Uploaded by John Rick Padran

Fili 102-metodo-ng-pananaliksik

advertisement
Batayang Kaalaman sa
Metodolohiya sa
Pananaliksik - Panlipunan
Panimula
Ang metodolohiya ay tumutukoy sa
sistematikong paglutas sa mga suliranin/
tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan
na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng mga
datos/impormasyon.
Panimula
Ang metodo ng pananaliksik ay tumutukoy
sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at
pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga
konklusyong mapaninindigan (reliable). Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik na
kailangang itakda sa pasimula pa lamang ng
pag-iisip ng paksa.
Walliman (2011)
Panimula
Walong proseso na maaaring isagawa sa pananaliksik na
kaugnay ng metodolohiya:
1. Pagkakategorya o Kategorisasyon
2. Paglarawan o Deskripsyon
3. Pagpapaliwanag
4. Pagtataya o Ebalwasyon
5. Paghahambing o Pagkukumpara
6. Paglalahad/Pagpapakita
ng
Ugnayan/Relasyon
o
Korelasyon
7. Paglalahad/Pagbibigay ng prediksyon
8. Pagtatakda ng control
Panimula
Walong proseso na maaaring isagawa
pananaliksik na kaugnay ng metodolohiya:
sa
Pagkakategorya o Kategorisasyon – tumutukoy sa
pagbubuo ng tipolohiya o set ng mga pangalan o
pagpapangkat-pangkat ng mga bagay, pangyayari,
konsepto
atbp.
Kapaki-pakinabang
ito
sa
pagpapaliwanag kung ano-ano o sino-sino ang
magkakasama sa isang kategorya, at bakit o paano
sila naging magkakasama sa isang kategoryang iyon.
Panimula
Paglarawan o Deskripsyon – Tumutukoy sa
pagtitipon ng datos na nakabatay sa mga
obserbasyon.
Pagpapaliwanag – Tumutukoy sa prosesong higit pa
sa simpleng paglalahad lamang ng mga datos o
impormasyon, upang bigyang-linaw ang kabuluhan
nito sa konteksto ng iba’t ibang aspektong kultural,
politikal, ekonomiko atbp.
Pagtataya o Ebalwasyon – Tumutukoy sa pagsusuri
sa kalidad ng mga bagay, pangyayari atbp.
Panimula
Paghahambing o Pagkukumpara – Tumutukoy sa
pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa o higit pang bagay atbp., tungo sa mas
malinaw na pag-unawa sa isang penomenon.
Paglalahad/Pagpapakita ng Ugnayan/Relasyon o
Korelasyon – Tumutukoy sa pag-iimbestiga para
makita kung nakakaimpluwensiya ba ang isang
penomenon sa isa pa, at kung nakakaimpluwensiya
nga ay sa anong paraan o paano?
Panimula
Paglalahad/Pagbibigay ng prediksyon - Tumutukoy
sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang
bagay, penomenon atbp. Batay sa matibay na
korelasyon
ng
mga
penomenong
sinuri
/pinaghambing.
Pagtatakda ng control - Tumutukoy sa paglalahad
ng mga paraan upang ang isa o higit pang bagay
(gaya ng teknolohiya) ay maisasailalim sa kontrol ng
mga tao/mananaliksik tungo sa mas epektibo at/o
mas ligtas na paggamit nito.
Panimula
Sampung
disenyo
ng
pananaliksik
(Walliman 2011)
1. Historikal
6. Simulasyon
2. Deskriptibo
7. Ebalwasyon
3. Korelasyon
8. Aksyon
4. Komparatibo
9. Etnolohikal
5. Eksperimental
10. Kultural
Mga Metodo ng Pananaliksik
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Etnograpiya
Deskriptibo o Palarawan
Pag-oobserba, Pakikipamuhay, Participant
Observation o Nakikiugaling Pagmamasid
Kuwentong-Buhay
Pag-iinterbyu, Focus Group Discussion (FGD)
at Pagtatanong-tanong
Video Documentation
Mga Metodo ng Pananaliksik
7. White Paper o Panukala
8. Komparatibo
9. Case Study
10. Pagsusuring Tematiko at Pagsusuri ng
Nilalaman
11. Pagbubuo ng Glosaryo/Leksikograpiko
12. Pagbubuo at Balidasyon ng Materyales na
Panturo
Mga Metodo ng Pananaliksik
13. Pagsusuri sa Diskurso
14. SWOT Analysis
15. Kritikal na Pagsusuring Pangkurikulum /
Pamprograma
16. Pagsusuring Etimolohikal
17. Action Reasearch
18. Documentary o Text Analysis
19. Historikal
Mga Metodo ng Pananaliksik
20. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
21. Eksperimental
22. Translation Process Studies
23. Cultural Mapping
24. Trend Studies o Imbentaryo ng mga
Pananaliksik
25. Pananaliksik sa Arkibo / Archival Research
26. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
27. Pagsasagawa ng Sarbey
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Etnograpiya – nakasandig sa “malapitan,
personal
na
karanasan
at
posibleng
partisipasyon, hindi lamang obserbasyon ng mga
mananaliksik” sa karaniwang nagsasagawa ng
pag-aaral sa mga pangkat na multidsiplinari.
