MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 5, 2023 I. OBJECTIVES a. Content Standards: demonstrates understanding of the uses and meaning of musical terms in Form b. Performance Standards: performs the created song with appropriate musicality c. Learning Competencies: 1. recognizes the design or structure of simple musical forms: 1.1 unitary(one section) 1.2 strophic(same tune with 2 or more sections and 2 or more verses). MU5FO-IIIa-1 II. III. CONTENT ANYO NG MUSIKA LEARNING RESOURCES: QUARTER 3 MODULE 1 MUSIKA, 2020, Halinang Umawit at Gumuhit Batayang Aklat V Yunit III: Ang Pagpapahalaga sa Anyo at Kalidad ng Tunog Aralin 8: Ang mga Anyo ng Musika Sound system, PowerPoint presentation, Video, Activity Sheets, Book PROCEDURES a. Review Pagbibigay ng ilang katanungan upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral mula sa nakalipas na araling mga Interval sa Musika. 1. Ano ang bumubuo sa isang melody? 2. Anong mga salita ang maaaring ilarawan sa note interval? 3. Ilan ang interval na napapaloob sa C Major scale? 4. Isa-isahin ang iba’t-ibang interval na nakapaloob sa C b. Motivation Pagpapakita ng iba’t - ibang larawan na may iba’t – ibang anyo o porma katulad ng mga gusali, simbahan, bahay, at pook pasyalan. Ano – ano ang mga kailangan upang makapagpatayo ng isang bahay o gusali? Bukod sa mga materyales, at pambayad sa mga manggagawa, kailangan din gumuhit ng isang maayos na plano upang makabuo ng maayos at magandang bahay o gusali. Ganito rin ang panuntunan na ginagamit sa musika. Bago makalikha ang isang kompositor ng musika, kailangan niyang pagisipan ang anyo ng kaniyang gagawing musika. Higit na magiging maganda at maayos ang isang awitin kung ito ay mapagplaplanuhang mabuti. Sa araling ito, ating tatalakayin ang elemento ng musika na tumutukoy sa anyo o form ng musika. Magkakaroon tayo ng pagkakataong mapag-aralan ang mga pattern sa bawat awit. Higit nating maiintindihan ang konsepto ng anyo o form ng musika sa pamamagitan ng pag-awit at paglikha ng sariling musika. Makatutulong ang mga ito upang higit nating maunawaan at matutunang mabuti ang isang awitin o musika. c. Presentation Ang Anyo sa Musika Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form. Ang anyo o form ay may kaugnayan sa hugis, estruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng sining. Ang Anyong Unitary Ang unitary ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging hindi inuulit. IV. Ang Anyong Strophic Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay maituturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong isang melody na naririnig nang paulitulit sa bawat taludtod ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang melody nito ay mananatiling pareho lamang sa buong awit. Ang Anyong Binary May ibang musika o awitin na may dalawang pangunahing ideya. Ang bawat ideya ay likas na magkakaiba at nagbibigay ng mga kontrast o kakaibang kulay sa awitin. Ang bawat ideya ay nilalagyan ng marka na A at B. Kapag ang awit ay binubuo ng dalawang ideya, ito ay may anyong binary. Halimbawa ng mga kilalang awiting may anyong binary ay ang mga awiting Santa Clara at Jingle Bells. d. Discussion Narito ang halimbawa ng awitin na may anyong strophic e. Development/ Practice Sabihin kung anong anyo ng awitin ang nasa ibaba f. Application Makinig sa musika o awiting patutugtugin ng guro. Sa isang pirasong papel, isulat kung ang awit ay may anyong unitary, strophic o binary. g. Generalization Palaging tandaan na ang anyong unitary ay mayroon lamang isang ideya at isang melody. Samantalang ang strophic naman ay mayroong dalawa o higit pang ideya ngunit iisa lamang ang melody. Ang binary naman ay mayroong dalawa o higit pang ideya na nilalagyan rin ng higit pa sa isang melody h. Evaluation Isulat sa isang papel kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pangungusap 1. Hindi lahat ng sining ay may anyo. 2. Ang paglalagay ng paulit-ulit na pattern sa musika ay nagpapakita ng iba't ibang ideya. 3. Kapag ang isang awitin ay may tatlong hanay ng titik, ito ay may anyong binary. 4. Sa anyong binary, walang pagkakaiba o kontrast ang kulay sa awitin. 5. Ang awiting Jingle Bells ay mayroong anyong unitary. i. Assignment Pumili ng isa sa mga napag-aralang anyo ng musika at bumuo ng isang awitin ayon sa napiling anyo ng musika at ito ay ipamalas sa klase. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 6, 2023 I. Layunin: A. Napapalawak ang kaalaman sa testura at linya ng mga bagay. B. Naipapakita ang mga katangian ng testura at linya ng mga bagay. C. Nakagagawa ng isang produkto gamit ang linya at testura. II. Paksang Aralin: A. Elemento ng Sining: Testura at Linya B. Kagamitan: oslo paper, bond paper, linoleum, rubber(sole shoe), soft wood, linoleum cutter, ink, etching at intaglio tools, paint brush. C. Sanggunian: curriculum guide D. Code:A5EL – IIIa E. Values Integration (Knowledge of content within and across curriculum teaching areas): Araling Panlipunan – Natutukoy ang iba’t-ibang mythical creature ng bawat lugar. EsP – Natututunan ang kahalagahan ng paggawa ng print making. Science – Nagagamit ang mga bagay na nasa paligid. Nasasabi ang iba’t ibang testura at linya ng mga bagay. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Itanong: Ano ang ginamit mong mga elemento ng sining sa pagpinta mo nang landscape? 