See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/349044802 Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino DALUMAT E-JOURNAL Article · September 2020 CITATIONS READS 5 95,161 3 authors, including: Maria Fe GANNABAN Hicana Philippine Normal University 9 PUBLICATIONS 14 CITATIONS SEE PROFILE All content following this page was uploaded by Maria Fe GANNABAN Hicana on 05 February 2021. The user has requested enhancement of the downloaded file. DALUMAT E-JOURNAL Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino Grammar and Language Theories, Teaching of Filipino Mounting Maria Fe Gannaban – Hicana, PhD Techonological University of the Philippines-Taguig mariafe_hicana@tup.edu.ph Abstrak Nararapat lang na taglay ng isang guro ang malalim na kaalaman sa mga teoryang panggramatika at pangwika na iaangkop o ilalapat sa mga paksang kanyang ituturo. Ang papel na ito ay naglalayong ilahad at dalumatin ang ilang mga teoryang panggramatika at pangwika upang maging saligan o salalayan sa pagtuturo ng wikang Filipino sa larang ng gramatika at wika. Ang mga teoryang referens na gramatika, pedagohikal na gramatika, case grammar, immediate constituents, transformational grammar, at gramatika bilang produkto, proseso, at kasanayan ay inilahad hinggil sa mga teoryang panggramatika. Sa huling bahagi naman ay ang pagdalumat sa mga teoryang pangwika. Ang desisyong ng guro hinggil sa pamamaraang pipiliin sa pagtuturo ay ginagabayan ng kaniyang paniniwala tungkol sa wika at gramatika at pagkatuto ng wika at gramatika; teorya ang tawag sa set ng mga paniniwalang ito. Maraming teorya o pananaw ang isinusulong kaugnay ng pagtuturo ng wika at gramatika. Malaki ang naging ambag ng mga ito bilang batayan sa pagsubok ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo. Ayon kay Espiritu (2003), kahit ano pang pamamaraan ang gamitin ng guro, ang mahalaga ay ang pagpokus hindi lamang sa gramatika ng wika kundi sa gamit ng wika sa komunikasyon at ang paglinang ng mag-aaral na mahusay na komunikeytor sa Filipino; na umaalinsunod din sa paniniwala ni Chomsky (1957). Samakatuwid, para sa mga guro na naghahangad at nagsusulong ng mabisang pagtuturo ng Filipino, malaki ang maitutulong sa pag-alam ng mga batayang teorya sa wika at gramatika at ang paglalapat nito sa kaniyang pagtuturo. Mga Susing Salita gramatika bilang produkto, proseso, at kasanayan, pedagohikal na gramatika, referens na gramatika, transformasyunal na gramatika, case grammar, immediate constituents, beheyvyoristik, kognitibo, awdyolingwal, komunikatibo Abstract The know-how of teachers in grammatical and linguistic theories must adapt to the lessons he taught and apply the qualities of his students is a challenge that must deal with or ought to have, if not a requisite of a teacher in his profession. This paper aims to present and analyze several grammatical theories and different theories of language as a basis to review or mounting on language teaching in the fields of Filipino language and grammar. The theories reference grammar, pedagogical grammar, case grammar, immediate DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 constituents, transformational grammar, and grammar as products, processes and practices are presented on grammatical theory. The last part is the analysis of linguistic theory. The following are behavioristic, cognitive, audio-lingual, and communicative theory. The teacher’s decision regarding the choice of his teaching methods are guided by his beliefs about language and grammar and the learning of language and grammar; and the set of beliefs is called theory. Many theories or insights related to promoting the teaching of language and grammar in the coming period. The great contribution of this as the basis to test different methods of teaching. According to Espirirtu (2003), no matter what method is used by teachers, the important thing is to focus not only on the grammar of the language but using the language of communication and the development of student as good communicator in Filipino; which is consistent in the belief of Chomsky (1957). Therefore, for teachers seeking and promoting effective teaching Filipino greatly help in knowing the basic theory of language and grammar and its application to his teaching. Keywords grammar as products, processes, and skills, pedagogical grammar, reference grammar, transformational grammar, case grammar, immediate constituents, behavioristic, cognitive, audio-lingual, communicative Noong taong 1996, nilinaw ng Komisyon sa Wikang Filipino kung ano ang wikang Filipino. “Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas, mga di-katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan, at iskolarling pagpapahayag.” Kung dadalumatin, malinaw na tinukoy sa depinisyon ang kalikasan at katangian ng wikang Filipino – ang wikang ginagamit na