PHILIPPINE HISTORY PAANO NILABANAN NI MANUEL QUEZON SI ADOLF HITLER? an outline summary from Moobly TV Chua, Cruz, De Leon, Escasura, Llarenas, Olalia, Roxas, Sambolawan, Sy, & Wang GERPHIS Y25 I. MAAGANG BUHAY NI MANUEL QUEZON Ipinanganak noong August 18, 1978 sa Baler, Tayabas. Edukasyon sa San Juan De Letran bago magkolehiyo sa University of Sto. Tomas (UST) para mag-aral ng abogasiya. Nagturo sa UST habang nag-aaral, ngunit natigil ito nang magsimula ang digmaang Espanyol-Amerikano. II. PAKIKILAHOK SA HIMAGSIKAN Sumali sa grupo ni Emilio Aguinaldo sa panahon ng rebolusyon Pinamalas ang kaniyang galing at talino kaya agad ito umanggat ng ranggo mula private hanggang major Sumuko sa mga Amerikank noong 1899, at nakulong ng anim na buwan. III. PAGPASOK SA PULITIKA Pumasa sa bar exam noong 1903 na may ikaapat na pinakamataas na marka. Nagtayo ng sariling law office na kumikita ng mahigit-kumulang P25,000 kada buwan. IIniwan ang pribadong praktis para maging lokal na piskal kahit mas mababa ang sahod dito. Nakilala sa pagprosekta Francis Berry, isang Amerikanong abogado na kinasuhan ng kaso ng illicit land transactions . Nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906. Naging matagumpay na kandidato para sa Philippine Assembly Nacionalista Party platform, napili bilang floor leader. Unang insidente ng duwelo bilang isang delegado ng PH assembly, kinasangkutan ang kritisismo sa isang artikulo at pagharap sa manunulat, bagaman hindi natuloy ang duwelo. Noong 1909, naging komisyoner sa Washington si Quezon, kung saan lumaban siya para sa batas na magpapataas sa bilang ng mga Filipino sa Philippine Commission - ang pinakamataas na patakaran sa Pilipinas noon. Noong Pebrero 1916, tumulong siya sa pagpapatupad ng Jones Act, na nabigay sa mga Filipino ng kapangyarihan na bumuo ng sariling batas. Sa taong ito, naging senador si Quezon, at sa hull'y naging pangulo ng senado. PHILIPPINE HISTORY PAANO NILABANAN NI MANUEL QUEZON SI ADOLF HITLER? an outline summary from Moobly TV Chua, Cruz, De Leon, Escasura, Llarenas, Olalia, Roxas, Sambolawan, Sy, & Wang GERPHIS Y25 1915: Halos magduwelo. Kalaban sa pulitika, si Dominador Gomez, pamangkin ni Mariano Gomez (GomBurZa). Nagalit si Quezon nang pinuna siya sa harap ng US Senate. Hinamon ni Gomez si Quezon at agad namang pumayag si Quezon bago siya mapakalma ng kaibigan. 1933: Nang ipresenta ang Hare Hawes Cutting Bill sa US Senate, isang batas na nagbibigay ng hinaharap na kalayaan sa Pilipinas. Hindi ito sinuportahan ni Quezon dahil nakasaad dito na magkakaroon pa rin ng militar at pantalan ang US sa Pilipinas. Pumunta siya sa US upang gumawa ng batas na kilala bilang Tydings-Mcduffie Law, na kilala rin bilang Philippine Independence Act. Noong 1935, nahalal si Quezon bilang unang pangulo ng Commonwealth. Ang unang ginawa niya ay lumikha ng isang pambansang batas na kontrolado niya. Sa batas na ito, naging Chairman si Quezon ng National Defense, at naging Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Noong August 10, 1940, ang Emergency Powers Bill ay naipresente gamit ang National Assembly na nagbibigay ng dictatorial powers kay Quezon dahil sa banta ng mga Japanese Imperialists. 