Uploaded by Merlita Blanco

SLHT ESP7 Q2 WEEK4 FINAL (1)

advertisement
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
Antas: Sekundarya
Markahan: II
Baitang: 7
Linggo: 4
MELC: Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng
Diyos sa isip at puso ng tao.
Kowd ng Kompetensi: EsP7PS-IId-6.3
Pangalan: __________________________
Pangkat: ________
Petsa: ________
Paaralan: __________________________
Distrito: __________________________
A. PAGBASA / TALAKAYAN
ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao
ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang
gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil patungo sa
kabutihan o kasamaan ay may kamalayan at kalayaan. Nakaukit na sa pagkatao ng isang indibidwal
ang batas na ito kaya likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Ayon kay Lipio, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya
ang batas-moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at
makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangangalagaan ang kapakanan ng
lahat. Subali’t hindi nangangahulugan ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat sundin arawaraw, bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao. Samakatuwid, ang
konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ay ginagamit sa pagpapasiya kung
ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Ang konsensiya hindi sa lahat
ng pagkakataon ay tama. Maari pa rin itong magkamali. Ang konsensiya ay maaring uriin bilang
tama at mali ayon sa Likas na Batas Moral (Esteban, 1990).
May dalawang uri ng konsensiya. Ang una ay TAMA. Ang paghuhusga ng konsensiya ay tama
kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhetibong pamantayan ay
naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama
bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay). Ang pangalawang uri ng konsensiya ay MALI. Ang
paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang
tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsensya kung
hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ang tama bilang mali.
B. MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang mga larawan na nagpapakita ng tamang gawain at ekis (X)
naman ang hindi.
Halimbawa:
_X_ 1.
____ 2.
____ 3.
____ 4.
____ 5.
____ 6.
____ 7.
_____ 8.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang dahilan kung bakit naisip mo na ang mga larawan na nilagyan mo ng tsek (√ ) ay nagpapakita ng
mabuting gawi o asal?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit sa tingin mo na ang mga larawan na nilagyan mo ng ekis (X) ay nagpapakita ng masamang
gawain? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Sa tingin mo may kakayahan ang tao na malaman ang mabuti sa masama? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Gamit ang inyong naintindihan sa bahagi ng Pagbasa o
Talakayan, tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng TAMA o MALI na uri ng
konsensiya. Lagyan ng (smiley face)
(sad face)
ang sitwasyon na nagpapakita ng konsensiya na TAMA at
naman ang MALI.
Sitwasyon A:
(Iguhit dito ang smiley o sad face.)
Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling
ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang
ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli
na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.
Sitwasyon B:
(Iguhit dito ang smiley o sad face)
Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling
ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang
ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil
nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang
tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera at nagpasalamat ka pa dahil nagkamali
ang tindera.
Sagutin ang mga sumusnod na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng TAMA na uri ng konsensiya sa MALI na uri? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong gagawin para masunod palagi ang TAMA na uri ng konsensiya? Magbigay ng tatlong (3)
sagot o halimbawa.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin at unawain ang sitwawsyon sa ibaba. Suriin sa pamamagitan ng pagkilala sa sasabihin o
paghuhusga ng konsensiya sa sitwasyong ito. Isulat ito sa unang hanay o kolum. Kilalanin din ang
pinagbabatayan ng konsensiya sa paghusga nito. Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum. Gabay
mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa.
Halimbawa:
Sitwasyon
Nawala mo ang perang ibinigay ng tatay mo na pambayad sa proyekto ninyo.
Natagalan bago ka bigyan dahil nahirapan siyang kitain ang perang iyon dahil inuna ang
pangangailangan ninyo sa araw-araw. Mahigpit niyang bilin na ibayad mo ito kaagad.
Paghuhusga ng Konsensiya
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
Sabihin sa Tatay ang nangyari. Tumulong na Kailangang pahalagahan ang katotohanan, kaya’t
makagawa ng paraan upang makabayad sa proyekto. masama ang magsinungaling.
