Uploaded by Machris Torion

Copy-of-Q3-M3-AP9-ARENDAIN-Final-Revision-11-25-21

advertisement
9
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 3:
Pambansang Kita
Revised 2021
Tagalikum/Tagapagkontekstwalisa
CHRISTINE A. ARENDAIN
Budla-an Integrated School
0
Modyul Pambansang
3
Kita
Ikatlong Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Kakayahan: Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita.
Paksa/Code: Pambansang Kita
Subukin
Sa bahaging ito ay susubukin natin ang iyong pangunahing kaalaman na may
kaugnayan sa paksa. Pagtuunang-pansin ang mga katanungan na sa palagay mo
ay nangangailangan ka ng karagdagang kaalaman sa mga paksang tatalakayin.
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang nagsilbing pamantayan ng salapi na ginagamit sa ating bansa sa
usapin ng panloob at panlabas na kalakalan sa buong mundo?
A. Thai Baht
C. US Dollars
B. Japanese Yen
D. New Taiwan Dollar
1
2. Paano mo malalaman kung ang bansa ay may natamong pag-unlad sa ekonomiya?
Sa pamamagitan ng _________.
A. Price Index
C. Inflation Rate
B. Growth Rate
D. Income Per Capita
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa apat na sektor ng pambansang
ekonomiya?
A. Migrasyon
C. Pamahalaan
B. Pamahalaan
D. Panlabas na Sektor.
4. Ano ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo
na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
A. Growth Rate (GR)
B. Per Capita Income (PCI)
C. Gross National Income (GNI)
D. Gross Domestic Product (GDP)
5. Ano ang termino na dating tinatawag na Gross National Product (GNP) kung
saan ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
A. Per Capita Income (PCI)
C. Gross Domestic Product (GDP)
B. Gross National Income (GNI) D. Net Factor Income From Abroad (NFIFA)
6. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa kahalagahan ng pagsukat ng
Pambansang Kita?
A. Masusukat ang kalusugan ng bansa.
B. Natutunan ng mga mamamayan ang pagbatikos sa namamahala.
C. Masubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya.
D. Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya.
7. Kailan hindi isasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga
hindi pampamilihang gawain? Kapag ________
A. walang kinikitang salapi ang naggawa nito
B. pag-mamay-ari ito ng mga pribadong sektor.
C. ang pamahalaan ang may hawak at control nito.
D. dayuhang negosyante ang namumuhunan sa loob ng isang bansa.
8. Ano ang tawag sa anumang kita na tinatanggap sa isang korporasyon at pondo
na inilaan upang palawakin ang negosyo?
A. Kita ng Pamahalaan (KP)
B. Kita ng mga Kompanya o Korporasyon (KK)
C. Kita ng mga Entreprenyur at mga ari-arian (KEA)
D. Kabayaran o Kita ng mga Empleyado at Manggawa (KEM)
2
9. Ano ang tawag sa agwat ng kita ng Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa at
ng kita ng mga dayuhang namumuhunan sa loob ng ating bansa?
A. Statistical Discrepancy (SD)
B. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X)
C. Gastusin ng Personal na Sektor (P)
D. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
10. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat ng GNI. Ang
nasabing kakulangan o kalabisan ay hindi malalaman kung saan dapat isama kaya
ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkuwenta.
A. Statistical Discrepancy (SD)
B. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X)
C. Gastusin ng Personal na Sektor (P)
D. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
11. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa lahat ng kita na tinatanggap ng
pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng mga korporasyon na pag-aari ng
gobyerno, at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan?
A. Kita ng Pamahalaan (KP)
B. Kita ng mga Kompanya o Korporasyon (KK)
C. Kita ng mga Entreprenyur at ng ma ari-arian (KEA)
D. Kabayaran o Kita ng mga Empleyado at Manggawa (KEM)
12. Ano ang tawag sa kabayaran na tinatanggap ng isang entreprenyur bilang salik
ng produksiyon. Dito rin nabibilang ang dibidendo na kabayaran sa ari-arian?
A. Kita ng Pamahalaan (KP)
B. Kita ng mga Kompanya o Korporasyon (KK)
C. Kita ng mga Entreprenyur at ng mga ari-arian (KEA)
D. Kabayaran o Kita ng mga Empleyado at Manggawa (KEM)
13. Ipagpalagay na ikaw ang pangulo ng bansa, Sa aling alokasyon ng iyong badyet
mapapaloob ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan tulad ng, nars, guro,
doktor, senador, at gastos sa imprastruktura tulad ng tulay,kalsada, gusali, at
iba pang gastusin ng gobyerno?
