Uploaded by ANNELYN CAYETANO

isang-matandang-kuba-sa-gabi-ng-canao

advertisement
ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO
Ito ay sinulat at Akda ni Simplicio Bisa
Dumating ang matatandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-pilay na
lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahong
mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga katutubong
nagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao.
Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni Lifu-o sa
kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik na siya sa kanilang
ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig niyang ganapin iyon sa
kanilang af-fong.
Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sa pook na
iyon ; sa idinaraos na canao nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya pagsilang,
pagtatanim, pag-aari kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng isang
katutubi? At dinadaluhan nila ang ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa naaakit dumalo;
isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila.
“Ama,” pumukaw ang tinig si Sabsafung. “Ihahanda ko na ang mga tap-pey at fayas.”
Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid na nabibigkisan ng
wakes, naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon. Makintab ang buhok nito
na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat at leeg ng anak ay nagiging
magagandang guhit na hindi makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na ang dibdib nito na
naiitiman din ng iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim
at pag-aani sa kanilang kaingin… at sa pagdaos ng canao.
“ihanda mo na… Tulungan mo ang iyong ina…”
Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao. Sa paghahabulan
ay napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba ang lusong
kasama ang matandang kuba.
Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon,
may nakita si Lifu-ong na tila kakaiba—pang-akit
Wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na ninyo ako…”
Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng— malalakas a
nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib… iligtas kami sa mga kapahamakang darating, kadakilaan… O,
Kabunian!
Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng
masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito.
Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang ang
matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang
ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa matanda. Nasa
dilim na siya.
Binalikan ni Lif u-o ang matanda.
Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin.”
Babalik din sila riyo…”
“Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?”
Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako.
“Salamat… Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.
Bumalik na nga sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.
“Nasaan si lifu-o?”
“Si Lifu-o?”
“Lifu-o…?”
Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga… bumalik silang
masasaya… at lumalakas ang awiitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.
Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas…”
Tuhugin sa patpat…suksok sa bubungan… sa malapit sa pintuan!”
“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabunian…!”
“Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag… paanyayahan muna ng panalangin!”
“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. “Idudulot na ang tap-pey, Lifuu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang
si Napat-a.”
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Cañao
Ni Simplicio Bisa
Isang matandang kuba ang dumating ng gabing iyon, papilay pilay itong naglakad patungo sa nakatumbang lusong at
doon naupo ito. Hindi na siya nilapitan o inusisa ng mga ng mga tao.
Nang gabing iyon nagdadaos ang pamilya ni Lufu-o ng Cañao
Sapagkat kanina habang patungo si Lufu-o sa kaingin siya ay nakakita ng isang itim na uwak, para sa kanila ang makakita
noon ay isang masamang pangitain kung kaya sila ay nagdaos ng Cañao.
Ipinagdiwang ang Cañao, inayayahan ni Lufu-o na makiisa sa kanila ang matandang kuba ngunit ito ay tumangi.
Bumalik si Lufu-o sa kanilang bahay upang isagawa ang ritwal. Pagkatapos noon sila ay lumabas ng bahay. Kanyang
dinulutan ang matandang kuba ng makakain. Doon nagsalita ang matanda sa sa isang makapangyarihang tinig. Ang lahat
ay natigil. Sinabi ng matandang kuba na siya ay nasiyahan sa isinaos nilang Cañao
Kung kaya siya y magbibigay naman ng gantimpala sa mga ito. Sinabi niya na siya ay takluban ng isang malaking kawa at
huwag gagalawin. Ipagpatuloy nila ang Cañao. Nagsalita muli ang matandang kuba. Sa ikatlong araw may tutubong
puno. Binilinan niya ang mga ito na huwag gagalawin ang puno. Tanging ang mga bunga lamang nito ang maaring
pitasin. At kanilang ginawa ang sinabi ng matanda.
Nang sumapit nga ang itinakdang araw sila ay nagtipon-tipon kung saan nila tinakluban ang matandang kuba. Nagbigay
hudyat si Lufu-o sa kanyang mga kasama na itaas ang kawa. Ngunit ang kawa ay unti-unting nagkalamat. Lumaki ng
lumaki ang lamat hanggang sa nabasag ang kawa. Duon lumitaw ang isang gintong puno. Nagulantang ang mga tao.
