Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Ayon sa nilalaman ng Genesis 11: 1-9, pagkatapos ng delubyo o malaking baha dumami ang angkan ni Noah. Upang makahanap ng tamang lugar, naglakbay ang marami sa kanila patungong Silangan. Narating nila ang syudad ng Babylonia. Doon sila nagtayo ng tore, anga layunin ay maabot ang kalangitan at alamin ang kahiwagaan nito. Iisang wika lamang ang kanilang sinasalita, daan ng kanilang pagkakaunawaan. Nang malaman ng Panginoon ang kanilang ginawa winasak ang tore. Naglupasay sila sa lupa at ang naging kahantungan ay nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang mga wika daan ng kanilang pagkalito at di pagkakaunawaan. Ang mga tao ay nagsimula nang magkawatak-watak at kumalat sa boung daigdig. Ang lunsod at templong tore na kanilang tinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na Lungsod ng Babel at Tore ni Babel na ibig sabihin ay “City at Tower of Confusion”. Ang kanilang ginawa ayon sa Panginoon ay sumbolo ng kapalaluan. Ayon kay Padre Chirino may sarili na daw tayong panitikan bago dumating ang mga kastila. May alpabeto na tinatawag na alibata na binubuo ng 17 letra. Ang ugat natin ay Silangan, anak-dagat. Ang mga ninuno ay mula sa Indonesyo, Polinesyo at Malayo na Malaki ang nagawang inpluwensya sa ating wika. Ditto sila ipinadpad ng magandang kapalaran, nanirahan nang maligaya, nangabuhay ng sagana, may pamahalaan ai Diyos na sinasamba, may sariling wika, tayo raw ito, ang mga Pilipino. Sa ante-panahon ng kolonyalismo, sa di inaasahan siniil ang yaman pinaghirapan, kinamkam ang yamang puhunan ay dugo at pawis. Ang Abakada’y siniil at ibinuwal, Pipino ay naging alipin, gobyerno, relihyon, ugali, puso ay pinalitan. Nakamtan ang edukasyon. Ang mga Indio na tinuringan ay natutong bumasa at sumulat. Nakalulungkot sapagkat wikang kastila ang panturo pati balangkas. Ang Pilipino’y nagkawatak-watak, “divide et empera” subalit ang mga naaping naghimagsik sa pamamagitan ng panulat at tabak, daan ng pagbagsak ng mga mapaniil na kastila. Noong panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang gamit bilang midyum ng pagtuturo sa publiko at pribadong paaralan. Sa panahong ito nilimita ang pag-aaral sa mga paksang nauukol sa Pilipinas katulad ng literature, ekonomya, at politika ng Amerika. Sa ganitong pamamaraan nawalan ng kasiglahan, interes, inspirasyon ang karaniwang estudyante lalo’t sa mga bagay na may relasyon sa sariling bansa pinahalagahan ang at mga kalinangan. bagay na Higit na Amerikano. tinangkilik Dito at nagsimulang madebelop ang colonial mentality o diwang alipin. Sa surbey ng Monroe Komisyon noong 1925, napatunayang may kakulangan at kahinaan pa rin sa paggamit ng Ingles bilang panturo sa lebel primarya. Kaya noong taong 1931 namungkahi si Brutte, Bise Gobernador Heneral na siya ring kalihim ng pampublikong edukasyon na gamitin na midyum ng pagtuturo sa primarya ang bernakular sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Pinangatawanan ng karamihan ng mga pampublikong paaralan ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa kabila ng pagsalungat ng mga Pilipinong pinangungunahan nina Rafael Palma at Cecilio Lopez. Nanaig pa rin ang pagkawatak-watak ng ibat’t ibang grupo at binigyang halaga ang sari-sariling wika at literatura. Noong 1934, pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyonal ang mga isyung pangwika. Maraming mga delegado ang sumang-ayon mula sa iba’t iabgn bansa na isang Wikang Katutubo ang dapat maging Wikang Pambansa. Matatag din itong sinalungat ng mga nagtaguyod ng Wikang Ingles. Natanaw ang banaag ng tagumpay nang iminungkahi ni Lope K. Santos na dapat ibatay ang Wikang Pambansa na isa sa umiiral na wika ng Pilipinas at sinusugan ito ni Manuel L. Quezon - Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Batay ito sa probisyon ng 1935 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV: “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Alinsunod na rin sa naturang probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Blg. 185 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang gawain ng Surian ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas. Ang layunin ay makapili ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nakabatay sa pinakamaunlad na katutubong wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na sinasalita ng nakakaraming Pilipino. Noong panahon ng Hapon, Niponggo at Pilipino ang wikang ipinagamit sa pagtuturo. Nanlulupaypay ang mga manunulat, nawalan ng interes sa pagsusulat sa iba’t ibang uri ng panitikan at ang malaking kadahilanan idinadaan sa sensura ang lahat ng uri ng sulatin. Naipalaganap, naisulong ang Pambansang Wika. