SUMMATIVE TEST 3 GRADE VI – ESP Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Bilang Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at kalidad (EsP6PPPIIIg–38) 50% 10 1-10 Naipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng anumang proyekto na makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa (EsP6PPPIIIh–39). 50% 10 11-20 100 20 1 – 20 Kabuuan SUMMATIVE TEST NO.3 GRADE VI – ESP Pangalan:__________________________________________Grade and Section:_________ I. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa pamantayan at kalidad ng paggawa at Mali kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel. _____1. Naiinip ako kapag gumagawa kami ng mga proyekto sa asignaturang TLE. _____2. Hindi ako nanghihinayang sa oras at pera na ginugugol ko sa isang gawain na gusto kong palitan kapag hindi pumasa sa aking pamantayan. _____3. Masaya akong naglilinis ng bahay at pinagbubuti ko ito upang matuwa ang aking mga kasambahay. _____4. Nakahanda akong makipagtulungan sa aking mga kamag-aral upang madaling masolusyunan ang tanong at problemang di-inaasahan. _____5. Buong kahusayan kong ginagawa ang isang gawaing iniatas ng guro sa akin. _____6. Hindi ko pagbubutihan ang pag-uulat sa harap ng klase dahil laging ako ang kanilang inuutusan. _____7. Ibibigay ko ang tamang paggalang sa aking mga kamag-aral dahil iyon ang nararapat. _____8. Iiwasan kong manggaya sa gawain ng iba upang mapadali ang aking paggawa. _____9. Ang salitang “puwede na ‘to” ay iwawaksi ko sa paggawa bagkus ay pag-iibayuhin pa upang maging “puwedeng-puwede na”. _____10. Ipapasa ko agad sa aking guro ang aking proyekto kahit alam kong may kulang pa rito. II. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Paano mo magagamit ang iyong pagkamalikhain upang mabigyan ito ng solusyon? Piliin ang titik ng tamang sagot. _____11. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik ang suot mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok. A. Uuwi na lang at liliban sa klase B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit ako nahuli. C. Babatuhin ko ang dumaang kotse. _____12. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang suwelas nito. A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay. B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan. C. Hindi na lamang ako magsisimba. _____13. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro. Labis itong narumihan. A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng panibago B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa. C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko. _____14. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo. A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke. B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan. C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase. _____15. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo. Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at nabasag. A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid. B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay. C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng paumanhin. _____16. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam mong marami pang bata ang gagamit dito. A. Susuntukin ko ang pinsan ko. B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa guro. C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro. _____17. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo. Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito. A. Hindi ko siya papansinin. B. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso. C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso. _____18. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian ng mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng baon. A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain. B. Itatago ko na lamang ang aking baon. C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara. _____19. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga paraan para sa gagawin mong proyekto. A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam. B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno. C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral. _____20. Ikaw ang nakatokang magluto sa araw na iyon. Inayos mo na ang lulutuin mong paksiw. Narinig mong tinatawag ka ng iyong Tatay kaya’t nagmamadali mong isinalang ang kaserola. Hindi mo pala nabuksan ang kalan. A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan. B. Hahayaan mo na lamang na si Nanay ang magbukas ng kalan. C. Sasabihing inakalang bukas ang kalan. ANSWER KEY: 1. M 2. M 3. T 4. T 5. T 6. M 7. T 8. T 9. T 10. M 11. B 12. B 13. A 14. B 15. C 16. B 17. C 18. A 19. B 20.A