Uploaded by Analou Eran

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT (1)

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
MAMATID SENIOR HIGH SCHOOL
BRGY. MAMATID CITY OF CABUYAO, LAGUNA
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PANGALAN: _____________________________________________ ISKOR: ______________________
BAITANG/STRAND/SEKYON: _______________________________ GURO: ______________________
I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahing mabuti
ang mga sumusunod na pahayag at tanong. Pillin
ang angkop ng tamang sagot at isulat ito sa isang
malinis na papel.
1. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginagamitan ng
Correlational Studies na inilahad sa Input-ProcessOutput na pamamaraan at ang metodolohiya ay
sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o
pag-aaral.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
2. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon sa pagdalo
sa mga seminar/pagsasanay at ang Oplan
Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga
guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
3. Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa
kadahilanang naging masusi at napatunayan na may
epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at
pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
4. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na
makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid
upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng
mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa
pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at
Sekundaryang antas.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
5. Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumangayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa
pagkatuto ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang
sumang-ayon dito. Ganun pa man may 8.6% ang may
pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumangayon.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
6. Maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K
to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2)
kahandaan ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa na
pangakademiko,
pinansyal
at
kaisipang
panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral
batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto ng
mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong
panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa
awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon.
A. Layunin
B. Gamit
C. Metodo
D. Etika
7. Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang
magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o
masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik.
A. Balangkas Konseptwal
B. Balangkas Teoretikal
C. Datos Emperikal
D. Grapikal
8. Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at
may balidasyon ng mga pantas.
A. Balangkas
B. Datos Emperikal
C. Balangkas Teoretikal
D. Balangkas Konseptwal
9. Impormasyong nakalap mula
pangangalap ng datos.
A. Datos Emperikal
B. Balangkas Teoretikal
C. Balangkas Konseptwal
D. Balangkas
sa ginawang
10. Uri ng datos na patalata ang paraan ng
paglalarawan.
A. Tabular
B. Tekstwal
C. Pie Graph
D. Line Graph
11. Ito ang pinakapamagat ng ikatlong bahagi ng
sulating pananaliksik na katutunghayan ng
pamamaraan at paraan, gayundin ng mga bilang ng
respondent na gagamitin o ginamit sa pag-aaral.
A. Resulta
B. Diskusyon
C. Metodolohiya
D. Introduksiyon
12. Maituturing bilang isa sa pinakamalawak at
pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o
datos. Ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong
postal, telepono at silid-aklatan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
MAMATID SENIOR HIGH SCHOOL
BRGY. MAMATID CITY OF CABUYAO, LAGUNA
A.
B.
C.
D.
Elektroniko o Internet
Primarya
Sekondarya
Silid-aklatan
13. Bahagi ng isang pananaliksik na kakikitaan ng
talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o
website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng
impormasyon.
A. Datos
B. Pagpili ng paksa
C. Konseptong Papel
D. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya
14. Nagsisilbing “blueprint” o gabay ng pananaliksik.
A. Balangkas
B. Datos Emperikal
C. Balangkas Teoretikal
D. Balangkas Konseptwal
15. Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t
ibang isinasagawang hakbang ng mananaliksik sa
paghahahanap ng datos.
A. Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos
B. Pagpapayaman ng Datos
C. Pangungopya ng Datos
D. Pagsusuri ng Datos
16. Alin sa sumsusunod na mga gawain ang
nabanggit ang nagpapakita ng plagiarism?
A. Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan
ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala.
B. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa
mga siniping pahayag.
C. Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng
mga gagamiting tala
D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang
sanggunian
17. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto sa
paggamit ng hanguang Elektroniko?
I. Kung nakapost sa internet ang pangalan ng
awtor o kontribyutor, taon at pamagat, sundin ang
tuntunin at isunod ang sinalungguhitang website o
path, tuldok.
II. Kung pamagat lamang ang abeylabol,
simulan sa pamagat, tuldukan at isunod ang website
o path na hindi na kailangang salungguhitan.
III. Kung hindi abeylabol ang datos pangalan
ng awtor at pamagat, ilagay na lang ang
sinalungguhitang website.
A. I at II
C. II at III
B. I at III
D. Lahat ng nabanggit
18. Nais mong gamitin bilang bahagi ng iyong saliksik
ang isang awitin. Paano mo ito isusulat bilang bahagi
ng iyong sanggunian.
A. Labajo, Juan Karlo. Buwan (Pinoy Rock).
Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (CD) 2018.
