ANG KAUGNAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON EMERITA S. QUITO BuHAT NOONG MGA panahong Medyoebo at Renasimyento hanggang sa kalagitnaan ng panahong Moderno, ang ginamit na wika ng mga intelektuwal sa Europa ay ang Latin. Sa Latin isinulat ang mga aklat sa pilosopiya noong mga panahong iyon upang lalo pang maraming dalubhasa ang maabot ng mga ito. Samakatuwid, inaasahan ng lahat na ang isang intelektuwal ay hindi lamang nakapagsasalita sa kaniyang sariling wika, kundi nakapag-aral at nakauunawa rin ng wikang latin. Ito ang dahilan kung bakit nang sumulat ang henyo ng Renasimyento na si Giovanni Pico, lalo pang tanyag sa pangalang Pico della Mirandola, ng isangCompendium na naglalaman ng 899 tesis at nang hamunin niya ang mga matatalinong tao sa Europa na makipagtalo sa kaniya tungkol sa mga tesis na ito, ang paghamon ay hindi sana niya naisagawa kung hindi siya dalubhasa sa Latin. Ang kalagayang ito ngwika ay nagpatuloy sa ilang pamantasan ng Europa hanggang sa Ikalawang Konsilyo Vaticano. Alam ko ito sapagkat naranasan ko pang makinig ng mga panayam at sumulat ng mga aralin sa klasikal na wikang nabanggit. Bakit ko binabanggit ang mga bagay na ito? Sapagkat nais kong ipabatid na ang isang tao ay maaaring maging magaling sa dalawang wika--una, sa kaniyang sariling wika; at ikalawa, sa isang wikang banyaga na maaari niyang gamitin sa pakikilahok sa mga paligsahang pandaigdig o sa pakikibahagi sa ttga pagtitipong internasyonal. Lalo sanang mabuti kung, sa kabila ng kaniyang wikang pambansa, ang bawat Pilipino ay mahahasa sa isang wikang internasyonal: ito ay isang panaginip, isang malayong ideyal. Ngunit hindi na kailangan pang sabihin na nararapat muna niyang matutuhan ang kaniyang sariling wika bago siya mag-aral ng iba pang wika. Tayong mga Pilipino ay may isang natatanging kasaysayan sapagkat inumpisahan natin ang ating pag-aaral sa isang wikang banyaga. Ang mga nagsipag-aral noong panahong Kastila ay namulat sa isang daigdig ng kaalaman na hinugis sa wika ni Cervantes. Sa katunayan, 136 EMERITAS. QUITO hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa tayong mga kababayan na hindi marunong ng ibang wika maliban sa Kastila. Samantala, tayong mga nagsipag-aral sa ika-20 siglo ay namulat naman sa tulong ng isang edukasyon na ginagamitan ngwikang ingles. Natitiyak kong marami pa sa atin ang nakatatanda kung paanong, upang pilitin tayong mag-Ingles, ang sinumang magsalita sa ating wika ay pinatawan ng karampatang multa. N akakatawa na dahil sa paggamit ng ating sariling wika sa ating sariling bayan, tayo ay pinapatawan ng kaparusahan. Tiyak na noong panahong iyon ay hindi pa tayo gising sa isyu ng nasyonalismo. Pati ang ating kurikulum ay tadtad ng mga kursong amerikano, tulad ng American history, American literature, American politics, atbp. Hanggang sa ika-60 dekada, tayo ay marunong pang Ingles. Sa paaralan, lalo na sa pamantasan, lahat ng transaksiyon sa loob man o sa lalm.s ng silid-aralan ay isinasagawa sa wikang ito. Kahit minsan ay hindi bumigkas ng salita ang isang propesor kung hindi rin lamang sa Ingles. Wari ba'y isang sakrilehiyo ang magbitiw ng salitang tagalog o ano pa mang wikang filipino. Hindi mahirap unawain ang kalagayang ito ng wika noong panahong iyon, sapagkat lahat ng mga aklat, sine at matataas na panayam ay isinasagawa sa wikang ingles. Ang lahat ng ito ay biglang nagbago nang sumapit ang ika-70 dekada. Tayo ay nagising. Namalayan natin nasa pagsasalita ngwikang ingles ay ating pinananatili, watas man natin ito o hindi, ang isang pagiisip Kanluranin at isang ideolohiyang hiram, sa isang salita, angisang pananaw na banyaga. Tayo ay bunga ng isang sistemang nagbubunyag ng isang kaisipang kolonyal. Pitumpong taon muna ang ating pinalipas bago natin natuklasan ang ating kaluluwa bilang Pilipino, at noon lamang natin inumpisahang pag-aralan ang ating wika kasabay ng Ingles. Samakatuwid, noong ika-70 dekada, nang ang isang malaking alon ng nasyonalismo ay bumalot sa ating bayan, nagsimula tayong gumamit ng pananaw-Pilipino sa pamamagitan ng pagbubuwag ng mga bakas ng kolonyalismo. Ngunit ating namalas na ang pinakamatindi sa mga bakas na ito na hindi natin kayang buwagitay ang wikang kolonyal na Ingles. Nagkaroon ng maiinit na pagtatalo sa pagitan ng mga maka-Ingles at mga maka-Pilipino. Madaling nagtagumpay ang Ingles sapagkat naroroon na ang mga aklat na nasusulat sa wikang ingles, ang mga guro na marunong na ng Ingles, at ang mga kurso sa pamantasan na lagi11~ ibinibigay sa wikang ingles. Samakatuwid, madaling nanalo ang Ingles, at bunga nito ang Filipino ay nasadlak sa kawalan ng mga aklat na nasusulat o nasasalin sa Filipino, sa kakulangan ng mga guro sa Filipino, at, malungkot sa lahat, sa pagtutol ng maraming intelektuwal, WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON 137 lalo na ng mga matatanda, na gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga paaralan. Subalit ang sibol ng nasyonalismo ay hindi maaaring supilin. Paano nga namang matatalikuran ng isang bansa ang kaniyang sariling wika samantalang naghahanap ito ng isang tatak ng tunay na Pilipino? Paano maaaring maging makabayan ang mga tao kung tatanggihan nila ang kanilang mga ugat? Sa ganitong katayuan, ang ating mga namumuno sa larangan ng edukasyon ay nagbalangkas noong 1974 ng isang kasunduan sa ilalim ng tinatawag na Bilingual Educational Policy o BEP. Buhat nang pairalin ang patakarang ito, ang Filipino ay isinabay na sa pag-aaral ng Ingles. Hindi na tayo pinarurusahan kapag tayo ay nagsasalita sa sariling wika. Subalit may isang masamang ibinunga ang patakarang ito. Alalaonbaga, ang mga tanikala ng ating dilang nakapinid ay biglang nabuksan at tayo'y nagsimulang maghalo ng Ingles at Filipino sa ating pagsasalita. Ang napinsala ay ang dalawang wika. Ang radyo at ang telebisyon ay patuloy sa pagbibigay ng halimbawa ng mga kagalanggalang na mga tao, dahil sa kanilang hangaring tanggapin sila ng mga karaniwang mamamayan, ay pinaghahalo ang Ingles at Filipino sa isangpangungusap. Nailathala sa pahina 7 ng Manila Chronicle, Hunyo 8, 1988, ang sumusunod na sagot diumano ni Teodoro Benigno: "Ang comment ko lamang ay yung bottomline na. If you want na mahusay na Cabinet members kukunin mo sa private sector." Si Benigno ay magaling sa Ingles, subalit dahil pinaghalo niya ang Ingles at Filipino, nagmistulang katawatawa ang dalawang wika. Ang pamamaraangito ay isang masamang halimbawa sa ating mga kabataan na hindi na nagsusumikap na matuto ng matuwid na Ingles o matuwid na Filipino. Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak pa rin sa kabulukan ngTaglish. Ang maikling kasaysayang"ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang ingles; at ikalawa: lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino. Sa kabuuan ng itinakbo ng ika-20 siglo, tayo ay tinuruan ng Ingles. Buong pagmanialaki nating ipinangangalandakan na ang Pilipinas ang ikatlong bansang gumagamit ng Ingles. ltinuturing ko itong isang pagmamakapuring taliwas. Gaano nga ba tayo karunong ng Ingles? Maging ang mga marurunong at nag-aral nating mga 138 EMERITAS. QUITO kababayan ay malimit pa rin nating nariringgan ng mga katagang "taken cared of," "it is up for you," "between four to six o'clock." Gaano kadalas nating bigkasin ang mga alanganing katagang katulad ng "so much so" at "at this point in time"? Gaano kalimit tayong humihinto habang tayo'y nag-iingles? Bilangin ninyo ang mga oh at ah at mawawari ninyo na talagang hindi tayo naging matatas sa Ingles. Mayroon nga riyang isang kilalang kolumnista na hanggang sa ngayo'y hindi pa rin alam ang kaibhan ng "its" at "it's." At sa pagbaybay, maraming mga Pilipino ang hindi matiyak kung ilang m ang ilalagay sa salitang "accommodate," "committed" o "concomitant". Kungtayo ay makikinig sa radyo o manonood ng telebisyon upang masuri kung gaano tayo kagaling o kahina sa Ingles, palagay ko ay hindi tayo papasa. Pagkatapos tayong turuan ng Ingles sa loob ng 88 na taon, tayo ay asiwa pa rin sa paggamit nito. Ang wika ay nanggagaling sa kaibuturan ng kaluluwa, at ito ang dahilan kung bakit hindi tayo maaring lubos na matuto ng Ingles. Ang Ingles ay hindi angkop sa kaluluwa natin bilang isang bansang pilipino. Salat ang Ingles upang mailarawan ang ating buhay, diwa at kalinangan. Kung hanggang ngayon ay hindi pa tayo nakalilikha ng matatayog na panitikan o pilosopiya, ito ay sapagkat tayo ay nahaharangan ng wikang banyaga. Nahahati ang ating pagkatao sapagkat hindi natin maipahayag ang ating damdamin sa isang wikang akma sa ating kaluluwa. Paano nating maibubunyag ang ating malalim na kalungkutan o pighati kung hindi sa ating sariling wika? Isinulat ni Rabindranath Tagore ang kaniyang tula sa kaniyang katutubong Bengali at siya ay nagtamo ng Nobel Prize. Paano kaya kung si Tagore ay gumamit ng Ingles na kaya naman niyang bigkasin? Kung may sasalungat at magsasabi na