Uploaded by Kaysie Gavica

2bprint-2-Final-Pangangalaga-sa-Kalikasan

advertisement
Paaralan
Guro
Petsa/Oras
SRPNHS
CATHERINE CALDERON
1. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Baitang/Antas
Asignatura
Markahan
GRADE 10
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKATLONG MARKAHAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa pagmamahal ng Diyos.

B. Pamantayan sa Pagganap


C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na
kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa
Diyos
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos. EsP10PB-IIIa-9.1
Natutukoy ang mga pagkakataong
nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
kongretong pangyayari sa buhay. EsP10PBIIIa-9.2

2. PAKSANG ARALIN
Paksa:
B. Sanggunian:
D. Kagamitan:
E. Konsepto ng Aralin:
A. PAGMAMAHAL SA DIYOS
C. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Pahina 1-14
Laptop, TV, Powerpoint presentation, Manila paper,
Projector
Magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa
sumusunod na paksa:
• Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos.
• Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang
pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa
buhay.
F. Mga Kasanayan sa ika-21 na siglo
G. Integrasyon sa Asignatura
3. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
Mapanuring pag-iisip
Filipino
Gawain ng Mag-aaral

1. Pambungad na Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating talakayan tumayo
muna tayong lahat para sa isang panalangin.
Maaari mo bang pangunahan (tumawag ng
mag-aaral)
Salamat po Ama ng napakarami sa pagkakataong ito
at sa buhay at lakas na lagi mong ipinagkakaloob.
Nawa’y gabayan mo po kami sa aming pag-aaral at
maanong ibigay sa amin ang katalinuhang aming
kinakailangan. Ang lahat magalang naming mag
hinihiling sa pangalan ni Kristo Jesus. Amen.
Maraming salamat sa iyo.
2. Pagtatala Liban
Pagsasaayos ng silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang pakiayos ng
mga upuan at pulutin ang mga kalat.
Meron po Ma’am!
Mayroon bang liban ngayong araw?
(Tatawagin ang tagatala ng liban sa klase upang
ipalista ang mga lumiban)
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin
Wala po ma’am dahil nagkaroon po tayo ng
pagsusulit nitong nakaraan.
May ibinigay ba akong takdang aralin.
4. Balik-Aral
Pero bago tayo dumako sa ating talakayan
ngayong araw, mayroon ba kayong natatandaan
sa kung ano ang huling tinalakay natin?
Okay mabuti!
B. Pagganyak
Ang napag aralan natin noong mga nakaraan ay
tungkol po sa makataong pag-kilos.
Ipapakita ang larawan sa mga mag-aaral.
Magkakaroon ng katanungan ukol dito.
Opo ma’am, napakasarap sa pakiramdam nang
magmahal at mahalin ng taong minamahal mo.
Masaya at masarap sa pakiramdam ang tayo ay
magmahal at mahalin ngunit ang pagmamahal
ng Diyos ay maituturing na pinakamahalagang
batayan upang maisabuhay ng tao ang kaniyang
kaganapan at tumugon sa kalooban ng
Maykapal. Ito rin ay nagbubuklod sa lahat ng tao
at nagsisilbing sandigan upang pag-isahin ang
puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig.
C. Paglalahad ng Aralin
Ang layunin natin sa araw na ito ay:
•Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos.
• Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong
ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong
pangyayari sa buhay.
D. Pagtalakay
 GAWAIN
Babasahin ng klase ng sabay sabay ang tulang
pinamagatang “DAKILA” ni Angelica, 2017.
Sabay-sabay na pagbasa
DAKILA
(Angelica, 2017, scribd.com)
Sa lahat ng nilikha ng Diyos
Kami ang pinagpala ng lubos
Aming Ama iyong ibinigay
Gumagabay sa amin ng tunay
Malakas ang hilik kapag natutulog
Na parang may bombang sumabog
Kapag umiinom ng kapeng hinigop
Tiyak ang kasabay ang lakas ng tunog
Maging sa pagtulog ko nandiyan sya
Gatas na tininpla ay handa na
Upang paggising ko ay mainom na
Oh! Ama Sa lahat, ikaw ay dakila
Ngunit sa hinagap ng tuwid ng Diwa
Ay mababaanag na siya ay dakila
Kapag may sisibat o kaya'y tudla
Tiyak na haharang upang masagip ka
Sa lahat ng oras ikaw ay nariyan
