El Filibusterismo Mga Tuhan: HANDOG NG IV-RUBY SY2011-2012 Jayson Abantao bilang si Simoun John Paul Mendiola bilang si Basilio Henry Boy Tumaliuan bilang si Isagani Mary rose Agno bilang si Juli Joanna marie Dauz bilang si Paulita Gomez Dan ian Paulo Mariposque bilang si Benzayb John Patrick Sulit bilang si Padre Florentino Giselle ann Garcia bilang si Donya Victorina Mary lauren Montes bilang si Maria Clara Jamer ian Mustapha bilang si Kapitan Heneral Marckey Caballero bilang si Imuthis Kae andrea Besana bilang si Pepay Daveske Pabeliona bilang si Padre Irene Justine james Babina bilang si Don Custodio Genesis david Matala bilang si Kapitan Tiyago John roemar Lacson bilang si Robert Olaivar bilang si Macaraig Pecson Tadeo Christopher Ace Lozano bilang si Arjay Catanghal bilang si Juanito Pelaez John Jaygee Pena bilang si Placido Penitente Darren Diaz bilang si Quiroga Jacob Gates bilang si Padre Camorra Kabesang Tales Jester john Bernardo bilang si Aljon Buna bilang si Padre Sibyla Shaira luz Ogalinola bilang si Cecile Africa bilang si Hermana Penchang Hermana Bali Lee rei Estrada bilang si Padre Millon Ralph dustin Dequilla bilang si Padre Fernandez Paolo domingo Navales bilang si Bianca Parabas bilang si Ginoong Pasta Gertrude Allyeana de Guzman bilang si Mary ann Montoya bilang si Serpollete Germaine Introduksyon: Jose Rizal. Ano ang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang kaniyang pangalan? Pambansang Bayani? Isang magaling na Lider? Mahusay na Doktor? Matalinong Syentista? Batikang Manunulat? Kung ang lahat ng ito ay iyong naiisip, maaaring masabi mo sa sarili mong kilala mo si Dr. Jose Rizal na tinagurian nating pambansang bayani. Subalit kung ating gugunitain ang kaniyang nakaraan, marami rin siyang mga karanasang hindi kaaya – aya, mga sugat na walang lunas at ang sakit na kaniyang naramdaman ay walang katumbas. Lahat ng ito ay kagagawan ng mga taong walang puso at kaluluwa. Maging sa pag – ibig ay sawi siya kaya‘t ang mga karanasang ito ang naging daan upang siya ay magsulat ng nobela na masasalamin mo ang kaniyang buhay. Hindi man niya pangalan ang nakasulat sa mga nobelang nilikha niya, mahihinuha mo na isinasalamin nito ang kaniyang buhay, pangarap at adhikain. Isa na nga sa mga nobelang kaniyang hinubog ay ang EL FILIBUSTERISMO. Nobelang nagpamulat sa mga tao sa tunay na nangyayari sa kanilang bayan. Ito man ay kinutya at ipinagbawal ng mga pinatatamaan, nanatiling matatag ang nobelang ito na hanggang ngayon ay ating pinag – aaralan at ating tinatangkilik. Ano nga ba ang meron sa nobelang ito at ipinagbawal ito ng mga pinatatamaan? (Lights on: 3 Yellow, 3 Red, 2 Blue) Musika: Nakagigimbal Ibarra: Dalian mo! Paparating na sila! Hindi nila tayong maaaring maabutan. (Nagtago si Ibarra sa Gilid ng Bangka) Tao1: (Akmang tatalon sa dagat) Ginoo mauna na kayo. (Tumalon sa dagat, nang minsang lumitaw ang ulo ay pinagbabaril siya ng Guwardiya Sibil na inakalang ito si Ibarra). (Lalabas si Jose Rizal na nakapiring at babarilin patalikod ng mga kawal) (Putok ng mga baril). (Mahabang sandal). (Lights off) Unang Tagpo Setting: Sa Ibabaw ng Kubyerta (Lights on: 3 Yellow, 3 Red). Musika: Kakantahin ang “Anak ng Ilog Pasig” ng mga tauhan. Tagasalaysay: Umaga noon ng Disyembre ng pumalaot ang Bapor Tabo na sapagkat ito ay hugis tabo sinasabing ito ay mapagpanggap daw. Subalit kahit ano pa ang ipintas rito, sinasakyan pa rin ito ng mga pobreng mamamayan na labis na nakauunawang kung siya ay may kapintasan, sila man ay mayroon ding kasiraan. Kapag nakita mo ang Bapor Tabo, pabuga - buga ito ng itim na usok, malakas kung sumipol. Nahahati sa dalawang bahagi ang Bapor Tabo, ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, Chino at mestizo na pawisang nagsisiksikan katani ng mga baul at kalakal. Makikita naman sa itaas na maginhawang nakaupo ang ilang prayle, ilang nakadamit pang Europeo at ang ilang kawani na hititan ng hititan ng takbo habang kwentuhan ng kwentuhan at nagmamasid – masid sa napakalinaw na tubig. Tingnan natin ang mga pangyayari sa Bapor Tabo. Donya Victorina: Ano ba naman ito? Kay bagal – bagal ng takbo ng Bapor. Wala na bang ibibilis ito kapitan? Tsk tsk tsk tsk… Bibilis sana ang takbo ng Bapor kung wala ang mga kasko at mga bangka ng mga Indio. Nakasisira sa ganda ng Kalikasan ang mga Indio na nagsisipagligo at nagsisipaglaba. Dapat ay walang mga Indio sa pampang, dapat ay walang Indio sa Lipunan, dapat ay walang Indio sa alinmang bahagi ng sandaigdigan. (Hihinto sa pagsasalita ang Donya dahil sa pagkapahiya sa dahilang walang pumapansin sa kaniya). (Mahabang katahimikan. Si Ben Zayb ang bumasag sa nakabibinging katahimikan). Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga syentista ang gusto kong bigayan ng pagpapahalaga. Kung walang mga ekspertong syentista, wala tayong pag – unlad Padre Camorra at lagi nang magtatatakbo ang mga marinero sa silangan at kanluran upang itusok lamang ang tikin sa buhanginan. Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Kailangan lang ng mga mamamayan ang sapat na karanasan kung paano mapapaganda ang Ilog Pasig. Hindi na kailangang magpunta sa eskwela upang mag – aral sila ng syensiya! Ben Zyab: Diyan ako hindi hanga sa iyo Padre Camorra. Kailangan ang matalinong isip sa pagtugon ng mga problema. Dapat mong isiping malaking suliranin ang liku – liko at mabuhanging Ilog Pasig. (Sisisngit si Padre Salvi sa usapan) Padre Salvi: Teka, teka, teka, huwag kayong maggiriang parang mga manok sa sabungan at baka kayo ay magkasakitan. Kaunting lamig ng ulo. Kaunting pag – unawa sa iba‘t ibang punto de vizta Ben Zayb, tama si Padre Camorra, anong syenti – syentista? Anong tali – talino? Simpleng karanasan lamang ang dapat na — (puputulin ni Ben Zayb ang pagsasalita ni Padre Camorra). Ben Zayb: Putris na! napakalaking problema, sasagutin ng simpleng karanasan? Nahihibang na ba kayo Padre Salvi? Simoun: Mga simpleng problema yan na nangangailangan lang ng lohika mga kasama. Ang lunas ay napaka dali , at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang nakaisip nito. Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila, magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig. (Ang mga nakatingin sa kanya ay pawang mga nagtataka). Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa? Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, dahil mga bilanggo ang gagawa. Don Custodio: Walang sapat na bilanggo! Simoun: Kung gayo‘y piliting gumawa ang mga mamamayan, bata man o matanda! Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan! Simoun: (Tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala ko‘y lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan! Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito ay hindi miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakot ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pa — (Puputulin ni Simoun ang sasabihin ni Don Custodio) Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong mataas na buwis. (Nang makaalis si Simoun). Don Custodio: Isang mulatong Amerikano! Ben Zayb: Indiong Ingles! (Lights off). Ikalawang Tagpo Setting: Sa Ilalim ng Kubyerta (Lights on: 3 Yellow. 3 Red, 3 Blue). Tagasalaysay: Higit na pangmasa ang kiroroonan ng ilalim ng kubyerta. Karamihan sa mga pasahero ay nakupo lamang sa mga bangko. Katabi nila ang sangkatutak na tampipi, ilang kahon at basket at dalawa o tatlong maleta. May mga nagsisipaglaro ng baraha, maingay na nagkukwentuhan, ang mga intsik na mangangalakal ay pawing mga nakaupo rin at ang lahat ay pawang pawisan. Mapapansin mo rin dito ang ilang kabinataan na ikutan ng ikutan. Masaya ang mga binata dahil may mga kolehiyalang sakay ng Bapor. Ang mga kolehiyala ay mahinhin sapagkat ayaw nilang sila ay mapintasan. Kung magmamasid pa tayo sa paligid makikita natin sina Basilio at Isagani na may kausap na kung makatindig ay animo Don. Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago? Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akong pumunta sa San Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito. Kapitan Basilio: (Pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan. (Sisingit sa usapan si Isagani). Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio? Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (Palihim na napangiti sa sinabi ng kasama) Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito‘y hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila? Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla. Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami. Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera? Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan naman ay handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay. Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana‘y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. (Aalis si Kapitan Basilio) Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita? (Napangiti lamang si Isagani). Basilio: Teka, kaibiga, (Natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong kasintahan! Ang umiibig nga naman! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyong kasintahan, maganda na‘y mayaman pa. Kaya lang ay... (Bibitinin ang sasabihin) Isagani: Kaya lang ay ano? (Kinakabahan at umarko ang kilay). Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (Bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa‘y matanda na! Basilio at Isagani: Hahahahaha!!!! (Mahinang usapan). Isagani: Alam mo ba Basilio na pinakiusapan ako ni Donya Victorina na hanapin ang kanyang esposo na si Don Tiburcio? Basilio: Pumayag ka naman dahil mahal mo si Paulita? Isagani: Pero alam mo bang sa bahay ng tiyuhin ko nagtatago ang kaniyang esposo? Basilio: Totoo ba ang sinasabi mo? Isagani: Oo. Kaya nga ayaw niyang umakyat sa taas dahil alam niya na kapag pumunta siya doon ay tatanungin siyang sigurado ni Donya Victorina (Dumating ang mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata). Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo‘y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon? Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun. Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila? Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo‘y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon. (Magsasalita si Isagani na medyo iritable). Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan. (Ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyang galit, ipapakita ang dalang serbesa). Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak Simoun: Hindi umiinom? sabi nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom. (gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani). Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig. Isagani: Hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw. (Natigilan si Simoun at halatang namangha, tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani) Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami‘y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan. Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap! (Nang makaalis si Simoun). Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun. Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko! Basilio: Siya ang tinatawag na ―Kayumangging Kardinal!‖ Isagani: Kardinal? Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan Heneral! (Sa kabilang banda). Kapitan: Padre Florentino hinihintay na kayo sa itaas. Padre Florentino: Hayaan ninyo, at susunod na ako. May kakausapin lang ako. Ako‘y papanhik na rin. Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi! Padre Florentino: Salamat Kapitan sa inyong pagtawag, subalit… (Nag – aalangan). Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong makisalamuha sa kanila Padre Florentino: Ako‘y susunod na lamang. Kakausapin ko lamang muna ang aking pamangkin na si Isagani at ako‘y may ihahabilin saglit sa kaniya. (Lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habang ako‘y naroroon, baka magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan! At ayokong isipin ng mga tao ang ganoong bagay sa atin. Isagani: Opo! (Pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo‘y ayaw niyang makausap ko si Donya Victorina! (Lights off). Ikatlong Tagpo Setting:Sa Ibabaw ngKubyerta (Lights on: 3 Yellow, 3 Red, 3Blue). Tagasalaysay: Nang umakyat si Padre Florentino humupa na ang pagtatalo ng grupo kanina. Mapapansing may mga ngiti na sa labi ang mga tao dahil sa tanawing nakikita. (Sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan). Don Custodio: (Pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang bahaging pinakamainam sa paglalakbay. Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may kabuluhan lamang sa akin ay yaong may mga alamat! Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan ang Alamat ng Malapad na Bato, batumbuhay na sagrado na sinasabing tahanan ng mga espiritu. Dito rin daw nagtatago ang mga bandido na humaharang at nagtataob sa mga bangka na nagagawi doon bago pa dumating ang mga kastila. Nariyan din ang Alamat ni Doña Geromina na... na... umibig ng tapat at walang hanggan sa isang lalaki ng pinangakuan siya ng kasal. Hinintay niya ito ng matagal. Nariyan rin ang Alamat ni San Nicolas, isang Intsik ang namamangka nang siya ay atakihin ng demonyo na nagkatawang Buwaya. Nang matakot ay natawag niya ang pangalan ni San Nicolas at naging bato ang demonyo. At ang huli ay ang alamt ng Pili — Padre Sibyla: (Nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan! Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon? Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre? Padre Sibyla: (Naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo, inalala ang mga pangyayari) Sabi nila may isang estudyante — (Puputulin ang sinasabi ni Padre Sybila). Ben Zayb: Mawalang galang, ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra? Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (Pinalo ng pamaypay si Ben Zayb). Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig? (Natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya) (Musika: Kagimbal-gimbal ) Kapitan: (Itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya! Doon…tumingin kayo sa malayo. (Sabay tingin ng lahat sa malayo). Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayo‘y hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari. Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay... (Nabitin ang salita). Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama! Padre Salvi: Hindi ba‘t isa rin siyang filibustero? Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra? Padre Camorra: (Patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang magkaroon ng marangal na libing. Ben Zayb: (Nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman? Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig ang lakbaying ito. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa lahat ng lawa sa España pagsama-samahin man. Nakakita na ako ng mga sanay na mandaragat na nangahilo rito. Doña Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pa‘y bibigyan ko kayo ng gamot upang maalis ang inyong pagkahilo. Paulita paki abot mo nga sakin ang langis. Paulita: Tiya hindi niyo po nadala. Doña Victorina: (Hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroon akong Bonamine sa aking bagahe. (Lights off). Ikaapat na Tagpo Setting: Sa Bahay ni Kabesang Tales (Lights on: 3 Yellow, 3 Red). Tagasalaysay: Anak na panganay ni Tandang Celo si Kabesang Tales. Sa tulong ng ama, asawa at talong anak, nilinis nila ang isang bahagi ng kagubatan na abot tanaw sa bayan. Alam niyang walang nagmamay – ari nito kaya malakas ang loob niyang magsaka rito. Ulanin at arawin ang nasabing lugar. Sa kakapusan ng pag kain at dahil na rin sa kapaguran ay namatay ang asawa ni Kabesang Tales sa sakit na Pulmonya. Hindi pa man nakakapagluksa ay sumunod namang namatay ang kaniyang anak na si Lucia. Nagkasakit ito ng matagal at sumunod sa hukay. Subalit hindi nawalan ng pag – asa si Kabesang tales kung kaya ay ipinagpatuloy pa rin ang pagsasaka sa tulong ng dalawa niyang anak na si Tano at Huli. Nagbunga ang kanilang paghihirap ngunit dumating ang mga kura at sila ay sinisingil sa lupang kanilang sinsaka, ngunit habang tumatagal ay palaki ng palaki ang sinisingil sa kanila. Anong buhay nga ba mayroon ang pamilya ni Kabesang Tales? Musika: Mahinahong maaliwalas na tugtog. Huli: (Nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya‘y makakapag-aral din sa Maynila tulad mo? Tano: Aba oo naman. (Lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo, lumapit si Huli at Tano kay Tales) Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral? Huli: Kuya... (Nag aalangan). Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynila katulad ng mga dalaga sa bayan. Huli: Talaga ama?! (Niyakap ang ama). Tano: (Nang aasar na tono). Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya... Huli: (Pinandilatan Tano) Kuya naman. (Sabay takbo ni Tano, hinabol siya ni Huli) (Pagkaalis ng magkapatid). Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama. (Nag – aalala. Napabuntong hininga). Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala? Kabesang Tales: (Naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama. (Bumuntong hininga) Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya. Kabesang Tales: Ngunit ama sila ay umaabuso na! Tata Selo: Magpaumanhin ka! (Dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil) Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka! Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo? Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso! Kabesang Tales: Dalawandaang piso?! Ngunit iyon ay napaka laki naman. Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito! Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin. Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko. Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo! Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon. Kabesang Tales: Pag-aari? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito? Padre Camorra: Meron! Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?! Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita? Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na inyo nga ang lupang ito. Tata Selo: (Bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas. (Bumalik ang magkapatid, tumabi sa kanilang Lolo). Padre Camorra: Hindi ba‘t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang mag-mamatigas. Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin! (Bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle, pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riple). Padre Camorra: (Bumaling sa mga Guwardiya Civil). Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil (Pinalo ng riple ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano). Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!! Kabesang Tales: Hindi! Wag ang aking anak! Tano: Ama! Huli! Aaahhh! (Aalis ang mga Pari at Guwardiya Civil) (Bumalik ang mga Guwardiya Civil at sinabi kay Huli). Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi‘y mamamatay ang iyong ama, binibini. Huli: (Sa sarili). Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio! (Hahalikan ang Agnos, isusuot ang Agnos) Ngunit ito‘y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan. (Lights off). Ikalimang Tagpo Setting: Sa Plaza (Lights on: 3 Red, 3 Blue, 2 Yellow). Musika: “Kumukuti – kutitap” Tagasalaysay: Bisperas ng pasko o Noche Buena ng si Basilio ay umuwi sa kanilang bayan galing sa Maynila sapagkat siya ay nag – aaral. Sa tahanan ni Kapitan Basilio ang kaniyang tungo. Naantala kasi ang kaniyang paglalakabay dahil sa kutserong kaniyang nasakyan. Nakalimutan nito ang kaniyang sedula dahilan upang tanung – tanungin ito at bugbug – bugbugin. Naawa siya sa Kutsero at dinoble ang binigay ang pera sapagkat naulit pa ang pangbubugbug sa pobreng Kutsero na hindi sinasadyang mamatay ang ilaw ng lampara nito sa karwahe. Isang malaking krimen ito para sa mga Guwardiya Civil na dapat pagdusahan. Kipkip ang dalang kahon, tinalunton ni Basilio ang makikipot na daan at parang paslit na bata siyang titingala – tingala sa ilang nagliliwanag na mga bintana. Noche Buena sa San Diego. Bagamat may mga parol pa ring nakasabit, hindi malaman ni Basilio kung bakit sa pakiramdm niya ay naghihirap ang San Diego lalo na ngayong Bisperas ng Pasko. Nang mapadaan siya sa bahay ni Kapitan Basilio ay kakikitaan mo ito ng karangyaan. Hindi sinasadyang narinig niya ang mga usapan dahil na rin malalakas ang boses ng mga naguusap – usap. Kapitan Basilio: Pupunta kami Senyor Simoun. Makakaasa kayong pupunta kami sa Tiani. Pero siguraduhin ninyong masisiyahan kami sa mga alahas ninyo! Patunayan niyo na kayo lamang ang mag – aalahas na tinitingala sa buong mundo. Sayang kung pabubulaanan niyo lamang ang mga papuring ibinibigay sa inyo. Alferes: Sisikapin ko hong pumunta, kailangan ko ng isang relo, ngunit kung ako ay maging abala ay pakikiuasapan ko na lang si Kapitan Basilio na ako ay kaniyang pilian na lang sa mga koleksiyon ninyo. Heto po ang bayad ko. (Tangkang iaabot ang pera kay Kapitan Basilio ngunit ito ay kaniyang tatanggihan). Kapitan Basilio: Huwag na po tinyente. Regalo ko na lang po sa inyo ang relo. Itago niyo na lang ho ang pera. Alferes: Hindi niyo maaaring hindi po tanggapin ang bayad na ito. Mapapahiya po ako dito. Kapitan Basilio: Magagalit ako sa inyo kung ngayon nyo ako babayaran sa harap ng ating mga kaibigan. Hayaan ninyong magtuos tayo pagdating na ng alahas sa inyong kwartel. (Sumingit sa usapan si Padre Salvi). Padre Salvi: Gusto kong magpabili rin sa inyo Kapitan Basilio, isang magandang pares ng hikaw ang ipakikikuha ko sa inyo. Pagdating na po sa kumbento babayaran ko. (Si Basilio sa sarili habang naglalakad pagkatapos mapakinggan ang usapan). Basilio: Napakatuso! Pinagtubuan niya lahat ng tao! Kung totoo ang mga balita, nakukuha niya raw sa kalahati lang ang tunay na halaga ng mga alahas na ipinagbibili niya. Nangangahulugan na siya ay tumutubo ng sobra – sobra. Nakakalungkot isiping ang mga katulad niyang mga dayuhan ang kumikita. (Pagkarating sa bahay ni Kapitan Tiyago, kausap ang kawaksi). Basilio: Matagal – tagal din akong nawala rito. Ano ang maibabalita ninyo? Kawaksi: Dalawa raw po sa mga manggagawa ang ikinulong. Isa raw dito ay ipinatapon. Nabalitaan niyo po bang araw – araw ay may napi – pesteng kalabaw? Basilio: Wala po ba kayong medyo may magandang ibabalita sa akin? Yung may kinalamn sa ating bayan? Kawaksi: May kinalaman sa bayang ito? Sa San Diego ba ika niyo? Isang kasama po natin ang sumakabilang buhay. Yung matandang namamahala sa kagubatan. Balitang ayaw daw pong payagan malibing ang pobreng matanda. Basilio: At bakit daw? Kawaksi: Mayaman daw po si Kapitan Tiyago na amo nito. Kailangan daw ang sementeryong paglilibingan at ang mga ritwal na isasagawa sa Simbahan. Basilio: Hindi mahalaga sa akin ang bangkay na iyan. Kailangan ko iyong namatay sa sakit upang maoperahan at mapag – aralan. Wala ka na bang ibang maibabalitang iba maliban sa tungkol sa mga patay – patay? Tagasalaysay: Malungkot na isinalaysay ng katiwala ang pagkakadakip ng mga tulisan kay Kabesang Tales. Naalala ng binata ang kasitahang si Huli. Basilio: Pinalungkot niyo ako sa balitang iyan. (Pumasok sa kaniyang silid at humiga, subalit nasa isipan ang kasintahan, binuksan ang bintana at tinanaw ang buong bayan na wari niya ay humihikbi sa kalungkutan). Musika: (Kakantahin ni Basilio) “Malamig ang Simoy ng Hangin” (Lights off). Ikaanim na Tagpo Setting: Sa Sementeryo (Lights on: 3 Red, 3 Blue, 3 Yellow). Tagasalaysay: Si Basilio ay isang ulila. Nakita niya nang malagutan ng hininga ang kaniyang ina, siya ang naglibing dito kasama ang isang misteryosong amerikano. Dahil sa ulila, pinagsikapan niya ang makapag – aral. May kakaibang talento siya. Magaling siya sa pag - mememorya. Subalit dahil sa siya ay sakitin ay hindi niya nagagampanan ang trabaho, dahilan upang siya ay mapalayas. Pinalad siya at kinupkop ni Kapitan Tiyago sa San Diego. Kapalit ng paninilbihan, siya ay nakapag – aral sa magandang paarlan. Sa San Juan De Letran. Dahil sa kaniyang kahusayan siya ay inilipat sa mas magandang paaralan. Nagtapos siya sa Ateneo. Sa kaniyang kolehiyo, ay mas pinili ni Kapitan Tiyago na mag medisina siya kaysa mag abogasya sa Santo Thomas. Taun – taon hindi niya nakaliligtaang dalawin ang puntod ng ina sa burol basta siya ay may pagkakataon. Dito ay nasasabi niya ang kaniyang mga saloobin.. balak niyang pakasalan ang nobyang si Huli kapag siya ay nakapagtapos sa pag – aaral at bumuo ng sarili niyang pamilya. Ngayong nagbalik siya ulit sa San Diego, kaniyang pinuntahan ng palihim ang puntod ng ina. Basilio: (Umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito at parang naiiyak, si Basilio sa kaniyang sarili). Matagal na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko. (Napatayo at napatingin sa isang ilaw na papalapit) ano iyon?! Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina? (Magkukubli si Basilio sa puno). (Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Dito‘y pinakiusapan siya nito na tulungang sunugin ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.) Basilio: (Ipinasyang magpakita sa mag – aalahas). Maaari ko po ba kayong matulungan, ginoo? Simoun: (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa). Anong ginagawa mo sa gubat na ito? Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako‘y makatutulong naman sa inyo. (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio). Simoun: At sa tingin mo‘y sino ako? (Humakbang paurong). Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam. Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako‘y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo‘y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan! Basilio: Hindi Ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino. Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao! Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip. Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila? Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila. Simoun: Katulad ko ay may dapat ka ring singilin sa lipunan. Pinaslang ang kapatid mo at hindi nabigyan ng katarungan ang pagkabaliw ng nanay mo. Kapwa tayo uhaw sa katarungan. Sa halip na wasakin natin ang isa‘t – isa dapat lang tayo ay magkasama. Tama ka ako nga ang iyong nakita labingtatlong taon na ang nakararaan. Sinundan ko ang isang matalik na kaibigan na inialay ang buhay para sa akin. Kung papayag ka ay pumanig ka sa aking mga plano. (Ngunit umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.) Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang. (Lights off). Ikapitong Tagpo Setting: Sa Bahay ni Hermana Penchang (Lights on: 3 Yellow, 3 Red). Tagasalaysay: Araw ng Kapaskuhan nang nagpasyang umalis si Huli upang magpaalila kay Hermana Penchang. Hindi man payag si Tandang Celo ay pilit pa ring nagbingi - bingihan si Huli. Kailangan niya ng malaking halaga upang matubos ang ama. Sinabi niyang dadalaw pa rin naman siya sa tahanan kung may pagkakataon. Napipi ang Lolo ni Huli at ito ay nagging usap – usapan sa bayan. Ano nga ba ang naging buhay ni huli sa kamay ni Hermana Penchang? Hermana Penchang: (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Huli: (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Hermana Penchang: (Binatukan si Huli) Hay naku bata ka! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal! (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Huli: Pasensya na po. Hermana Penchang: Paensya?! Hay naku! (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga! (Kinurot si Huli). Huli: Aray, aray. Opo. (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo! (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Huli: (Nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa iyong mga kasalanan. (Mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. (Lights off). Ikawalong Tagpo Setting : Sa Bahay ni Kabesang Tales (Lights on: 3 Yellow, 3 Red). (Inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya). Simoun: (Kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay Cleopatra. Natagpuan ito sa mga Pirámide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago Kapitan Basilio: (Humakbang at parang nangangarap) Marahil yaong ipinadala ni Hannibal matapos ang digmaang Cannes. Simoun: (Binalik ang kwintas at kinuha ang isang maliit na kahon) Nagdala rin ako ng mga mamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa bahay liwaliwan ni Annio Mucio Papilino sa Pompeya. (Ipinakita niya iyon kay Kapitan Basilio) Kapitana Tika: Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyunan ng Papa? Hermana Penchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyon? Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal! Kapitana Tika: (Kinurot ang tumatawang si Sinang) Sinang! Ano ka ba? Parang hindi ka dalaga! Sinang: Inay naman.Masakit yun. Simoun: Aaahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (Binuksan ang isang kahon) Hayan ang mga antigong alahas. Ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at ang mga hikaw sa dama ni Maria Antoinette. Sinang: Aayyy! Ang gaganda! (Kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman (Sa kalayuan ay nakatanaw si Kabesang Tales) Simoun: Tignan ninyo, (Pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales) ang isa lamang sa mga asul na batong ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila bituing nagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito, mapula, simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, muling natamo ang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama sa mga anak, at sa kanyang asawa at ang buong pamilya‘y nailigtas sa miserableng hinaharap. (Tinapik tapik ang kahon) Mayroon akong isang kahong katulad ng sa manggagamot na kinatataguan ng buhay at kamatayan, ng lason at ng lunas, at sa pamamagitan ng isang dakot nito ay mangyayari kong paluhain lahat ng mamamayan sa Pilipinas! (Lumapit kay Kabesang tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili? Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang gaanong halaga. Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara? Kabesang Tales: Tama! Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong kaibigan bago siya nagmongha. (Sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales, kinuha ang laket at ibinigay kay Simoun). Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (Hindi umimik si Kabesang Tales) Nagustuhan ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibang hiyas? Pumili ka (Tahimik parin) Limandaang piso? Limandaan! (Kinuha ni Kabesang Tales ang laket at tinignan, sumesenyas ang mga kababaihan na ipagbili na niya ito maliban kay Hermana Penchang) Hermana Penchang: (Lumapit upang tignan ang kwintas) Kung ako‘y itatago ko na lang iyang parang relikya. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siya‘y payat na payat na, mahina at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siya‘y mamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili. Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni sa aking anak . Babalik ako bago dumilim. (nagsialisan na rin ang mga tao, naupo si Simoun at naghintay) (Close lights for 10 seconds) (Open lights) (kinuha niya ang lalagyanan ng rebolber niya ngunit isang sulat na lamang ang nakita niya at ang agnos ni Maria Clara) (Dim lights) (Tinig: Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo, ngunit pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat ako’y sasama sa mga tulisan. Ipinapayo ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayo’y mahulog sa aming kamay, sa dahilang wala na kayo sa aking tahanan, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de Dios) Simoun: (Tumatawa) At sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan. Hahaha! hahaha! (Nagmamadaling nagligpit at umalis). (Lights off). Ika Siyam na Tagpo: Setting: Sa Kagubatan, Sa Mga Kwarto. Tagasalaysay: Mangangaso dapat yung Kapitan Heneral. Pero dahil sa natatakot siyang mapahiya pag wala siyang napatay, ay mas ginusto na niyang umuwi nalang. Bumalik sila sa Los Banos. Kapitan Heneral: Mabuti pa ang mga pangasuhan sa Espanya! Napakaganda! Samantalang ang nandito sa Pilipinas ay pawang walang kwenta! (Nasa bahay sila ng Kap. Hen. Naglalaro ng baraha si Padre Sybila, Padre Camorra at Padre Irene at ang Kapitan Heneral) Kapitan Heneral: Hahaha! Talagang napakabait sa akin ng tadhana! Sineswerte talaga ako! (habang nagsasaya ang Kapitan Heneral, nagtitinginan si Padre Irene at Padre Sibyla dahil ang totoo ay pinagbibigyan nila ang Kapitan Heneral) (Sa salas ay nandun si Don Custudio, Padre Fernandez at isang Kawani, nagkwekwentuhan sila) (Sa katabi naman andun sina Simoun at Ben Zayb na masayang nagbbibilyar, Humahalakhak) Padre Camorra: Aba! Akala niyo ata, namumulot ako ng pera! Nagagalit na ang mga Indio sa pagbabayad ng buwis,‖ (tapos AALIS siya) Kap. Hen.: Simoun, halika‘t sumali ka saamin. Simoun: Mga ginoo, gawin nating mas mainam ang larong ito. Kapalit ng aking mga Hiyas,ang mga pangako niyo sa pagkakawanggawa, pananalangin, at kabaitan. Ikaw Padre Sybila ay limang araw kakalimutan ang pagkakawang gawa, karalitaan, at pagkamasurin, ikaw naman Padre Irene ay liliutin ang kalinisan ng ugali, ang pagkamaunawain, at ipa ba. At ang sainyo naman ho Kapitan Heneral., ay ang pag - uutos ng pagbabaril sa isang bihag habang pinaghahatid-hatiran. P. IRENE: Ngunit G. Simoun, ano ang mapapala ninyo sa mga panalo ng kabaitan sa bunganga, at mga buhay ng tao, ang pagpapatapon at ang mga pagpatay? Simoun: A! Marami! Ako‘y sawa na sa karirinig ng mga kabutihan at hangad ko‘y maipon lahat ng nakakalat sa daigdig, mailagay sa isang sako upang itapon sa dagat kahit nag awing pabigat ay ang akong mga brilyante. Lipulin ang masama at linisin ang bayan! P. Irene: ah, ika‘y may galit sa poot sa mga tulisan di po ba? Simoun: Wala sa mga tulisan sabundok ang sama kundi nasa tulisan sa loob ng bayan at mga lungsod. Padre Sybila: hindi ba‘t may nagpanukala na gawing paaralan ang mga sabungan? Pero merong tumutol dahil nagbabayad daw ng apatnaraan at limampung libong piso ang nagpapasabong ng wakng kahirap-hirap. Kapitan Heneral: Isasara ang mga paaralan para pasugalan? Magbibitiw na muna ako! May binabalak ako ukol diyan. (may magbabanggit tungkol sa AKADEMIYA NG WIKANG KASTILA) Padre Sibyla: tsk! Yun ay isang tahimik na pag-aalsa. Simoun: kahina-hinalang kahilingan. Kawani: (Babanggitin niya ang tungkol kay Huli at sa kaniyang Ingkong) Padre Camorra: SInasabi ko na ngaang mayroon akong bagay na dapat sabihin sa Heneral kaya narito ako… upang katigan ang pakiusap ng batang iyon. Kapitan Heneral: Palayain ang matanda. Hindi nila masasabing hindi ako marunong maawa. (Lights Off) Ika Sampu na Tagpo: Setting: Sa Daan (Lights On: 3 Yellow 3 Red 3Blue). (Naglalakad si Placido Pinetente) Tauhan1: Hindi ba‘t si Placido yun? Tauhan2: Alam niyo ba kung san siya nag-aaral? Tauhan3: Ang balita ko nag-aaral yan sa UST e… at nasa ikaapat na taon na siya ng Bachiller en Artes. Tauhan1: Yan ang pinakamatalinong estudyante ni Padre Valerio. (naglalakad si Placido tas dadating si Juanito Pelaez tas tatapikin yung likod ni Placido na ikinainis ni Placido.. May ibubulong si Juanito kay Palcido tapos tatawa siya) Juanito: Alam mo na nangharana kami sa Tiyani? Kasama ko si Padre Camorra. Walang bahay na hindi naming napanhik. Ang ganda nga nung isang babae eh. Si huli, yung katipan ni Basilio.(Tatawa) Juanito: Ano kasi yung tinuro kahapon? Ang tagal naman kasing walang klase e! oo nga pala Placido! Magbayad ka nga ng tatlong piso! O apat na piso na! may pera ka naman para sa ating ipapatayong rebulto. At tsaka placido gusto mo bang mag Dia pichido tayo? Nakakatamad pumasok eh. Placido: Ayoko ikaw na lang. marami pa akong gagawin. May aralin pa tayong kailangan sauluhin. Yung tungkol sa salamin. (Dadating si Paulita Gomez at dadating din si Isagani, babatiin ni Isagani si Paulita..) Tadeo: Ang ganda naman niya! Sabihin niyo nalang sa propesor na may sakit ako, susundan ko lamang ang napakagandang babaeng yon! (May lalapit na estudyante) Estudyante: pirmahan mo ito agad, ito ay isang protesta sa kahilingan nila MaCaraig sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang Kastila. Placido: Di ko maaring pirmahan yan.. Hindi ako maaring pumirma sa anu mang hindi ko nauunawaan at hindi ko pa nababasa. (Papasok na si Placido sa klase ng nagtatawag na ng pangalan ang guro at nang pangalan niya na ng tinawag ay minarkahan siya ng limang liban) (Gumawa si placido ng eksena. Padabog siyang pumasok ng silid kung kaya‘t nagalit ang guro) Padre Millon: Wala kang galang! Magbabayad ka rin sakin! (Lights Off) Ikalabingdalawa na Tagpo: Setting: Sa Loob ng Silid Aralan (Lights On: 3 Yellow 3 Red 3Blue). (May natutulog na estudyante sa klase ni padre Millon) P. Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! TAMAD! (Tumayo si Padre Millon ) Estudyante: Ang salamin ay anu mang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang Makita ang anumang Makita nag iharap dito. Nahahati ito sa dalawa, salaming metal at salaming bubog. P. Millon: Kung ika‘y bibigyan ng kaputol na kahoy at masisinagan ng larawan ng mga bagay na ilalagay sa harap, saang bahagi mo ilalagay ang bawat isa? Estudyante: Marahil ay sa bandang itaas! P. Millon: Ang layo ng sagot mo! Juanito: (Pabulong) ang salaming kamagong kasama ng salaming kahoy! (Matatawa ung buong klase dahil tinatapakan ni juanito ang paa ni pinetente at ito ay napasigaw) P. Millon: Ikaw Placido, hindi kita tinatanong ngunit ibig mong sagipin ang iba. Tumayo ka‘t ikaw ang sumagot sa aking mga katanungan. (magsasagutan ang dalawa tungkol sa aralin ngunit ito ay nauwi sa ibang usapan) P. Millon: Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban! Isa pa at magbabakasyon ka na! Placido: Ngunit apat na araw pa lang akong liban. P. Millon: Sa tuwing liliban ka ng isang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ang limang makalima? Placido: Dalawampu‘t lima po Padre Millon: 3 beses pa lamang kitang nahuli.Ilan ang talong lima? Placido: Labing lima po. Padre Millon: Kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit dahil di mo alam ang leksyon ngayon. Placido: Alisin niyo na lahat ng marka ko sa araw na ito! Padre Millon: Aba! At bakit?! Placido: Hindi ko po maisip kung pano ang wala rito ay makapag uulat ng leksyon. Padre Millon: Hindi ba pwedeng liban sa klase pero alam ang leksyon? (Ihahagis ni placido ang libro sa harap ng guro) Placido: sige! Ilagay mo na ang lahat ng guhit na gusto mo! Di na ko makatiis! Hinding hindi na ako babalik sa klase mo. (galit) (lalabas ng silid si Placido) (Lights Off) Ikalabingtatlong Tagpo: Setting: Sa Tahanan ni Macaraig. (Lights On: 3 Yellow 3 Red 3Blue). Tagasalaysay: Dalawang palapag ang malaki at malawak na bahay ni Macaraig. Tahimik rito ngunit sa tuwing sasapit ang alas-diyes ng umaga ay umaalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang tawanan at sigawan ng mga naninirahan