FILIPINO 2 WEEK 1DAY 1 Pag-unawa sa Teksto Gamit ang karanasan Panuto: Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pakikinig sa isang kuwento? Lagyan ito ng tsek (✓) kung TAMA at (X) naman kung MALI. ____1. Makinig ng Mabuti sa nagkukwento. ____2. Tumingin sa nagkukuwento. ____3. Tandaang mabuti ang mga tauhan ng kuwento. ____4. Tandaan ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento. ____5. Maglaro habang may nagkukuwento. Nag-iipon ka ba ng pera galing sa iyong baon? Saan mo ito itinatabi o nilalagay? Bakit ka nag-iipon ng pera? Basahin ang kuwento at unawain itong mabuti. Kakaibang BAKA ni Kiel Akda ni Cristina T. Fangon Walong taong gulang pa lamang si Kiel ay natutuhan na niyang mag-alaga ng isang BAKA. Kakaiba ang BAKA na alaga niya, hindi ito lumalaki, hindi rin tumataba subalit ito ay bumibigat. Ito ay isang alkansiya, dito niya itinatabi ang sobra niyang pera. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan ay binibisita niya ang kanyang alkansiyang baboy at hinuhulugan ito. Natutuwa siyang marinig ang tunog mula dito. Ang perang kanyang naiipon ay inilalaan niya para sa kaarawan ng kaniyang ina. Lumipas ang mga araw. Sumapit na ang kaarawan ng kaniyang ina. Kinuha niya ang kanyang baboy, inalog- alog niya hanggang sa makuha ang lahat ng laman nito. Tinapik-tapik niya ito at sinabi, pangako pabibigatin kitang muli. Nakalabas na ngumiti si Kiel at bumili ng isang pulang blusa kasama ang kaniyang kuya Clarence. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? A. Michael B. Kiel C. Miko 2. Totoo bang baboy ang alaga ni Kiel? A. Opo B. Hindi po 3. Sa iyong palagay, saan kinukuha ni Kiel ang hinuhulog niya sa kanyang alkansiya? A. Hinihingi sa nanay B. Binibigay sa kanya ng kanyang Ate C. Sobra sa kaniyang baon 4. Ano ang alaga ni Kiel? A. Alkansiyang baka B. Alkansiyang baboy C. Alkansiyang kabayo 5. Anong katangian ni Kiel ang ipinakita sa kuwento? A. magastos B. matipid C. masayahin 6. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang higit mong maunawaan ang tekstong nabasa o napakinggan? A. Basta basahin lamang ang kuwento. B. Iugnay ito sa iyong sariling karanasan. C. Palaging umasa na ipaliliwanag ito ng aking guro . TANDAAN! Mahalaga ang pag-iipon ng pera upang may magagamit tayo sa panahon ng pangangailangan o kung may mga nais tayong bilhin para sa ating mahal sa buhay. Makinig sa babasahing kuwento at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. “Araw Para sa Kanya” Akda ni Cristina T. Fangon Araw ng Linggo, maagang nagising ang maganak ni Aling Minda. Sabay-sabay silang kumain ng agahan at mabilis na naghanda para magsimba. Sa loob ng simbahan ay tahimik na nagdarasal ang lahat, sumasabay sa awit ng papuri at nakikiisa sa iba pang gawain. Matapos ang misa ay masayang umuwi ang maganak. 1. Anong araw nagsimba ang maganak ni Aling Minda? 2. Saan nagpunta ang mag-anak? 3. Ano-ano ang mga ginawa nila sa simbahan? 4. Mahalaga ba ang pagsisimba? 5. Ano ang ipinagdarasal mo kung ikaw ay nagsisimba? Ang paggamit ng iyong mga karanasan o nauna mong kaalaman sa pagbasa o pakikinig sa isang teksto ay magandang gawi. Mahalaga ang pag-uugnay ng iyong karanasan sa teksto upang higit itong maunawaan. Ito man ay tula, kuwento, simpleng pangungusap o talata dapat ito ay nababasa mo nang may pangunawa. Ang wastong pagsagot sa mga tanong tungkol sa teksto ay pagpapatunay na naintindihan mo o naunawaan mo ito. Ang Teksto ay may ipinapahayag na ideya. Ang Pangunahing Ideya ay maaring matagpuan sa pamagat, unahan, gitna, at huling bahagi ng teksto. Nakakatulong ang pagbibigay ng pangunahing ideya upang maintindihanang nilalaman ng binasa. Nakakatulong din sa pag-uunawa ng binasa ang pag-uugnay ng nabasa sa sariling karanasan. A. Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung naranasan mo na ang pahayag at ekis (X) naman kung hindi. ___1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan. ___2. Iniuuwi ko ang aking basura. ___3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay. ___4. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di-nabubulok na basura. ___5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo. FILIPINO 2 WEEK 1DAY 2 Pag-unawa sa Teksto Gamit ang karanasan Balik-aral: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat sa papel ang letra ng tamang sagot mula sa kahon. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat sa papel ang letra ng tamang sagot mula sa kahon. A B C D E ___1. Kadalasan ito ay mataas at nagbibigay ng lilim kapag matindi ang sikat ng araw. ___2. Isinusuot ko ito sa pagpasok sa paaralan, pagpunta sa simbahan at pamamasyal na gamit sa paa upang di masugatan. ____3. Mapagmahal at maalaga sa aming magkakapatid. Siya rin ang ilaw ng aming tahanan. ___4. Malamig at masarap na gustonggusto ng mga bata. ___5. Kadalasa’y mahaba kung ito ay bago pa subalit umiiksi sa katatasa. Ginagamit ko ito tuwing papasok ako sa paaralan. Sino-sino sa inyo ang mahilig sumayaw? Kumanta? Magdrawing? Ano-ano ang iyong ginagawa kapag nasa bahay kayo? Nagdodrawing ba kayo? Ating palawakin ang ating kaalaman sapag-unawa ng mga teksto gamit ang ating mga karanasan. Ano ang masasabi mo dito sa kamay na ito? Mahusay na Kamay Akda ni Cristina T. Fangon Hilig ni Jowen ang gumuhit. Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano pang nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya. Sa mga paligsahan siya ay laging nangunguna. Gayunman, lagi niyang sinasanay ang kaniyang kakayahan dahil lagi niyang naaalala ang sinasabi ng kaniyang ina, “Kung hindi mo pauunlarin ang iyong talento ay mawawala iyan sa iyo.” Sa tuwing naiisip niya iyon ay lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang ginagawa. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang iba pang tawag sa pagguhit? A. pag-drawing B. paglililok C. pagpinta 2. Magiging magaling kaya si Jowen sa pagguhit kung hindi siya nagsasanay? A. ewan B. hindi po C. opo 3. Anong katangian ang mayroon si Jowen? A. mabait B. masipag C. matiyaga 4. Sino ang laging naaalala ni Jowen at pinagbubuti niya ang kaniyang ginagawa? A. si ate B. si nanay C. si si kuya 5. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa ating kuwentong “Mahusay na Kamay”? A. magaling sumayaw B. magaling gumuhit C. magaling makipag-away Talakayin ang konsepto ng aralin. Pakinggan ang teksto. Suriin kung ano ang dapat gawin ni Josh. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Pagkagaling mula sa paaralan ay nagbihis ng pambahay si Josh, maglalaro sana siya subalit nakita niyang abala ang kanyang ina sa mga gawaing bahay. Habang inaantay nitong kumulo ang inilulutong ulam ay naglilinis ito. Ano kaya ang dapat gawin ni Josh? Paglalahat Ang paggamit ng iyong mga karanasan o nauna mong kaalaman sa pagbasa o pakikinig sa isang teksto ay magandang gawain. Mahalaga ang paguugnay ng iyong karanasan sa teksto upang higit itong maunawaan. Ito man ay tula, kuwento, simpleng pangungusap o talata dapat ito ay nababasa mo nang may pangunawa. Ang wastong pagsagot sa mga tanong tungkol sa teksto ay pagpapatunay na naintindihan mo o naunawaan mo ito. Panuto: Basahin ang teksto. Suriin kung ano ang dapat gawin ni Josh. Iguhit ang masayang mukha (☺) sa patlang na katapat ng iyong napiling sagot. “Umuulan noon, masayang nakatanaw si Josh sa mga batang naglalaro sa labas. Kagagaling lang niya sa sakit subalit maayos na ang kaniyang pakiramdam. Maghuhubad na sana siya ng damit nang dumating ang kanyang ina at pinigilan siya. Hindi siya pinayagang maligo sa ulan. _____ Itutuloy ang paliligo dahil masarap maligo sa ulan. _____ Babalik sa kaniyang upuan at tatanaw sa bintana. _____ Susunod sa ina dahil alam niya ang tama. FILIPINO 2 WEEK 1DAY 3 Pag-unawa sa Teksto Gamit ang karanasan Balik-aral: Ang mga naunang kaalaman o karanasan ay mahalaga sa pagunawa ng mga tekstong napapakinggan. Mas lalo mong mauunawaan at maiiugnay ang teksto kung ito ay naranasan mo sa totoong buhay. Kumusta ang unang