wikang panturo at ang wikang itinuturo ng guro. Kung hihimayin ang depinisyon, sinabing ang wikang Filipino ay wika ng komunikasyon ng buong bansa, samakatuwid, ito ang magsisilbing pambansang lingua franca; isinaad pa na buhay ang wikang ito, nangangahulugang dinamiko ang wikang Filipino; patuloy na nililinang at pinauunlad sa pamamagitan ng panghihiram sa mga katutubong wika at mga wikang umiiral sa Pilipinas lalo na ang mga salitang may natatanging katangian, gayundin sa iba pang mga wika sa iba’t ibang bansa. Alinsunod ito sa nakasulat sa ating saligang-batas na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na 24 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D. mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” (Art. XIV Sek.6). Ginagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang paksa, sitwasyon, at pagsasalita na nagpapatunay na may iba’t ibang barayti ang Filipino. At sa huli, hindi lamang sa pansosyal na pangangailangan ginagamit ang wikang Filipino, bagkus para rin ito sa akademiko at iskolarling pagpapahayag. Ang mga nabanggit na katangian at kalikasan ng wikang Filipino ay may malaking impluwensiya sa pagtuturo ng guro: wika at gramatika - kung paano dapat ito ituro ng guro na lumalagpas sa hangganan kung ano ang kaniyang ituturo. Sa papel na ito, nahahati ang pagtalakay sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay naglalayong maglahad ng ilang mahahalagang teorya sa gramatika. Gayundin, ito ay isang pagsipat sa ilang aklat ng gramatikang Filipino na malaki ang naiambag sa gramatika. Ang ikalawang bahagi naman ay ang pagtalakay sa iba’t ibang teorya sa wika at pagkatuto sa wika. I. Iba’t ibang Teorya sa Gramatika “It is certainly the business of a grammarian to find out, and not to make, the laws of a language.” - John Fell “Any fool can make a rule And every fool will mind it.” - Henry David Thoreau Nasa aklat ni Fromkin (2003) ang mga pahayag sa itaas. DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 Pansinin naman ang sumusunod na pangungusap. Dalumatin ang gramar ng mga ito. (1.) Naulan pala. (2.) Kamusta ka naman? (3.) Ganun nga ang nangyari sa kanya at ‘yun ang sinasabi ko sa ‘yo dati pa. Kung pag-uusapan ang preskriptibong gramatika ay hindi sumusunod ang mga nakasulat na halimbawa ngunit katanggap-tanggap naman sa deskriptibong gramatika. Ang “na” sa unang pangungusap kung paguusapan ang preskriptibong gramatika ay nararapat na “um verb” sa halip, “Umuulan pala.” Kung saan napalitan ang “um” ng “na” na madalas ginagamit sa kasalukuyan kahit na ang mga Tagalog ispiker. Matutukoy na ito ay dialectal variety na ginagamit sa Batangas. Ang kamusta kung dadalumatin ay nararapat na kumusta sa preskriptibong gramatika. Mula ito sa wikang Kastilang ‘como esta’ na nagkaroon ng pagbabagong morpoponemiko ngunit itinuturing din naman itong baryasyon ng salita sa usapin ng sosyolinggwistika. Sa huling pangungusap, ang mga salitang ganun at yun ay hindi rin sumusunod sa preskriptibong gramatika. Mula sa salitang gaya + noon = ganoon, nagkaroon ng reduksyon sa proseso ng pagbabagong morpoponemiko ang salitang ito sa preskriptibong gramatika ngunit maihahanay naman sa deskriptibong gramatika. Ang salitang yun ay nararapat na iyon sa preskriptibong gramatika bilang isang panghalip pamatlig. Kung tutuusin, walang mali sa mga salitang ginamit sa pangungusap kung ang punto de vista ay ang pagkaunawa o komunikatibong pahayag; ang mahalaga ay nauunawaan ka ng taong kausap mo, datapwat sa hangarin ng pagsasapamantayan ng kaayusan ng mga salita at kaisahan ng mga ito, malaki ang papel ng preskriptibong gramatika. Referens na Gramatika (RG) at Pedagohikal na Gramatika (PG) Malaki ang pagkakaiba ng referens na gramatika (RG) sa pedagohikal na gramatika (PG). Ang PG ay may layuning turuan ang sinoman na nagnanais matuto ng partikular na wika; isinaayos ito ayon sa kapakinabangan/kahalagahan ang organisasyon o pagkakabuo at upang mapadali ang pagkatuto. Ito ay isinulat din para sa sinomang interesado o nagnanais matuto ng wika. Ang RG naman ay naglalayong turuan ang sinoman tungkol sa wika at upang bigyan ng mapaghahanguang kaalaman tungkol sa mga tiyak na detalye hinggil sa wika. Iisinaayos naman ito ayon sa unibersal o pangkalahatang kategoryang estruktural. Naglalaman ng mahahabang kabanata, paliwanag, at maraming halimbawa ang RG kaysa sa PG sapagkat maikli at karamihan ay pagsasanay ang nakasaad sa RG upang mahasa ang indibidwal lalo na sa bokabularyo at tamang pagbigkas. Isinulat ito para sa indibidwal na may kaunti nang kaalaman sa wika bilang unibersal na penomenon o pangkalahatang kalakaran at nagnanais matuto kung paanong ang isang wika ay natutuhan ng tao (sariling salin mula sa Summer Institute of Linguistics, sa webpage na Glossary of Linguistic Terms. Web. 20 Aug. 2004). Sa kabuuan, sa RG ay may dati nang kaalaman ang