Uploaded by Jamalia A. Baraiman

MODYUL III

advertisement
MODYUL III
“KABATAAN AT
REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN NI JOSE RIZAL”
KABATAAN AT REBOLUSYONG PANGKAISIPAN NI RIZAL
Pambungad na Salita
Ang modyul na ito ay naglalayong matutugunan ang pangangailangan ng isang
babasahing tagalog tungkol sa pagsilang, pamilya, kabataan, pagkamulat at karanasan
sa pag-ibig ni Jose Rizal. Nakapaloob din sa modyul na ito ang naratibo na nauukol sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ng dakilang bayani, na hindi pa gaanong
nababatid ng karamihan,upang makaganyak ng maraming pang Pilipino lalu na ang
kabataan na matularan din nila at malaunan ay makita din nila ang oportunidad na
tinagin ang kanilang mga sarili na mapaiba din sa karaniwang Pilipino kahalintulad din
ng naiwang halimbawa o inspirasyon ni Jose Rizal. Sabi nga, ang buhay ni Rizal ay
maihahalintulad sa isang balon na habang sinasalukan ay lalo naming sumasarap ang
tubig na idinudulot sa isang mauhawin sa magagandang aral.
Mga Paksa
a. Pagsilang,pamilya at kamusmusan
b. Kabataan at unang edukasyon
c. Mataas na edukasyon
d. Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo
Tomas
e. Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig
Takdang Oras
Anim (6) na oras
Pagsilang at pamilya
Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba sa
lalawigan ng Laguna. Ang bayang ito ay napapagitnaan ng Lawa ng Laguna at
Batangas.Si Jose Rizal ang ika-pito sa labing –isang anak nina Francisco Mercado
Rizal at Teodora Alonso Realonda. Siya ay biniyagan noong ika-22 ng Hunyo,1861 ni
Pari Rufino Collantes, kura paroko ng Calamba. Ang kanyang ninong ay si Pedro
Casañas.
Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan, Laguna,
noong Mayo 11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa
Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa
Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko.
Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang
pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero
5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na
"Huwarang Ama".
Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong
Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo
para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos,
may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya ang kahalintulad na katatagan ng isang
babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking Nanay at katangi-tangi;
maalam siya sa panitikan at mahusay mag Espanyol kaysa sa akin. Siya ang
nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nagaaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa.
Namatay si Donya Teodora sa Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.
Ang Pamilya Rizal
Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora
Alonso Realonda ng labinng-isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ay
sina:
Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw
niya’y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.
Paciano - kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin
ang nakababatang kapatid na lalaki , sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at naging
Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Baños ,
kung saan siya ay naging magsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang
matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama
(Severina Decena) – isang lalaki at isang babae.
Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez
(pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.
Olimpia (1855-1887) –ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo
mula Maynila.
Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na
pamangkin ni Padre Casañas. Namatay sa sakit na kolera si Herbosa noong 1889 at
itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Jose Rizal.
Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel
Faustino Cruz ng Biñan, Laguna.
JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang
kanyang palayaw ay Pepe; habang bilanggo sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine
Bracken, isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ilang oras
lamang nabuhay ang sanggol at namatay, pinangalanan siyang "Francisco” ni Rizal,
sunod sa ngalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.
Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa
sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni
Rizal.
Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang
matandang dalaga sa edad na 80.
Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang
matandang dalaga noon 1951 sa edad na 83.
Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw
ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
Ang pangalan ng Bayani
Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ang buong pangalan ng
bayani..Ang Jose ay ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigaykarangalan kay San Jose na isinilang noong ika-19 ng Marso
Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo, sapagkat lahat ng
isinilang sa ika-19 ng Hunyo ay may katumbas na pangalan sa kalendaryong
katoliko na Gervacio y Protacio at Sta. Julian falconeri at noong panahon ng
kastila ang pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo.
Ang apelyidong Mercado ay galing sa kanyang nuno na si Domingo
Lamco,isang mangangalakal na intsik.
Ang apelyidong Rizal naman ay napili ni Don Francisco na idinikit sa
kanilang pangalan alinsunod sa kautusan ni Gob. Narciso Claveria noong
nobyembre 11, 1849, na lahat ng mga Pilipinong walang apelyido ay maglagay at
magdagdag sa kanilang pangalan.Napili niya ang Rizal dahil hango ito sa
salitang kastila na Ricial na ang kahulugan ay “Luntiang Bukirin”, akma ito sa
kanyang trabaho na isang magsasaka.
