KABANATA 1: KULTURANG POPULAR KAHULUGAN NG KULTURA Ang Kultura ay tumutukoy sa: - aktibidad ng sangkatauhan - "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay - ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. - Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan - Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa - Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat. - - ANG KAHULUGAN NG KULTURA - sinulat ni Phil Bartle, PhD isinalin ni Ken Poliran - The simplest definition of culture is that it is composed of everything symbolic that we learn - - - - - - Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically) maliban na lamang kung sila ay binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao. Ang ating mga kahalagahan kasama ang kahit anong tingin namin ng bilang magandang laban sa masama, karapatang laban sa mali o maganda laban pangit. Kabilang sila bilang isa sa anim na sukat ng kultura Iba't-ibang mga komunidad o lipunan ay may iba't-ibang uri ng mga halaga. Ang pagkakaiba nila ay ang pagsalungat sa mga kahalagahan Katulad nito, iba't-ibang mga komunidad ay may iba't-ibang mga sistema ng pang-ekonomiya (isa sa anim na sukat). Sa libo-libong taon na tayo'y nagkaroon ng Kain-Abel conflict sa pagitan ng magsasaka (planting) at magpapastol na lipunan. Sila ay gumagamit ng lupa sa magkasalungat na paraan, hindi sangayon sa isat'-isa. Ang magsasaka ay kailangan niya ng bakod para maprotektahan niya ang kanyang pananim at mga gulay, habang ang magpapastol naman kailangan ng malawak at bukas na lupain. (Si Kain ay isang magsasaka habang si Abel ay isang magpapastol, at ang kanilang mga kuwento ay maaaring maging isang sinaunang makahulugan na representasyon ng pagkakasalungat). Tayo ay maaring makahanap ng mga halimbawa sa lahat ng anim na sukat ng kultura na may pagkakaiba kung paano ang pagpatakbo nito, at ito ay maging batayan ng pagkakasalungat ng kultura, kung saan dalawa o higit pa ng komunidad ay maroong kaibahan at subukan na sumakop sa parehong lugar at teritoryo. Sa isang komunidad, na kung saan ay may isang hanay ng mga pagbabago-bago sa lahat na anim na sukat, diyan ay maaaring umiral ang isang maliit na pangkat ng komunidad na may kaibahan mula sa mas malaking komunidad. Iyon ay isang maliit na kultura. Karaniwan ang mga kuru-kuro ay nagpapahiwatig ng isang maliit na pangkat ng mga halaga o paniniwala, habang ang kaibahan ng isang maliit na pangkat (sub kultura) ay maaaring sa anumang ng anim na kulturang dimensyon. Ang salitang "pananakop" kadalasan ay naaangkop sa mga pampulitikang pananakop, kung saan ay may nakapamamayani komunidad o lipunan, at ang isang malapit na mahinang komunidad kung saan mauwi sa pansariling pangingibabaw ng pampulitika sa pamamagitan ng mas malakas na kapit-bahay. Pulitika ay isa lamang sa anim na dimensyon ng kultura, gayunpaman, at na ang impluwensiya o impormal na dominasyon ay maaaring mag-aplay sa anumang ng mga dimensyon Ito ay walang katiyakan kung pwedeng gamitin sa isa lamang. Habang ang mga Canadians ay nakita nila ang sarili na isang malayang bansa laban sa Amerika (USA), ang pangkalakal na relasyon ng USA ay may pangibabaw sa pang-economiya ng Canada Ang produksyon ng popular na panitikan, musika, sine, telebisyon, at radyo entertainment sa USA, na kung saan ay may marami at mas malaki mas malakas kaysa sa merkado ang Canada, ay nangangahulugan na may pananakop ng kultura (sa mga tuntunin ng aesthetics sa ang halaga ng laki) USA ng higit sa Canada. - May mga relasyon na katulad ng mga pananakop sa lahat ng mga kontinente, ngunit ang mga Canadadian mas may kamalayan sa bansang USA. KULTURANG POPULAR Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon: sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng Kanluran (ang mga Klasiko) Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran: itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’” • Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami. “… ang namamayaning kultura …ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming mamamayan.” nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…” “…panahon na upang pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga nilikha o ginawa ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat…” Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura • Pagpasok ng teknolohiya • Ugnayan ng bumibili at ng may-akda • Pag-unawa sa karanasan “ Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kultura ay kinakailangang nakasandig sa malawakang pag-unawa sa konteksto ng kongkretong manipestasyon sa mga pelikula, radyo, komiks, atbp.” Ano Ang Kulturang Popular? Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing? May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga: 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan. 2. Latak Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat. 3. Pangmasa o komersyal na kultura Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga. 4. Ginagawa ng tao Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang. 5. Larangan ng gahum Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura. 6. Pagkalusaw ng mga hangganan Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa. Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon. Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal at ang Kapangyarihan ng Komukunsumong Masa (sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMoralesNuncio) Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa isipan ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar. —Florentino Hornedo, Kulturang Popular: Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon. Sa panahon ng pananakop ng Kastila ginamit ang krus, sandata at maskara. Pagdating ng mga bagong kolonyalistang Amerikano, ginamit naman ang teknolohiya at mas midya. Sa diskursong ito ang popularisasyon ay pananakop bilang panghihimasok sa kasarinlan ng kamalayan at katawan. Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng simbulo, senyal at materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at istratehiyang kolonyal at komersyal sa bansa. Ngunit sa bandang huli mayroong tensyon, kontradiksyon, kapangyarihan at resistans ng mamamayan ang nalilikha. Mga Bakas ng Kolonyalismo Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto ng pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan, pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging simbolikong instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit ang relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa kultural na lebel—ang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika. May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang kamalayan ng mga edukadong nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling alipin (Lumbera 2000: 91). Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at sarswela ang mga dulang ito. Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila. Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila. Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs, 1981): …[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the United States in the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open and armed resistance to the constituted authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to be used when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present Government and setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377). Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: “American control of the educational system made possible the distortion and suppression of information regarding Philippine resistance to American rule and the atrocities committed by the American army to crush that resistance” (1978: 68). Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng sistemang edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang wika at kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino. Mga Bakas ng Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at Komodipikasyon o Pakikisangkot ng Mass Media sa Buhay ng Komukunsumo Nito Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyon dala ng mapusok na edad ng industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng panibagong pagbulusok ng komidipikasyon ng pangangailangan ng tao. Impormasyon ang naging bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng kapital ang pag-angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at praktika ng imperyalistang Amerika. Dahil nga nasa ilalim ng pamunuang Amerikano ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado ang gawang Kano. Kasama na rito ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at telebisyon at pangkalahatan ng mas midya. Sa katunayan sa pagdating ng radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan at bilihan sa merkado at komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: “So good was the response to this medium of information and entertainment that in 1928, the local distributor of a famous American-manufactured radio set saw it fit and without doubt, profitable to establish their own radio station…So it went from experimental to plain business” (1986:69). Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang paliwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa mga kamay ng mga negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung sa batam-batang industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only had to set up and maintain a TV station, but also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del Mundo, Jr. 1986: 74). Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang moda ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng komukunsumong masa. Ang pagkonsumo sa produkto ng mass media—radyo, telebisyon, pahayagan—ay nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panapanahong yugto, kundi nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng yugto ng panahon. Sabi ni Philip Abrams: “Unique among the mass media, radio and television are given opportunities by time, by the fact that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that they can break up the day” (sa Casty, 1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mas medya sapagkat ang bawat programa sa radyo at palabas sa telebisyon ay tuluyang naihahatid nang walang puknat, nang walang hinto sa pandinig, sa paningin at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice Guillermo: “Much of the effectivity of the TV medium as a conveyor of values and hence of ideological content lies in its immediate accessibility: with a flick of a dial, the images spring to life and all at once there is created the illusion that these images are within us, around us and that they unfold in space as the world outside our domestic confines” (1989: 204). Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang galaw, isip at damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang praktika ng pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick Couldry nang sabihin niyang: “We can understand the media’s ability to become ‘obligatory passing points in the general circulation of images and discourse, not as something superimposed on social practice from the outside; instead it endlessly reproduced the details of social practice itself” (2000: 5). Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng mga tao. Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino na: Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay maaaring kultural na teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001: 7). Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni dating pangulong Manuel Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot (at umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na nakakaraming tao— ang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral. Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. “Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change” (Barker, 2000: 35). Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5). Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin. Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: “A variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of the popular, is that which decries commodity-based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44). Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula sa labas. Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga produkto, bagkus sa pagkonsumo nito. Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura at Masa sa Panahon ng Komersyalismo Lubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng masa sa kontexto ng kulturang kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa ganitong kadahilanan, nararapat na gamitin at basahing muli ang pagteteorya ng terminong kulturang popular. May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pagaangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng konsumer? “Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value (good or bad taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker, 2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado. Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit. Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga tao. Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans. Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit nagiging pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo at produkto, at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung may kontrol man sila iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang guguho ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng malayang pagpili o paghulagpos. RVN KATANGIAN NG 100% PINOY Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy. PINOY KA KUNG… 1. Lumilingon ka kapag may sumisitsit. 2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso. 3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo. 4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan. 5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor. 6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator. 7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at 8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo. 9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo. 10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan. 11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner. 12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan. 13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok. 14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa. 15. Mahilig kang sumingit sa pila. 16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw. 17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan. 18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar. 19. Umuusyoso ka kapag may aksidente. 20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay. 21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport. 22. Naliligo ka sa ulan at sa baha. 23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata. 24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo. 25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina. 26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products. 27. Bumibili ka ng ukay-ukay. 28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe. 29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel. 30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang. 31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot. 32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste. 33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set. 34. May uling sa loob ng refrigerator mo. 35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain. 36. May eletric fan kang walang takip ang elisi. 37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita. 38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall. 39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw. 40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai. 41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan. 42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo. 43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker. 44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin. 45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga. 46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan. 47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi. 48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa. 49. Ugali mong umutang sa sari-sari store. 50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo. KABANATA 2: Iba’t ibang Kultura ng mga Pilipino na Naging Popular Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas 1. Pambansang Watawat : Watawat ng Pilipinas Pangunahing simbolo ng ating bansa ang Watawat ng Pilipinas. Tatlo ang kulay nito - bughaw, pula at puti. Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Ang pula ay para sa kagitingan na magpapaalala sa matatag na kalooban ng mga mamamayan. At ang puti ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino. Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon, Mindanao at Visayas. Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay mula sa “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa bigas. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino. Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas. Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang masaya. Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino. Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman kumakatawan sa mga walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan – Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite. Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa ay nasa digmaan. Kapag ang pulang kulay ay nasa itaas, nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan. Ang Watawat ng Pilipinas ay dinesenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw sa HongKong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad. Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898. 2. Pambansang Awit : Lupang Hinirang Bayang Magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay. Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, 'Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y 'di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa 'yo. Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo nang hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hong Kong. Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo”. Tinugtog niya ito sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na nagkaisang aprobahan rito. Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa bintana ng mansion ni Aguinaldo. Pinalitan nila ng “Marcha Nacional Filipina” ang titulo nito at agad na naging “National Anthem” kahit wala pa itong liriko o titik. Nang sumunod na taon, isang tula na may titulong “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng Pambansang Awit. Noong Panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang liriko ng Pambansang Awit. Ang unang pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpama’y pinaka-kilalang bersyon ang isinulat nina Mary A. Lane at Sen. Camilo Osias, na kilalang “Philippine Hymn”. Naging opisyal ang Pambansang Awit na may lirikong Ingles sa batas ng Commonwealth Act 382 na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong Disyembre 5, 1938. Noong mga taong 1940, nagsimulang lumabas ang bersyong Tagalog ng Pambansang Awit. Noong 1948, inaprubahan ng Departamento ng Edukasyon ang “O Sintang Lupa” bilang Pambansang Awit sa Pilipino. Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr., Kalihim ng Edukasyon na ay bumuo ng komite para baguhin ang mga titik ng Pambansang Awit. Nagawa ang bagong bersyon na pinamagatang “Lupang Hinirang”. Nagkaroon lang ito ng kaunting rebisyon noong 1962. Sa bisa ng isang batas sa mga Bagong Pambansang Sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakum-pirma ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit. Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit ang dapat gamitin ngayon. Ngunit, ang opisyal na liriko sa Kastila ay nananatiling ang gawa ni Palma at sa Ingles naman ay ang gawa nina Lane at Osias kahit hindi ito bahagi ng opisyal na Pambasang Awit ng Pilipinas. Ito rin ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe. Dapat awitin nang madamdamin ang Lupang Hinirang. At bilang paggalang, lahat ng uma-awit nito ay dapat nakaharap sa nakaladlad na Pambansang Watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung wala naman, ay dapat humarap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, dapat ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit. 3. Pambansang Wika: Aa Bb Cc Dd Filipino Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Ww Xx Yy Zz Uu Vv Taong 1937, ang Instituto ng Pambansang Wika ay binuo ng Unang Pambansang Asembleya. Pumili sila ng wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Pinili nito ang Tagalog . Ang Pambansang Wika ay nakilalang Pilipino noong 1961. Pagkaraan ng ilang taon, pinalitan ang pangalan nito ng Filipino. Sa Saligang Batas ng 1987, ang Filipino ang itinakdang pambansang wika at isang opisyal na wika ng Pilipinas. Nagkaroon ng mga pagbabago ang alpabetong Pilipino hanggang naging 28 ang mga letrang bumubuo dito. Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buwan ng Agosto. Karaniwang itinatapat ito sa Agosto 18 na kaarawan ni Pangulong Manuel L Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. 4. Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Si Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Ang ama ni Rizal ay isang matagumpay na negosyante at magsasaka. Ang kanyang ina, na may tindahan sa isang bahagi ng ibaba ng kanilang bahay ay matalino at edukada na mahilig sa literature at matematika. Lumaki si Rizal sa isang pamilyang sagana sa mga pangangailangan dahil sa kasipagan ng mga magulang. Itinuturing na prominente ang kanilang pamilya sa panahon ng kolonisasyon. Mula sa kanyang kamusmusan ay sagana si Rizal sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya. Matiyaga siyang bina-basahan ng kanyang ina ng mga tula at kuwento sa gabi. Sa edad na tatlo ay natuto na siyang sumulat at magbasa. Mula pagkabata, nasaksihan niya ang karahasan ng mga Kastila sa mga Pilipino. Edad 10 si Rizal nang pagbintangan ang kanyang ina sa isang kasalanang hindi nito ginawa. Pinalakad si Donya Teodora nang mahigit 20 milya papunta sa kapitolyo ng Sta. Cruz ng mga Kastilang opisyal na pinapakain nila sa kanilang tahanan. Sa kabila ng mga aksyong legal at mga apela sa Maynila, nakulong pa rin si Donya Teodora nang mahigit dalawang taon. Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, pinagbintangang kasabwat kaya pinatay ng mga Kastila ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay nagtago dahil guro nito si Padre Jose Burgos, isa sa tatlong paring martir. Upang makaiwas sa lalo pang pag-uusig ng mga Kastila, nagpalit ng apelyido ang pamilya. Ang Mercado ay naging Rizal. Sa panahong iyon, pinag-iinitan ang mga Pilipinong matalino at may kakaibang kakayahan. Ngunit hindi nila napigilan si Rizal. Siya’y nakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, natuto, lalong nahasa ang talino, kakayahan at talento at nakapaglakbay sa maraming panig ng mundo. Si Rizal ay nakilala bilang isang magaling na manggagamot, pintor, arkitekto, magsasaka, orador, guro, enhinyero, manunulat at iba pa. Inihayag ni Rizal ang kanyang pagiging makabayan at tumulong upang buksan ang isipan ng mga Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Ang pinakatampok niyang akda ay kanyang dalawang nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Dahil sa kanyang mga panulat at sa adhikaing makalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila, si Rizal ay pinaratangang taksil sa pamahalaan. Siya ay ipinakulong at binaril ng mga Kastila sa Luneta noong Disyembre 30, 1896. 