araw ninyo sa paaralan? Meron ba kayong mga kakilala na sa unang araw? Masaya ba kayo na nakakausap niyo na ang inyong mga kaibigan? Ano ang iyong naramdaman? Ang araling ito ay makatutulong sa iyong upang magamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa iyong napakinggang teksto. “Ako at ang Aking Kaklase” Ma. Luisa Lining Unang araw ng klase ngayon kaya naman tuwang-tuwa si Lisa. Inihatid siya ng kaniyang ina sa paaralan. Mayamaya pa ay dumating na ang kanilang guro. “Magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Bb. Anna De Vega, ang inyong guro,” masiglang bati niya. Nang marinig ito ni Lisa lubos ang kaniyang kagalakan dahil nakita na niya ang kaniyang bagong guro. Matapos nito tinawag sila isa-isa ng kanilang guro at nagpakilala sa unahan. Nang ang lahat ay nakapagpakilala na mayroong dumating na magulang kasama ang isang batang lalaki. Pinapasok siya ni Bb. De Vega at nagpakilala rin sa harapan. Pinaupo siya malapit kay Lisa. “Kumusta ka? Ako si Lisa” wika niya. “Mabuti naman ako, medyo kinakabahan lang bagong lipat kasi kami dito. Ako naman si Jaypee,” sagot ng bata. Nakinig ka ba ng mabuti? Kung gayon alamin natin kung naunawaan mo ang kuwento. 1. Sino ang bata sa ating kuwento? 2. Anong mayroon sa araw na iyon? 3. Ano ang naramdaman ni Lisa sa unang araw ng eskwela? 4. Anong katangian mayroon si Lisa? 5. Kung ikaw si Lisa, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 6. Paano mo maipadama sa iyong kamag-aral na siya ay hindinag-iisa? 7. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong ating binasa? Ang mga sitwasyon ay babasahin ng kasama sa bahay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Mayroon akong alaga. Malambing at matalino siyang tuta. Ang buntot niya ay mahaba at mabalahibo ang mukha. Anong alaga mayroon ang nagsasalita? A. tuta B. kuting C. bisiro D. biik Si Maria at Mario ay pumunta ng parke upang maglaro. Saan sila pumunta? A. simbahan B. bukid C. parke D. sa mall 2. 3. Paraan ng tamang paghuhugas ng kamay: -basain ang kamay ng tubig at sabunin ito ng maigi; -kuskusin ang kamay ng 20 segundo; -banlawan ang kamay ng malinis na tubig; -patuyuin ang kamay ng malinis na bimpo o twalya. Tungkol saan ang iyong nabasa? A. Wastong paghugas ng kamay. B. Wastong paggupit ng kuko. C. Wastong pag-alaga ng aso. D. Wastong paglinis ng bahay. 4. Anong bahagi ng katawan ang nabanggit sa bilang 3? A. buhok B. tainga C. mata D. kamay Ano ang iyong damdamin ayon sa mga sitwasyon sa ibaba? Iguhit mo ang masayang mukha(☺) upang maipakita ang iyong damdamin. ____ 1. Nakita mo ang iyong dating kamag-aral sa unang baitang. ____ 2. May lumapit sa iyong bata at nagpakilala siya sa iyo. ____ 3. Inihatid ka ng magulang mo at iniwan ka na sa loob ng silid–aralan. ___4. Binati ka ng iyong guro. ___5. Tinawag ka ng iyong guro upang magpakilala FILIPINO 2 WEEK 1DAY 4 Pag-unawa sa Teksto Gamit ang karanasan Balik-aral: Balikan ang nakaraang aralin. Alin sa mga salita sa ibaba ang tumutukoy sa tanong na sino, saan, kailan at paano. Isulat ang S kung sino, SN kung saan, K kung kalian at P kung paano. Ang araling ito ay makatutulong sa iyong upang magamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto. Upang lubos na maunawaan ang isang kuwento, dapat tandaan ang mahahalagang detalye. Ang detalye ay binubuo ng tauhan, lugar na pinangyarihan, at mga pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na sino, ano, saan, kailan, ilan, paano at bakit. Basahin ang kuwento sa ibaba. Matapos basahin ay sagutin ang mga tanong. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento? 2. Ano ang dadaluhan ng pamilya? 3. Ano-ano ang dala ni Aling Carmen nang pumasok sa kanilang kuwarto? 4. Ano ang pamagat ng kuwento? 5. Sino ang may akda? 6. Saan nangyari ang kuwento? Isulat sa graphic organizer ang mga pangyayari sa kuwento. Takdangaralin: Pumili ng iyong paboritong kuwentong napakinggan o nabasa. Iguhit ang bahagi ng kuwento na paborito mo. Gawin ito sa iyong kuwaderno.