Nang mahimasmasan ang mga tao ay nagkagulo. Dinumog nila ang puno pinagtataga, tinapyas, binali-bali at
pinagtutuklap nila ang puno. Sila ay nag-agawan, nagtulakan, nagsakitan, nagsipaan at nagkabalian ng buto.
Ang puno ay nagpatuloy sa pagtaas hanggang sa ang puno ay nabuwal. Sa huli narinig ni Lufu-o ang tinig na dala ng
hangin. “Huhukayin niyo mula ngayon ang ginto”.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1992241#readmore
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Cañao
Ni Simplicio Bisa
Ang aral na makukuha sa kwento ng “Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Cañao” ay huwag maging ganid, huwag maging
mapang-imbot, sumunod sa mga tagubilin. Sapagkat ng makita ng mga tao ang punong ginto sila ay nagkagulo,
nagkasakitan at hindi sumunod sa tagubilin ng matandang kuba. Kung kaya ang puno ng ginto ay nawala din sa kanila.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1977501#readmore
Pagmamahal at sakripisyo para sa nakararami
-Ang kanyang bukal na loob at pagsasakripisyo ng buhay ay nagbunga ng puno ng ginto para sa mga katutubo.
Katapatan
-Ito ay makikita sa kanyang pagbabahagi ng karunungan ukol sa isang "Punong uusbong makatapos ang tatlong araw".
Pagiging Masungit
-Sa magandang hangarin na inalok na tulong ni Lifu-ong, ang tanging sinabi lamang nito sa kaniya ay "Bayaan niyo ako."
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1122441#readmore
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Cañao
Ni Simplicio Bisa
Ang ibig sabihin ng “Simula sa araw na iyon ay paghihirapan muna ng tao ang pagkuha sa isang ginto”. Sapagkat ang
ginto ay hindi na nilang madaling makukuha katulad ng dati. Noon ang ginto ay kanila lamang pinipitas o kinukuha ngunit
ngayon ang ginto ay hindi na madaling makuha sapagkat ito ay makukuha mo lamang sa pamamagitan ng paghuhukay
ng lupa at ito ay hindi madali at basta basta mo na lamang makukuha.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1974981#readmore
Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao ni Simplicio Bisa
Matandang Kuba- isang matandang kuba na papilay-pilay ang paglalakad.Ang nagbigay ng gintong puno.
Lufu-o- ang pinuno ng mga Igorot.
Sabsafung- anak na dalaga ni Lufu-o.
Napat-a- ang asawa ni Lufu-o at ang ina ni sabsafung.
Mga kabataang Igorot- ang mga humahabol sa baboy.
Ang apat na matitipunong Igorot- ang siyang lumapit sa kawa.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1051697#readmore
Pagmamahal at sakripisyo para sa nakararami
-Ang kanyang bukal na loob at pagsasakripisyo ng buhay ay nagbunga ng puno ng ginto para sa mga katutubo.
Katapatan
-Ito ay makikita sa kanyang pagbabahagi ng karunungan ukol sa isang "Punong uusbong makatapos ang tatlong araw".
Pagiging Masungit
-Sa magandang hangarin na inalok na tulong ni Lifu-ong, ang tanging sinabi lamang nito sa kaniya ay "Bayaan niyo ako."
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1122441#readmore
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
1. 1. ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO ni. Simplicio BisaDumating ang matatandang iyon sa
isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-pilay nalumapit at naupo sa
nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahongmagusisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga
katutubongnagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao.Isang
tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni Lifuosa kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik
na siya sakanilang ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao.
Ibig niyang ganapin iyonsa kanilang af-fong.Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa
mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sapook na iyon ; sa idinaraos na canao nakatuon ang
pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kayapagsilang, pagtatanim, pag-aari kaya,
pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kayangisangkatutubo. At
dinadaluhan nila ang ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa naaakitdumalo;
isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila.“Ama,” pumukaw ang tinig si Sabsafung. “Ihahanda ko na
ang mga tap-pey at fayas.”Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan.
