Uploaded by Rose Delima

filipino

advertisement
Talaan ng Nilalaman
Aralin 1: Tanka at Haiku ..................................................... 2
Estilo ng Tanka at Haiku ................................................................................... 4
Aralin 2: Ponemang Suprasegmental .................................. 8
Aralin 3: Pabula ................................................................ 10
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Kuwento ....................................... 11
Aralin 4: Pagkiklino .......................................................... 13
Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin ...................................................... 15
Aralin 5: Sanaysay ............................................................ 18
Estilo at Katangian ng Pagsulat ...................................................................... 19
Aralin 6: Mga Salitang di lantad ang Kahulugan .............. 22
Aralin 7: Iba’t ibang uri ang Pahayag ............................... 24
Aralin 8: Talumpati ........................................................... 27
Uri ng Talumpati ayon sa Layunin ................................................................. 27
Tanka at Haiku
Mga Nilalaman:
• Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng panitikang hapon. Ginawa
ang Tanka noong ikawalong-siglo at Haiku
noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito, layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
• Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa
kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t
ibang anyo ng tula na karaniwang pinahahayag
at inaawit ng karamihan.
Aralin 9: Elemento ............................................................ 29
Denotasyon at Konotasyon.............................................................................. 31
Nagmamadali ang Maynila ............................................................................. 33
Aralin 10: Maikling Kwento ............................................. 49
Niyebeng Itim .................................................................................................. 50
Aralin 11: Paggamit ng mga pahayag sa Simula, Gitna, at
Wakas ng Kwento .............................................................. 52
• Sa pagitang ng ikalima hanggang ikawalong
siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang
nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa
China upang ilarawan ang tunog ng Hapon.
Kana ang tawag sa ponemikong karakter na ito
na ang ibig sabihin ay “Hiram na
pangalan”.
Aralin 12: Dula.................................................................. 58
Mga Bahagi, Elemento, at Katangian ng Dula ............................................... 58
• Noong panahon na kumpleto na ang
Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga
makatang Hapon ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Maikling awitin ang ibig
sabihin ng tanka na puno ng damdamin. Bawat
tanka ay nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan. Karaniwang paksa nito ang
pagbabago, pag-iisa o pag-ibig. Naging daan
ang tanka upang mapahayag ng damdamin sa
isa’t Isa ang nagmamahalan (Lalaki at babae).
Ginagamit din ito sa paglalaro ng Aristocrats
kung saan lilikha ng tatlong talutod at
dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang
taludtod upang mabuo ang isang tanka.
• Samantala, isinilang ang bagong anyo ng tula
ng mga Hapon natinatawag na haiku. Ang
pinkamahalag sa haiku ay ang pagbigkas ng
talutod na may wastong antala o hinto. Kiru
ang tawag sa dito o sa Ingles ay cutting. Ang
kiru ay kahawig ng sesura sa acting panulaan.
Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o
cutting word. Kadalasan itong natatagpuan sa
dulo ng Isa sa huling tatlong parirala ng bawat
berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghihintuan sa daloy ng kaisipan upang
makapagbigay-daan na mapag-isipan ang
kaugnay ng naunang berso sa sinundang berso.
Maari namang makapagbigay-daan ito sa
marangal na pagwawakas.
Ngayon, suriin natin ang estilo ng Tanka at Haiku
Tanka
Haiku
Sukat
31 pantig lahat; 5
taludtod; 7-7-7-5-5, 5-75-7-7 o maaring
makapagpalit-palitan
ang bilang ng panting sa
bawat talutod.
Sukat
17 pantig lahat; 3
taludtod; 5-7-5 o
maaring magkapalitpalit ang bilang ng
panting sa bawat talutod
Tema o Paksa
Pagbabago, pag-iisa at
pag-ibig
Tema o Paksa
Kalikasan at pag-ibig
Tanka ni ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon
Ingles
Filipino
Hi-sa-ka-ta no This perfectly
Payapa at
Hi-ka-ri-no-do- still
tahimik
ke-ki
Spring day
Ang araw ng
Ha-run no hi ri bathed in soft
tagsibol
Shu-zu-ku-ko- light
Mataliwalas
ro-na-ku
From the
Bakit ang
Ha-nanno chi- spread-out sky cherry
ru-ra-mo
blossoms
Why do they
cherry
blossoms
So relentlessly
scatter down?
Naging
mabuway.
3. Taglagas
Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon
Ingles
Filipino
Ha-tsu-shi-gu- An old silent
An old silent
re
pond..
pond..
Sa-ru mo koA frog jumps
A frog jumps
mi-no wo
into the pond,
into the pond,
Ho-shi-ge na-ri Splash! Silence Splash! Silence
again
again
Pansinin ang mga salita nasa tahanayan sa ibaba. Ito
ay mga salitang ginamit sa halimbawang Tanka at
Haiku. Makikita rin ang mga literal na kahulugan at
konotasyong pagpapakahulugan.
Mga salita
1. Palaka
Literal na
kahulugan
- Uri ng hayop
na ampibian na
tumalon
2. Cherry
Blossoms
Kaugnay o
konotasyong
kahulugan
- Nagpapahiwatig
ng tagsibol
- Punong
kahoy na may
magandang
mga bulaklak
- Panahon
pagkaraan ng
tag-araw kung
saan naglalagas
ang mga dahon
- Sumimbolo ng o
pag-asa
- Pagninilay-lay
ng mga Hapon sa
mga biyayang
natanggap sa
buong taon.
Ponemang
Suprasegmental
•
•
•
ay makahulugang tunog
sa paggamit nito, malinaw naipapahayag
ang damdamin, saloobin at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita.
sa pakikipagtalasan, matutukoy natin
ang kahulugan, layunin o intensiyon ng
pahayag o ang nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon
at antala o hinto sa pagbigkas at
pagsasalita.
1. Diin
•
ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbigkas ng isag pantig sa
salita .
• ay isang ponema sapagkat sa mga salita
may isang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago
ng kahulugan nito. Maaaring gamitin sa
pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
Mga Halimbawa:
a. BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga oa
b. LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit ; nangunguna
2. Tono/Intonasyon
• ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring maka papasigla, maka
pagpahayag ng iba’t-ibang damdamin,
makapagbigay- kahulugan at maka
pagpahina ng usapan upang higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa kapwa.
• nagpapalinaw ito ng mensahe
intensiyong nais ipabatid sa kausap tulad
ng pag awit sa pagsasalita ay may
mababa, katamtaman, at mataas na tono.
• maaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at
bilang 3 sa mataas.
Mga Halimbawa:
a. kahapon = 213, pag- aalinlangan
kahapon = 231, pag papatibay,
pagpapahayag
b. talaga = 213, pag aalinlangan
talaga = 231, pag papatibay,
pagpapahayag
3. Antala/Hinto
• bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng
ibig ipahatid sa kausap.