Sitwasyon A
Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na paggagayahan sa
test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa pagsusulit
sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang ginagawa ng kaniyang
mga kaklase.
Paghuhusga ng Konsensiya
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
Sitwasyon B
Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang bahay
nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa paaralan sa kanilang
bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at bumabalik sa
inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon. Isang araw, niyaya si Penny ng
kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya pagagalitan dahil
hindi naman malalaman ng kaniyang mga magulang.
Paghuhusga ng Konsensiya
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
D. PAGTATAYA
Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang Oo kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng mabuting gawain ayon sa Konsensiya at Likas na Batas Moral at HINDI kung nagpapakita
naman ito ng kabaliktaran o ng masama.
________ 1. Sinasaway mo ang iyong mga kaibigan sa tuwing pinagtatawanan ng mga ito ang may
kapansanan ninyong kaklase.
________ 2. Pinaghuhusayan mo palagi ang lahat ng iyong ginagawa.
________ 3. Wala ng pasok sa eskwela kaya palagi kang nagpupuyat sa paglalaro ng mobile games.
________ 4. Nakita mo na nakatayo ang isang matanda habang naghihintay ng bus sa terminal kaya
tumayo ka at ibinigay mo ang iyong upuan sa matanda.
________ 5. Nakita mo na nahulog ang pera ng babae, hindi mo ito isinauli sa kanya dahil hindi mo naman
ninakaw ito.
________ 6. Kahit takot ka na mapagalitan ng iyong mga magulang, pinili mo paring magsabi ng totoo.
________ 7. Ginaya mo ang iilan mong mga kaklase na mangopya sa takdang-aralin ng iba.
________ 8. Nang matapos ang inyong klase, inanyayahan ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa
internet café para maglaro ng online games pero tinanggihan mo sila para makauwi ng maaga
at tumulong sa mga gawaing bahay.
________ 9. Nakita mo ang nagnakaw sa pera ng inyong klase, dahil kaibigan mo ang kumuha pinili mong
hindi magsalita.
________ 10. Sobra ng limampung (50) piso ang sukli na ibinigay sa’yo, ibinalik mo ito sa nagtitinda kahit
kailangang-kailangan mo ng karagdagang pera para sa iyong ginagawang proyekto sa klase.
D. PAGPAPAYAMAN
Panuto: Sa mga ginagawa mong pasiya sa nakaraan, alin sa mga ito ang nais mong baguhin at paunalarin
upang sundin ang tamang paghuhusga ng konsensiya. Pumili ng pauunlarin mula sa mga
sumusunod na kategorya:
* Pagtupad sa gawaing-bahay
* Pakikipag-ugnayan sa kapatid
* Uri o paraan ng pakikipagkaibigan
* Pakikipag-ugnayan sa mga magulang
* Paggawa ng gawain sa paaralan
Gawing gabay ang unang halimbawa kung paano ito gagawin.
KUNG
DAMDAMIN KO
KAYA
Ang pasya o kilos na kailangang baguhin
Damdamin ko sa pasya o kilos
Ang dapat kung gawin tungo sa kabutihan
“Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko”
Halimbawa:
LINGGO
KUNG
LUNES
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
SABADO
Naglalaro ako ng
computer games tuwing
bago gawin ang
homework ko.
DAMDAMIN
KO
Nalulungkot ako dahil
naging pabaya ako.
Nagsisisi ako dahil
wala akong maisumite
na homework
kinabukasan.
KAYA
Uunahin ko ang
paggawa ng homework
bago maglibang tulad
ng paglalaro ng
computer games.
Ipinapangako kong tuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang lingo.
___________________________________
Lagda ng Mag-aaral
(Tagatupad ng Kontrata)
___________________________________
Lagda ng Kapatid o Tagasubaybay sa
Tagapagtupad
__________________________________
Lagda ng Magulang
SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 7: Learner’s Material (Units 1 & 2) pp.137-157.