Ang apelyidong Realonda ay buhat sa apelyidong ginagamit ng kanyang
ina na kinuha naman sa kanyang ninang.
Ang apelyidong Alonzo ay matandang apelyido ng pamilya ng kanyang
ina.
Kabataan at Edukasyon
Ang unang naging guro ni Jose ay ang kanyang ina, tinuturuan na siyang
magbasa sa edad na tatlong taong gulang.Kaya bata palang si Jose ay mahilig na siya
sa pagbabasa ng mga aklat.Naturuan siya ng kanyang ina na magbasa sa aklat na
“Amigo de los Niños” (kaibigan ng mga bata) kung saan nakalimbag ang kwento ng
gamu-gamo na nanging huwaran niya sa kanyang paglaki.
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina ay natutuhan niya ang abakada.Sa
gulang na limang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan sa kanilang tahanan.
Noong tatlong taong gulang si Jose ay namatay ang kanyang kapatid na si
Concha.Iyon ang kauna unahan niyang pagluha dahil sa pagmamahal sa kapatid at
pagdaramdam sa kanyang pagkawala.
Nung siya ay pitong taong gulang kanyang naisulat niya ang isang dula na
itinanghal sa pista ng bayan.Binili ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna ang manuskrito
sa halagang dalawang piso.
Nahilig din siya sa pagsusulat ng tula, kaya sa edad na walo ay naisulat niya ang tulang
tagalog na “Sa aking mga Kabata”, ito ay tungkol sa kahalagahan at pag-ibig sa wika.
Habang lumalaki si Jose, kinuha siya ng mga pribadong tagapag-turo
sa kanilang tahanan. Ang una ay si Maestro Celestino, ang pangalawa ay si
Maestro Lucas Padua. At ang huli ay isang matandang lalaki, na si Leon
Monroy na dating kaklase ng kanyang ama, naging guro ni Rizal sa Latin. Sa
kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya
pagkaraan ng limang buwan.
Pagkamatay ng kanyang gurong si G, Leon Monroy, nagpasiya ang
mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Biñan.
Noong Hunyo, 1870, hinatid ni Paciano ni Rizal sa Biñan. Ang
magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang Biñan pagkaraan ng
isa’t kalahating oras.
Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay
nagsisiyesta. Nagalit siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan siya.Hinamon ni
Jose si Pedro ng suntukan. Hindi naman nagdalawang isip si Pedro at
tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga
–Calamba na mas bata at mas maliit sa kanya.
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga
kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang
siyang tumalo sa mas malaking bata. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang
mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan, ang
humamon sa kanya ng bunong braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal
at nang mag-away ay muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga
Biñan. Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. Dito niya
nakabisado ang multiplication table.May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang
talino.Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anuano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan
ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang
reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo ng
aking guro”.
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid
niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na
siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. Nang mabasa niya ang sulat nagkaroon siya
ng premonisyong di na siya babalik sa Biñan kaya naging malungkot siya. Nagdasal
siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa
kanyang guro at mga kaklase.
Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 7,1871, pagkaraan ng
isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong
Talim, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko.
Ateneo De Municipal
Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa
larangang pang-akademya, naging mataas ang
pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya
kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco,
ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang
nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya
sa isang paaralan sa Maynila.Ang orihinal na
plano ng ama ay sa San Juan de Letran magaaral si Rizal ngunit mas nagustuhan niya ang
turo sa Ateneo kaya doon siya nakipag
eksamen.
Sa panahong yaon ang paaralan ay nasa
ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita.
Sa umpisa ay hindi tinanggap si Rizal dito dahil
nahuli siya sa pagpa patala at napakaliit niya para sa kanyang gulang.Sa tulong ni G.
Manuel Xeres pamangkin ni Padre Burgos, ay natanggap si Jose sa Ateneo.Sa
kanyang pagpapatala ay ginamit niya ang apelyidong “Rizal”.
Unang Taon sa Ateneo (1872– 1873)-sa unang buwan pa lang ng pag-aaral ni
Rizal sa Ateneo ay nakapagmalas na siya ng kakayahan.Siya ang tinanghal na
pinakamahusay sa klase at tinawag siyang “Emperador”.Si Padre Jose Bech - ang
guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.Noon ay hindi pa siya gaanong matatas sa
pagsasalita ng wikang kastila kaya tuwing rises nila ay nagpupunta siya s Colegio de
Santa Isabel upang mag-aral ng kastila.