• maaaring gumamit ng simbolo gaya ng
kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//)
o gitling (-)
Mga Halimbawa:
a. Hindi / ako si Joshua
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos
sa Hindi. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si
Joshua na maaaring siya’y napag- kamalan
lamang na si Arvyl.)
b. Hindi ako, si Joshua
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa ako.
Pagpa- pahiwatig ito na ang kausap ay
maaring napagbintangan ng isang bagay na
hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa.
c. Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nada hulihan ang hinto.
Nagpa- pahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.
Pabula
•
Isa sa mga akdang pampanitikan na labis na
kinagigiliwan ng mga bata at mga may pusong
bata ag ang Pabula.
Pabula—
• ay isang uri ng kathang-isip na panitikan ang
mga hayop o kaya mga bagay na
walangbuhay ang gumaganap na mga tauhan,
katulad ng Leon at Daga, Pagong at Matsing,
Lobo at Kambing, Kuneho at Leon.
May natatanging kaisipang mahahango mula
sa mga batang mambabasa.
•
Tinatawag din itong kathang kwentong
nagbibigay-aral.
•
Nagpapakita rin sila ng mga damdaming
pantao ng tuwa, galak, kalungkutan, at
maging-pag-ibig.
•
Itinuro nito ang tama, patas,
makatarungan,makataong ugali at pakikitungo
sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap
dahil sa mga kaganapang aral sa buhay
na ibinibihay nito.
Ilan sa mga hayop ang nag-ibang pagpapakahulugan
sa mga bagay naman, ang Rosas ay kinakatawan sa
babae at sa pag-ibig. Ang Bubuyog sa isang
napalarong nanliligaw.
Ilan sa mga hayop na kumakatawan o sumasagisag
sa mga katangian o pag-uugali ng tao ay mga
sumusunod:
• ahas - taksil
• kalabaw - matiyaga
• unggoy o matsing - tuso
• pagong - makupad
• palaka - mayabang
• aso - matapat
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
PABULA SA KUWENTO
•
Ang mga hayop ay hindi lanang nilikhang
gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang
mga ito ay nag simbolong ugnayan sa bansa at
sa mga namayan nito. Sa Korea, mahalaga ay
ginampanan na mga hayop sa kanilang
intolohiya at kwentong bayan. Ayon sa
kanilang paniniwala, noong unang panahon
dalo ay ng pang tigre at oso na nagnais maging
tao. Nang bumaba sa luoa ang kanilang diyos
na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay
humiling ang isang tigre at isang oso na
maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong
sa kweba ang dalawa sa loob ng 100 araw.
Dahil sa manubdub na pagnanasang maging
tao ay.
•
Ang Korea tulad ng ibang mga bansa sa Asya
ay ilang beses ding sinakop ng mga dayuhan
makikita sa kanilang pamumuhay ang
impluwensiya ng China at Japan. Sa kabila
nito, mahigpit ba rin nilang pinapanatili ang
kanilang kultura, tradisyon, kasaysayan,
edukasyon, pamilya at higit sa lahat ang
kanilang panitikan.
•
Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
sinaunang pabula”.
Pagkiklino
•
ay ang pagsasaayos ng mga salita ayon sa
antas o tindi ng kahulugan ng salita. Hindi
lahat ng mga salitang magkasingkahulugan ay
pareho na rin ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pag-palitan ang gamit ng mga ito bagaman iisa
ang malawak na kahulugan, ngunit magkaiba
naman ang tindi ng ipinapahayag nito.
Magkaiba ang digri o tindi ng nais iparating
nito lalo nakung ito ay gagamitin sa
pangungusap.
Antas o Tindi ng Pagpapahayag
salitang may pinakamatinding sidhi
ng kahulugan.
salitang may pinakamababa na
antas ng kahulugan.
Upang higit na maunawaan ang konsepto ng
pagkiklino, subukan nating iugnay sa antas ng
edukasyon.
Kolehiyo
Sekondarya(Hayskul)
Elementarya
Pre-School
Ngayong naunawaan mo na ang konsepto ng
pagkiklino. Tingnan ang halimbawa ng mga salita
batay sa digri ng kahulugan.
Mga halimbawa:
poot - matinding galit na halos
gusto ng manakit
galit - matinding galit na matagal bago
mawala
asar - tumagal na inis
inis - tumagal na tampo
hagulgol - malakas na pagiyak
iyak - pag-iyak at patuloy na
pagluha
nguyngoy - mahinang pag-iyak
hikbi - pag-iiyak na pigil at tahimik
Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
1. Mga Pangungusap na Padamdam
• ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin
o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang
padamdam (!).
- Halimbawa:
• Nakupo, hindi ko maaatim na
patayin ang inosenteng sanggol na
ito!
• Ang sakit malamang ang sariling
anak ang pumaslang sa ama!
2. Maikling Sambitla
• ito ay mga sambitlang iisahin o
dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding damdamin.
- Halimbawa:
• Aray! Nasugatan ako ng patalim
• Wow! Ang bango ng ulam natin
ngayon.
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak
na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
• ito’y mga pangungusap na pasalaysay
kaya’t hindi nagsasaad ng matinding
damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng
tiyak na damdamin o emosyon.
- Halimbawa:
Emosyon
Mga
Halimbawang Pangungusap
Kasiyahan
•
Napakasayang isipin na
may isang bata na
namang isinilang sa
mundo.
Pagtataka
•
Hindi ko lubos maisip
kung bakit ipatatapon ng
isang magulang ang
walang kamalay-malay
na sanggol.
Pagkalungkot
•
Masakit isiping ang mag
ama ay nagpaharap sa
isang pagtutungali.
Pagkagalit
•
Hindi dapat kinikitil ang
buhay ng isang sanggol
Pagsang-ayon
•
Tama ang naging
desisyon ng pastol na
hindi patayin ang bata
Pagpapasalamat
•
Mabuti na lamang at
nakapag-isip ang pastol.
Sanaysay
Sanaysay (Essay)
4. Mga Pangungusap na nagpapahiwatig ng
Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
• ito ay mga pangungusap na gumagamit
ng matatalinghagang salita sa halip na
tuwirang paraan.
- Halimbawa:
• Kumukulo ang dugo ko kapag
naisip ko ang mga magulang na
pinababayaan ang kanilang mga
anak. (kumukulo ang dugo = galit
na galit)
•
•
ay isang matalinong pagkukulo ng sumulat
tungkol sa isang paksa
uri ng sulatin na naglalayong magpahayag
nagpaliwanag, at magsalaysay ng mga
pananaw o kaalaman.
•
(Alenjandro Abadilla) ay “pagsasalaysay ng
isang bagay”, kaya ang sinumang susulat nito
ay nangangailangan ng maymalawak na
karanasan, mapangmasid sa kapaligiran,
palabasa o nagsasagawa ng pananaliksik
tungkol sa paksang napiling sulat. Nararapat na
magpokus sa isang paksa tamang upang
magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga
ideya.