A. Statistical Discrepancy (SD)
B. Gastusin ng Pamahalaan (G)
C. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X)
D. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
14. Ano ang tawag sa lahat ng benepisyo, komisyon, allowances tulad ng COLA,
PERA, clothing at non-monetary benefits, at ang sahod o bayad na naaayon sa
kontrata ng mga manggagawa at sweldo ng mga empleyado na tinatanggap sa
takdang araw?
A. Pamahalaan (KP)
B. Kita ng mga Kompanya o Korporasyon (KK)
C. Kita ng mga Entreprenyur at ng mga ari-arian (KEA)
D. Kabayaran o Kita ng mga Empleyado at Manggawa (KEM)
3
15. Upang malaman ang gastusin sa panlabas na sektor, ibinabawas ang gastos ng
export at gastos sa import. Saan napabilang ang pagluluwas o export ng mga
produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import (M) ng mga produkto mula
sa ibang bansa
A. Statistical Discrepancy (SD)
B. Gastusin ng Personal na Sektor (P)
C. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X)
D. Net Factor Income from Abroad (NFIFA
Alamin Natin
Magandang araw mga mag-aaral! Nasa pangatlong linggo na tayo sa ating aralin.
Dahil natutunan na natin ang mga mga dayagram ng Paikot na Daloy ng ekonomiya,
dadako naman tayo sa pambansang kita. Handa na ba kayo? Tara na mag- aral tayo.
Ang Modyul na ito ay sumasaklaw sa Pambansang Kita. Inaasahan na nasusuri ng
mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
A. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic
Product) bilang panukat ng kakayahan sa isang ekonomiya;
B. natutukoy ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto; at
C. nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang ekonomiya.
Balikan
Panuto: Tukuyin ang modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya sa mga sumusunod
na sitwasyon sa ibaba.
____1.
____2.
____3.
____4.
____5.
Simpleng ekonomiya.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito.
Sa modelong ito ay may dalawang aktor.
Dito papasok ang financial market.
4
____6.
____7.
____8.
____9.
____10.
Bahagi sa modelong ito ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang pamahalaan ay nakikilahok.
Nagaganap ang pango-ngolekta ng buwis.
Inilarawan dito ang bukas na ekonomiya.
Kabilang ang pagluwas at pag-angkat ng mga produkto.
Tuklasin at Suriin
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConell at Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita ay ang sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya
tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng
bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masubaybayan
natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung
may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay
sa pagpapaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya
na makapagbubuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapag-pataas
sa economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, hakahaka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung
gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng bansa.
5
GROSS NATIONAL INCOME
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National
Product ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa. Kalimitang sinusukat ang
GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon. Ito ay sinusukat gamit ang salapi ng
bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar ng Estados
Unidos.
Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang
isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ang mga produktong ito
ay sumasailalim na sa pagproseso para sa pagkonsumo. Sa pagkuwenta ng GNI,
hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa pagproseso ng produksiyon
upang mabawasan ang duplikasyon ng pagbilang. Halimbawa, kung ang sinulid ay
ibibilang sa GNI at ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap,
nagpapakita ito ng dalawang beses ibinilang ang sinulid. Kaya naman, para ito ay
maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang sangkap sa nabuong
produkto. Sa halip, isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama ang
halaga ng damit.
Hindi rin isinasama sa pagkukuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga
hindi pampamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa
nito. Isang halimbawa nito ang pagatatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa
pagkonsumo ng pamilya.
Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground
economy tulad ng naglalako sa kalsada, nagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa
mga bahay- bahay, at pagbenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi rin ibinibilang
sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ito ay dahil hindi nakarehistro at
walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang
halaga ng kanilang produksiyon ay masukat. Ang mga produktong segunda-mano
ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang
halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC
PRODUCT (GDP)
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income (GNI) ang kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na nagawa sa loob
ng takdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik
sa produksiyon, kahit saang bahagi ng mundo ito ginawa. Ang Gross Domestic
Product (GDP) naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat
ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa
loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang
6
mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Halimbawa, ang kita ng mga
dayuhang hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman
ibinibilang sa Gross National Income (GNI) ng ating bansa dahil ang kinita ng mga
dayuhan dahil hindi naman sila mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang
kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross
National Income (GNI) ng kanilang bansa. Halimbawa, ang kinita ng mga Overseas
Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta
ng Gross Domestic Product (GDP) sa Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross
National Income (GNI) ng bansang ito. Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay
ibinibilang sa Gross National Income (GNI) ng Pilipinas.
MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GROSS NATIONAL INCOME (GNI)
Ang kabuuang produksiyon ng ekonomiya ay mababatid sa pamamagitan ng
pagkwenta o pagsukat ng GNI, at ito ay maipapakita sa iba’t-ibang paraan.
1. Factor Income Approach
Ang bawat salik ng produksiyon ay may tinatanggap na kabayaran
na nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama,
nakukuha ang pambansang kita o National Income (NI) ng bansa. Ang pagtukoy
ng pambansang kita ay mahalagang sangkap upang matukoy ang GNI sa
paraang ito. Ang mga kabilang sa National Income (NI) ay ang mga sumusunod:
a. Kabayaran o Kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) – Lahat ng
benepisyo,komisyon, allowances tulad ng COLA, PERA, clothing at non-monetary
benefits, at ang sahod o bayad na naaayon sa kontrata ng mga manggagawa at
sweldo ng mga empleyado na tinatanggap sa takdang araw ay kabilang sa
kompensasyon ng mga empleyado.
b. Kita ng mga Entreprenyur at ng mga ari-arian (KEA) – Kabayaran na
tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ang kita ng
isang entreprenyur bilang salik ng produksiyon. Dito rin nabibilang ang
dibidendo na kabayaran sa ari-arian.
c. Kita ng mga Kompanya o Korporasyon (KK) – Anumang kita na tinatanggap sa
isang korporasyon at pondo na inilaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan (KP) – Lahat ng kita na tinatanggap ng pamahalaan tulad
ng buwis, mga kinita ng mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno, at mga interes
sa pagpapautang ng pamahalaan.
Kapag pinagsama-sama ang lahat ng mga ito ay makukuha ang Pambansang
Kita o National Income (NI).
7
PORMULA sa PAGKUHA NG PAMBANSANG KITA o NATIONAL INCOME (NI)
NI = KEM + KEA + KK + KP
Halimbawa ang KEM = 110 milyong piso, KEA = 50 milyong piso, KK =
15 milyong piso at KP = 22 milyong piso.
Ang NI ay 110M + 50M + 15M + 22M = 197M piso at upang masukat ang GNI,
dapat na isama ang ibang gastusin sa paglikha ng mga produkto at serbisyo tulad
ng:
A. Capital Consumption Allowances (CCA) o iyong tinatawag na depresasyong
pundo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali kung ito ay
unti-unting nasisira at naluluma.
B. Indirect Business Taxes (IBT) ay ang di-tuwirang buwis na napataw sa mga
produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na
ibinigay ng pamahalaan.
Sa kabuuan, ang GNI ay masusukat sa pamamagitan ng NI + IBT + CCA = GNI kung
saan ang NI ay 197 milyong piso, IBT = 5 milyong piso at CCA = 12 milyong piso,
ang GNI ay nagkakahalaga ng 214 milyong piso.
2. Final Expenditure Approach
Ang mga sektor ng ekonomiya tulad ng sambahayan, pamahalaan,
kompanya, at panlabas na sektor ay may kani-kanilang pinagkakagastusan na
mahalaga sa pagtantya ng GNI ng bansa.
a. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad
ng mga empleyado ng pamahalaan tulad ng doktor, nars, guro, clerk, senador,
kongresista, mga hukom, at hanggang sa may pinakamataas na katungkulan
sa gobyerno; paggastos sa imprastraktura tulad ng tulay,kalsada, gusali, at
iba pa; gastos sa bawat paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba
ay kabilang sa gastusin ng gobyerno.
b. Gastusin ng Personal na Sektor (P) – Ito ay ang mga pinagkakagastusan ng
sambahayan mula sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga luho ng
katawan tulad ng alahas, appliances, at marami pang iba.
c. Gastusin ng Kompanya (K) – Ang pagkonsumo ng mga negosyante sa mga
fixed capital tungo sa makinarya, gusali, at mga kagamitang pang-opisina, mga
istak o changes in stocks, mga imbentaryo, at mga binibiling lupa at bahay
bilang earning assets ay kabilang dito.