mayroon tayong pitumpong wika at para sa marami nating mga kababayan ay ikalawang wika lamang ang Filipino, ang kasagutan ay ito: ang Filipino ay kabilang sa pamilya ng wikang malayo-polinesian at madali tayong matututo nito, sapagkat ang mga wika sa Pilipinas ay magkakalapit sa tunog, talasalitaan at estruktura. Ang Ingles, sa ktd5ilang dako, ay kasama sa isang angkan ng wikang banyaga, ang Indo-European. Kailanman ay hindi natin maaring maipahayag ang ating malalim na damdamin sa Ingles na gaya ng mga Ingles o mga Amerikano. Mayroong Hang pasubali sa tuntuningito, katulad nina Jose Garcia Villa, Nick Joaquin at Kerima Polotan. Sana'y unawain ninyo akong mabuti. Hindi ako sang-ayon sa pagbubuwag ng Ingles. Mananatili ang Ingles bilang ikalawang wika. Sa wari ko, kanais-nais ang ating pagkaalam ng isang wikang internasyonal. Ang aking mahigpit na iminumungkahi ay isang puspusang WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON 139 pag-aaral ng Filipino. Ito ang dapat nating ginawa sapol mula pa. Kapag dalubhasa na tayo sa atingwika, maari na tayong mag-aral ng ikalawang wika. Hindi maaringpagsabayin ito. Tayo ay mabibigo sa isa o sa dalawa. Hayaan nating manatili ang Filipino bilang ating unang wika o wikang pambansa, ang Ingles ang pangalawa, at kung maari ay isa pang pangunahing wikang banyaga pagsapit natin sa pamantasan. Ang patakarang ito tungkol sa dalawa o tatlong wika ay hindi imposible. Sa mga maliliit na bansang gaya ng Suisa, Belhika at Holanda, ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng kanilang sari-sariling wika sa unang 5 o 7 taon, pagkatapos ay ang ikalawang wika sa loob ng ilang taon, at sa wakas ay ang ikatlong wika. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong ito ay dalubhasa sa tatlong wika kapag sumapit na sila sa pamantasan. May sapantaha ako na ang tunay na dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay nasisiyahan na lamang sa Taglish ay sapagkat hindi tayo nagiging dalubhasa sa Filipino man o sa Ingles. Isang pananaliksik ang nagpapatunay na kapag ang isang mag-aaral ay marunong sa Ingles, walang dahilan upang hindi siya maging marunong din sa Filipino, at vice-versa, kapag marunong ng Filipino ay walang dahilan upang hindi matuto ng Ingles. (Gonzalez & Sibayan, 1988:60) Ang pagpapakadalubhasa sa ating wika ay dapat maganap sa mababang paaralan, at ang ikalawang wika ay pagkatapos noon. Nararapat na kapag sumapit ang isang Pilipino sa pamantasan ay marunong na siya ng tatlongwika: ang kaniyang sarilingwika, ang Ingles, at ang isa pang pinili niya. Sina Andrew Gonzalez at Bonifacio Sibayan ay naglimbag ng isang aklat na may pamagat na Evaluating Bilingual Education in the Philippines (1974-1985). Dito ay sinuri nila ang ibinunga ng BEP. Pinatotohanan nila na bumaba nga ang antas ng edukasyon sa Pilipinas sa nakaraang dekada, (Gonzalez & Sibayan, 1988:40, 144) ngunit itinanggi nila na ito ay dahil sa BEP. (Gonzalez & Sibayan, 1988:59) Ang mga mag-aaral ay magaling o hindi magaling sa Filipino at Ingles. (Gonzalez & Sibayan, 19~:43) Nabatid din nila mula sa mga datos na lumabas sa pananaliksik na hindi lamang sa mababang antas ng paaralan itinuturing na ang Filipino ang may pinakamalaking pakinabang para sa mga mag-aaral. Ganito rin ang kalagayan sa antas na intermediate at secondary, at maging sa pamantasan man. (Gonzalez & Sibayan, 1988:140) Hinuhulaan din na ang Filipino ay magiging lubos na lingua franca o wikang opisyal sa Iabat ng larangan ng gobyerno, edukasyon at buhay-nasyonal. Sa madaling sabi, ang Filipino ang magiging tunay na wikang pambansa natin, (Gonzalez & Sibayan, 1988:141) sapagkat madali itong matutuhan ng mga Pilipino, kabilang na ang mga 140 EMERITA S. QUITO kababayan natin na hindi katutubong nagsasalita ng Tagalog. (Gonzalez & Sibayan, 1988:58) Isa pang pananaliksik ang isinagawa tungkol sa 701,269 na magaaral na kumuha ng NCEE noong 1986. lpinakikita ng estadistika na mas mataas ang nakuha ng mga mag-aaral sa mga tanong na nakasulat sa Filipino kaysa sa Ingles. Lumalabas na isa sa bawat dalawang katanungang nakasulat sa Filipino ay nasagot ng mga mag-aaral, samantalang isa lamang sa bawat apat na katanungang ingles ang kayang sagutin ng mga ito. "Ito ay nagpapatunay," wika ng mananaliksik, "na hindi wasto ang pag-aakala na ang mga mag-aaral ay hinahadlangan ng mga katanungang inihahayag sa Filipino." (Ibe, 1988:4) Marahil ay ito na ang isang sanhi kung bakit maraming