaiba at kahulugan ng Produkto at Serbisyo nang sa ganun ay tama at angkop ang iaalok sa mga mamimili batay sa kanilang pangangailangan at kagustohan. May katanungan ba kayo tungkol sa Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo? Wala po titser. Opo titser. 4. Paglalapat Tukuyin ang Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Produkto at Serbisyo gamit ang Venn Diagram. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para tapusin ito. Maliwanang ba? Produkto Serbisyo Tapos na ba mga bata? Maari niyo nang ipasa. E. Pag-bibigay input ng Guro GAWAING GURO Okay class, ako ay natutuwa dahil naunawaan at naibibigay ninyo ang Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo. Magaliing ang GAWAING MAG-AARAL pagbibigay ninyo ng kahulugan batay sa inyong sariling pang unawa. Tunay ngang naintindihan ninyo ang ating tinalakay. IV. Dahil diyan, mag kakaroon kayo ng karagdagang puntos. Salamat po, ma’am. PAGTATAYA PANUTO: Isulat sa patlang bago ang numero ang titik P kung ang salita ay Produkto at S kung ito ay nag sasaad ng Serbisyo. ________ 1. Masahista ________ 2. Mayor ________ 3. Sapatos ________ 4. Tubero ________ 5. Make-up artist ________ 6. Saging ________ 7. Drayber ________ 8. Pritong isda ________ 9. Bigas ________ 10. Lamesa Mga sagot: 1. S 6. 2. S 7. 3. P 8. 4. S 9. 5. S 10. V. P S P P P TAKDANG ARALIN Mag bigay ng 10 halimbawa ng PRODUKTO at SERBISYO at tukuyin kung ano ang naidudulot nito sa ating sarili. Isulat sa kwaderno ang inyong sagot. Inihanda ni: FE A. BOQUERO BEED – IV A