Sa makulay nitong lufid nanabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba
ang ganda ng anak niya ngayon. Makintabang buhok nito na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng
mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat at leeg nganak ay nagiging magagandang guhit na hindi
makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na angdibdib nito na naiitiman din ng
iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwasa pagtatanim at
pag-aani sa kanilang kaingin... at sa pagdaos ng canao.“ihanda mo na... Tulungan mo ang iyong ina...”Bigla
ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao.
Sapaghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga
nagsisihabol, natumbaang lusong kasama ang matandang kuba.Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang
makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon,may nakita si Lifu-ong na tila kakaiba
—pang-akitWari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na ninyo ako...”Nakiumpok si Lifu-o sa
mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng— malalakasa
nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib... iligtas kami sa mga kapahamakang darating,
kadakilaan... O,Kabunian!Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dakilangdalangin: Bigyanmo,
DakilangKabunian, ng masagana at mahabangbuhay ang mganasaatosailingito.Napatay na ng matatanda
ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang angmatandang kuba sa
pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Angningas ay
kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa matanda.
Nasadilim na siya...Binalikan ni Lif u-o ang matanda.
2. 2. Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin.”Babalik din sila riyo...”“Ibig mo bang ngumata ng tabako habang
naghihintay?”Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako.“Salamat...
Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.BumaliknangasiLifu-o sabahay. Kailangang roon siya
sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.“NasaansiLifu-o?”“Si Lifu-o?”“Lifu-o...?”Bumalik
pagkaraanngmgasandalianglahatsa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga... bumalik
silangmasasaya... at lumalakas ang awiitan... ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.Nasiyahan ang
mga anito... ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas...”Tuhugin sa patpat...suksok sa bubungan... sa
malapit sa pintuan!”“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni
Kabunian...!”“Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag... paanyayahan muna ng panalangin!”“Lifu-o,”
bahagyang nagulantang ang tinawag. “Idudulot naang tap-pey,Lifu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawangsi
Napat-a.”Dinulutan din ni Lifu-o ang matandang kuba. Inilagay sa isang kiyag ang karne at ang kanin. Noon
nagsalita angmatandang kuba sa isang makapangyarihang tinig na naririnig ng lahat. Ang pagdiriwang ay
natigil. Ang tunog ng gangsaay napipi at ang mga katutubo ay bumaling sa biglang nagsalitang matatanda.
Ngayo’y natitiyak na ni Lifu-o na ang tinigng matanda ang higit na makakatawag pansin.“Ang idinaraos
ninyong Canao ay bibiyayaan ng mga anito. Dininig iyan ni Kabunian. Ngayon ay ibig kongmaghandog sa
inyo ng aking alaala.” Ang tinig niya’y malamig, tila dumarampi sa hubad nilang katawan—pinatitindi
ngmalamig na simoy na itinataboy ng mga puno ng pinto at hindi makabawas ang salab ng ningas ng siga.
Naging lalongmalilikot ang liwanag ng mga sulo; lumikha iyon ng mga anino sa dingding ng mga nakapaligid
na tahanan ng mgaIgorot—lumaki—lumiit—nagtatanghal wari ng isang mahiwagang sayaw. Samantala, ang
tinig ng matanda ay tilananunuot sa kaibuturan.Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy
na ninyo ang canao. Huwag ninyong gagalawin angpagkakataob sa akin ng kawa.”Sumisigaw ang isip ni
Lifu-o:“O, Kabunian, kung ito’y palatandaan ng isang ipagkakaloob na magandang biyaya, tulungan mong
mapaayun sakatwiran.”
3. 3. Nagsasalita pa ang matanda “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang masusupling. Huwag ninyong gagalawin
ang puno.Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong pitasin...”Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang
matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iiyongmatandang kubang pipilay-pilay na
lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Ngayo’y nakakapangyayari na ang kanyangkatauhan.Isang
matipunong Igorot ang kumuha ng kawang hinihiling niya. Ang mga intugtukon, ang mga
matatalinongmatatanda ng ato, ay napapatangay wari sa isang nagaganap na mahiwagang pangyayari—
buong pag-aalang-alang nainakay ang matanda at dinala sa tabi ni Lifu-o sa gitna ng pinagdarausan ng
canao; ang ay-ayeng ay inaawitan ngmuli;ang mga gangsa ay unti-unting sumisigla sa nalilikhang tugtugin...