Malungkot si Rizal sa unang taon niya sa Ateneo sa dahilang ang kanyang ina ay
nasa bilangguan.Napagbintangan na nilalason ni Donya Teodora ang kanyang
hipag.Nung nung siya ay magbakasyon lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para
dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang ina ukol sa kanyang pag-aaral.
Pangalawang Taon (1873 –1874). Masaya si Rizal dahil dumating sa Ateneo ang
ilan sa mga dati niyang kamag –aral sa Biñan. Sa taong 1874 nakalaya si Donya
Teodora at ito ay nagdulot ng di matawarang kasiyahan kay Rizal .Napamalas ang
kasiyahan ni Rizal sa pagkakaroon ng mabubuting marka at pagbabalik ng pagkahilig
sa pagsusulat.Dito niya naisulat ang unang kastilang tula na may pamagat na Mi
Primera Inspiracion (ang aking unang Salamisim)na inialay niya sa kaarawan ng
kanyang ina.. Nahilig din siya sa pagbabasa ng mga nobela ng pag –ibig. Ang unang
nobelang nahiligan niya ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Ipinabili
niya sa kanyang ama ang Universal History ni Cesar Cantu na nakatulong ng malaki sa
kanyang pag-aaral. Binasa rin niya ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodore Jagor.
Ikatlong taon (1874-1875). Isa sa mga naging guro ni Rizal ay si Padre Francisco
de Paula Sanchez, inilarawan niya bilang isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para
sa pag – unlad ng kanyang mga mag –aaral. Humanga ang mga paring Heswita sa
galling ni Rizal sa paglililok kaya hiningan siya ni Padre Lleonart na ililok siya para sa
Sagrado Corazon de Jesus. Ang guro niya rito ay si Romualdo de Jesus.
Ikaapat na Taon (1875-1876) Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng mga tula at
naisulat niya sa panahong ito ang Felicitacion (pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng
kanyang kapatid na si Narcisa para sa kanyang asawa na si Antonio Lopez. Marami rin
siyang naisulat na tulang pangrelihiyon.
Huling Taon (1876 – 1877) Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry
at Natural History. Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at
iwanan na niya ang grupong Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal.Tuloy-tuloy
ang pagpapamalas ni Rizal ng kanyang katalinuhan. Nalinang ng husto ang kanyang
kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal at iba pang anyo sa gabay ng kanyang
paboritong guro na si Padre Francisco de Paula Sanchez.
Sa kanyang pagtatapos nakamit ni Rizal ang Bachiller en Artes noong Marso 23,1877
at limang medalya.
Universidad ng Santo Tomas
Pagkaraang makatapos ni
Rizal sa Ateneo nang may
pinakamataas na karangalan, ay
nagtungo
naman
siya
sa
Unibersidad ng Santo Tomas upang
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ang balak na ito ni Rizal ay
tinutulan ng kanyang ina, dahil
nararamdaman ni Donya Teodora
ang hindi magandang pweding
mangyari kay Rizal. Aniya, ang
sobrang katalinuhan ni Rizal ang
magdadala sa kanya sa hukay.
Ang Universidad sa panahon
na iyon ay pinamamahalaan ng
mga paring Dominikano.
Ang unang kursong kinuha ni Rizal rito ay Pilosopiya Y Letras. kasunod nito ay
nagpatala siya sa apat na sabay-sabay na kurso ang Kosmolohiya, Metapisika,
Teolohiya at Kasaysayan ng Pilosopiya. Habang nag-aaral sa Santo Tomas nahikayat
siya ng kanyang mga dating guro sa Ateneo na bumalik doon kaya kumuha siya ng
bokasyunal na Agrimensor. Nabigyan siya sa Ateneo ng Titulong Perito de Agrimensor
(pinaka mahusay na surbeyor).Dahil mahusay sa pagtatakda si Rizal (Scheduling) ng
oras nagampanan niya lahat ng gawain sa pag-aaral at pakikisalamuha sa kanyang
mga kaibigan.
Nang sumunod na taon, sa payo ng kanyang kaibigang rector sa Ateneo na
bagay sa kanya ang kursong medisina.Sumang ayun si Rizal kaya agad na nagpatala,
dahil sa panahong iyon ay nanlalabo na ang mga mata ng kanyang ina at nais niyang
gamutin ang mga ito.
Patuloy siyang dumadalaw sa Ateneo kahit na nag-aaral siya sa Pamantasan ng
Santo Tomas.(Ang Ateneo at Santo Tomas sa panahong ito ay parehong nasa
intramuros)Siya ay pangulo ng Pampanitikang Akademya ng kastila at kalihim ng
Akademya ng mga Likas na Agham.Ipinagpatuloy din niya ang pagiging kasapi at
kalihim ng Marian Congregation sa Ateneo.