5. Pambansang Tirahan: Bahay Kubo Ang tipikal na Bahay Kubo ay simple at munting tirahan na yari sa mga materyal gaya ng kawayan, buho at nipa o kogon. Sa panahon ngayon, ang Bahay Kubo ay halos nakikita na lamang sa mga liblib na lugar ng bansa at sa mga bukid. Karaniwan itong pahingahan ng magsasakang galing sa pagtatrabaho sa bukid. Gayunpaman, ginagawa rin itong pang-akit sa mga turista o bakasyunista sa mga piling pasyalan o pook-bakasyunan gaya ng mga resort. 6. Pambansang Puno: Narra Ang Narra ay matuwid, matigas, matibay at matatag na punongkahoy. Ang mga katangiang ito ng Narra ay maihahalintulad sa mga Pilipino. Ang Narra ay matatagpuan sa buong bansa ngunit ang karamihan ay sa Bicol, Mindanao at sa Lambak ng Cagayan. Dahil sa magandang uri ng kahoy nito, mainam itong gawing mga muwebles at gamit sa pagpapatayo ng mga bahay. 7. Pambansang Bulaklak: Sampaguita Maputi at mabango ang Sampaguita. Simbolo ito ng kalinisan. Ang pagtitinda ng sampagita ay karaniwan na ring hanapbuhay ng ilang mga Pilipino. Tinatalian nila ito at ginagawang kuwintas, “corsage” o korona sa mga pagdiriwang. Ginagamit din ang mga ito sa pag-welcam ng mga panauhin. Ang langis nito ay dini-distill at ipinagbibili. Ang Sampaguita ay naging Pambansang Bulaklak ng Pilipinas mula noong 1934. Ang bayan ng San Pedro, Laguna ay kilala bilang Bayan ng Sampaguita ng Laguna”. Bilang pangunahing suplayer ng Sampaguita sa buong Laguna at Metro Manila, ang produksiyon nito ang isa sa mga pinagkakakitaan ng maraming mamamayan sa bayang ito. Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing Pebrero 16 – 20. 8. Pambansang Prutas: Mangga Ang Mangga ay may iba’t ibang uri ngunit halos lahat ay hugis-puso. Marahil ito ang isa sa mga pinagbasehan kung bakit ito ang naging Pambansang Prutas ng Pilipinas. Maaari kasi itong sumagisag sa pagiging mapagmahal ng mga Pilipino. Ang pangalan ng prutas na ito ay hango sa salitang Tamil na “maangai” o sa salitang Malayalam na “maanga”. Pinasikat ito ng mga Portugis pagkatapos ng kanilang eksplorasyon sa India kaya naging “manga” sa Portugis. Ang Mangga ay may makinis na balat. Karamihan ay dilaw ang kulay nito kapag hinog na. Berde ang kulay nito kapag hilaw pa. Masarap itong kainin, hilaw man o hinog. Kapag hilaw, kadalasan itong tiniternuhan ng bagoong na alamang o asin at nilalagyan pa ng pampaanghang. Ginagamit din itong pang-asim sa sinigang na isda. Kapag hinog, masarap itong kainin kahit walang ibang halo. Kilala kahit sa ibang bansa ang pinatuyong matamis at hinog na mangga. Hilaw man o hinog, inihahalo ito sa mga inuming pampalamig, “shake”, sorbetes at maging sa “pie”. Karaniwan na ang puno ng Mangga sa maraming bahagi ng Pilipinas. Tumataas ito hanggang 40 metro. Pagkatapos ng pamumulaklak, ang prutas ay umaabot ng 3 hanggang anim na buwan para mahinog. Dahil sa maraming produksyon ng Mangga sa Pilipinas, ito ay dinadala at ibinebenta na sa ibang bansa. Partikular na kilala at hinahangaan ang magandang kalidad ng mga Mangga sa isla ng Guimaras. Isa ang Pilipinas sa nangungunang 12 na bansa sa buong mundo sa produksyon ng Mangga noong 2005. 9. Pambansang Dahon: Anahaw Ang dahon ng Anahaw ay malapad na korteng pamaypay. Kapag tag-ulan, ginagamit ito ng mga magsasaka na panakip sa kanilang likod. Ito ay karaniwang tumutubo sa mga kagubatan sa maraming bahagi ng kapuluan. Ang dahon ng Anahaw ay ginagawa ring pamaypay, banig at pambubong ng bahay. Ang puno nito na tumataas hanggang 20 metro at may diametrong 20 centimetro ay karamihang ginagamit sa mga palaisdaan. Ang kahoy nito ay ginagamit na haligi at sahig ng mga bahay sa kanayunan. Maganda rin itong materyal sa paggawa ng pana, baston at iba pa. Ang buko ng Anahaw ay puwedeng gulayin. Inaalagaan din ang Anahaw bilang ornamental. Maganda itong pandagdag sa dekorasyon kapag may pagdiriwang. 10. Pambansang Hayop: Kalabaw Ang Kalabaw ay masipag, matiyaga, malakas at maamong hayop na inaalagaan ng mga magsasakang Pilipino. Ang mga katangiang ito ay maihahalintulad sa mga katangian ng mga Pilipino. Sadyang maasahan ang kalabaw sa maraming gawaing-bukid lalo na sa pag-aararo at paghihila ng mga mabibigat na bagay. Ang kalabaw ay malaking hayop at karaniwang itim ang kulay. Albinong kalabaw ang tawag sa hindi itim. Minsan lamang manganak sa loob ng isang taon ang kalabaw. Likas na tahimik ang kalabaw. Bihira lamang itong mag-ingay. Kalimitan, sa umaga at sa hapon ito nanginginain ng mga damo. Kapag hindi nagtatrabaho, ang kalabaw ay namamahinga sa putikan o kaya ay lumalangoy sa ilog. 11. Pambansang Ibon: Agila Ang Agila ng Pilipinas na dating kilala bilang “monkey eating eagle” ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaki, pinakama-kapangyarihan, at pinakatanging uri ng agila sa buong mundo. Ang mag-asawang Agila ay magkasama habambuhay. Ang babae ay nangingitlog ng isa lang. At ang inakay ay inaalagaan ng mag-asawang Agila sa loob ng mga 20 buwan. Dahil minsan lamang mag-prodyus sa loob ng 2 taon, mabagal silang dumami. Maaring mabuhay ang ibong ito sa loob ng 30 hanggang 60 taon ngunit nakakalungkot na sa kasalukuyan, isa ito sa mga ibon na “critically endangered” o nanganganib mawala. Kaya ang Philippine Eagle Foundation sa pakikipagtulungan sa pamahalaan ay nagsisikap maprotektahan at maparami ang ibong ito. Ito ay sa suporta rin ng mga pribadong indibidwal na nagmamalasakit sa Agila ng Pilipinas. 