bumagsak sa nakaraang bar examinations; ang mga mag-aaral ay kulang sa kakayahang magpahayag sa wikang ingles. Ang pananaliksik na ito, kung idaragdag sa mga datos nina Gonzalez at Sibayan, ay nagpapatunay na sa kabila ng kasalatan ng interes sa wikang pambansa ng mga Cebuano at Ilonggo, ang lalong nakararami sa bansa ay tumatanggap sa Filipino bilang simbolo ng ating pagkakaisa at kasarinlan. (Gonzalez & Sibayan, 1988:130) Ang Filipino ay bahagi ng ating kalinangan at ito ay nakatutulong sa paggising sa kamalayang pulitika ng masa. Ang Filipino ay may kakayahang maghayag ng ating pinakamalalalim na mga adhikain bilang isang bansa. (Gonzalez & Sibayan, 1988:134) Ang kasalatan ng mga pangganyak o incentives ay itinuturing ng pananaliksik na isang sanhi ng malamig at matamlay na pagsisikap tungo sa ikauunlad ng Filipino. Sa panig ng pamahalaan, kulang at kulangpa rin ang pangganyak at suportangibinibigay nito, halimbawa'y sa paghahanda ng mga magtuturo o sa isang kampanyang pambansa upang ang Filipino ay tuluyang magamit sa mga panayam na intelektuwal. Ang edukasyon ang pinakahuli sa kilusan ng Filipinisasyon sapagkat ito ang larangang nakabaon sa Amerikanismo. Ayon sa aking pananaliksik, ang Kagawaran ng Eddkasyon ay ang pinakahuling binitawan ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino ay patuloy sa pagsasalita ng Ingles, lalong lalo na sa maseselan na panayam, sapagkat hindi sila nakuhang turuan ng ibang wika. Ngayong tayo ay tumatahak na sa Dekada ng N asyonalismo at ngayong ipinatutupad na ang walang bayad na high school, panahon na upang tangkilikin natin ng isang agresibong patakaran tungkol sa edukasyon ng wika. Higit sa lahat, napapanahon na upang ihinto natin ang paghahati ng ating kalooban. Alin ang higitna matimbang sa atin sa panahong ito -- ang hangarin nating maging internasyonal at kung WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON 141 gayon ay paunlarin natin ang Ingles o ang hangarin nating pagyamanin ang ating pagkamakabayan at kung gayo'y linangin natin nang puspusan ang wikang filipino? Nararapat nating tiyakin kung ano ang lalong mahalaga -- ang pagtuturo sa iilan na uupo sa mga pagtitipong internasyonal o ang pagtuturo sa angaw-angaw na mga taong walang alam na ibang wika kundi Filipino. Nais kong bigyang diin ang pagtataguyod ko ng isang agresibong patakaran na Filipino Muna. Ang Dekada ng Nasyonalismo ay magiging isang hungkag na panaginip lamang kung hindi natin pagiibayuhin ang pagsusumikap upang umunlad ang ating wikang pambansa. Ang pagsisikap ay kailangang bumukal sa sarili nating kusa, sapagkat hindi ito nakukuha ng mga dekreto at department orders lamang. Tanging ang lubos na pagtataguyod ng pamahalaan, ang puspusang pagtulong ng pribadong sektor, at ang pinakamalaganap na pagpapahayag ng mass media ang makatutulong sa pagpapaunlad ng wika. Ang Pangulo at ang kaniyang gabinete ay siyang dapat mamuno sa kampanyang ito. Ang ating mga intelektuwal ay may tungkuling tumayo sa unang hanay ng mga tagapagtaguyod ng Filipinisasyon sa pamamagitan ng malawakang pagsasalin, pagpapanayam at pagdaraos ng mga pagtitipong gagamitan ng Filipino. Ang industriya at kalakalan ay dapat hikayatin na sa tabi ng kanilang mga memos, paunawa at paalaalang nakasulat 8a Ingles ay dapat ding ilagay ang katumbas nito sa Filipino. Ang lahat ng Pilipino ay dapat pagpayuhan, sa pamamagitan ng radyo, pahayagan at telebisyon, na pagsumikapang maihayag ang ano pa mang ideya sa isang wastong Filipino o sa isang wastong tambalan ng wikang filipino at ingles. Nararapat na atasan ng DECS ang bawat paaralan, kolehiyo at pamantasan na magtatag ng isang komite ng wikang pambansa upang mangalaga sa pagsasalin at manguna sa Filipinisasyon. Dapat gisingin ang ating kamalayang nasyonal tungkol sa wikang pambansa. Bawat Pilipino ay dapat na akiting gumamit ng Filipino sapagkat ang isang wika ay U,Rnlad lamang sa pamamagitan ng paggamit. Ang Kongreso ay nararapat na gumawa ng isang batas na lilikha ng isang Pambansang Akademya ng Filipino, katulad ng Academie Franfaise na namamahala ng lahat ng 111ay kaugnayan sa wikang pambansa. Ang Akademya ay maghihikayat ng mga tagapagsalin sa Filipino, magtutustos ng salapi sa lahat ng nagsusulat sa wikang ito, magtatatag ng mga pagtitipon at seminar na gagamitan ng wikang pambansa, at gaganap na hukom sa lahat ng alitan tungkol sa wika--gaya ng pagbaybay, balarila at palaugnayan. Kung tutulungan ng industriya at