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino gayun din ang paggamit ng mga aklat at peryodikal na nauukol sa Amerika. Niponggo at Wikang Tagalog ang ginawang midyum ng pagtuturo. Ang mga pinatigil, ibinaling ito sa dating sumusulat sa Ingles ay Tagalog maliban sa Tribune at Philippines Review. Nakasalalay sa Ordinansa Blg. 13, ginawang opisyal na wika ng bansa ang Tagalog at Niponggo. Ang Wika sa Iba’t Ibang Panahon Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,100 pulo at may 87 wikang ginagamit ang mga mamamayan noon kaya mahirap silang magkaunawaan at madalas na may alitan. Panahon ng Kastila Noong panahon ng Pre-Kolonyal may libimpitong letra ang ating alibata, tatlo ang patinig, labing-apat ang katinig. Ang alibata ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga ninunong Pilipino. Ipinag-utos ng Haring Felipe II ng Espanya noong 1594 para sa ikadadali ng pag-aaral at pagkaunawa sa wikang Pilipino na hatiin ang kapuluan sa apat ayon sa mga orden na naririto sa Pilipinas. Ang mga misyonaryong ito ang mga lubusang nag-aaral ng mga wika sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Phelan (1955), nahati ang mga Agustinian at Heswita sa boung Kabisayaan sa mga Dominiko, nagawi ang lalawigan ng Pangasinan, Cagayan kasama na ang pagaaral ng wikang Instsik. Ang mga Franciskano ay tinalaga sa Katagalugan. Nang dumating ang mga Espanyol dala ang Kristiyanismo, iminungkahi ni Carlo I, ng pamahalaanh kolonyal na ituro ang Doctrina Cristiana sa panulat ni P. Juan de Plansecia. Mga aklat na nailimbag sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol. 1. Doctrina Cristiana (1593) 2. Nuestra Senora Del Rosario (1602) 3. Barlaan at Josaphat (1708). Panahon ng Amerikano Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literature gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Amerikano noong 1898-1946, Ang mga sundalo ang unang nagturo ng Ingles na sinundan ng pangkat ng mga gurong Amerikanong tinawag na THOMASITES. 1901: batas blg. 74 vng komisyon ni Jacob Schutman ay nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag ng Ingles ang gagawing wikang panturo ng tinatawag na 3R (Reading, Writing, Arithmetic) at noong 1931 ay pinagamit ni Bise Gobernador-heneral George Butte a kalihim ng pambayang pagtuturo ang Bernakular, o wika o Dayalektong ginagamit araw-araw ng mga tao sa kanilang lugar, sa pagtuturo sa unang apat na taon sa pag-aaral. Panahon ng Makasariling Pamahalaan Ang Pangulong Manuel L. Quezon ay nagnais na magkaroon ng Wikang Pambansa kaya noong 1935, ang Saligang Batas ng Pilipinas ay nagtadhana ng tungkol sa Wikang Pambansa. Noong ikaw-30 ng Disyembre 1937, itinakda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na Tagalog ang maging batayan ng Wikang Pambansa. Sa panahon ng makasariling pamahalaan ay gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa batay sa isa sa mga UNANG WIKA(L1), gumawa ng batas para sap ag pili kong ano ang gagamiting Wikang Pambansa SB 1935 ART. XIV, SEK 3,ito ang wikang natutunan mula nang kapanganakan at kanya ang makalakhan, Wikang tumubo sa bansa noong 1935. At di nag tagal sa panahong 1936 ay nilikha ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (SWP) upang pumili ng katutubong wika na gagamiting batayan para sa ebolusyon at adoptasiyon ng isang wikang Pambansa. Ang Wikang Tagalog ang naging batayan ng Wikang Pambansa na maaring sabihing tinawag na Wikang Pambansa batay sa Tagalog at noong 1940 ay nagkaroon ng batas na kong saan nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang Pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa mga paaralan; pambayan o pribado at ito ang batas komonwelt blg. 263. Panahon ng mga Hapones Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog. Ang wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa istilo ng pagsusulat. Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop. Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying sa kanilang pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones. Sa panahon ng mga Hapones ay naisolong ang Ordinansa Militar blg. 13, inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas ang ordinansang ito na nagtatakda na ang kapwa NIHONGGO at TAGALOG ang magiging mga opisyal na wika sa boung kapuluan. Panahon ng Pagsasarili Hanggang Kasalukuyan Noong hulyo 4, 1946 idiniklara ng batas komonwelt blg. 570 na ang Tagalog at Ingles ang mga wikang Opisyal, wikang pinatibay ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan sa kanyang mga mamamayang nasasakupan Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay na ang Marso 29 – Abril 4 ay magiging Linggo ng Wika noong 1954 at itoy inalinsunod sa kaarawan ni Francisco Balagtas basi sa Proklama blg. 12 at di nag tagal noong 1955 ay ang Linggo ng Wika ay nilipat sa Agosto 13-19 na siya’y inalinsunod na sa kaarawan ni Manuel L. Quezon ang ama ng wikang Pambansa. At sa taon ito sa Sirkular 21 ay isinaad na aawitin ang Lupang Hinirang sa mga paaralan. Noong 1959 sa kautusang pangkagawaran blg. 7 ay Pilipino na ang likhang-tawag sa wikang Pambansa at noong oktubre 4, 1971 ay ibinalik ang mga titik ng ABECEDARIO na tinawag na PINAGYAMANG ALPHABETO. Sa panahong 1973 sabi sa SB 197 XV, SEK. 3, blg. 2 na ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay kikilalanin nang FILIPINO. At dahil sa SB 1987 ART. XIV SEK. 6-9 ay pinagtibay ng Konstitusyon ang FILIPINO bilang WIKANG PAMBANSA noong 1987. At ang noong 1991 ay pinalitan ang (SWP) at ginawang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa batas republika blg. 7104. At sa panahong 1997 ay ang Linggo ng Wika ay ginawang Buwan ng Wika na ipagdidiriwang sa Agosto na ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ipinautos na rin ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas sa panahong ito. Sa panahonh 2009 sa kautusang pangkagawaran blg. 74 S. 2009; MTB-MLE, Mother Tongue ng mga mag-aaral ang magiging Wikang Panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Mga Batas Pangwika Saligang Bata ng Biak na Bato – Ang wikang opisyal ng Katipunan ay tagalog na naging midyum sa mga paghatid-sulat at dokumento ng kilusan. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon – Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika. Batas Komonwelt Blg. 184 – Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang Surian ng Wikang Pambansa o SWP. Batas Komonwelt Blg. 333 – Nagpapatibay ng pagkakaroon ng Surian ng Wikang Pambansa o SWP. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang lubos a nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral, ang Tagalog ay batayan ng wikang Pambansa. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Na buong ganap ni Lope K. Santos (ama ng Balarilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat na “Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 – Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksiyon Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941. Order Militar Blg. 13 – Ibinaba noong panahon ng pananakon ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog. Batas ng Komonwelt Blg. 570(Hulyo 4, 1946) – Ang wikang Pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging nang wikang opisyal ng Pilipinas. Proklama Blg. 12(Marso 26, 1954) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 12 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. Proklama Blg. 186( Septembre 23, 1955) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ikaw-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa.” Kautusang Pangkagawaran Blg. 7(1959) – Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang Pambansa na Pilipino bilang sa mahabang itinawag na Batas Komonwelt Blg. 570. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24(Nobyembre 14, 1962) – Ang mga sertipiko at diploma g pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino. Kautusang Tagapaganap Blg. 96(Oktobre 24, 1967) – Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Memorandum Sirkular Blg. 172(Marso 27, 1968) – Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 – Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang Pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25(Hulyo 10, 1974) – Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-1975. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamiT ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya , intermediya, at sekondarya. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 – “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.” Saligang Batas ng 1987, Artikulon XIV, Seksiyon 8 – Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at kastila. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 – Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52(1987) – Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Billingguwal nang ganito..’ Ang patakarang Billingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas Pambansa sa pamamagitan ngpagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117(Enero, 1987) – Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP at Wika sa makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa, Batas Republika Blg. 7104(Agosto 14, 1991) – Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Ang pagtatalaga ng tauang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa , Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos. Kagawaran ng Edukasyon Isinainstitusyon ang – gamit Ordinansa ng Isang Blg. Wika sa 74 (2009) Elementarya – O Multilingual Language Education (MLE). Nauna rito , may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na kongreso ng mababang Kapulungan na House bill No. 3719- An act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other Purpose sa pamamagitan ni hon. Magtanggol T. Gunigundo. Tungkulin ng Wika Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. Ayon kay Michael A.K. Halliday Interaksyonal – Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwatao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di -pinupuna/ walang kabuluhang pakikipagpalitan ng nagsasaad ng isang bukas na tulay(channel) ng pakikipagtalastasan kong kinakailangan. Instrumental – mayari/maganap Ginagamit ang mga ang wika bagay-bagay. ng tagapagsalita Pinababayaan pagalawin(manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang ng para wikang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao g mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang. Regulatory – Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon , di-sumang-ayon at pag-aalalay at pag-abala sa gawa/kilos ng iba, Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pagpapaliwanag mensahe, atbp. ng pag-uulat mga ng mga pangyayari, pagkakaugnay-ugnay, paglalahad, paghahatid ng mga Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat sa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika,. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalangkibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin. Heouristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga taong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. Imahinatibo – Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian virsions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako. Ayon kay Ramon Jacobson Kognitibo/ Reperensyal/ Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at impormasyon. Conative – Paghimok at pag-mpluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap. Emotive – Pangdamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon. Phatic – Pakikipagkapwa-tao Metalinggwal – paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intension) ng mga salita at kahulugan. Poetic – Patula, Paggamit ng wika sa sariling kapakanan. Ayon kay W.P. Robinson Estetiko – Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan. Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natutuhan ito, pagbibiro. Pag-aalalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao – Paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay. Antas ng Wika Pabalbal/Balbal • May katumbas itong “islang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. • Mga salitang Pangkalye o Panlansangan. • Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. • Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. • Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Halimbawa: Parak = Pulis, Juding = Bakla. Kolokyal • Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormall na mga salita. • Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. • Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan. Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya, anya, lugal. Lalawiganin/Panlalawigan • Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. • Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent. • Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. • Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar. Halimbawa: Kaibigan-tagalog = Gayyem-ilokano, Halik-tagalog = Halok-Cebuano. Pambansa/Lingua Franca • Ginagamit sa mga aklat, babasahin , at sirkulasyong pangmadla. • Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan. • Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan. Halimbawa: aklat, ina, ama, dalaga, masaya, Pampanitikan • Pinakamayamang uri • Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan • Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto. • Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip. • Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan. Halimbawa: Mabulaklak ang dila, Di-maliparang uwak, Kaututang dila. Barayti ng Wika Ang pagkakaroon ng barayri ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistika na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika. Ito ang nagbubunga ng sitwasyong at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na DIVERGENCE, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng barayti ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loon mg kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Mga Uri ng Barayti ng Wika Idyotek – Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang individwal. Bawat individwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro, “Di umano’y” – Jessica Soho Dayalek – Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirahan. Halimbawa: Tagalog – “Mahal kita”, Hiligaynon – “Langga ta ka” Sosyolek/Sosyalek – Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa: Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo), Wag kang snabber(Huwag kang suplado) Etnolek – Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga na etniko. pangkat Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal, Kalipay – saya, tuwa, kasiya. Ekolek – Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda. Halimbawa: Palikuran – banyo p kubeta, Papa – ama/tatay Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Halimbawa; Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo, Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa pagkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika. Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko, Yu ting yu wan, a? – akala mo espesyal ka o ano? Register – Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito: • larangan – naaayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito. • Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? • Tenor – ayon sa relasyon ng mga-naguusap. Halimbawa: Jejemon, Binaliktad, Pinaikli sa teks. Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, Multilinggwalismo Monolinggwalismo – Ang monolinggwalismo ay isang kaparaanang pangwika na may layunin ipatupad ang iisang wika sa isang bansa, iisang wika ang ipapairal bilang wika ng komersiyo, negosyo, at pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan s a isang bansa. Iisang wika ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng asignatura o larangan sa isang bansa. Ito ay puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks. Monolinggwal naman ang tawag sa isang indibidwal na may iisang wika lamang ang ginagamit o alam. Halimbawa: South Korea, England, Pransya at Hapon. Bilinggwalismo – Ang pagkakaroon ng kontak ng dalawang wika na may tiyak na layunin kung bakit ito nangyayari, ang bilinggwalismo ay ang pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng isang indibidwal. Nangyayari ang bilinggwalismo dahil sa kakayahan ng tao na makipag-interak partikular na ang makipag-usap. Maari ring maging dahilan nito ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin ang pangalawang wika para makaangkop sa panibagong lipunang kanyang ginagalawan. Batay sa mga naisagawang pag-aaral, ang paulit-ulit na gamit ng isang wika at minimum na eksposyur ay nagsisilbing malaking tulong para mapaunlad ang kakayahan sa isang tao para matuto ng isang wika. Multilinggwalismo – Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay maraming salita o wika. Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga bansa na may maraming uri ng wika naginagamit. Dahil sa nahahati sa kapuluan at iba’t-ibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay nagkaroon din ng kanya-kanyang lenggwahe at dayalekto na ginagamit. Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko ay ang Pilipinas ay may halos 150 na uri ng wikang ginagamit. Sa pananaliksik at pag-aaral nagkakaroon tayo ng mga barayti at baryasyon sa wika.