Noong 1879 ay nagdaos ng patimpalak ang Liceo Artistico-Literario de
Manila, ito ay samahan ng mga mahihilig sa panitikan at sining.Isinali ni Rizal ang
kanyang tulang Ala Jueventud Filipina. (Sa Kabataang Pilipino)
Nagustuhan ng mga hurado ang tula ni Rizal at nanalo ng unang gantimpala.Ang
premyo ay isang plumang pilak,hugis –pakpak na may lasong kulay ginto.Natuwa si
Rizal dahil kahit lahat ng mga hurado sa timpalak ay mga kastila ay nagustuhan pa rin
ang kanyang gawa.
Ang tulang Ala Juventud Filipina ay nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng
mga Pilipino.Sa tula ay hinihiling ni Rizal ‘na ang mga kabataan ay magbangon sa
pagkakahimlay, gamitin ang kanilang katalinuhan upang mapatid ang tanikalang
pumipigil sa pag usbong sa mga matatalinong kabataang Pilipino”
Sa panahong ding ito naramdaman ni Rizal ang umibig at mabigo.Bilang binata
ay marami ring siyang babaing nakadaupang palad.Isa na rito ay si Leonor Rivera, nagaaral sa Colegio ng La Concordia at kamag-aral ng pinakabatang kapatid ni Rizal na si
Soledad.Ang pag-iibigan nina Leonor at Jose ay nagsimulang yumabong ng makipagaway si Rizal at umuwing duguan.Ang sugat ni Rizal ay ginamot ni Leonor.
Sila ay naging magkasintahan. Sa kanilang mga sulat ay ginamit ni Rizal ang
pangalang “Pepe” at si Leonor naman ay ginamit ang pangalang “Taimis”.
Naging aktibo si Rizal sa mga pagsali sa mga patimpalak sa Santo Tomas.Halos
lahat ng isinasali niya na mga tula ay nagwawagi tulad ng El consejo delos Dioces
nakamit ang unang gantimpala.Isang singsing na ginto na may nakaangat na busto ni
Cervantes ang ibinigayn kay Rizal bilang gantimpala.
Noong Disyembre 8, 1880 ay itinanghal sa Ateneo ang isang tulang Junto Al
Pasig ni Rizal bilang parangal sa kapistahan ng Birhen Imakulada.Sa taong ding ito
naisulat ni Rizal ang isang sonata na A Filipinas sa aklat ng samahan ng mga
manlililok.Sa sonetang ito naipakita ni Rizal ang pagpapahalaga niya sa bansang
Pilipinas. Natagpuan ni G.Romualdo de Jesus ang orihinal na manuskrito ng soneta.
Naitatag din si Rizal ang Compañerismo, isang samahan o kapatiran ng mga
Plipinong mag-aaral sa Santo Tomas na naglalayun na ipagtanggol ang bawat
miyembro laban sa mga mapangutyang estudyanteng kastila.
Naisangguni ni Rizal ito sa kanyang kuya Paciano kaya nagkasundo ang
dalawang magkapatid na si Rizal ay mag-aaral sa ibang bansa at susuportahan ni
Paciano habang inaalagaan ang kanilang mga magulang.Napagkaisahan din nila ang
paglalakbay na ito ni Rizal ay ililihim nila sa kanilang mga magulang at sa mga may
kapangyarihan Sa kabila ng mga tagumpay na natamo ni Rizal sa Pamantasan ng
Santo Tomas ay hindi pa rin siya nasiyahan.Sa kanyang palagay ang mga gurong
Dominikano ay galit sa kanya, napansin ni Rizal ay may mababang pagtingin sa mga
mag-aaral na Pilipino at tinatawag silang Indiyo.Kaya’t nung matapos niya ang apat na
taon sa medisina noong 1882 ay sinunod niya ang payo ng kanyang tiyuhin at kapatid
na si Saturnina na sa ibang bansa niya ipagpatuloy ang pag-aaral na medisina.
.
Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas sa
karanasan ni Rizal
Ang Ateneo sa panahong iyon ay
pinamamahalaan
ng
mga
paring
Heswita.Ayun kay Rizal ang mga guro nila
ay mga bata pa at masisipag magturo. May
pantay na pagtingin sa mga mag-aaral ng
Pilipino at Espanyol.Madisiplina rin ang
mga paring Heswita sa kanilang magaaral. Matataas ang kanilang pinag-aralan,
karamihan sa kanila ay nagtataglay ng
makabagong kaisipan tungkol sa agham,at
totoong malayo sila sa ibang mga fraile.