8
d. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X) – Dito nakapaloob ang pagluluwas o
export (X) ng mga produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import (M) ng
mga produkto mula sa ibang bansa. Upang malaman ang gastusin sa panlabas
na sektor, ibinabawas ang gastos ng export at gastos sa import. Positibo kapag
mas malaki ang export kaysa import at negatibo kapag mas malaki ang import
kaysa export.
e. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – Ito ang nagpapakita ng diperensya
ng kita ng Pilipino sa ibang bansa bilang salik ng produksiyon at ng kita ng
mga dayuhang salik ng produksiyon na kinita sa loob ng bansa. Kapag mas
malaki ang kita ng mga dayuhan sa bansa kaysa kinita ng mga Pilipino sa ibang
bansa magiging negatibo ang resulta nito.
f. Statistical Discrepancy (SD) – Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa
pagsukat ng GNI. Ang nasabing kakulangan o kalabisan ay hindi malalaman
kung saan dapat isama kaya ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkuwenta.
Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat sektor ay pinagsamasama makukuha ang GNI. Ang pormula sa pagkuha ng GNI ay:
GNI = G + P + K (X-M) + NFIFA + SD
Halimbawa:
P
G
K
M
X
NFIFA
SD
=
=
=
=
=
=
=
120M piso
30 M piso
59 M piso
20 M piso
27 M piso
-5 M piso
3 M piso
______________
214 M
At sa paggamit ng pormula na GNI, makukuha ang halagang 214M piso.
3. Industrial Origin Approach – Tinatawag din itong Value Added Approach kung
saan kinukuwenta ang lahat ng naiambag ng bawat industriya sa bansa. Ang
anumang kontribusyon sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay
siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag pinagsama-sama ang lahat ng
halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksiyon sa loob ng bansa o
GDP.
9
Sa pagsukat ng GNI sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at
saka idagdag ang Net Factor Income From Abroad (NFIFA). Kapag tinatantya ang
dagdag na halaga ng salik na ginamit ng mga sektor ay makukuha ang tinatawag na
Gross Domestic Product (GDP) at kapag isinama ang NFIFA ay makukuha ng Gross
National Income (GNI).
Sa pagbuo ng produkto at serbisyo, ito ay dumadaan sa iba’t-ibang proseso
kung saan nakapaloob ang tatlong (3) mahahalagang sektor o industriya.
Halimbawa, sa palay o bigas, ito ay nagmula sa industriya ng agrikultura, kailangan
itong
iproseso, gilingin upang maipagbili. Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng
industriya at bago ito makarating sa pamilihan, kailangan ang serbisyo ng
transportasyon. Sa bawat sektor na dinadaanan nito ay may idinagdag na halaga na
siyang pinagbabatayan ng halaga o presyo ng produkto sa pamilihan. Halimbawa,
kapag pinagsama ang lahat ng dagdag na halaga ng agrikultra, industriya, at
serbisyo sa kabuuang produksiyon ng bansa sa ganitong halaga:
Halimbawa:
Agrikultura
Industriya
Serbisyo
GDP
=
=
=
=
81M piso
85M piso
53M piso
219M piso
Kapag idinagdag ang NFIFA
NFIFA
GNI
=
=
-5 M piso
214 M piso
Limitasyon sa Pagsukat ng GROSS NATIONAL INCOME (GNI)
Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng bansa. Minsan, ang
paglalabas ng ulat ng GNI ay may pandaraya upang mapaniwala ang ibang bansa
na ang GNI ng bansa ay tumataas. Kapag sabihin na 5% ang GNI, hindi naman ito
nararamdaman ng maraming bilang ng pangkaraniwang mamamayan. Ang GNI ay
tumataas ngunit ang pamumuhay ng maraming mamamayan ay patuloy pa rin na
naghihirap.
Sa pagtantya ng GNI, hindi naisama ang kabuuang halaga ng produkto at
serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukuwenta
dahil sa mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga negsoyo na walang rekord sa
ating pamahalaan o ibang ahensiya nito. Ito ang tinatawag na underground economy,
kung saan milyon-milyung mamamayan sa ating bansa ang nasa ilalim nito.
Karamihan sa mga ito ay kumikita ng mas malaki kaysa mga legal na negosyante at
manggagawa. Ang ilan sa mga gawain na kabilang sa underground economy ay ang
10
mga sidewalk vendor, maliit na tindahan at pagawaan, mga illegal na gawain ng
ibang tao at iba pa. Ito ang nagsilbing limitasyon sa pagtantya ng GNI.
