9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 1 Karapatan at Tungkulin Edukasyon sa Pagpapakatao – _Ikasiyam_ na Baitang Ikalawang Markahan – Modyul _1_: Karapatan at Tungkulin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Charity B. Escobido Editor: Jeannie Pearl Y. Niňonuevo, Robert C. Doria Tagasuri: Dindo A. Rabago, Jeneth D. Tabungar Tagaguhit: Richard N. Escobido Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena Alma C. Cifra Aris B. Juanillo Lydia V. Ampo Inilambag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Davao City Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City Telefax: 224-3274 E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 1 Karapatan at Tungkulin Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito, paano sasagutan ang lahat ng mga katanungan at kung saan nararapat na ilagay ang kanilang mga sagot. Kinailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral, habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Natural lamang sa ating mga tao na gumamit ng iba’t ibang simbolo upang mas matandaan natin ang isang bagay. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang pinakamabisang simbolo na ating magagamit ay ang tao mismo, ang kanyang buong pagkatao: mula sa ating ulo na may kakayahang mag-isip; sa ating puso na siyang nakikiramdam; kamay na simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin na siyang ginagamit natin upang makalikha ng gawain. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan. 2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na gawain. 3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain. 4. Inaasahan ang iyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at pagwawasto ng mga gawain. 5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na gawain. 6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga gawain. Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nagiisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pagunawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan! 1 Alamin Natin Modyul 1 Karapatan at Tungkulin Ang halaga ng TAO ay nasa kanyang dignidad bilang isang nilikha. Bilang tao, siya ay may angking karapatan. Ang simulain o ugat ng karapatang pantao ay makikita sa dignidad na taglay ng bawat isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang pagkatao ng isang tao ay ang pagiging sino ng tao. TAO: Sino ka nga bang talaga? Ano-ano ang mga kayang mong gawin, ang iyong mga karapatan at mga tungkuling kaakibat sa mga karapatang sinasabi mo? Sa nakaraang modyul, napag-aralan natin na ang Lipunang Sibil o ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili ay para sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa. Lahat ay nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos. Sa modyul na ito, mapagtatanto mo ang iyong mga karapatan at mga kaakibat nitong tungkulin. Mahalagang maunawaan mo ito upang makilala mo sa makabuuang paraan ang tungkulin ng tao sa lipunan at ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad nito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao. Gabay ng isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa modyul na ito ang mga mahahalagang tanong na: Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan? Bakit moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin? Ano-ano ang mga tungkulin na kaakibat ng karapatan ng isang tao? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 5.1. Natutukoy ang mga Karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-lla-5.1) 5.2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa. (EsP9TT-lla-5.2) Subukin Natin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. 1. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan ng buhay? a. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain. 2 b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga biktima ng pangaabuso. c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing. d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Josep Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye. 2. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan? Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing natatanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit na isang milya upang ibigay ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing). Kier Mich, 2012, ph. 145-146 a. b. c. d. 3. Karapatan sa pribadong ari-arian Karapatan sa buhay Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar Karapatang maghanapbuhay Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan? Inilikas ni Joshue ang pamilya nila mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State. a. Karapatang mabuhay b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon) d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas 4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? • Suportahan ang pamilya nang sapat at masustansiyang pagkain • Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib • Maging mabuting halimbawa nang pagsasabuhay ng mga birtud • Pag-iwas sa eskandalo 3 a. b. c. d. 5. Karapatan sa buhay Karapatang magpakasal Karapatang pumunta sa ibang lugar Karapatang maghanapbuhay Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay? a. Karapatan sa buhay b. Karapatan sa pribadong ari-arian c. Karapatang maghanapbuhay d. Karapatang pumunta sa ibang lugar Aralin Natin Ano ang mga itinuturing mong karapatan mo bilang tao? Gawain 1: Karapatan Mo, Iranggo Mo! 4 Panuto: Mag-isip ng anim na aytem na itinuturing mong karapatan. Isulat sa Pyramid sa ibaba ang lalabas sa iyong isip. Pagkatapos, iranggo mo ito- 1 ang pinakamahalaga sa iyo at 6 ang pinakahuli. Isulat ang pinakamahalagang karapatan sa pinakatuktok ng Pyramid at ang pinakahuli sa pinakababa. Sagutin ang mga tanong sa ibaba: 1. Ano-ano ang mga itinuturing mong karapatan? 2. Ipaliwanag ang iyong batayan sa resulta ng pagranggong ginawa mo. Ano ang sinasabi nito sa iyong pagkaunawa sa karapatan? Rubriks ng Batayan sa Pagranggo ng mga Karapatan Pamantayan Napakahusay (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Itinuturing na karapatan Nakalahad ng 6 na mahahalagang karapatan Nakalahad ng 35 na mahahalagang karapatan Nakalahad ng 1-2 na mahahalagang karapatan Batayan sa pagranggo Nakalahad ng 6 na mga batayan sa pagranggo sa 6 na mga Karapatan. Nakalahad ng 35 na mga batayan sa pagranggo sa mga karapatan. Nakalahad ng 1-2 na mga batayan sa pagranggo sa mga karapatan. Kabuoang Puntos Ang karapatan ay mga bagay na nararapat sa bawat nilalang. 5 Gawin Natin Gawain 2: Karapatan Mo, Pahalagahan Mo! Lahat ng tao ay nilikha ng Diyos na may puso at isip at malayang gawin ang lahat ng kanyang nais sa mundong ito. Maliban sa pagiging malaya, bawat isa rin sa atin ay may angking karapatan bilang tao. Subalit ang mga karapatang taglay natin ngayon ay may katumbas ding mga tungkulin na dapat nating isakatuparan dito sa mundo. Isa sa mga tungkulin na dapat nating taglayin ay ang pagpapahalaga sa mga karapatang mayroon tayo ngayon. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo nga ba pinahahalagahan ang iyong mga karapatan? Panuto: Batay sa tinukoy mong anim na karapatan, isulat sa bawat bahagi ng puso sa ibaba ang isang karapatan at kung paano mo pinahahalagahan ito. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang maaaring epekto ng hindi pagbibigay ng pagpapahalaga sa karapatan? Ano kaya ang magiging epekto nito sa iyong pagkatao? 2. Bakit kailangang pahalagahan ang ating mga karapatan? Saan nakabatay ang pagpapahalagang ito? 3. Ano ang angkop na tawag sa pagpapahalagang ito sa karapatan? 4. Ano-anong hakbang o kilos ang iyong gagawin upang maisagawa ang mga ito? Rubriks sa mga pagbibigay kahalagahan sa mga karapatan Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan (10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad (5 puntos) 6 Epekto ng hindi pagbibigay ng pagpapahalaga sa karapatan Mga hakbang o kilos sa pagpapahalaga sa karapatan Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng maaaring maging maaaring maging maaaring maging maging epekto ng epekto ng hindi epekto ng hindi hindi pagbibigay pagbibigay ng pagbibigay ng ng pagpapahalaga pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa sa 6 na karapatan 3-5 na karapatan 1-2 na karapatan Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng hakbang o kilos na hakbang o kilos na hakbang o kilos maaaring gagawin maaaring na maaaring upang maisagawa gagawin upang gagawin upang ang pagpapamaisagawa ang maisagawa ang pagpapa-halaga pagpapa-halaga halaga sa 6 na sa 3-5 na sa 1-2 na karapatan karapatan karapatan Kabuoang Puntos Sanayin Natin Gawain 3 Panuto: Suriin ang sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ng Likas na Karapatan ng tao ang nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba ng gawain. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Isang buwan nang kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang isang linggo, tatlong bahay sa kanilang kalye ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida. Inisip din ni Gng. Hermoso na baka makipagkaibigan ang mga magnanakaw kay Ida at dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag siya lang ang tao rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag ng palabasin ng bahay si Ida, kahit pa bumili lamang sa tindahan ng subdivision. 2. Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya. Napagtapos na niya ang kaniyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina. 3. Inilabas ng United Nations ang planong Sustainable Development na may bisa hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa lahat, kasama ang kabataan, sa karapatang seksuwal at pagpaparami (reproductive). 