Uploaded by JUNNY SABANAL

COT-1

advertisement
ZAMBOANGA CITY HIGH SCHOOL
Don Alfaro st., Tetuan, Zamboanga City
BANGHAY- ARALIN sa
FILIPINO 9
Class Observation 1
May 27, 2022
I.
II.
Layunin:
Nilalaman:
a. Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng
matibay na paninindigan. (F9PS-IId-49)
b. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. (F9WGIId-49)
c. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong
isyu sa lipunang Asya. (F9PU-IId-49)
“Angkop Na Mga Pahayag Sa Pagbibigay Ng Opinyon,
Matibay Na Paninindigan at Mungkahi”
A. Sanggunian:

Filipino 9, Ikalawang Markahan- Modyul 4: Mga Akdang
Pampanitikan sa Silangang Asya: Talumpati
B. Mga Kagamitan:

TV, Laptop, manila paper, Pilot pen
C. Integrasyon
III. Pamamaraan
A. Panimula





ESP
ARPAN
Math
Science
T.L.E- ICT





Panalangin
Pagbati
Pagtsek ng Atendans
Pagpapaalala sa mga Health Protocols
Pagbibigay ng emoji stickers na magsisilbing ID o
code ng mga mag-aaral.
B. Pagsisimula
ng
Bagong Aralin
A.1. Balik- Aral
Itanong muli sa mag- aaral:
 Ano ang talumpati?
 Ano-ano ang mga uri ng talumpating natalakay?
A.2. Pagganyak
 Magpapakita o magpapanood ang guro ng video sa mga
mag- aaral na pinamagatang, “Talumpati Ukol sa
Pagbabago ng Klima”.(Integrasyon sa T.L.E- ICT)
Malayang salin mula sa talumpating binigkas ni dating Pangulong Lee
Myung-bak ng Timog Korea (Integrasyon sa ARPAN)
Ang Timog Korea ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang
Asya, sa katimugang kalahati ng Tangway ng Korea. Karaniwang tinatawag
na Hanguk (bansang Han; 한국) o Namhan (Timog Han; 남한) ng mga
taga-Timog Korea. Seoul (서울) ang kapital na lungsod nito.
Ang kaysasayan ng Korea ay nagsimula noong 2333 BCE. Ayon sa alamat
,si Haring Tan-gun ang nagtatag ng kauna-kaunahang kaharian ng KOREA
na tinatawag na Choson na nangangahulugang "Lupain ng Mapayapang
Umaga‘’. Ito ay binubuo ng mga kaharian o dinastiya.Ang lupain ay hindi
nagkaroon ng katatagan at kapayapaan hanggang sa ito ay bumagsak at
nahati sa tatlong kaharian ng Koguryo,Paekche,at Sila.
Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon,
kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang
sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga
pagsubok: ang Digmaang Korea, at deka-dekadang pamamahalang
awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas nang limang beses.
Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961
at ngayon ay ika-15 na pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal).
http://pastandpresenttimehistory.blogspot.com/2013/10/south-korea-ang-timog-korea-ayisang.html
Gabay na tanong: Point Your View!
1. Tungkol saan ang talumpating inyong napanood?
2. Ano ang desisyong gagawin sa pagpupulong ng United
Nations? Bakit ito mahalaga? (Integrasyon sa Science/ESP)
3. Batay sa talumpati ni Pangulong Lee Myung-bak, paano mo
mailalarawan ang kanilang ekonomiya?
4. Pansinin ang mga pangungusap na ito mula sa kaniyang
talumpati:
a. Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang
tanging paraan ay magsama-sama.
b. Kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa lamang tayo
makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo.
c. Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako
muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin ang
mundo.
d. Kung tutuosin kapag isinaalang-alang natin ang
pagsulong ng ekonomiya, ang paghanap ng solusyon ay
napakahalaga.
 Ano ang ipinapahiwatig ng mga ito?
b. Paghahabi sa Layunin Ilalahad ng guro ang mga layunin ng aralin sa
ng Aralin
pamamagitan powerpoint presentation.
a. Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng
matibay na paninindigan. (F9PS-IId-49)
b. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. (F9WGIId-49)
c. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong
isyu sa lipunang Asya. (F9PU-IId-49)
c. Pagtatalakay sa Bagong ALAM MO BA?
