0 Paano mo maipapakita ang paggalang pagkakaiba-iba sa loob ng paaralan? sa Anong gawang malasakit ang nagawa mo na kapag para sa mga taong nangangailangan? Kayo ba ay nagkakaisa sa inyong tahanan? Paano mo nasabi? Gumawa ng slogan tungkol sa pagsusulong ng kapayapaan sa ating bansa. Gawing gabay ang limang prinsipyo ng kapayapaan. Basahin natin ang tula Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Hanggang kailan pa ba tayo magaantay para matapos na ito? Kailan ba darating ang lunas, Para magkaroon ng maayos na bukas? Paano nga ba magkakaroon ng maayos na bukas? Kung ang mga tao’y may kaniyakaniyang paninindigan at hindi sumusunod sa batas? Ngayon pa pinairal ang katigasan ng ulo, Sa panahong dapat tayo ay magkaisa at iwasan ang gulo? Away at gulo! Iyan ang nagpapahirap upang malutas ang problemang ito. Anong maitutulong niyan sa mundo? Mabibigyang solusyon ba niyan ang pandemyang ito? Kailan ba tayo magkakaisa? Gustong malutas ang Corona pero wala namang disiplina Kailan natin makakamit ang kapayapaan, Mula sa isang sakit na hindi malunasan? Madami ng hinaing ang pumapalahaw, Humihingi ng atensyon upang sila’y mapukaw, Nais mayakap ang mga taong malayo, At matuloy ang mga planong napako. Ang tanging hiling ko lang ay sana, Magkaroon na ang mga tao ng pagkakaisa, Sabay-sabay nating ipikit ang ating mga mata, At humiling na sana’y matapos na itong pandemya. Pag-usapan ang inyong naging damdamin sa pagbasa ng tula. Upang makamit ang kapayapaan, kailangan ng ___________, ___________, __________, ____________ at __________. Mahalaga ang kapayapaan sapagkat ito ay ____________________ _________________________________.