Pagkakaiba ng Potential at Actual GNI
Ang bilang ng mangagagawa, ilang oras nagtatrabaho ang mga ito, mga
makinarya at teknolohiya na ginagamit, at ang mga likas na yaman ng bansa ang
ginagawang batayan sa pagtantya ng kabuuang produksiyon ng isang ekonomiya.
Ang bawat bansa ay may target na bilang ng produksiyon na naaayon sa kanilang
kapasidad. Ang kabuuang produksiyon ay tintantya ayon sa kakakayahan ng mga
salik na nabanggit na tinatawag na Potential GNI ng bansa. Ito ay ang hahangarin
na matamo sa loob ng isang taon. At sa bawat pagtatapos ng taon, ang isang bansa
ay sinusukat ang produksiyong nagawa. Ito naman ang tinatawag na Actual GNI. Ito
ang nagsilbing barometro upang alamin kung naging makabuluhan at epektibo ang
pamahalaan sa lubusang paggamit ng mga likas na yaman, makinarya, at
manggagawa upang matamo ang Potential GNI. Kapag ibinabawas ang Actual GNI sa
Potential GNI, nakukuha ang GNI gap. Positive gap ang makukuha kapag mas malaki
ang Potential GNI kaysa Actual GNI, na naglalarawan ng hindi lubos na
pinakinabangan at nalinang ang mga salik ng produksiyon na siyang dahilan kung
bakit walang full production sa isang ekonomiya.
Talaan Blg.1
GNI at current prices (milyong piso)
GNI at constant prices (2019)
% ng Paglago (Nominal GNI)
% ng Paglago (Real GNI)
2017
44, 540
195,685
2018
535,185
209,134
19.3
6.9
2019
598,333
221,161
11.8
5.8
Pagkakaiba ng Nominal at Real GNI
Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan. Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa
pagsukat ng GNI. Mapapansin sa talaan na ang GNI ay ipinahayag sa dalawang
paraan: Una, ang GNI at current prices o tinatawag na Nominal GNI. Ito ang
kabuuang produksiyon ng bansa na nakabatay sa pangkasalukuyang presyo sa
pamilihan. At ang pangalawa ay ang GNI at constant prices na kilala rin sa tawag na
Real GNI. Ang halaga ng produksiyon ng bansa ay ibinabatay sa presyo ng mga
nakalipas na taon. Ito ang tinatawag na base year na itinakda ng National Economic
Development Authority (NEDA) na laging nasa 100. Makikita sa talaan na higit na
mataas ang Nominal GNI kaysa Real GNI sapagkat sa ating bansa, palaging tumataas
ang presyo sa bawat taon. Kaya kahit sa porsyento ng paglago ay mas mataas pa rin
11
ang nominal GNI bunga pa rin sa pagtaas ng presyo samantalang ang paglaki ng
Real GNI ay nagdulot ng paglaki ng produksiyon kahit ang presyo ay batay sa
nakaraang taon o base year na nasa taong 2017. Ang pagkuha ng growth rate (GR)
o paglago ay ayon sa pormulang:
GNI ng kasalukuyang taon
- GNI ng nakalipas na taon
___________________________________ X 100
GNI ng nakalipas na taon
GR =
Halimbawa:
GR =
GNI (2018) – GNI (2017)
____________________
GNI (2017)
=
=
535,185 – 448,540
____________________
448,540
X 100
X 100
86,645
448,540 X 100
GR = 19.3
Ito ay nagpapakita na mula sa taong 2017 – 2018, ang nominal GNI ay
lumago ng 19.3% na bunga ng paglaki ng produksiyon ng bansa, at gayundin ang
pagtaas ng presyo ng bilihin.
Isaisip Natin
Panuto: Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo ang konseptong
nakapaloob dito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
DOLYAR NG Estados Unidos
FACTOR INCOME APPROACH
GROSS NATIONAL INCOME
GROSS NATIONAL PRODUCT
FINAL EXPENDITURE APPROACH
INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
12
Ang 1. __________ na dating tinatawag ding 2. __________ ay tumutukoy sa
kabuuang pamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan sa isang bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa
loob ng isang taon. Ito ay sinusukat gamit ang salapi ng bansa. Para sa
paghahambing, ginagamit na pamantayan ang 3. __________.
Ang kabuuang produksiyon ng ekonomiya ay mababatid sa pamamagitan ng
pagkwenta o pagsukat ng GNI ay ang 4. __________, 5. __________, at 6. __________.
