Uploaded by Christian James Edades

Panukalang-Proyekto

advertisement
PANUKALANG PROYEKTO
“Pagpapatupad ng Reverse Vending Machine sa Pagadian City”
I. PROPONENT
•Address: Adalet, 818 Megapol Tower 41, 12mir, Turkey
•Email. Acorecycling@gmail.com
•Cellphone No.190 232 400 18 09
II. KATEGORYA
Proyekto ng pagpapanatili (Sustainability Project)
III. PETSA
Ika 14 ng Oktubre, taong dalawang libo’t dalawang pu
IV. RASYONAL
Ang taong-nayon ng Pagadian City ay kilala sa isa sa mga lugar na dinarayo at
pinupumlahan. Base sa aming obserbasyon, marami-rami ang mga nakakalat na plastic sa mga
ibat-ibang bahagi ng lugar ng ating nayon. Pero, sa pamamagitan ng proyektong ito, masolusyonan
agad ang problemang ito sa paraan ng pondo na tulong mula sa Gobyerno. Mahalaga ito sa lahat
dahil nakakatulong ito sa makikilahok, sambayanan at maging sa ating kalikasan.
V. DESKRIPSIYON
Ang Reverse Vending Machine ay isang makina kung saan maaaring ibalik ng mga tao ang
mga walang laman na lalagyan ng inumin tulad ng mga bote at lata para i-recycle. Pera ang
katumbas sa pagbabalik ng mga plastic sa makina.
VI. TIYAK NA LAYUNIN
-Mapaganda ang ating kalikasan
-Maiwasan ang mga sakit na naididulot ng plastic
-Mapangalagaan at mapannatili ang malinis na kapaligiran
-Makakatulong sa mga walang mapapagkakitaan
VII. PROSESO
-Manawagan sa mga tao sa munisipyo, city hall na gustong lumahok sa gagawing proyekto.
-Magsagawa ng isang pagpupulong upang maipaalam sa kanila ang layunin ng proyekto.
-Magsagawa ng implementasyon sa pagpapatupad ng proyekto
-Ilahad ang kabuuang badyet sa panukalang proyekto.
VIII. BADYET
Kabuuang badyet ng proyekto
Reverse Vending Machine (2
unit)
Php300,000
Transportasyon ng produkto
Php2,500
Miscellaneous Expenses
Php5,000
IX. PAKINABANG
Ang mga unahing makikinabang nito ay ang mga mamayan ng Pagadian City lalo na ang mga
taong grasa, taong walang kinikita dahil nagpapalit ng pera ang makina sa pamamagitan ng
pagpasok ng mga bote na plastik. Mapapalinis nito ang kapaligiran ng Pagadian City maging ang
mga dagat, kanal, ilog at malaki ang dulot na ibibigay nito sa ating kalikasan. Ang mga na
nabalik na mga plastic bottles ay marerecycled.
Download