(Universal Music Philippines)
B. Juan Karlo. Labajo, 2018 Buwan (Pinoy
Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal
Music Philippines)
C. Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy
Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal
Music Philippines)
D. Labajo, Juan Karlo. (2018) Buwan (Pinoy
Rock). Juan Carlos Band, MCA Music Inc. (Universal
Music Philippines)
19. Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang
may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page.
Paano ito ilalagay sa gagawing bibliograpiya?
A. Ang pangalan ng nagparehistro sa
pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya
B. Ang pangalan na lamang ng publikasyon
ang isinusulat sa bibliograpiya
C. Ang pamagat na lamang ng unang akda na
makikita sa nilalaman
D. Ang pamagat na lamang ng aklat ang
isinusulat sa bibliograpiya, taon ng pagkalimbag,
lugar na pinaglimbagan at palimbagan
20. Noon, footnoting o talababa ang pangunahing
ginagamit sa pagkilala ng pinagkunan ng datos. Sa
kasalukuyan,
higit
nang
gamitin
ang
______________.
A. postpartum citation
B. parallel citation
C. parenthetical citation
D. passcode citation
21. Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad
ng pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa
pangangalap ng datos?
A. Inaasahang awtput
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rationale
22. Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad ng
kasaysayan o dahilan ng pagpili ng paksang
tatalakayin?
A. Inaasahang awtput
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rationale
23. Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa
konseptong papel ang hindi kabilang?
A. Ito ay nagsisilbing proposal
B. Ito ay gawain pang-display lamang sa
exhibit
C. Ito ay isang plano na nagpapakita kung
saan direksiyon patungo ang paksa
D. Nagsisilbing gabay o direksiyon lalo na sa
mga baguhan sa gawaing pananaliksik
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
MAMATID SENIOR HIGH SCHOOL
BRGY. MAMATID CITY OF CABUYAO, LAGUNA
24. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa
hakbang sa pagbuo ng layunin ng konseptong
papel?
A. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa
B. Makatotohanan o maisasagawa
C. Maliwanag na nakalahad kung ano ang
gagawin at paano ito gagawin
D. Paggamit ng mga salita mula sa sariling
opinyon
25. Alin sa sumusunod na layunin ang angkop sa
paksang Epekto ng Pandemya sa Pag-aaral ng mga
Mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Kahoy?
A. Nabibigyan ng masusing pagsisiyasat ang
epekto ng pandemya sa pag-aaral ng mga Senior
High School na mag-aaral.
B. Natutukoy ang epekto ng pandemya sa
akademikong performans ng mga mag-aaral.
C. Natutukoy kung paano labanan ng mga
mag-aaral ang pandemya. upang maging maalam
D. Naiaangat ang edukasyon ng Baitang 11
sa kabila ng Pandemya.
26. Sa pagsasagawa ng konseptong papel. Alin sa
sumusunod na gawi ang hindi kabilang?
A. Bukas na pagtugon sa suhestiyon at
paalala ng gurong tagapayo
B. Pangangalap at pagtatala nang maayos sa
mga mahahalagang datos at impormasyon.
C. Pagkilala sa pinagkunan o sors at
paghanap ng mga sanggunian
D. Pagpapabukas sa gawain dahil sa malayo
pa naman ang itinakdang araw ng pagsusumite ng
konseptong-papel.
27. Sa bahaging ito, inililista ang mga pinaghanguan
o pinagkuhanan ng mga impormasyon?
A. Inaasahang awtput
B. Metodolohiya
C. Paksa
D. Sanggunian
28. Aling salitang pandiwa ang hindi angkop na
gamitin sa pagsasagawa ng konseptong papel?
A. Makagawa
C. Matalakay
B. Makahanap
D. Masukat
29. Anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan
ang hangarin o tunguhin batay sa paksa?
A. Inaasahang awtput
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rationale
30. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng
pananaliksik o pag-aaral.
A. Inaasahang awtput
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rationale
31. Ilang bahagi mayroon ang konseptong papel?
A. 5
C. 7
B. 6
D. 8
32. Ang lahat ng salita ay patungkol sa metodolohiya
maliban sa isa.
A. Datos
C. Panayam
B. Obserbasyon
D. Sarbey
33. Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinagaaralan.
A. disenyo
C. saklaw at limitasyon
B. Instrument
D. tritment ng mga datos
34. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng
pananaliksik.
A. Kabanata I
C. Kabanata III
B. Kabanata II
D. Kabanata IV
35. Sa bahaging ito inilalahad nang malinaw ang
naging kasagutang sa bawat suliranin, tanong o
layunin na ibinigay simula ng pananaliksik.
A. Kabanata I
C. Kabanata III
B. Kabanata II
D. Kabanata IV
36. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretasyon
ng kinalabasan ng pag- aaral.
A. Kabanata I
C. Kabanata III
B. Kabanata II
D. Kabanata IV
37. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang
mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik.
A. instrumento
B. kahulugan ng katawagan
C. rasyunal
D. saklaw at limitasyon
38. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang
inaaral sa anyong patanong.
A. disenyo ng pananaliksik
B. kahulugan ng katawagan
C. paglalahad ng resulta
D. paglalahad ng suliranin
39. Nakalatag dito ang teoryang pagbabatayan ng
pag-aaral.
A. batayang teoretikal
B. disenyo ng pananaliksik
C. interpretasyon
D. respondent
40. Inilalahad dito ang eksaktong bilang ng mga
sumagot sa inihandang kwestyoner-sarbey.
A. instrumento
B. interpretasyon
C. rasyunal
D. respondent
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
MAMATID SENIOR HIGH SCHOOL
BRGY. MAMATID CITY OF CABUYAO, LAGUNA
41. Ipinapahayag ang pansariling implikasyon at
resulta ng pananaliksik.
A. interpretasyon
B. kahulugan ng katawagan
C. pagsusuri
D. tritment ng mga datos
42. Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa
pananaliksik upang makakalap ng impormasyon,
maliban sa
A. debate
B. ekspiremento
C. interbyu
D. sarbey
43. Bakit patuloy ang paghahanap ng kasagutan sa
iba’t ibang phenomena?
A. Dahil sa pangangailangan ng tao
B. Dahil naghahanap ng panibagong dagdag
kaalaman
C. Dahil nais ng tao na makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan
D. Dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga
pangyayari sa kaniyang paligid
44. Alin sa sumusunod na kategorya
“questionnaire” ang HINDI kabilang?
A. disenyo
B. kaangkupan
C. kalinawan
D. kasanayan
ng
45. Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular ma katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunang ginagalawan.
A. karanasan
B. pagpapaunlad
C. komunikasyon
D. pananaliksik
Para sa bilang 46 – 47, basahin ang bawat
pamagat at piliin ang angkop/wastong layunin ng
pag-aaral.
46. “Epekto ng Araw-Araw na Paggamit ng Wikang
Filipino sa Loob ng Silid-Aralan ng mga Mag-aaral ng
Baitang 11 HUMSS”. Nilalayon ng pananaliksik na ito
na:
A. Malaman ang kahulugan ng Wikang Filipino
B. Matukoy ang epekto ng paggamit ng
wikang Filipino araw-araw sa loob ng silid-aralan
C. Matutunan ang wikang Filipino
D. Matuklasan ang paggamit ng wikang
Filipino
47. “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang
Pananaliksik”. Nilalayon ng pag-aaral na ito na:
A. Matukoy ang karanasan
B. Mailahad ang pagiging isang batang ina
C. Malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaanan ng mga batang ina
D. Matulugan ang mga batang ina
Para sa bilang 48 – 50, gamit ang mga detalye sa
ibaba, gumawa ng isang talasangunian (Istilong
APA). Isulat sa sagutang papel ang sangguniang
mabubuo.
48. Mga May-akda: Benjie A. Amarillas, Sharon Rose
L. Mendoza, Jennifer E. Quinto
Pamagat: Edukasyon sa Pagpapakatao
Lugar: Quezon City
Tagapaglathala: St. Bernadette Publishing House
Corporation
Taon: 2017
49. Mga May-akda: Jose, F,S,
Pamagat: Why we are Shallow
Pangalan
ng
Pahayagan:
Philippine
Star
Tagapaglathala: http://www.philstar.com/arts-andculture/725822/why-we-are-shallow
Taon: 2012
50. Direktor: Loy Arcena (October, 2017)
Pamagat: Ang Larawan (Pelikula).
Tagapaglathala: Viva Films
Lugar: Pilipinas
Taon: 2017
Inihanda nina:
DONNA KAREN C. SANTUA
Guro II
BENEDICT C. ALTO
Guro II
JUANITO O. CALAY
Guro III
Sinuri ni:
EMERSON T. ARMERO, EdD
Dalubguro II
Binigyang-pansin nina:
BELEN G. GIMUTAO, EdD
PSDS/Gurong Nangangasiwa-Punongguro
DR. JONATHAN F. BERNABE
EPS – Filipino
NIMCY M. ORTIZ, EdD
PSDS/Division SHS Coordinator
REYNALDO A. TALAVERA, EdD
PSDS/District V-B
Download