12. Pambansang Isda: Bangus Ang Bangus ay isang uri ng isdang tabang. Inaalagaan at pinalalaki ito sa mga palaisdaan. Puti ang kaliskis nito at malinamnam ang laman. Bagama’t matinik ang Bangus, paborito ito ng maraming Pilipino. Karaniwang niluluto ang Bangus na inihaw, sinigang, paksiw, prito at pansahog sa mga gulay. Masarap din itong gawing relyeno. Sa lutong ito, tinatanggalan na agad ng mga tinik ang Bangus. Karaniwan na rin sa mga pamilihan ang “boneless Bangus”. Bukod sa masarap, wala na itong tinik at lulutuin na lang. Tinatangkilik ito ng maraming mamimili. 13. Pambansang Kasuotang Panlalaki: Barong Tagalog Ang Barong Tagalog ay panlalaking pormal na kasuotang na may burda. Ang salitang “Barong Tagalog” ay may literal na kahulugang “damit o baro ng Tagalog”. Karaniwang gawa ito sa manipis at magaang tela tulad ng piña at jusi. Tak awt ang pagsusuot nito. Kadalasan itong ginagamit sa mga kasalan at mga pormal na pagdiriwang. Sinasabing ang pagsusuot nito ay nagsimula pa bago ang panahon ng mga Kastila. Ngunit may mga eksplanasyong historikal na nagsasabing nauso ang Barong Tagalog sa Panahong Kolonyal ng mga Kastila noong 1565 hanggang 1898. Noong nagsimula ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas, ipinatupad nila ang pagsusuot ng Barong Tagalog ng mga kalalakihang Pilipino. Ito ay upang makilala agad ang mga Pilipino. Isang dahilan diumano kumbakit tak awt ang pagsusuot nito at manipis ang telang ginagamit ay dahil mas angkop sa panahong tropikal ng bansa. Ang isa pang sinasabing dahilan kaya ipinagbawal ang pag-tak in ng barong ay dahil palatandaan daw ito ng pagiging mas mababa ng mga katutubo. At kailangang manipis ang tela o materyal na gagamitin ay upang hindi makapagtago ng armas na magagamit laban sa mga namumunong Kastila. Ipinagbawal din ang bulsa sa Barong para maiwasan daw ang pagnanakaw. Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng tinatawag na “new middle class” o “principalia” sa mga Pilipino. Sila ang mga Pilipinong naging bihasa sa mga Batas ng Kastila, umunlad ang pamumuhay dahil nagtagumpay sa pagnenegosyo o sa pagsasaka at nagkaroon ng maraming lupa. Nabigyan sila ng mga tanging prebilihiyo gaya ng pagtatayo malalaking bahay sa kabayanan at karapatang bumoto. Pero kailangan pa rin nilang mag-Barong Tagalog. Nakilala ang Barong Tagalog pagkatapos itong ideklara ng Unang Pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon bilang Pambansang Kasuotan. Pinaganda ang mga disenyo o burda at tela ng kasuotang sinasabing nagmula pa sa panahon bago ang mga Kastila. At ito’y naging opisyal na simbolo ng pagtutol ng mga Pilipino sa kolonisasyon. Lalo pang sumikat ang Barong Tagalog nang gamitin ito ni Pangulong Ramon Magsaysay sa mga pormal na pagtitipon lalo na sa kanyang pagkakatalaga bilang pangulo. Siya ang unang Pangulo ng Pilipinas na gumamit ng Barong Tagalog sa kanyang “portrait”. Noong 1975, lalo pang nakilala ang Barong Tagalog nang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos ang opisyal na “Linggo ng Barong Tagalog” (Hunyo 5 – 11). Ito ay sa layuning palawakin ang paggamit ng nasabing kasuotan. Ngayon, paborito pa rin ng mga Pilipino ang Barong Tagalog. Ginagamit ito sa mga pormal na pagdiriwang at tanging okasyon. Tak awt pa rin ang pagsusuot nito. Pero ang mga disenyo at tela ay mas pinagaganda pa. Isang malaking pinagkakakitaan ng mga Batangueño ang industriya ng Barong Tagalog. 14. Pambansang Kasuotang Pambabae: Baro’t Saya Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. Kadalasan, ang dalawang pirasong kasuotang ito ay may kasama ring tapis na ginagamit na pampatong sa saya at alampay na pantakip sa dibdib. Habang lumilipas ang panahon, ang saya ay halos nananatiling simple. Ang baro naman ay nagkaroon ng iba’t ibang disenyo. Hindi lang lalong gumanda kundi naging bongga ito dahil sa mga burda, sekwins at iba pang palamuti na inilalagay dito. 15. Pambansang Laro: Sipa Ang larong Sipa ay sumasagisag sa pagiging mabilis sa mga hakbanging dapat isagawa. Ang mga manlalaro ay gumagamit ng maliit na bakal na may buntot o kumpol ng mga goma o tinastas na sako. Sinisipa ito ng mga manlalaro. Ang Sipa ay katumbas din ng Sepak Takraw na ang layunin ng mga manlalaro ng bawat grupo ay patagalin ang bola sa ere. 16. Pambansang Sayaw: Cariñosa Ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas. Ang salitang Cariñosa ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay mapagmahal, maganda, o palakaibigan. Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga mananayaw ay ay mga hakbang ng pagtataguan at panunukso na naghahayag ng damdamin sa isa’t isa. May mga iba pang bersyon ang sayaw na Cariñosa pero ang “Taguan” ang pinakakaraniwan sa lahat. 17. Pambansang Pagkain: Lechon (Buong Baboy na Inihaw) Ang Lechon o buong Baboy na inihaw ay paboritong handa ng mga Pilipino sa mga pistahan at mga tanging pagdiriwang. Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga Pilipinong nakaririwasa ang pamilya. MGA KILALANG KASUOTANG PILIPINO 2. Baro’t Saya 1. Barong Tagalog Iba’t – ibang Uri ng Kasuotan 1. Damit Pambahay – Ito ay damit na maluwang at maginhawa sa katawan tulad ng duster, shorts, t-shirt, at mga luma ngunit maayos pang damit. Ito ay karaniwang yari sa telang bulak o koton. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Damit Pantrabaho – Ito ay damit yari sa matibay na tela tulad ng maong, na hindi kaagad kinakapitan ng dumi. Mayroon ding damit pantrabaho na ipinapatong lamang sa kasuotan upang di ito marumihan, tulad ng epron. Damit Panlaro – Ito ay magaan at maluwag upang maging malaya at maginhawa ang pagkilos ng katawan. Ang mga halimbawa nito ay kamiseta, t-shirt, shorts, at bloomer. Damit Pantulog – Ito ay kasuotang manipis, maluwang, at maginhawa tulad ng padyama at nightgown. Ang mga luma ngunit malilinis na damit ay maaari ring gamiting pantulog. Ang mahalaga ay magpalit ng damit bago matulog. Damit Pamasok – Ito ay ang uniporme na ginagamit sa pagpasok sa paaralan. Karaniwan, ito ay blusa at palda sa babae at polo at long pants o short sa mga lalaki. Dahil sa ginagamit ito sa araw-araw, ang uniporme ay dapat na madaling labhan, patuyuin, at plantsahin. Damit Panlakad – Ito ay magara