UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN V S.Y. 2023-2024 Pangalan:________________________________________________ Marka:____________________ Pangkat:_________________________________________________ Petsa:____________________ Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Sa aspektong ______________ ay sinasabing ang Pilipinas ay sentro ng pinaghalong kultura ng mga bansang kanluran at silangan. A. Kultural C. Imperio B. Kalakalan D. Kristiyanismo 2. Madaling naitatag ang _______________sa mga kalapit bansa tulad ng Tsina, Indian, Hapones, at Arabe. A. Kultural C. Imperio B. Kalakalan D. Kristiyanismo 3. Sinakop tayo ng ______________ at nagtayo sila ng mga pangkaligtasang base militar laban sa pagsalakay ng mga bansa sa silangan. A. Hapon C. Espanyol B. Tsino D. Amerika 4. Ang ______________ lokasyon nito ay may malaking kinalaman sa paghubog ng kasaysayan. A. Base militar C. Estrahetikong B. Kalakalan D. Kristiyanismo 5. Anyong lupa na binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig. A. Moluccas C. Estrahetiko B. Arkipelago D. Kristiyanismo 6. Ang islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan sa pagkakatuklas sa ating bansa. A. Moluccas C. Estrahetiko B. Arkipelago D. Kristiyanismo 7. Mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang diyos ang gumawa ng Pilipinas. A. Diyos C. Teorya B. Mitolohiya D. Bagobo 8. Itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon. A. Diyos C. Teorya B. Mitolohiya D. Bagobo 9. Pinaniniwalaang dating kabahagi ang Pilipinas sa Continental Shelf o mga tipak ng lupa sa katubigan na nakakabit sa mga kontinenteng mga tulay na lupa ang mga pulo sa isa’t-isa at ang ilang karatig bansa sa Timog-silangan Asya. A. Teoryang Tulay ngLupa o Land Bridges B. Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory C. Mitolohiya D. Paniniwalang Panrelihiyon 10. Ayon sa paniniwalang ito nilikha ng isang makapangyarihang Diyos sang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas. A. Teoryang Tulay ngLupa o Land Bridges B. Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory C. Mitolohiya D. Paniniwalang Panrelihiyon 11. Ipinaliwanag ni ______________ ang kanyang sa teoryang Continental Drift, na gumalaw ang pangaea o malaking masa ng kalupaan ng daigdig 240 milyong taon na ang nakalipas. A. Bailey Willis C. Bruce Willis B. Melu D. Alfred Wegener 12. a paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si _______ ang Pilipinas mula sa kanyang libag. A. Bailey Willis C. Bruce Willis B. Melu D. Alfred Wegener 13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kasali sa pinuntahan ng ilang pangkat ng Austronesyano? A. Hawaii C. New Guinea B. Madagascar D. Palau 14. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration? A. F. Landa Jocano C. Otley Beyer B. Peter Bellwood D. Wilhelm Solheim II 15. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya? A. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko B. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko C. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko D. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko 16. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipinong nagmula sa___________. A. Taiwan C. Amerika B. Mexico D. Saudi Arabia 17. Sino sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan? A. Adan at Eba C. Adan at Maganda B. Malakas at Maganda D. Malakas at Eba 18. Ayon sa mitolohiya, nailuwal sa mundo ang tao mula sa isang uri ng halaman. A. Narra C. Gumamela B. Kawayan D. Buho 19. Sa panahong _____________ sinasabing natutong mamuhay ang mga Pilipino ayon sa kanilang kapaligiran. A. Neolitiko C. Paleolitiko B. Mandirigma D. Maharlika 20. Noong panahong ng ___________ ay nagbago ang kanilan pamumuhay ng matuto silang gumamit ng mga hinasa at pinakinis na bato. A. Neolitiko C. Paleolitiko B. Mandirigma D. Maharlika 21. Ang ________ ay mga lumayang tao mula sa pagkakaalipin. A. Katalonan C. Sanduguan B. Saguiguilid D. Timawa 22. Ang aliping ___________ may sariling bahay at naninilbihan lang sa datu kung may okasyon. A. Sanduguan C. Namamahay B. Saguiguilid D. Timawa 23. Ano ang ibig sabihin ng NUSANTAO? A. Tao mula sa Silangan C. Tao mula sa Kanluran B. Tao mula sa Timog D. Tao mula sa Hilaga 24. Sa panahong Sa mga Tagalog, ang pinakamababang uri ng alipin ay tinatawag na________. A. Aliping namamahay C. Ayuey B. Aliping saguiguilid D. Tumarampuk 25. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ay tinatawag na sistemang ______________. A. Barter C. Pagpapanday B. Pagmimina D. Tumarampuk 26. Ang pagmimina ay isang gawaing ekonomiko noong sinaunang panahon. Ano ang pangunahing minimina ng mga Pilipino? A. Tanso C. Ginto B. Perlas D. Bato 27. Bukod sa pagsasaka, ano ang pangunahing kabuhayan ng mga unang Pilipino? A. Pangingisda C. Paggawa ng barko B. Paglililok D. Paghahabi 28. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman? A. Pag-aararo C. Pagnanarseri B. Pagbabakod D. Pagkakaingin 29. Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto? A. Pangangaso C. Metaluhiya B. Pangingisda D. Pangangalap ng pagkain 30. Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon? A. Tsina C. Indonesia B. India D. Saudi Arabia 31. Tanyag na lugar kung saan naging sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal? C. Cebu C. Leyte D. Davao D. Manila 32. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan ng______________. A. Pagdiriwang C. Paligsahan B. Pag-iinuman D. Sanduguan 33. Ang kaunaunahang Arabeng Muslim na nagtatag ng pamahalaang Sultanato sa Sulu noong 1450. A. Sharif ul-Hashim o Sayyid Abu Bakr C. Tuan Masha‘ika B. Karim Ul-Makdum D. Raja Baginda 34. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa ng bisig gamit ang punyal, pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak at pag-inom nito. Ano ang simbolismo nito? A. Pagkakaibigan C. Pakikipagkalakalan B. pagpapatawad D. pag-iisang dibdib 35. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di- pagkakaunawaan at alitan sa ibang barangay? A. Nagkaroon sila ng isang paligsahan. B. Kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo. C. Sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu. D. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sanduguan. 36. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay____________. A. Matapang at mayaman B. Magaling gumawa ng batas C. Galing sa angkan ni Muhammad D. Galing sa pinakamataas na antas ng lipunan 37. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao? A. babaylan C. pari B. ganbanes D. pomares 38. Ang mga sumusunod ay batas ng Pamahalaang Sultanato MALIBAN sa isa. Alin dito? A. Adat C. Qur’an B. Sharia D. Ulama 39. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? A. Bibliya C. Islam B. Qur’an D. animismo 40. Bakit matatagpuan sa bahaging Mndanao ang karamihan sa naniniwala sa relihiyong Islam? A. Natakot sa pagdating ng mga Espanyol kung kaya sa Mindanao sila nagtungo. B. Nagtungo sila sa katimugan ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanilang pagsasarili at paniniwala sa Islam. C. Nahirapan sila sa pamamalakad ng pamahalaang Espanyol. D. Napadpad sila sa Mindanao dahil sa apgtakas nila sa pananalakay ng mga Espanyol sa kanilang lugar na tinitirhan. 41. Sino ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas? A. Tuan Masha’ika C. Abu Bakr B. Rajah Baginda D. Karim-Ul-Makdum 42. Paano nakarating ang mga Muslim sa Pilipinas? A. Dahil sa pakikipagkalakalan B. Dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo C. dahil sa pakikipagsanduguan D. dahil sa palalakbay 43. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim. A. Islam C. Allah B. Qur'an D. Muhammad 44. Ang nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan ng mga Muslim. A. Islam C. Allah B. Qur'an D. Muhammad 45. Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino. A. Babaylan C. Baybayin B. Abakada D. Banalan 46. May sariling sistema ng pagsulat, wika at edukasyon ang mga sinaunang Pilipino. Ano ang nangyari sa kanilang pagpapangkat pangkat? A. Marami at iba-iba ang nabuong wika B. Napalaganap ang Islam C. Dumami ang tao sa bansa D. Dumami ang mga ginto 47. Bahagi ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino ang mga sumusunod. Alin sa mga ito ang hindi itinuturo noon? A. Pagtatanggol sa sarili C. Pangangaso B. Pangingisda D. Paggamit ng baril sa pakikidigma 48. Paano nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon ang mga sinaunang Pilipino? A. Sa pamamagitan ng pananakop B. Sa pamamagitan ng pangagaya sa mga dayuhan C. Sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng kalikasan D. Sa pamamagitan ng kanilang kultura, kagawian, paniniwala, at wika 49. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon? A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito D. Lahat ng nabanggit 50. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon? A. Uri ng pananamit B. Sistema ng pagsulat C. Paraan ng makikipagdigma D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha ANSWER KEY 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 A B D C B A D C A D 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 D B D C D A B B C A 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 D C A B A C A D C B 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 D D A A D C A D B B 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 A A B C C A D D D B