Agapay, Ramon B. 1991.Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and Educators.Mandaluyong
City.National Bookstore.
Esteban, Esther J.1990.Education in Values:What, Why and for Whom.Manila:Sinag-tala Publishers, Inc.
Institute for Development Education Center for Research and Communication.1992.Perspective:Current Issues in
Values Education 4.Manila:Sinag-tala Publisher.
Quito, Emerita S.2008.Fundamentals of Ethics.Manila:C & E Publishing Inc.
Crisostomo, Rosar.2004.nagsalin sa Filipino.Konsensya para sa mga Katolikong Pilipino.Mandaluyong City:National
Bookstore.
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon.2010.Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010
Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC).Pasig City:Awtor.
Conscience. (n.d.)Retrieved November 21, 2009 from
http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience
Conscience. (n.d.)Retrieved November 24, 2009 from
http://www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html
Conscience. (n.d.)Retrieved November 24, 2009 from http://www.rosmini-inenglish.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm
www.google.com (para sa mga larawan sa Pagsasanay 1)
Inihanda ni
MARIE A. DELFIN
Teacher I
Sinuri/Iwinasto ni
JANE O. GURREA
EPSVR-EsP
GABAY
Para sa Tagapagdaloy
Ang SLHT sa aralin ukol sa Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral ay ginawa upang
makamit ng mga mag-aaral ang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang nahuhubog ang kanilang
pagkakakilanlan bilang nilikha ng Diyos sa Kanyang wangis. Dahil dito biniyayaan ng Panginoon ang tao ng
kakayahang malayang pumili na nakabase sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya gabay ang isip o
kaalaman. Ito ang magiging batayan ng makataong kilos at pananagutan para sa maliit at malaking bagay na
nagawa. Bilang gurong tagapagdaloy, gabayan ang mga mag-aaral na maintindihan na ang bawat kilos na
niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan sa pamamagitan ng pagtitiyak na nabasa at naisagawa ng mga
ito ang lahat ng gawain. Sundin ang mga panuto sa bawat gawain at ipaliwanag sa mag-aaral kung
kinakailangan. Mangyaring sumangguni sa guro kung may mga katanungan na nais maliwanagan.
Para sa mag-aaral:
Ang SLHT sa araling Ang Kaugnayan ng Kinsensiya sa Likas na Batas Moral ay ginawa bilang gabay
sa paghubog ng iyong pagkatao para sa makatao at mapanagutang kilos. Nilalayon nito na matulungan ka na
maintindihan na ang bawat kilos na iyong niloob ang may kakabit na pananagutan. Ang antas ng pananagutan
ay depende sa antas ng kilos na iyong ginawa.
Basahing mabuti at sundin ang panuto. Kung sakaling mahirapan kang gawin ang SLHT, maari kang
sumangguni sa iyong guro o tagapagdaloy. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa iyong mga magulang,
mga kapatid o sinumang kasama mo sa bahay na pwedeng makatulong sa’yo. Iyong palaging isipin na hindi
ka nag-iisa sa gawaing ito. Bawat gawain maliit man o malaki, madali o mahirap ay isang pagkakataon upang
matutuo at mapalago ang sarili. Ang mga taong nagtatagumpay ay ang mga taong hindi sumusuko sa kahit
anong hamon ng buhay
PAGPAPAYAMA
N
Guro na po ang
magwawasto ng
iyong mga sagot
sa gawaing ito.
PAGTATAYA
1. Oo
1. Oo
3. Hindi
4. Oo
5. Hindi
6. Oo
7. Hindi
8. Oo
9. Hindi
10. Oo
PAGSASANAY
2
Sitwasyon
A B *Ang guro na po
ang magwawasto
sa inyong
paliwanag.
PAGSASANAY
3
*Ang guro na po
ang magwawasto
sa inyong
paliwanag.
PAGSASANAY
1
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
X
√
√
X
√
X
√
√
*Ang guro na po
ang magwawasto
sa inyong mga
paliwanag.
SUSI SA PAGWAWASTO
Download