Pokus:
Intensibo o marubdod na pag-aaral sa wika at
kultura
Isang larangan o domeyn
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pokus:
Pagsasama-sama
ng paraang historikal,
obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng
dokumento tungo sa pagkakaroon ng datos
(quotations or excerpts) sa paraang naratibo o
pasalaysay
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Deskriptibo o Palarawan – tumutukoy ito sa
deskriptibo o palarawang paglalahad ng katangian
ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon,
at iba pa na sinusuri pinag-aaralan.
Pag-oobserba – ang pagmamasid ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang
pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng
pananaliksik, sa natural na kapaligiran o setting ng
kaniyang buhay o trabaho.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pakikipamuhay – isinasagawa nang mas matagal
kumpara sa pag-oobserba, ang mananaliksik ay
aktwal na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na
buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa. Sa
pamamagitan nito higit na makikita at
mararamdaman ng mananaliksik ang sitwasyon
ng kaniyang paksa.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Participant observation – ay isang uri ng
etnograpiya na karaniwang ginagamit sa
larangan ng antropolohiya at sosyolohiya.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay
o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at
maging tanggap sa isang komunidad upang
makapagtamasa ng mas komprehensibong pagunawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng
nasabing komunidad.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad
sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya
ang mananaliksik ay hindi lamang simpleng
tagamasid o observer kundi isa ring aktibong
kalahok
o
participant.
Pinapasok
o
pinagdadaanan ng mismong mananaliksik ang
papel o trabahong kaniyang pinag-aaralan.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Nakikiugaling pagmamasid– ay isang bersyon ng
participant
observation.
Mahalaga
sa
nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap sa paguugali at paraan ng pamumuhay ng pinagaaralang komunidad at ang pagkakaroon ng
bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang
komunidad na iyon.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Ang pag-oobserba, pakikipamuhay, participant
observation at nakikiugaling pagmamasid ay
pawang
mahahalagang
pamamaraan
sa
panlipunang pananaliksik o pananaliksik na
tumutugon sa pangangailangan ng lipunan.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Kuwentong-buhay (life story) – ay malikhaing
pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng
talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga
tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang
binibigyang-diin sa kuwentong-buhay ang
pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang
kaniyang mga hinaing, pangarap, suliranin, ang
kaniyang pang-araw-araw na buhay na
makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pag-iinterbyu– ay tumutukoy sa pagtatanong sa
mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa
mga eksperto rito. Ito ay maaaring structured o
non-structured.
Structured – kung ibinigay na kaagad ang mga
tanong bago pa ang interview at halos walang
follow-up na tanong sa mismong interview.
Non-structured – kung higit na impormal at
karaniwang maraming follow-up na tanong.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Focus Group Discussion (FGD)– ay katulad din
ng pag-iinterbyu lamang ay dalawa o higit pa
ang kinakapanayam. Isinasagawa ito upang
maging magaan ang interbyu sapagkat
karaniwang mas nakapagpapahayag ng saloobin
ang mga tao kung may mga kasama sila mula sa
kanilang pangkat at kagaya rin nila sa
karanasan at iba pang aspekto.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Video documentation– ang dokumentasyon sa
pamamagitan ng video ay isinasagawa sa
pagrerekord ng mga imahe at tunog gamit ang
video recorder. Karaniwang ginagamit ito sa
pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan.
Maaari
itong
lapatan
ng
pagsasalaysay o narration at ng musika.
Pinakakaraniwang porma nito ang bidyong
dokumentaryo o dokyu.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
White Paper o Panukala– ay tumutukoy sa isang
saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng
gobyerno, opisyal ng gobyerno, think tank
(policy institute), akademikong departamento,
o eksperto na naglalahad ng makabuluhang
impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng
isang napapanahong isyu na nakakaapekto sa
maraming mamamayan o sa isang partikular na
komunidad.(TRAIN Law)
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Komparatibong Pananaliksik– ay tumutukoy sa
palarawang paghahambing o pagkukumpara sa
mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at
iba pa.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Case Study– ay tumutukoy sa detalyadong
paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao,bagay,
lugar, pangyayari, phenomenon, at iba pa
bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod
pang pag-aaral sa mga kahawig na kaso.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagsusuring Tematiko– ay pamamaraan ng
pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa mga tema o
padron ng naratibo sa loob ng isang teksto.