indibidwal kung paanong gamitin ang wika ngunit sa kabuuan ay hindi niya lamang alam ang kahalagahan nito sa gramatika; L 1 (first language o unang wika) na ng indibidwal ang RG na nagnanais lamang matutuhan ang ilan pa tungkol sa kaniyang wika. Halimbawa, may isang Pilipino na nagnanais mapalalim ang kaalaman sa wikang Filipino. Sa kabilang banda, ang PG naman ay para sa indibidwal na nagnanais matutuhan ang wika para sa kaniyang kapakinabangan. Halimbawa, isang Koreanong estudyante na nag-aaral ng batayang kaalaman sa Filipino (basic Filipino) upang maiagapay ang sarili sa kaniyang paligid o ginagalawan (survival language). Teoryang Panggramatika: Immediate Constituents, Case Grammar, at sTransformational Grammar Nakatala sa ibaba ang ilan sa mga teoryang panggramatika. Immediate Constituents Pinalaganap nina Henry Gleason at Leonard Bloomfield ang teoryang ito noong 1917, 1925 hanggang 1955. Ito ay naglalayong ilarawan ang kayarian ng wika. Sa Britannica.com binigyang kahulugan ang Immediate constituent analysis na kilala rin sa tawag na Ic Analysis sa Linggwistika: “a system of grammatical analysis that divides sentences into successive layers, or constituents, until, in the final layer, each constituent consists of only a word or meaningful part of a word." Sinasabi sa paliwanag na “A constituent is any word or construction that enters into some larger construction." Inihalimbawa ang pangungusap na “The old man ran away,” ang unang dibisyon ng immediate constituents ay sa pagitan ng “the old man” at "ran away.” Ang immediate MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 25 DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 constituents ng “the old man” ay ang “the” at “old man.” Sumunod na lebel ang “old man” na nahahati sa “old” at “man.” Ang terminong nabanggit ay ipinakilala ni Leonard Bloomfield noong 1933 sa Estados Unidos. Tinatawag din itong istruktural/ o palarawan na nangangahulugang ang isang salita na nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema patungo sa mas malawak o malaking pagbubuo ng mga salita. Nakapokus ang teoryang nabanggit sa istruktura at anyo ng wika, may layuning matamo ang kakayahang gramatika, ito ay nakasentro sa pagmememorya, pag-uulit at reinforcement, at stimulus-response. Pokus din nito ang paglalarawan ng balangkas ng wika. Pansinin ang halimbawa: Ang matandang lalaki na naninirahan doon ay nanggagaling sa bahay ng kaniyang anak na lalaki. Paliwanag: Ang mga salitang nakahilig ay mula sa pinakamalaking constituents tungo sa maliit na constituents (ito ang mga salitang nakasalungguhit). Case Grammar Pinalaganap naman nina Charles Fillmore (1968) at Fe Otanes (1977) ang teoryang ito. Tinatawag din itong Pokus ng Pandiwa sa Filipino na nangangahulugang semantikang relasyon ng pandiwa sa iba’t ibang pariralang pangngalan (NPnoun phrase) sa loob ng pangungusap. Binigyangkahulugan ang case grammar sa Dictionary.com bilang “a form of generative grammar that views case roles, as agent, experiencer, instrument, and object, based on the semantic relationship of noun phrases to verbs, to be basic categories in deep structure and derives grammatical relations, as subject and direct object, from these case roles.” Sa diksiyonaryo ng Oxford ganito naman ang pakahulugan “a form of grammar in which the structure of sentences is analyzed in terms of the semantic roles of nouns in relation to predicates.” Samakatuwid, nakapaloob sa teoryang ito ang mga konsepto tungkol sa pokus ng pandiwa, pagbubuo ng iba’t ibang pangungusap na nakatuon sa pandiwa, pagbabago ng kahulugan ng pandiwa sa pamamagitan ng paglalapi. Binigyang diin din sa teoryang ito na nababago ang paksa at pokus ng pangungusap batay sa pagbabago ng pandiwa dahil sa panlaping ginamit. Isinusulong ng 26 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D. teoryang ito na sa pagtuturo ng pokus ng pandiwa, dapat tandaan ang mga elementong ito: pandiwa, paksa, pananda, at panlapi. Suriin ang ilustrasyon: Bumili si Jose ng kendi para sa bata kay Ana sa palengke sa pamamagitan ng pera. Paliwanag: Gumanap si Jose bilang aktor (bumili), ang kendi bilang layon ng pandiwa (binili), ang bata bilang tagatanggap (ibinili), si Ana na direksyunal (pinagbilhan), at pera bilang instrumental (ipinambili). Transformational Grammar Ang linggwistikang Istruktural ay naging popular noong 1925 hanggang 1955. Namukod-tangi sa panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng Amerika. Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na ilarawan lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap. Inisip nilang kailangan ding alamin kung “bakit” at kung “paano” nagsasalita ang tao. Ang ganitong pananaw ay nangangahulugang higit sa mga tunog at salitang nabibigkas ng tao. Ang mga pantas, sikologo, antropologo, at maging ang mga inhinyero ay nangangailangan ng isang wikang inilalarawan sa pamamagitan ng isang maagham na pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag ang kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak, at teknikal na paraan. Noon lumitaw ang tinatawag na Logical Syntax na pinabuti at pinagyaman ni Zellig Harris at hindi nagtagal ay nakilala sa tawag na "Transformational” o Generative Grammar. Ang saykolinggwistika ay sinasabing bunga ng gramatikal heneratibo (generative grammar) upang lalong matugunan ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya. Si Harris ang kinikilalang transitional figure mula sa istruktural tungo sa linggwistikang heneratibo. Si Noam Chomsky ay namumukod-tanging pangalan sa Phrase Structure Transformational Generative Model na masasabing nag-ugat sa logical syntax. Ang disiplinang ito ay may pagkakahawig sa saykolinggwistika, ang pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita sa kaniyang sariling wika. Noong 1957, lumabas ang isang aklat na nagpabago nang lubos sa paraan ng pagsusuri ng wika. Samantalang ang teorya ng istruktural ay naglalayong ilarawan o bigyan ng deskripsyon ang kayarian ng wika, ang teoryang DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 Panimulang Linggwistika, sinabi niyang ang modelong tranformasyunal ni Chomsky ay nilinang bilang pamalit sa gramatikang istruktural. Datapwat, kung titingnan nang malapitan ang kaniyang modelo, masasabi nating ang anyo (form) pa rin ang kanyang pinagtuunan. Bumuo lamang siya ng isang generative grammatical model na ayon sa kaniya ay higit na mabisa kaysa modelong taxonomic sa pagpapaliwanag ng masalimuot na mga balangkas ng wika. Sa katunayan ay napakahirap sabihin kung alin sa modelo ni Chomsky ang orihinal sa kaniya. Ang mga sinasabi niya sa kaniyang modelo ay nasabi na rin ng mga istrukturalistang nauna sa kaniya. Ang pagkakaiba nga lamang ay nagawa niyang mapag-anyong bago ang kaniyang modelo. Ang kaniyang guro na si Harris , halimbawa ay nauna sa kaniya ng kung ilang taon sa teoryang transformasyunal bagamat ito’y ayaw tanggapin ni Chomsky. Sinabi niyang ang pamamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural na paraan na paglalarawan sa wika, lalo na ng mga di nakauunawa sa kaniyang ginagawa. Maaaring sabihin na pinahihirap ni Chomsky ang pag-aaral ng isang buhay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan ng tao – ang wika. Subalit nakinig kay Chomsky ang daigdig ng linggwistika, kundi man naniniwala ang karamihan. Maaaring ang dahilan ay dumating ang modelong matematikal ni Chomsky nang ang daigdig ay nagbabago sa panahon ng kompyuter. Dinagdag pa ni Santiago na kaninoman nanggaling ang gramatikang transformasyunal, ang tiyak na ambag ni Chomsky sa daigdig ng linggwistika ay ang pagpapapunlad at pagpapalawak ng kaniyang ginawa sa nasabing anyo. Pinasimulan niya ang pagtalakay sa subcategorization at selectional restriction rules sa leksikon na hindi o iniwasang talakayin ng mga istrukturalista. Ayon pa rin kay Santiago, ang mga modelo ni Chomsky ay lubhang masalimuot, matematikal, at di matipid. Kung sabagay, nang buuin niya ang modelong ito ay hindi naman niya inisip na ang mga ito’y maaaring magamit sa loob ng silid-aralan. Maaaring magamit ang nasabing modelo sa mataas na antas na pag-aaral ng wika, lalo na sa mga mag-aaral na matatalino at sawa na sa paggamit ng mga modelong istruktural. Winakasan niya ang kaniyang komentaryo sa pamamagitan ng pagsasabing, “sa gayon ay mahahamon ang katalinuhan ng nasabing mga mag-aaral sapagkat ang mga modelo mismo ay mga aralin nang dapat pagaralan, mga araling higit na mahirap sa pag-aaral mismo ng wika!” Sa Pilipinas, masasabing pinakapalasak pa rin ang modelong istruktural. Bukambibig na rin ang modelong Transformational-Generative ni Chomsky at mga kasamang tulad nina Jakobs at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito’y hindi makapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Ang modelong Generative Semantics ay nagsimula nang pumalit sa modelong Transformational Generative gayundin sa modelong Case for Case ni Fillmore. Ang pagtuturo ng wika ay isang teknikal na gawain at dapat na maibatay rin sa mga teknikal na kaalaman ukol sa wika gaya ng mga kaalamang naidudulot ng teorya. Sa mga guro, dapat matutuhan ng mga darating pang bagong teorya hindi upang maging linggwista kundi upang mapag-aralan ito at ibukas ang isip kung paano mailalapat ito sa kanilang pagtuturo. Panahon lamang ang makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ay totohanang papalit sa modelong istruktural. Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika. Ang pinakahuli ay ang Mathematical Linguistics o Computational Linguistics. Hindi pa ito gaanong nalilinang ngunit dahil sa pagdatal ng kompyuter ito ay sasabay na rin. Gramatika Bilang Produkto, Proseso, at Kasanayan Ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas (1998), ang gramatika ay bahagi ng diskurso. Isa itong mahalagang sangkap na ating ginagamit sa mga kasanayang makro ng wika, i.e. pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Aniya, “hindi epektibo ang komunikasyon kung wala tayong kakayahang gamitin ang gramatika at diskursong angkop sa sitwasyon at kausap.” Bilang guro, magiging higit na mahusay ang ating pagtuturo kung alam natin kung paano natutuhan at ginagamit ang gramatika. Ang gramatika ay batayang balangkas ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin at masusukat ang kanilang pagunlad. Binigyang-diin niya na sa gramatika bilang produkto ay alam na alam ng guro ang perspektiba ng gramatika bilang produkto. Nakikita ito sa libro ng gramatika kaya nahahati sa bawat kabanata, i.e. pananalita, parirala, at sa mga pangungusap. Iisa ang pagtingin sa gramatika at istatik ito. Ang bawat anyo ay batay sa gramatikal na pagsusuri ng gramaryan o linggwista tulad ng case grammar ni Fillmore na siyang batayan ng pokus ng pandiwa. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga anyong gramatikal, natutulungan ang mga mag-aaral upang maunawaan ang gramatikal na sistema ng wika at ang mga kahulugang ipinapahayag nito Pinagsusunod-sunod ang mga aralin batay sa mga kaayusan o popularidad sa wika. MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 27 DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 Halimbawa: Passive na kayarian. Ginagamit ito upang ipahayag ang kaisipang nakatuon sa gawain kaysa sa taong gumawa at karaniwang ginagamit ito sa larangan ng siyensya at ekspositoryong sulatin upang maging obhetibo. Halimbawa: Natuklasan ang lunas sa diabetes noong _______. Ginagamit din ang passive upang umiwas at ilipat ang responsibilidad sa iba. Halimbawa: Dapat nang gawin ang sulat. Tinalakay naman niya na sa gramatika bilang proseso at kasanayan ay natututo ang estudyante sa perspektibang ito na magsagramatika, i.e. gamitin ang gramatika sa kanilang wika. Nangangahulugan ito na ang direksyong tinutungo ng estudyante ay mula sa salita tungo sa gramatika. Ang pag-aayos ng impormasyon sa pangungusp at pagkatuto kung paano nangyayari ang pagsasagramatika ng wika ang pinakamapaghamong gramatikal na gawain ng mga estudyante. Gumagamit tayo ng mas maraming wika o mas mahahabang pahayag kung hindisapat ang parehong impormasyon at kung mas malayo ang ugnayan ng mga nag-uusap. Halimbawa: Pwede bang manghiram ng bolpen? Pahiram ng bolpen. Akina ‘yan. Ang pag-aaral ng gramatika bilang proseso ay pag-aaral kung paano ito ginagamit sa komunikasyon. Ang pagbibigay-diin sa gramatika ay dapat ibagay sa sitwasyon at uri ng gawain. Hindi dapat dikdikin ng mga guro sa gramatika ang mga estudyante at hindi rin naman dapat pabayaan o hindi na ituro ang gramar. Sa halip na bigyan ang estudyante ng mga pagsasanay tungkol sa panahunan ng pandiwa sa pamamagitan ng magkakahiwalay na kaugnayang pangungusap na may patlang na dapat punuin, gawin ang prosesong pagtuturo. Halimbawa: Pag-usapan kung ano ang nangyayari sa larawan at kung ano ang nararamdaman ng mga tao. Ngayon, gawing mag-isa ang sumusunod: Isiping may nasaksihang pangyayari sa iyong dalawang kaibigan at isusulat mo iyon sa iyong diary. 28 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D. Gamitin ang sumusunod: noong una, pagkatapos, sa huli. May puwang sa konteksto, sa prosesong pagtuturo. Halimbawa ay suliraning dapat lutasin o pagtatanong na dapat tapusin. Ang gawain ng estudyante ay buuin ang gawain sa pamamagitan ng pag-aalis ng puwang sa konteksto na ginagamitan ng wika. Halimbawa: Makabubuo ka ba ng kuwento na angkop sa mga larawang ito? Maaari mong pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon sa iyong kagustuhan. Maaari kang magsulat ng tala para sa iyong kuwento. Basahin mo ang iyong kuwento at ipaayos sa mga kaklase ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. Sa kabuuan, litaw na litaw sa pag-aaral na ito ni Alonzo ang paniniwala sa komunikatibong teorya sa pagtuturo ng gramatika at hindi nakapokus sa istruktura lamang. Bagamat naging batayan din ang Tradisyunal na Gramar sa pagtuturo ng gramatika bilang produkto, iginigiit pa rin ang transformasyunal na pagdulog na teorya ni Chomsky; na sa proseso nakapokus at hindi sa ano ang wika kung hindi kung ano ang gamit ng wika. Masasabing malaki ang epekto o kabisaan ng mga hakbanging iminungkahi ni Alonzo sa papel na ito hinggil sa pagtuturo ng gramar. Makabagong Gramar ng Filipino Ayon sa awtor, Dr. Lydia Garcia-Gonzales (1992), inihanda ang aklat niya na may pamagat na “Makabagong Gramar ng Filipino” upang masagot ang pangangailangan ng dumaraming mag-aaral sa Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Batay sa makabagong takbo ng linggwistika ang pagtalakay sa gramar na ito. Bagamat may bahid pang kaunting teoryang istruktural ang aklat na ito, masasabing