•
Tinatawag na manaysay ang manunulat ng
sanaysay. Kinakailangan ng masining na pagaaral at konotasyon ang sinumang susulat nito.
Dalawang uri ng Sanaysay
➢ Pormal – gumagamit ng salitang matatalino o
pakinggan tulad ng mga matatalinghagang
salita!. Lohikal at pinag-isipan din ang nga
salitang nakapaloon sa uring ito.
➢ Di-Pormal – nakapaloob dito ay opinyon o
kuro-kuro ng manunulat! Tinataglay nito ang
sulating nakaayon sa obserbasyon patungkol sa
isyu.
Diin – pagbibigay sa mahahalagang paksa sa talata
Kawilihan – ang hangarin nito at makamit ang
kawilihan ng bumabasa sa pahayag.
Paraan ng Pagpapahayag
Estilo ng Pagsulat
•
•
•
Masining na ekspresyon ng mga ideya na pinili
ng manunulat.
Magsisilbing gabay sa mga mambabasa na
matukoy ang layunim sa pagsusulat sapagkat
nagbibigay-liwanag sa bisang inaasahan ng
sumulat.
Dapat matiyak na manunulay kung kaniuang
pangunahing kaisipan ay magturo, mang-aliw
o magpaliwanag.
Katangian ng Pagsulat
Kaisipan – lahat ng sangkop ng talata sa paksa ay
hingil lamang sa isang pakaa
Kaugnayan – lahat ng sangkop sa isang akda at
dapat na magkaugnay ang diwa pang maging mabisa
ang pagpapahayag.
Paglalarawan
•
isang paraan ng pang araw-araw na
pagpapahayag na dapat nating mattutunan.
Nauuri ayon sa pakay o layunin ng
Pagpapahayag.
Pagsasalaysay
• nagsasaad ng nga pangyayari o karanasang
magka-ugnagay katulad ng mga kawili-wiling
pangyayari, pagsulat man o pagsalita.
Paglalahad
• isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
magbigag-linaw ang isang konsepto o kaisipan
bagay o paninindigan upang lubos na
maunawaan ng mga mambabasa.
Pangangatwiran
• Isang uri ng pagpapahayag na nagbibigay ng
sapat na katibayan upang ang isang panukala
ng magung katanggap-tanggap o kapanipaniwala. Layunin na hikayatin ang mga taga
pakinig na tanggapin ang kawastuhan ng
kanilang paniniwala.
Mga Salitang Di-Lantad
ang Kahulugan
•
Ang mga salitang di-lantad ang kahulugan ay
hindi tuwirang inilahad ng awtor ang tunog na
kahuluga o literal na pagpapakahulugan ng
salita. Ito’y naipaliliwanag batay sa konstekto
ng pangungusap.
Mga Halimbawang
Pangungusap na may Dilantad ang Kahulugan
Kahulugan
1. Sa pag-ibig, hindi dapat
agad mag-tiwala sa mga
lalaking mahilig sa
mabulaklak na salita.
2. Kailangan gumamit ng
kamay na bakal upang
tumino ka.
3. Dahil sa pandemic,
maraming pamilya ang
isang kahig, isang tuka
ngayon kaya magtitiis ka.
- magagandang salita
4. Palabas lng pala ang
ginawa ni Michelle upang
- pagkukunwari
lamang
- mahigpit na
disiplina
- mahirap ang buhay
pagkaperahan ang
komedyanteng si Tekla.
- problema/suliranin
5. Isang malaking dagok
ang iniwan ng bagyong
Rolly sa mga nasalanta nito.
Iba’t ibang uri ng
pahayag
1. Katotohanan
• ang isang pahayag ay makatutuhanan kung
ito ay may suporting datos, pag-aaral at
pananaliksik.
• ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang
may siyentipikong basehan gaya ng agham
o siyensiya.
Tandaan: Sa pagpapahayag ng katotohanan,
kailangang maging tumpak at wasto ang mga
pahayag, salita at gramatikang gagamitin sa
pagpapahayag.
Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagpapahayag ng
Katotohanan
• Ayon sa…
• Ayon sa Washington Post, ang
pagkawala ng trabaho ay tumalon sa
14.7 porsyento noong Abril, ang
pinakamataas na antas mula noong
Great Depression
•
Batay sa pag-aaral, totoong…
• Batay sa pag-aaral, totoong humigit
kumulang 95% ng mga taong
nagkasakit ng Covid-19 ay gumaling
o bumuti na ang karamdaman.
2. Opinyon o Sariling Pananaw
• ang isang pahayag ay matatawag na
opinyon kung ito ay mula sa sariling
palagay, kuro-kuro, pamahiin, pananaw, o
saloobin at walang sapat na basehan o
walang katiyakan.
• ang ganitong uri ng pahayag ay hindi
suportado ng datos o siyentipikong
basehan.
Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagpapahayag ng
Opinyon o Sariling Pananaw
•
Naniniwala ako na…
• Naniniwala ako na ang Covid-19 ay
nagkaroon ng makabuluhang
impluwensya sa kalusugan at
kalusugan ng lipunan ng maraming
pilipino, kasama na ang sa akin.
•
Sa tingin ko…
• Sa tingin ko ang makabuting mag
lockdown na lang tayo para makapagpahinga ang inang kalikasan.
Talumpati
•
•
•
•
•
Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa
harap ng mga tagapagkinig o madla.
Isang kapakinabang at masining na pagtalakay
ng paksa na naglalayong makahikayat sa
paniniwala at paninindigan ng nagtatalumpati.
Isang uri ng sining
Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan
ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniniwalaan ang kanyang paniniwala,
pananaw, at pangangatwiran sa isang
partikular na paksang pinag-uusapan.
Kakaiba ito sa ginawa nating pagsasalita sa
araw-araw kung saan sinasabi nating gusto
nating sabihin nang walang pinatutungkulan o
binibigyang-diing paksa.
Uri ng Talumpati ayon sa Layunin
1. Talumpating Panlibang
• nagpapatawa ng nag- tatalumpati sa
pamamatigan ng anektoda o maikling
kwento.
2. Talumpating Nagpapakilala
• karaniwan itong maikli lalo na kung ang
ipinakilala ang kilala na o may pangalan
na.
3. Talumpating Pangkabatiran
• ginagamit sa mga panayan, pagtitipong
pansyentipiko at iba pang samahan ng
mga dalubhasa. Makikita sa mga
talumpating ito ang mga kagamitang
pang tulong upang maliwanagan at
ganap na maunawaan ang paksang
tinatalakay.
4. Talumpating Nagbibigay-Galang
• matatawag din itong talumpati ng
pagbati, pagtuon o pagtanggap.
• Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang
bilang pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa isang bagong kasapi ng
samahan.
5. Talumpating Nagpaparangal
• Ito ay inihahanda upang bigyang
parangal ang isang tao o di kaya ay
magbigay- puri sa mga kabutihang
nagawa.
Elemento
SIMULA
1. Tauhan
• ito ang gumaganap sa loob ng kuwento.