kalakal, ang Akademya ay maaring magtatag ng mga aklatang gumagala 142 EMERITAS. QUITO na gagamitan ng mga sasakyang maglilibot sa mga baryo at lunsod na kung saan ay angaw-angaw sa ating mga kababayan ay maaring makaalam sa pamamagitan lamang ng Filipino. Lahat ng klasika sa lahat na mga larangan ay dapat ipaabot sa ating mga kababayan, na sa kasalukuya'ywalang binabasa kundi ang mga komiks dahil sa kasalatan ng maaaring basahin. Ang Akademya at.ang DECS ay maaaring magtatag ng mga komite sa iba't ibang larangan ng karunungan, gaya ng literatura, pilosopiya, ekonomiya, mga agham panlipunan at mga agham ng kalikasan. Taon-taon ay wala tayong isinisigaw kundi ang kasalatan natin sa magagamit na aklat na nasusulat sa Filipino. Ginagawa pa natin itong dahilan upang ipagpaliban o tuluyang hadlangan ang kakaunting pagpupunyagi sa pagpapalaganap ng Filipino. Ang DECS ay dapat mamuno sa pagpapalawak ng paggamit sa wikang pambansa sapagkat ito ang ahensiyang may pananagutan nito. Kaugnay rito, ang DECS ay nararapat ding magsumikap na ang edukasyon ngwika ay puspusang gampanan at pangalagaan. Ang ating bayan ay mahina sa edukasyon ng wika. Isang magandang halimbawa upang patunayan ito ay ang nangyari sa Kastila. Lahat ng mga nagtapos sa pamantasan ay sapilitang kumuha ng mga units sa Kastila, subalit sino ba sa atin ang marunong magbasa, magsulat o magsalita sa wikang ito? Naging mapagpabaya ang mga namumuno sa edukasyon sa paglilinang ng mga magtuturo ng wika o sa pagtatatag ng mga patakaran tungkol sa pagtuturo nito. Ito na marahil ang dahilan kung bakit kulang tayo sa kakayahang magsalita ng Kastila o Ingles o maging ng Filipino na rin. Nararapat na patatagin ng DECS ang kaniyang pamamaraan sa pagtuturo ngwika at gumamit ng mga pantulong sa pagtuturo nito. Ang DECS ay dapat magtatag ng isang programa para sa mga gurong magtuturo ng Filipino: kailangang ibilad muna sila sa mga klasikang isinalin sa Filipino upang maituro ito sa mga mag-aaral. !sang maaaring sabihing dahilan sa pagbaba ng uri ng wika sa ating bansa ay ang paglaganap ng telebisyon. Sa }fanonood ng nagaganap sa telebisyon, tayo ay walang ginagawa. Nakakamalas tayo subalit hindi tayo tumutugon, hindi na tayo nag-iisip. Sa kabilang dako, sa pagbabasa, ang ating imahinasyon o malikhaing pandama ay kumikilos. Maari tayong saglit na huminto sa pagbabasa upang lasapin ang ganda ng pananalita at sa ganitong paraan ay higit nating nauunawaan ang wika. Ang pagbabasa ay nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga parirala ay ating ulitin, alalahanin at gamitin. Ito ay hindi maaaring gawin sa harap ng telebisyon, sapagkat buhos ang ating pansin sa ating nakikita at naririnig, at WIKANGPAMBANSAATEDUKASYON 143 dahil dito ay kagyat nating nalilimutan ang wika sa sandaling ito ay bigkasin. Sa aking palagay, itc ay isa sa lalong malaking dahilan kung bakit hindi sumusulong ang pagtuturo ng wika sa ating bansa. Ang tanging maaaring gawin upang mapigil ang ganitong kalagayan ay ang paghihikayat sa ating mga gumagawa ng mga pelikula at mga palatuntunan sa telebisyon na sana ay tumulong sila sa pagtataas ng uri ng kanilang mga sining. Halimbawa, sana ay mahikayat natin sila na umiwas sa paggamit ng mga kakatwang pamagat na tulad ng "Super Inday and the Golden Bibe" o "Iskul Bukol." Kung hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagkakaroon natin ng mga tinatawag na pelikulang ''bakya," ito ay dahilan sa walang ginagawa ang ating mga prodyuser upang maiangat ang antas ng industriya. Ang mga idolo ng pelikulang pilipino ay patuloy sa paggamit ng isang wikang hindi karapatdapat para sa isang mahusay na wikang pambansa at hindi pa rin nakatutulong upang maging mahusay tayo sa wikang ingles~ Ang kanilang ginagamit ay isang halo-halong wika na nakahahayon sa milyon-milyong mga manonood ng pelikula at telebisyon, at ito ang nakapagpapababa sa reputasyon natin bilang tagapagsalita hindi lamang ng Filipino kundi gayon din ng Ingles. Ang mga pangulo ng mga kolehiyo at pamantasan ay dapat tumulong sa pagbubuwag ng hadlang-sikolohikal ng mga Pilipinong intelektuwallaban sa Filipino. Hanggang hindi sila kumikilos ay patuloy na magmimistulang paralisado ang ating mithiing pang-edukasyon. Ang kahinaan ng pundasyon ng wika ay isang malaking balakid sa pagkakatuto ng mga mag-aaral. Ano pa nga ba ang maaaring gawin ng mga paaralan kung ang mga nag-aaral ay walang kakayahang umunawa at magsaulo ng mga itinuturo sa