rito at iba pang mga estudyante may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. [LIGHTS OFF] (Sa loob ng tahanan sa may hagdan. Dinig na dinig ang ingay ng mga estudyante. Mayroon isang pobreng tsinong nagtitinda ng mga kakanin. Sa likod nya ay ang mga estudyanteng nag-eeskrima) (Eksena mula sa nagtitindang tsino). (Mayroong estudyanteng mang - uumit ng paninda). Tsino: (Kukunot ang noo) ikaw balik iyan! (Ibabalik naman iyon ngunit tatawa.) Tsino: Kayo bili akin paninda. Palaawa, masalap lahat ito. (Nakangiti) Estudyante #1: (Kukunin ang kakanin at kakainin) Hindi naman masarap. (Ngunit patuloy na ngumunguya) Tsino: (Magagalit) Ikaw bayad iyo kinain! Ako lugi! (pasigaw) Estudyante #1: (Lalayo ng kaunti) Salamat! (Sabay subo muli sa sa pagkain) (Mayroon hahablot ng buhok ng tsino). Tsino: (Lilingon) Huwak laro! Huwak laro! (Sabay balik ang tingin sa harap at mahahampas ang likod) (Mangiyak-ngiyak ng parang batang tumatalon) Kase naman eh! Waah!! Sabi huwak laro, huwak laro! (Mahahampas ang paninda ng tsino ng baston) Tsino: (Sisigaw at galit na galit na dinuduro ang mga estudyante) Mal kosesia, mal kilestiano, homle limonio‘t balbalo, tuso-tuso! (Di sya papansinin ng mga estudyante) waaahhh !!! (Saka palang sya papansinin nang makitang umiiyak na ito) (Magtatawanan ang mga estudyante). Estudyante #2: O eto (Abot ng bayad) bayad sa akin inumit kanina! Hahaha! Estudyante #1: Eto na rin ang bayad ko sa aking kinain. (Nakangise) (Marahas na kukunin ang mga bayad) (Patuloy na nagtatawanan ang mga estudyante. Hahahaha) (Darating si Isagni at Sandoval) Isagani: Tila masarap ang iyong mga tinitinda! Tsino: (Pabulong habang umaalis) Kayo talaga mga diyablo! huaya, homia! (Sabay alis) (Lalong matatawa ang mga estudyante at magtataka si isagani‘t Sandoval. Sinundan lamang nila ito ng tingin at nang mapabaling na ang tingin nila isagani sa mga estudyante ay mapapahinto ang mga estudyante sa pagtawa at magiging pormal) Mga estudyante: magandang umaga isagani at Sandoval! (Magiliw na bati ng mga ito) (Tatango lamang sina Isagani at Sandoval ng may ngiti sa mga labi) (Lights Off) (Lights On: 3 Yellow 3 Blue 3 Red) (Sa lamesa kung saan may nagsusulat ay may dalawang taong naghahabulan at paikot-ikot sa lamesa na nagiging dahilan ng pagkagulo ng mga nagsusulat. May roon ding isang pilay at isang estudyanteng nagbabantang magsapakan) (Papasok sina Isagani at Sandoval at mapapahinto ang lahat at madadatnan sa pwestong ginagawa nila) (Isa-isang magsasalita ang mga estudyante at magiliw Sandoval ng: magandang umaga! (nakahinto parin sa kanilang mga pwesto) na babatiin sina Isagani at Isagani: Magandang umaga sa inyong lahat! Sandoval: Magandang umaga sa inyo. (Tatango sina Isagani, at Sandoval at saka palang magiging pormal ang mga estudyante. Ang dalawang magsasapakan ‗sana‘ ang tanging di parin nag-pormal, mababalik lamang sa ulirat ang dalawa sapagkat mapapansin nilang ang lahat ay nakatingin sa kanila ng may pagtataka. Saka palamang nila mapapagtanto na ang itsura nilang dalawa ay tila nagmukang magkasintahan magkayakap sapagkat pareho silang nakangite. Itutulak nila ang isa‘t-isa saka parang mahihiya) Estudyante #5: Hindi nyo nasabing may pagtatangi pala kayo sa isa‘t-isa (Tukoy nito sa dalawa na sinasabi habang nagpipigil sa pagtawa) Estudyande #4: AYIIIEEE !!! :‖> (Sabay magtatawanan ang lahat. HAHAHAHA) (Mapapailing lamang si Isagani at Sandoval matapos tumawa. Tutungo ang dalwa sa lamesa at magtitipon ang lahat) Estudyante#1: Ano kaya ang ngyayari? Estudyante #2: Ano kaya ang pinasya ng Kapitan Heneral? Estudyante#3: Ipinagkait ba nila ang pahintulot? Nagtagumpay ba si Padre Irene? Sandoval: Malaki ang tiwala ko sa magandang balita ang ihahatid sa atin ni Macaraig. Isagani: Gayun din ang aking inaasahan. (Tumatango) Sandoval: Maaari rin kayong bigyan ng parangal at tayo‘y ikalulugod ng pamahalaan dahil sa pagnanais nating payagan ang pagkakaroon ng AKADEMYA NG WIKANG KASTILA na maituturing na pagiging makabayan! (Buong loob na bigkas nito) Juanito: Isang malaking karangalan para sa akin ito! Pecson: (Nakakunot ang nuo) Wag kayong magpakakampante mga kaibigan! Aba‘t anong malay natin? Mayroon paring salungat sa ating nilalayon tulad na lamang nila Obispo A, Pari B at Probinsyal C na tunay na maimpluwensya sa Kapitan Heneral nagrekomenda ba o hindi ang mga ito na ipakulong ang lahat ng myembro sa samahan ng mga estudyante? (Mala-kontrabidang wika nito) Juanito: Hindi.. Hindi.. Aba‘y wag nyo kong isali dyan. Hindi ako kasali dyan. (Takot na wika nito) Sandoval: Isang masamang pakilala sa Heneral! Wala kang katibayan na nagpapasulsol ang Kapitan Heneral!! Pecson: Wala akong sinabing ganyan, ikaw ang nagsabi nyan Sandoval at hindi ako. (Mapang-asar na wika nito ng nakangise) Sandoval: Iwasan natin ang mga walang kwentang pananalita at walang kabuluhang pagtatalo! Ayokong matawag na pilibustero! (Pakumpas at pasigaw na wika nito) Pecson: Yan na namang pilibustero, pwede bang magtalo tayo nang walang bintangan? Hindi natin alam ang iniisip ng lahat, anong malay natin? Baka may mga opisyal ng pamahalaan na ayaw tayong magkaintindihan! kung iisipin, ano nalang ang mangyayari sa pilipinas kung sakaling maunawaan ng mga estudyante ang batas?! (Mangangamba ang mga estudyante) Sandoval: Huwag natin agad husgahan ang pamahalaan, ang pilipinas ay lalawigan na ng Espanya kaya‘t kung ano ang ipinapatupad sa Espanya ay ipinapatupad rin ditto sa maynila. Nararapat lamang na matamasa niniyo ang karapatan at kasiglahan! (Lahat ay nagging masigla) Paecson: At papaano kung hindi nila ito payagan? (Sarkastong tanong nito) Sandoval: Kapag ipinagdamot nila ito, matutuklasan nyo ang kanilang pagkukunwari at ibig sabihin nun ay kayo ay kanilang hinahamon! Pecson: At pagkatapos ano? Paabnokung walang tumanggap ng hamon? Sandoval: Kapag walang tumanggap ng hamo. (Makikitang tila nag-iisip si Sandoval ang lahat ay nag-aabang ng sagot na unti-unting lumalapit kay Sandoval) kung gayon ay! (Mapapabalikwas ang mga estudyante) Ako! (hawak sa dibdib) si Sandoval! Sa ngalan ng espanya ang tatanggap ng hamon at gagawa ako ng paraan upang matuklasan ang pagsasamantala ng mga pinuno na di karapat-dapat na proteksyonan ng espanya! (Katahimikan, tunog ng kuliglig, sabay biglang yayakap si Isagani kay Sandoval at tuwang-tuwa) Isagani: Magaling! Magaling!! (Lahat ay yayakap kay Sandoval na tila naiiyak) Musika: (Naka-freeze ang mga estudyante matapos ang kanta) Pecson: Ehem-ehem! (Babalik sa mga pwesto ang mga estudyante) sanda — (Mapuputol ang sasabihin) Bagong dating na Estudyante: (Nagtatatalon kasunod nitong dumating ay si macaraig) magandang balita! Tao‘y magsayamga kaibigan (Eksaherado na wika nito) mabuhay ang wikang Espanyol!!hoooo!!! (Magpapalakpakan ang lahat at nagyayakapan si pecson lang ang tila alanganin ang ngite) Macaraig: Nakipagkita ako kay padre Irene kaninang umaga at sinabi nya saken na isang lingo na nilang pinagbabatehan ang ating panukala .. kanyang ipinagtatanggolang ating adhikain laban sa mga di-sang-ayon dito! Estudyante: Mabuhay si padre Irene! Mga Estudyante: Mabuhay! Macaraig: Mabuti at naroon si Don Custodio na nagrekomendang maging tagapasya kaya pumayag ang kapitan heneral at ang pangako ni don custodio na ipapaalam sa atin ang kanyang pasya sa loob ng isang buwan! Estudyante: Mabuhay si Don Custodio! Mga Estudyante: Mabuhay ! Pecson: Eh paano nalang kung di rin payag si Don Custodio? (Mapahinto ang mga estudyante at magbubulungan na may halong pag-aalala ―oo nga paano nga kung ganon‖ bulong ng iba) Macaraig: Naitanong ko rin yank ay padre Irene at kanyang naipaglaban ito kaya tayo ngayon ang hihikayat kay Don Custodio. Wala rin daw pinapanigan ang Kapitan Heneral. Nagbigay saken ng 2 payo si padre Irene, isang malaking handog! Pecson: (Biglang magiging masigla) Aha! Alam ko na! Ang mananayaw na si PEPAY! (Wika nito habang gumugiling) Mga estudyante: (Magtatawanan at sabay-sabay na wika) TAMA! Ang mananayaw na si PEPEY! (Lahat ay sasayaw din) Pepay!.. hut..hut.. Pepay!.. hut..hut.. Pepay!.. hut..hut..!! (Wika nila ng may tono) Isagani: (Biglang papagitna) SANDALI! Hindi ko iyon maibigan, masyadong malaswa! Ano pa ang isang payo? (Sabay lingon kay Macaraig) Macaraig: Ang isa pa ay si ginoong pasta, ang kilalang abogado ng maynila at tagapayo ni Don Custodio ukol sa mga batas. Juanito: Kilala ko rin ang mambuburda ni G. Pasta na si matea! Mga estudyante: Matea.. hut..hut.. matea..hut..hu—(Mapapahinto) Isagani: Hindi mga ginoo, unahin natin ang marangal na paraan. Ako ang sasangguni kay G. pasta at kung ako‘y magtagumpay. Saka ninyo gawin ang ibig nyong iyan.(Tatango ang mga estudyante at biglang:) Mga estudyante: (Nakakapit sa isa‘t-isa) pepay!.. hut..hut.. matea.. hut..hut.. pepay!.. hut..hut.. matea.. hut..hut.. (mapapailing na lamang si isagani na natatawa) (Lights Off) Ikalabing Apat na Tagpo Setting: Sa Opisina ni G. Pasta (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) (Papasok si Isagani. Di sya papansinin ni don custodio na patuloy sa pagsusulat. Pinagmasdan na lamang ni Isagani ito hanggang makatulog) G. Pasta: (Mag-iinat) Hay! Sa wakas ay natapos din (Saka lang mapapansin si Isagani at biglang sisigla) Iho! (Magugulat si isagani at matatarantang tumayo at nagpunas ng laway) Isagani: Magandang raw ho G. pasta (masiglang kakamayan sya ni G. Pasta) G. Pasta: (Ipupunas ang kamay ng pasimple sa damit sapagkat ang kamay ni isagani ay may laway na pinunas nito kanina) He—he. Ipagpaumanhin mo binata kung di ko namalayan ang iyong pagdating! Kamusta na nga pala ang iyong tiyo na si Padre Fernandez? At ano ng palang pakay mo sakin? Isagani: Mabuti naman ho ang tiyo. (Naging masigla) ako‘y isang mag-aaral at tunay na ang ikabubuti ng nakararami ang ninanais! Naglalayon ako at kaming mga estudyante ng puro mabuti lamang.. ang nais naming mas matuto pa ng mga bagay-bagay na di lang para sa aming ikabubuti kundi para na rin sa lahat! Ninanais ng mga estudyante na matuto pa ng wikang kastila kaya kami ay bumuo ng samahan upang matupad ang aming mga hangarin! Ngunit hindi lahat ay sang- ayon mula rito. Alam naming walang kinakampihan ang kapitan heneral dito di namin alam ang panig ng bise-rektor at mga prayle. (May pakumpas na wika nito sa bawat sinasabi) G.Pasta: (Tila walang ganang nakikinig ito at biglang tataas ang kilay na tila alam na ang pakay nito) Maski ako‘y ganun rin ngunit walang makakapantay sa aking pagiging makabayan, ngunit, kailangan kong mag-ingat sa aking kilos. Nawa‘y intindihin nyo ako. Wala akong maipapangako.. Isagani: Ayaw naming kayo‘y mapahamak, wala akong nalalaman sa batas na pinapairal sa ating bayan. Pareho ho tayong hangarin sa bayan ngunit magkaiba lamang tayo sa pamamaraan. G.Pasta: mas mabuti kung tutulong tayo sa pagsunod sa batas. Dapat parusahan ang mga pagkilos na salungat sa pamahalaan! Kahit na ipalagay na mas mahusay ito kaysa sa mga pagkilos ng mga namumuno dahil magiging kasiraan iyon sa karangalan nito sa sandigan ng kolonya ng espanya. Isagani: hindi karangalan kundi katarungan at katwiran ang higit na matatag na sandigan! Upang magawa ng pamahalaan ang kanutihan pa sa mga tao, dapat nilang sundin ang kahilingan ng mamamayan na mas nakakaalam ng kanilang pangangailangan! G. Pasta: (Marahas na lilingon) Pili lamang an gang bumubuo ng pamahalaan at natatanging mamamayan! Isagani: (Kalmado paring nakangiti) Sila‘y tao rin, nagkakamali at dapat din nilang dinggin ang mga palagay ng iba. Walang perpektong tao! G.Pasta: May iba pang dahilan ang pamahalaan kaya ipinagdadamot nya ang gusto ng mga tao. Mahirap ibigay o ipaliwanag ang mga iyon kung bakit di maibigay. Siguro nga ay mga di makatarungang mga pinuno ngunit unawain nating nasa iba‘t-ibang kondisyon ang iba‘t-ibang pamahalaan. Isagani: (Mapanglaw na ngiti) ang ibig nyong sabihin ? mali ang pagkatatag ng pamhalaang kolonyal ? at nakasandig lang sap ala-palagay? G.pasta: (Madidismaya) maling kaisipan at simulain! Kabataan nga lamang kayo! Kulang pasa karanasan! (tila napipikon na at biglang hinanap ang kanyang salamin sa mesa at iaabot iyon ni isagani) hayaan niyo na ang pamahalaan ang magpasya sa sariling paraan nito. Wag na muna kayong makisangkot! Ganuon din ang sasabihin ng iyong tiyo, nakkasiguro ako. Isagani: Nagkakamali ho kayo, lagi nya hong sinasabi saken na isipin ang iba kaysa sa sarili. Kayo ho ako‘y naririto ngayon. G. Pasta: (Tatayo at mapapakamot sa ilong pagkatapos ay hahawakan sa balikat si isagani at mapapatingin si isagani sa balikat nya na nahawakan ng kamay na ginamit na pangkamot sa ilong) hindi ba‘t estudyante ka ng medisina? Kapag may lisensya na kayo, mag-asawa kayo ng mayaman. (Ngingisi sabay ikukumpas ang kamay) magsikap upang kumita ng pera mula sa panggagamot! (Mapapakalikot sa tenga) Umiwas sa mga kilusang tungkol sa kalagayan ng bayan. (Tatapikin ang balikat ni isagani) baling araw pag puti na ang buhok mo, pasasalamatan nyo ko sa payo kong iyan! (Sabay ngiti at tatalikod kay Isagani) Isagani: Kapag pumuti na ang buhok ko (mapapahinto sa paglakad) at maisip kong ang mga