Konsepto
Sa pagbibigay kahulugan, sinasabing ang talumpati
ay isang buod ng kaisipan o opinyon. Ngayon ay
tatalakayin natin ang angkop na pahayag sa
pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
mungkahi.
Angkop Na Mga Pahayag Sa Pagbibigay Ng Opinyon,
Matibay Na Paninindigan at Mungkahi
1. Ang pagbibigay ng opinyon ay paglalahad ng sariling
palagay o paniniwalang tungkol sa isang bagay o
pangyayari na hindi batay sa isang pananaliksik o pagaaral. Mga parirala na maaaring gamitin sa pagbibigay ng
opinyon:
a. sa palagay ko… b. sa aking panig…
c. para sa akin…
d. tunay na…
e. talagang…
Halimbawa:
a. Para sa akin, matatagalan pa ang vaccine para sa
Covid-19
b. Sa palagay ko kaya’t naghihirap ang ilang
mamamayan dahil sa korapsyon
c. Talagang napakabait ni Lisa, hinihiling lahat ng lalaki
na ang kababaihan ay maging si Lisa.
2. Sa pagbibigay naman ng paninindigan, maari nating
mabuo ang kahulugan bilang isang matibay na posisyon o
panig hinggil sa usapin tinatalakay o pinag- uusapan. Mga
parirala na maaaring gamitin sa pagbibigay ng
paninindigan:
a. kung
b. lubos akong
c. sang- ayon ako
d. kapag
e. magkatulad tayo
f. kakampi mo ako
Halimbawa:
a. Kung ako ay mananalo sa Lotto lahat ng tao ay
tutulungan ko.
b. Kapag umalis ka ng bahay ngayon huwag ka ng umuwi
pa.
3. Sa pagbibigay ng mungkahi, isaalang-alang ang
damdamin ng taong pinag-uukulan ng mungkahi. Ang mga
sumusunod ay maaaring gamitin sa pagbibigay ng
mungkahi:
a. higit na mainam
b. gawin mo
c. makabubuti kung
d. sikapin mo
e. maaari kang
Halimbawa:
a. Makabubuti kung lahat na manatili muna sa bahay
para maiwasan ang paglaganap ng Covid.
b. Sikapin mong tapusin ang gawain para hindi ka
bumagsak sa iyong klase.
d.
Paglinang
Kabihasaan
(Tatawag ang guro ng mag-aaral na magbibigay ng
sariling halimbawang pangungusap)
sa (Pangkatang Gawain)
 Ang mga mag- aaral ay papangkatin sa (3) tatlong grupo.
 Bibigyan ng envelope ang bawat pangkat na naglalaman ng
manila paper, marker, at activity sheet.
 Muling paalalahanan ang mga mag- aaral sa mga Health
Protocols
Differentiated Learning Strategies
Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Pangkat 1: Isyu KO! Opinyon MO!
Panuto: Ilahad ang iyong opinyon, mungkahi at matibay na
paninindigan hinggil sa isyung ibinalita sa ABS- CBN News at gumamit
ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay Na
paninindigan at mungkahi. Isulat ang sagot sa tsart at ilahad ito sa
klase. (Integrasyon sa Matematika)
The current population of Philippines is 112, 329, 152 as of Monday, May 23, 2022
based on Worldometer elaboration of the latest United Nations data. The Philippines
population is equivalent to 1.41% of the total world population. The philippines ranks
number 13 in the list of countries by population.
https://www.worldometers.info
Ano
ang Ano
ang Ano ang Paninindigan Mo? Totoo
Opinyon Mo?
maimungkahi
bang hindi handa ang mga Pinoy?
mo?
Sa kabila ng maraming kalamidad na tumatama sa bansa, mas maraming
Pilipino pa rin ang nagsabing hindi sila handa, batay sa isang pag-aaral. Ayon sa
survey na isinagawa ng Harvard Humanitarian Initiative (HHI), 74 porsiyento o 7 sa
bawat 10 Pinoy ang nagsabing wala silang kakayahan mag-invest o maglaan ng pera
para sa paghahanda sa mga sakuna.
Tatlumpu't anim na porsiyento o 1 sa bawat 3 Pilipino lang ang nagsabing "fully
prepared" o handang-handa sila sakaling may tumamang kalamidad, batay sa pagaaral. Ayon sa pag-aaral ng HHI, malaking balakid sa paghahanda ng mga Pilipino sa
mga sakuna ay ang kawalan ng pondo para rito at ang kawalan ng oras para
maghanda.
Isa sa bawat 2 Pilipino ang nagsabing wala silang ginawa para maghanda sa
mga sakuna sa nakalipas na 5 taon.
Pero 8 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing napag-usapan na ng kanilang pamilya kung
ano ang gagawin sakaling magka-emergency.
"One of the things that they say is despite those discussions, that they remain
underprepared for a variety of reasons, the most significant of which is the lack of
financial resources, " ani Vicenzo Bollettino ng HHI. Walo sa bawat 10 Pilipino ang
nagsabi na wala rin silang tinatawag na "go bag" o iyong bag na nakahanda parati at
dadalhin sakaling kailangang lumikas.
Nagpaalala ang mga eksperto na pag-usapan dapat ng pamilya kung ano ang
gagawin at saan pupunta sakaling tumama ang emergency. Maghanda rin ng go-bag
o balde na may laman na pang-ilaw, pito para mag-signal ng tulong, first aid kit,
pagkain, tubig, pera at mahahalagang dokumento na nakasilid sa isang hindi
nababasang lalagyan. -- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News.
Pangkat 2: Pahayag KO! Reaksiyon MO!
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang ilan sa mga sinabi ng
Pangulo sa kaniyang talumpati. Bigyan ng reaksiyon ang bawat
pahayag kung sang- ayon ka sa kanyang sinabi at gumamit ng angkop
na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
mungkahi. Isulat ito sa mga linyang inilaan.
1. Pahayag: Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang
makakamit natin mula rito at kung ano man ang ating
gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.
Reaksiyon:________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_______________________________________________
2. Pahayag: Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang
tanging paraan ay magsama- sama. Imbes na sabihing “ikaw
muna,” ay umpisan nating sabihing “ako muna.”
Reaksiyon:________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
3. Pahayag: Ang usaping hinggil sa pagbabago ng panahon ay
dapat lamang mag- umpisa sa paggawa ng ating bahagi.
Reaksiyon:_________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Pangkat 3: Isyu Nila, Isyu Natin!
Panuto: Bumuo ng argumento tungkol sa dalawang
napapanahong isyu sa Asya. Gumamit ng angkop na pahayag
sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
mungkahi at gamitin ang Cloud tsart sa ibaba.
Mga Isyu
Mga Argumento
Vaccination
Face to
Face
Classes
Pamantayan sa Pangkatang Gawain:
Presentasyon (Buong husay at malikhaing naiulat o naisagawa
ang gawain sa klase)15 puntos
Nilalaman (Angkop sa gawain ibinigay)25 puntos
Kooperasyon (Naipamamalas ng bawat miyembro ang
pagkakaisa sa paggawa ng gawain)10 puntos
Kabuuan:
50 puntos
e. Paglalapat ng Aralin sa  Gaano kahalaga ang angkop na mga pahayag sa
Pangaraw- araw
na
pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
Buhay
mungkahi sa araw- araw nating pakikipagtalastasan sa
ating kapwa patungkol sa isang isyu o mga isyu?
f. Paglalahat ng Aralin
 Isa- isahin nga natin ang mga angkop na mga pahayag sa;
a. Pagbibigay ng Opinyon
b. Pagbibigay ng Paninindigan
c. Pagbibigay ng Mungkahi
g. Pagtataya ng Aralin
Kabuoang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Para sa bilang 1-2
Si Liza ay nanood ng balita tungkol sa pandemyang laganap
sa ating bansa. Nasabi niya na “Sa aking palagay,
mahihirapan ang Pilipinas sa pagsugpo ng Covid-19 dahil sa
kakulangan ng pundo.”
1. Ano ang pahayag na ginamit ni Liza?
A. Mungkahi B. Opinyon C. Paninindigan D. Suhestyon
2. Ano ang ginamit na pahayag ni Liza sa pagbibigay ng
opinyon?