kanila? Kung aalisin ang hadlang ng wikang banyaga, magiging mabisa ang ating pagtuturo. Samakatuwid, ang pag-aaral ng Filipino ay hindi lamang sa kadahilanang nasyonal kundi sa kadahilanang edukasyonal na rin. Kapag ating kinalas ang ating p83kakatali sa wikang ingles, lalawak pa man din ang abut-tanaw ng ating isipan. Kailangang maibilad ang ating mga kabataan sa liwanag na buhat sa ibang kultura at kalinangan. N apapanahon na upang ibaling ang paningin sa Europa upang mapigil ang ating pagkapariwara sa mga bagay na makaAmerikano. Maraming nakalilimot na bago pa matuklasan ang Amerika, ang Europa na ang duyan ng karunungan. Aking nababatid na ang mga Pilipinong nag-aaral sa Amerika ay karaniwang bumabalik bilang Amerikanong kayumanggi, nakabihisAmerikano at tumatangkilik sa pananaw-Amerikano. Sa kabilang dako, ang mga mag-aaral na pumupunta sa Europa ay karaniwang 144 EMERITA S. QUITO bumabalik na lalo pang Pilipino kaysa noong umalis slla. Sa wari ko, angdahilan ay sapagkat iginagalangtayo ng mgaAmerikanokung alam natin ang kanilang kalinangan at wika, samantalang iginagalang tayo ng mga Europeo kung alam natin ang ating sariling kultura at wika. Ang mga Europeo ay karaniwang natutuwa sa ibangwika't kalinangan, samantalang ang mga Amerikano ay umaasang alam ng mga dayuhan ang kanilang wika at kultura. Hindi nga ba't tayong mga Pilipino ay mayroong isang kakatuwangkaranasangpangkasaysayan? Angmga Kastilangsumakop sa atin ay hindi nagaikap na turuan ng Kastila ang mga "indios." Sa palagay ko, ito a) isang malaking pagkakamali ng mga Kastila. Natatakot ang mga Kastila na matuto tayo ng kanilang wika sapagkat ayaw nilang matuklasan at madama natin ang katotohanan tungkol sa malupit na pagkakasakop nila sa atin. Ginawa nilang dahilan ang relihiyon, na itinuro nila sa atin sa sarili nating wika. Ang nakaligtaan nila ay ang katotohanang sinuman ang marunong magsalita ng Kastila ay magkakaroon din ng pagpapahalaga sa kultura ng Espanya at istilo ngkanilangpamumuhay. Kungtayo'y natuto ngwikang kastila, sana'y lalo nating nabigyan ng karampatang pagpapahalaga ang anumang bagay-Kastila. Malinaw itong nabigyan ng halimbawa ni Jose Rizal, na sa tuwina'y tumutukoy sa Espanya bilang Inang Espanya. Ang Amerika ang gumawa ng wasto. Dagli tayong tinuruan ng mga Amerikano ng Ingles at sa pamamagitan nito ay nag-umpisa tayong magbigay ng pagpapahalaga sa mga aklat, sine at panitikang amerikano, gayundin ang kanilang paraan ng pamumuhay. Dahil dito, hindi na ksilangang kumilos ang mga Amerikano upang mabili ang kanilang chewing gum, pantalong maong at manikang yari sa mga gulanit na damit. Nang dahillamang sa kakayahan nating magsalita ng Ingles, tayo ay nasasabik nang pumunta sa Amerika at manirahan doon. Talagang matalino at tuso rin ang mga Amerikano, at ang ginagamit nilang kasangkapan ay ang kaalaman natin sa wikang Ingles. Hindi nga ba't maraming mga Fulbright scholarships, US Congress grants at university aids ang idinudulot sa atin ng Amerika, sapagkat nababatid nito na sa pamamagitan ng pag-aaral sa Amerika ay lalong lalaganap dito ang pananaw-Amerikano at higit na magiging mabili ang kanilang mga produkto? Bawat isang iskolar ng Fulbright na magbabalik sa ating bansa ay mayroong mahigit sa isang libong kababayan natin ang naiimpluwensiya sa akademya man o sa kalakalan. Magtataka pa ba tayo na ang ating mga kababayan ay nababagot sa wikang kastila habang patuloy na sumasampalataya sa wikang Ingles, kahit na pabaluktot naman ang pagsasalita sa wikang ito? Kung tinuruan tayo ng Espanya ngwikang kastila, ngayon sana'y tumitingala WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON 146 pa rin tayo sa Inang Espanya at walang malay nating isinassloob ang kaniyang mga simulain at kultura. Bukod pa kay Rizal, s1 Claro M. Recto man ay tumulong din sa pagtataguyod sa wikang kastila sa pamamagitan ng pagpapairal ng pag-aaral ng 24 units nito sa kolehiyo. Tama si Henri Bergson nang sabihin niya, "Sinuman ang marunong ng wika at panitikan ng isang bansa ay hindi masaring maging kaaway nito." (Bergson, 1961:304-305) Dapat nating tandaan ito sa paglikha natin ng mga patakaran tungkol sa wika. Noong 1962, dahil sa pagnanais kong matuto ng wikang sleman, nagpunta ako sa Pamantasan ng Vienna sa Austria. Maraming magaaral na nagbuhat sa iha't-ibang bansa ang aking nakil•la at sila ma'y nais ding matuto ng masslimuot na Aleman. Nang matapos na ang kurso, kami ay inanyayahan ng Burgenneister