2. Tagpuan
• ito ang lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
3. Suliranin
• ito ay isang problema na kakaharapin ng
pangunahing tauhan.
GITNA
4. Saglit na kasiglahan
• naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
5. Tunggalian
• ito ay labanan sa pagitan ng
pangunahing tauhan at iba pang tauhan
sa loob ng kuwento.
6. Kasukdulan
• ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
WAKAS
7. Kakalasan
• ito ang bahaging nagpakita ng untiunting pagbaba ng takbo ng kuwento
mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan.
8. Kalutasan
• ito ang bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kuwento.
Maaring masaya o malungkot, pagtalo o
pagka panalo.
Ano pa bang mga elemento ng maikling kwento?
9. Kasiyahan
• ito ang mensahe ng kwento
10. Banghay
• ito ang pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari sa kwento
Ano ang simbolo?
•
ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay
ng mga taong gumagamit dito ay pananda na
nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng
anumang bagay na kumakatawan sa nais
isagisag nito kung walang SIMBOLO nais
magaganap na kami mikasyon at hindi rin
magiging posible ang elemento ng kultura
Ang simbolo ay maaaring tumutukoy sa:
A. Sagisag- isang dagay na nagrerepresenta
tumatayo o kaya naman ay ang papahiwatig ng isang
ideya,larawan paniniwala askyon o kaya naman ng
isang bagay.
B. Palatandaan- isang bagay kalidad pangya yari
entidad na ang pretensya o kaganapan ay ang
pagpapahiwatig na maraming mayroon o mangyayari
ang isang ungay
Ang DENOTASYON ay kahulugan ng salita na
matatagpuan sa dikosgumanap ito ay ang totoo o
literal na kahulugan ay salita ang deksyunaryo ay
salitang ginagamit na pantukoy lamang sa isang
bagay
Halimbawa:
1. dulang rosas- uri ng rosas na kulay pula
2. bola- laruan na hugis bilog.
Ang KONOTASYON ay ang pansariling kahulugan
isa o grupo ng tao sa Isang salita. Ito ay iba sa
pangkaraniwang kahulugan. Binibigyang-diin nito
ang kahalagahan ng isang salita.
Halimbawa:
1. Ang batang lalaki ay may gintong kutsara
sa bibig.
Kahulugan: gintong kutsara mayaman o
maraming pera.
2. Isang ahas ang aking kaibigan.
Kahulugan: Ahas, traydor, nagtraydor.
III. Paglalahad ng Aralin/Mga Nilalaman
Si Serin Guinigudo ay ipinanganak sa San Miguel,
Bulacan at nakapagtapos ng kursong Commerce mula
sa Far Eastern University at nag abogasya sa
University ng Manila.
Ang kanyang maikling kwento ay nakilala sa
kakulangan nito ng sentral na karakter. Sumulat sya
para makapag-iwan ng impresyon sa isip ng mga
mambabasa. Ilan sa kanyang mga naisulat ay mg
akdang "At Patuloy ang mga Anino" "Bahagyang
Tag-araw sa isang Tahanan", "Gatas" at
"Nagmamadali Ang Maynila"
Sa araling ito ay basahin mo ang isa sa kanyang mga
isinulat na akda ang "Nagmamadali Ang Maynila" na
naglalarawan tungkol sa ating bansa. Alamin mo ang
mga kilos at gawi pati na ang uri ng pamumuhay ng
mga tao sa Maynila. Paano naiiba ang maikling
kuwento ng katutubong-kulay sa iba pang uri nito.
Iugnay mo rin ang sariling karanasan sa kulturang
pinakita sa akda.
NAGMAMADALI ANG MAYNILA
Ni Serafin Guinigundo
" GINTO. GINTO... Baka po kayo may ginto
riyan?"
"Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alokanyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay
humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa
makapal na alikabok sa bangketa.
" Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw
ng babae. " Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili?
Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?"
sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang
kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa
Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga
mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga
tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong
hindi kanilang pag - aari.
Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa
papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili.
Madalian ag kanilang usapan, Mabilis magkasundo.
Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa
ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla
ang kulay ng gatas na may bantong gatas ng niyog.
Kung sila'y palarin; kakamal ang libo, kung mabigo
naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin,
tawad, silip, tingin, tawad. Tingin sa singsing, sa
kwintas, hikaw, at pulseras.
" Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng
isa.
" Ano? In running condition ba? Baka hindi,
Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman.
" Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi
ka mapapahiya," tugon ng tinanong.
" Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na.
Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na
ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang
bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha?
Kahit hindi nakasulat... ikaw ang bahala."
" Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis
natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon."
Ang iba ay maingat; gumamit ng mga
lenteng maaninag sa mga tapyas ng brilyante.
Nangingilag sa basag na bato: iyong may karbon;
iyong may lamat. Malulugi kapagka nabibigla sa
pagtawad. Sa bawat may lenteng tumitingin ay
marami pang taong nakapaligid na nag - aantay na
makasilip naman: makatingin at tumawad sa
singsing, hikaw at pulseras. Ang init ng araw ay hindi
alumana ng mga taong ayaw iwan ang kakapalan ng
nagtatawaran ng lupa, bahay, bakal, pako, trak,
lantsa, kabayo, makinilya at iba pang mga bagay.
Kakain lamang upang magbalik; babalik lamang
upang makipag - usap, tumawad, at tumingin. Ang
maghapon ay natatapos sa nakapaghihinayang na
pakinabang; nauubos upang umasa sa isang
kinabukasang marahil ay lalong mapalad at manigo.
" Balut... balut... baluuuut... baluut!"
"Puto... put.., putt... puto." Iyan ang mga
tagapambulahaw sa mga natutulog, sa mga may
nanlalambot sa tuhod.
" Isang oras lamang, maaari ba? Ipapakita ko
lang sa aking buyer. Magugustuhan ito. Cash ngayon
din. Iiwan ko muna ang aking tubog sa iyo. May
halaga yan. "
" Huwag na. Dalhin mo, Sisirain mo ba ang
iyong pangako? Kilala naman kita. Madali ka. Isang
oras ang pangako ng aking kaibigan sa may ari nito.
Kaya kung dadalhin mo ay sige. Ibalik mo agad
aantayin kita. Hindi ako aalis, bago magikalabindalawa. "
Humahangos ang pinagbigyan ng singsing.
Naglagos sa kakapalan ng mga tao. Madagil o
makadagil ay tuloy sa kanyang paglalakad. Hinahawi
ng kanyang mga bisig ang mga tao. Isinisingit niya
ang kanyang manipis na katawan. Maikli lamang ang
palugit sa kanya sa singsing - isang oras. Ang taong
humahangos at nagmamadali at tila nakikipag agawan ng oras ay si Maciong. Kabilang si Maciong
sa mga bumibili nang walang puhunan kundi laway
at nakapagbili nang wala kundi sa listahan. Isa siya
sa mga ahente sa pamilihang- kalye na lalong malaki
ang pakinabang sa kanyang listahan kaysa sa tunay
na tinatanggap ng kanyang bulsang palaging puno ng
bigong paghihintay.
