2 GRADE 2 DAILY LESSON PLAN Paaralan Guro Petsa/Or as PAYATAS C ELEMENTARY SCHOOL FEBRUARY 27, 2024 Baitang/Antas 2 Markahan Asignatura MAPEH (P.E) Sesyon Week 4 Ikatlo Layunin (Lesson Objectives) Knowledge Skills Attitude II. NILALAMAN (Paksa) Natutukoy ang pagkilos na gumagamit ng malakas, mas malakas at pinakamalakas na puwersa sa pamamagitan ng mga larawan. Naipapakita ng mga galaw gamit ang malakas, mas malakas, pinakamalakas na puwersa. Nakikilahok sa masayang gawaing pampalakas ng katawan. ORAS AT LAKAS Integrasyon III. KAGA MITAN G PANTU RO A. Mga Kagamitang Panturo B. Mga Sanggunian (Source) 1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro 2.Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin B.Paghahabi sa layunin ng aralin IV. PAMA MARA AN (PROC EDURES C. .Pag-uugnay ng ) mga halimbawa sa bagong aralin Manila Paper, Pictures, Slideshow presentation PIVOT p. 7-18 CG. P. 18 Magbigay ng mga bagay na magaan at mabigat na matatagpuan sa loob ng ating silid-aralan. Paano mo maipapakita na tayo ay may kalakasan ? Lahat ba ng bagay na iyong bubuhatin ay kaya mo? Pagmasdan ang larawan. Alin kaya sa mga larawan ay may malakas, mas malakas at pinakamalakas? Ang bata na may buhat ng bag ay makikita na nahihirapan sa kanyang ginagawa. Ang binata na may buhat din na parehong bag ay hindi masyadong hirap sa pagbubuhat nito. Sa pangatlong larawan, ang matipunong lalaki na may buhat na bag ay walang kahirap-hirap sa pagsasagawa ng gawain. Sa inyong palagay, ano ang naging epekto ng pagbubuhat mo ng isang bagay sa iyong pagkilos? D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 May mga sitwasyon din na nagpapakita tayo ng ating kalakasan. Dito ay nabibigyan ka ng pagkakataon na maipakita na mas malakas ka sa ibang tao, hayop, o bagay. May mga pagkakataon din na ang ibang tao, hayop, o bagay ay nagpapakita na mas malakas sila sayo. Ang bawat kilos ay maaari mo din maihambing ng ayon sa kanilang lakas. Sa paghahambing ng mga kilos ayon sa lakas ay masasabi natin kung ang isang kilos ay magaan o mabigat. Halimbawa ay ang pagbuhat ng isang bag na may mga kuwaderno at mga aklat. Kung ito ay ipapagawa sa isang bata, makikita mo na tunay na mahihirapan ito sa gawain. Masasabi na mabigat na gawain ito para sa isang bata. kung ang ganitong gawain ay isasagawa ng isang lalaki na may matipunong katawan ay magiging magaan para rito ang gawain. May mga bagay na kaya nating buhatin kung tayo ay nagpapakita ng ating lakas o puwersa. Panuto: Suriin ang bawat larawan. 1.Sino sa dalawa ang mas malakas? A B 2. Tukuyin kung ang mga galaw ay gumagamit ng puwersa. E.Pagtatalakay ng barong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 A B 3. Alin sa dalawa ang nahihirapan sa pagkilos? A B 4. Alin sa dalawa ang mas malakas? A B 5. Alin sa dalawang hayop ang pinakamalakas? A B Pangkatang Gawain Pangkat 1 Isulat ang L kung ang nasa larawan ay gumagamit ng lakas at H kung hindi. F.Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) 1. 2. 4. 5. 3. Pangkat 2 Basahin ang bawat pangungusap. Gumuhit ng puso ( ) kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig nan ga kilos ay nangangailangan nang malakas na paggalaw o enerhiya. ______1. Pagbabasa ______2. Paglundag nang paulit-ulit. ______3. Pagbuhat ng lamesa. ______4. Pag-akyat ng puno. ______5. Panonood ng telebisyon. Pangkat 3 Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang mga sumusunod na kilos ay gumagamit ng lakas o puwersa at ekis (X) naman kung hindi. _____1. Paghagis ng bola. _____2. Pagbubukas at pagsasara ng pinto. _____3. Nakahiga sa papag. _____4. Pagbubuhat ng kahon. _____5. Nakaupo sa malambot na unan. G.Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay H.Paglalahat ng Aralin I.Pagtataya ng Aralin Para sa inyo, sa anong paraan maisasagawa mo ang kilos na hindi ka nahihirapan sa paggalaw? Ang bawat kilos natin ay naaapektuhan ng iba’t-ibang elemento sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang mga elementong ito ay ang oras at __________. Panuto: Piiin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. 1. Bakit bumabagal ang iyong kilos tuwing ikaw ay nagbubuhat? a. dahil hindi makita ang dinadaanan b. dahil hindi maayos na nakagagalaw c. dahil naglalaro ka habang nagbubuhat 2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng gamit ng lakas? a. nakaupo sa sofa b. kumakain ng tinapay c. nagbubuhat ng mabigat na kahon 3. Sa paghahambing ng mga kilos ayon sa lakas ay masasabi natin kung ang isang kilos ay magaan o mabigat. a. tama b. mali c. a at b 4. Ang mga kilos na ito ay nagpapakita ng ginagamitan ng lakas, maliban sa isa. a. nag-iigib ng tubig b. nagtutulak ng mesa c. may hawak na lapis 5. Si Magie ay nagbubuhat ng mesa. Siya ba ay gumagamit ng lakas o puwersa? a. hindi b. oo c. hindi sigurado J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Gumuhit ng tatlong kilos na nagpapakita ng pagalaw base sa kanilang lakas. Tukuyin ang tawag sa bawat kilos at isulat ito sa ilalim ng bawat iginuhit na kilos. Tukuyin din ang lakas o puwersa na ginamit sa bawat kilos. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.