ginawa ko‘y para sa sarili ko, ituturing kong tinik na ikahihiya ko ang bawat hibla ng puting buhok sa ulo ko. (Sabay ngiti at yuyukod) Maraming salamat ho sa oras G. pasta! (Sabay aalis) G. pasta: (Saka pa lamang lilingon pagkalisan ni isagani) kawawang bata! (mapapailing habang nakangiti) dati‘y hinangad ko rin ang ganuon.. ngunit hindi nito mabubusog ang aking tyan.. tsk.. (mapapailing sabay may kukuning tinapay at kakainin ito at habang ngumunguya ay sasabihing:) kaawa-awang bata.. [LIGHTS OFF] Ikalabing Lima na Tagpo: (LIGHTS ON: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) Tagasalaysay: Bumabati sa mga bisita si quiroga] Naghanda ng gabing iyon si Quiroga sa itaas ng kanyang tindahan sa Escolta, na nangangarap na maging isang konsulado ng tsina sa pilipinas. Maraming bisita ang dumalo kabilang na rito ang mga kakumpetensya nya sa negosyo. (Mga dumalo: mga prayle, mga mayayaman, negosyante, suki ni quiroga at empleyado ng gobyerno) (Mga maririnig na tunog: pagbukas ng alak. Kalansing ng mga baso, tawanan. (may mga naninigarilyo) bulungan na sinasabing: quiroga, Konsul, iqualidad, karapatan) >mga (Paikot-ikot lamang si quiroga habang nakangiti na tila nagmamasid upang masigurong walang mananakaw na kagamitan. Makikita rin si don timoteo na tila nag-oobserba sa bahay na nakataas ang kilay at kumakamot-kamot sa baba. At si G. Gonzales na nakikipag-usap) (Darating si Simoun at makikipagdiskusyon kay don timoteo. Mapapansin ni simoun na parating si quiroga kaya mapupukaw nito ang atensyon ni simoun at magpapaalam na kay don timoteo na may pilit na ngiti sa labi. Lalapit sya kay Quiroga) Quiroga: (Biglang sisimangot at yuyuko) Maganda gabi ! (Patuloy na yumuyuko) Simoun: (Tatango lang) Naibigan ba niya ang mga purselas? (Nakangiting wika nito) Quiroga: (Lalong malulungkot at mapapakamot sa ulo) Naku! Ginoong Simoun! Akieng lugi! Akieng hughog! Simoun: (Tataas ang kilay habang nakangiti parin) ano? Ikaw ay lugi? Gayong marami ang handa at iyong panauhin? Quiroga: Hindi mo alam akieng hughog Ginoong Simoun (Nagmamaktol habang nagmamaktol at dinadala si Simoun sa isang lugar) (Lights Off) Ikalabing Anim na Tagpo: Setting: Sa Kwarto, Isang Pribadong Kwarto. (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) Quiroga: (Hahawak sa kamay ni simoun) ganito iyon. Simoun: (Babawiin ang kamay) Paumanhin quiroga, kung iniisip mo na tipo kita. Paumanhin di tayo talo! Quiroga: (Mapapakamot sa ulo) Ginoong Simoun ako dala ikaw dito para tayo usap hindi tulad isip mo. Ganito iyon (Winiwika nya habang dinadrama ang nangyari) Kasi ako hingi tulong ganda-ganda babae! Ako hingi tulong kanya kasi sya kaibigan makapangyarihan opisyal na kailangan ko impluwensya sa akin kalakal na pagtutubuan ko anim libo. Kaya ako kuha tatlo purselas iyo kasi di ko alam gusto na babae na yon para sya pili pero ako gulat na sabi nya lahat gusto nya! At ako lugi kasi tatlo libo halaga isa purselas. (Iiyak at magmamaktol habang tumatalon) Akieng lugi! (Tatawa lang si Simoun) Lahat pa tao utang akin, hindi bayad! Musika: Malungkot o Kapighatian. Quiroga: Kita mo na!! waah!! Simoun: Kung gayo‘y akin na ang mga resibo‘t ako ang bahalang sumingil sa may mga utang saiyo. At kung wala kang resibo papuntahin mo na lamang sila sa akin kung silay mangungutang sayo! Quiroga: Ako rami salamat sayo ginoo (Biglang ngangawang muli) Pero wala hiya talaga babae iyon! Simoun: (Mapapahawak sa baba na tili nag-iisip) Paano ba to? Hmm… nagkataon namang kailngan ko na ng siyam na libo ngayon! (Mapapalingon si Quiroga ng may pag-aalala) ngunit.. dahil ayoko namang bumagsak ang iyong negosyo pagbibigyan kita. Pitong libo nalamang ang ibayad mo. Quiroga: (Mapapalingon at magliliwanag ang mukha) talaga?! Ako talaga laki utang looba iyo! (Maiiyak lalo at yayakap kay Simoun sabay ipupunas ang sipon kay simoun ng di nito napapansin sabay ilalayo siya ni Simoun) Simoun: Hep!hep! sinabi ko na sayo hindi tayo talo! (Mapapasinghot nalang si Quiroga) pero may kundisyon ako dyan, diba‘t napupuslit nyo ang anuman mula sa Custom? Quiroga: Oo! Ako suhol marami tao! (Tumatango-tango) Simoun: Kung gayon, nais kong ilabas sa pierang mga kargamentong baril na dumating ngayong gabi. Itago mo muna sa iyong bodega. Quiroga: (Matatakot) naku! Ako ako ayaw gulo! Hindi, hindi (Wika nya kasabay ng pagkumpas ng kamay) Simoun: Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahamak! Ilalagay isa-isa ang mga baril sa ilang bahay.. at sa oras na halughugin ang mga iyon ., marami ang makukulong,at lalakarin koang paglaya nila kaya ako‘y kikita ng malaki! (Evil laugh) Bwahahahaha!!! (Palakad-lakad at nag-iisip si Quiroga) Ngunit kung ayaw mo‘y a--- (Mapuputol ang sasabihin) Quiroga: sige, sige ako payag na. Pero, ikaw utos malami tao likas agad ha? (Tatango-tango lang si Simoun habang nakangise ng nakakaloko) (Lights Off) (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3Blue) (Sa sala makikitang nag-uusap sina Ben zayb, Juaniito, P. Irene, P. Camorra, P. Salvi, Don custodio) Juanito: Maniwala kayo! Tunay na kahanga-hanga ang mahika na ipinapalabas sa perya sa quiapo! Ang espingheng tinatawag sa ngalan na imuthis, isang pugot na ulong nagsasalita! Mula ito sa ehipto at itinatanghal ng amerikanong si Mr. leeds! Ben z: Isang espinghe? (Tatawa) pugot na ulong may espirito? Kalokohan! Marahil ay isang optiko! P. Camorra: Isa iyang dyablo! Isang demonyo, nakakasiguro ako! Ben z: maniwala kayo, optiko lamang ang lahat. Maaaring gumagamit sila ng salamin,iyo nay isang eksperimento sa pisika! (Darating si Simoun) Simoun: narinig koang inyong pinagtatalunan. Bakit di nyo nalamng saksihan ang palabas upang malaman nyo ang katotohanan? (Lahat ay tatango na nangangahulugang pagsang-ayon. (Lights Off) Ikalabing Pitong Tagpo: Setting: Perya sa Quiapo. (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) Tagasalaysay: Mailaw at maraming dekokrasyon(parol) sa paligid ng perya, at maliwanag din ang buwan. Makikita rin ang iba‘t-ibang booth. (nagalalakad sina Ben Zayb napakaraming tao sa perya, makikita rin ang mga batang tumutugtog ng tambol at flute, awiting konsyerto) (namamanyakis si P.Camorra sa mga nakikitang babae at patuloy nalumilinga-linga sa paligid) P. Camorra: Naku! Kelan kaya ako magiging paridito sa Quiapo?! (May makikita syang magandang babae kaya itutulak nya si Ben Z. upang tumabi ito at mas Makita ang babae. Mapapakamot na lamang si Ben Z. pasimplengtinitignan ni P. Salvi si P.Camorra na tila ito ang nahihiya sa pinaggagawa ng pari) P. Camorra: (Magkukunwaring natisod sa babae at pasimpleng manghihipo) Naku iha, pagpaumanhin mo na! (Tatango lang ang babae at aalis na) (Gigil na gigil si P.Camorra sa mga babaeng nakikita nya kaya‘t si bBen Z. ang nagawa nitong panggigilan. Kukurutin P.camorra ang pwet ni Ben Z) Ben Z: (Mapapasigaw at mapapatalon sa gulat) Ay anak ka ng ina mong bisugo! (Pinipigilan nya ito sa ginagawa sa kanya) (Darating si Paulita na inaalalayan ni isagani kasama rin si Donya Victorina) P.Camorra: (Bubulong) Isang tunay na magandang binibini! (Kukurutin muli si Ben Z.) At ang mag-aaral pala na iyon ay kanyang iniibig! Tsk. Maswerte sya at wala sya sa aking parokya! Tsk. Saying. Juanito: (Lalapit kina paulita) maganda ka. (Oo tila nahipnotismong bigkas nito) Este! Magandang gabi sa iyo paulita at D. Victorina! (Iaabot ang kamay nito kay paulita ngunit hindi nito iyon papansinin) D.victorina: (Aabutin ang kamay ni juanito at nagpapa-cute na nagsalita) magandanggabi din juanito (With matching beautiful eyes) ahehe (Kinikilig at di parin binibitiwan ang kamay ni Juanito) Paulita: Tayo na ho tiya (Mahinhin na wika nito at nagpatwina na sa paglalakad kasama si Isagani) D.victorina: Sige Juanito kami‘y mauuna na (Beautiful eyes) sa muling pagkikita! (Tatango lang si Juanito) (Tinititigan ni P.Camorra si Juanito at parang nahipnotismong sumusunod ito sa kanila ngunit pipigilan sya ni Ben Z) Ben Z: Hephep! (Hawak-hawak nito ang noo ni P.Camorra) Tayo‘y may pupuntahan pa. P.Camorra: Magandang dalaga, tsk sayang hmm .. (Gigil nito na kukurutin sana nito si Ben Z) Ben z: Oops - oops! Itigilmo na ang pagkurot sa akin padre! Bakit di mosubukang Kurutin mo ang iyong sarili?! (Biglang may makikitang maliit na estatwang paya‘t na pari at nagsusulat sa ilalim ng parol at nakakalumbaba) ayun si P. Camorra! Hahaha! (Magtatawanan ang lahat) Ben Z: (Ituturo ang mga maliliit na estatwa) Ito‘y mga wala sa sining! (Iiling) P.Irene: Maikli naman ang muka nito! Don Custodio: May angking katalinuhan sa pag-iiskultor ang mga indiyo ngunit dapat na paggawa lang ng santo ang kanilang harapin. P.Irene: Asan na nga pala si Simoun? P.Camorra: Baka naman natakot na pagbayarin natin sa pagbayarin natin sa palabas ni Mr. Leeds! Kuripot! Ben Z: Hindi, marahil ay natatakot na makisali sapagkat nalaman nyang ipapahiya natin ang kababayan nya! Sinasabi ko sainyo. Totoo ang aking sinasabi! (Evil smile) (Lights Off) Ikalabing Walong na Tagpo: Setting: Isang kwarto na may mga itim na kurtina at antigong lampara ang tanging nagbibigay liwanag. Amoy insenso. Nakakatakot na atmospera. Ang lamesa ay may itim na tela at sa magkabilang gilid ay napapalimutian ng bungo ng tao. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Ben Z: Ngayon ginoo (Nagyayabang) wala namang indiyong makakarinig at madaling lokohin, pwede bang ipakita mo sa amin ang kadayaan? (Kinakalabit ito ni P. Camorra na tila takot na maaaring totoo ang palabas athindi dahil sa salamin) Mr. leeds: Bakit hindi ginoo? Basta‘t wag nyong sisirain ang anuman! (pupuntahan nila Ben Z. ang tanghalan at itinaas ang telang itim at kinapa-kapa ang lahat ng lugar sa lamesa ngunit wala itong makapa). P. Camorra: Oh? Asan na ang mga salamin? Ben Z: Putris! Mr. Leeds: Ginoo, may nawawala ba sainyo? Kung salamin ang hinahanap nyo, mayroon ako sa aking hotel. Nais nyo bang Makita ang inyong mga sarili, parang namumutla kayo? (Ngingiti si Mr.Leeds at magtatawanan ang mga manunuod) nasiyahan kaba? Pwede naba tayong magpatuloy? (Sabay ibinalik ang telang takip sa mesa) lahat ay umupo at ihanda ang mga tanong pagkatapos ng palabas. (Pumasok na ito sa isang pinto at bumalik sa tanghalang may bitbit na isang lumang kahon na itim na may guhit ng ibon, bulaklak at mga ulo) mga senyor at senyora! Minsan akong bumisita sa piramide ni khufu, ang faraon ng ikaapat na dinastiya ng ehipto duon ay natagpuan ko ang kahong ito na maaari nyong suriin. (Iaabot sa unang hanay ng upuan) (Lumayo si P.Camorra sa takot. Si P.Irene naman ay nakangiti, si P.Salvi ay tinititigang mabuti ang kahon. Si Don Custodio naman ay parang nagyayabang samantalang si Ben z. ay hinahanap parin ang salamin. (Bulalas ng isang babae: amoy patay! Ikalawang babae: amo‘y lumang simbahan) Mr.Leeds: (Babalik ang kahon sa harap) ang kahong ito ay naglalaman ng isang abo at isang papel na may sulat. Maaari nyong tignan ngunit wag nyong hingahan sapagkat ang kabawasan ng abo ay pagkasira ng ulo! (Tinignan nila isa‘t isa at lahat ay pigil sa paghinga habang tinitignan ito) Mr.Leeds: Hindi ko alam ang gagawin noon! (Wika nito habang dahan-dahang isinasara ang kahon) sinuri kong mabuti ang dalawang salitang nakasulat sa papel ngunit di ko alam ang kahulugan. Nang bigkasin ko ang unang salita ay biglang nahulog ang kahon sa sahig mula sa aking kamay. Nabigla ako at natakot nang buksan ko ang kahon at nakita ko ang ulong nakatitig sa akin. Nataranta ako at hindi malamanan ang gagawin at nang bigkasin ko ang ikalawang salita mula sa papel ay sumara ang kahon at nawala ang ulo at bumalik sa pagiging abo. At nalaman ko ang dalawang salitang ito na ibig sabihin ay kalikasan ang buhay at kamatayan.(Tumigil sandali, naningkit na sinuri nya ang mga reaksyon ng manunuod saka lamang lumapit sa mesa at ipinatong ang kahon) Mr. Leeds: (Tatanggalin ang tela at tatahimik ang lahat saka ibabalik ang tela) kapag nabuhay ang sandakot na abong ito ay maaari nyong kausapin ang kaluluwang batid ang nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap! (Himig ng pagbwelo) hmmmm… DEREMOF!!!!!!!!!!! (Magugulat si Ben zayb, nagliliparan ang mga kurtina sa paligid, nagpapatay-sindi ang mga lampara at ang mesa ay umuuga. Makakarinig ng isang boses na may paghihinagpis, may babaeng nakakapit kay P. Salvi sa takot. Biglang bumukas ang kahon at tumambad ang ulong may makapal na itim na buhok at mukhang bangkay. Bigla itong dumilat at tumingin sa buong paligid saka tumutok kay P.salvi na takot na takot) ESPINGHE! Magsalaysay kakung sino ka! Imuthis: (Isang malalim na boses) ako si Imuthis, isinilang sa panahon ni Amasis, at napatay noong pamumuno ng mga persyano habang si Cambyses ay pabalik mula sa bigo nitong pagsakop sa Libya. Tapos na ko sa pag-aaral at pauwi na ko sa bayan ng gresya, asirya at persya nang ako ay ipatawag sa hukuman ni thot. Bunga iyon nang dumaan ako sa babilonya at matuklasan doon ang kagimbal-gimbal na sekreto ng huwad na smerdis, ang impostor na tagapamahala na si gaumata. Sa takot na ipabatid ko kay Cambyses ang lahat, ginamit ni gaumata ang mga paring ehipsyano para ipahamak ako. Makapang yarihan ang mga paring ito sa aming bayan, may-ari ng ikatlong bahagi ng mga lupain doon at hawak ang kaalaman ng syensya. Pinagdamutan ng karunungan, pinanatiling mangmang at itinuring na mga hayop ang mga mamamayang palipat-lipat sa kanilang mga kamay. Nagpagamit sila kay gaumata dahil sa takot na ibunyag ko ang panlilinlang sa bayan ng mga ito. Kinasangkapan nila ang isang kabataang pari ng Abydos na inakala ng lahat na isang santo…! Mr. Leeds: At ano ang mga pakana ng mga pari laban sa inyo? (Usisa ng amerikano) Imuthis: (Nagpalahaw sa dalamhati ang ulo, dama ng mga naroon ang kasawiang-palad nito) ―ay!