Si Maciong na kasalungat ng katwiran ay
bata ni Luisita, ang kanyang kabiyak ng dibdib, ay
may paniniwalang ang pananagumpay sa buhay ay
nakasalig sa kaunting bilis ng isip na kanyang
tinatawag na "abilidad". Ang abilidad na iyan ni
Maciong ay siyang ipinangangako kay Luisita.
Maipakikilala niya ito sa iba't ibang sukat ng goma;
sa mga hawak niyang option sa trak, sa awto, sa
bahay, sa lupa at marami pang iba. Iyan ang kanyang
inaasahang masasalapi hindi maglalaon. Mga
katapatan lamang niya ang kaniyang pinagsasabihan.
Baka siya'y maunahan kung siya'y magsasabi.
Mabibigo ang kaniyang pangarap. Muli siyang
susumbatan ni Luisita.
Maciong ang pagpapatunog ng taladro ng
konduktor.
" Narito, " sabay abot ni Maciong ng tiket na
halos mainit - init pa buhat sa kamay ng kaiibis na
mapagkawanggawa na sinambutan ni Maciong.
Nakaraan din si Maciong sa kumukutong mga
tao.
" Hindi ba kapapasok mo lamang?"
" Teng... teng... teng...teng..," ang tinig nang
dumaragsang dambuhalang trambya
na maraming sakay na hindi makapasok sa loob,
tranbiyang tila baga isang kalabaw
na 'di makayang lumulon sa sinsamungal na sakate sa
kanyang namumuwalang
bunganga.
Nangunyapit lamang si Maciong sa tansong
hawakan sa tranbya.
Doon siya nagpalumaging nakabitin.
" Kanina pa po ako, bumago lamang ng upo. "
" Pasok po sila... pasok po kayo... dito sa loob
at maluwag. Pasok..,pasok.,." ang dugtong na utos ng
konduktor. Hindi alumana ni Maciong ang
pagdudumali ng konduktor. Laging hindi napapansin
ni Maciong na ang kanyang pagsambot sa tiket ng
isang umibis ay sinusulyapan ng konduktor. Ang
pagpasok ni Maciong sa loob ng trambya ay hindi
nalingid sa kabatiran ng konduktor. Hindi pansin ni
" Saan kayo sumakay? "
" Sa trambya, saan pa?"
Hindi napigil ng mga nasa paligid na nakikinig
ang pagtatawanan, na naging snhi g pamumutla ng
konduktor.
"Saan kang pook ng Maynila, nagsimulang
sumakay?" ang buong linaw na tanong ng konduktor
sa hangad na makabawi sa pagkapahiya, "Itinanong
mo na kanina iyan," tugon ni Maciong. "Itatanong
mo na naman. Ewan ko ba? Tingnan mo sa tiket.
Diyan mo iginupit kanina. Hindi ka ba marunong
bumasa?"
Naghagikgikan ng tawa ang mga nasa paligd
nila na nakikimatyag sa
kanilang pagmamainitan.
Buong pagngingitngit na tinitigan ng
konduktor ang gusot na buhok ni Maciong. Sinukat
ang laki ng bisig nito; hinagod ng malas ang taas at
nang ang kanyang mapanuring paningin ay dumako
sa kupi-kuping tainga ni Maciong na tila kulubot na
sitsarong - Bocaue ay nagkunwang tinungo ang
pintuan ng trambya upang makaibis at makasampa
ang maraming sakay.
Mag-iikalabing-isa na at kalahati ng tanghali.
May kalahating oras pang nalalabi sa ibinigay sa
kanyang palugit upang maipagbili ang singsing.
Natitiyak ni Maciong ang pakinabang na halos
binibilang na niya sa kanyang palad na hindi nagaamoy kwalta may ilang buwan na.
Nagdudumaling nanaog si Maciong sa Plaza Burgos.
Nag-uumihit na sinundan ang
isang taong may bitbit na bayong. Tinawag niya sa
pangalan ang taong iyon.
Lumingon ang tinawag. Nagkakilala silang dalawa.
" Hoy Tasio dala ko ang singsing. Bumibili pa
ba ang ating buyer?"
"Aba, eh... kailan ba tayo huling nagkausp?
Matagal na. Nawala na sa loob ko. Akala ko'y wala
kang makukuha, sayang, nakabili na, Bayaan mo at
sa ibang araw."
Hindi makuhang ilabas ni Maciong sa bulsa
ang kanyang kamay na buong higpit na
nakahawak sa singsing. Naaalala niya at inuulit-ulit
ang kanyang gunam-gunam ang
"Bayaan mo at sa ibang araw" na katulad na rin ng
katagang " mabibigo yata ako
magpakailanman." Tinitigan ni Maciong ang
pagdaragsaan ng mga tao sa Plaza
Burgos. Unahan sa pagsakay sa trambya. Hindi
makaigpaw sa itaas ang ga may
mahihinang mga tuhod lalong mahihinang bisig sa
pagdaraingkilan. Ang mga babae
ay naging mapagbigay sa paggitgitang yaon; hindi
nila napansin ang pagkaipit ng
kanilang katawan sa matitipunong bisig; halos
mayupi ang kanilang mga likod-ang
dibdib. Ang kutob ng dibdib ni Maciong ay halos
magpatahip ng kanyang polo shirt
na mamasa-masa na sa pawis.
Sa paningin ni Maciong ay may kulay pa rin
ang sikat ng arw, bagama't ang matitingkad na kulay
na yaon ay pilit na pinangungupas ng nagsalabat na
dilim na pumipindong sa tuktok ng mga
nagtatayuang gusali.
Ang tinatahak ni Maciong ay makikinis na
mukha ng aspalto na kadidilig pa lamang. Ang ganti
ng liwanag buhat sa mararangyang tahanan ay tila
matutulis na palasong nagtalusok sa makikinis na
mukha ng kalsadang tinatahak ni Maciong.
" Balut... balut... Baluut... baluuut".
" Putooo... putooo... puto... puto..!".
" Maciong, kain na. Malaki ba ang tinubo mo
kahapon?" ang naging tanong ni Liusita. " Hindi
mo na ako nabigyan ng balato. Ibibili ko lamang ng
iyong sapatos."
Nangiti si Maciong. Nalalaman niyang siya
ay nililibak o binibiro ni Luisita.
" Maciong, tigilan mo na ang lintik na buy and
sell na iyan. Payat ka na, ang pambili mo lang ng
sigarilyo ay hindi mo pa makita. Panay lakad...
lakad... tuwid...lakad,,. tuwid.. sa libu-libong wala.
Nasaan ang iyong lion's share at itong chicken feed
ko ang siyang inaalmusal mo. Panay na ang kita ko
sa labada ang iyong nginangangahan para kang
luklak na ibong nag-aantay ng ngungo ng ina."
" Luisita, masasabi mo ang lahat sapagkat iyan
ang iyong nakikita. Hindi abot ng isip mo kung bakit
si Pedrong Makunat ay tagapangasiwa ngayon ng
Lucky Sport Real State Agency, si Kamelong Palos,
hayan... may malaking tanggapan ng bakal at ang
halaga ng kaniyang bakal ay
sampung ibayo ng kanyang dating puhunan. Sila ay
nagsipamula sa walang katulad ko. Si Ruperto, si
Mariano, kapwa may bahay na ngayong sarili. Hindi
ba ang mga diyablong iyan ay katulad ko rin na
nagsimula sa lapis at papel?... at si Calixto, si
Melano, aba! Baka masilaw ka sa kanilang suot na
brilyante? Mamatahin mo, ngunit mayroong libreta
sa bangko. Sila ay para-paraang nauna sa akin, ngunit
nahuli ako upang mauna. Hindi sila makatitiyak sa
aking abilidad.
" Lubayan mo ako Maciong. Sa abilidad mong
iyan, diyan ka magugutom. Kain na. Lalamig ang
salabat. Baka naiinip sayo ang iyong kaisplit."
" Nalalaman ko ang aking ginagawa. ang aking
kapalaran ay hawak ng aking dalawang palad. Ang
daigdig ay nakapaloob sa aking ulo."
" Naku, magtigil ka na, Makita ko. Bagay sa
iyo ang magsaka. Doon ka sa gitna ng bukid
magbungkal at tiyak ang iyong pakinabang. Hindi mo
kami mabubuhay sa swing-swing na iyan. Hindi
namin makakain ang lintik na listahang iyan.
Magsisilaking tanga at walang muwang ang iyong
mga anak."
Kumain si Maciong ng walang imik. Ilang
subo lamang ang kaniyang ginawa at ilang higop ng
kapeng-mais. Kabilang na naman si Maciong sa
hukbo ng mga nagbibili at bumibili ng hindi kanila at
wala pa sa kanila.
" Tiyak ba ang iyong sinasabi? Malayo ba?
Pick-up hane?'
" Diyan lamang? Tayo na, tingnan natin. Kung
sa bagay dala na ako sa iyo. Madalas kang mag-alok
ng wala. Nasusubo ako sa kompromiso sa aking mga
kausap. Makita ko muna bago ko ialok."
" Ikaw naman, patay-patay ka." ang salag na
kausap. Inialok ko sa iyo ang arina, pinabayaan mo.
Ang pako, ang trak, ang makina, at ang makinilya.
Mabagal ka naman eh...!"
"Oo, pick-up lang. Malapit lang. Tayo na."
Pulu-pulo ang nag -uusap. Kani-kaniyang alok;
kani-kaniyang tawad. May humihipo ng singsing.
May sumisilip, may lumelente sa maliit na tapyas ng
brilyante. Silip.., tingin... tawad... silip... tingin,..
tawad..
Hindi pa sila nalalayo sa kakapalan ng mga
nagbibili ng wala ay nasalubong ni Maciong ang dati
niyang kakilala, si Tasiong Abuloy na lalong
kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang
kanyang kabiguan sa singsing.
" Mayroon ba tayo riyan?" ang bungad ni
" Maciong, ano ba ang iyong line ngayon?
Mayroon ka bang buyer na goma ng trak? Mayroon
akong dalawampu."
" Ako, kahit anong pagkakasalapian. Totoo ba
ang goma mo? Magkano... malayo
ba? Tingnan natin," wika ni Maciong.
" Diyan lang sa tabi - tabi, isang libong piso
ang halaga ng isa."
Tasio.
" May buyer ka ng goma?" " Iyan ang hanap
ko. Nasaan.., ilan... magkanao?"
" Dalawampu... isang libo't dalawang daan ang
isa; malapit lang."
" Sold. Kung mapahigit ko sa halaga ninyo ay
akin ha? Wala na kayong pakialam sa higit doon...
Iba na amg malinawan," pagunita ni Tasio.
" Halika na. Iyong lahat. Hoy, Tsiko, ang sabi
mo sa akin ay isang libo lamang." ang bulong ni
Maciong sa kanyang kausap. " Wala ka ring pakialam
sa labis doon. Hayan".. naririnig mo. Huwag kang
magsasalita tungkol sa halaga at bayaran mo. Ako
ang bahala."
Dalawang tango lamang ng pagsang -ayon ang
iginanti ng kausap ni Maciong. Nagtuloy sila sa isang
makipot na lagusan. Tuloy silang pumasok sa silong.
Maraming agiw na nagsalabat sa daan. Nabulabog
ang mga daga. Ang amoy ng mga lumang
kasangkapan ay nakapagpapakalma ng sikmura.
Tinalikwas ng nagbibili ang ilang piraso ng yero at
nabuyangyang sa kanilang nag-aalinlangang
paniniwala ang dalawampung goma ng trak na may
balot pang papel.
Lumabas na bigla si Tasio upang tumawag
sa telepono. Nakilala ni Maciong ang kaugnayan ni
Tasio nang ang goma ay hakutin ng trak. Kitang kita
ni Maciong na binibilutan ng sapot ng gagambang
bahay ang isang langaw na mabating sa hibla.
Habang minamasdan ang agiw na naglawit sa may
tagulamig silong na siyang
nagpapangit sa silid na yaon ay hindi maubos maisip ni Maciong kung bakit doon
niya natagpuan ang kapalarang ipinagkait sa kanya
ng makukulay na sikat ng araw. Pumailanlang ang
isipan ni Maciong. Naririnig ni Maciong ang kiriring
ng telepono. Nauulinigan niyang itinatanong kung si
Manedyer Maximo Kabangis ay naroon at kung nais
bumili ng goma, ng pako, ng langis, ng yero ng trak,
ng makina, ng bahay ng lote. Naramdaman ni
Maciong na ang hapo at bigong pag-asa niya ay
dahan-dahang humihimlay sa malambot na kama.
Bumabasa ng pang-umagang pahayagan ang mga
paningin ni Maciong na namangha sa isang
tagumpay na inaasam-asam at nang ito ay dumating
ay hindi niya maunawaan. Naririnig ni Maciong ang
awit sa radyo; dinig na dinig niya ang " Tindig, aking
Inang Bayan; Lahing pili sa Silangan."
Binalak pa rin ni Maciong na ihagis sa
nanlilimahid na kandungan ni Luisita ang bungkos ng
mga sasampuing piso. Gugulatin niya si Luisita.
Hindi na siya bibili ng lumang damit sa panulukan ng
mga daang Asuncio Azcarraga para sa kanyang apat
na anak na kailan lamang ay hindi niya kayang ibili
ng bago. Ipamumukha niya kay Luisita na siya'y may
abilidad.
Nagkukumahog si Maciong nang siya ay
umuwi nang tanghaling iyon. Ang biglang
pamimintog ng bulsa ni Maciong ay damang-dama at
nabubunggo ng kanyang mga hita sa kanyang mabilis
na paghakbang. Nakapaglagos si Maciong sa
kakapalan ng mga tagapagbili ng wala sa kanila,
ngunit di niya gaanong alintana ang mga
pagtatawaran, ang pagtitipanan ang pagtutuwid sa
ibayong pakinabang. Sa ganang kay Maciong ay
kanyang lahat ng mga kalye ng Maynila - ang buong
Maynila.
" Mama... mama... genuine camel po...
genuine... gen..."
" Hoy, bigyan mo ako." ang tawag ni
Maciong."
" Magkano? " sabay dukot sa kanyang bulsa na
naging masikip sa balumbon ng mga sasampuing
piso at walang anumang kumuha ng tatlo nito, iniabot
sa bata, kinuha ang sangkahang Camel at ang bata ay
iniwang tuwid na tuwid.
Mga ilang sandali pa, ang bata ay humahabol
kay Maciong upang ibigay ang sukli.
" Mama... ang inyong sukli..."
" Ah! Hindi bale," tugon ni Maciong, " sa iyo
na..." ang dugtong pa na ang tinig ay sinadyang
ilakas upang marinig ng maraming nagdaraan.
Hinigit ni Maciong ang kanyang balikat; tinutop ang
kanyang bulsa; tumingala sa langit samantala'y
patuloy ang usok ng kanyang sigarilyo at ang
alingawngaw ng alukan at bilihan sa pamilihang
kalye ay patuloy...
Patuloy ang pagkiriring ng telepono. Ang
pukpok na bakal sa hulo, sa liwasan ng lungsod ng
Maynila, ay patuloy. Ang mga nagtatayugang gusali
ay tila nagbabantang umabot sa rurok ng langit. Ang
alimbukay ng aso ng alkohol sa lansangan ay
nakahihilo, Tigb ang mga karitela, Punuan ang mga
trambya. Humahangos ang mga tao sa lahat ng
lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng
bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng
Maynila.
Maikling Kwento
•
Sa Maikling Kwento ng Katutubong-kulay ay
pinapahalagahan ang tagpuan, pook/lugar, na
pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay
maraming paglalarawan tungkol sa pook,
hinali lamang pisikal kundi lati na rin ang mga
pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon,
ang kahulugan mga paniniwala, pamahiin, at
pananaw sa buhay.
Paglinang ng Talasalitaan
Mga Pangungusap
1. “Nga mama… mga ate…
ginto…?” ang alok–anyaya ng
isang babaing nakakimon at
ang saya ay humihilahod sa
sakong at siyang lumilinis sa
makapal na alikabok sa
bangketa.
2. Binalak pa rin ni Maciong na
hagis sa nanlilimahid na
kandungan ni Luisita ang
bungkos mga sasampuing piso.
3. Ang kalipuna ng mga taong
naglipana Avenida Rizal at
Escolta ng mga mamimiling
Kahulugan
- Pagkaladkad
- Madumi
- Nagkalat;
matatagpuan
kung saan-saan
walang puhunan (karamihan) at
mga tagapagbili ng mga bagay
na wala sakanila at lalong hindi
kanilang pag-aari.
4. “Puto… put… putt” Iyan ang
tagapam bulahaw sa mga
natutulong, sa mga may
nanlalambot sa tuhod.
5. “Teng… teng… teng…”tinig
nang dumaragsag dambuhalang
trambya na maraming sakay na
hindi makapasok sa loob.
- Paggulo sa
katahimikan;
malakas na tunog
- Dumating ng
bigla at
maramihan
Buod ng Niyebeng Itim
Sa panahong ito, bisperas ng bagong taon ng
nagpakuha ng ng labinlimang litrato o larawan si Li
Huiquan kasama ng kaniyang Tiya na si Luo. Kahit
ayaw nitong magpakuha, naging posible parin ito
kahit napilitan sa Red Palace Studio. At ang larawang
iyon ang gagamitin niya bilang lisensya upang si Li
Huiquan ay makakuha ng lisensya para sa pagtitinda
niya ng prutas. Ang pagkuha niya ng kariton ay
napayagan pero nakakalungkot, ang pagtitinda niya
ng prutas ay hindi.
Puno na ang listahan at hindi rin nakatulong ang
kontak ng kaniyang tiya. Pero sa kabilang banda, ang
tanging lisensya na mayroon ay ang pagtitinda ng
damit, sombrero, at sapatos. At dito, nagpatuloy parin
siya sa pagtitinda dahil mahalaga sa kaniya ang may
magawa kahit mahirap itinda ang mga damit.
Ibinigay sa kaniya ang puwesto. At wala parin ang
nagtangkang tingnan ang mga tinitinda niya.
Sigaw ng sigaw siya para makabenta, ito ang sinasabi
niya: “Sapatos na tatak Perfection mula sa free
economic zone.” “Mga blusang batwing! Halikayo
rito!” Ngunit wala parin nangyari. Siya lagi ang
huling tindahan na nagsasara. Pero sa kasunod na
mga araw nakabenta na siya ng muffler, at sa ikatlong
araw ay wala siyang benta. At sa ikaapat na araw,
pagkabukas niya, nakabenta agad siya ng damit na
pang army sa mga karpintero.
Nang ang mga karpintero ay naglalakad papunta sa
tulay, sila ay nanlamig ng sobra pero nailigtas sila
nung kasuotang binili. At dito nagkaroon ng
inspirasyon si Li Huiquan na magbenta.
Paggamit ng mga
pahayag sa Simula,
Gitna, at Wakas ng
Kwento
Ang isang Mahusay na pagkukuwento ay higit na
kapapanabik na basahin Kung ito ay nagtataglay Ng
isang epektibong pahayag sa simula pa lamang,
nabubuo Ang kawilihan sa pagbabasa kapag
nailalahad nang Mahusay Ang simula na siyang
humihikayat sa mga mambabasa upang ipagpatuloy
Lalo Ang akda. Ang maayos na pagkakawingkawing Ng mga pangyayari ay makatutulong Rin
upang maging maganda Ang daloy Ng storya. Itoy
napakaimportante sapagkat dito makasalalay Ang
kagandahan Ng storya Kung nakamit na Ang layunin
na inilahad sa simula at gitna ay along hihintayin din
nila Ang wakas. Dito ay mag-iiwan Ng kakintalan sa
isipan Ng mambabasa Ang isang kwento. Sa araling
ito ay pag-uusapan natin Ang Ilan sa mga pahayag na
ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy, Ng
pangyayari at pagkatapos Ng isang kwento
”Simula”
• ang Mahusay na simula ay mabuti upang
makuha Ang interes Ng tagapakinig o
mambabasa. Sa bahaging ito ay magkakaroon
Ng Patikim sa mga magaganap sa isinalaysay
dito napapaloob Ang pagpapakilala sa mga
tauhan, paglalarawan sa tagpuan,
pagpapahiwatig sa suliranin na kahaharapin Ng
tauhan, at pagpapakintal sa isipan Ng mga
mambabasa sa damdaming papalitawin sa
kwento.