Sa problema ikaw ang sandigan
Sa mundong walang kasiguraduhan
Kami ay iyong Ginagabayan
Kahit na ano pa sa daigdig na ito
Walang pasubaling ako ay saludo
Pinagsumikapang maigapang ako
Nang kinabukasan ay maging plantsado.
 PAGSUSURI
Matapos ninyong mabasa ang maikling tula,
pumili ng isang bahagi o linya na nakapukaw ng
iyong damdamin na masasabi mong mahal ka ng
Diyos. Ipaliwanag.
Mag-aaral1 “Sa mundong walang kasiguraduhan,
kami'y iyong ginagabayan". Sa linya pong ito sinasabi
na kahit hindi man natin hawak ang ating buhay o
hindi tiyak ang ating mga tinatahak na landas, naroon
pa rin ang paggabay ng Diyos sa ating mga lakbayin.
Siya ang nakakaalam, at mas higit na may magandang
plano para sa ating mga buhay.
Mag-aaral2 "Maging sa pagtulog ko nandiyan sya
Gatas na tininpla ay handa na
Upang paggising ko ay mainom na
Oh! Ama Sa lahat, ikaw ay dakila"
Patunay na sya ang nagbibigay ng aking mga
pangangailangan. Hindi nya ako pinababayaang
magutom bagkos sya ang gumagawa ng paraan para
ako ay may makain at makaraos sa pang araw-araw
na buhay. Ito ay isa sa patunay na mahal ako ng
Diyos.
Ano ang ipinararating na mensahe sayo ng tula?
- Dito inihahayag kung gaano kabuti at mapagmahal
ang Diyos sa atin. Saan mang aspeto at dako ng ating
Magaling!
mga buhay, sya ang laging tumutulong at
pumapatnubay sa atin.
 ABSTRAKSYON
Ano ang iyong naramdaman habang binabasa
ang tula? Ibahagi sa klase.
Mag-aaral1. Habang binabasa ang tula, nanumbalik
sa akin kung paanong naging mabuti at mapagmahal
ang Diyos sa akin, marami man akong kamalian na
nagagawa hindi nya ito tinumbasan ng galit at
pagpapabaya sa akin.
Mabuti at nagkaroon ka ng repleksiyon sa iyong
sarili! Magaling.
Very Good!
Mag-aaral2. Matapos ko pong mabasa ang tula,
naging mapagpasalamat ako sa kanya sa kabutihan
na biniyaya nya sa akin.
Dapat lang na maging ganyan ang ating
maramdaman. Magaling!
Mag-aaral3. Nagkaroon din po ako ng lakas ng loob
na kaharapin pa ang mga suliranin at problema na
darating pa sa aking buhay. Nagkaroon po ako ng
katatagan sa buhay dahil alam kong lagi syang
nakaalalay sa akin.
Mahusay ang inyong mga natutuhan!
Paano mo malalaman na Mahal ka ng
Diyos sa panahong ikaw ay nag-iisa?
Mag-aaral4. Higit na mas lalo ang pagmamahal ng
iniuukol ng Diyos para sa atin sa paraang hindi man
tayo mahalaga sa paningin ng iba, tayo ay
napakahalaga sa paningin ng Diyos dahil dakila ang
pag-ibig nya sa bawat isa sa atin.
Nalalaman kong mahal ako ang Diyos kahit na ako'y
nag-iisa sa paraang, napagtatagumapayan ko pa rin
ang pagsubok na dumarating sa akin at hindi ako
pinanghihinaan ng loob.
 APLIKASYON
Ibahagi ang iyong karanasan na naramdaman
mo ang pagmamahal ng Diyos?
Sa anong paraan naipapahiwatig mo ang
pagmamahal sa Diyos?
Minsan na po akong nagdanas ng hirap, kinulang sa
pinansyal na pangangailangan at iba pang bagay
ngunit walang araw ang lumipas sa akin na hindi nya
ako tinulungan, kahit hirap ramdam ko ang
pagmamahal ng Diyos sa paraang nakakaraos po ako
at ang aking pamilya araw-araw.
Sa pamamagitan po ng pagsamba gayundin ang
pagtulong sa kapwa at paggawa ng mabuti.
 PAGLALAHAT
(Sa pamamagitan ng Pass the Ball Game)
Bakit at gaano kahalaga ang pagmamahal sa
Diyos?
4. EBALWASYON
A. Isulat ang iyong paliwanag sa katanungan.
Dahil sa pagmamahal sa Diyos, dito nasasalamin at
naibabahagi ng tao ang kanyang buong pagkatao,
talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang
pasubali. Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa
kanyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan
ng kanyang pag-iral sa mundong ito.
4. TAKDANG ARALIN
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagsusulit
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedyal?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos. Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nabuo na nais kong ibahagi
sa kapwa ko guro.
Inihanda ni:
Pinagtuonang-pansin ni:
Aprobado ni:
CATHERINE CALDERON
MRS. LORNA R. OBIAS
MR. JAIME P. PECASO
Practice Teacher
Cooperating Teacher
Principal I
Download