2. Pagganyak Ipasuri ang mga larawan at tanongin sila kung ano ang mga ideya nila rito. B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito'y maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba't-ibang bagay na matatagpuan sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, soft wood, rubber (soles of shoe). Sa pamamagitan ng pagkulay, mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay, maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang-sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang makalikha ng linya at testura gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag. Linya - pinakasimple, pinakanuno, at pinakauniversal napaglikha ng sining-biswal- palatandaan itong nagpapakita ng direksyon, oryentasyono mosyon- omnipresenteng elemento na napakadinamiko ang pwersa- humahatak sa paningin kapag minamasdan ang obrangsining. Testura ay isang elemento ng sining.Sa mga bagay na likas o di-likas,ang tekstura aynagsisilbing pangibabaw na katangian.Mauunawaan ito sa pamamagitan ng paghipo o pagsalat samga bagay. ITANONG: a. Anong mga bagay ang merong testura at linya? b. Paano natin malalaman na ang isang bagay ay binubuo ng linya at testura? c. Ano ang pagkakaiba na mga bagay na may testura at linya? 2. Gawaing Pansining a. Ngayong araw ay gagawa tayo ng isang likhang pansining na pinamagatang “The Creatures of Midnight”. Ihanda na ang mga materyales na pinadala ko sa inyo. Gamit ang linya at testura gagawa kayo ng isang paglilimbag na ang pokus ay ang Philippine Mythical Creatures katulad ng tiyanak, manananggal, kapre, sigbin, wakwak at iba pangmythical creatures ng bawat lugar sa philipinas. b. c. Anong katangian ang dapat mayroon sa isang bata sa pagawa ng isang gawain? (Matiyaga at malikhain) 3. Pagpapalalim sa Pag-unawa ITANONG: a. Ilarawan kung anong mythical creatures ang ginawa at saang lugar ito sa Pilipinas nakikita? b. Ilarawan ang testura at linya ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng disenyo? c. Ang ang kahalagahan ng testura at linya sa paggawa ng obra? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat a. Ano ang napapansin ninyo sa mga testura at linya ng mga bagay sa paligid? # Ang mga bagay sa paligid natin ay may iba’t-ibang anyo maaring ito ay mayroong testura na malambot o matigas, may linya na mahaba o maiksi. V. Pagtataya Palagyan ng tsek ang antas na naabot ng mga bata sa bawat kasanayan. V. Takdang Gawain / Kasunduan Magdala ng mga sumusunod na materyales: a. gunting b. illustration board c. pandikit MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 7, 2023 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman understands the nature and effects of the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol B. Pamantayan sa pagganap demonstrates the ability to protect one’s health by refusing to use or abuse gateway drugs C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulat ang code ng bawat kasanayan explains the concept of gateway drugs. (H5SU-IIIa7) II. Nilalaman concept of gateway drugs III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELCs DBOW MAPEH Page 81 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral 3. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, Worksheets, Laptop, Module IV. PAMAMARAAN A. Balik-aral Isulat sa loob ng kahon ang mga salik na nakakaimpluwensya sa gender identity at gender roles. Kopyahin sa papel o activity notebook. B. Paghahabi sa layunin ng aralin Piliin ang mga produktong sa tingin mo ay may sangkap na caffeine, nicotine o alcohol. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong aralin Alin sa mga produktong ito ang kinahihiligan mo o ng ibang miyembro ng iyong pamilya? Sa tingin mo, nakakabuti ba sa ating kalusugan ang mga produktong may caffeine, nicotine at alcohol? D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (I DO) Ang mga pagkain o inumin na may sangkap na caffeine, nicotine at alcohol ay itinuturing na gateway drugs. Ang mga gateway drugs ay mga drugs o substance na isa sa nagiging sanhi o nagtutulak sa isang tao upang gumamit at kalaunan ay malulong sa masamang bisyo. Ang sigarilyo at alak ayon sa mga pananaliksik ay ang mga pangunahing gateway drugs na maaaring humantong sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Sinasabing ang alcohol, nicotine at iba pang sangkap sa mga gateway drugs ay nakakaapekto sa systema ng utak kaya nagdudulot ng pangangailangan o urge sa isang tao na gumamit ng mga ilegal na droga na tinatawag din na mga hard drugs. Narito ang mga halimbawa ng mga pagkain o inumin na may caffeine. Ang caffeine ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating Central Nervous System (CNS) na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Matatagpuan ito sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. pa. Ayon sa DOH, 12 sa bawat 100 teenager na edad 13-15 ay naninigarilyo na. Samantala, 16 milyong Pilipinong edad 15 pataas naman ang naninigarilyo. Ang taong natutong manigarilyo, karamihan ay nauuwi sa paggamit ng ilegal na droga, at karaniwang nagiging sanhi ito ng pagkalulong. Ang paggamit din ng sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit ng marijuana, cocaine at iba pang ipinagbabawal na gamot. Ang pagkasugapa sa nikotina, isang kemikal sa tabako, ay itinuturing na tunay na pangkaisipan na pagkagumon. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine. Bukod sa nakakaadik na nicotine, ang isang stick ng sigarilyo ay may taglay na mga 12 kemikal na lubhang masama para sa kalusugan. Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay isa sa malawakang inuming kinukunsumo sa maraming bansa sa mundo. Ang pag-inom ng mga inuming ito ay nagdudulot ng adiksyon. Katulad ng tabako, ang alcohol ay isa sa mga legal na gateway drugs na pinagsisimulan upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon lamang ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak ay nagiging karaniwang gawain at libangan. Kahit ang isang tao ay hindi maitutring na alcoholic, malaki ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at malulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangyayari ito, tuwing siya ay lasing o nagiging gawi dahil nakararanas siya ng kasiyahan sa paggamit nito. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (WE DO) Pangkatang Gawain: Unang Pangkat: Dahilan kung bakit nahihikayat ang mga kabataan sa Caffein at ang masamang epekto nito sa ating katawan. Pangalawang Pangkat: Dahilan kung bakit nahihikayat ang mga kabataan sa Paninigarilyo at ang masamang epekto nito sa ating katawan. Pangatlong Pangkat: Dahilan kung bakit nahihikayat ang mga kabataan sa Alak at ang masamang epekto nito sa ating katawan. F. PaglinangsaKabihasnan (Tungosa Formative Assessment) (YOU DO) Isulat sa loob ng bilog ang mga sangkap ng gateway drugs at sa kahon naman, isulat kung ano ang natutunan mo tungkol dito. G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Matapos mong malaman ang tungkol sa gateway drugs, ano ang iyong natuklasan at hindi nagustuhan? Bakit? Ano ang kaya mong gawin upang hindi makasira sa buhay mo ang mga sigarilyo, kape at alcohol Paano mo pahahalagahan ang payo ng iyong mga magulang tungkol sap ag-iwas sa masasamang bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo? H. Paglalahat ng Aralin Kung ang isang miyembro ng pamilya ay gumgamit ng gateway drugs, hindi ito nangangahulugan na siya ay magigng drug addict pagdating ng araw. Kailangan lamang na magkaroon ng kasiguruhan na alam ng inyong paliya ang panganib na dulot nito at mag-alok ng tulong kung sakaling may problema o dinaramdam ang isang kapamilya. Kadalasan, ang pagiging problemado ang nagiging dahlia ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Maiiwasan ito kung palaging mayroong miyembro ng pamilya na palging handing tulumong at makinig. I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung anong sangkap mayroon ang sumusunod na mga produkto. Isulat sa patlang kung ito ba ay may sangkap na caffeine, nicotine o alcohol J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation Gumawa ng isang slogan na maghihikayat sa iyong mga kamag-aral na umiwas sa mga gateway drugs. Lagyan ng disenyo at kulay ang slogan. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 8, 2023 I. OBJECTIVES Content Standards: : demonstrates understanding of participation and assessment of physical activity and physical fitness Performance Standards: participates and assesses performance in physical activities. assesses physical fitness Learning Competencies: explains the indicators for fitness PE5PF-IIIa-17 II. CONTENT Paglinang ng Flexibility III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Review Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng iba’t ibang bahagi ng katawan? b. Motivation pagpapatuloy ng pagpapaunlad ng physical fitness c. Presentation Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad ng flexibility (kahutukan) ng katawan? d. Discussion Ang kahutukan ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan. Kinakailangan ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbangon sa pagkakahiga, pagbuhat ng bagay, pagwalis sa sahig, at iba pa. Ang antas ng kahutukan ng katawan ay bumababa kapag tumanda ang isang tao dahil sa palaupong pamumuhay. Kapag walang sapat na kahutukan, nagiging mahirap ang pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng kahutukan ng katawan. Sabihin kung ang mga gawaing ito ay pang-araw-araw na gawain, ehersisyo, laro, o sayaw. e. Development/ Practice Gawain: Paglinang sa kahutukan Two-Hand Ankle Grip Pamamaraan: 1. Bahagyang ibaluktot ang katawan sa harap. Sa pamamagitan ng pagdikit ng dalawang sakong (heel) ng paa, abutin ng mga kamay sa pagitan ng mga binti ang bukongbukong (ankle). 2. Pag-abutin ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong. 3. Panatilihing nakahawak ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong sa ayos ng sakong ng paa. 4. Manatili sa posisyon sa loob ng limang segundo (5). f. Generalization Ang pagpapaunlad ng flexibility o kahutukan ng kalamnan ay nakatutulong upang mapadali ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang paglinang sa mga gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan upang matamo ang inaasahang antas ng physical fitness. Ang two-hand ankle grip ay isa lamang sa mga gawaing sumusubok sa flexibility. V. VI. Evaluation Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng iyong flexibility o kahutukan. Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno at sagutan ito Assignment Gumawa ka ng talaan ng mga ito. Ibahagi mo sa mga kamag-aral mo ang iyong talaan. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 12, 2023 J. OBJECTIVES Content Standards: Demonstrates understanding of new printmaking techniques with the use of lines, textures through stories and myths. Performance Standards: Creates a variety of prints using lines (thick, thin, jagged, ribbed, fluted, woven) to produce visual texture. Learning Competencies Explore new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for soles of shoes), linoleum, or nay softwood that can be carved or gouged to create different lines and textures. A5EL – IIIb II. CONTENT Elements: Line Straight, curved, and jagged III. LEARNING RESOURCES A. . Kagamitan: oslo paper, bond paper, linoleum, rubber(sole shoe), soft wood, linoleum cutter, ink, etching at intaglio tools, paint brush. B. Sanggunian: curriculum guide C. Code:A5EL – IIIa D. Values Integration (Knowledge of content within and across curriculum teaching areas): IV. V. VI. PROCEDURES a. Review Magpakita ng larawan ng iba ibang uri na nalimbag ng mga pintor b. Motivation Pagpapakita ng mga larawan gamit amg makabagong pamamaraan ng paglilimbag. c. Presentation Ang paglilimbag ay ia sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay d. Discussion Paano mo maipagmamalaki ang gamit ng likhnag sining? Sino – sino ang iyong natatandaan na mga manlilimbag o pintor? e. Development/ Practice Ang likhnag sining ng pilipinas ay tunay na maipagmamalaki. Ang ating mga bantog na pinto ay ilan lamang sa pagpapatunay na an gating bansa ay kilala sa larangan ng pagpipinta f. Generalization Maipagmamalaki natin ang likhang sining ng mga Pilipino at ito ay naging inspirasyon ng bawat mag-aaral Evaluation Ipapaskil ang larawan na nilikha ng mga mag-aara Assignment Mag hanap sa internet ng iba pang tanyag na manlilimbag sa ating bansa. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 13, 2023 K. OBJECTIVES Content Standards: demonstrates understanding of new printmaking techniques with the use of lines, texture through stories and myths. Performance Standards: creates a variety of prints using lines (thick, thin, jagged, ribbed, fluted, woven) to produce visual texture. Learning Competencies: explores new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for soles of shoes),linoleum, or any soft wood that can be carved or gouged to create different lines and textures A5EL-IIIb II. CONTENT Paglilimbag III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Review Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas sa ipinintan bagay. b. Motivation explores new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for soles of shoes),linoleum, or any soft wood that can be carved or gouged to create different lines and textures c. Presentation Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood,rubber(soles of shoes). Sa pamamagitan ng pagkulay,mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay,maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang-sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang makalikha ng linya o texture gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag. d. Discussion 1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na nakalap sa inyong tahanan. 2. Gayundin ilahad ang oslo paper na gagamitin,water paint o water color,brush. 3. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi na ipinadala ng guro at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di na gaanong basa ang pagkakapinta o kulay. 4. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa mga kagamitan. 5. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas. 6. Kung ang gagamitin naman ay softwood. Umukit ng magandang larawan sa malambot na kahoy at pagkatapos ay pintahan at iwanan ang bakas sa malinis na papel. e. Development/ Practice Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood,rubber(soles of shoes). Sa pamamagitan ng pagkulay,mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay,maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang-sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang makalikha ng linya o texture gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag. f. V. VI. Generalization Upang makagawa ng awit na may dalawang verse na may apat linyang anyong strophic dapat tandaan ang istruktura o disenyo ng anyo nito. Evaluation Ano ang iyong naramdaman nang makalikha kayo ng sarili ninyong awit? Assignment Panuto: Gumawa ng sariling awit na nasa anyong strophic na dalawang verse na may apat na linya. Gamitin ang pamagat na “Masaya Ang Buhay” bilang patnubay. Gumamit ng rubric at lagyan ng tsek ang tamang kahon. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 14, 2023 L. OBJECTIVES Content Standards: understands the nature and effects of the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol Performance Standards: practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries Learning Competencies: identifies products with caffeine H5SU-IIIb-8 II. CONTENT Gateway Drugs III. LEARNING RESOURCES VII. PROCEDURES a. Review Pag-aralan at suriin ang bawat larawan at sagutin ang mga tanon b. Motivation Anu- ano ang mga produktong makikkita sa larawan? Saan karaniwang mabibili ang mga produktong nasa larawan? Kailan karaniwang iniinom ang mga produktong ito? Ano ang pagkakatulad ng mga produktong ito? c. Presentation Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga kasunod na tanong. d. Discussion Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ang caffeine ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Ang caffeine ay matagpuan sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at maraming soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ang caffeine ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine tulad ng nasa listahang inihaanda ko. e. Development/ Practice Magtala sa tsart ng mga produktong may caffeine na karaniwang mabibili sa mga tindahang malapit sa inyong lugar at isulat ang karampatang dami ng caffeine na taglay nito. V. Evaluation Punan ng tama o mali ang patlang upang makabuo ng angkop na pangungusap. 1. Ang pag-inom ng ng inuming may sangkap na caffeine ay ______________ at makabubuti sa ating kalusugan. 2. _________________ang pagkonsumo ng higit sa 100 mg ng caffeine sa araw- araw. 3. _________________na magpakonsulta sa doctor kung sakaling may maramdamang kakaibang reaksyon sa katawan dulot ng pagkonsumo ng mga pagkaing may caffeine. 4. _________________na suriin ang dami ng caffeine o anumang sangkap na taglay ng pagkain o inumin. 5. ________________na maging maingat sa pagpili ng pagkain lalo na at may taglay itong gamot tulad ng caffeine. VI. Assignment Panuto: Gumawa ng sariling awit na nasa anyong strophic na dalawang verse na may apat na linya. Gamitin ang pamagat na “Masaya Ang Buhay” bilang patnubay. Gumamit ng rubric at lagyan ng tsek ang tamang kahon. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 15, 2023 I. OBJECTIVES Nakagagawa ng apat na taludtod/linya awit sa anyong unitary. II. CONTENT Unitary III. LEARNING RESOURCES VIII. PROCEDURES a. Review Pamilyar ba kayo sa awiting “Boom Boom Tagalog Version”? Sinubukan mo bangnawitin ito? Anong naramdaman mo pagkatapos itong awitin o pakinggan? Sinubukan mo rin bang maglapat ng sarili mong liriko sa kahit na anong uri ng awitin? Ang paglalapat o paghahalaw ng mga awitin ay nauso mula pa noong dekada 70 at ginagawa pa rin ilan mang-aawit magpahanggang sa kasalukuyan. Maraming mga mang-aawit na Filipino ang gumawa ng mga sarili nilang bersiyon ng mga awiting Ingles gaya nina Rico J. Puno, Haji Alejandro at maging si April Boy Regino, Regine Velasquez at Sarah Geronimo. Inaasahang sa huling bahagi ng aralin na makagagawa ka ng awiting nasa anyong unitary. Likas na sa mga Pinoy ang maging malikhain sa anumang bagay lalo na ang pagbuo ng musika. Naipahahayag ng sinuman ang kanyang damdamin at ideya sa pamamagitan ng pagsulat ng anumang komposisyong musikal. b. Discussion Natutuhan nating ang unitary song ay binubuo ng isang verse na di inuulit ang pag-awit o tugtog. Ito ay binubuo ng apat (4) na linya o taludtod. Halimbawa: Kung isusulat nang patula ang awit, bubuo ito ng isang verse o isang saknong na may 4 na taludtod. Halimbawa: Ang tula ay isang masining na paraan ng pagsulat na bahagi ng panitikan at literature, ito ay nagpapahayag ng damdamin o ideya ukol sa mga bagay, pangyayari o anumang interes ng isang manunulat. Bahagi na ito ng panitikan magmula pa sa ating mga ninuno. Ito ay maaaring may sukat o malaya. Mayroon din namang tugma o magkakasingtunog na salita sa huli ng mga parirala. Binubuo ito ng mga taludtod at saknong, gaya rin ng mga liriko ng mga awitin. Masasabi nating maaaring gawing awitin ang mga tula. Ito ay sa pamamagitan ng paglalapat ng himig. c. Development/ Practice Masdan ang mga larawan sa ibaba, suriin kung ano ang ipinakikita ng mga larawan. Sumulat ng isang simpleng tula na may apat na taludtod tungkol sa iyongkaibigan, lagyan ito ng pamagat. Isulat ito sa iyong kwaderno. Markahanang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√)sa tamang kolum ng rubriks sa baba. V. Evaluation Basahin ang tula sa ibaba. Alamin ang damdamin ng manunulat ukol sa kanyang alaga. Suriin ang mensaheng nais niyang ipahiwatig sa mambabasa. VI. Assignment Sumulat ng isang tula na may apat na taludtod ukolsa mensahe na ipinababatid ng poster sa taas. Humingi ng tulong ng iyong magulang o kapatid, gawing awitang tulang iyong isinulat sa anyong unitary.Pagsanayang awitin ang komposisyon at awitin ito sa harap ng mgamagulang. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: JANUARY 16, 2023 I. OBJECTIVES Naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na nalilinang/napauunlad ng mga gawaing pisikal II. CONTENT Mga Sangkap ng Physical Fitness (Cardiovascular Endurance, Lakas ng Kalamnan, Tatag ng Kalamnan, at Flexibility) III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Review Nais mo bang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan? Hali na at isa-isahin natin sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na maglilinang o magpapaunlad ng mga gawaing pisikal. Gawain Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, punan ang bawat bilog ng mga tamang Health Related Fitness Components. Hanapin ang sagot sa kahon. b. Discussion Ang Filipino Activity Pyramid Guide ay nagpapaalala sa mga gawaing pisikal na maaaring malinang sa isport, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan. Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang gawaing pisikal na nalilinang na maaaring makuha sa isports, paglalaro, sa mga gawaing bahay, pagsasayaw at iba pa upang mapanatili ang kalusugan ng bawat isa. 1. Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) – ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa. 2. Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa. 3. Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – ang kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas. 4. Flexibility (Kahutukan) – ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng mga kalamnan at kasukasuan. 5. Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at tubig) sa katawan. c. Development/ Practice Tunghayan ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan o sa labas ng tahanan. Tukuyin kung gaano kadalas mo itong ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng karampatang bilang: 4 = palagi 3 = madalas 2 = madalang 1 = paminsan-minsan Isulat din kung anong sangkap ng fitness ang nalilinang at napauunlad nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? ___________________________ Alam mo ba na may kahulugan ang puntos na iyong natamo sa pagsagot sa unang gawain? Tunghayan ang kahulugan ng bawat puntos. Iba’t-ibang uri ng laro na lumilinang at napapaunlad ng mga gawaing pisikal. V. Evaluation Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng mga physical fitness na nalilinang /napapaunlad ng mga gawaing pisikal at sa bawat tapat nito ay bigyan mo ng paliwanag. VI. Assignment Ayon sa iyong paglahok sa laro, paano mo tatayain ang iyong sarili ayon sa iyong pagkilos. Tayahin ang sarili sa pamamagitan ng pagtsek (/) sa patlang na naaayon sa iyong sagot. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: FEBRUARY 19, 2024 I. OBJECTIVES Natututukoy ang Disenyo o Istruktura ng Isang Payak na Anyong Musikal ● Unitary ● Strophic II. CONTENT Anyo III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Introduction/Panimula Mahilig ka bang umawit? Ano ang paborito mong awitin? Bakit ito ang iyong napili? Aling bahagi ng awitin ang iyong naibigan? Ang anyo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa kayarian ng isang komposisyon batay sa kaanyuan o pagkakabuo ng mga parirala nito. Sa araling ito inaasahang matutukoy mo ang istruktura ng isang payak na anyong musikal na nasa anyong unitary at strophic. Makikita sa anyo ang larawan ng isang kabuuang awit o tugtugin. Ito ay madarama sa daloy ng himig ng bawat parirala. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pariralang bumubuo sa isang awit ay malalaman ang anyo nito. Upang maging maganda at hindi nakababagot ang isang komposisyong musikal, ang isang kumakatha ng tugtugin ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan. Upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin, maaring ang mga pariralang himig at ritmo ay kaniyang uulit-ulitin, pagkokontrahin, pagbagay-bagayin at lalagyan ng sukdulan o climax. Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form. Ang anyo o form ay may kaugnayan sa hugis, istruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng sining. Ang pag-aaral at pag-unawa sa konsepto ng anyo ay nagsisimula sa pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika na tinatawag na motif. Ito ang nagsisilbing pundasyon o batayan ng komposisyon dahil ito ay kadalasang lumalabas nang paulit-ulit sa bahagi ng awitin. Ang bawat note ay hindi magiging makahulugan at makabuluhan kung ito ay tutugtugin nang paisaisa. Kung ang mga note ay aawitin o tutugtugin nang magkakasunod o sama-sama, ito ay maaring maging isang ideya na tinatawag sa musika na motif. Ang motif ay maaring melodic o rhythmic. Ang mga unang notes ng Bahay Kubo ay isang halibawa ng melodic motif. Ang mga awitin at musikal ay binubuo ng maraming linya, pattern o melody at rhythm. Isa sa pinakamahalagang kakayahan na dapat taglayin ng isang kompositor ay ang kaalaman sa pagsasaayos ng mga pattern ng musika. Ang paglalagay ng pattern ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga ideya. Samantalang ang paglalagay ng magkakaibang pattern ay nagpapakita naman ng iba’t ibang ideya. https://www.youtube.com/watch?v=DiTpgfKFaVQ b. Development/ Pagpapaunlad Anyong Unitary at Strophic Maraming uri ng anyo sa musika na maaring gawing basehan sa paglikha ng isang awit o musika. May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic. Ang unitary ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahagi. Halimbawa: (https://www.youtube.com/watch?v=_z-1fTlSDF0) Isa pang simpleng anyo ng musika ang strophic. Ang isang awitin o musika ay maituturing na may anyong strophic kung ito ay may iisang melody o himig na maririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng kanta. Kahit mabago ang titik ng awit, ang melodiya nito ay mananatiling pareho sa kabuuan ng awit. Halimbawa: (https://www.youtube.com/watch?v=rEpBKZJcyYI) Ang bawat taludtod na may iisang melodiya ay tinatawag na A. Kung ang melodiya ay inulit ng ikalawang beses, ito ay may anyong AA, at kung inulit sa ikatlong beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AAA. c. Practice Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang iskor ng awiting “Pilipinas kong Mahal.” Sagutin ang mga tanong ukol dito. (https://www.youtube.com/watch?v=PmP5jfwKCII) 1. Ano ang ipinahihiwatig ng awitin? 2. Saang palakumpasan ito nabibilang? 3. Awitin ang “Pilipinas Kong Mahal”. Suriin ang himig nito, may bahagi bang inuulit- ulit? 4. Anong anyong pangmusika ang bumubuo sa komposisyong musikal nito? 5. Masasabi bang nasa unitary na anyo ang awit? Bakit? d. Engagement/Pakikipagpalihan Group Activity Pag-aralan ang iskor ng awiting “Silent Night.” Sagutin ang tanong ukol dito. Isulat ang sagot sa kuwaderno. (https://www.youtube.com/watch?v=UNpiQwgStNA) 1. Ano ang ipinahihiwatig ng awitn? 2. Saang palakumpasan ito nabibilang? 3. Awitin ang Silent Night. Suriin ang himig nito, may bahagi bang inuulit-ulit? 4. Anong anyong pangmusika ang bumubuo rito? 5. Masasabi bang nasa strophic na anyo ang awit? Bakit? e. Assimilation Paglalapat Ang disenyo o istruktura ng anyong musikal na may isang verse na hindi inuulit ay tinatawag na unitary. Samantalang ang anyong musical naman na inaawit mula sa unang verse hanggang sa huling verse na may parehong tono ay tinayawag na strophic. Pamilyar ka ba sa mga nursery rhymes at mga awiting pamasko? Karaniwang naririnig ang mga awiting ito upang magbigay aliw sa mga nakikinig. Ang mga awiting nasa anyong unitary at strophic ay kalimitang makikita o matatagpuan sa mga katutubong awitin, awiting bayan, himno, awiting pansimbahan at sa mga awiting pamasko. V. Evaluation Kilalanin ang anyo ng mga awit sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang UA kung ito ay nasa anyong unitary at SA kung nasa anyong strophic. 1. Si Marie 2. Bahay Kubo 3. Sitsiritsit 4. Twinkle Little Star 5. Baba Black Sheep 6. Rain, Rain Go Away 7. Are You Sleeping? 8. Ang Pipit 9. Ako ay may Lobo 10. Row, Row, Row Your Boat VI. Assignment Batay sa inyong natutuhan, magtala ng mga halimbawa ng mga awiting nasa anyong unitary at strophic. Maaring humingi ng tulong sa magulang o nakatatandang kapatid. Gamitin ang talahanayan sa ibaba para sa iyong kasagutan. Isulat ang pamagat ng awitin sa tamang kolum ng talahanayan. Gawin ito sa kuwaderno. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: FEBRUARY 20, 2024 I. OBJECTIVES Natatalakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang bagay, halimbawa sa linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang maiukit ang mga linya at kayarian sa paglilimbag II. CONTENT Makabagong Pamamaraan ng Paglilimbag III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Introduction/Panimula Maraming paraan kung paano maipahahayag ang husay at galing sa sining gaya ng pagguhit, pagpinta at iba pa. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na matatalakay mo ang makabagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang ibang bagay, halimbawa sa linoleum, softwood at rubber (sole of shoes). Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito ay maaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa paligid at pamayanan, halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes). Sa pamamagitan ng pagkulay, mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining. Sa kulay, maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang sining kung paano nagbabago ang mga nakulob o naitagong na bagay upang makalikha ng linya o texture gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag. b. Development/ Pagpapaunlad Halina’t Matuto Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay may paglilimbag at ekis (x) kung wala. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. c. Engagement/Pakikipagpalihan Individual Activity Halina’t Gumuhit Paglilimbag Gamit ang Balat ng Prutas at Dahon Mga Kagamitan: Balat ng kalamansi (hatiin sa gitna), dahon ng halaman o puno, oslo paper, watercolor at brush Mga Hakbang sa Paggawa 1. Ihanda ang mga kagamitang nakalap sa inyong tahanan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag. 2. Gayundin ihanda ang oslo paper na gagamitin, water paint o water color, at brush. 3. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ‘di na gaanong basa ang pagkakapinta o kulay. 4. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa mga kagamitan. 5. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang iyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas. d. Assimilation Paglalapat Basahin ang maikling sanaysay, pagnilayan ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Maraming lumang linoleum at lumang sapatos sa bahay ni Mang Mario. Kinolekta niya ito at ginupit sa iba’t ibang disenyo. Kinulayan niya ito ng pintura at gumawa siya ng dekorasyong pambahay. 1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita dito ni Mang Mario? 2 2. Naipakita ba ni Mang Mario ang paraan ng paglilimbag? Ipaliwanag. 3. Paano kaya niya ito mapagkakakitaan? 4. Kaya mo bang gawin ang ginawa ni Mang Mario? Paano? V. Evaluation Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ng mga pangungusap ay wasto at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. ____1. Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas sa isang kinulayang bagay. ____2. Isang kawili-wiling gawain ang paglilimbag. ____3. Ang paglalagay ng kulay sa isang likhang sining ay nagbibigay ng ganda at kakaibang damdamin. ____4. Ang paglilimbag ay nakauubos ng oras at panahon. ____5. Ang paglilmbag ay maari mong makita sa mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber VI. Assignment Balikan ang iyong naging gawain. Talakayin mo saiyong guro ang natapos mong gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Maaari mo itong isagawa sa mga sumusunod na pamamaraan: sa pamamagitan ng pagbibidyo ng sarili habang ipinaliliwanag ang gawain; pagrerekord ng audio; o sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kasagutan sa papel. Ikaw ay mamarkahan ng guro sa pamamagitan ng rubrik sa ibaba. Tandaan: Pumili lamang ng isa na iyong kaya mong gawin sa pamamatnubay ng iyong magulang. Mga Tanong: 1. Ano ang mga kagamitang ginamit mo sa gawain? 2. Paano mo isinagawa ang gawain? 3. Anong disenyo ang nabuo mo? 4. Mahalaga ba ang paglilimbag para makabuo ng isang kawili-wiling likhangsining? Ipaliwanag MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: FEBRUARY 21, 2024 I. OBJECTIVES Nailalarawan ang pangkalahatang epekto ng paggamit at pang aabuso sa caffeine, tabako at alcohol. II. CONTENT Pangkalahatang epekto ng paggamit at pang aabuso sa caffeine, tabako at alcohol III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Introduction/Panimula Alam mo ba na may mga produkto na madalas nating nakikita sa loob ng tahanan o maging sa tindahan ay maaaring nagtataglay ng mapanganib na substansya o kemikal na galing sa mga iba’t ibang produkto? Ito ay maaaring may mabuti o masamang epekto sa ating katawan. Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na mailarawan ang pangkalahatang epekto ng paggamit at pang aabuso sa caffeine, tabako at alcohol. b. Development/ Pagpapaunlad Narito ang ilan sa mga masamang epekto ng gateway drugs sa isang tao. Basahin at pag-aralan ang tsart c. Practice Pagmasdan ang tatlong larawan at ilarawan ang epekto nito sa kalusugan. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. d. Engagement/Pakikipagpalihan Group Activity Group 1: Mangalap ng iba pang substansiya o kemikal na ginagamit sa mga produkto gaya ng mga caffeine, nikotina at alcohol. Idikit ito sa puting papel at isulat ang mga epekto sa taong nakakagamit nito. Group 2: Magtala ng mga suhestiyong makakatulong upang makaiwas sa paggamit at pag-abuso sa caffeine, tabako at alak. Isulat ang naipong tala sa organizer. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay tama at ekis (X) kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel. e. Assimilation/ Paglalapat Nagreresulta sa hindi malinaw na pagsasalita, hindi matatag na paggalaw, magulong mga pakiramdam at kawalan ng kakayahang kumilos nang mabilis. Nakababawas sa kakayahan ng taong mag-isip nang makatwiran at sinisira ang kanyang pagpapasya. Mabilis na pagtibok ng puso, pagkatuliro, kawalan ng koordinasyon ng iba’t ibang bahagi ng katawan, kadalasang sinusundan ng matinding kalungkutan o pagka-antok. Nakararanas ng mga panic attack o pagkabalisa. Ilan ang mga iyan sa mga pangkalahatang epekto ng pag-abuso sa sangkap ng substansya na ginagamit sa paggawa ng alak, sigarilyo at kape. V. Evaluation Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sgautang papel. 1 .Ano-ano ang mga pangkalahatang epekto ng paggamit at pag-abuso sa: A.caffeine 1.__________________________________________________________ 2._________________________________________________________ B.Tabako 1.__________________________________________________________ 2.__________________________________________________________ C. Alcohol 1.________________________________________________________ 2.__________________________________________________________ 2.Paano ka makaiiwas sa paggamit at pag-abuso ng mga ito? 1.__________________________________________________________ 2.__________________________________________________________ 3. Kung ikaw ay may kaibigan o kamag-anak na gumagamit at umaabuso sa mga bagay na ito, paano mo sila matutulungan? 1.________________________________________________________________ 2.