Uploaded by 20-00658

Silva Zyndeih Gawain1

advertisement
ZYNDEIH DENILLE B. SILVA
MEXE – 4103
GAWAIN 1
Ang bawat isang tao ay pinanganak ng may karapatang sa pagpapahayag, ito man ay katotohanan o
kanilang sariling opinion lamang. Ngunit tila marami ang pinapatahimik ng kasakiman, kasinungalingan at
kurapsyon. Sa larawan ay makikita ang mga kamay na may tangan na mikropono na sumisimbulo sa mga
mamamahayag at midya na syang nagbibigay kaalaman ukol sa mga kalagayan at hinanaing ng mga mamamayan
ng ating bansa. Kabilang rito ang ang mga mahihirap, empleyado, kabataan, mga may sakit at mga magsasaka na
karaniwang mga grupo ng taong hindi nabibigyan ng atensyon at sapat na tulong ng ating gobyerno. Sa larawan
makikita na ang mga ito ay pinipigilan na makahingi ng tulong ng mga taong may hindi malilinis na intensyon para
sa bansa at tila walang pakialam at pahalaga sa kanilang kapwa at bansa. Ito ang isa sa mga nararapat na
mabigyang diin na suliranin ng ating bansa ang mabigyang boses ang mga tunay na nangangailangan ang
magkaroon ng mga mamamahalang may malawak na pandinig ukol sa mga hinanaing ng iba.
Download