Naupo na ang matanda, taglay ang mga plato ngpagkain. Sa hudyat ni Lifu-o dahan-dahang itinaklob ang
kawa. Lumalakas ang awitan, ang ay-yeng; bumibilis angpagtugtog sa mga gangsa. Sa dibdib ni Lifu-o,
makakas din ang pintig ng puso. Iyon din ang pintig ng buhay na naghaharisa
kapaligiran.Sasilanganpumupusyawnaang liwanag at nagkakahugis na ang mga puno sa pino.Sa
magkabilang tabi ni Lifu-o ay walang katinag-tinag si Napat-a at si Sabsabung. Sa malapit sa nakataob na
kawaay nakapaligid ang mga katutubo. Ang hubad nilang katawang nasisikatan ng araw ay nangingintab sa
pawis.Magkahalong damdamin ng pananabik at pangamba ang nakalarawan sa mukha ng lahat.
Samantala, ang mga am-amana kinabibilangan ng mga intugtugon ay bumubulong ang mga pangamba. Sa
itaas, humuni ang isang ibon.“Ito ang itinakdang araw ngmatanda, ama,”
pagawwariangbahagyangnagkatiniganganak; gumulantangitokayLifu-o.“Hindi ka ba natatakot, ama...? Ha,
ina...?”“Sabsafung...” Halos bulong iyon ng ina. Pinisil nito ang hinawakang kamay ng anak.; gumulantang
iyon kay Lifu-o.Nararamdaman ni Sabsafung ang lamig niyon.“Bakit kayo matatakot, ha, Sabsafung? Ha,
Napat-a?” Pumayapa ang tinig ng ama ngunit ang kanyang lalamunan.Lumunok si Lifu-o. “Pangako niyang
handog ito.”“Oo nga, Lifu-o...”“Oo nga, Ama...”Kinabig bi Lifu-o ang balikat ni Napat- at Sabsafung. Ang init
ng katawan ay magpapadaloy ng mainit na dugo.Humudyat si Lifu-o. Itataas na ang kawa. Apat na
matitipunong igorot ang lumapit sa kawa. Ngunit...“Apu Lifu-o...!” Ang bulalas ay sabay-sabay halos na
namulas sa bibig ng mga Igorot.“Apu Lifu-o, nagkalamat ang kawa...!”At nakita ba ninyo... nakikita ba
ninyo?”“Lumalaki ang lamat... Nabasag ang kawa!”“May nag-uusbong na halaman...”“Tugtugin ang mga
gangsa... nang malakas na malakas... nang mabilis na mabilis...”“Awitin ang ay-ayeng...”
4. 4. Manalangin...!”Sila’y nangangayupapa. Nananalangin, nag-aawitan. Sa saliw ng gangsa. Palakas nang
palakas. May nagsisindak—mga lalaki, mga babae, mga bata, matatanda.Sapagka’t, kadakilaan... o,
Kabunian...! Isang halamang ginto ang tumuutubong ito.Natutop ni Lifu-o ang dibdib. Ang pintig niyon ay
napapayanig sa kaniyang katauhan.“Ginto! Puno ng ginto!” Ang sigawan ay di-magkamayaw- nangibabaw
na sa awitan, sa tum-tum-tum ng mgagangsa; samantala, pataas na nang pataas, palago na nang palago
ang puno. Sa sikat ng araw, ang makikinabang atmakislap na kataasan ay sumisilaw sa lahat.Biglangbiglang, nahinto ang tugtog... napawi ang awit... napipi ang mga panalangin.Si Sabsafung ang unang
kumilos. Tila sa isang panaginip lumalakad itong apalapit na puno ng ginto. Ang kinang ngpuno sa paningin
ni Lifu-o ay lalong nagpaningning sa kagandahan ng anak. Ihahabi ni Napat-a si Sabsafung ng damit
ngginto. Sinundan ni Lifu-o si Sabsafung may ligaw na udyok na nanikit sa kanyang utak. Damit na ginto
para kaySabsafung. Hinaplus-haplos ni Sabsafung ang puno; Hinaplus-haplos ni Lifu-o ang puno.Ang
sumusunod ay marami pang sandal ng pagpanaw ng lahat ng muni, pagkatapos ay pagkalimot, pagkatapos
aypagliwanag ng isip ng isang katotohanan... at ang pagkaunawa: ginto... kayamanan... kayamanang
ginti...!*TALASALITAANCanao – isangseremonya o ritwalpagalaykayKabunianKabunian –
bathalangmgaIgorotay-yeng – panalanginginaawitsacanaoili – kabayanangangsa –
instrumentongginagamitintugtukon – luponngmgamatatalinomgmatatanda; hinihinganngmgapayoaf-fong –
tirahanngmgaIgorotam-ama – matandangIgorotlufid – kasuotanngbabaengIgorottap-pey at fayas –
uringalakkalos at koongan – kauri nggangsakiyag – sisidlanngpagkainfatek – kauri ng tattootinu-od –
sombrerokadangyan–pinunongpanrelihiyon
Alamat ng Bulkang Mayon
by wikakids30.5k Views
16
SHARES
SharePin
Share
Unang Bersyon
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah.
Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang
Magayon na ang kahuluga’y “Magandang Dalaga.”
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga
ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si
Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang
hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo
subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni
Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit
nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang
namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya’y ang binibini’y nagtampisaw sa batis. Ang
binata’y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin.
Nagkatitigan sila at ang binata’y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang Mutya, mula
ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!”
“Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!”
“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak
at ako’y masisiyahan na!”
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
“Maaari bang kita’y makitang muli?”
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.
“Isang araw,” mungkahi ng lalaki, “kita’y iniibig. Tayo’y pakasal!”
“Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag. “Dapat niyang
malaman!”
“Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!”
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan,
matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang
sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang
Magayon.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!”
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y
sumagot, “Ako’y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya.
Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa duruwangawan at
naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan – kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.
“Ako’y naparito upang angkinin ang aking nobya!” sabi ni Malaya.
“Hindi maaari!” tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si
Kauen naman ay malansi at mapaglalang.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang
pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib
ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa
nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong
Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Pangalawang Bersyon
Ang Mayon na isa sa pinakamagagandang bulkan sa Pilipinas ay ipinagmamalaki ng mga
taga-Albay. Pero paano nga ba nagkaroon ng Bulkang Mayon?
Ayon sa isang matandang alamat, sa Albay ay may isang kagalang-galang na raha na
sinusunod ng lahat. May anak itong dalaga na hinahangaan dahil sa pagtataglay nito ng
kagandahan at kabaitan. Daragang Magayon ang kilalang bansag sa anak ng raha.
Daraga na nangangahulugang dalaga at magayon na ang ibig sabihin ay maganda.
Sapagkat ubod ng ganda, maraming binata ang dumadayo pa sa Albay makita lamang
ang anak ng raha. Kabilang sa mga mangingibig ni Daragang Magayon ay mga binatang
anak ng mga raha rin mula sa Camarines Del Norte, Camarines Del Sur, Catanduanes at
Sorsogon.
Bagama’t kalat na kalat sa kabikulan ang nababalitang kariktan ni Magayon, pinagtiyap
lang ng pagkakataon kung bakit nalaman din ng isang binatang mula sa napakalayong
lugar sa katagalugan ang kahali-halinang kagandahan. Ang binata ay si Ulap na anak ni
Raha Tagalog ng Quezon. Isa siyang abenturerong manunudla ng mga hayop gubat kaya
siya pinadpad sa kabikulan.
Minsang nakatulog siya sa kagubatan ay ginising siya ng halakhakan ng mga
kadalagahan mula sa batis ng Rawis. Nakita niyang naglulunoy sa malinaw na tubig ang
magagandang dilag. Pinakamaganda rito si Daragang Magayon. Hindi nagpakilala si Ulap
sa inibig na kaagad na dilag. Sapagkat nalaman ng binatang buwan-buwang naglulunoy
ang magkakaibigan sa batis ay pinagsasadya niya ang nasabing lugar upang masilayan
lamang ang pinakamamahal. Sa tuwing nagsisiahon ang mga dalaga sa kristal na batis ay
gustung-gusto na sanang makipagkilala ni Ulap kay Magayon subalit nag-aalala siyang
baka sabihing siya ay pangahas.