Sa Sistema ng
pamamalakad ng mga heswita sa Ateneo ay may dalawang pangkat ng mga mag-aaral:
Unang pangkat ay tinatawag na imperyong Romano,karamihan sa nabibilang rito ay
nakatira sa loob ng paaralan at ang ikawalang pangkat ay ang imperyong Kartigyano,
na ang karamihan naman sa labas ng paaralan nakatira. Ang mga miyembro ng bawat
pangkat ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa pang-araw-araw na leksyon.Sa simula
ng unang taon si Rizal ay nabilang sa imperyong kartigyano subalit nang gawaran siya
ng parangal bilang pinakamarunong sa klase at tumanggap ng mga medalya ay nalipat
na siya sa unang pangkat. Isa sa mga naging guro ni Rizal sa Ateneo ay si Padre de
Paula Sanchez. Sa paglalarawan ni Rizal kay Sanchez ay “isang huwaran ng
pagkamakatwiran, pagkamaagap at may pagmamahal para sa pag-unlad ng kanyang
mga mag-aaral”.
Sa loob ng limang taon na pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay naging maayos at
kapakipakinabang ang pananatili niya rito.Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan
sa literature at panitikan.Nakatanggap siya ng maraming parangal at nagtapos ng
kanyang karera sa Ateneo ng may pinakamatas na marka.
Sa udyok ng kapatid ni Rizal na si Paciano na ipagpatuloy ang kanyang pagaaral. Lumuwas siya ng Maynila at nagpatala sa Pamantasan ng Santo Tomas.Noong
panahon na iyon mga paring Dominikano ang nagpapatakbo ng Santo Tomas.Ang mga
Dominikano ang halos nagmamay-ari ng mga lupang pansakahan kasama na dito ang
lupang sinasaka ni Don Francisco, ama ni Rizal.
Sa unang taon palang ni Rizal sa Santo Tomas nakaranas na siya ng kalupitan
ng isang opisyal. Ito ay nung hagupitin siya ng buntot pagui ng isang teniente ng
Guwardiya Sibil dahil daw sa hindi niya pagbibigay galang sa teniente. Kasabay ng
pagpapakadaluhasa ni Rizal sa medisina ay abala rin siya sa pagsali sa mga timpalak
at pagsulat ng mga tula,drama at sonata.
Aktibo rin si Rizal sa mga gawaing pang estudyante. Siya ang madalas na
nagiging kampyon sa mga palarong paligsahan. Dahil dito ay maraming nakakakilala sa
kanya at madals ay kinakaingitan siya lalo ng mga estudyanteng kastila na madalas na
nagiging sanhi ng awayan.
Napapansin ni Rizal na madalas na nabubully ang mga estudyanteng Pilipino
kaya bumuo si Rizal ng isang samahan ng mga estudyanteng Pilipino.Tinawag niya
itong Compañerismo kung saan ang mga miyembro ay tinatawag na kasama ni Jehu,
hango sa isang bantog na personalidad sa kasaysayan ni Israel.Si Rizal ang pangulo at
ang kanyang pinsan na si Galicano Apacible ang kalihim.
Hindi nasiyahan si Rizal sa pamamahala ng mga Dominikano sa Santo Tomas
dahil sa ‘di pantay na pagtingin nila sa mga estudyanteng Pilipino.Mapagmataas ang
mga guro at mababa ang tingin sa mga estudyanteng Pilipino. Makaluma ang kanilang
pamamaraan sa pagtuturo at luma rin ang kanilang mga kagamitan sa pagtuturo.Ang
mga gamit sa laboratoryo ay nakatago lamang sa aparador hindi pinapagamit sa mga
estudyante at bulok ang Sistema sa pamantasan.
Kung sa Ateneo ay matatas ang marka ni Rizal hanggang makapagtapos, sa
Santo Tomas naman ay hindi napantayan ang marka noong siya ay nasa Ateneo.Hindi
siya kumbinsido sa mga grado na nakuha sa Santo Tomas na sa kanyang palagay ay
hindi akma sa kanyang kakayahan.
Nakintal sa isipan ni Rizal ang mga panlalait at diskriminayon ng mga
Dominikanong prayle sa Santo Tomas.Naramdaman niya na may kinikilingan ang mga
ito at ayaw nilang nalalamangan ng mga estudyanteng Pilipino ang mga estudyanteng
kastila. Ito ang nagtulak kay Rizal na lisanin ang Pilipinas.
