Ang aming work immersions. Isang experience ng mga senior high students na hinding hindi malilimutan. Dahil sa subject na ito ay naranasan namin kung paano pala ang manarbaho at gaano pala kahirap ang mga Gawain sa trabaho. Dahil sa aming work immersions ay nakita ko kung paano ang trabaho ng isang teacher. Nakita ko paano sila kumakayod sa kanilang trabaho. Mula sa mga overtime, pag gawa ng activities, at pag aasikaso ng tambak na mga papel. Kinakailangan nila ng mataas na pasensya at sipag para lamang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan. Ako ay tumulong sakanila sa mga Gawain sa eskwelahan tulad ng pag aayos ng mga papel at page encode ng records. Pag gawa ng mga activities at pag iiskor ng mga exam paper ng mga estudyante. Natutunan din namin sa work immersions ang mga batas at tamang asal sa lugar ng trabaho. Mula sa punctuality upang palaging nasa oras, teamwork upang maki sama sa mga ka trabaho para bumuo ng isang progresibong kapaligiran sa trabaho, at ang pagiging masipag upang matapos ang takdang gawain. Naka tulong din ang work immersions sa pag bigay sa akin ng isang hamon sa aking sarili upang sumubok ng mga bagong bagay, at lumabas sa aking comfort zone upang lumago bilang isang tao. Dahil sa work immersions ay nabigyan kami ng isang chance upang ma experience kung ano nga ba ang trabaho ng aming pipiliing kurso. Dahil dito ay makakapag desisyon pa kami kung ipag papatuloy ba namin ang pag kuha nito sa kolehiyo.