o slkslde ng Vienna sa isang sslu-sslo. Sapagkat nag-iisa akong Asyano, pinsligiran ako ng maraming nais magtanong sa akin. Matapos nilang mslaman kung tagasaan ako, nagpakita sila ng paghahangad na msleman ang tungkol sa atingwika. Tinanong nila ako kung ang Filipino ang ating ginaganlit sa paaralan. Marahan kong sinagot na Ingles ang wikang panturo sa ating mga paaralan, at gayon din sa pamantasan. Nagtaka sila kung bakit, sapagkat noon ay taong 1962 na. Kagyat nilang sinapantaha na tayo ay sakop pa ng Amerika. Matindi kong tinanggiban ito, at ang idinahilan ko ay isa na tayong mslaya at nagsasariling bansa. N gunit sumunod dito ang isang katanungangwsleng kasagutan: "Gayon psle't mslaya na kayo, hakit ginagamit pa ninyo ang wika ng mga Amerikano sa inyong paaralan?" Inuumpisahan ko na sanang talakayin ang ating kasaysayan, subslit tinslikuran na nila ako at nawslen na ng interes sa ano pa mang sasabihin ko. Isang kaki1ala kong gurong pilipino ang minsa'y nagtungo sa Italia upang magsanay pang lslo ng Montessori method. Tatlumpo't tatlong mga gurong buhat sa iba't-ibang bansa ang nagsidslo sa pagsasanay. Sapagkat ang paraang Montessori ay nakasslsley sa wika, isa-isang tinanong ang mga guro kung ano ang katumbas sa kanikanileng mga katutubongwika ng Hang mga katagang ginagamit sa pagtuturo. Labat ng mga guro, maliban na lamang sa ating kababayan, ay madsling nakasagot. Hindi slam ng kababayan natin kung ano ang katumbas ng rectangle, trapezoid, square root, atbp. Hindi lemang siya napslriya; nainis pa rin siya't nagtaka kung bakit hindi siya tinuruan ng tungkol dito noong siya ay nag-aaral pa. Nang umuwi rito ang ating kahabayan, tiniyak niyang pag-aaralan muna niya ang Filipino bago mull siyang bumslik sa Italia. Maraming mga mag-aaral na Pilipino ang may ganitong karanasan sa Europa. 146 EMERITA S. QUITO Isang pantas-Pranses ang nagsabi na "Ang tao ay wika." Sa pamsmagitan ngwika, tayo ay nakaaal'llll, nakapagtuturo, at nakapagpapahayag ng ating mga ideya at damdamin. Sa pamamagitan din ng wika, tayo ay nakapaglalarawan ng mga bagay na baliwag. Pati na ang muslka ay lalo pang malalasap kung may kasamang pagpapaliwanag ng wika. Katakataka ba na ang nasyonalismo at ang wika ay laging magkayakap? Pati ang mga buto ko ay nais matawa sa tuwing may makikipagtalo sa akin at sasabihing maaari tayong maging makabayan kahit na hindi marunong ng Filipino na siya natingwikangpambansa. Para bang sinabi nila sa isang Hapones na maaari nitong mahalin ang kaniyang bansa kahit hindi ito marunong ng Niponggo. 0 sa isang Pranses, kahit na hindi nito batid ang langue {ranfOise o sa isang Britaniko, kahit hindi marunong ng Ingles. Sila'y maaring magsalita hanggang lumawit ang kanilang dila. Ang katotohanan ay hindi na ito pinagtatalunan pa. Ang mga nagsasaad na ang nasyonalismo at ang wika ay magkaakbay ay nakayapak sa terra firma ng magandang asal at matinong pag-iisip. Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding complex. Kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing natin ito na mababa ang uri. Ang akala natin ay sasampalataya sa atin ang buong mundo, lalo na ang mga taga-Asya, kung tayo ay mag-iingles. Hindi natin natatalos na pinagtatawanan tayo, sapagkat matatas nga tayo sa Ingles ngunit hindi naman tayo marunong sa ating sariling wika. Hanggang hindi natin napangingibabawan ang complex na ito, tayo ay maaring purihin sa harapan ngunit pinagtatawanan naman sa likuran. Bakit hindi natin tinularan ang Indonesya at Malaysia na kagyat na nag-aral at natuto ng kanilang wika matapos na lumikas ang mga sumakop sa kanila? Ang nawawala sa atin ay ang sariling kusa, ang pagpupunyagi at ang paguanasang matuto ng Filipino. Sa tuwing tayo ay mauubusan, dagli tayong bumabalik sa Ingles. Bakit sa halip na tayo ay sumuko ay hindi muna natin ito pag-ukulan ng panahon, bakit hindi muna natin usisain kung paano nating maisasafilipino ang nais nating sabihin? Hindi Ialago ang atingwika kung lagi na IP.mang tayong kakanlong sa Ingles. Sa pagsasafilipino natin ng iba't ibang mga ideya, maari tayong humiram sa ibang mga wika. Lalo na sa mga agham, hindi natin maiiwasan ang panghihiram. Hindi nga ba't marami sa ginagamit ng agham ang pawang hiram sa Griyego, tulad ng fisika, biolohiya, sikolohiya, geolohiya, phi, at marami pang iba? Gayon din naman sa wikang Latin, gaya ng a priori, a posteriori, per se, at iba pa. Ang isang wika ay lalo pa ngang yumayaman sa WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON 147 pamamagitan ng paghiram. Ang hirap 88 ating mga Pilipino ay itinuturing natin na i88ng pagaisira at hindi isang pagpapayaman ang paghiram 88 ibang wika. Ang bawat intelektuwal ng ating ban88 ay dapag magbigay ng kaniyang ambag para sa pambansang pagsisikap tungo sa Filipinisasyon. Dahil dito, maaasabi natin na malaki ang pananagutan ng mga dalubhasa upang magkaroon tayo ng isang makabuluhang patakarang pang-edukasyon. Ang kalaban natin ay ang sting pagkiling 88 kultuJ:Q ng mga umalipin 88 atin noong mga panahong nakalipas, isang kalagayang tila kaakibat na ng pamban88ng kamalayan ng mga bansang naaa ikatlong daigdig. Ang kahinaang ito ay bunga rin ng katamaran ng mga nasa kalagitnaang-uri (o "middle class") na totoong nahirati na sa kulturang kolonyal at dahl! dito'y nahihirapan nang sumubok ng isang bago at di pa nasusubok na hakbang. Ito ay nakapanlulumo sapagkat ang kultura ang siyang pangunahing pagpapahayag ng ating pagkabansa; ito ang kabuuan ng buong nakalipas ng ating mga kababayan. Samakatuwid, na'kasalalay 88 ating mga intelektuwal at dalubhasa ang pagtatatag at pagtateguyod ng pambansang kamalayan na siyang matatewag na sariling kultura at patrimonya ng mga Pilipino. At tungo sa Jayuning ito, ang unang hakbang ay may kauguayan sa wika. Sa pamamagitan ngwika, tayoay magbabalik sa sting mga ugat, sa pinakamalalim na adhikaing namamayani sa sting bansa. N apapanahon na upang ang pinakadakilang mga aklat sa kasaysayan ng buong daigdig ay magkaroon na ng salin sa wikang filipino. Tungkol dito ay iminumungkahi namin ang isang malikhaing pagsasalin. Ang dapat isalin ay ang mga ideya, hindi ang mga salita. Halimbawa, ang salitang "horizon" ay maaaring isalin bilang "abuttanaw". Ang "pirate" ay "tulisang-dagat". Kung nais nating sabihin ang "to meet half-way" o "to compromise" sa Filipino, maaari nating banggitin ang "magsalubong". Higit na makabuluhan ang "will to live" ni Schopenhauer kung isasalin bilang "kaloobang manatili." Isang popular na pangungusap mula sa Sein und Zeit ni Martin Heidegger ay ang sumusunod: "Das Sein des Seienden 'ist' nicht selbst ein Seiendes." Isalin natin ito sa Ingles: "The being of being is not itself being." Sa Filipino: '"Ang pagka-bagay ngisang bagay ay hindi bagay." May isa ring pangungusap si Sartre, Le neant neantise, na kung isasalin sa Ingles ay "Nothing nothingifies" at kung isasalin naman sa Filipino ay "Ang kawalan ng nagpapawala." Sa Iabat ng halimbawang ito, alin ang higit na malinaw at kung gayon ay higit na makatutulong sa pagtuturo? Itinuturing ko ang wika na kahalintulad ng pananampalataya. Para sa mga taong nananalig sa kahalagahan ng isang wikang pamban- 148 EMERITAS. QUITO sa, hindi na kinakailangan pa ang anumang pangangatuwiran. Subalit para sa mga taong walang pananalig o pananampalataya, walang katuwiran ang makahihikayat sa kanila. Simula pa noong 1971, nag-iisa ko nang itinaguyod ang laban para sa atingwikang pambansa. Nilimbag ko noong 1972, ang "Pilosopiya sa Diwang Filipino"; at noong 1974 ay inilathala ang aking "Kasaysayan ng Pilosopiya." Noong 1982, nang ipatutupad sana ng DECS ang paggamit ng Filipino sa lahat ng paaralan at pamantasan, lumabas ang aklat ila "Pilosopiya ng Tao," na pinagtulungan naming sulatin ng isang kasamahan sa pagtuturo. Sa kasalukuyan, sinusulat na ng ilang kasapi ng Kagawaran ng Pilosopiya ng Pamantasang De La Salle ang isang "Leks ikon at Sanggunian ng Pilosopiya" sa wikang filipino. Marami rin kaming binabalak na isalin, at sa katotohana'y isang kaguro ang malapit nang gumawa ng salin sa Filipino ng dakilang aklat ni Immanuel Kant, ang Kritik der Reinen Vernunft. Isang katanungan ang malimit naming itanong sa aming sarili. Bakit nga ba kami puspusan sa pagnanasang maging malaganap ang ating wikang pambansa samantalang sa wari ay wala namang nagbibigay sa amin ng pansin? Ang tanging katugunan dito ay sapagkat kami ay naniniwala na ang panaginip na ito ay magkakaroon din ng kaganapan sa hinaharap, kung sumapit na ang tamang panahon. Ang sa ami'y ang kalagayan ng isang wagas na nananalig. TALABABA Bergson, Henri. 1961. Les deux sources de la morale et de la religion. Paris: Presses Universitaires de France. Gonzalez, Andrew at Sibayan, Bonifacio. 1988. Evaluating Bilingual Education in the Philippines (1974-1985) Manila: Linguistic . Society of the Philippines. The, Milagros. Hunyo, 1988. "Phoenix Edu~tor's Journal."