7 Hindi binanggit sa dokumento ang aborsiyon bilang resulta ng mga karapatang ito. Hinihingi ng UN ang suporta ng mga lider ng mga bansa para sa pagpapatupad ng planong ito. 4. Mula nang lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangailangan siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may overtime. Ngunit nang nagkatampuhan si Aling Delia at ang kaniyang asawa, nagpasiya itong bumili ng condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw. 5. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa 50 container vans ni Mang Enteng bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera, at damit para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala niya sa Samar at Leyte. Mga Tanong: 1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa bawat sitwasyon? 2. Ano-ano ang maaaring gawin ng kabataang kasing edad mo upang pukawin ang kamalayan ng kapuwa Pilipino sa mga paglabag na ito? Pamantayan Rubriks sa dahilan ng paglabag Napakahusay (10 Masuhay puntos) (8 puntos) Angkop na dahilan ng paglabag sa karapatan sa bawat sitwasyon Nakalahad ng mga dahilan ng paglabag sa karapatan ng tauhan sa 5 ng sitwasyon Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Nakalahad ng mga Nakalahad ng mga dahilan ng dahilan ng paglabag sa paglabag sa karapatan ng karapatan ng tauhan sa 3-4 tauhan sa 1-2 sitwasyon sitwasyon Mga dapat gawin ng kabataan sa mga paglabag sa bawat sitwasyon Nakalahad ng mga dapat gawin ng mga kabataan sa mga paglabag sa 5 sitwasyon Nakalahad ng mga Nakalahad ng mga dapat gawin ng dapat gawin ng mga kabataan sa mga kabataan sa mga paglabag sa mga paglabag sa 3-4 na sitwasyon 1-2 na sitwasyon Kabuoang Puntos 8 Tandaan Natin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Suriin Natin. Karapatan at Tungkulin Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa papaanong paraan maipakikita ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan? Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao. Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa ay ang taglay na dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano naman ang batayan ng pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano-ano ba ang mga karapatan na taglay mo bilang tao dito sa ibabaw ng mundo? At ano-ano naman ang mga tungkuling kaakibat ng mga karapatang taglay mo? Mga Uri ng Karapatan Kailangan ang mga karapatan para sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo Tomas de Aguino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanapbuhay. 1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng bawat buhay, kasama rito ang mga taong nakapatay ng kanilang kapuwa. 2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maiaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos, makapagtrabaho nang produktibo at makibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, maituturing na isang pang-aabuso sa karapatang ito kung naaapi o naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo. 3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng pang-aalipin, na kailangang humingi ang alipin ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapagasawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, 9 kailangan ng kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pagaasawa ang mga may nakahahawang sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal. 4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib, tulad ng paglikas ng mga taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic State. 5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan. 6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang matamo nila ang karapatang mabuhay. May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan. Ilang karapatang pang-indibiduwal ang kinilala sa encyclical na Kapayapaan at Katotohanan (Pacem in Terris): 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib 2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda) 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya 5. Karapatan sa pagpili ng propesyon 6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon) 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain at proyekto 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay ang mga karapatang 10 kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong mundo. Mga Tungkulin May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan: 1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang mga talento at kakayahan – sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital kung kinakailangan. Kailangang iwasan ang mga isports na mapanganib, na maaaring humantong sa kamatayan tulad ng car racing, wrestling, o boxing. 2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan. 3. Sa karapatang magpakasal. May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng pamahalaan at estado ang karapatang ito sa pamamagitan ng batas na nagiingat sa Karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong asawang lalaki. 