Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: a.Pangkabatiran: nasusuri kung ang isang gawain ay nagpapakita ng pakikilahok o bolunterismo, b.Pandamdamin: naisasabalikat ang pananagutan sa pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan; at c.Saykomotor: nakabubuo ng mga hakbang sa pakikilahok at bolunterismo sa lipunan. Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9Modyul 8: Bunga at Kahalagahan ng Pakikilahok at Bolunterismo Baitang: 9 Pangkat: _________ Petsa: ____________________ Markahan: Ikalawa Mga Kasanayan sa Pagtuturo (Learning Competencies) A. Napapatunayan na: a. Ang pakikilahok ay bolunterismong bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. a. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok aynakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroonsiyang personal na pananagutan. (EsP9TT-llh-8) I. LAYUNIN Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: A. Nakikilala konsepto ng pakikilahok at bolunterismo;B. Nabibigyang kahalagahan ang pakikilahok at bolunterismo; atC. Nakagagawa ng iba’t-ibang gawain upang maipakita ang bunga at kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo. II. PAKSANG ARALIN/NILALAMAN A. Paksa: Edukasyon sa Pagpapakatao – Modyul 8: Bunga at Kahalagahan ng Pakikilahok at BolunterismoB. Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide ng EsP 9 at Learner’s Module, MELCC. Kagamitan: Modyul sa EsP, larawan graphic organizers, laptop, video clips III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain a. Pagdarasal b. Pagbati c. Pagtala sa lumiban d. Pagpapaalala sa palaging pagsunod sa Minimum Health and Safety Protocols. e. Balik-aral Simpleng pagbabalik-aral sa itinalakay tungkol sa Modyul 7.Tanong: Ano ang ibig sabihin ng paggawa?f. PagganyakPanonood ng isang video clip.Tanong: Ano ang inyong nahihinuha kaugnay sa napanood na video? B. Paglinang ng Aralin g. Gawain (Activity) Ang bawat pangkat ay may iba’t-ibang gawain na gagawin sa loob ng15 minuto. C. Pagtatalakay h. Pagsusuri (Analysis) - Pangkatang Pagtatalakay Pangkat Menu of Activities (Differentiated Activities) 1 Sa pamamagitan ng LADDER Graphic Organizer, itala ang antas ng pakikilahok na makatutulong sapakikibahagi sa lipunan ayon kay Sherry Arsteinis. 2 Maghanap sa internet o kumuha ng larawan gamit ang iyong cellphone ng mga sitwasyong nakikita sa iyong kapaligiran na nagpapakita ng tunay na diwa ng bolunterismo sa panahon ng pandemya. 3 Gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng konsepto ng pakikilahok at bolunterismo. 4 Sa pamamagitan ng isang malikhaing graphicorganizer, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang 3T’s(Time, Talent at Treasure) sa pakikilahok atbolunterismo. 5 Tableau: Gawan ng isang tableau ang konsepto ng pakikilahok at bolunterismo. 6 Magtala ng mga makabuluhang gawain na magpapakita ng pakikilahok at bolunterismo sa panahon ngpandemya. Isulat ang mga ito sa pamamagitan ng hand graphic organizer. 7 Sa isang tree graphic organizer, itala ang mga bungang pakikilahok at bolunterismo sa isang bansa upangmakamit ang kabutihang panlahat. Pagkakasunod-sunodng ideya Maayos at malinawang pagkakasunod-sunod ng mgapagpapaliwanag May ilang bahagiang hindi maayosat malinaw angpagkakalahad Kailangan pa ngkaragdagangkaalaman Elemento kaugnay saPakikilahok atbolunterismo Nakasunod sapaggamit ng mgapangungusap nanagsasalaysay ngmga nauunawaan samodyul Hindi gaanongnakagamit ngmgapangungusap nanagsasalsay samga natutunansa modyul Hindi nakagamitng mgapangungusap nanagsasalaysay ngmga natutunan samodyul Panghikayat samambabasa Maayos nanailarawan angmga ideya base sanauunawaan samodyul May ilang bahagiang hindigaanongnailarawan nangmaayos Hindi nailarawanang mga ideyabase sanauunawaan samodyul IV. PAGTATAYA Tumpak or Ligwak!Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang Tumpak kung ang pahayag aytama at Ligwak naman kung mali. Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat Makita ang 3 Ts—Time, Talent,Treasure.Ang Bolunterismo ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahatna mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.Ang Pakikilahok ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumangkapalit.Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunanang pangangailangan ng lipunan.Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroongpagtutulungan. V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Basahin at gawin ang GRASP: Goal- Makilahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o para sa mga sector na may partikular na pangangailangan lalong-lalo na sa panahon ng pandemya. Halimbawa ay ang pagtulong sa mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga. Role- Bilang young volunteers, kayo ay inaasahan na magbigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong ngayong pandemya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto o gawaing barangay. Ipamalas ang inyong kakayahan na maaaring magamit sa pagsasagawa ng proyekto. Audience- Youth Volunteers, Barangay Officials, Marginalized Sectors Situation- Maipapakita ang taos-pusong pakikilahok sa isang proyekto. Inaasahan na lahat ng mga kakayahan/talento na angkin mo ay magagamit mo sa isasagawang proyekto upang makamit ang kabutihang panlahat. Performance- Sa pamamagitan ng isang journal, ibahagi ang iyong mga di malilimutang karanasan sa pagsasagawa ng aktibiti, lagyan ng mga nakuhang larawan upang mas maipaliwanag pa ang mga pangyayari.Sa pagsasagawa ng proyekto ay nararapat na sundin ang Covid-Protocols upang maging ligtas ang lahat ng sasali. (Note: Kasama sa proyektong ito ang mga sumusunod na subject: AP, TLE, MAPEH, ESP) Inihanda ni: