Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig Halimbawa na isa ka sa nakasaksi ng kaguluhan sa iyong lugar o komunidad, at nakita mong nagdulot ito ng di magandang epekto sa mga taong naninirahan dito? Hahayaan mo na lang bang magpatuloy ang ganitong kaguluhan sa mga tao? Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pagunlad ng Nasyonalismong Asyano sa Timog at Kanlurang Asya Unang Digmaan (1914-1918) Kanlurang Asya Timog Asya Ikalawang Digmaan (1939) Kanlurang Asya Timog Asya Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, upang matamo ang kalayaan sa kamay ng mga imperyalista ay mas nasubok nang maganap at Una at ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay mahalagang kaganapan sa Asya dahil sa naging malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano. Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918) • Ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag-udyok sa mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. • Ito rin ang nagtulak sa mga Asyano upang higit na ipaglaban ang kalayaang minimithi para sa kanilang bansa • Noong Agost 1914 sumiklab ang unang digmaang pandaigdig. Dahilan: 1.Pag-aalyansa ng bansang Europa; 2.At pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at maisakatuparan ang kanikanilang interest Ang alyansa ng Germany at Austria-Hungary ay tinawag na Central Powers Allies naman ay binubuo ng France, England at Russia. • Isa pa ring mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing digmaan y ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria Tagapagmana sa Trono ng Austria-Hungary Siya ay binaril ni Gavrilo Princip, isang Serb Nakasentro man ang digmaan sa Europa, nakaapekto pa rin ito sa Asya. Tulad sa India, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng Allies. Nagpadala sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay nito ay nagkaisa ang mga kilusang Muslim at Hindu Pansamantalang isinantabi ng Muslim at Hindu ang hindi nila pagkakasundo dahil kapwa nila hinangad na mabigyan ng karapatang mamahala sa kani-kanilang sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan o Ahimsa Sa pamamagitan naman ng bansang Iran, ang Russia at Great Britain ay nagsagawa ng pag-atake sa Ottoman Empire na nakipag-alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinanigan. Ang digmaan ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming Iranian, at pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaan ng Iran sa pagkakataong ito ay nagbigay daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos ng mamamayan na humingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noon 1915-1921 Taong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika at pang military sa bansang Iran Ang kasunduan ay magbibigay daan sa pagiging ganap na protektadong bansa ang Iran ng Great Britain. Ang pangyayring ito ang nagbigay daan upang magalit ang mga pangkat ng nasyonalista sa pamahalaan ng Iran. Sa pamamagitan ng pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at sa pag-aalsa ay napiligilan ang nasabing kasunduan noong 1926. Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France. Kasunod nito ay ang isang kasunduang tinawag na Treaty of Versailles na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan. • Isa sa mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga kanluraning bansa sa Kanlurang asya, at dahil din sa pagbagsak ng Ottoman Empire. • Natuklasan ang mga mina ng langis sa Kanlurang Asya noong 1914, dahil upang maging interesado ang Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa France ang mandato para sa Syria at Lebanon at napasakamay sa mga Ingles ang madato para sa Palestine. Ang lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamamahalaang ng mga dayuhan ang aspetong pang-ekonomiya. Nanatiling malaya ang Kanlurang Asya ngunit hindi pa rin nakaligtas sa control ng mga Kanluraning Bansa. Isang halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari naman ng dayuhan Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles kung saan nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang kanilang maging tahanan (homeland). Ito ay naging dahilan upang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga Jew at Muslim na noo’y nagsimula ng magsibalik sa Kanlurang Asya mula sa Europe. • Pagkatapos ng Unang Digmaan, lumakas sacbansang India ang kilusang nasyonalismo na naging dahilan upang magkaisa ang pagkat ng Hindu at Muslim. Nagkaroon ng malawakang demonstrasyon, boykot at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa bansang India, na siya namang naging dahilan upang bigyan ito ng Autonomiya. Ikalawang Digmaang Pandaigdig