may bahid na itong Transformasyunal na Gramar ni Chomsky datapwat hindi kasinsalimuot ng ginawa ni Chomsky sa kaniyang transformasyunal na gramar. Ang mga bahagi ng pagtalakay na isinagawa sa aklat ay ang sumusunod: Ponoloji, Morpoloji, Sintaks, at Semantiks. Sa dakong bahagi ng aklat, isinama sa Apendiks ang ilang mga salitang nagpapatunay ng pagkakapareho ng mga salitang may iba’t ibang wika sa Pilipinas upang magpatunay na hindi lamang sa wikang Tagalog nagbuhat ang mga DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 salitang tinatawag na Filipino na siyang ginagamit sa kasalukuyan. Pinagsanggunian ng gramatikang aklat na ito ang mga akdang panggramatikang isinulat ng mga Pilipino at mga dayuhan. Ang ilan sa mga pinagbatayan ay sina: Ernesto Constantino (1964), Teodoro Llamson (1968), Cecilio Lopez (1940), Mamerto Pangilinan (1910), Conzuelo Paz (1981), Teresita Ramos (1971), Alfonso Santiago at Norma Tiangco (1977), Blake, Frank, Ringgold (1906), Leonard Bloomfield (1983), Noam Chomsky (1957 at 1972), Jeffrey Gruber (1976), Ruth Kempson (1977), Geoffrey Leech (1974), at Stephen Ulman (n.d.). Ang kaniyang aklat ay binubuo ng 149 pahina. Inilimbag ng Rex Book Store, taong 1992. Nagsimula ang pagtalakay sa Ponoloji (ayon sa aktuwal na ispeling na ginamit ng awtor sa kanyang aklat), sinundan ng Morpoloji, Sintaks at ang panghuli ay ang Semantiks. Sa bawat pagtalakay ng mga paksa ay may mga pagsasanay pagkatapos nito. Sa huling bahagi ng aklat ay inilathala ang sanaysay mismo ng may akda hinggil sa ating wikang pambansa at may talaan ng mga salita mula sa iba’t ibang rehiyon upang ipakita ang pagkakatulad ng mga wika sa Pilipinas. Ayon sa awtor, “ginawang ayon sa bigkas ang pagbaybay ng mga terminolohiya upang ipakitang ginagamit na ngayon ang mga idinagdag na letra sa ating alpabeto.” Kaya, ang mga makabagong terminolohiya ay lantad na lantad sa aklat na ito. Mapapansin ang paggamit ng O kung ipinakikilala ang ibang katawagan sa termino o tinatawag na pagpipilipinisado. Halimbawa: pangungusap o sentens, pagpapantig o silabikeysyon, stress o diin atbp. Datapwat, napansing may inkonsistensi sa paggamit ng salitang “terminoloji” (mula sa p.125) ang ginamit, ngunit sa p. 128, “terminolohiya” ang ginamit. Ang ilan sa mga makabagong pagbaybay sa mga terminong ginamit ng may akda ay ang sumusunod: projeksyon, krusyal, gol, laryngeal, frikatib, tapik, sabject, paktor. Komprehensibo ang pagtalakay na ginawa sa morpoloji partikular sa pangungusap na binigyan ng pagpapaliwanag sa pamamagitan ng mga dayagram. Ang pagpapakilala ng makabagong paggamit ng katawagan sa ilang terminoloji/ terminolohiya ay isa rin sa kaniyang naiambag sa Filipino. Gayundin ang pagtalakay niya sa mga anyo ng pangungusap na kung tutuusin ay tila mga pormula (makikita sa mga dayagram, tingnan ang mga halimbawa na nasa pahina 110-117). Ayon pa rin sa aklat, sinang-ayunan ng may-akda ang mga pahayag ni Dr. Jose Rizal na ang pandiwa ang pinakamahirap na bahagi ng pananalita at dapat pag-ukulan ng masusing pag-aaral. Binanggit din na sa kasalukuyang panahon na hindi na ang tungkol sa tinig na aktibo o pasibo ang binibigyang-diin kundi ang tungkol sa pokus. Sa Filipino lamang napakaraming gawing pokus sa pangungusap na hindi nagbabago ang diwang ipinahayag. Ang binibigyang-diin lamang ang nababago, dugtong pa niya. Ayon pa rin sa kaniya, sa makabagong linggwistika, hindi tinatalakay ang panahaunan. Aspekto na ang binibigyang-diin. Tinatawag itong (1) naganap na, (2) ginaganap, at (3) gaganapin. Katulad din ng sa Ingles ang tungkol sa aspekto ngunit sa wikang Filipino ay maaaring magamit ang parehong istruktura kahit na gamitin ang pangyayari kahapon, ngayon, at bukas. Hindi tulad sa wikang Ingles na makikita kaagad ang pagkakaiba. Sa kaniyang sanaysay sa huling bahagi ng aklat, binanggit niya ang isa sa suliranin sa pagtanggap ng wikang Filipino, ito ay ang pag-aakalang napakahirap ng wikang Filipino para sa mga di-Tagalog at buhat lang sa Tagalog ang malaking bahagi nito. Napatunayan na napakaraming salitang magkatulad. Malapit ang Bisaya sa Tagalog kaya napakaraming salita ang magkatulad, (gayong maraming tumututol sa pahayag na ito mula sa kanilang panig). Sa Bikol at Bisaya, Kastila ang nakahihigit kaysa Kailokohan (nangangahulugan ba ito na higit nilang tinatanggap ang dayuhang wika kaysa taga hilaga)? Ayon pa rin sa kaniya, sadyang multilinggwal ang Pilipino at nasa pagtanggap ang suliranin, wala sa wika. II. Iba’t ibang Teorya sa Wika Sa papel ni Espiritu (2003) hinggil sa iba’t ibang teorya ng wika, ipinahayag niya na ang istrukturalismo na batay sa teoryang beheyvyorismo ay nagsilang sa pamamaraang awdyo-linggwal na nagbigay-diin sa istruktura ng wika at sa pagpapaulit at pagpapagaya sa iminomodelong istruktura ng guro. Ang pananaw na komunikatibo naman na nagbibigay-diin sa gamit ng