Pagyamanin at Isagawa
Panuto: Kompyutin ang GNI sa tatlong pamamaraan at gamitin ang mga datos sa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
G
KEM
NFIFA
Agrikultura
SD
IBT
K
P
=
=
=
=
=
=
=
=
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
10 M
29 M
-3 M
26 M
1M
1M
30 M
70 M
KEA
Industriya
M
KK
CCA
X
KP
Serbisyo
=
=
=
=
=
=
=
=
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
PhP
21 M
56 M
15 M
30 M
2M
20 M
20 M
24 M
Tayahin
Ngayong natalakay na natin ang mga aralin sa modyul 3. Inaasahan ko na
masagutan natin ng buong husay ang mga katanungan sa ibaba.
Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang ibang tawag sa current prices?
A. Real GNI
C. Nominal GNI
B. Actual GNI
D. Potential GNI
13
2. Sinu-sino may-akda ng aklat na Economics Principles, Problems, and Policies
(1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita?
A. Adam Smith
B. David Ricardo
C. John Maynard Keynes
D. Campbell R. McConell at Stanley Brue
3. Alin ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng impormal na sektor o
underground economy?
A. Naglalako sa kalsada.
B. Mga food stalls sa mga malls.
C. Nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa.
D. Nagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa mga bahay- bahay.
4. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa batayan sa pagtantya ng kabuuang
produksiyon ng isang ekonomiya?
A. Bilang ng mangagagawa.
B. Mga likas na yaman ng bansa
C. Bilang ng mga nangingibang bansa.
D. Makinarya at teknolohiya na ginagamit.
5. Sa pagkuwenta ng GNI, bakit hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na
sangkap sa pagproseso ng produksiyon? Upang ________
A. mapadali ang produksiyon.
B. makatipid sa panahon at oras.
C. mapadali ang pagkalakal ng produkto.
D. mabawasan ang duplikasyon ng pagbilang.
6. Ang halaga ng produksiyon ng bansa ay ibinabatay sa presyo ng mga nakalipas
na taon. Ito ang tinatawag na base year. Anong ahensiya ng pamahalaan ang
nagtakda nito?
A. Bureau of Internal Revenue (BIR)
B. Department of Trade and Industry (DTI)
C. Bureau of Budget and Management (DBM)
D. National Economic Development Authority (NEDA)
7. Ano ang mangyayari kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng
pambansang kita?
A. Gaganda ang takbo ng ekonomiya.
B. Madaling kompyutin ang mga datos at impormasyon.
C. Maging kapani-paniwala ang mga datos at impormasyon.
D. Haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na
batayan.
14
8. Bakit mahalaga ang pagsukat ng pambansang kita sa loob ng isang taon?
Sapagkat ___________
A. dito maaaring masukat ang kalusugan ng bansa.
B. ito ang magiging gabay sa pagpapaplano sa ekonomiya upang
bumuo ng mga patakaran.
C. dito malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
D. ito ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon
ng ekonomiya sa isang partikular na taon.
9. Bakit mahalaga ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita?
A. Dito maaaring masukat ang kalusugan ng bansa.
B. Ito ang magiging gabay sa pagpapaplano sa ekonomiya upang
bumuo ng mga patakaran.
C. Dito malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
D. Ito ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon
ng ekonomiya sa isang partikular na taon.
10. Ano ang kahalagahan ng National Income Accounting?
A. Maaaring masukat ang kalusugan ng bansa.
B. Magiging gabay sa pagpapaplano sa ekonomiya upang
bumuo ng mga patakaran.
C. Malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
D. Makapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon
ng ekonomiya sa isang partikular na taon.
11. Bakit mahalaga ang nakalap na impormasyon mula sa Pambansang Kita?
A. Maaaring masukat ang kalusugan ng bansa.
B. Magiging gabay sa pagpapaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran.
C. Malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
D. Makapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya
sa isang partikular na taon.