4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar. May tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan. 5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno. 6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa 11 anumang gawain. Mahalaga ang karapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang walang ginagawa. Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa kompanya o arbitration. Ang pagkilala sa mga patas at hindi maalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) noong 1997. Suriin Natin Tayahin ang Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano-ano ang anim na uri ng karapatan ayon kay Santo Tomas de Aquino? Ipaliwanag ang bawat uri at magbigay ng halimbawa. 2. Ano-ano naman ang anim na tungkulin na kaakibat ng anim na karapatang ibinigay mo sa unang bilang. 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisakatuparan ang mga tungkuling iyong binanggit? 4. Bakit kailangang tuparin ng bawat indibiduwal ang kaniyang tungkulin na hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao ayon kay Scheler? 5. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pamantayan Paglahad ng mahalagang konsepto Rubriks sa Paglahad ng Mahalagang Konsepto Napakahusay Mahusay Nangangailangan (10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad (5 puntos) Naiisa-isa ang 6 na Naiisa-isa ang 6 na Naiisa-isa ang 6 na uri ng uri ng karapatan at uri ng karapatan at karapatan at tungkulin at tungkulin at naibigay ang kahulugan ng 12 tungkulin at naibigay ang sa mga ito. naibigay ang kahulugan ng 3-5 sa mga ito. kahulugan ng bawat isa. 12 Mga Gawain upang maisakatuparan ang mga tungkulin Nakapaglahad ng 3 gawain kung paano maisakatuparan ang bawat tungkulin at nakapagbigay ng mga halimbawa. Nakapaglahad ng 2 gawain kung paano maisakatuparan ang bawat tungkulin at nakapagbigay ng mga halimbawa. Nakapaglahad ng 1 gawain kung paano maisakatuparan ang bawat tungkulin at nakapagbigay ng mga halimbawa. Kabuoang Puntos Payabungin Natin Gawain 4 Panuto: Ibigay ang hinihingi sa ibaba. 1. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa kasalukuyan. 2. Bakit napakahalaga na maunawaan ang kaugnayan ng (k)Karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan sa pagkatao ng tao? Gawain 5 Tsart ng mga Karapatan at mga Paglabag sa mga Ito Mga Karapatan Mga Paglabag sa Bawat Karapatan 1. Karapatang mabuhay at kalayaan Hal. Aborsiyon sa pangkatawang panganib 13 2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang Pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda. 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon. 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya. 5. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon) 6. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas laban sa mga paglabag sa mga karapatang ito. Pagnilayan Natin Panuto: Balikan ang mga karapatang binigyan mo ng una hanggang ikaanim na ranggo sa Gawain 1. Gumawa ng makabuluhang plano sa loob ng isang markahan ng mga tungkuling gagawin mo upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatang ito. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 14 Rubriks sa Paggawa ng Makabuluhang Plano Pamantayan Napakahusay (10 Mahusay Nangangailangan ng puntos) (8 puntos) Pag-unlad (5 puntos) Nilalaman ng Nakalahad ng Nakalahad ng Nakalahad ng makabuluhang plano makabuluhang plano makabuluhang plano makabuluhang sa sa plano sa pagtupad ng 6 na tungkulin bilang pagtupad ng 4-5 na pagtupad ng 1-3 na pagpapahalaga sa tungkulin bilang tungkulin bilang mga karapatan pagpapahalaga sa pagpapahalaga sa mga karapatan mga Karapatan Paglalahad ng Nailalarawan ang de- Nailalarawan ang de- Nailalarawan ang desuportang ideya o talye sa planong talye sa planong talye sa planong mga halimbawa sa gagawin sa pamama- gagawin sa pamama- gagawin sa pamamaplanong gitan ng pagbibigay gitan ng pagbibigay gitan ng pagbibigay gagawin ng halimbawa sa 6 na ng halimbawa sa 3-5 ng halimbawa sa 1-2 tungkulin na tungkulin na tungkulin Kabuoang Puntos O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo, magpunta ka na sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng iyong magulang o guro. Binabati kita sa natapos mong modyul! Ipagpatuloy mo ang pagiging mapanagutan sa kapuwa. 15 Sanggunian Mula sa Aklat: • Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 9 ph.79-94 Mula sa Internet: • Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retrieved 16, Sept., 2020 www.academia.edu/18978395/Grade-9-ESP-Learning • Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retreived 17, Sept., 2020 www.slideshare.net/maflechoco/modyul -6- 488378403 • Modyul 6: Karapatan at Tungkulin Retrieved 19, Sept., 2020 https.//www.slideshare.net/sirArnelPHhistory/esp-9modyul-6 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region XI Davao City Division DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City Telefax: 224-3274 Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph 16