Ang mga karanasan ni Rizal sa pag-aaral sa dalawang pamantasan ay magkaiba
ngunit masasabi nating mas may malaking impluwensiya sa kanya ang Santo Tomas
dahil dito siya nakaranas ng pagmamalupit at diskriminasyon na naging dahilan upang
umusbong ang damdaming nasyonalismo sa kanya at magnais na madagdagan ang
kanyang kaalaman sa ibang bansa. Nang sa ganun ay magkaroon siya ng lakas ng
loob na lumaban at humingi ng reporma sa ilalim ng pamamalakad ng mga kastila.
Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig
Si Julia
Si Julia ang puppy love ni Dr. Rizal. Nakilala niya si Julia noong isang
araw ng Abril 1877 habang nasa dalampasigan ng i log ng Dampit, Los
Baños, Laguna upang maligo. Narinig niya na tinawag ang dilag ng kanyang
lola sa pangalang Julia kaya’t kanyang nalaman ang pangalan nito.
Nabighani siya habang pinagmamasdan ang dalagita. Nakita niya
itong nanghuhuli ng paru-paro at para makilala niya ito ay humuli din siya ng
dalawang paru-paro at ibinigay niya ito kay Julia. Ito ang naging daan upang
sila ay magkakilala. Naging magkaibigan ang dalawa at kanyang masuyong
inihahatid ang maglola sa Los Baños. Siya rin ang tinuturing na Minang ni Dr.
Rizal sa kanyang alaala.
Segunda Katigbak
Si Segunda ang unang pag-ibig ni Rizal.Siya ay
labing apat (14) na taong gulang na dalagita na kapatid ng
kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak.
Kolehiyo ng L a Concordia ang kanyang paaralang
pinasukan kung saan rin nag-aral ang kapatid ni Rizal na si
Olympia.
Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila
kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira
mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na
nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang
pamilya Katigbak. Malimit na pumupunta noon si Pepe sa
Kolehiyo ng La Concordia hindi lang para dalawin ang kanyang kapatid kundi upang
masulyapan ang dalagita. Ngunit hindi nagtagal ang panliligaw ni Rizal dahil nakatakda
ang pagpapakasal ni Segunda sa isang taga-Lipa rin na si Manuel Luz.
Leonor Valenzuela
Si Leonor na kilala sa palayaw na “Orang”. Siya
ay katorse anyos at si Rizal ay labing walong taon (18)
magkapitbahay ang dalawa sa Intramuros nang
minsang mag-aral ito sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Matangkad ang dalaga, at tiga Pagsanjan Laguna.
Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang
dalawa, madalas makitang nakaistambay si Pepe
kasama si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni Rizal
ng liham pag-ibig sa dalaga sa pamamagitan ng
paggamit tintang hindi nakikita.
May espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay
Orang, subalit maaaring hindi parehas ang
nararamdaman nila para sa isa’t isa sa pagtanggap niya ng ibang manliligaw. Naudlot
ang kanilang magandang pagtitinginan.
Leonor Rivera
Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si
Antonio Rivera na siyang pinsan ng kanyang amang si
Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang
kanyang pinsan noong siya ay nag-aaral sa Santo
Tomas. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng
karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang pa lamang si Leonor. Hindi
naputol ang koneksyon ng dalawa kahit nangibang-bayan ni Rizal matapos ang
dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa unang taon ay patuloy ang sulat an ng
dalawa. Gumamit ng sagisag na Taimis si Leonor sa kanilang sulatan. Sa katunayan,
nagtagal ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging
inspirasyon ang dalaga sa kanyang pag-aaral.
Ngunit tutol ang ina ni Leonor sa pag-iibigan nila. Sa halip na kay Rizal, gusto
nito na maipakasal ang dalaga kay Henry Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero.
Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito, subalit pilit siyang kinumbinsi ng matigas niyang ina
rito. Nagawa pa nitong itago ang mga sulat mula kay Pepe at sabihan ang dalaga na
ikakasal na diumano si Rizal sa anak ni Ferdinand Blumentritt. Sa kalaunan ay
napaniwala si Leonor sa kasinungalingang ito at napilitang magpakasal kay Kipping.
Consuelo Ortiga y Rey
Si Consuelo ay sinasabing pinakamagandang
anak dating alkalde ng Maynila na si Don Pablo Ortiga y
Perez, sa panahon ng panunungkulan ni GobernadorHeneral Carlos Maria dela Torre noong 1869-1871.