Minsang napansin niyang may mga binata ring nakipaligo sa bukal Rawis ay nakiligo na
rin si Ulap. Sa sobrang pagmamahal kay Magayon ay sinikap niyang mapansin siya ng
dalaga.
Naging madalas ang pakikilunoy ni Ulap sa mga kabinataan upang mapalapit lamang kay
Daragang Magayon.
Minsang nagpapahinga na sa talampas si Ulap at paakyat na ang dalaga ay napansin ng
binatang isang malaking ahas ang umuusad papalapit sa damubang nilalakaran ng
kaniyang diyosang sinasamba. Patakbo siyang sumaklolo at sa isang kisapmata ay
natagpas ang ulo ng ahas na nagkikisay sa paanan ni Daragang Magayon. Laking
pasasalamat ng dalaga.
Iyon ang pagkakataon upang makipagkilala na si Ulap sa dalaga. Lagi at lagi na silang
nagkikita. Mga sariwang prutas lang ang inihahandog nito sa kaniya. Akala ni Daragang
Magayon na ordinaryong mamamayan lang si Ulap sa kanilang bayan. Wala kasi itong
yabang sa katawan.
Nang masukol sa kuwentuhan ay naipagtapat niyang anak din siya ng sikat na si Raha
Tagalog sa Tayabas.
Lalong humanga sa pagpapakumbaba ni Ulap si Daragang Magayon.
Naikumpara niya ang binata sa manliligaw niyang si Iriga, matandang balong pinuno ng
Camarines Sur. Pawang nagkikinangang alahas ang inihahandog nito sa kaniya.
Magarbong matanda si Raha Iriga na kinatatakutan ng lahat pagkat kilala ito sa kawalan
ng katarungan, raha ng mga magnanakaw at puno ng kasamaan.
Nagkaibigan si Ulap at si Daragang Magayon. Upang patunayan ang pagmamahal sa
dalaga ay pinagsadya niya sa kaharian ang ama nito at malakas na itinulos ang matulis
na sibat bilang pagpapatunay sa masidhi niyang pagmamahal kay Daragang Magayon.
Iyon ay paghamon din sa sinumang nais magpahayag ng pag-ibig kay Daragang
Magayon. Humanga sa tapang ni Ulap si Raha Makusog. Nag-usap sila. Ipinagpaalam ng
binatang papupuntahin ang mga magulang niya upang pormal na hingin ang kamay ni
Daragang Magayon upang sila ay makasal sa lalong madaling panahon. Pumayag ang
mabait na ama ni Magayon. Bago sumagot ay nagpasya na si Raha Makusog na isauli na
ang lahat ng alahas na handog ng ganid na si Raha Iriga.
Nakarating kay Raha Iriga ang nalalapit na pamamanhikan at kasalan.
Habang papauwi si Ulap upang sunduin ang mga magulang ay nilusob ni Raha Iriga ang
baranggay ni Raha Makusog.
Bilang benggansa, binuhay niya bilang alipin si Raha Makusog at itinakda ang kasal nila
ni Magayon sa pagbibilog ng buwan. Nagpakatanggi-tanggi ang dalaga subalit tuso si
Raha Iriga. Ipapapatay daw niya ang ama kung hindi pakakasal sa kaniya ang dalaga.
Kumagat sa patalim si Daragang Magayon na dasal nang dasal na sana ay dumating na
ang binatang pinakamamahal.
Naghahanda na sa maringal na pamamanhikan si Ulap at ang mga magulang nang
makarating sa binata ang balitang sinapit ni Magayon. Galit na galit na isinama niya
kaagad ang mga kawal. Ang paghaharap ni Ulap at Raha Iriga ay tunggalian ng lakas sa
lakas. Sapagkat katarungan ang ipinakikipaglaban kaya lalong lumakas si Ulap na sa
huling malakas na taga ay napatay ang Raha ng Kasamaan. Tuwang-tuwa si Daragang
Magayon na patakbong yumakap sa tagapagtanggol. Sapagkat napagitna ang
magkasintahan sa mga kawal na nagdidigmaan ay di napansin ni Daragang Magayon ang
ligaw na sibat na tumama sa dibdib niya. Natulala si Ulap na sumapo at yumakap sa
mahal niyang diyosa. Napakabilis ng pangyayari. Hindi na nakapagpaalam pa ang
magandang dalaga. Sa isang kisapmata ay sinugod naman ng tagapagtanggol ni Iriga si
Ulap. Tumagos sa dibdib ng binata ang may lasong sandata. Nang makita ni Raha
Makusog ang katampalasanan ng alipin ay tinagpas niya ang ulo ng buhong.