A. dahil sa
B. sa aking palagay C. tungkol sa D. nasabi
niya
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI opinyon?
A. Naniniwala ako na siya ay makakapagtapos ng pag-aaral.
B. Sa lahat ng kanyang sinasabi ay kasinunggalingan.
C. Ayon sa ilang pag-aaral ng mga siyentipiko, bago
matapos ang taon ay may vaccine na.
D. Walang makakatalo sa kanyang angking talino.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang ginagamit sa
pagbibigay ng mungkahi?
A. Makabubuti kung…
B. Labis akong naninindigan
C. Kung ako ang tatanungin
D. Sa palagay ko…
5. “Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna”
ang pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo.”
Paano ka makakabuo ng sariling panindigan sa pahayag na
ito?
A. Kung tayo ay may disiplina sa sarili walang problema sa
pagtulong.
B. Higit na mainam na huwag maging makasarili
C. Sikapin mong magbago para sa bayan.
D. Walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili.
6. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA sinabi
niya na “No Vaccine, No Class.” Paano ka makakabuo ng
opinyon sa pahayag na ito?
A. Talagang tama ang desisyon ng Pangulo para sa
kaligtasan ng mga bata at guro.
B. Mainam na ipagpatuloy parin ang pagtuturo kahit walang
face to face.
C. Makakabuti kung ipagpaliban mo na ang face to face.
D. Upang madaling masugpo ang Covid-19 dapat na
sumunod sa protocol.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang ginagamit sa
pagbibigay ng matibay na paninindigan?
A. Para sa akin…
B. Higit na mainam…
C. Buong igitng kong sinusuportahan…
D. Kung ako ang tatanungin
8. _____________________ walang disiplina sa sarili ang
mga taong tumatapon ng kanilang mga basura. Anong
angkop na pahayag ang kailangan sa pangungusap upang
makabuo ng isang opinyon?
A. Kapag
B. Kung
C. Sa tingin ko
D. Higit na
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon?
A. Sa aking palagay…
B. Maari kang…
C. ngunit
D. makabubuti kung
h. Karagdagang Gawain
10. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag na ginagamit
sa pagbibigay ng mungkahi. Maliban sa isa;
A. higit na mainam
B. ngunit
C. makabubuti kung
D. gawin mo
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Ilahad ang iyong opinyon o
pananaw gamit ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
paninindigan o mungkahi. Isulat sa sagutang papel ang inyong
sagot.
Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na kinagisnan
mula pa sa ating mga ninuno buhat pa noong unang panahon at
tinataglay pa rin ng marami, lalo na sa mga nainirahan sa malalayong
lalawigan. Patuloy natin itong sinusunod sa paniniwalang ang hindi
pagsunod sa mga pamahiing ito ay maaaring magdulot ng kamalasan,
ayon sa mga nakatatanda. Sa kasalukuyan, ang mga pamahiing nasa
ibaba ay pinaniniwalaan pa rin ng ilan sa mga Pilipino.
1. Ipinagbabawal sa mga babaeng ikakasal ang pagsusukat ng
kanyang damit pangkasal sa paniniwalang maaaring hindi matuloy ang
kasalan.
2. Pinaiiwas ang buntis na tumingin, manakit o magalit sa mga hayop
na hindi kaaya-aya ang itsura dahil maaaring makuha ng kanyang
pinagbubuntis ang ganoong itsura.
3. Kapag bumisita sa isang lamay ay pumunta muna sa ibang lugar sa
halip na dumiretso agad sa bahay na tinatawag nating pagpag para
maiwasang maisama sa tahanan ang kaluluwa ng namatay na.
4. Pinaiiwas ang magkasintahang malapit ng ikasal sa pagbibiyahe
papunta sa malalayong lugar sapagkat malapit din sila sa aksidente.
1. Sa aking palagay________________________________________.
2. Kung ako ang tatanungin, ang mga pamahiin ay________________.
3. Ayon sa aking karanasan__________________________________.
4. Makabubuti kung ________________________________________.
Rubriks sa Pagmamarka:
Inihanda ni:
JUNNY T. SABANAL
Guro
Inobserbahan ni:
RAYLINA O. BULOTANO
MT- I/ LAC LEADER
Download