Halimbawa:
• Simula pa lamang akoy musmus, palagi Kong
narinig Ang mga bulong na sa tingin ko ay ako
lamang ay nakaririnig Ang mga bulong na sa
tingin ko ay ako lamang Ang nakaririnig.hindi
ako tinitigilan Ng mga bosed sa wariy Galit at
nababanta sa aking panaginip.
•
Noong una akong tumutong sa eskwelahan
iyon ay may Kung anong puwersa Ang
humahatak sa akin upang Doon manatili ngunit
kahit anong ibig Kong sundin iyon ay
nagtatalo Ang aking isipan at damdamin Kung
mrarapat bang sundin ko Ang ibig ko o sundin
na lamang Ang kagustuhan ng aking mga
magulang pasa sa akin.
•
Noon kabataan ako ay pagtulong Ang
pinakapaborito Kong Gawin, ako pala si lobo
Romeo, pituput dalawang taong gulang.
Mga hudyat na pahayag para sa pagsisimula: noong
una, sa simula pa lamang, una sa umpisa, unang
una, at iba pang palatandaan sa pag-uumpisa
pagkatapos nito ay maaaring isunod lang:
a.) Pang-uri gaya halimbawa Ng
-napakadiin at napakalamig Ng paligid
-nananabik s mangyayari
b.) Pandiwa gaya Ng
-nagtatakbuhan Ang kalalakihan at naghahanda Ang
kababaihan ng..
c.) Pang -abay gaya Ng
-maagang gumising Ang tribo
“Gitna”
•
Mabuting mapanatili ang kawing-kawing na
pangyayari at paglalarawang sinimulan.
Aabangan kung pano magtatagumpa o
magwawagi ang pangunahing tauhan,
maiwawasto ang mali o matututo ang
tunggaliang tauhan habang tumataas ang
pangyayari. Patuloy na gumagamit ang mga
panlarawang salita upang mapanatili ang
interes ng mga mambabasa sa larawan at
aksyong salaysay
Mga hudyat na pahayag para sa gitna: kasunod,
pagkatapos, ikatlo, pagkatapos, saka, nang lumaon,
pagdaan ng mga araw at iba pa na maghuhudyat na
kasunod na pangyayari.
Halimbawa:
• Sa pagdaan ng araw pilit kung winawaksi sa
aking isipan ang mga bagay na kakaiba na
nagaganap sa aking paligid at magkaroon ng
isang normal na buhay ngunit kahit anong pilit
ko ay sinusundan pa rin ako ng mga bulong na
hindi ko alam kung saan nanggaling.
•
•
Walang ano ano’y hindi ko namalayan ang
mga hakbang ng aking mga paa patungo sa
eskwelahan na iyon at doon ay natagpuan ko
na lamang ang aking sarili na nakatayo sa
harapan ng mga estudyante.
Isang gabi ay bigla akong napaisip, ano bang
nangyari? bakit ba ganito ang naging buhay
ko? binalikan ko ang nakaraan.
“Wakas”
• Napakahalaga rin ng huling pangyayaring
maiiwan sa isipan ng tagapagkinig o ng
mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng
magpapabuti o mapababago sa kalooban at
isipan ng lahat na ang kabutihan ang
nagwawagi at may kaparusahan ang
gumagawa ng masama.
Mga hudyat na pahayag para sa pangwakas: sa huli
sa wakas o iba pang panandang maghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos.
Halimbawa:
• Sa huli natagpuan ko ang kapayapaan na aking
inaasam sa piling ng ating mahal na
Panginoon.
•
Sa wakas ay nakamtan ko ang kaligayahan ng
nakuha ko ang basbas na matagal ko nang
inaasam galing sa aking mga magulang, ito'y
pakiingatan ko at mangangakong pagbubutihin
pa ang pagtuturo.
Ngunit tapos na iyon
Nagpagtapos ko na sa kolehiyo ang tatlo kong anak
at nakauwi na rin ako sa Pinas. Kahit patuloy kong
panghinayangan ang nakaraan ay wala na rin itong
magandang maidudulot sa akin. Ngayon na ay
matanda na ako at nasa huling yugto na ng aking
buhay, sa mga susunod na taon ay mas mahaba na
ang oras ko para matulog ngunit iyon ng wala ng
gisingan.
Dula
•
•
•
Hinango sa salitang griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
Ito ay sadyang isinulat upang itanghal.
Ayon kay Aristotle, ito ay isang imitasyon o
panggagaya ng buhay.
Mga Bahagi ng Dula
1. Yugto
•
Ito ang bahaging pinahahati ng dula.
• Inilahad ito para makapagpahinga ang
mga nangtatanghal gayon din ang mga
manonood.
2. Tanghal
• Ito ang ipinaghahati sa yugto.
3. Tagpo
•
Ito ang paglabas pasok ng mga tauhang
gumaganao sa tanghalan.
Elemento ng Dula
1. Iskrip
• Pinakaluluwa ng isang dula.
• Lahat ng bagay sa dula ay naayon sa
isang iskrip.
•
Walang dula ang magaganap kapag
walang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor
• Nagsasabuhay sa mga tauhang nasa
iskripㅡ Sila ang bumibigkas sa
diyalogo.
•
Katangian ng Dula
• Paksa
➢ Kaisipang ipinahihiwatig ng dula, kung
ito’y nauunawaan madaling
maintindihan ang pandaigdig na
tuntunin ng buhay.
•
Kilos
➢ Katumbas sa paksa
➢ (Aristotle) nagsabing ang isang dula ay
isang pag- paparis ng kilos.
•
Banghay
➢ katumbas “salaysay” ngunit
inihahambing sa tanging pagsasaayos ng
dula ng mandudula.
•
Ang dula ay karaniwang nagkakaroon ng patas
at pababang aksyon sa kuwento.
•
Sa pamamagitan ng paglalahad ng aksyon sa
banghay, nalalaman ng mga tagasubaybay ang
nakaraang kilos ng tauhan sa dula.
•
Sa paglalahad ng pangyayari at kilos na
ginagawa ng mga tauhan, msgkakaroon ng
damdamin ng mga manonood sa kung ano ang
nangyayari sa dula.
Sila ang nagpapakita ng damdaminㅡ
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan
• Anumang pook na pinagpasyahang
pagdausan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan.
4. Direktor
• Ang namamahala at nagpapakahulugan
sa isang iskrip ng dula.
• Siya ang nagbibigay buhay sa iskrip
mula sa pagpapasiya sa kaayusan ng
tagpuan, kasuotan ng tauhan hanggang
sa paraan ng pag-ganap at pagbigkas ng
mga tauhan.
5. Manonood
• Sa kanila inilalaan ang isang dula
• Sila ang sumaksi sa pagtatanghal ng
mga actor.
Download