‖ Minahal kong isang babaing anak pala ng pari. Pinagnasaan din pala ito ng kabataang pari ng Abydos. Para isangkot ako, nagtanghal siya ng isang huwad na pag-aalsa na isinabay sa pagbalik ni Cambyses at dahil talunan ito ay pinaghaharian ng poot sa kalooban. Binansagan akong rebelde, saka dinakip at ibinilanggo. Swerteng nakatakas ako, ngunit hinabol at pinabaril ako sa lawa ng Moeris. Nalaman ko na lamang na nagtagumpay ang sabwatan, pati ang araw at gabing pagtatangka ng kabataang pari ng Abydos sa birhen kong kasintahang nagkubli sa templo ni isis sa isla ng philoe… nakikita ko siya ng kawalang-pag-asa hanggang sa tila isang kaawang-awang kalapating binabantaan lagi na dagitin ng isang dambuhalang paniki! Ngayong nagbalik ako mula sa kamatayan, pari ng Abydos.. ilalantad ko ang lahat ng mga kabuktutan mo, paninirang-puri‘t kalapastanganan sa diyos. Isa kang mamamatay-tao! (evil laugh, makikitang nangnginig sa takot at pawis na pawis si Padre salvi) P. Salvi: Huwag!maawa ka….! (mabilis na pinuntahan ni p. ireen si p. salvi na hinihimatay) Imuthis: (Patuloy na wika ni Imuthis habang humahalakhak) Mapanirang-puri! Lapastanganan sa Diyos! Mamamataytao! P. Irene: (nagmamagaling) Binawalan ko siya, wag kumain ng sopas na iyon! Masama ‗yon sa kanya! Don Custodio: Hindi ‗yon ang ikinahimatay niya! Titigan ka ba naman ng ulo? Aba‘y ewan ko lang kung sinong di matatakot! Nahipnotismo sya…! Hindi na dapat payagang magpalabas ng ganito. Mr. Leeds: (Hindi ipinakita na bumalik sa pagiging abo ang ulo, basta na lamang nyang isinara ang kahon at tuwangtuwa na nagpaalam) At dyan na tatapos ang palabas! Magandang gabi sa lahat! (Aalis) (Lights Off) Ikalabing Siyam na Tagpo: Setting: Makikita si placido na naglalakad sa lansangan (Tulay) na makikitaan ng galit at ngitngit na ekspresyon ng mukha habang nakakuyom ang kamay. Binabangga ang lahat ng makasalubong na tila naghahanap ng basag ulo. Makikita nya si P. Sibyla at Don Custodiio na lulan ng isang karwahe at tititigan nya ito ng masama habang lumilisan, gigil na gigil sya dito. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Placido: Sabi nila di ako marunong maghiganti! Tignan nalang natin kung ano ang kanilang sasabihin kapag sila‘y tinamaan ng kidlad! (wika nito habang papasok sa kanyang tinutuluyan) Palcido: Makikita lang nila! (Na wari‘y may kinakausap habang kumukumpas) ma— (May sasabihin pa sanang muli ngunit may nabangga sya) ma—(Makikita ang ina) magandang araw ina. (Malungkot na bati nito) Kabesang Andang: magandang araw rin aking anak (mapapansin ang kalungkutan ng anak) Tila ika‘y may dinaramdam? Magkwento ka sa akin. (Wika nito nang may pag-aalala habang nakangiti) Placido: Nakakainis ina ang mga tao sa aming eskwelahan, napapagod na ko sa lahat! (Aaluin lang ito ng ina ngunit nakangiti parin) At iyan! Si Kapitana Simona! Na porket nakapasok sa seminaryo ang kanyang anak ay akala mo kung sino nang Obispo na naglalakad sa sariling bayan! (Galit parin si Placido) Kabeasang Andang: (Tatawa sa pag-aakalang nagbibiro ang anak ngunit mapapansin ding totoo ang ipinapakita nito) Nangako ako sa iyong ama na palalakihin kita‘t paaralin hanggang sa maging abugado ka. Nagsakripisyo ako, kaya kahit minsan ay di ako nangahas na maglaro ng baraha na ang halaga ay kalahati sa piso. Hindi na ako bumili ng bagong damit at ang pera ko‘y ibinabayad ko sa misa at inireregalo kay San Sebastian kahit bago siyang santo‘t wala pang naipapakitang milagro at yari lang sa mababang uri ng kahoy. Ay! Ano na lang ang sasabihin ng ama mo kapag nagkita kami sa langit? (Umiiiyak na wika nito) Tiisin mo ang hirap, ibabalik kita sa unibersidad ng Sto.Tomas sa tulong ng mga abugadong Agustino! (Pasigaw at paiyak na wika nito) Placido: At ano po ang mapapala ko kung ako‘y abugado na? Tatalon muna ako sa dagat o magiging tulisan pag ibinalik ninyo ako sa unibersidad! Ibig kong maging Malaya… mabuhay na Malaya! (Wika nito na may kasaamang drama at umalis na iwan ang inang umiiyak) (Lights Off) Setting: Sa Perya. Aalis na sana si Placido ng makita si Simoun. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Placido: (Naningkit na inusisa nya kung si Simoun nga ito at paalis na sana si Simoun) mang simoun, mang simoun!.. (Lilingon si Simoun) Ibig ko pang kayong makausap nang sandali. (Dadalhin nya ito sa konting tao) Nais kong umalis dito, pumunta ng Hongkong at duon magpayaman! Nais kong maging Malaya! (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Simoun: Magaling! Sumama kayo sa akin sa kalye Iris. (Lights Off) Setting: Sa isang liblib na kagubatan na may kubong may malaking bakuran. Maraming nakakalat na putol putol na kawayan. May isang lalaking baba mula sa kubo. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Simoun: Nariyan na ba ang pulbura? At ang mga bomba? Lalaki: Nasa sako na… hinihintay ko na lang ang mga lalagyan. At handa na ho ang lahat. Simoun: Kung gayon, lumakad ka na ngayon gabi at sabihan mo ang tenyente at corporal. At pumunta ka sa lamayan at makikita mo ang isang lalaki sa Bangka. Sisigaw ka ng ‗kabesa‘ at sasagot iyon ng ‗tales‘. Kailangan ko na siya rito bukas. Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. (Bibigyan ni simoun ang lalaki ng gintong salapi) At isasagawa ito sa darating na linggo! Lalaki: (Matataranta) ngunit, Hindi pa po handa ang mga nasa karatig. Simoun: Hindi na natin sila kailangan. Sapat na sina kabesang tales, mga dating karabinero at isang rehimento. Pag natagalan pa, baka mamatay na si Maria Clara. Lumakad na kayo ngayon. (aalis na ang lalaki at lilingon si simoun kay palcido na tila sindak sa narinig at nasaksihan. Lulunok sa kaba si palcido) Simoun: (Habang naglalakad at sinusundan ni Placido) Siguro‘y, nagtataka ka na ang Indyong umalis ay mahusay magsalita ng kastila? Dati siyang maestro, nagpilit siyang turuan ng wikang kastila ang mga bata hanggang sa alisin siya sa pwesto. Ipinatapon siya sa bintang na naggugulo sa bayan dahil naging kaibigan nya ang sawinpalad na si Crisostomo Ibarra. Hinango ko siya bilang tagaputol ng mga punong niyog sa lugar na pinagtapunan sa kanya at ginawa ko siyang tagapaghanda ng mga paputok. (Sasakay sa karwahe) (Lights Off) Setting: Sa silid ni Simoun, sa bintana ay tanaw ang Ilog Pasig, nakatanaw si Simoun sa bintana at malalim ang iniisip. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Simoun: Ilang raw pa, kapag ang isinumpang lungsod na ito na punong-puno ng mapagmataas at mapagsamantala sa mahihirap at mangmang ay magliliyab na (Matabang na ngingiti), kapag nagkagulo na sa mga karatig at rumagasa na sa mga lansangan ang bunga ng aking paghihiganti, likha ng kasakiman at mga kasinungalingan, wawasakin ko ang mga pader ng iyong bilangguan, aagawin kita mula sa mga panatiko sa pananampalataya at kalapati kang puti, isang fenix na isisilang ng mga nagbabagang abo…! Inagaw ako sa piling mo ng himagsikang inihanda ng mga taong nagkukubli sa kadiliman at ngayon, isa na namang himagsikan ang maghahatid sa akin ng mga yakap mo, bubuhayin kita! Bago bumilog ang buwan, tatanglawan nito ang pilipinas, mahuhugasan na ang nakadidiring karumihan nito! Musika: Kasabikan sa minamahal, paghihinagpis habang umiiyak at poot matapos magbalik ang mga ala-ala ay biglang parang nahirapan huminga. At hahawak sa ulo. Simoun: Malayo na ang aking narating at hindi na ako maaaring umurong pa. (Mapapaupo habang sapo ang ulo) (Lights Off) Ikadalawampu na Tagpo: Setting: Sa opisina ni Don Custodio. Makikita sya nagbabasa ng mga papeles at humihikab, nagkakamot at naninigarilyo. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Don Custodio: Pumayag ang kapitan heneral na ako ang maging tagapaghatol sa panukala ng mga estudyante ukol sa pagkakaroon ng akademya ng wikang kastila sapagkat isa akong Buena tinta! Isang mapagkakatiwalaan o mapapaniwalaan. Tsk. Papaano ba ito? (Mapapakamot sa ulo) kumunsulta na ako kay ginoong pasta..ngunit hindi ko rin naintindihan ang mga iyon sapagkat paiba-iba ito at ang hirap isagawa! Tsk. Hmm (Mapapakalumbaba at hihikab) kung may alam lang sana ukol dito si pe….pay..hay --- Musika: Mangangarap na tila nananaginip. Lalabas mula sa lamesa si pepay na sumasayaw ngpakendengkendeng. umiikot sa kanyang harapan at upuan nya. Tila mawawala ang pagod nito. Magigising ito sa mulat na panaginip ng kamuntikan na syang mahulog sa upuan. Don Custodio: Haysss…. (Mapapakamot sa ulo at babalik sa pagbabasa at hihikab at makakatulog) (Lights Off) Ikadalawangput Isa na Tagpo: Setting: Ika pito’t kalahati ng gabi sa Les Cloches De Corneville (Isang malaking entrada ay may mahabang pila) ay may palabas na gaganapin ngunit siksikan ang mga pumapasok dahil sa dami ng gustong makapanuod at ubos na ang tiket. May naglalakad na isang payat at matangkad na mabagal ang usad. (WARTHROBE) ang isang paa nito na di maibaluktot (Camaroncocido) at kutis-pula, maruming amerikano at manipis na pantalon sapagkat isa itong pulubi, nakasumbrero rin ito na may puting kulot na buhok. Lalapit ang isang pandak, kayumanggi, may mahabang balbas, maputing manipis na bigoteng pahaba, may Sumbrerong De Kopa, pantalong putol hanggang tuhod at patpatin na mas matanda sa kanya (Tiyo Quico). (Lights On: 3 Blue 3 Red 3 Yellow) Bulungan: Tunay na magaling daw ang artistang babae! Tiyo Quico: (Di sadyang mababatukan ang kaibigan) Kaibigan! Alam mo bang binayaran ako ng mga pranses na tinulungan kong mag-anunsyo ng kanyang palabas! (Galak na galak na wika) Camaroncocido: Kung binayaran ka nila ng anim na piso, magkano kaya ang ibinayad nila sa mga prayle? Tsk (Iiling, samatalang si Tiyo Quico ay nagdidikit ng paskil sa pader) Alam mo Quico, kalahati ng tao ay tinatangkilik ang palabas dahil ipinagbawal iyon ng mga prayle. Yung kalahati naman ay iniisip na mabuti at maraning matutuhan duon kung ipinagbabawal ng mga prayle ang palabas. At hindi iyan binabasa ng mga manunuod, at iyong tinutukoy ko saiyo ang ginagawa nilang basehan. (Aalis si Tiyo Quico na may binubulong na di maintindihan, lilibot nalang muli si Comaroncocido nang may nakita syang maraming bagong dating. Kikindat ang isang lalaki sa kanya kaya kukunot ang noo nya ngunit paglingon nya ay ang dalaga pala na nasa likod nito ang kinikindatan nitokaya‘t mapapangiti nalang sya at mapapailing.nagpatuloy lang sya sa paglalakad ng makakita ng apat na military na nagpupulong, aalis na sana sya nang makitang may isang lalaking bumaba sa karwahe na nakilala nyang si simoun na nilapitan ng militar kaya‘t nakinig sya sa pinag-uusapan ng mga ito) Simoun: Ang hudyat ay isang putok! (Tumango ang militar at umalis na rin si simoun) Camaroncocido: Kaawa-awang bayan! (Iiling na lamang-alis na sa scene) (Panay parin ang dating ng mga manunuod. Makikita si Tadeo na kasama ang isang baguhan na si Descartes na isang indyong mangmang sapagkat gaing itosa isang lalawigan. Tadeo: (Nagyayabang) Ah, (Ngunguso) iyon si Pepay isang mananayaw. Pinagbawal na sumayaw ng isang may mataas na pwesto sa lipunan ngunit pinipilit parin na magsayaw ngt lalaking si Z. ayun naman ay si Ben Zayb isang manunulat na matalinong kaibigan ko. (Nakangisi, kapag may bumabati sa kanya) isa iyang hepe sa isang opisina, oo ayan din! (paghindi naman sya pinapansin) ah… isa lamang yang hamak na kawani, isang walang kwentang tao. (At kung sino-sino pang tinuturo) ah ayan si ano - oo sya – oo sya rin (Parang walang ganang bigkas nito at mapapanganga si Descartes sa paghanga titigan ni Tadeo si Paulita kasama nito si juanito at D. victorina na daraan sa harap nila kasunod nito ay sina macaraig,Sandoval, Isagani at Pecson. Uunahan nyang lapitan ito) magandang gabi! (Nakangiting bati nito) Macaraig: Manonood ba kayo? Tadeo: Naubusan na ko ng tiket..tsk..