1942, dumating ang mga hapon at sinakop nila ang Maynila. Isang taon, makalipas ang re-election ni Quezon, ginusto ng U.S. na itakas si Quezon papuntang Washington, ngunit pinigilan siya ni Gen. Douglas McArthur. Tumakas pa rin si Quezon kasama ang kanyang pamilya, at doon, itinayo muli ni Quezon ang gobyerno ng Pilipinas kasama ang kanyang gabinete. IV. ANG TALENTO NI MANUEL QUEZON Ang dating presidenteng Manuel Quezon ay madalas na bumibisita sa mga government offices ng walang pasabi at nakikipag usap sa mga mamamayan para makinig sa kanilang mga problema. Isa pa sa mga hindi kilalang talento pero kinagigiliwan ng marami tungkol sa kanya ay ang husay niya sa pagtugtog ng piano, at tinuruan siya ng isang orchestral group kung paano patugtugin ang pambansang awit ng Pilipinas. Sa kanyang kapanahunan, itinuring si Manuel Quezon bilang isa sa mga magaling maglaro ng poker cards. Dito na papasok ang pinakaimportanteng kontribusyon ni Manuel Quezon hindi lang sa Pilipinas kundi pati na din sa buong mundo. PHILIPPINE HISTORY PAANO NILABANAN NI MANUEL QUEZON SI ADOLF HITLER? an outline summary from Moobly TV Chua, Cruz, De Leon, Escasura, Llarenas, Olalia, Roxas, Sambolawan, Sy, & Wang GERPHIS Y25 Hindi nagtagal, sumiklab na din ang WWII pagtapos ng isang taong pagkakaupo niya bilang unang presidente sa commonwealth. At ang paunahing kalaban ni Quezon dito ay walang iba kundi si Adolf Hitler. 1933, dahan-dahang sinasakop ni Adolf Hitler ang germany at ang buong Europa kontra sa pinaka ayaw niyang mga grupo ng mga tao, ang mga hudyo. V. ANG PAG-AALYANSA NI ADOLF HITLER Pagsanib ni Hitler sa Alemanya ay Europa laban sa mga Hudyo, at pagturing sa mga Hudyo biglang traydor ni Hitler at ng Partido Nazi. 1935: Pag-angkin ng kaharian sa Pilipinas. Kalaunay natanggal ang kaharian bilang isang anyo ng diskriminasyon, at pagsiklab ng damdaming Anti-Jews. Nobyembre 1938: Kristallnacht (Gabi ng Binasag na Salamin). Pagsalakay ng mga Nazi sa mga tahanang Hudyo at pagwasak sa kanilang mga ari-arian. 10,000 na mga Hudyo ay ipinadala sa mga concentration camps. Tugong Pandaigdig: Pagkamuhi mula sa maraming bansa kasama ang Estados Unidos. Pag-aatubiling tanggapin ang mga refugee ng mga bansa. Nagkaroon ng desisyon ang Pilipinas na tanggapin ang mga Hudyong refugees. Nagkaroon ng proaktibong plano si Pangulong Quezon, isang taon bago ang Kristallnacht. Sa pamumuno ni Pangulong Quezon, pinangunahan niya ang pagtatanggol sa mga karapatang pantao. VI. ANG PAGTULONG NI MANUEL QUEZON SA MGA HUDYO Natanggap niya ang impormasyon tungkol sa mga aktibidad ni Hitler habang naglalaro ng poker sa pamamagitan ng mga Frieder Brothers, mga imigrante mula sa mga Hudyo na naninirahan sa Pilipinas dahil sa kanilang paglahok sa negosyo ng sigarilyo. Sa kabila ng paglitaw ng maraming problema at pagtutol ng mga Amerikano sa plano ni Pangulo Quezon, siya pa rin ay nagpatuloy sa pagpaplano dahil siya ay isang lingkod bayan sa puso. PHILIPPINE HISTORY PAANO NILABANAN NI MANUEL QUEZON SI ADOLF HITLER? an outline summary from Moobly TV Chua, Cruz, De Leon, Escasura, Llarenas, Olalia, Roxas, Sambolawan, Sy, & Wang GERPHIS Y25 Sa pamamagitan ng maingat na paghahanda sa ilalim ng batas, kanilang naisip ang isang legal na solusyon upang magbigay ng mga working visa sa mga Hudyo na refugee na may tiyak na kasanayan. At sa ganitong paraan, si Pangulo Manuel L. Quezon ay nagligtas ng humigit-kumulang na 1,300 na mga Hudyo na refugee mula sa paghawak ni Hitler. Maaaring kilala lamang siya ng mga tao bilang ang Pangulo pagkatapos ni Emilio Aguinaldo o ang lalaking nagsimula ng panahon ng Commonwealth, ngunit sa kabila ng kasaysayan siya ay kilala para sa kanyang mahalagang papel sa pagsusulong ng kasarinlan ng Pilipinas, sa kanyang mga pagsisikap na itatag ang isang pambansang wika, at para sa kanyang mga gawaing pangkatauhan sa pagtulong sa mga Hudyo na refugee. Reference: Paano nilabanan ni Manuel Quezon si Adolf Hitler? | Binili nga ba ni. . . (n.d.). https://www.facebook.com/watch/?mibextid=oFDknk&v=665323741289305&_rdc=1&_rdr GERPHIS Y25 Term 2, A.Y. 2023-2024