Notes | Balatik: Katutubong Bituin ng mga Pilipino I. Kahalagahan ng papel: To study how the sky influences the way our ancestors think, act, and live. Discover myths that explain the presence of stars and their functions in their lives. May sariling bituin ang mga Pilipino at ito ay naging isang saligan (basis) ng kanilang pag-iisip, pagkilos, at pamumuhay. ● Ang etno-astronomiya ay isang pag-aaral ng ugnayan ng kultura at lipunan sa kalangitan. Ito ay naglalaman ng pagsusuri sa kung paano nakakaapekto ang mga astronomikong phenomena sa pananaw, paniniwala, kaalaman, at kaugalian ng isang pangkat ng tao. ● II. Bahagi ito ng pag-aaral ng kakanyahan, kamalayan, kabihasnan, at kasaysayang Pilipino. Mga punto ng papel: Talampad ng mga Bituin 1. Binuo ang mga konstelasyon (talampad) ayon sa mga bagay na pinapahalagahan nila sa buhay. ⤷ Mauugat ang pinagmulan ng tawag sa mga talampad ng mga bituin noong 3000BK, kung kailang lumaganap ang wikang proto-austronesyano sa Pilipinas. (Malimbawa: balatik panghuli ng baboy damo; niyu - niyog; etc.) Balatik at Moroporo 1. Malawak na kinikilala ang mga talampad na ito dahil madali itong mapansin. Makikita mula Oktubre hanggang Mayo kung saan sumisikat ito sa timog-silangan at lumulubog sa hilagang-hanluran— halos kung saan dinadaanan ng araw at buwan. ⤷ Balatik: Orion - hunter with arrow; Tatlong Maria o Tres Marias: Orion’s belt - three brightly aligned stars ⤷ Moroporo o Mapulon (Bisaya at Mindanao)/Supot ni Hudas o Rosaryo (Tagalog): Pleiades - a cluster of seven stars ⤷ Kapwa nagagamit ang Balatik at Moroporo bilang pananda sa mga gawain, at isa sa mga ito ay ang pagkakaingin (clearing a land of trees). Nobyembre - Disyembre: pinipili ang lupaing gagawing kaingin (slashing and burning of trees and plowing the ashes for fertilizer), Enero - Pebrero: nililinis, Marso - Abril: pinatutuyo ang mga sukal sa kainitan, kalagitnaan ng Abril: sinusunog at nagtatanim bago magulan sa Mayo. 2. Balatik ⤷ Pangalan ay kaugnay sa pangangaso at ang mga gawain ay kaugnay sa pagtatanim; isa ito sa mga pangunahing sanggunian sa pagkakaingin. Isa ding palatandaan sa ritwal ng pagsasakripisyo ng tao ng mga Bagobo. 3. Moroporo (boiling lights o kawan ng mga ibon) ⤷ Lumilitaw sa buwan ng Hunyo. Batay sa ulat ng mga paring Espanyol. ⤷ Panahong prehispaniko pa ito kilala ng ilang grupong etniko. Halos magkahawig ang katawagan dito, laluna sa gitna at timog ng Pilipinas bagaman iba-iba ang kahulugan at ang pangalan nito ay may pagkakaugnay sa pangangaso at gamit sa pagkakaingin, gaya ng Balatik. Pagpapahalaga sa Bituin 1. Larawan ng katutubong langit at bituin ⤷ Ang mga sinauna at kasalukuyang Pilipino ay naglikha ng sariling larawan ng langit at bituin. Inilagay nila sa langit ang kanilang mga bayaning pangkultura pati ang mga gamit, hayop, at halamang sangkot sa kanilang pangangaso, pangingisda, at pagkakaingin (agricultural practices). Itinatak nila sa langit ang kanilang kabihasnan; Halimbawa: Ang Ang Balatik bilang gamit ay kaugnay sa isang uri ng patibong na tinatawag na ballesta. ⤷ Ang langit, sa kanila, ay isang organisado at sistematikong bahagi ng kanilang pamumuhay at naging saligan (foundation) ng kanilang pamumuhay. 2. Bituin at Pamumuhay ⤷ May mahalagang bahagi ang mga bituin sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino. ⤷ Kaugnay ang mga bituin sa pangangaso, pagkakaingin, at iba pa nilang gawain. Maraming sangguniang bituin ang ipinangalan sa mga bagay ng kaugnay ng pangangaso at pangingisda; Halimbawa: Ang Balatik ay naging sanggunian sa pagsimula ng pagkakaingin. ⤷ Anu’t anuman, mga gawain na ito para maging matagumpay, kailangang malinang ang mga pananaw, paniniwala, kaalaman, kasanayan, kaugalian, at kagamitan sa maagang bahagi ng kasaysayan (regardless of the nature of the tasks or activities, for them to be successful, it is necessary to cultivate perspectives, beliefs, knowledge, skills, habits, and tools early on in history). 3. Sangguniang Bituin ⤷ Ang mga Pilipino ay may mga piling bituin bilang sanggunian sa mga gawain. ⤷ Minamahalaga ng kabihasnang Pilipino ang mga bituin na kita sa hilaga, gitna, at timog, laluna iyong sumisikat sa gabi at madaling araw ng mga buwan ng Oktubre hanggang Hunyo. Hilaga: Big Dipper, Polaris, Aquila, Dephinus, at Lyra. Timog: Southern Cross, Alpha at Beta Centauri, at Scorpius. Gitna: Orion, Pleiades, Hyades, Gemini, Canis Major at Canis Minor. 4. Pagbabago ⤷ Kahit may hatid ding pagbabago ang pakikipagtagpo ng kabihasnang Pilipino sa mga paniniwala at kaalamang kanluranin, nanatili ang pagpapahalaga ng mga pilipino sa mga bituin (Filipinos preserve their values and beliefs about the stars while being influenced by external ideas from the West). ⤷ Ang mga talampad gaya ng Tatlong Maria o Tres Marias ay ipinakilala ng kabihasnang Espanyol-Kristyano. Inilipat din ito sa mga bituing minamahalaga na ng mga Pilipino noon pang panahong prehispaniko (despite being termed Spanish-Christian, these were also associated with the cherished stars of the Filipinos since the pre-Hispanic era). ⤷ May mga bituin na ipinangalan sa mga bayani ng kilusang repormista at rebolusyonaryo. Naging isang mahalagang sagisag (symbol) ang mga bituin ng kilusang rebolusyonaryo. 5. Pagpapatuloy ⤷ Hindi pa nalilimutan ng iba ang mga sinaunang paniniwala at kaalaman ukol sa mga bituin kahit pinayaman ang kabihasnang Filipino ng mga bagong paniniwala ta kaalamang hatid ng Kristiyanismo at modernong agham. Patuloy pa naman ang batayan ng pagkabuoat paggamit dito sa pamumuhay ng tao, laluna sa pagkakaingin. ⤷ Nagpapatuloy ang kabuluhan (significance) ng mga bituin sa mga Pilipino; tatlo sa mga ito ay nagbibigay ngayon ng liwanag sa ating pambansang watawat.