Republic of the Philippines Department of Education REGION VI SCHOOLS DIVISION OF CADIZ CITY IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Pangalan: _________________________________Taon at Baitang: __________Iskor:____ Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang. _____1. Ang mga karapatan ay: a. Mga pangangailangan ng iilan. b. Mga dapat gampanan na tungkulin. c. Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang. d. Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang. _____2. Ito ay ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. a. tungkulin b. kapangyarihan c. trabaho d. karapatan _____3. Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay. a. tungkulin b. kapangyarihan c. trabaho d. karapatan _____4. Kung wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang iba pang mga karapatan. a. Karapatan sa buhay c. Karapatan sa pribadong ari-arian b. Karapatan na makapagtrabaho o hanapbuhay d. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya _____5. Ayon sa kanya, “Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Moral na gawain to dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan.” a. Max Scheler b. Sto. Tomas de Aquino c. Dr. Manuel Dy Jr. d. Papa Juan XXIII _____6. Saan nakabatay ang mga karapatan? a. kalayaan b. dignidad c. likas na batas moral d. isip at kilos-loob _____7. Ayon dito, ang lahat ng tao ay pinanganak ng may kalayaan at pantay na dignidad at mga karapatan. a. Universal Declaration of Human Rights b. An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child c. Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act d. Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 _____8. May karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa. a. Karapatan sa buhay c. Karapatan na makapagtrabaho o hanapbuhay b. Karapatan sa pribadong ari-arian d. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya _____9. Ano ang kaakibat na tungkulin ng karapatan sa pribadong ari-arian? a. Pangalagaan at palaguin ang kanyang mga ari-arian at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan b. Pangalagaan ang kanyang kalusugan at sarili laban sapanganib. c. Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao d. Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. _____10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay? a. Karapatan sa buhay c. Karapatang maghanapbuhay b. Karapatan sa pribadong ari-arian d. Karapatang pumunta sa ibang lugar _____11. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay? a. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye. b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Perez para sa mga batang biktima ng pang-aabuso. c. Sumasali si John Mark sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing. d. Iniiwasan ni Rosy na kumain ng karne at matatamis na pagkain. _____12. Ito ay ang pagmamaltrato sa mga bata pati na ang sapilitang pagpapagawa sa kanila ng mga krimen. a. Pang-aabuso sa mga bata b. Terorismo c. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao d. Diskriminasyong pangkasarian _____13. Itinakas ni Josie ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State. Anong karapatan ang ipinakita ng tauhan? a. Karapatan sa pribadong ari-arian b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay c. Karapatang mabuhay d. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon) _____14. Laman ng pahayagan, mga bata at mga kababaihan ay ipinagbibili upang maging kasambahay o hindi kaya ilagay sa mga bahay aliwan o prostitution den. Anong paglabag ito sa karapatang pantao? a. Pang-aabuso sa mga bata c. Terorismo. b. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao. d. Diskriminasyong pangkasarian. _____15. Ano ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa? a. Karapatan b. Isip at kilos-loob c. Kalayaan d. Dignidad _____16. Ano ang pinakamainam na gawin upang maipakita ang iyong karapatan? a. Mananahimik na lang ako para walang gulo. b. Ipagtatanggol ko ang aking dignidad sa mga taong naninira. c. Sisiraan ko rin ang mga taong naninira sa akin. d. Kukomprontahin ko ang mga taong naninira sa akin. _____17. Ang ____________ ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. a. Karapatan b.Likas na Batas Moral c. Tungkulin d. Batas \ ______18. Saan nagmula ang Likas na Batas Moral? a. Mula sa Diyos c. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino b. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao. d. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo ______19. Ito ay gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. a. tama b. isip at puso c. batas d. mabuti ______20. Ang kaisa-isang batas na sinasang-ayunan ng lahat ay: a. Maging Makatao b. Maging Makakalikasan c. Maging Maka-hayop d. Maging Maka-bansa ______21. Ang tama ay pagsunod sa mabuti, ito ay totoo dahil _________. a. umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon c. mula sa sariling pag-alam at pakiramdam b. angkop sa pangangailangan at kakayahan d. para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang ______22. Ito ang bagay na tutulong sa pagbuo sa sarili. a. ang tama b. ang mabuti c. desisyon sa buhay d. mga prinsipyo ______23. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na “Primum non nocere”? a. Ang unang layunin ng mga manggagamot ay maging tanyag dahil sa naimbentong epektibong gamot b. Ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pangsakit c. Ang unang layunin ng mga manggagamot ay yumaman at makatulong sa iba d. Ang unang layunin ng mga manggagamot ay makatuklas ng bagong sakit ______24. Ano ang ibig sabihin ng tinuran ni Sto. Tomas de Aquino na “ang lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa”? a. Ang lahat ng tao ay matalino. b. Ang lahat ng tao ay nakapag-aral. c. Ang lahat ng tao ay pare-pareho ang pag-iisip. d. Ang lahat ng tao ay may kakayahang lumuikha at mag-isip ng solusyon. ______25. Ang lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Ang mga sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa: a. pigilan ang masasamang tao. c. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan. b. ingatan ang interes ng mga tao d. itaguyod ang karapatang pantao. ______26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mabuti? a. Tumambay sa kalsada buong maghapon c. Tumulong sa gawaing bahay b. Tumulong sa kapwa nang may kapalit d. Uminom ng alak gabi-gabi ______27. Paano nalalaman ang mabuti? a. Kapag ito ay may mabuting naidulot sa iyo at sa iba. c. Kapag ito ay nagawa at sinunod ng basta. b. Kapag ginaya ka ng iba. d. Kapag ikaw ay nakatapos sa iyong takdang responsibilidad. ______28. Paano mo maisasabuhay ang pagiging makatao? a. May pagmamahal sa ari-arian ng pamilya c. Pagiging matulungin sa kapwa b. Pagkampi sa kaibigan kahit mali d. Pagbigay oras sa sarili ______29. Dumaan kayo ng mga kaibigan mo sa isang kalye, may nadaanan kayong pulubi, tinawanan nila ito kung kaya’y sinaway mo sila at pinagalitan. Anong kaugalian ang mayroon ka? a. pagiging matulungin c. katarungan b. pagmamahal sa pamilya d. paggalang sa dignidad ng tao ______30. Dahil mahigpit ang kampanya laban sa paggamit ng illegal na droga, ang mga kabataan ay mapapansin mong nakanganga o nagmamama nalang sa mga tindahan kung saan tinitindaang dahon ng kokaina (cocaine), dahon ng buyo, tabako, bangkit (apog) at bunga (betel nut) mga sangkap na mapagkukunan ng local na droga. Ano ang mga angkop na kilos ang gagawin mo upang maituwid mo ang mga bisyong ito? a. panoorin ko ang kanilang ginagawa c. pagsasabihan ko ang mga nagtitinda na pagtutulak pa rin iyon ngdroga b. Irereport ko ang kaganapan sa mga kinauukulan d. kunan ko ng larawan ang mga adikto at ipakita sa pulisya ______31. Ano ang obheto ng paggawa? a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto ______32. Ano ang subheto ng paggawa? a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto ______33. Ayon sa aklat na ________________, ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng isang tao. a. Work: The Channel of Values Education c. Pacem in Terris b. The Person and the Common Good d. Universal Declaration of Human Rights ______34. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang: a. Nararapat na isipin din ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa. b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa. c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa. d. Lahat ng nabanggit ______35. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao ______36. Ang tao ay pinagkalooban ng talento upang siya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng kanyang komunidad. Isa sa mga talentong ito ay ang kakayahan sa __________. Ito ang nagbibigay ng katuturan sa buhay bilang tao. a. paggawa b. pagtugon c. pakikisama d. pagmamahal ______37. Sa pamamagitan ng paggawa, nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa isa. a. Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan b. Napatataas ang tiwala sa sarili. c. Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain. d. Nalilimutan ang oras sa pamilya dahil abala sa paggawa ______38. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao gawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya? a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain. b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao. c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto. d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa. ______39. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa. a. Anumang gawaing makatao ay hindi nararapat sa tao bilang anak ng Diyos. b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa. c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa. d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain. ______40. Ang teknolohiya ay katulong ng tao. Ngunit dahil rin sa mga pangyayaring ito, unti-unting nagiging kaaway ng tao ang teknolohiya maliban sa: a. Nawawalan na kontribusyon ang tao sa paggawa c. Hindi na nahahasa ang kanyang pagkamalikhain b. Hindi niya na nararamdaman ang kasiyahan d. Napapadali nito ang paggawa ng tao ______41. Ano ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa? a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan ______42. Ano ang makakamit ng lipunan kung ikaw at ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo? a. Pagkakaisa b. Kabutihang Panlahat c. Pag-unlad d. Pagtataguyod ng Pananagutan ______43. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa antas ng pakikilahok? a. konsultasyon b. impormasyon c. pag-unawa d. pagsuporta ______44. Ano-ano ang dapat makita sa iyo bilang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo? a. Pagmamahal, Talento, at Kayamanan c. Talento, Panahon, at Pagkakaisa b. Panahon, Talento, at Kayamanan d. Kayamanan, Talento, at Bayanihan ______45. Ang mga sumusunod ay mga benepisyo ng bolunterismo maliban sa: a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad. b. Mas higit niyang nakilala ang kaniyang sarili. c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan. d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba. ______46. Hindi ka nakalahok sa Brigada Eskwela ng inyong paaralan dahil inalagaan mo ang iyong bunsong kapatid na maysakit ngunit ikaw ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang iyong ipinakita? a. Impormasyon b. Konsultasyon c. Sama-samang Pagkilos d. Pagsuporta ______47. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok? a. Upang matugunan ang pangangailangan ng kapuwa. b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan. c. Upang maibahagi ang sariling kakayahann na makatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan. ______48. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay: a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong. b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo. c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon. d. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso. ______49. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at mayroon kang kayang Gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan. a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilika ayon sa wangis ng Diyos. b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas-oras. c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kaniyang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa. d.Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit. ______50. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo? a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat. b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon. c. Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno. d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.