DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 Marso 5, 2024 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan C. Kasanayan sa Pagkatuto Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. (MELC) D. Mga Tiyak na Layunin: 1. Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng Administrasyong Ramon F. Magsaysay sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinakaharap ng mga Pilipino 2. Naisa-isa ang mga programang ipinatupad ng Administrasyong Ramon F. Magsaysay sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino 3. Napahahalagahan ang mga programang ipinatupad ng Administrasyong Ramon F. Magsaysay sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino II. NILALAMAN Paksa: Ang Programa ng Pamahalaang Magsaysay III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral 3. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitan 1. Mga larawan IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro A. PANIMULANG GAWAIN Gawaing Mag-aaral 1. Panalingin Maaari bang tumayo ang lahat para sa Opo. panalangin? (Nanalangin ang lahat sa pangunguna ng kanilang kaklase.) 2. Pagbati Magandang umaga/hapon mga bata! Magandang teacher! Kayo ba ay nakahanda nang matuto Opo teacher! ngayong araw? 3. Pag tsek ng attendance Nandito na ba ang lahat? Opo ma’am. umaga/hapon din po Mabuti naman kung ganon. 4. Balik-aral Inyo pa bang naaalala ang ating tinalakay Opo ma’am. kahapon? Kung ganon, ano-ano nga iyong mga Pagpapaunlad ng mga baryo. programa na ipinatupad ni Pangulong Pagpapagawa ng mga kalsada at Magsaysay na natalakay natin kahapon? tulay. Pamimigay ng mga lupa sa mga magsasaka at miyembro ng HUKBALAHAP. Pagtulong ng pamahalaan sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto. Mahusay mga bata! 5. Pagganyak Panuto: Buohin ang kahulugan ng mga acronyms. EDCOR - Economic __________ Cooperation Development NARRA - National __________ and __________ Resettlement, Rehabilitation Administration ACCFA __________ Credit and Agricultural, Financing Cooperation __________ Administration B. PAGLALAHAD Sa araw na ito tatalakayin natin ang programa ng pamamahalaang Magsaysay. Handa na bang makinig ang lahat? Opo! C. PAGTATALAKAY Pagusapan naman natin kung ano ang mga programa ng Administrasyong Magsaysay. Mga pangunahing Pangulong Magsaysay: programa ni Pagpapabuti ng sistema ng reporma sa lupa Pagpapautang sa mga kasama Pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang pasilidad para sa kapakanan ng mga tao sa baryo Pagpapaunlad ng pamayanan sa sariling pagsisikap ng mga mamamayan Pagpapaunlad ng mga baryo. Hiningi ang tulong ng mga ahensya ng gobyerno at organisasyong pansibiko sa pagdadala ng kalayaan at kaunlaran sa mga baryo. Ipinagpatuloy ang programa ng Economic Development Cooperation (EDCOR) sa Isabela at General Santos upang bigyan ng pagkakataon ang mga kasapi ng HUKBALAHAP na magbagong buhay. Itinatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) upang maging maayos at mapadali ang pamamahagi ng mga lupaing pambayan sa mga magsasakang nais magkaroon ng sariling lupa. Itinatag ang Agricultural Credit and Cooperation Financing Administration (ACCFA) upang tulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani. Itinatag ang Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang makabili ng sariling kagamitang pansaka ang mga magsasaka at nagkakaloob ng pautang sa mga kasapi nito para sa pagtitinda ng kanilang produkto. Itinaguyod ang pagpapatibay ng Batas sa Reporma sa Lupa na naglalayong magtatag ng Pangasiwaan sa Pagmamay-ari na nagsasagawa ng pag-aaral at pagsasaliksik tungkol sa mga suliranin sa pagmamay-ari ng lupa. Pinagtibay ang Social Security Act (Batas sa Katatagang Panlipunan) upang mapangalagaan ang kapakanan at mga karapatan ng manggagawa. Itinadhana ng batas ang Magna Carta of Labor, ang batas na nangangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa tulad ng pagkakaroon ng sapat at makatwirang pagbibigay ng sweldo, pagtitiyak na may kabayaran ang sobrang oras ng pagtatrabaho (overtime pay) at ang karapatan na magtatag ng mga union at benepisyo sa panahon ng aksidente na may kaugnayan sa gawain. Binuksan ang Palasyo ng Malacañan sa karaniwang mamamayan. Hindi lubusang naisagawa ang mga programa ni Pangulong Magsaysay dahil siya ay namatay nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan noong Marso 17, 1957. D. PAGLALAPAT Gawain 1: TUGON NG IDOLO KO! Panuto: Buuin ang mga pangungusap upang maipaayag ang mga programang ipinatupad ng Administrasyong Magsaysay sa pagtugon ng mga suliraning kinaharap ng mga Pilipino. 1. Binuksan ang __________ sa mga karaniwang tao upang personal na __________ ang mga kairingan nila. 2. Pinaniniwalaan ni Pangulong Magsaysay na kung ano ang nakabubuti sa karaniwang __________ ay makakabuti sa __________. 3. Ang pagpapabuti ng reporma sa __________ at pagpapaunlad ng mga pamayanan sa sariling pagsisikap ng mga __________ ay ilan sa programa ni Pangulong Magsaysay. 4. Ang Magna Carta of Labor ay batas na nangangalaga sa mga __________ ng mga manggagawa tulad ng pagkakaroon ng sapat at makatwirang pagbibigay ng __________. 5. Hiningi ang tulong ng mga ahensya ng __________ at organisasyong __________ sa pagdadala ng kalayaan at kaunlaran sa mga baryo. Gawain 2: KATUTURAN NG MGA PROGRAMA Panuto: Talakayin sa pamamagitan ng pagpupuno ng graphic organizer ang mga programa at layunin ng Administrasyong Magsaysay. Gawain 3: KAPAKANAN MO, ISUSULONG KO! Panuto: Gumuhit ng poster na naglalahad kung paano natugunan ng mga programa ng Administrasyon Magsaysay ang mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino. Malacañan, dinggin tao, bayan lupa, mamamayanan karapatan, sweldo gobyerno, pansibiko E. PAGLALAHAT Naintindihan na po ba ang leksyon? Opo ma’am. Ano ang naintindihan ninyo sa tinalakay Ang mga programa at proyekto ng natin? Administrasyong Magsaysay. Kung gaano natulungan ng mga programang ito ang mga Pilipino. Gawain: I-Hashtag mo! Gamit ang salitang #(hashtag), anong salita ang may kaugnayan sa napag-aralan natin ngayon, at magsabi ng kaunting paliwanag tungkol dito. V. PAGTATAYA Panuto: Iguhit ang kung tama ang programa ng pamahalaang Magsaysay ang binabanggit sa pangungusap at kung mali. __________ 1. Ipagpatuloy ang programa ng Economic Development Cooperation (EDCOR) upang bigyan ng pagkakataon ang mga kasapi ng HUKBALAHAP na magbagong buhay. __________ 2. Itinatag ang Foreign Service, sector ng pamahalaan na may kinalaman sa diplomasya at pagtatag ng ugnayag panlabas ng Pilipinas. __________ 3. Itinatag ang armers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang makabili ng sariling kagamitang pansaka at nagkakaloob ng pautang sa mga kasapi nito. __________ 4. Itinaguyod ang pagpapatibay ng Batas sa Reporma sa Lupa. __________ 5. Nagpalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law. VI. TAKDANG ARALIN Gumupit ng larawan at gawing collage hingil sa mga nagawang Programa ng Pamahalaang Magsaysay. Idikit ito sa malinis na long coupon bond at isulat ang iyong paliwanag. Inihanda ni: Khenneth B. Llandelar Iwinasto ni: Binibining Saly Abuid