Nagapi sa digmaan ang ilan sa mga tauhan ng ganid na raha. Ang karamihan na
naniniwala pa rin sa katarungan, kapayapaan at pag-iibigan ay nagsiluhod at pumayag na
paampon sa mga matatapat na kawal ni Raha Makusog na inalalayan ng mga
mandirigma ni Ulap mula sa katagalugan.
Bagama’t nauwi sa pagdadalamhati ang kasalan ni Ulap at ni Daragang Magayon ay
nagyuko na lang ng ulo si Raha Makusog bilang pag-alinsunod sa itinakda ni Bathala.
Bilang pagbibigay pahalaga ng ama sa nag-iisang anak, pinagsama niya ang bangkay ng
magsing-irog sa lugar na malapit sa batis Rawis na unang pinagtagpuan ng dalawa.
Ang lugar na iyon na pinaglibingan kay Daragang Magayon ay kapansing-pansing
tumataas taun-taon. Sa kinatagalan ay lumaki ito nang lumaki at naging isang bundok.
Bilang pagpapahalaga sa dakilang pag-ibig na inialay kay Daragang Magayon, ito ay
tinawag na Bundok ni Daragang Magayon na ngayon ay naging Mayon.
Sa panahong tila humahaplos ang maninipis na ulap sa tuktok ng bundok, sinasabi ng
mga matatanda na hinahagkan ni Ulap ang pisngi ni Magayon. At kapag marahang
dumadaloy ang ulan sa gilid ng bundok, iyon daw ay pagluha ni Ulap na nangungulila sa
pagmamahal na hindi nabigyan ng katuparan.
May mga taga-Bieol na naniniwala pa rin sa nagngangalit na kaluluwa ni Raha Iriga.
Sinasabi nilang sa pagnanais nitong makuhang muli ang mga alahas na inihandog kay
Magayon ay nag-aapoy ang bulkan ng Mayon.
Iyan ang alamat ng Bulkang Mayon.
Ikatlong Bersyon
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah.
Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw ay Daragang Magayon na ang
kahuluga’y “Magandang Dalaga.”
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga
ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si
Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng
mahahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kauen
ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ngaraw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni
Daragang Mayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit
nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang
namimitas ng bulaklak. Kinamaya-maya’y ang binibini’y nagtampisaw sa batis. Ang
binata’y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin.
Nagkatitigan sila at ang binata’y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang Prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang Mutya, mula
ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong kariktan.”
“Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!”
“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak
at ako’y masisiyahan na!”
Bantulot na inihagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
“Maaari bang kita’y makitang muli?”
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.
Isang araw, mungkahi ng lalaki, “Kita’y iniibig. Tayo’y pakasal!”
“Ngunit ang Rajah? -ang aking ama?” may alinlangang sagot. “Dapat niyang malaman!”
“Huwag kang mag-alaala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!” Pumayag ang Rajah.
Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at mababang-loob.
Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Nabalitaan ni Kauen, ang nabigong manliligaw ni Magayon ang napabalitang pag-iisangdibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si
Daragang Magayon.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala, “Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!”
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y
sumagot, “Ako’y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”
Nagtumulin ang mga araw at mga linggo. Malapit na ang tag-ani ngunit walapa si Gat
Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa durungawan at
naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napi litan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan – kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahan dumating si Gat Malaya, kasama ang mga magulang.
“Ako’y naparito upang angkinin ang aking nobya!” sabi ni Malaya.
“Hindi maaari!” tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malaya ay subok sa espada subalit si
Kauen naman ay madaya at mapaglalang.
Nang inihagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Mayon ay tumakbo upang
pumagitna at sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib
ng dalaga.
Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng
hininga ang magsing-irog.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala! Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa ito’y maging bundok. Napakaganda at perfect cone! Tinawag itong bundok
Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Download