________________________________________________________________ VI. Assignment Lights… Camera..Action Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, mag-video ng kilos na nagpapakita ng epekto ng paggamit at pang-abuso sa mga produktong halimbawa ng gateway drugs. Ihanda ito para sa pagpapasa sa guro. 1. caffeine 2. tabako 3. alcohol MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: FEBRUARY 22, 2024 I. OBJECTIVES Nakagagawa ng awit na may apat na taludtod/linya na nasa anyong strophic na may dalawang bahagi at may dalawang saknong/verse II. CONTENT Strophic III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES a. Introduction/Panimula Sinasabing ang mga kompositor Ang paglikha ng awit ay nagtataglay ng isang makulay at malikhaing pag-iisip. Sa paggawa o pagsulat niya ng awitin ibinubuhos ang kanyang damdamin at ideyalismo na nais iparating sa mga nakikinig ng kanyang ginawang musika. Nais mo rin bang maging kompositor o manunulat ng awit? Nais mo bang gumawa ng sarili mong musika? Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay makagagawa ka ng awit na may apat na taludtod/linya na nasa anyong strophic na may dalawang bahagi o may dalawang saknong/verse. Isa pang simpleng anyo ng musika ang strophic. Ang isang awitin o musika ay maituturing na may anyong strophic kung ito ay may iisang melody na maririnig ng paulit- ulit sa bawat taludtod ng kanta. Kahit mabago ang titik ng awit, ang melody nito ay mananatiling pareho lamang sa kabuuan ng awit. Ang bawat taludtod na may iisang melodiya ay tinatawag na A. Kung ang melodiya ay inulit ng ikalawang beses, ito ay may anyong AA, at kung inulit sa ikatlong beses sa ibang taludtod, ito ay may anong AAA. b. Development/ Pagpapaunlad Mahalagang tandaan ang istruktura o anyo ng komposisyong musical. Dapat nating tandaan na ang strophic song ay binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit ang tono o tugtog sa bawat verse. Halimbawa: c. Practice Obserbahan at pakinggan ang awiting nasa taas, subukang awitin. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang pamagat ng awiting iyong pinakinggan at inawit? 2. Ilang bahagi o saknong ang bumubuo sa awitin? 3. Masasabi bang nasa anyong strophic ang awitin? Bakit? 4. Nagbago ba ang himig ng awitin mula sa simula hanggang sa wakas? 5. Ilarawan ang istruktura ng anyong strophic, gamit ang tatlong pangungusap. d. Engagement/Pakikipagpalihan Activity A. Masdan ang mga larawan sa ibaba, suriin kung ano ang ipinakikita ng mga larawan. Subukang sumulat ng isang tula na may apat na taludtod at dalawang bahagi tungkol sa mensaheng ipinararating ng mga larawan, lagyan ito ng pamagat. Isulat o sa iyong kwaderno. Markahan ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√)sa tamang kolum ng rubriks sa baba. e. Assimilation/ Paglalapat Sadyang mahilig umawit ang mga Pilipino. Isa ito sa mga talentong maipagmamalaki sa buong mundo. Bahagi na ito ng ating kultura, anuman ang gawain, gaano man ito kahirap, pinagagaan ng musika ang anumang trabaho o aktibidad V. Evaluation Subukan nating palitan ang mga liriko at titik ng awiting “Sitsiritsit”. Palitan rin ang pamagat nito. Gamit ang kaalamang natutuhan sa mga nagdaang gawain bumuo ng lirikong aangkop para dito. Sumulat ng awiting nasa anyong strophic na may dalawang bahagi tungkol sa iyong sarili. VI. Assignment Ipakita ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsulat ng awitin sa anyong strophic na may dalawang bahagi at tig- apat na linya. Pumili ng isa buhat sa mga nakatalang tema sa baba. Isulat ang komposisyong iyong ginawa sa kuwaderno o sagutang papel. Kasama ang iyong magulang o kapatid awitin ang iyong ginawang komposisyon. Ivideo ang gawain at ipadala sa guro bilang bahagi ng iyong awtput sa musika. MAPEH 5 DAILY LESSON PLAN DATE: FEBRUARY 23, 2023 I. OBJECTIVES Naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na nalilinang/napauunlad ng mga gawaing pisikal II. CONTENT Mga Sangkap ng Physical Fitness (Cardiovascular Endurance, Lakas ng Kalamnan, Tatag ng Kalamnan, at Flexibility) III. LEARNING RESOURCES IV. PROCEDURES d. Review Nais mo bang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan? Hali na at isa-isahin natin sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na maglilinang o magpapaunlad ng mga gawaing pisikal. Gawain Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, punan ang bawat bilog ng mga tamang Health Related Fitness Components. Hanapin ang sagot sa kahon. e. Discussion Ang Filipino Activity Pyramid Guide ay nagpapaalala sa mga gawaing pisikal na maaaring malinang sa isport, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan. Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang gawaing pisikal na nalilinang na maaaring makuha sa isports, paglalaro, sa mga gawaing bahay, pagsasayaw at iba pa upang mapanatili ang kalusugan ng bawat isa. 6. Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) – ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa. 7. Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa. 8. Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – ang kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas. 9. Flexibility (Kahutukan) – ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng mga kalamnan at kasukasuan. 10. Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at tubig) sa katawan. f. Development/ Practice Tunghayan ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan o sa labas ng tahanan. Tukuyin kung gaano kadalas mo itong ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng karampatang bilang: 4 = palagi 3 = madalas 2 = madalang 1 = paminsan-minsan Isulat din kung anong sangkap ng fitness ang nalilinang at napauunlad nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? ___________________________ Alam mo ba na may kahulugan ang puntos na iyong natamo sa pagsagot sa unang gawain? Tunghayan ang kahulugan ng bawat puntos. Iba’t-ibang uri ng laro na lumilinang at napapaunlad ng mga gawaing pisikal. V. Evaluation Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng mga physical fitness na nalilinang /napapaunlad ng mga gawaing pisikal at sa bawat tapat nito ay bigyan mo ng paliwanag. VI. Assignment Ayon sa iyong paglahok sa laro, paano mo tatayain ang iyong sarili ayon sa iyong pagkilos. Tayahin ang sarili sa pamamagitan ng pagtsek (/) sa patlang na naaayon sa iyong sagot.