(Nailing na wika nito) Macaraig: Halika na‘t sumama sa amin, hindi makakasama si basilio kaya saiyo na lang ang kanyang tiket. Tara! Ikaw ginoo hindi ka ba sasama, halika na‘t sumama sa amin. Descartes: Ah! Hindi na,bigla kasing sumakit ang aking tyan..ahe-h. Macaraig: Kung gayo‘y di kana mapilit, kami‘y magpapatwina na! a Diyos! (Aalis na) (Lights Off) Ikadalawangput Dalawa na Tagpo: Setting: Sa loob ng Teatro. Nahahati ang lugar sa dalawang pwesto.ang entablado at ang mga lugar kung nasaan ang mga upuan. Maingay sa loob dahil sa kainipan ng mga manunuod, maramiing nagsisitayuan. May dalawang upuan na nakareserba ang tanging hindi nauukupahan. Ang mga estudyante ay nasa tapat ng upuan ni pepay na binigay ni macaraig para kay pepay. Mapapahinto ang lahat matatahimik, mapapalitan ng Marcha Real ang pagtugtog ng balse dahil sa pagdating ng kapitan heneral, titingin ito sa paligid at lahat ay tatango. Sa kabilang banda. Darating si Sandoval at lalapit kina Macaraig. Tutugtog muli ng isang Orchestra matapos umupo ng Kapitan Heneral at bilang pabungad na tugtugin. (Lights on: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) Sandoval: Ano nang balita? Macaraig: Nagkasundo na kami ni Pepay, at tutulungan nya tayo. Nagpadala na sya ng liham kay don custodio at kaya nagpunta si don custodio dito kahit na tutol sya sa palabas, ay para sabihin kay pepay ang sagot. (Nakangiting wika nito habang nagtititigan sila ni pepay ng makahulugan) Sandoval: Mapapagtibay na rin ang ating petisyon! Pecson: (Mapapangiti) Mabuti (Matutuwa ang lahat ngestudyante magkakamayan ang lahat) (Makikita si Isagani na hindi nakikisalisa kasiyahan sapagkat makikita nya sina paulita at Juanito na masayang nag-uusap. nakangiti si paulita kay Juanito kaya lalong nag-ngingitngit sa selos, galit, kahihiyan at hinanakit ito Si Paulita naman ay tinignan si Isagani ng nangangahulugan ng ‗patawad‘ at ‗magpapaliwanag ako‘. Malapit nang maluha si Isagani. Itutuon nya nalang sa iba ang pansin (Sa entablado) at hindi na muling titignan ang dalaga. Patuloy parin sa paglingon ang dalaga sa kanya) (SA ENTABLADO) Musika: Nagbukas na ang telon. Mga anim o pitong dalaga na may matitingkad na labing kulay pula at pisngi. Ito‘y sina Grenicheux, Gertude, Germaine, Serpolette. Nakasuot sila ng gorang bulak at bakya na makukulay at may itim na mascara (Itim na bilog sa gilid ng mata, nakikita ang kanilang mapuputing braso, mga bilog at makinis na hita at mga daliring maraming brilyante. Umaawit ang mga ito ng maypang-akit na ngiti. Makikita na nababagot na si Tadeo sapagkat inaantay nya ang malaswang parte ng sayaw, ganundin si Sandoval. Pasimpleng tinitignan ni Don Custodio si Pepay. Tadeo: makakakita tayo ng kaakit-akit na sayaw! Magsasayaw sila ng can-can! Macaraig! (tila sabik na sabik at pinagkikiskis ang dalawang kamay. Ngingiti ang mga estudyante samantalang si isagani ay iniiwasan ang manuod at baka Makita sya ni paulita ngunit masminabuti nya na manood nalang upang hindi Makita ang dalaga dahil nasasaktan sya) Tadeo: Ang tagal naman ipalabas ang pagsayaw nila ng cancan! Sepolette: Hein! Qui parle de Serpolette? (Naghahamong tanong nito) (Papalakpak si Padre Irene na nakabalat-kayo, may huwad na bigote‘t may mahabang ilong. At lahat ay susunod sa pagpalakpak) Tadeo: (Titignan ang nginingitian ni Serpolette) Diyos ko po! Si Padre Irene yun ah! (Hininto ni Serpolette ang pag-arte at pag-awit, pupuntahan ni Serpolette si Padre Irene at yayakapin si Padre Irene sa braso.pilit na niyuyugyog si Padre Irene upang tanggalin ang balat kayo at tarantangtaranta si Padre Irene na binulong) P. Irene: Sshhh!! Ssshh!! Igalang mo ko Lily! Ako ang santo papa rito! (Bibitawan sya ni Serpolette at magpapalakpakan ang mga tao) (Nadismaya ang mga estudyante ng bumalik si sepolette at huminto na ang tugtogin. Sabay sabay na babagsak ang balikat ng mga estudyante si isagani lang ang tila malalim ang iniisip) Mga estudyante:Haaaay!!!!! Tila wala namang Can-can! (Sa pwesto nila paulita: pasimpleng tinititigan lamang ni paulita si isagani. Samantala, si Donya Victorina ay nagpapacute kay Juanito na pumapalakpakat tumatangona wari‘y nauunawaan ang napapanuod. Juanito: (Lilingon kay Paulita) alam mo paulita.. Paulita: (Ngingiti ng pilit) wala ka pang sinasabi kaya‘t paano ko malalaman? He—he? Ano iyon? (Walang ganang wika nito) Juanito: Kasi alam mo.Paulita di ko na kelangang tumingin o manuod ng palabas na ito upang makakita ng maganda. Paulita: Bakit? (Tataas ang kilay) Juanito: Kasi aanhin ko pa ang mga kagandahan nila na sinusulyapan mula sa kalayuan kung meron namang mas malapit at mas magandang nasa tabi ko. (Ngingiti ng kay tamis si juanito at mamumula si paulita at tatakpan ang mukha sabay sulyap kay isagani na biglang kanyang kinainisan sapagkat tutok na tutok ito sa pinapanuod) Donya Victorina: Ika‘y tunay na maginoo Juanito. (Malanding bigkas nito sabay hahampasin si Juanito, matutumba si Juanito paharap) hehehe.. (May darating na dalawang mag-asawa) Senyora: (Tila matapobreng tinignan ang paligid ng teatro) huli akong dumating sa inyong lahat! Mga hampas lupa‘t probinsyano hmp! (Mataray na wika nito sabay uupo kasama ang asawa nito) (Magiging tila isang palengke ang entablado na may lalabas na tatlong banderitas na may nakasulat na servants, cochers at domestiques. Makikita si Juanito na tila nagpapaliwanag kay D. Victorina at Paulita. D. Victorina: Ang galingmo talaga Juanito (kinikilig) ang husay mo mag-pranses, buti ka pa, pero aking asawang si tiburcio ay di man lamang marunong. (Nang matapos ang unang pagtatanghal ay nagdumugan ang iba sa may sild-bihisan ng mga artista at ang iba naman ay mananatili) Ben Z: Pweh! Wala ni isa man sa kanila na tawaging artista! (Kumuha ng pagkakataon rito si Macaraig upang kausapin si Pepay.Maiiwan si Sandoval, Pecson at Isagani sapagkat umalis din si Tadeo upang kausapin si Don Custodio. Lalapitan ni Macaraig si pepay at may iaabot itong sulat. Matapos makipag-usap ni Macaraig kay Pepay ay nag-uusap ang mga estudyante. Hawak-hawak nito ang isang papel na inabot at binasa ni Sandoval. Sandoval: Wala naman akong makitang masama sa sulat, kabaliktaran pa nga! Macaraig: Pinagtibay ang ating kahilingan; pero nagkita kami ni Padre Irene. (Malungkot na sabi nito) Pecson: Oh? Anong sabi nya? Macaraig: Sinunod ng komisyon ang pasya ng taga-pamagitan! Pero nang-iinis yata nang batiin tayo sa ating pagkamakabayan at kagustuhang matuto! (Tagis bagang na wika nito) pero alam nyo ang sabi nila? Para hindi daw masayang ang ating ideya, minabuti nilang ordeng relihiyoso ang mamahala at magpatupad ng proyekto! At tayo raw ang mangongolekta ng mga ambag at butaw. Tungkulin rin natin ang pagbibigay nyon sa mapipiling mamahala, reresibuhan naman daw tayo!!!! Pecson: Sandoval (Inis na iwinika nito sabay haggis sa mukha nito ang isang medyas na sinalo naman di sandoval) ayan na ang guwantes! Ang hamon. Macaraig: At ang nakakatawa pa, tayo raw ay magdiwang sa pamamagitan ng isang salosalo o isang parada ng mga sulo. Magpasalamat daw tayo sa mga taong tumulong sa ating tagumpay! Pecson: Sige tayo ay magdiwang! (Tatawa ng pillit) Tayo‘y magdaos ng isang salosalo sa pansiterya,isang pagdiriwang na walang katulad! Na ang mga maglilingkod ay mga intsik na walang pang-itaas na damit! (Pumalakpak si Sandoval at nagsitango ang lahat bilang pagsang-ayon. Nang tumunog na ang Orchestra bilang hudyat ng ikalawang palabas ay nagsi-alisan na ang mga mag-aaral. (Lights Off) Ikadalawangput Tatlo na Tagpo: Setting: Sa ospital. Isang silid na kung saan nakahiga si Kapitan Tiyago na tila isang bangkay. Makikita si basilio na nagbabasa nang isang libro sa ilalim ng mesa na may lampara. Makakarinig ng yapak ng paa palapit sa kinaroroonan ni basilio. Bubukas ang pinto at lilingon si Basilio at ibaba ang libro. (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) Simoun: (Nakakasindak na mukha) kamusta na ang maysakit? (Sabay tingin sa mga libro) Basilio: Mabagal ang tibok ng puso, mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na sya ng gana sa pagkain. (Pabulong na wika ni Basilio na may malungkot na ngiti) pinagpapawisan siyang mabuti sa madaling araw. Nakakalat na ang lason sa buong katawan niya. Maaaring mamatay siya anumang oras. Simoun: (Matamlay na sagot) tulad ng pilipinas! Basilio: Lalo syang pinahina ng mga bangungot, ng mga pananakot! Simoun: Tulad ng pamahalaan! Basilio: (Malungkot paring wika) ilang araw na ang nakaraan, nagising siya sa dilim. Akala niya‘y bulag na sya kaya nagwala sya at minura ako. Nagsuspetsa siyang dinukit ko ang kanyang mga mata. Nang ilawan ko, napagkamalan niya akong si Padre Irene. Ako daw ang Tagapagligtas niya.. at—(biglang tumunog ang orasan; alas diyes na ng gabi. Kinumpas ni simoun ang kamay bilang pagtigil kay Basilio na magsalita) Simoun: Making kayo saken! Mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang oras, sa isang senyas ko, magsisismula na ang himagsikan. Magsasara ang unibersidad bukas dahil ang makikita nyo ay labanan at patayan lamang. Handa na ang lahat.. tiyak ko na ang aking tagumpay! Lahat ng di nakatulong ay ituturing naming kaaway. Basilio! Naparito ako upang papiliin ka: ang kamatayan o ang kinabukasan mo?! Basilio: (Mapapa-isipna tila naguguluhan) kamatayan o kinabukasan ko? (Napapailing sa kalituhan) Simoun: Hawak ko ang lakas na magpapakilos sa ating pamahalaan! Naglilibang sa teatro ang kanilang pinuno ngayon, naghahangad ng isang gabiong ng kasiyahan. Hindi nila alam walang sinumang uuwi para matulog nagayong gabi! <evil laugh> napaniwala ko ang rehimyento ng mga kawal na paghihimagsik ito utos ng kapitan heneral at ang iba‘y mga prayle ang nagsabwatan. Salapi, trabaho at paghihiganti ang nagpapakilos sa mga kawal. Marahil, sa pag-aalsangito nakikita nilang pinapatay o pumapatay sila. Sinamahan ako hanggang dito ni Kabesang Tales! Huling alok ko na ito: papanigkayo sa amin o masalanta sa poot ng aking mga tauhan? Kailangan may panigan kayo sa oras na ito! Basilio: (Biglang may maaalala) si Maria Clara? Simoun: Oo, iligtas niniyo siya para sa akin (May pagsusumamo ang mata nito at boses) sinikap kong mabuhay at makabalik sa aking bayan para lamang iligtas siya. Kailangang isagawa ang himagsikang ito na magbubukas ng mga pinto ng kumbento! Basilio: (masasapo ang ulo) ginoo, ngunit..ngunit.. patay na si maria clara kanina pang alas seis ng hapon! (tila nakikiramay na wika nito) Simoun: (Sarkastong tawa nito at biglang sisigaw) hindi totoo yan! Buhay ang aking mahal! Buhay si Maria Clara! Gusto nyo lang akong linlangin para makaiwas sa paghihimagsik. (Yuyugyugin ang balikad ni basilio) kailangang iligtas natin siya o mamamatay kayo kinabukasan! (Galit na sigaw na ito) Basilio: (Tataliwas ang tingin) ilang araw na pos yang maysakit. Bumisita ako sa kumbento at nabatid ko ang nangyari. (Hahawakan niya ito sa braso habang gulat na nakatulala ito na maluha-luha) Simoun: (Pasigaw at hinila ang kwelyo ng damit ni Basilio) KASINUNGALINGAN! Basilio: (Pipigilan ito ni Basilio at Kukunin niya ang sulat sa libro nya na kaipit dito at iaabot kay simoun) basahin nyo ang sulat na ito ni padre salvi na hatid ni padre Irene kay kapitan tyago. Magdamag na umiyak ang maysaki, hinahagkat ang larawan ng kanyang anakat hinihingnganito ng tawad.humantong iyon sa labis na paghithit niya ng opyo. Ngayon pong hapon tinugtog ng kampana ang agunyas para sa pagyao ni maria clara! Simoun: (Sinapo ang ulo ng buong higpit) Musika: Agunyas nang tugtugin ng kumbeto tila baliw at lasing na nawala sa sarili si Simoun) ang tunog ng agunyas na kanina ko pa nadidinigay para pala aking minamahal na si Maria Clara! Yumao siyang di ko man lang nakita o nalaman niyang nabubuhay ako dahil sa lamang sa kanya! (Napasigaw si Simoun, mapapalakad siya sa kabilang panig ng tanghalan) Basilio: (Habang lumalabas si Simoun) kaawa-awang ginoo.. Musika: Simoun: (Umiiyak) Mahal ko… bakit di mo ko hinintay! Buhay ako mahal ko! Nangako ako na babalikan kita.. nangako ako..ngunit di ko matutupad iyon sapagkat ika‘y lumisan na!! mahal ko! (umiiyak parin) Musika: MV. Simoun at Maria Clara) (Matapos ang kanta) Simoun: (Mapapaluhod) mahal na mahal kita maria clara!! paano pa ako mabubuhay kung wala kana! Nabubuhay lang ako para sayo! Ikaw ang buhay ko maria clara!!! Ikaw ang may hawak ng buhay ko mahal ko kaya‘t.. wala ng silbi (mapapailing habang umiiyak) wala ng silbi.. wala ng silbi ang mabuhay pa.. mahal kong maria clara bakit ako‘y hindi mo hinintay at ika‘y lumisan?.. (pasigaw) MAHAL KO!! (Lights Off) Ikadalawangput Apat: Setting: Sa plasa Malecon. Sa tabi ng dagat sa maynila ay naglalakad si isagani habang inaalala ang pag-iibigan nila ni paulita. Malungkot ang atmospera ng kapaligiran, mapanglaw ang karagatan at iilan lang ang mga bapor. Tanaw ang monumento ni Anda. (Lights On: 3 Red 3 Blue 3 Yellow) Isagani: (Mapoot na wika) Hah! May sakit si simoun at ayaw tumanggap ng bisita? (Sarkastong wika nito) mabuti sya‘t mayaman, kaya inaalala ng marami.pero paano ang mga sundalong galling sa malayong paglalakbay,may sakit, sugatanat walang dalaw? (mayamaya ay nahinto ito sa paglalakad) gusto kong maging isang simbolo ng kawayan at mag-iwan sa aking inang bayan ng isang pangalang kanyang ikararangal, ang mamatay sa isang layunin, tulad ng pagtatanggol sa aking bayan laban sa mga dayuhang mananakop.. hanggang maging di-matitinag na tanod ng karagatan ang aking bangkay! (Palalim na ang gabi. Nanlumo si isagani ng di pa rin Makita si paulita. Ngunit mayamaya ay nakarinig sya ng papalapit na ingit ng mga gulong ng karwahe. Napalingon siya at kinabahan, natanaw niya ang karwaheng hila ng mga puting kabayo. Sakay nito sina paulita, donya victorina at isang kaibigan. Paghinto ng karwahe.. masiglang lumabas si Paulita mula rito at nakangiting binati sya. Paulita: Magandang gabi! (Nakangiting wika nito at bilang pakikipagkasundo ay ngumiti rin ito. Biglang nagliwanag ang paligid ni isagani,naglaho ang poot na nadarama, pakiramdam nya ay napuno ng bulaklak ang buong paligid, pakiramdam nya ay silang dalawa lang naroroon. Ngunit bago pa sya makabati ay nagsalita si Donya Victorina at hinarangan si Paulita) Donya Victorina: Ano ng balita mo sa walang hiya kong asawa hmp? (Nakataas ang kilay na wika nito) Isagani: (Aapakamot sa ulo niya) wala po ni isa sa mga estudyante na nagsasabi sakin hanggang ngayon kung nasaan siya. (nakatago sa likod nito ang daliri nyang naka-cross) Donya victorina: Pakisabi sa pilay na asawa ko, ipapaalam ko na ito sa guwardiya sibil. (Galit) kailangan kong malaman kung nasaan sya, buhay man o patay sya. Mahirap maghintay ng sampung taon bago makapg-asawang muli. (magtataka si Isagani) ano ang palagay mo kay juanito Pelaez? (kinikilig) Isagani: Sa tingin ko ho, bagay na bagay ho siya sa isang tulad nyong kaibig-ibig (pigil ang tawa) tunay na makisig at maginoo si Juanito na tunay na nababagay sa inyo! (gustong abutin ni isagani ang kamay ni paulita ngunit haharang muli si D.Victorina) Donya victorina: (Kinikilig) talaga? Hmm..ahihihi..