Bagani Tocgo Elementary School Banghay Aralin sa EPP 4 I.Layunin: Natatalakay ang mga kagamitan sa pagsusukat. Naiuuri ang kagamitang panukat ayon sa gamit nito. Pagiging Masipag II.Paksa: Mga Kagamitan sa Pagsusukat Sanggunian: EPP 4 (TG) pahina 210,EPP 4 (LM) pahina 452 Kagamitan: iskuwala, meter stick, larawan ng zigzag rule, pull-push rule, ruler, protractor,tape measure III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1.Balik-aral: Pagbabalik aral sa mga hayop na pwedeng alagaan sa bahay at kung paano ito aalagaan ng mabuti. 2.Pagganyak: Pagpapakita ng larawan ng isang karpintero . Itanong: Sino ang nasa larawan? Ano ang kanyang ginagawa? Ano-ano kaya ang kanyang mga kagamitan? Ano ang masasabi ninyo sa karpintero? -Pagpapaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng kasipagan. B. Panlinang na Gawain: 1.Paglalahad: Pagpapakita ng iba’t ibang uri ng kagamitang panukat. Itanong: Alam niyo ba ang mga pangalan ng mga kagamitan na ipinakita ko? Ano- ano kaya ang gamit ng mga ito? Saan kaya ginagamit ang mga ito? (Isusulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata at iugnay ito sa aralin) 2. Pagtatalakay: Pagtatalakay sa mga kagamitan sa pagsusukat at pag-uugnay sa mga sagot ng mga bata na Nakasulat sa pisara. 3.Pagsasanay: Pangkatang Gawain: Pangkat A: Lagyan ng tsek (√) ang espasyo kung ano ang wastong kagamitan sa pagsusukat ang gagamitin Sa mga bagay na nasa tsart. Iulat ito sa klase. Mga Ruler Meter stick Pull-push rule Tape measure Iskuwala Kagamitan Beywang Lapis Pattern sa paputol ng tela Lapad ng mesa Taas ng pinto Pangkat B: Buuin ang puzzle at isulat ang pangalan at gamit nito. Iulat ito sa klase. a.tape measure b.protractor 4.Paglalahat: Ano-ano ang mga kagamitan sa pagsusukat an gating napag-aralan ngayon?Ano-ano ang kanilang gamit? 5. Paglalapat: Gamit ang inyong ruler sukatin ang mga sumusunod: 1.haba ng notebook 2.lapad ng papel 3.haba ng ballpen IV. Pagtataya: Ano ang ginagamit sa pagsusukat ng sumusunod na bagay? __________1. tuwid na guhit o linya sa papel __________2. pabilog na hugis ng isang bagay __________3. taas ng pinto __________4. kapantayan ng ibabaw na bahagi ng mesa __________5. kapal ng mesa V. Takdang Aralin: Magtala ng limang bagay na makikita sa bahay na pwedeng sukatin.Iuri ditto kung anong kagamitang panukat ang dapat gamitin. Bagani Tocgo Elementary School Banghay Aralin sa EPP 4 (HE) I.Layunin: Nakikilala ang tungkulin sa sarili. Natutukoy ang mga tamang gamit sa paglilinis ng sarili. Natutukoy kung ang mga gamit ay pansarili o pampamilya. Pagiging Malinis II.Paksa: Tungkulin sa Sarili Sanggunian: EPP 4 pahina 208 Kagamitan: mga larawan, manila paper, pentel pen III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1.Pagganyak: Pagsunod sa isang video ng awitin. Itanong: Tungkol saan ang awitin? Bakit kailangang maligo? Bakit kailangang maging malinis? -Pagpapaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng kalinisan. B. Panlinang na Gawain: 1.Paglalahad: Pagpapakita ng mga larawan nagpapakita ng mga tungkulin sa sarili. Itanong: Ano-ano ang nakikita sa larawan? Ano-ano ang kanilang ginagawa? (Isusulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata at iugnay ito sa aralin) 2. Pagtatalakay: Talakayin sa mga bata ang mga nakatalang tungkulin sa sarili. 3.Pagsasanay: Pangkatang Gawain: Pangkat A: Sa manila paper iguhit ang mga bagay na kailangang gamitin sa paliligo. Kulayan ang ang mga ito at kulayan. Pangkat B: Iconnect sa larawan ng bata ang mga bagay na kailangan nya sa paglilinis ng kanyang ngipin 4.Paglalahat: Ano-ano ang mga tungkulin sa sarili na ating tinalakay? Dapat din nating tandaan na: May mga bagay at kagamitan na dapat tayo lang ang gumagamit tulad ng mga personal na kagamitan. Dapat ikaw lamang ang gumagamit ng iyong sepilyo, bimpo, suklay, at mga panloob na damit. 5. Paglalapat: Isulat kung ang mga larawan ay ginagamit na Pansarili o Pampamilya 1. 2. 3. 4. 5. IV. Pagtataya: Lagyan ang patlang ng () masayang larawan ng mukha kung tama at () malungkot na larawan kung mali ang sumusunod na pangungusap. ______1. Nawawala ang sepilyo mo, nakita mo ang sepilyo ng nakababata mong kapatid kaya ito muna ang ginamit mo. _____2. Maganda ang palabas sa television. May pasok kapa kinabukasan kaya sinabi ma na lang sa tiyahin mo na kwentuhan ka na lang tungkol sa palabas dahil matutulog ka nang maaga para hindi ka mapuyat. _____3. Kinakain ni Momay ang mga guklay at prutas na nakahanda sa hapagkainan. _____4. Naliligo si Angelo araw- araw bago pumasok sa paaralan. _____5. Nauuhaw ka habang naglalakad. Nakita mo sa tindahan na may malamig na softdrinks pero ang binili mo ay isang bote ng mineral water. V. Takdang Aralin: 1. Magsaliksik sa internet ng iba pang paraan ng pag- aalaga sa sarili. 2. Magtala ng mga gawain na iyong ginagawa sa araw- araw upang mapanatiling maayos ang iyong sarili