BALIK-ARAL Muling pag-usapan ang tungkol sa POSITIBONG KAPAYAPAAN Ano ito? Ilarawan ang mga larawan. Ang positibong kapayapaan ay nagpapakita ng pag-iwas sa gulo, pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon at maging masaya kahit ano mang pagsubok o suliranin. Makakamit natin ang positibong kapayapaan kung ito ay sisimulan natin sa ating sarili. Ilarawan ang mga larawan. Paano mo mailarawan ang negatibong kapayapaan gamit ang mga larawan? Anong pag-ugali ang ipinapakita dito? Tama ba ang pag-uugali na ipinapakita sa larawan? Bakit? Nagpapakita ba ito ng kapayapaan sa bawat isa? Paano natin mabigyan ng solusyon ang mga ganitong sitwasyon? Anong uri ng kapayapaan ang ipinapakita sa larawan? Negatibong Kapayapaan Ang negatibong kapayapaan ay nagpapakita ng hindi pag-iwas sa gulo, laging nagagalit at hindi mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Kung ang bawat isa ay may negatibong kapayapaan, hindi natin makakamit ang katahimikan at kapayapaan sa bawat isa. Bawat bansa ay may mga suliranin na hinaharap. Kaya dapat alam natin kung paano tayo makaiwas sa mga negatibong kapayapaan. Pagbasa ng Kuwento at Pagsagot sa mga Tanong Oras ng klase sa ESP at wala pa ang guro ng ikaanim na baitang , pangkat Rizal. Ang mga estudyante ay nag-iingay, may iba naman na nagpapalipad ng saranggolang papel at may naghahabulan pa. Tumayo ang presidente ng klase na si Tina at sinaway sila pero hindi sila nakinig at patuloy pa rin ang kanilang ginagawa. Kaya pumunta na lang si Tina sa kanilang adviser na si Ginang Moira at nagsumbong. Pinagsabihan naman sila ng kanilang adviser na manahimik sila habang wala pa ang kanilang guro. Mga tanong: 1. Bakit nag-iingay ang mga estudyante? 2. Ano ang kanilang ginagawa? 3. Sino ang nagsaway sa kanila? 4. Nakinig ba ang mga estudyante sa kay Tina? 5. Kanino nagsumbong ang presidente ng klase? Mga tanong: 6. Ano sa palagay mo ang ginawa ng guro sa kanilang klase? 7. Nagpapakita ba ito ng negatibong kapayapaan? 8. Magkakaroon ba ng kapayapaan kung ganito lagi ang nagyayari sa klase natin? Mga tanong: 9. Paano mo nasabi na ito ay nagpapakita ng negatibong kapayapaan? 10. Kung kayo ang nasa loob ng silidaralan at wala pa ang guro, ano ang dapat mong gawin? Gawain: ART TIME Kagamitan: manila paper, pentel pen, bondpaper, krayola. Panuto: Sa isang malinis na bondpaper, gumuhit ng larawan na nagpapakita ng negatibong kapayapaan. Sumulat ng 3-5 na pangungusap tungkol sa iyong ginuhit.