wika, bukod sa istruktura, ay isinusulong na dahilan sa di-matagumpay na pagkatuto at pagtuturo ng wika gamit ang pamamaraang awdyo-linggwal. Beheyvyoristik at Kognitibo May malaking impluwensiya ang debelopment ng sikolohiya sa pagbuo ng mga teoryang panlinggwistika. Ang Beheyvyoristik sa ilalim ng paaralan ng Sikolohiya ay tumutugon sa Istruktural Palarawan sa paaralan naman ng Linggwistika. Katangian nito ang pag-uulit at reinforcement, pag-aaral-conditioning, at stimulusresponse/tugon. Ang mga naobserbahang mga tugon sa teoryang ito ay ang sumusunod: MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 29 DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 siyentipikong pamamaraan, tuon ang performans, empirisismo, panlabas na anyo, at pokus ang paglalarawan na tumutugon sa tanong na “ano?” Samantala, ang teoryang Kognitibo sa ilalim ng paaralan ng Sikolohiya ay kumakatawan naman sa Heneratibo Transformasyunal (Generative Transformational). Ilan sa mga katangian ng teoryang ito ay may kamalayan sa wika, tuon ang proseso, pagsusuri, insayt, akwisisyon, kalikasan ng wika, rasyonalismo, mentalismo, intwisyon, kompetens, natatagong kahulugan, pokus ang paliwanag upang masagot ang tanong na “bakit?’ Awdyo-Linggwal at Komunikatibo Pinagtambis ni Freeman, 1986 ang pamamaraang awdyo-linggwal at komunikatibo. Ayon sa kaniya, pokus ng awdyo-linggwal ang istruktura at anyo samantalang mahalaga sa pamamaraang komunikatibo ang kahulugan. Nakasentro sa awdyolinggwal ang pagmememorya ng dayalog gayong hindi naman minememorya sa komunikatibo ang dayalog kundi nakasentro ang dayalog sa mga tungkuling pangkomunikatibo. Para sa pamamaraang awdyo-linggwal, mahalaga ang masteri at ang mahabang proseso ng drill at pagsasanay bago magbigay ng gawaing komunikatibo na taliwas sa pamamaraang komunikatibo sapagkat mas pinahahalagahan ang mabisang komunikasyon at may drill din na isinasagawa ngunit hindi ito ang tuon sapagkat sa simula pa lang ay hinihikayat na ang pakikipagtalastasan. Layunin ng komunikatibong pamamaraan ang maunawaan at ang malinaw na pagbigkas, sa awdyo-linggwal naman, layunin na linangin ang kasanayan ng katutubong tagapagsalita. Iniiwasan rin sa awdyo-linggwal ang pagpapaliwanag na gramatikal ngunit sa komunikatibo ay tinatanggap ang anomang makatutulong sa mag-aaaral depende sa edad, interes, at iba pang salik. Hindi puwedeng gamitin ang katutubong wika ng bata sa pamamaraang awdyo-linggwal gayundin ipinagbabawal ang pagsasalin lalo na sa mga unang taon ng pag-aaral ngunit sa pamamaraang komunikatibo, ginagamit nang makatuwiran ang katutubong wika/ unang wika (L 1 ) ng bata kung kinakailangan at maaaring magsalin kung kapakipakinabang. Sa komunikatibo pa rin, ang pagbasa at pagsulat sa panimula ay maaaring ituro kung kailangan bagay na hindi itinuturo sa awdyo-linggwal hanggat hindi namamaster ang pagsasalita. Layunin ng awdyo-linggwal ang pagtatamo ng kakayahang panggramatika at madalas na paggamit ng realia sa 30 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D. pagtuturo; samantalang sa pamamaraang komunikatibo ay may layuning matamo ng bata ang kakayahang komunikatibo at kung kinakailangan ay ituturo ang awtentikong wika na ginagamit sa makatotohanang konteksto. Sa isang banda, may mga kontrobersyal na paniniwala naman si Stern (na kay Brown, 1994:49) tungkol sa pagkatuto at pagtuturo ng wika. Ilan sa mga argumento niya ay madaling matutuhan ang wika sa pamamagitan ng panggagaya at kailangang magpraktis nang paulit-ulit. Dagdag pa niya, hindi dapat gamitin ang unang wika (L1) sa pagkatuto ng pangalawang wika (L2) at walang kabuluhan ang pagsasalin sa pagtuturo ng pangalawang wika. Ang mga ito ay umaalinsunod sa teoryang komunikatibo. Naniniwala pa rin siya na hindi kailangan ang mga konseptong panggramatika sa pagtuturo ng L2. Si Brown (1994) naman ay nagbigay ng ilang teorya sa pagkatuto ng pangalawang wika. Ayon sa kaniya, ang kaalaman sa pagkatuto ng mag-aaral ng kaniyang L1 ay nakapagbibigay ng mahalagang insayt para sa pag-unawa ng pagkatuto ng L2 . Ito ay kinapapalooban ng pag-unawa sa kahulugan ng wika, kahulugan ng pagkatuto, at para sa konteksto ng klasrum, kung ano ang pagtuturo. Gayunpaman, may mga dapat isaalang-alang na ilang mahahalagang pagkakaiba sa pagkatuto ng L1 at L2 ang mga batang may edad na. Dagdag pa rito, malaki rin ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral sa istilo ng pagkatuto at paggamit ng estratehiya sa pag-aaral ng pangalawang wika. Dagdag pa niya, may kinalaman sa kwantiti at kwaliti ng pagkatuto ng L2 ang pananaw sa sarili o personalidad ng indibidwal at pagbabantad ng kaniyang sarili sa komunikasyon. Binigyang-diin din niya na ang pangunahing layunin ng mag-aaral ay ang pagtatamo ng kakayahang komunikatibo at dapat maging komprehensibo ang teorya ng pagkatuto ng L 2 sa pagsasama ng posibleng mahahalagang