IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PANGALAN: _____________________________________________ ISKOR: ______________________ BAITANG/STRAND/SEKYON: _______________________________ GURO: ______________________ I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at tanong. Pillin ang angkop ng tamang sagot at isulat ito sa isang malinis na papel. 1. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginagamitan ng Correlational Studies na inilahad sa Input-ProcessOutput na pamamaraan at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-aaral. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 2. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon sa pagdalo sa mga seminar/pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 3. Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahilanang naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 4. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 5. Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumangayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Ganun pa man may 8.6% ang may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumangayon. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 6. Maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon. A. Layunin B. Gamit C. Metodo D. Etika 7. Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik. A. Balangkas Konseptwal B. Balangkas Teoretikal C. Datos Emperikal D. Grapikal 8. Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga pantas. A. Balangkas B. Datos Emperikal C. Balangkas Teoretikal D. Balangkas Konseptwal 9. Impormasyong nakalap mula pangangalap ng datos. A. Datos Emperikal B. Balangkas Teoretikal C. Balangkas Konseptwal D. Balangkas sa ginawang 10. Uri ng datos na patalata ang paraan ng paglalarawan. A. Tabular B. Tekstwal C. Pie Graph D. Line Graph 11. Ito ang pinakapamagat ng ikatlong bahagi ng sulating pananaliksik na katutunghayan ng pamamaraan at paraan, gayundin ng mga bilang ng respondent na gagamitin o ginamit sa pag-aaral. A. Resulta B. Diskusyon C. Metodolohiya D. Introduksiyon 12. Maituturing bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono at silid-aklatan. A. Elektroniko o Internet B. Primarya C. Sekondarya D. Silid-aklatan 13. Bahagi ng isang pananaliksik na kakikitaan ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon. A. Datos B. Pagpili ng paksa C. Konseptong Papel D. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya 14. Nagsisilbing “blueprint” o gabay ng pananaliksik. A. Balangkas B. Datos Emperikal C. Balangkas Teoretikal D. Balangkas Konseptwal 15. Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t ibang isinasagawang hakbang ng mananaliksik sa paghahahanap ng datos. A. Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos B. Pagpapayaman ng Datos C. Pangungopya ng Datos D. Pagsusuri ng Datos 16. Alin sa sumsusunod na mga gawain ang nabanggit ang nagpapakita ng plagiarism? A. Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala. B. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag. C. Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting tala D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian 17. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto sa paggamit ng hanguang Elektroniko? I. Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, taon at pamagat, sundin ang tuntunin at isunod ang sinalungguhitang website o path, tuldok. II. Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at isunod ang website o path na hindi na kailangang salungguhitan. III. Kung hindi abeylabol ang datos pangalan ng awtor at pamagat, ilagay na lang ang sinalungguhitang website. A. I at II C. II at III B. I at III D. Lahat ng nabanggit 18. Nais mong gamitin bilang bahagi ng iyong saliksik ang isang awitin. Paano mo ito isusulat bilang bahagi ng iyong sanggunian. A. Labajo, Juan Karlo. Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (CD) 2018. (Universal Music Philippines) B. Juan Karlo. Labajo, 2018 Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines) C. Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines) D. Labajo, Juan Karlo. (2018) Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines) 19. Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page. Paano ito ilalagay sa gagawing bibliograpiya? A. Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya B. Ang pangalan na lamang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliograpiya C. Ang pamagat na lamang ng unang akda na makikita sa nilalaman D. Ang pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya, taon ng pagkalimbag, lugar na pinaglimbagan at palimbagan 20. Noon, footnoting o talababa ang pangunahing ginagamit sa pagkilala ng pinagkunan ng datos. Sa kasalukuyan, higit nang gamitin ang ______________. A. postpartum citation B. parallel citation C. parenthetical citation D. passcode citation 21. Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad ng pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos? A. Inaasahang awtput B. Layunin C. Metodolohiya D. Rationale 22. Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad ng kasaysayan o dahilan ng pagpili ng paksang tatalakayin? A. Inaasahang awtput B. Layunin C. Metodolohiya D. Rationale 23. Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi kabilang? A. Ito ay nagsisilbing proposal B. Ito ay gawain pang-display lamang sa exhibit C. Ito ay isang plano na nagpapakita kung saan direksiyon patungo ang paksa D. Nagsisilbing gabay o direksiyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing pananaliksik 24. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang sa pagbuo ng layunin ng konseptong papel? A. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa B. Makatotohanan o maisasagawa C. Maliwanag na nakalahad kung ano ang gagawin at paano ito gagawin D. Paggamit ng mga salita mula sa sariling opinyon 25. Alin sa sumusunod na layunin ang angkop sa paksang Epekto ng Pandemya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Kahoy? A. Nabibigyan ng masusing pagsisiyasat ang epekto ng pandemya sa pag-aaral ng mga Senior High School na mag-aaral. B. Natutukoy ang epekto ng pandemya sa akademikong performans ng mga mag-aaral. C. Natutukoy kung paano labanan ng mga mag-aaral ang pandemya. upang maging maalam D. Naiaangat ang edukasyon ng Baitang 11 sa kabila ng Pandemya. 26. Sa pagsasagawa ng konseptong papel. Alin sa sumusunod na gawi ang hindi kabilang? A. Bukas na pagtugon sa suhestiyon at paalala ng gurong tagapayo B. Pangangalap at pagtatala nang maayos sa mga mahahalagang datos at impormasyon. C. Pagkilala sa pinagkunan o sors at paghanap ng mga sanggunian D. Pagpapabukas sa gawain dahil sa malayo pa naman ang itinakdang araw ng pagsusumite ng konseptong-papel. 27. Sa bahaging ito, inililista ang mga pinaghanguan o pinagkuhanan ng mga impormasyon? A. Inaasahang awtput B. Metodolohiya C. Paksa D. Sanggunian 28. Aling salitang pandiwa ang hindi angkop na gamitin sa pagsasagawa ng konseptong papel? A. Makagawa C. Matalakay B. Makahanap D. Masukat 29. Anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin batay sa paksa? A. Inaasahang awtput B. Layunin C. Metodolohiya D. Rationale 30. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral. A. Inaasahang awtput B. Layunin C. Metodolohiya D. Rationale 31. Ilang bahagi mayroon ang konseptong papel? A. 5 C. 7 B. 6 D. 8 32. Ang lahat ng salita ay patungkol sa metodolohiya maliban sa isa. A. Datos C. Panayam B. Obserbasyon D. Sarbey 33. Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinagaaralan. A. disenyo C. saklaw at limitasyon B. Instrument D. tritment ng mga datos 34. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng pananaliksik. A. Kabanata I C. Kabanata III B. Kabanata II D. Kabanata IV 35. Sa bahaging ito inilalahad nang malinaw ang naging kasagutang sa bawat suliranin, tanong o layunin na ibinigay simula ng pananaliksik. A. Kabanata I C. Kabanata III B. Kabanata II D. Kabanata IV 36. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretasyon ng kinalabasan ng pag- aaral. A. Kabanata I C. Kabanata III B. Kabanata II D. Kabanata IV 37. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. A. instrumento B. kahulugan ng katawagan C. rasyunal D. saklaw at limitasyon 38. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang inaaral sa anyong patanong. A. disenyo ng pananaliksik B. kahulugan ng katawagan C. paglalahad ng resulta D. paglalahad ng suliranin 39. Nakalatag dito ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. A. batayang teoretikal B. disenyo ng pananaliksik C. interpretasyon D. respondent 40. Inilalahad dito ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwestyoner-sarbey. A. instrumento B. interpretasyon C. rasyunal D. respondent 41. Ipinapahayag ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik. A. interpretasyon B. kahulugan ng katawagan C. pagsusuri D. tritment ng mga datos 42. Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng impormasyon, maliban sa A. debate B. ekspiremento C. interbyu D. sarbey 43. Bakit patuloy ang paghahanap ng kasagutan sa iba’t ibang phenomena? A. Dahil sa pangangailangan ng tao B. Dahil naghahanap ng panibagong dagdag kaalaman C. Dahil nais ng tao na makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan D. Dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari sa kaniyang paligid 44. Alin sa sumusunod na kategorya “questionnaire” ang HINDI kabilang? A. disenyo B. kaangkupan C. kalinawan D. kasanayan ng 45. Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular ma katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunang ginagalawan. A. karanasan B. pagpapaunlad C. komunikasyon D. pananaliksik Para sa bilang 46 – 47, basahin ang bawat pamagat at piliin ang angkop/wastong layunin ng pag-aaral. 46. “Epekto ng Araw-Araw na Paggamit ng Wikang Filipino sa Loob ng Silid-Aralan ng mga Mag-aaral ng Baitang 11 HUMSS”. Nilalayon ng pananaliksik na ito na: A. Malaman ang kahulugan ng Wikang Filipino B. Matukoy ang epekto ng paggamit ng wikang Filipino araw-araw sa loob ng silid-aralan C. Matutunan ang wikang Filipino D. Matuklasan ang paggamit ng wikang Filipino 47. “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik”. Nilalayon ng pag-aaral na ito na: A. Matukoy ang karanasan B. Mailahad ang pagiging isang batang ina C. Malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina D. Matulugan ang mga batang ina Para sa bilang 48 – 50, gamit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang talasangunian (Istilong APA). Isulat sa sagutang papel ang sangguniang mabubuo. 48. Mga May-akda: Benjie A. Amarillas, Sharon Rose L. Mendoza, Jennifer E. Quinto Pamagat: Edukasyon sa Pagpapakatao Lugar: Quezon City Tagapaglathala: St. Bernadette Publishing House Corporation Taon: 2017 49. Mga May-akda: Jose, F,S, Pamagat: Why we are Shallow Pangalan ng Pahayagan: Philippine Star Tagapaglathala: http://www.philstar.com/arts-andculture/725822/why-we-are-shallow Taon: 2012 50. Direktor: Loy Arcena (October, 2017) Pamagat: Ang Larawan (Pelikula). Tagapaglathala: Viva Films Lugar: Pilipinas Taon: 2017 Inihanda nina: