EVARISTO MORALIZON NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL UNANG MARKAHANg pagsusulit FILIPINO 8 PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, ibigay ang tamang sagot ng sumusunod na mga tanong. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iingay at pagtatanong sa katabi upang humingi ng mga impormasyon habang ang pagsusulit ay isinasagawa. Kung may katanungan ay sa guro kaagad ilapit o ‘di kaya’y itaas lamang ang kanang kamay. Ang maling pagkakabaybay ay mali. Huwag susulatan ang TALATANUNGAN, bagkus isulat ang mga sagot sa SAGUTANG PAPEL. Panghuli, bago simulan ang pagsusulit ay bigyan ng pagkakataon ang sarili na ngumiti upang mapanatag at huwag makalimutan ang iyong pinag-aralan, ‘yon ay kung nag-aral ka. I – MARAMING PAGPIPILIAN Panuto: Basahing maigi ang mga sumusunod na katanungan, isulat lamang ang titik ng iyong sagot. (1 puntos bawat item) 1. Ito ay uri ng palaisipang nasa anyong patula. Isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugang nilulutas bilang isang palaisipan. a. Bugtong c. Salawikain b. Kasabihan d. Sawikain 2. Karaniwang patalinhaga na may kahulugang nakatago. Karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. a. Bugtong c. Salawikain b. Kasabihan d. Sawikain 3. Ito ay hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin dito. a. Bugtong c. Salawikain b. Kasabihan d. Sawikain 4. Ito ay ginagamitan ng salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag at hindi nakakasakit ng damdamin. a. Bugtong c. Salawikain b. Kasabihan d. Sawikain 5. Ito ay sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. a. Bugtong c. Karunungang-Bayan b. Kasabihan d. Sawikain BUGTONG. Alamin ang sagot ng mga bugtong sa ibaba. Isulat ang titik lamang. 1. Heto na si kaka, bubuka-bukaka. a. Aso c. paruparo b. Kambing d. palaka 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. a. durian c. talangka b. langka d. pinya 3. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. a. Paa c. anino b. Yapak d. sarili SAWIKAIN. Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain. Isulat ang titik lamang ng iyong sagot. 4. Lantang gulay si Inay ng umuwi galling sa paglalabada. a. Sobrang kisig c. sobrang liksi b. Sobrang pagod d. sobrang galaw 5. Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong. a. Mabilis kumilos c. umiikot-ikot lang b. Mabagal kumilos d. gumagapang sa lupa II – Panuto: Isulat ang SANG-AYON kung sumasang-ayon ka sa pahayag. Kung hindi ka sang-ayon, ay palitan ang salitang nakasalungguhit upang maging makatotohanan at tama ito. (1 puntos bawat item) _____________ 1. Ang bugtong ay mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi naming nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na makikita sa kapaligiran. _____________ 2. Ang kilos o ugali ay masasalamin sa bugtong. _____________ 3. Ang bugtong ay ginagamitan ng matalinghagang pahayag. _____________ 4. Ang salawikain at sawikain ay butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda. _____________ 5. Ang salawikain ay nilulutas bilang isang palaisipan. _____________ 6. Ang salawikain ay kapwa nakakahasa ng talino. _____________ 7. Ang sawikain ay karaniwang patalinghaga samantala ang bugtong ay direktang isinasaad ang kaisipan. _____________ 8. Ang salawikain ay may sukat at may tugma, _____________ 9. Ang salawikain at kasabihan ay kapwa mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian. _____________ 10. Ang sawikain ay ginagamitan ng eupimistiko, patayutay o idyomatikong pahayag. III – PAGPAPAKAHULUGAN A. Panuto: Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga karunungang-bayan (bugtong, salawikain, kasabihan at sawikain). Pumili lamang ng ISA na bibigyan ninyo ng sariling pagpapakahulugan. (5 puntos) 1.Salawikain Kahulugan Kapag may itinanim May aanihin 2.Kasabihan Kahulugan Ang taong matiyaga Matutupad ang pangarap 3. Sawikain Sanga-Sanga ang dila Kahulugan B. Panuto: Basahin ang mga hugot lines sa ibaba at pumili lamang ng ISA na bibigyan nyo ng sariling pagpapakahulugan. Isulat ang iyong hugot line na napili at isulat ang iyong sariling pagpapakahulugan sa inyong sagutang papel. (5 puntos) Hugot Lines Sariling Pagpapakahulugan 1. Hindi lahat ng tahimik nasa loob ang kulo, Sila lang kasi yung tipong marunong mag-isip bago kumibo. 2. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sa’yo. Tandaan mo, hindi ka SARDINAS. 3. Ang KARMA parang PELIKULA, kung hindi SHOWING malamang COMING SOON. 4. Ang puso ay parang paminta, buo talaga. Pilit lang dinudurog ng iba. 5. Hindi ako tamad, sadyang masipag lang akong magpahinga. IV – PAGPAPANTIG-PANTIG Panuto: Basahin ang tula sa ibaba at BILANGIN ANG PANTIG ng mga salita sa bawat linya. Halimbawa: Na/sa Di/yos/ ang/ a/wa - 7 pantig Na/sa ta/o/ ang/ ga/wa - 7 pantig Narito na naman ako Sa sitwasyong Malabo Magulo at hindi sigurado, Pagod at hindi kuntento. Mabigat na naman Tila ba’y, parang sariwa pa Ang lahat ng ala-ala na Nag pa-paalala na wala na talaga. Hindi ko mapagtanto sa sarili ko Kung totoo bang limot na kita o, Nasanay na lang talaga ako Na wala kana sa tabi ko. WAKAS Libre lang mangarap ngunit ‘di ang tagumpay, ito’y bunga ng pagsisikap at ‘di pagsuko sa buhay. -Filipino 8 Teachers