at naiiba sa karaniwanng damit na isinusuot sa araw-araw. Ito ay ginagamit kapag may okasyon tulad ng pista, handaan, salu-salo, o iba pang pagdiriwang na dadaluhan. Damit Pantag-init – Ito ay manipis at nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa katawan kaya isinusuot kapag maiinit ang panahon. Yari ito sa telang bulak o koton kaya naiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa katawan. Damit pantaglamig – Ito ay yari sa makapal na tela o kaya’y galing sa hayop tulad ng tupa. Ang damit pantaglamig ay nagbibigay proteksyon sa katawan upang di ito makaramdam ng ginaw. Ang mga halimbawa nito ay dyaket at sweter. Damit Pantag-ulan – Ito ay kasuotang yari sa plastik o goma. Ipinapatong ito sa damit upang di mabasa ng ulan. Proteksyon din ito laban sa lamig. Ang mga halimbawa nito ay kapote at dyaket na pantag-ulan. Damit panloob – Ito ay ginagamit upang magbigay-proteksyon sa katawan lalo na sa maseselang bahagi nito. Kabilang sa damit- panloob ang kamison, kamiseta, sando,salawal,panty, at brief. Kasuotan ng Iba’t Ibang Pangkat etniko sa Luzon at ang Kanilang Kultura 1. Aeta Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta. Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat. Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan. Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na “paghihiwalay ng dugo.” Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalangbatas ay yaong nabuo mula sa tradisyon. Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag inaaksaya ito. Panget sila. 2. Tinguian Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan. Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa. 3.Tagbanua Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso. Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa. 4. Mangyan Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain. 5. Ifugao Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao. Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan. May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. 6. Kalinga Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga. Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa. 7. Itawes Matatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka. 8. Gaddang Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda. 9. Kankana-ey Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi. Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat. Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya. 10. Ilongot Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan. Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan. 11. Ibaloy Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense. Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan. Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket. Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan. Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod. 12. Isneg Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana. Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugisbangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang. 13. Ivatan Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.Padron:Fact Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugiskahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana. Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa. Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano. Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela. Pangkat etniko sa Mindanao 1. Maranao Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske. Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso. 2. T'boli Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit. Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli. 3. Tausug Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya. May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu. 4. Badjao Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May hakahakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya. Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba'tibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas. Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan. 5. Subanon Ang mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula. 6. Cuyunon Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mgaEspañol na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda. Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya. 7. Bagobo Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba. Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi. 8. Yakan Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang “haring” palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay. Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan. Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki. Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang. MGA URI NG TAHANAN NG MGA PILIPINO MGA URI NG TIRAHAN Ang bahay o tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng tao, at isang tirahan na napapalibutan ng mga dinding at may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang nilalang laban sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot. Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan para sa mga bisiro, tinatawag na tahanan ang isang bahay (bagaman kadalasang tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o hindi katulad ng mga dagang naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan ang mga tao, sa halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.[1] Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng isang pinto o isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala man. Tahan ang salitang-ugat ng tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-iyak ng isang sanggol) o pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan. Sa isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan: na tumutukoy ang bahay sa pa Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao,mga materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwangnararanasan sa lugar na iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahaykung gagamitin ang materyales na madaling makuha ayon sa pook.Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa kung malapit sakailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari sa yelokung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at mayroon dingmga bahay na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sabansang Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habangnaglalakbay sa ilang. 1. Unang Uri ng Tahanan Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi,kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila itomarahil upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkatng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan. 2. Ikalawang Uri ng Tahanan Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid,yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga itoay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawido kawayan at pawid. Ang haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay aynababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga alaganghayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan angpinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibangbahay ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago pumasok ng kabahayan. 3. Ikatlong Uri ng Tirahan Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihilapaitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madalingmasalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzonat ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao. 4. Ikaapat na Uri ng Tahanan Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig.Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan.Ito ay may isang palapag at ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis.Marami pa ring ganitong uri ng tahanan ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao. TRANSPORTASYON SA PILIPINAS Araw-araw tayong sumasakay ng dyipni, taxi, bus, LRT at tren. Minsan sumasakay din tayo ng barko o eroplano kung patungo sa malalayong lugar. Pero naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nagsimula ang sistema ng transportasyon sa ating bansa? Malaki ba ang pinagbago ng transportasyong Pilipino sa pagdaan ng panahon? Masasabi nating nagsimulang umunlad ang transportasyong Pilipino sa pagdating ng mga Amerikano. Bagamat may simple nang paraan ng paglalakbay noong panahon ng mga Espanyol, lalo pa itong dumami, naging mabilis at sopistikado sa panahon ng mga Amerikano. 1. Mga Sasakyang Panlupa. Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit ng mga tren, tranvia, kotse at bus. Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga Ingles ay binili ng pamahalaang Amerikano. Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National Railways (PNR). Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din ng mga linya ng tren sa Cebu at Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang naitayo ng mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng mga linya ng tren ang nagpaunlad sa mga pook na dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod. Gayundin ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng bansa. Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba sa tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang maisasakay ng isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng lungsod ang siniserbisyuhan nito. Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa itong benzine-fueled French-made Brazier. Ang kotse ang nangungunang transportasyon noong panahong iyon partikular na sa mga maykaya sa buhay. Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas-General Electric trackless trolley bus. Ito ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa. Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong mga 1930s. Maaari itong magsakay ng apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at pinakamabilis na pampublikong transportasyon noong panahong iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga trak at motorsiklo sa paglalakbay. Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng pampasaherong dyipni na lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga Uri: 1. trisikad 2. pedicab 3. Habal-habal 4. dyip 5. bus 2. Mga Sasakyang Pantubig Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang paglalayag ng mga international steamships sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbukas ng mga daungan o seaports sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking daungan sa Asya noong panahong iyon. 3. Mga Sasakyang Panghimpapawid. Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay pinalipad ni ‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City. Noong 1930, sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa. Dito unang naranasan ng mga Pilipino na maglakbay sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t ibang bahagi ng ating kapuluan. Sinundan naman ito ng pagtatag ng Iloilo-Negros Air Express Co. o INAEC noong 1933. Sinasabing ang dalawang kompanyang ito ang naging Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paglapag naman ng China Clipper ng Pan-American Airways sa Maynila noong Nobyembre 29, 1935 ang itinuturing na unang trans-Pacific air travel mula California, USA hanggang Pilipinas. Ito rin ang nagpasimula sa internasyunal na paglalakbay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga eroplano. Sa paglipas ng panahon, masasabi nating unti-unting nagbabago at umuunlad ang sistema ng transportasyon sa bansa. Mula sa isang simple,ito ay naging moderno at sophistikado. Bagamat lagi itong pabagu-bago, dapat nating tandaan na ang pagkakaroon ng isang malawak at mabilis na sistema ng transportasyon ay isa sa mga salik na magbibigay-daan sa minimithing pag-unlad ng isang bansa.