9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pangangailangan ng Kapuwa sa Angkop na Pagkakataon Ikalawang Linggo Edukasyon sa Pagpapakatao Ika 9 na Baitang Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pangangailangan ng Kapuwa sa Angkop na Pagkakataon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad, Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito ipang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran. . Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Trixy Joy B. Banda Editor: Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria Tagaguhit: Dexter A. Licong Tagalapat: Richard N. Escobido Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Davao City Division Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave., Davao City, Davao del Sur, Philippines Telefax : (082) 224 0100 E-mail Address : info@deped-davaocity.ph 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pangangailangan ng Kapuwa sa Angkop na Pagkakataon Ikalawang Linggo Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan. 2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na gawain. 3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain. 4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at pagwawasto ng mga gawain. 5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na gawain. 6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga gawain. Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan! 1 Alamin Natin "Katarungan para kay Ka Dencio!" ang sikat na linya sa 80s ng pelikulang Sister Stella L (1984) na pinagbidahan ni Vilma Santos. Tungkol ito sa isang madre na nakiisa sa pagpipiket ng mga manggagawa laban sa mapaniil na pamamalalakad ng pabrika. Katarungan. Madalas mong naririnig, bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa lalo na sa panahon ng kagipitan. Ito ay dahil ang tao ay umiiral na kasama ang ibang tao; isang ugnayan na dapat na pinagyayaman ng katarungan. Gabay ng babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa modyul na ito ang mga mahalagang tanong na: Bakit nga ba mahalaga ang katarungang panlipunan? Mayroon bang pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, at pag-unawa: Mula kakayahan sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 1. 1. Napatutunayan na may(Pasig pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya. (EsP9KP-IIId-9.3) 2. Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon. (EsP9KP-IIId-9.4) 2 Subukin Natin PANUTO: Unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang pinakatamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Alin sa sumusunod ang kawalang katarungan? a. Tumawid sa tamang tawiran b. Pagsunod sa batas trapiko c. Maging tapat sa pagsusulit d. Paggamit nang hindi nagpapaalam 2. Alin sa mga sumusunod ay taliwas sa halimbawa ng paraang makatarungan maliban sa isa; a. Pagrarali c. Pagdedemanda o paghahabla b. Pagganti d. Hindi pakikipag-usap sa kaalitan 3. Bakit kailangan natin ng mga batas? a. Upang matakot ang mga tao at magpakabait sila b. Upang parusahan ang mga nagkakasala c. Upang tulungan ang mambabatas sa kanilang trabaho d. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos 4. Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa katarungang panlipunan? a. Diyos, Pamahalaan, Komunidad c.Rehas, Baril, Kapangyarihan b. Batas, Kapuwa, Sarili d. Batas, Parusa, Konsensya 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting katangian ng makatarungang lipunan? a. May kainaman sa buhay ang mga mayayaman b. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao c. Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain d. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel _________1. Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili at komunidad upang makagawa, makabuo, at makalikha __________2. Ang katarungan ay hinihingi o inaasahan mula sa labas. __________3. Mabubuo lamang ng pamahalaan ang mga mabibisang prinsipyong ekonomiko at pampolitika kung ang mga namumuno sa loob niya ay makatarungan din sa kani-kanilang mga sarili. 3 __________4. Kung hindi matuwid ang pamahalaan ay hindi niya magagawa nang maayos ang kaniyang ekonomiko at pampolitikang tungkulin. __________5. Ang katarungan ay karapatan mo lamang bilang miyembro ng lipunan. Aralin Natin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Gawin Natin. Katarungang Panlipunan Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay. Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at ang iba pang mga katulad na sitwasyon. Isinaalangalang ng katarungan ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan. Kaya, kung titingnan mong mabuti ang mga ugnayan sa lipunan, makikita mokung gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang panlipunan. Mabisang paraan ito upang mapangalagaan at mapanatiliang kabutihang panlahat. Hindi lamang ito nakatatak sa saligang batas ng ating bansa kundi ito ang sinisigaw ng ating bayan sa kasalukuyan nitong kalagayan. Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Iba ang kapuwa sa kalipunan. Ang kapuwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao. Halimbawa: sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na nagpapaturo sa iyo kung saan ang daan, sa kaibigan na nagpapatulong tungkol sa kaniyang problema. Samantala, ang kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Halimbawa nito ay ang guro o mag-aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang empleyado sa opisina. Sila ay kalipunan dahil may namamagitan na institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi nagkahiwalay ang kapuwa sa kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan. Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod sa batas. Isinaalang-alang din nito ang mga panlipunan, pampolitikal at pang-ekonomiyang aspekto ng tao, mga problema ng lipunan at mga maaring solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat. Masasalamin sa mga konsiderasyong nabanggit ang mga katangian ng katarungang panlipunan tulad ng: paggalang sa karapatan ng bawat tao, paglampas 4 sa pansariling interes at pagsaalang-alang sa kabuuang situwasyon upang tunay na makamit ang kabutihang panlahat. Mga Kaugnay na Pagpapahalaga Alam mo ba na may mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan? Ang mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan. Makatutulong sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao ang pag-unawa mo sa mga ito. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may didnidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan, o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao. Bukod-tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang ng Diyos dahil nilikha siya ng Diyos na may isip at kalayaan. Ang kaniyang pagkabukod-tangi ay hindi dumidepende sa kanino man. Wala siyang katulad sa buongkasaysayan. Hindi siya mauulit. Tulad ng binanggit sa baiting 7, kung ang diyamante ay mahalaga dahil bihira ito, ano pa kaya ang tao na bukod-tangi? May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Mahalaga sa kaniyang pagkasiya, pagka-ako, pagkabukod-tangi. Ito ang nararamdaman ng tao ang kaniyang kapuwa at sa kaniyang sarili. Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi nakadepende sa kaniyang sitwasyon, kundi sa kaniyang hindi malalabag na karapatang kaugnay sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang katarungang panlipunan, kung gayon, ay nakatutuon sa kabutihan ng mga tao. Ang katarungang panlipunan, kung gayon ay nakatutuon sa kabutihan ng mga tao. Samakatuwid, ang mga istruktura ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa kabutihan ng lahat ng tao. Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isa pang pagpapahalaga ng katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang situwasyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay maguudyok sa iyo na handa mong ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong kapuwa. Kaya, ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay hindi isang simpleng opinyon lamang dahil hindi mo maitataya ang iyong pagkatao at buhay para sa isang opinion lamang. Ang katotohanan sa puntong ito ay ang pag-unawa na may iba pang apektado sa situwasyon, hindi lamang ikaw. Inuunawa at pagnilaynilayan mo ang situwasyong ito upang makita ang katotohanang nakakubli rito. May kasama ka sa kinasangkutang situwasyon at hindi makabubuti sa mga kasama mo na ikaw lamang ang masusunod at maging sunod-sunuran lamang sila sa iyo. Ang pagmomonopoliya o pagsasarili sa mga kaganapan ay sumasalungat sa kabutihan ng inyong pagkakasamang pag-iral sa situwasyon na kapuwa ninyo kinasasangkutan. Upang matugunan ang pangangaialangan ng katarungang panlipinan, kailangan mong makipag-usap at makipagdiyalogo sa iba pang sangkot sa situwasyon. Kaugnay ng diginidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal ang 5 iyong kapuwa ay isang kaibigan o maari ring ituring mo siya na isang kapatid. Kung mawawala ang pagmamahal, paano na ang tao? Ano ang mangyayari sa katarungan? Ang katarungan ay maaring mauwi sa simpleng legalismo na ibig sabihin ay pagiging parang isang bulag kung saan sunud-sunuran na lamang ang tao sa batas. Kaya, ang pagmamahal bilang isang pagpapahalaga ay isang aktibong pagkalinga sa kapuwa na nagpapaunlad sa kaniyang mga kakayahan bilang tao. Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong paglapit sa kaniya upang samahan at suportahan siya sa kaniyang pagtubo bilang tao at sa pagpapaunladniya ng kaniyang potensiyal. Ito ay nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan upang makabuo ng sistemang susuporta sa pagpapaunlad ng pagkatao ng tao. Ang pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa. Hindi lingid sa iyong kaalaman na may namumuong pagkakahati-hati sa mga mamamayan ng ating bansa at maging sa pagitan ng mga bansa ng daigdig. Marahil, ito ay dahil sa magkakaibang prinsipyo at pananaw sa buhay ng mga tao sa larangan ng politika, relihiyon at iba pang aspekto ng buhay ng tao. Mahirap itong malalampasan kung ang pagbabatayan lamang ng ugnayan ay ang katarungan. May pag-asang maghilom ang sugat ng pagkahati-hating ito ng ating bansa sa bisa ng pagkakaisa (solidarity). Makatutulong dito ang pagtanggap sa katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-samang namumuhay sa iisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasyon, makita sana ng lahat ng mga bansa na magkakaiba man ang mga lahi, lahat ay namumuhay naman sa iisang daigdig. Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo ay handang isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat. Ang sabi ni Santo Papa Juan Pablo II “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan”. Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas ng katarungan at pagmamahal lalo na para sa mahirap at mahina tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng sandatahan. Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan. Muli, kailangan dito ang paggalang sa dignidad ng tao at ang palagiang pagsasanay na maisabuhay ang diwa ng pagkakaisa upang mataguyod ang kabutihang panlahat. Ang kapayapaanay bunga rin ng pagmamahal, ang pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan. Sa huli, maitataguyod mo ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay mo sa iyong kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ito ay tanda ng paggalang mo sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagiging makatarungan sa kapuwa tao ay nagsisimula at sinasanay sa pamilya. Ibinabatay ang makatarungang ugnayan ito sa moral na kaayusan ng lipunan. Pinatitibay ang pag-iral ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kaugnay na mga pagpapahalaga na daan tungo sa kabutihang panlahat. 6 Teka sandali, lang. Nag-iiwan ba sa iyo ng hamon ang natutuhan mo tungkol sa katarungang panlipunan? Paano mo ito tutugunan? Huwag mo sanang kalimutan, “Walang iwanan ha?” Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015). Gawin Natin Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa isang pirasong papel. 1. 2. 3. 4. 5. 6. Ano ang ugnayan ng katarungan sa sarili at katarungang panlipunan? Saan mo nakikita sa iyong paligid ang katarungan? Ano ang ginagawa mo para mapagtibay ito? Saan mo nasasaksihan ang kawalang katarungan? Ano ang ginagawa mo para mapuksa ito? Ano-ano ang ginagawa mo upang maitaguyod ang katarungan sa ating bansa? Sanayin Natin TULA Panuto: 1. Sa ibaba, makikita ang mga mahahalagang salita/konsepto mula sa aralin. 2. Gamit ang sumusunod na salita/konsepto, gumawa ng Tula tungkol sa pananagutan ng bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya. 3. Gawin ito sa isang pirasong papel. Katarungang Panlipunan Katarungan Batas Pulis Pamahalaan 7 Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output: KRAYTIRYA PUNTOS Tiyak at makabuluhan ang nagawang tula 40% Malinaw at konkreto ang paggawa base sa napiling salita/konsepto 35% Malikhain at Malinis ang pagkagawa ng buong output 25% Tandaan Natin AKROSTIK Panuto: Gumawa ng isang akrostik gamit ang salitang KATARUNGAN. Punan ang bawat letra ng mga salitang mayroong kinalaman sa paksang tinalakay. KATA RUNGAN- 8 Suriin Natin PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang pinakatamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Ang pagiging makatarungan sa kapuwa ay sa pamilya nagsisimula. Paano ito isinasagawa ng iyong mga magulang? a. Ipinapaalala ang mga alituntunin sa tahanan b. Ipinapaunawa ang kahalagahan ng paggalang sa kapuwa c. Ipinapaliwanag ang magandang ugnayan sa kapuwa d. Itinuturo ang magiging kaparusahan sa paglabag ng karapatan ng tao 2. Bakit itinuturing na walang katapusang laban ang katarungan? a. Dahil sa maraming paglabag sa karapatan ng tao b. Dahil mahirap kalabanin ang ating sarili c. Dahil mahirap makipag-ugnayan sa iba d. Dahil maraming pagsubok ang haharapin 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katarungang panlipunan? a. Nagtayo ng union si Jose upang malabanan ang korapsyon sa kanilang bayan. b. Inilathala ang budget ng proyekto ng pamahalaan c. Pagpataw ng tamang presyo sa bawat bilihin. d. Kulang ang pasahod na ibinigay ng isang kompanya. 4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng katarungang panlipunan? a. Paglampas sa pansariling interes b. Pagsasaalang-alang sa kabuuang situwasyon c. Paggalang sa karapatan ng bawat tao d. Lahat ng nabanggit 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng isang taong makatarungan? a. Ginagalang ang batas b. Sumunod sa palatuntunin sa paaralan c. Aminin sa sarili ang totoo d. Umiiwas sa anumang gawain 9 PANUTO: Piliin sa Hanay B ang hinihingi sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 6. Pamahalaan ng tao 7. Katarungan a. maingatan ang mga indibiduwal na karapatan 8. Katarungang Panlipunan yaman ng bansa 9. Pulis c. masiguro ang patas na pagbabahagi ng 10. Batas e. pag-iingat sa sarili ng komunidad upang. makagawa, makabuo, at makalikha b. magbantay sa kalayaan ng mga tao d. pagbibigay ng nararapat sa tao Payabungin Natin Panuto: Punan ang bawat kolum. Sundin ang halimbawa sa bawat kolum sa ibaba at gawin ito sa sagutang papel. 1. Sa unang kolum ng tsart sa ibaba sumulat ng limang (5) halimbawa ng katarungan na nasaksihan mo sa iyong paligid 2. Sa ikalawang kolum ng tsart sa ibaba sumulat ng limang (5) halimbawa ng kawalan ng katarungan na nasaksihan mo sa iyong paligid HALIMBAWA NG KAWALAN KATARUNGAN HALIMBAWA NG KATARUNGAN 1. 2. 3. 4. 5. 10 Pagnilayan Natin 1. Sa iyong journal o sa isang pirasong papel, isulat kung paano mo matutugunan bilang isang kabataan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon sa panahon ng pandemya? Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output: KRAYTIRYA PUNTOS Tiyak at makabuluhan ang nagawang pagninilay 40% Malinaw at konkreto ang paggawa base sa napiling salita/konsepto 35% Malikhain at Malinis ang pagkagawa ng buong output 25% 11 12 Suriin Natin B 9. E 8. D 7. C 6. D 5. D 4. D 3. A 2. D 1. Subukin Natin Tama 9. Tama 8. Mali 7. Tama 6. A 5. B 4. D 3. B 2. D 1. 10. Mali 10. A Susi sa Pagwawasto Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Magaaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015. Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016. Rivera, Arnel O.“Aralin 9: Katarungang Panlipunan.” Slideshare Presentation at slideshare.net, MAay 19, 2018 http://mameddieblogs.blogspot.com/2014/12/modyul-9-katarungangpanlipunan.html?m=1 13 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region XI Davao City Division DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City Telefax: 224-3274 Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph 14