Uploaded by William Ramos

Ako'y Pinoy

advertisement
Magandang Umaga, ako ay isang manlalakbay na nagmula sa iba’t
ibang lugar at nandito ako upang talakayin Ang pamumuhay ng mga tao
at tuklasin kung ano nga bang teorya ng wika ang nakapaloob sa
kanilang pamumuhay. Bilang isang manlalakbay, aalamin natin ito.
Sinasabi ng marami na ang teorya ng wika na nag-uugnay sa mga
tao dito sa nayon ay ang Teorya ng Tarara- boom-de-ay. Ito ay ang wika
ng tao na nag-uugnay sa mga tunog na kaninang nilikha sa mga ritwal ng
sinaunang tao.
Sila ay tumutukoy sa mga ritwal na sa halos lahat Ng gawain na
palaging ginagawa ng tao katulad ng pagtatanim na ating pinagkukunan
Ng pagkain at mga pinakikinabangan natin sa araw-araw. Isa na dito ang
pangingisda na isa rin pinagkukunan ng ating pagkain at
pinagkakabuhayan natin.
Ang mga pang-aliw na mga gawain kagaya ng pagsayaw ay
ginagawa tuwing may espesyal na okasyon o programa at palatuntunan.
Pinapakita dito na sa bawat paghihirap ng isang tao, nagkakaroon pa rin
sila ng pampasigla sa kanilang lugar. Mayroong rin na mga pananaliksik
sa larangan ng medisina o maiihalintulad sa paggagamot at ang
pagpapaalis ng masamang espiritu.
Ayon sa teoryang ito, ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nilikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y pabago-bago at
nilalapitan ng iba’t ibang kahulugan. Yun lamang at hanggang sa muli at
nagpapa-alala sa inyo na mag-aral ng mabuti upang ang buhay ay
bumuti.
Download