Labing walong taong gulang ang dalaga.
Setyembre taong 1882 ng magkita ang dalawa.
Dahil nga nag-iisa at malayo sa kanyang pamilya at
bayang sinilangan, hindi maiiwasang tumibok muli ang
puso ni Rizal para sa iba. Maraming regalo ang
inihandog niya kay Consuelo: telang gawa sa sinamay,
panyong gawa sa pinya at tsinelas bilang paghanga sa
dalaga, napasulat pa nga ito ng tula na pinamagatang A
La Senorita C.O. y P.
Nilihim nalan ni Pepe ang relasyong namamagitan sa kanila ni Consuelo. Ito ay
sa kadahilanang may ugnayan pa siya kay Leonor Rivera noong mga panahon na iyon.
Isa pang dahilan ay ang pagtingin ng kaibigan niyang si Eduardo de Lete, isang mestizo
mula sa Leyte, sa dalaga. Mas nanaig ang pagkakaibigan kaysa sa isang babae.
O Sei-San
Ang tunay na pangalan ni O sei –san ay Seiko Usui,
isang anak ng Samurai. Nagtatrabaho ang dalaga sa
legasyon ng Espanyol sa Tokyo. Noong Pebrero 1888,
nagtrabaho si Pepe sa legasyon ng Espanyol sa bansang
Hapon at doon nakilala ni Rizal si O sei-San. May
kakayahang magsalita ng wikang Ingles at Pranses ang
Hapones, kaya madaling nakapagbuo ng relasyon ang
dalawa. Tinuruan rin ng dalaga si Rizal ng wikang Hapon.
Mababasa sa kanyang talaarawan ang sulat niya para kay
Seiko na nagsasabing,
…Sa iyo ay inialay ko ang mga huling bahagi ng
aking kabataan.Binuhay mo ang bawat hibla ng
aking diwa. Ikaw, na nagtataglay ng kulay,
kasawian at kagandahan ng saresa (cherry
blossoms)…
Ngunit dahil sa kanyang misyon para sa Inang Bayan, kinailangan niyang umalis
at iwan ang Haponesa papuntang San Francisco sa Estados Unidos noong April 13,
1888.
Gertrude Beckett
Si Gertrude ay isa sa anim na anak ni Charles
Beckett. Si Charles ay ang Ingles na nagmamay-ari ng
37 Chalcot Cresent, isang paupahang bahay sa
London, England kung saan namalagi noon si Rizal
noong Mayo taong 1888.
Nangupahan si Rizal sa bahay ng mga Beckett,
nakilala niya si Gertrude na tinawag niyang Gettie.
Hindi naglaon ay nagkagusto na ang dalaga kay Pepe.
Pinagluluto siya ng masasarap na pagkain at
tinutulungan niya si Rizal sa kanyang mga gawang
sining. Kabilang dito ay ang Prometheus Bound, The
Triump of Science over Death at The Triump of Death
over Life.
Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang eskultura ng
magkakapatid na Beckett na mismong kanyang nililok. Umiwas si Rizal sa lalo pang
lumalalim na pagtingin ni Gettie.
Suzane Jacoby
Dahil mahal ang gastusin sa Paris, naisipan niyang
iwan ang lugar para pumunta sa Brussels at doon mamalagi.
Dito niya nakilal a si Suzane. Si Suzane ay ang pamangkin ng
may-ari ng paupahang bahay na tinirhan ni Rizal sa Brussels
noong Pebrero taong 1890.Anim na buwan rin ng sila ay
nagkasama.
Nilisan ni Rizal ang Brussels nagpunta ng Madrid.
Ganun pa man inialay ang kanyang mga akdang Filipinas
Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Siglo)
at ang Sobre de la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran
ng mga Pilipino)sa dalaga.
Adelina at Nellie Boustead
Si Nellie ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina ay Pilipina samantalang ang
kanyang ama ay isang nag nagngangalang Eduardo Boustead, isang negosyante.
Manliligaw niya si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na si Juan Luna.
Tumira si Rizal sa Villa Eliada sa Biarritz, French Riviera noong Pebrero 1891
kung saan nakatira ang mga Boustead.Naging kabigan niya ang buong pamilya. Sa
katotohanan, mas una siyang nabighani sa panganay na kapatid ni Nelly na si Adelina
dahil ito ay kimi at mahiyain na kabaligtaran ni Nelly. Subalit mas napalapit siya kay
Nelly dahil pareho silang may hilig sa palakasan, lalo na sa eskrima. Nakita din niya kay
Nelly ang isang ugali ng Pilipina, bagamat siya’y hindi lumaki sa Pilipinas. At mula dito
ay nagkaroon sila ng maigting na pagtitinginan. Sa panahon na ito naputol na ang
relasyon na namamagitan kay Rizal at Leonor Rivera, dahil ikakasal na ang huli kay
Henry Kipping.