Pagsusuri ng Nilalaman o Content Analysis – na
tumutukoy naman sa paglalarawan o pagsusuri
sa nilalaman ng isang teksto.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Secondary Data Analysis– tumutukoy ito sa
pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral
na datos at estadistika, tungo sa layuning
sagutin ang mga panibagong tanong at makabuo
ng mga bagong konklusyon na angkop sa
kasalukuyang sitwasyon. (Kto12)
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagbubuo
ng
glosaryo/pananaliksik
na
leksikograpiko– tumutukoy ito sa pananaliksik
hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng
mga termino alinsunod sa kontemporaryong
gamit ng mga salita sa isang partikular na
larangan.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagbubuo at balidasyon ng materyales na
panturo– tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil
sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga
modyul at iba pang materyales na panturo na
kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y
nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog
(approach) sa pagtuturo
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagsusuri sa Diskurso– tumutukoy sa pagsusuri ng
paraan
ng
pagpapahayag
o
mensaheng
nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula at
iba pang materyales.
SWOT Analysis– tumutukoy ito sa pagsusuri sa
kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ng
isang programa / plano, at mga oportunidad
(opportunities) o bagay na makatutulong sa
implementasyon at mga banta (threat) o bagay na
maaaring makahadlang sa implementasyon ng
programa / plano.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Kritikal na Pagsusuring Pangkurikulum–
tumutukoy sa pagsusuri sa mga negatibong
aspekto ng kurikulum/programa tungo sa
layuning baguhin o linangin pa ito.
Pagsusuring Etimolohikal – ito ay tungkol sa
pinagmulan ng mga salita, orihinal na konteksto
at iba pang kaugnay na detalye na mahalaga sa
pag-unawa sa kasalukuyang gamit at konteksto
nito.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Action Research– pananaliksik na nakatuon sa
paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng
silid-aralan o kaya’y kaugnay ng proseso ng
pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagsasagawa ng Sarbey– isinasagawa sa
pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan
o questionnaire sa mga taong makapagbibigay
ng saloobin, opinyon o impormasyon hinggil sa
paksa ng pananaliksik. Epektibo ito sa isang
malaking pangkat na hindi magagawang
kapanayamin sa pamamagitan ng FGD.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Rebyu ng Kaugnay na Literatura– tumutukoy
ito sa pagkalap at pagsusuri sa impormasyon
hinggil sa paksa ng pananaliksik, mula sa mga
umiiral na sanggunian at pananaliksik.
Sa ganitong uri ng pananaliksik, ibinubuod
ang mga impormasyong nakalap ng mga sinuring
pananaliksik at inilalahad ang mga bagay na
maaari pang saliksikin sapagkat hindi gaanong
napagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Documentary o Text Analysis– kung ang mga
primaryang sanggunian gaya ng pahayagan,
dokumentong historikal, mga talumpati, mga
epiko, at iba pa ang pag-aaralan, maaaring
gamitin ang metodong documentary o text
analysis. Tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa
nilalaman, konteksto at kabuluhan ng tekstong
sinusuri.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Eksperimentasyon/Eksperimental– pananaliksik
na nakatuon sa pag-eeksperimento o proseso ng
paghahambing sa resulta ng pagmanipula sa
isang variable na kasangkot ang dalawang grupo
o mga subject ng pananaliksik.
(Control variable/group)
(Uncontrolled variable)
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga– pananaliksik na
nakatuon sa pagtukoy ng mga sanhi at bunga ng
isang pangyayari, penomenon, programa/
proyekto, patakaran at iba pa.
Historikal na pananaliksik– ito ay nakatuon sa
pagtukoy sa pinagmulan/kasaysayan / mga
makabuluhang pangyayari kaugnay ng isang
penomenon, programa/proyekto, patakaran
atbp. (Kasaysayang pasalita o oral history)
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Translation Process Studies– nakapokus ang
ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa mga
obserbasyon, natutuhan, praktikal na aral, at iba
pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang
nagsasalin ng isang akda.
Cultural Mapping– proseso ng pagtukoy at
paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura
na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko,
sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo.
Pamamaraan o Metodo ng Pananaliksik
Trend Studies o imbentaryo ng mga pananaliksik–
tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o
nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik sa isang
larangan, bilang gabay sa mga susunod pang
mananaliksik.
Pananaliksik sa Arkibo / Archival Research– isa
itong porma ng pananaliksik na historikal na
nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo
(archives) gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo,
at iba pa.
Download