Uploaded by Dhan Mae Salcedo

FILIPINO

advertisement
PANUTO: Iwasto ang siping isinulat ni Lance Francisco para sa The Guardian
Publication gamit ang tamang pananda. Lagyan ng dalawang ulo gamit ang
magkaibang estilo, wastong slugline, at tagubilin sa printer.
MANILA, PHILIPPINES—Dinaluhan ang 90 estudyante– partikular na mga punong
patnugot ng publikasyon at pangulong lupon ng konseho mula sa iba’t-ibang State
Universities and Colleges (SUC) ng Luzon ang Freedom of Information Ambassadors’
Camp 2020 sa Sequoia Hotel, Quezon City, Marso 3-5.
Ang pagtitipon ay naglalayong maging katuwang ang mga estudyanteng lider ng SUCs
sa pagpapalawig ng freedom of expression sa bawat kampus.
“Without accessibility of information, without FOI, netizens of a democracy have merely
changed things,” pagdiin ni Attorney. Kristian Ablan, FOI Program Director kasabay ng
pangangahulugan nito na maaring makuha ang impormasyon maging sa pampubliko at
opisyal na talaan ng pamahalaan.
Dagdag pa nga raw niya, makakatulong ang FOI sa bawat mag-aaral para sa
akademikong pananaliksik at pagsugpo sa fake news.
“Kaya namin kayo hinihikayat na maging FOI Student Ambassadors ay dahil 49.45% na
users ng ating portal ay nanggagaling sa estudyante,” ani Atty. Ablan.
Bilang patotoo sa tagumpay ng adbokasiya, umaabot na 486 agencies ang nakikiisa sa
paggamit ng eFOI portal sa bansa. Ngayong taon, umabot sa 80% user ang
nagmumula sa Luzon, 8% sa Visayas, at 8% sa Mindanao. Ang natitirang 4% ay
nagmumula sa ibang bansa o kaya naman ay invalid.
Sa pagtatapos ng programa, nanumpa ang bawat estudyanteng lider bilang opisyal na
katuwang sa pagpapalawig ng karapatan sa malayang impormasyon. Matatandaang
naipatupad ang FOI Law mula sa Executive Order No. 2 na nilagdaan ni Pangulong
Rodrigo Roah Duterte noong Hulyo 23, 2016.
Related documents
Download