Dahil sa balitang nakarating sa kanya na magpapaksal na si Leonor inalok niya
ng kasal ang dalaga, subalit hindi ito natuloy. Dahil nagbigay ng kondisyon si Nelly sa
kanya, at ito ay ang yakapin ni Rizal ang Protestantismo at tumiwalag sa pagkakatoliko.
Hindi pumayag si Rizal sa kasunduang ito kahit na siya’y sumapi na sa kilusang Mason
kontra sa Katolisisimo at halos pabor sa kilusang Repormasyon. Dahil dito ay
hiniwalayan niya si Nelly at sila’y nanatiling magkaibigan na lamang.
Pastora Necesario
Si pastora ay isang tagahabi ng Dapitan.Kilala siya sa tawag na Torak.Naging
magkaibigan ang dalawa noong nakatira si Rizal sa Dapitan.Madalas siyang
dumadalaw sa tahanan ni Torak at pinapanuod ang paghahabi niya sa silong ng
kanilang tahanan.Hanggang sa naging malapit ang lobb nila sa isa’t-isa dahil sa
madalas na pagkikita.Niregaluhan niya si Pastora ng estatwang luwad at ginawan ng
mga tula sa wikang kastila.Nahinto ang kanilang pagkikita ng naging abala na si Rizal
sa mga gawain niya sa kanyang klinika sa Dapitan.
Josephine Bracken
Si Josephine ang maituturing na legal na asawa
ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish,
ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce extranjera
ang bansag ni Pepe sa kanya.
Noon ay 18 anyos lamang si Josephine, naglayag
papuntang Dapitan upang samahan ang kanyang amaamahan na si George Taufer na magpatingin ng mata
kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga. Hindi
nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa at namuhay sa
Dapitan bilang mag-asawa.
Dahil si Josephine ay alaga ng mga Prayleng dominikano hindi boto ang mga
kapatid na babae ni Rizal sa kanya para sa kanila ay espiya siya. Gayunpaman, hindi
natinag ang relasyon ng dalawa. Nang makabalik si Josephine sa Dapitan mula sa
pamamalagi niya sa pamilya Rizal sa Maynila, inareglo ni Pepe ang ang kanilang
pagpapakasal. Nakipag-usap siya kay Padre Antonio Obach ng Dapitan ngunit ayon sa
paring ito, ikakasal lamang niya ang dalawa kapalit ng retraksyon ni Rizal. Sa kabila
nito, itinuloy ng dalawa ang kanilang pagpapakasal kahit walang basbas ng simbahan.
Nagkaroon ng anak si Pepe kay Bracken, subalit patay ang bata pagkasilang.
Pinangalan ni Rizal ang kanyang anak na ito na Francisco.
Pagkamatay ni Rizal si Josephine ay sumapi sa katipunan at
namundok.Pagkaraan ng isang taon siya ay bumalik ng Hong Kong sa kanyang ama.
Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900. Nagkaroon siya ng anak dito at
pinangalanang Dolores.Noong 1902 namatay si Josephine sa sakit na tuberkulosis sa
edad na dawampu’t lima.
Maraming babae ang dumaaan sa buhay ni Rizal, ang mga ito ay nagdulot ng
ligaya at sakit.Ngunit sa pananaw ni Rizal ang mga ito ay dumating sa buhay niya ng
may dalang dahilan, ang mga ito ay nagbigay kulay at naghatid ng inspirasyon sa
kanyang buhay.
Iba’t-ibang babae man ang nakadaupang palad niya ay hindi maikakailang siya’y isang
maginoo sa pag-ibig sapagkat hindi niya hinayaang mahulog ang loob niya sa isang
babae habang may pinag-aalayan na siya ng pagmamahal.. Subali’t ang pagmamahal
na ito ay wagas at hindi napaparam. Ito ay ang pag-ibig niya sa kanyang bayang
tinubuan..Sa kanya inalay ni Rizal ang kanyang buhay upang maging dahilan ng
pagkagising ng damdamin ng mga Pilipino.
Dahil dito maitutuiring na dakilang mangingibig si Rizal sa Inang bayan!
Download