(itutulak si Isagani at darating ang kaibigan nila Paulita) Kaibigan: Nahulog ho ang abaniko ni Paulita! Isagani: Ako na ho ang kukuha! (sesenyasan ni paulita si isagani mula sa likod ni D.Victorina) Paulita: Sasamahan ko na ho sya tiya! Donya victorina: Sige! Bilisan nyo ha! (kinikilig parin) huwag mong papabayaan ang aking pamangkin! (Sabay kurot sa pwet ni isagani) Paulita: Tiya! (Nakaalis na ang tiya nya at maririnig parin ang halakhak nito) Donya victorina: (Umaawit) lala.. oh,aking pag-ibig.. hmm ang irog ko.. lala (Matatawa nalang si isagani at Paulita) (Nang makuha ni Isagani ang pamaypay ni Paulita) Paulita: (Iwas ang tingin na wika nito) bakit naririto ka? Ang lahat ay nasa luneta na pati narin ang mga ARTISTANG PRANSES. (Madiin na wika nito sa artistang pranses na may ibig sabihin) Isagani: Ikaw angaking kasintahan.. paanong hindi ako.. Paulita: (Putol na wika nito kay isagani) ngunit kagabi‘y di mo man lang napansin na ako‘y nasa dulaan.. tinitignan kita mula simula hanggang wakas ng palabas ngunit hindi mo man lang inaalisa ang iyong mga mata sa mga artistang pranses na iyon..(buong hinanakit na wika nito) Isagani: Ipagpatawad mo ako aking paulita, ang buong akala ko kasi ay kayo ni juanito ay nagkakamabutihan na..magkasama kasi kayong dalawa at nakikita kong.. Paulita: Napilitan lang naman akong sumama sa aking tiya at pumayag din ako sapagkat nagbabakasakali akong Makita kita duon sa dulaan, walang halaga sa akin ang juanitong iyon. (Tampo na wika nito) ang tiyahin ko ay umiibig sa kanya (Pigil na hagikgik nito gayun narin si Isagani) Isagani: Patawarin mo ko, sana‘y di na ito maulit! (Tatango lang si Paulita at yayakapin ito at magbibitiw) nasa amin si Don Tiburcio at nagtatago, wag ka mo na lamang sabihin sa iyong tiya. Nga pala alam mo ba paulita, ang aking bayan ay tunay na tahimik at malapit sa ating inang kalikasan. Nakadarama ako ng kalayaan kapag naroroon ako sa kabundukangiyon. Masarap ang simoy ng hangin at sobrang liwanag ng buwan. Hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit isang libong syudad o isang libong palasyo at saan mang lugar hay! Paulita: (Makakaramdam ng panibugho si Paulita at kukunot ang noo) ganoon mo iniibig ang lugar na iyon? Isagani: Aking irog, oo‘t mahal na mahal ko ang lugar na iyon, ang lahat duon ay tunay na iniibig ko ngunit.. nang makilala kita, nagbago ang lahat.. naging madilim at malungkot ang lahat duon kaya kung naroon ka lamang kahit minsan, kung yumapak kahit saang landas duon, kung tumanaw ka lang sa dagat at marinig ang malambing mong awit. Ang kagubatang iyon ay magiging paraiso! Paulita: Makakapunta lamang ako patungo sa bayan niyo kung sakay ako ng karwahe o ng sasakyan sa mga riles ng perokaril. Isagani: Malapit ng umunlad ang ating bayan. Tinutulungan na tayo ng espanya,nagisingna ang mga kabataan natin ngayon! Mag-uunahan pa ang hukbong Kastila at Pilipino sa pagsupil sa sinumang gustong tayo‘y sakupin. Mangingibabaw ang kapayapaan! Mawawala na ang pang-aalipin at pang-aalipusta! Aangat an gating negosyo, industriya, at agrikultura. Tulad ng inglatera, susulong ang siyensya sa ilalim ng kalayaan, at matalinong pamumuno at ng mga batas ng pantay na gagamitin para sa lahat! Paulita: At sakaling wala kayong maisagawa? Isagani: (Nasaktan ang kalooban sa sinabi, tinitigan sa mga mata si Paulita at hinawakan ang kamay) alam mo kung gaano ang pagmamahal at pagsamba ko saiyo. Gayun pa man, kung hindi naming maisagawa ang sinabi ko saiyo, maghahangad nalamang ako ng iba na palagaysa akin. Mamamatay akong maligaya dahil makikita ko sa kislap ng mga mata mo ang pagmamalaki mo sa akin sa buong mundo.. na akong mahal mo‘y nakipaglaban at namatay alang-alang sa mga karapatan ng inang-bayan! (maghahalikan na sila nang biglang) Donya victorina: (Sigaw) Umuwi na tayo Paulita! Nang di ka sipunin.(mapapakamot sa ulo si isagani at mahihiya si paulita sabay silang tutungo sa kinaroroonan ni D.Victorina) (Lights Off) Ikadalawangput Lima na Tagpo: Setting: Sa Panciteria De Macao. May naka-paskil sa dingding kasama ng mga dekorasyon sa loob ng resto na nakasula: LUWALHATI KAY CUSTODIO DAHIL SA KANYANG KATUSUHAN AT PANSIT SA LUPA PARA SA MGA BINATANG MAY MABUBUTING KALOOBAN! (Lights on: 3 Red 3 Yellow 3 Blue) (Labing apat silang estudyanteng naroon at wala si Basilio. Makikitang lahat ay pilit ang kilos tulad ng tawanan at tuksuhan. Lahat ay sinusuri ni Sandoval. Babasahin nya ang babala sa may pintuan) Sandoval: Paggunita sa tagapangasiwa,sa kumakainditong madla,huwag iwan ano mang dala, sa upuan o sa mesa.hm, pag nakita ni isagani ang babalang ito, baka iregalo pa nya ang kanyang magiging tiya! (Biro nito) Mag-aaral: Andito na si Isagani! (Kasunod ni Isagani ay dalawang hubad-barong tsino na may dalang maraming masasarap na pagkain) Tadeo: Sana‘y naimbitahan si Basilio upang lasingin sya at makakaalam tayo ng mga sikreto! Macaraig: Mga ginoo, ang pansit langlang ay napakasarapna sopas. Tignan mo Sandoval, ang sahog nito ay kabute, hipon,binating itlog, bihon, manok at kung ano-ano pa. Ialay natin kay Don Custodio ang unang bunga: ang mga buto. Tignan natin kung anong panukala ang maiisip nya rito! Mag-aaral: Mahirap tandaan ang ngalan nito kaya, dahil para ito kay Don Custodio, tatawagin ko itong Proyektong Sopas!(Nagtawanan anglahat) Mag-aaral#2: Ang ikalawang ulam ay Lumpyang Tsino mula sa karneng baboy ay ialay Padre Irene! (Sigaw nito) Mag-aaral#3: Hindi makakakain ng baboy si padre Irene kapag malapit iyon sa ilong! (tatawa ang lahat) Mag-aaral#4: Edi tanggalan ng ilong.. Mga mag-aaral: (Isinisigaw, tatawa ang lahat) tanggalin ang si Padre Irene (3x) Macaraig: Ang ikatlong ulam ay tortang alimango! Mag-aaral: (Bisaya) Na iaalay sa mga prayle! Sandoval: Dahil sila‘y mga Alimango! (Tawanan) Mag-aaral#5: Tortang Prayle! Tadeo: Tumututol ako sa ngalan ng alimango! Macaraig: Ang ikaapat na ulam ay Pansit Guisado!(mapapalingon ang lahat) mga ginoo, hindi kilala ng mga Tsino o Hapon ang pansit kaya maaaring sa Pilipino ito. Ang tsino lang ang nakikinabang. Tulad nyan ang pilipinas at ang pamahalaan natin; pinakikinabangan, ngunit siya pa ang lagging masama.kaya ang pansit guisado ay iaalay natin para sa bayan at sa pamahalaan! Mga mag-aaral: Ipagtibay! (Sabay tatawa) Isagani:Tutol ako! Ialay natin ito kay quiroga na isa sa makapangyarihan sa mundo ng mga Pilipino! Mag-aaral#7: Wag kayong maingay,mag-nagmamanman sa atin..may tenga ang mga pader! (Mapapansin na tumahimik ang katabing resto at may mga taong sumisilip sa bintana kaya magsususpetsa ang mga magaaral. Macaraig: Magtalumpati ka Tadeo! Tadeo: (Parang nagulat at nataranta) Ehem,ehem..mahal kong mga kasama sa proyekto. (Wika nito habang ikinukumpas ang pang-ipit ng apgkain na sumasabit sa ulo ng katabi) bilang tugon sa hiling ninyong magpuno ako sakakulangang naiwan.. Sandoval: Mangopya, binigkas na ng pangulo n gating liceo ang talumpatin yan! Tadeo: ano ba ang masasabing isang tulad kong gutom at di pa nag-aalmusal? (nakikipag-agawan samanok gamit ang pang-ipit) may sang putahe mga kaibigan,na yaman ng isang baying itinuturing na alamat at katatawanansa buong mundongito.. na sinandok ng isang masibang mga taga-kanluranin. Sandoval: Pati kanluranin! (Ituturoang kutsara) Isagani: Pahinging patis! Ipasok na ang lumpia! (nag-agawan ang lahat sa lumpiaat nagsitungga ang ilan ng alak) Mga Mag-aaral: Pecson! Pecson: (Pigil ang tawa) kung ang busog na tiyan ay pinuputi sa diyos, ang gutom na tyan ay papuri sa mga prayle. (natatawa ang lahat) Isagani: Mga kaibigan making kayo, ibig kong malaman nyong may itinatangi ako sa mga prayle! Sandoval: (Kakanta) isa man, dalawa, tatlong prayle sa may koro katulad din ng ginagawa ng iisang toro. Pecson: Alisin ang mga prayle‘talisin ang mga indiyo, papaano ang kaawa-awa nating pamahalaa? mapapasa-kamay lamang ito ng mga tsino! Isagani: Magiging tortang alimango! Mag-aaral: Iyan ay dapat nating gawin.. ang itigil ang talumpati.hay (hihikab at tatayo papunta sa balking nakaharap sa ilog patakbong babalik sa mga kasamahan) minamatyagan tayo! Nakita ko ang paborito ni padre sibyla!(dumungaw si isagani sa may plasa. Saka sumenyas na lumapit ang mga kasama sa bintana. Nakita nilang may lalaking lumabas ng resto at palinga-linga at saka sumakay sa karwahe ni simoun) Macaraig: Ah! Ang alipin ng biserektor ay pinaglilingkuran ng panginoon ng heneral! (Lights Off) Ikadalawangput Anim na Tagpo: Setting: Sa isang klinika. Papasok si basilio na makikita nya ang isang bigang propesor.lalapit ito sa kanya at hahawakan sya nito sa balikat. (Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Red) Propesor: Kasama ka ba kagabi? Basilio: Hindi ho, may sakit si kapitan tyago at kailangang kong tapusin ang pagbabasa ng libro.. Propessor: Mabuti‘t wala ka roon, pero kasapi kayo ng samahan ng mga estudyante? Basilio: Nag-ambag ho ako.. Propesor: Naku! Umuwi kana agad at sirain ang lahat ng papeles na maaaring magsangkot sa inyo! Basilio: Si Senyor Simoun ho? Propesor: Wala syang kinalaman at nakaratay ngayon. Sinaktan sya ng masamang tao. Mga estudyante lamang ang sangkot; may mga nakitang paskin na masama! Mag-ingat ka ngayon! (Papasok sa loob ng klinika ang isang propesor sa patolohia na hinihinalang espiya ngunit mas mukha itong sacristan) Propesor: (Kikindat kay Basilio) alam ko na kung bakit amoy bangkay ba si k. tyago: dinadalaw na sya ng mga uwak at buwitre. (Lights Off) (Sa unibersidad, paparating si Basilio. Madadatnan nya na pinapauwi na ng mga gwardya sibila ng mga estudyante, lahat ay malungkot maliban kay Tadeo) (Lights On) Basilio: Ano ang nangyari? Tadeo: Ikukulong tayong mga kasapi ng samahan! wuhu.. bakasyon.. bakasyon..walang pasok yeah! (sumasayaw at inaawit na wika nito at lumisan) Basilio: At tuwang-tuwa kapa? (Dadating si Juanito,halatang takot) Juanito! Anong nanyari? Juanito: Wala. wala! Wala akong alam! Wala akong kinalaman sa nangyari! Basiliio: Oi! (Tatakbo si juanito) oi ano bang nanyari? (Sigaw nito ngunit wala na si Juanito) (Maglalakad si Basilio sa opisina sa unibersidad ngunit sarado ito. Makikita rin ang daan ng daan na mga prayle, military at ibang tao. Makikita nya si isagani na may kausap na mga mag-aaral at makikinig muna sya) Isagani: Hindi dapat tayo panghinaan ng loob at nagkawatak-watak dahil lang sa walng kwentang pangyayari? Ngayon pa ba tayo tatalikod? Mag-aaral: Pero sino kaya ang walang hiyang sumulat sa mga paskin at nagdikit ng mga iyon sa unibersidad? (Galit na wika nito) Isagani: Wala tayong pakielam duon! Hayaan na natin ang dapat magsiyasat duon! Ang mahalaga kung naaayon iyon sa atin at kung mabuti ang nakasulat duon, dapat nating pasalamatan ang gumawa nun pero kung paninira ang mga nakasuklat duon, ang ating mga pagkilos at konsensya ang magtatanggol sa atin sa anumang bintang. (Hindi na lalapit pa si Basilio at lilisan na) (Lights Off) (Sa isang bahay. May dalawang guwardiya sibil na nagbabantay, pipigilan sya ng mga ito) (Lights On) Guwardya sibil: Anong kailangan mo? (Nakakunot ang nuong wika nito) Basilio: (Tila magsisisi sa hindi pag-iingat) nais ko hong makausap si macaraig. Guwardiya sibil#2: Maghintay ka rito. (Tatayo lang si Basilio sa gilid at mapapakagat labing may iniisip. Palabas na si Macaraig) Macaraig: Ano pati ikaw Basilio? Basilio: Narito ako upang kausapin ka! Macaraig: (Sarkastong tatawa) Kahanga-hanga, sa oras ng kapayapaan ay wala ka samantalang ngayong. Kabo: Binata! anong pangalan mo? Basilio: Basilio ho, bakit ho? Kabo: (Titignan ang kanyang talaan) isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye analogue? (Mapapakagat sa labi si basilio at lalapitan sya ng kabo at hahawakan sa balikat) Kayo‘y aming dadakpin. Basilio: Ano pati ako? (Bulalas nito) Macaraig: Wag kang mag-alala kaibigan, ikukuwento ko ang lahat ng nangyari sa piging kagabi! (Maingat silang binabantayan ng mga guwardya sibil habang naglalakad) (Lights Off)