12. Ano ang pormula sa pagkuha ng bahagdan ng paglago ng ekonomiya?
A. GNI = G + P + K (X-M) + NFIFA + SD
B. NI = KEM + KEA + KK + KP, NI + IBT+ CCA = GNI
C. Agrikultura + Industriya + Serbisyo = GDP at GDP + NFIFA = GNI
D. GR = GNI ng kasalukuyang taon - GNI ng nakalipas na taon X 100
GNI ng nakalipas na taon
15
13. Ano ang pormula sa pagkuha ng GNI sa paraang Factor Income Approach?
A. GNI = G + P + K (X-M) + NFIFA + SD
B. NI = KEM + KEA + KK + KP, NI + IBT+ CCA = GNI
C. Agrikultura + Industriya + Serbisyo = GDP at GDP + NFIFA = GNI
D. GR = GNI ng kasalukuyang taon - GNI ng nakalipas na taon X 100
GNI ng nakalipas na taon
14. Ano ang pormula sa pagkuha ng GNI sa paraang Industrial Origin Approach?
A. GNI = G + P + K (X-M) + NFIFA + SD
B. NI = KEM + KEA + KK + KP, NI + IBT+ CCA = GNI
C. Agrikultura + Industriya + Serbisyo = GDP at GDP + NFIFA = GNI
D. GR = GNI ng kasalukuyang taon - GNI ng nakalipas na taon X 100
GNI ng nakalipas na taon
15. Ano ang pormula sa pagkuha ng GNI sa paraang Final Expenditure Approach?
A. GNI = G + P + K (X-M) + NFIFA + SD
B. NI = KEM + KEA + KK + KP, NI + IBT+ CCA = GNI
C. Agrikultura + Industriya + Serbisyo = GDP at GDP + NFIFA = GNI
D. GR = GNI ng kasalukuyang taon - GNI ng nakalipas na taon X 100
GNI ng nakalipas na taon
Karagdagang Gawain
Panuto: Sa ibaba ay matutunghayan ang halimbawa ng hypothetical na datos ng
talahanayan sa paglago ng GNI at GDP. Pagtuunan ng pansin at
pagkatapos ay sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Second Quarter
Indicator
GNI at Current Prices (milyong
piso
GNI at Constant Prices
GDP at Current Prices
GDP at Constant Prices
2017
459,993
2018
543,321
2019
613, 303
198,089
451,229
194,310
214,129
522,790
206,104
227,040
588,608
217,907
Pamprosesong Tanong:
1. Gaano ang paglago ng nominal GNI sa 2nd quarter ng taong 2017-2018?
2. Gaano ang nadagdag sa nominal GNI mula sa 2nd quarter ng 2018 - 2019?
3. Gaano ang paglago ng nominal GNI sa 2nd quarter ng taong 2018- 2019?
4. Ano ang ibang tawag sa Nominal GNI?
5. Ano ang basehan ng paglago ng nominal GNI?
6. Gaano ang paglago ng nominal GDP sa 2nd quarter ng 2017-2018?
7. Gaano ang paglago ng real GNI sa 2nd quarter ng 2017-2018?
8. Gaano ang paglago ng real GNI sa 2nd quarter ng 2018-2019?
9. Ano ang ibang tawag sa real GNI?
10. Ano ang pormula sa pagkuha ng Growth Rate?
16
AP9 EKONOMIKS – IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 3 – IKATLONG
LINGGO
Susi sa Pagwawasto
BALIKAN
10. IKALIMA
5. IKATLO
4. IKALAWA
9. IKALIMA
3. IKALAWA
8. IKAAPAT
2. UNA
7. IKAAPAT
1. UNA
6. IKATLO
ISAISIP NATIN
6. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
5. FINAL EXPENDITURE APPROACH
4. FACTOR INCOME APPROACH
3. DOLYAR NG US
2. GROSS NATIONAL PRODUCT
1. GROSS NATIONAL INCOME
PAGYAMANIN AT ISAGAWA
=
3. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
=
2. FINAL EXPENDITURE APPROACH
1. FACTOR INCOME APPROACH
=
103
103
103
KARAGDAGANG GAWAIN
1. 18%
6. 16%
2. 69,982
7. 81
3. 13%
8. 8%
4. CURRENT PRICES
9. CONSTANT PRICE
5. BASE YEAR (BATAYANG TAON)
10. GNI ng kasalukuyang taon - GNI ng nakalipas na taon
GR =
___________________________________ X 100
GNI ng nakalipas na taon
17
Sanggunian:
Balitao, Bernard R. et al., (2015), Ekonomiks K to 12 Modyul, pp. 243 - 254,
Manila, Philippines, Department of Education
Imperial, Consuelo M. et al. (2002), Pagbabago IV, pp. 228 - 241
Tagalikum/Tagapagkontekswalisa : CHRISTINE A. ARENDAIN
18
19
Download