salik habang kasabay nito ang pagtiyak sa mga praktikal na aplikasyon sa makatotohanang konteksto. Lagom Marami pang ibang teorya sa gramatika at wika ang hindi natalakay sa pag-aaral na ito. Ilan lamang ang mga teorya sa wika at gramatika ang inilahad sa papel na ito na sa abot ng kabatiran ng mananaliksik ay makatutugon kundi man ay makapupuno sa pagkaunawa at dagdag kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino. Kundi man kalabisang sabihin, maaaring ituring din na View publication stats DALUMAT E-JOURNAL ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2 sors ang papel na ito na paghahanguan ng batis ng karunungan sa mga susunod pang pananaliksik kung magkagayonman. Ang lubos na kaalaman ng guro sa iba’t ibang teorya sa wika at gramatika ay mahalagang isaalangalang sa pagtuturo. Ang kabatiran sa iba’t ibang teoryang ito ay hindi sapat kung hindi naman alam ng guro kung paano niya ito ituturo. Nararapat na pulsuhan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral na hindi lamang nakatuon sa kaniyang aralin. Mayaman man ang aralin kung wala namang gana ang mga magaaral na matutuhan ang mga ito ay mawawalan lamang ng saysay ang pinagpaguran ng guro. Mahalagang bigyang-pansin din nating mga guro ang muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng pagtuturo ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon- lalo na ngayong millennial age kung saan karamihan sa ating mga magaaral ay digital natives at/o digital migrants. Gayundin, mainam na pagtuunan ng guro, ang pagbibigay halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatibo at ang pagbuo ng eklektik na pamamaraan at dulog pragmatik. Ang pagsasaalangalang sa interes ng mga mag-aaral, istilo sa pagkatuto, iba’t ibang estratehiya sa malayang pagkatuto, at motibasyon ng mga mag-aaral ay nararapat isaisip sa tuwina ng mga guro. Dahil walang permanente sa mundo, maging bukas ang ating isipan sa anomang pagbabagong nagaganap sa ating paligid at sa larang ng pagtuturo lalo na sa panahon ngayon ng information age kung saan, baka nga o totoo ngang mas marami pang alam sa atin ang ating mga mag-aaral dahil sa google university o knowledge explosion. Hindi saklaw ng talakay sa papel ang aplikasyon ng mga teoryang gramatikal at pangwika sa iba’t ibang dulog ng pagtuturo ng Filipino na hindi lamang nakatuon sa komunikatibong pagtuturo; dahil dito iminumungkahi ng mananaliksik na isagawa ito sa susunod pang pananaliksik bilang paksang pananaliksik. Sanggunian Alonzo, Ross.“Gramatika Bilang Produkto, Proseso at Kasanayan.” Talisik. Opisyal na Jornal ng Sentro ng Kahusayan sa Filipino (2001) : 251-54. Nakalimbag. Barsky, Robert. “ Zellig Harris: From American Linguistics to Socialist. http://forward.com/culture/ 141205/zellig-s disappearing-act/#ixzz42vD0Even Brown, Douglas H. Principles of Language Learning and Teaching. Englewood Cliffs, Prentice Hall. 1994. Buvitch, Scott, at Zach Cullimore, eds. “The Educational Theory of Noam Chomsky.” 2011New Foundation. 2013.Web.25 Feb. 2016 www. New foundations.com/Gallery/Chomsky.html. Espiritu, Clemencia. “Iba’t ibang Teorya sa Wika at Pagkatuto ng Wika.” Parola sa Pagtuturo ng Filipino (2003) : 1-9. Nakalimbag. Freeman, Diane. Techniques and Principles in Language Teaching. Oxford: Oxford University Press. 1986. Fromkin, Victoria A. at Rodman, Robert. Introduction to Language. Harcourt Brace. 6th edition.1997. Fromkin, Victoria A. at Rodman, Robert, eds. An Introduction to Language. Harcourt Brace.7th edition.Boston, Massachusetts, USA. Thompson Corp. 2003. Gonzales Lydia. Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. 1992. Johnson, Kyle. “Introduction to Transformational Grammar.” University of Massachussetts at Amberst. 2004. Web. 10 Jan. 2016. www.people. umass.edu. Santiago, Alfonso. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. 1997. Summer Institute of Linguistics, sa webpage na Glossary of Linguistic Terms. Web. 20 August 2004. n.a. https://www.britannica.com/topic/immediateconstituent-analysis. Kinuha 20 Aug. 2020. n.a.https://www.google.com/search?q=definition+ of+case+grammar&rlz=1C1NHXL_ enPH770P H770&oq=DEFINITION+ OF+CASE+GRAMMAR&aqs=chrome. 0.0l5j69i60l3.10197j1j4&sourceid=chrome& amp;ie=UTF-8. Kinuha 20 Aug. 2020. n.a.https://www.oxfordlearnersdictionaries.com/us/spell check/english/?q=immediate+constituent Kinuha 20 Aug. 2020. Si Dr. Maria Fe Gannaban-Hicana ay nagwagi bilang isa sa mga ULIRANG GURO sa Filipino 2018 ng KWF. Sumulat siyanng ilang aklat sa Filipino, Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao. Proof reader, validator, rebyuwer at tagapagsalin. Naiimbitahang guest examiner/panelist, tagapagsalita at tagapayo. Kasalukuyang siyang nagtuturo sa Technological University of the Philippines-Taguig bilang full time Associate Professor V. MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 31