Isang mainit na pagsalubong sa inyong lahat, mga giliw naming tagapanood: mula sa butihing ina ng ating Pamantasan, Dr. Shirley C. Agrupis, mga kasapi ng Konsehong Pang-administratibo, mga mag-aaral, kapwa kawani ng pamantasan, mga panauhin, at lahat ng aming mga minamahal… Tayong lahat ay nagtipon-tipon ngayon sa nagiisang Teatro Ilocandia upang sumama sa isang paglalakbay sa mundo ng drama at imahinasyon. Lubos ang aming kagalakan at pananabik na ipinaabot namin ang taospusong pagbati sa inyong lahat sa katangi-tanging pagkakataon na ito. Mula sa Center for Human Movement Studies, nais kong ipaabot ang aming taospusong pagbati sa direktor, mga aktor, at mga ibang kasamahan natin sa likod ng bawat eksena. Ngayong hapon, ang tanghalan ay nakahanda na upang magpausbong sa salamangka ng pagsasalaysay, na binigyang-buhay ng mga masining nating kapamilya na nagbuwis ng kanilang puso at kaluluwa sa pagbuo ng isang ekstraordinaryong produksiyong-pang-entablado. Kami ay masaya na kayo ang aming mga gabay patungo sa isang pakikipagsapalarang puno ng takot, hilakbot, at mga imaheng mananatili sa panginorin pagkatapos ng pagtatanghal. Sa puntong ito, aking ipinapaalala na ang palabas na ito ay hindi para sa mga mahihina ang puso, at kinauukulang pagiingat ang kinakailangan para sa mga matatakutin at magugulatin. Ang pagtatanghal ngayon ng Teatro Normal Laboratoryo ay katibayan ng ibayong dedikasyon, maalab na determinasyon, at di-mabilang na oras ng pagpupunyagi. Ang kanilang pag-ibig sa sining ng teatro ay makikita, maririnig, at mararamdaman sa bawat linya, bawat nota, at bawat aspeto ng produksyong ito. Kung kaya, sampu ng mga kasapi ng Teatro Normal Laboratoryo, ako ay nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik at hindi pagbabaratilyo sa dugo at pawis ng ating mga minamahal na tagapagtanghal. Sa ating panonood, sama-sama nating ipagbunyi ang ibat-ibang kulay ng buhay na pagtatanghal, na kung saan ang bawat tibok ng puso, bawat hininga, at bawat sandali ay pinagsasaluhan ng entablado at ng mga manonood. Sa puntong ito ihanda na ang ating mga sarili at ating tunghayan ang kuwento ng ANG UNANG ASWANG. Muli, isang mainit na pagbati sa Teatro Normal Laboratoryo para sa isa na naming natatanging likhang-sining ikinararangal at ipinagmamalaki ng ating pamantasan. Mabuhay tayong lahat na masaya, malusog, sama-sama, at umaangat! Maligayang panonood sa inyong lahat.