MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan. DRAFT March 24, 2014 Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran. Mga Aralin at Sakop ng Modyul Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig Aralin 2 – Ang mga Sinaunang Tao Aralin 3 – Ang mga Sinaunang Kabihasnan 2 Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod. Aralin 1 Aralin 2 Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon. Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig DRAFT March 24, 2014 Aralin 3 PANIMULANG PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o cultural? (K) A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ? (K) A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 3 3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? (K) A. imperyo C. kalinangan B. kabihasnan D. lungsod 4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World” ? (K) A. Alexandria C. Pyramid B. Hanging Gardens D. Ziggurat 5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong. DRAFT March 24, 2014 Indonesia http://www.outline-world-map.com/outline-transparent-world-map-b1b Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia? (P/S) A. Tropikal na klima B. Maladisyertong init C. Buong taon na nagyeyelo D. Nakararanas ng apat na klima 6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa? (P/S) A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya. B. Maraming sigalot sa mga bansa. C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan. D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa. 4 7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya? (P/S) I. agrikultura III. labis na pagkain II. kalakalan IV. pangangaso A. IV, I, III, II B. II, I, IV, III 8. C. IV, I, II, III D. I, II, III, IV Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ? A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan. D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. DRAFT March 24, 2014 9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos. (P/S) mrsommerglobal10.pbworks.com Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino? A. B. C. D. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan. 5 10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia. (P/S) w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris. x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito. y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian. z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon. A. w at z B. x at y C. y at z D. z at w DRAFT March 24, 2014 11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram? (P/S) A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon. B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt. C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma. D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian. historyonthenet.com “ 12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? (U) A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon. B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag. C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito. D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig. 6 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? (U) A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan. D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? (U) A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon. B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon. C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon. D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon. DRAFT March 24, 2014 15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko? (U) A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan. B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain. C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop. D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan. 16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U) A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura. B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan. D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao. 7 17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U) A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator. B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin. C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig. D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito. 18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?(U) A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito. B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay. C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay. D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod. DRAFT March 24, 2014 19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? (U) A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America. B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tagaMesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa. C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon. D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay. 8 20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? (U) A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino. C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan. D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. ARALIN 1: Heograpiya ng Daigdig DRAFT March 24, 2014 Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao. Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig. ALAMIN Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na. Gawain 1. GEOpardy! Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot nito. 9 Pacific Ocean Antarctica gubat lahing Austronesian globo bundok compass bagyo Tropikal DRAFT March 24, 2014 Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacific Ocean) Gawain 2. Graffiti Wall 1 Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito? Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig, sisimulan ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito,tatalakayin ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig. 10 PAUNLARIN Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya: DRAFT March 24, 2014 HEOGRAPIYA anyong lupa at anyong tubig klima at panahon na saklaw ang likas na yaman flora (plant life) fauna (animal life) distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito http://digital-vector-maps.com/WORLD/GL-1068-AsiaGlobe.htm Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram. Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya 11 Limang Tema ng Heograpiya Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao DRAFT March 24, 2014 na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy Rehiyon: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran may tatlong uri ng distansiya ang isang lugar (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar? (Time) Gaano katagal ang paglalakbay? (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar? 12 Gawain 3. Tukoy-Tema-Aplikasyon Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. 1. May tropikal na klima ang Pilipinas. 2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa. 4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho. 5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. 9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. 10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico. DRAFT March 24, 2014 Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyangpansin ng iyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa sa tulong ng mga kongkretong halimbawang naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain. [Lugar] [Lokasyon] [Rehiyon] [Bansa] [Interaksyon ng tao at kapaligiran] [Paggalaw] Pamprosesong Tanong 1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema nito. 13 2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa? 3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa? Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Simulan mo na. Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig DRAFT March 24, 2014 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng daigdig sa solar system? Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon. 14 Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig. Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interio r.html Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. DRAFT March 24, 2014 Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Estruktura ng Daigdig http://en.wikipedia.org/wiki/Plate_t ectonics Ang daigdig ay may apat na hatingglobo (hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. http://www.studyzone.org/testprep/ss5/b/c omcontocheml.cfm Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan, umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago. Paano nakaaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig? 15 Talahanayan 1.1: Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig Tinatayang Bigat (mass) Tinatayang Edad Populasyon (2009) Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig Lawak ng Kalupaan Lawak ng Karagatan Pangkalahatang Lawak ng Katubigan Uri ng Tubig Circumference o Kabilugan sa Equator Circumference o Kabilugan sa Poles Diyametro sa Equator Diyametro sa Poles Radius sa Equator Radius sa Poles Bilis ng Pag-ikot 5.9736 x 1024 kg 4.6 bilyong taon 6,768,167,712 510,066,000 kilometro kuwadrado (km2) 148,258,000 km kwd (29.1%) (km2) 335,258,000 km kwd (km2) 361,419,00 km kwd (70.9%) (km2) 97% alat, 3% tabang 40,066 km 39,992 km 12,753 km 12,710 km 6,376 km 6,355 km Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa bilis na 66,700 milya bawat oras (mph), 107,320 km bawat oras Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa loob ng 365 araw, limang oras, 48 minuto at 46 na segundo DRAFT March 24, 2014 Orbit sa Araw Longitude at Latitude Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan sa mapa o globo. Tinatawag na longtitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole. Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero degree longitude. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan, ang International Date Line na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago ang pagtatakda ng petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran. http://www.learner.org/jnorth/tm/mclass/ http://images.yourdictionary.com/internat Glossary.html ional-date-line http://www.avontrail.ca/coordinates.html 16 http://2012books.lardbucket.org/books/regional-geographyof-the-world-globalization-people-and-places/s04-01geography-basics.html Tinatawag na latitude ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator. Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitude. Ang Tropic of Cancer ang pinaka dulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5o hilaga ng equator. Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5o timog ng equator. DRAFT March 24, 2014 Gawain 4. KKK GeoCard Completion Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na: Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan? K G E O C A R D K K Mga Kataga: 1. Planetang Daigdig 2. mantle 3. plate 4. pagligid sa araw 5. longtitude at latitude 17 Ang Klima Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaayaayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon http://www.qldaccommodation.com/t din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at ag/alaska taas mula sa sea level. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. DRAFT March 24, 2014 Gawain 5. Dito sa Amin. Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram. Mapa Ako si _____________________________. Narito ako sa ___________________________________________ Ang klima dito ay http://en.wikipedia.org/wiki/File:Thailand_(orthogr aphic_projection).svg Batay sa taglay na klima at likas na yaman ng aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay ________________________ ________________________ ________________________ Ang mga likas na yaman dito ay ____________ _________ 18 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang klima? 2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig? 3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? 4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar? 5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon? Ang mga Kontinente Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. DRAFT March 24, 2014 Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory. 240 milyong taon – Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean. http://geology.com/pangea.htm Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng North America at Europe bawat taon. 200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere. 65 milyong taon – Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-unting dumidikit sa Asya. 19 May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kontinente ng daigdig. http://geology.com/pangea.htm Mapa ng Africa Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert,na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente. DRAFT March 24, 2014 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Africa_(orthograp hic_projection).svg http://en.wikipedia.org/wiki/File:Antarctica_(ortho graphic_projection).svg http://en.wikipedia.org/wiki/File:Asia_orthograph ic Projection).svg Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China. Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. Mapa ng Europe 20 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Europe_orthograp hic_Caucasus_Urals_boundary.svg http://en.wikipedia.org/wiki/File:Oceania_(orthogr aphic_projection).svg Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. DRAFT March 24, 2014 http://en.wikipedia.org/wiki/File:Location_North_ America.svg Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America. http://en.wikipedia.org/wiki/File:South_America_( orthographic_projection).svg Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente. Kontinente Asya Africa Europe North America South America Antarctica Australia at Oceania Lawak (km²) 44,614,000 30,218,000 10,505,000 24,230,000 12,814,000 14,245,000 8,503,000 Tinatayang Populasyon (2009) 4,088,647,780 990,189,529 728,227,141 534,051,188 392,366,329 -NA34,685,745 Bilang ng Bansa 44 53 47 23 12 0 14 21 Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daandaang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire. Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwang na ito ay batay sa Continental Drift Theory. DRAFT March 24, 2014 phillipriley.comswiki.wikispaces.net Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente. Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong 1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay). 22 Gawain 6. Three Words in One Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na tinutukoy sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa kahon. 1. 2. Nile River Sahara Desert Hudson Bay Appalachian Mountains Rocky Mountains Egypt 3. 4. DRAFT March 24, 2014 Cape Horn Andes Mountains Argentina 5. Kangaroo Tasmanian Devil Micronesia Lhotse K-2 Tibet 6. Iberian Peninsula Balkan Peninsula Italy Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente? 2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente? 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig? 23 Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro). Tingnan ang Talahanayan 1.4. Talahanayan 1.4 : Pinakamataas na BUndok ng Daigdig DRAFT March 24, 2014 Bundok Everest K-2 Kangchenjunga Lhotse Makalu Cho Oyu Dhaulagiri Manaslu Nanga Parbat Annapurna Taas (sa metro) 8,848 8,611 8,586 8,511 8,463 8,201 8,167 8,163 8,125 8,091 Lokasyon Nepal/Tibet Pakistan Nepal/India Nepal Nepal/Tibet Nepal/Tibet Nepal Nepal Pakistan Nepal Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude. Tingnan ang Talahanayan 1.5 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig. 24 Talahanayan 1.5 : Mga Karagatan sa Daigdig Karagatan Lawak (sa kilometro kuwadrado) Average na lalim (sa talampakan) Pinakamalalim na Bahagi (sa talampakan) Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232 talampakang lalim Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376 talampakang lalim Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) 16,400 talampakang lalim, ang katimugang dulo ng South Sandwich Trench, 23,736 talampakang lalim (7,235 metro) Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang lalim DRAFT March 24, 2014 Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean. Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20) Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III, Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig. 25 Gawain 7. Illustrated World Map Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: bundok bulubundukin disyerto dagat, look, golpo ilog DRAFT March 24, 2014 phillipriley.comswiki.wikispaces.net Anyong Lupa Greenland Madagascar Borneo Mt. Everest Mt. Kilimanjaro Sahara Desert Himalayas Mountain Range Andes Mountain Range Appalachian Mountain Range Tibetan Plateau Scandanavian Peninsula Arabian Peninsula Anyong Tubig Nile River Amazon River Yangtze River South China Sea Mediterranean Sea Caribbean Sea Bering Sea Arabian Sea Bay of Bengal Hudson Bay Gulf of Mexico Persian Gulf 26 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at tubig na makikita sa mapa? 2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan? 3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao? Gawain 8. The Map Dictates … Panuto: Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig. Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan at isang tangway. Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig. Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL. Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may simbolong YL. . Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H. DRAFT March 24, 2014 KL H YL H YL YL KL YL KL H Pinagkunan: phillipriley.comswiki.wikispaces.net 27 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta? 2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao? Bakit mo ito nasabi? 3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan? Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao. Simulan mo na. Paksa: Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. DRAFT March 24, 2014 Wika Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig. Talahanayan 1.6 Afro-Asiatic Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, 366 5.81 Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar, 28 Austronesian 1,221 5.55 Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia, Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands, Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna Afghanistan, Albania, Armenia, Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Maldives, Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia, Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland, Tajikistan, Turkey, Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, GuineaBissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, at Zimbabwe Bangladesh, Bhutan, China, India, DRAFT March 24, 2014 Indo-European 436 46.77 Niger-Congo 1,524 6.91 29 Sino-Tibetan 456 20.34 Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at Viet Nam Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family Relihiyon Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon. Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito. DRAFT March 24, 2014 Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig 11.44% Kristiyanismo 11.67% 31.59% 7.10% Islam Hinduismo 15% 23.20% Budismo non-religious iba pa Pinagkunan: The World Factbook 2012 Lahi/Pangkat-Etniko Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga 30 tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.. Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkatetniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya? 2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao? 4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat ng tao? 5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig? DRAFT March 24, 2014 Gawain 9. Crossword Puzzle Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Pahalang 1. Kaluluwa ng kultura 3. Sistema ng mga paniniwala at rituwal 7. Pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng tao 9. Pamilya ng wikang Filipino 10. Matandang relihiyong umunlad sa India Pababa 2. Relihiyong may pinakamaraming tagasunod 4. Pamilya ng wikang may pinakamaraming taong gumagamit 5. Salitang-ugat ng relihiyon 6. Salitang Greek ng “mamamayan” 8. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan 31 1 3 5 2 4 6 7 8 9 DRAFT March 24, 2014 10 PAGNILAYAN/UNAWAIN Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao. Gawain 10. My Travel Reenactment Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang: 1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang paglalakbay sa isang lugar. 2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay. 3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento. 4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig. 5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito. 6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan. 7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric: 32 Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment Pamantayan Deskripsiyon Puntos Angkop ang pagsasalaysay sa paksang Pagsasalaysay tinalakay; nakapaloob ang tatlo o higit pang 10 kaalaman ng aralin; madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento; malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang isinasagawa ang pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; Pagsasadula mahusay na naipakita ng mga tauhan ang 10 kanilang pag-arte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa Pagkamalikhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang 5 ginawang pagsasadula Kabuuan 25 DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat? 2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang dula? 3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at pamumuhay ng tao? 4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig? 5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit nagging interesante ito para sa iyo? Gawain 11. Modelo ng Kultura Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito. 1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan. 2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat. 3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan. 4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show. 5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat. 6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa ibinigay na rubric. 33 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa? 2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng iyong kapangkat? 3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa batay sa gawain? 4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa? 5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao? Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura Deskripsiyon Puntos Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay o simbolong nakaguhit sa damit; 10 nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralin Disenyo Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay ng Kasuotan at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; 10 malinaw ang mensahe batay sa disenyo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa Pagmomodelo klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o 5 bansang kinakatawan ng modelo Kabuuan 25 Pamantayan Nilalaman ng Kasuotan DRAFT March 24, 2014 Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong Graffiti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graffitti Wall at paghambingin ang dalawang sagot. Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito? 34 Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao ALAMIN Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralang. Gawain 1. Kung Ikaw Kaya? Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang arw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang Dahilan ng iyong pagpili. DRAFT March 24, 2014 apoy bato kahoy banga buto ng hayop Pamprosesong Tanong 1. Alin ang iyong mga pinili ? 2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili? 3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot. Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-Chart upang matukoy ang iyong nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao. 35 Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong. Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Ito Na Ang Alam Ko Kaalaman Pagkatapos masabi ang alam mo Ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizer, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman. DRAFT March 24, 2014 PAUNLARIN Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon. May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens. Chimpanzee Ape – sinasabing pinagmulan ng tao Chimpanzee – pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista http://www.thejunglestore.com/ape http://news.nationalgeographic.com/news/2012/ 10/121026-australopithecus-afarensis-humanevolution-lucy-scapula-science/ http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus Australopithecus Australopithecine – tinatayang ninuno ng makabagong tao; Ape na may kakayahang tumayo nang tuwid Homo Homo habilis, Homo erectus, at Homo sapiens – mga pangkat ng homo species Lucy – pinakatanyag na Australopithecus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974 36 Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao Lower Paleolithic Period Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato DRAFT March 24, 2014 Panahong Paleolitiko dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E. Upper Paleolithic Period Dakong 40,000 – 8500 taon ang nakararaan Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong CroMagnon Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan. Middle Paleolithic Period Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi 37 Mga Tanyag na Prehistorikong Tao Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba. DRAFT March 24, 2014 Homo Sapiens Neanderthalensi ttp://en.wikipedia.org/wiki/File: Homo_sapiens_neanderthalensi s.jpg Cro-Magnon http://en.wikipedia.org/wiki /File:Cro-Magnon.jpg Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko. 38 Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.” Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim. Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain. Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim DRAFT March 24, 2014 Panahong Neolitiko dakong 10,000 – 4000 B.C.E. May populasyong mula 3000 – 6000 katao Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan Inililibing ang mga yumao loob ng kanilang bahay May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at kutsilyo Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon) Isang pamayanang sakahan Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20) Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal. 39 Panahon ng Tanso Naging mabilis ang pagunlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso. Panahon ng Bronse Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook DRAFT March 24, 2014 Panahon ng Metal dakong 4000 B.C.E. – kasalukuyan Persian Silver Cup http://en.wikipedia.org/wiki/File:Elam _cool.jpg Panahon ng Bakal Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal. Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian. Teksto mula sa Project EASE Module 2 Gawain 3. I-Tweet Mo! Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.” Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko,at sa pangkat 3 at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. 40 Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga “tweet” o maiikling pahayag. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram. @Paraan ng Pamumuhay ____Tweet:__________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento @Kaugnayan ng Heograpiya sa Panahong Paleolitiko/Neolitiko/Metal ____Tweet:__________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento DRAFT March 24, 2014 @Mga Kagamitan/Tuklas ______Tweet:________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________ Komento Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao? 2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay? 3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao? Gawain 4. Tower of Hanoi Chart Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. 41 Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan. Malaki ang naging epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng mga tao. 1. Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng metal. 1. 1. 2. 2. 3. 3. 2. 3. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon? 2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? Patunayan. 3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan. 4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig? Gawain 5. Ano Ngayon? Chart Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan. Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang kahon. 42 Paggamit ng apoy __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ Pagsasaka __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ Pag-iimbak ng labis na pagkain __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ Paggamit ng mga pinatulis na bato __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ Paggamit ng mga kasangkapang metal __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ DRAFT March 24, 2014 Pagtatayo ng mga permanenteng tirahan Pag-aalaga ng mga hayop __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________ 43 Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon? Chart Paglalarawan Puntos Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga Nilalaman pangyayari noong sinaunang panahon sa 10 kasalukuyan Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga kongkretong halimbawa 10 Kabuuan 20 Pamantayan Pamprosesong Tanong 1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon? 2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao? 3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan? DRAFT March 24, 2014 Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum, sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto sa Initial Idea. PAGNILAYAN/UNAWAIN Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito. kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito. 44 GAWAIN 6. Archaeologist at Work Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2. Task Card Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Hȕyȕk. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar. Ang Iyong Misyon Gamit ang Artifact Analysis Worksheet#1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Hȕyȕk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito. Kaligirang Impormasyon Ang Catal Hȕyȕk sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields. Malapit ang Catal Hȕyȕk sa pampang ng Ilog Carsamba. DRAFT March 24, 2014 Artifact Analysis Worksheet #1 1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian nito? ______________________________ ______________________________ 2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon? ______________________________ ______________________________ 3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang panahon? ______________________________ ______________________________ 4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Hȕyȕk? ______________________________ ______________________________ Artifact Analysis Worksheet #2 1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hȕyȕk batay sa iyong ginawang imbestigasyon? ______________________________ ______________________________ 2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto: a. pang-araw-araw na gawain b. paraan ng paglilibing c. sining d. pinagkukunan ng pagkain 45 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay sa Catal Hȕyȕk? 2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay lumitaw noong panahong Neolitiko? 3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay? Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work Pamantayan Paglalarawan Puntos Artifact Analysis Worksheet #1 Artifact Analysis Worksheet #2 Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat artifact; mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan ng mga artifact na ito. 10 DRAFT March 24, 2014 Pag-uulat Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact; mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t ibang aspekto Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga impormasyong inilahad Kabuuan 10 5 25 46 ARTIFACTS Mural Painting Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html . Isang Pigurin Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. DRAFT March 24, 2014 Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Obsidian Arrow Head Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Mga Palamuti mula sa mga Bato at Buto ng Hayop Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Community College http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa Catal Hüyük Imahe mula sa Science Museum of Minnesota, www.smm.org/catal Ceremonial Flint Dagger 47 Pagkatapos talakayan ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong , ilagay ang sagot sa huling kolum,na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart. Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang panahon. Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. DRAFT March 24, 2014 Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig ALAMIN Gawain 1. Picture Frame Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa.Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng mga salitang ipapaloob sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang inilalarawan ng mga guhit. K Pamprosesong Tanong 1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame? 2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan”? 48 Gawain 2. WQF Diagram Panuto: Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito: 1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa. 2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa. 3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Pabalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan/ Unawain. Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig W Q F DRAFT March 24, 2014 Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF Diagram, malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin. PAUNLARIN a. Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga nanirahan sa mga kabihasnang ito. Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito. Simulan mo na. 49 Paksa: Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral. b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan sa kabihasnan. c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan? d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong. DRAFT March 24, 2014 http://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/fighting-for-the-crown/ Larawan ng Hieroglyphics http://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancient-egypthieroglyphics-on-wall.html / http://www.fishfarming.com/tilapia.html http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=281814 0 Larawan ng sinaunang gulong http://listdose.com/top-10-inventions-that-changed-human-livesforever/ / Pamprosesong Tanong 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao? 4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan? 50 5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng mataas na antas ng agham at teknolohiya? 6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America? Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pagtalakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan noong sinaunang panahon. Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang mapa ng bituin ( ) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. DRAFT March 24, 2014 phillipriley.comswiki.wikispaces.net Mesopotamia (Iraq) Huang Ho (China) Egypt Indus (India at Pakistan) Mesoamerica Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan. 51 Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan. Heograpiya ng Mesopotamia Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Mapa ng Mesopotamia Matatagpuan ang Mesopotamia http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/ex p_set.html sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnayugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. DRAFT March 24, 2014 52 Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito. Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian. Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India. DRAFT March 24, 2014 Heograpiya ng Lambak ng Indus Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E. Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuya, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon Mapa ng Indus Valley ng Indus River sa Pakistan. http://www.mapsofindia.com/history/indus-valleycivilization.html 53 Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha. Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya DRAFT March 24, 2014 Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon. Heograpiya ng Ilog Huang Ho Mapa ng Kabihasnan sa China Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabagobago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabagobago nang makailang ulit sa mahabang panahon at http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm 54 humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo. Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timogng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile. DRAFT March 24, 2014 Heograpiya ng Egypt Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga. 55 Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig. Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Mapa ng Egypt Ang tubig-baha ay nagdudulot ng http://egypt-trade.wikidot.com/ halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan. Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito. Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon. DRAFT March 24, 2014 56 Ang Kabihasnan sa Mesoamerica Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America. Heograpiya ng Mesoamerica Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa Mapa ng Mesoamerica baybayin ng Honduras sa Atlantic http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations hanggang sa gulod o slope ng /mesoamerica.html Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. DRAFT March 24, 2014 Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 57 Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III Modyul 3 - Ang Mga Unang Kabihasnan (pp. 7-15) (p.22) (p.54) upang higit na mapagyaman ang kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Gawain 3. Triple Matching Type Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. A B C DRAFT March 24, 2014 Egypt Tsino Indus Mesoamerica Mesopotamia Sa pagitan ng mga ilog Nasa gitna ng kontinente Biyaya ng Nile Nasa tangway ng Timog Asya May matabang lupain sa Huang Ho Lupain ng Yucatan Peninsula Timog ng Mediterranean Nasa kanluran ng Yellow Sea Dumadaloy ang Indus River Nasa Kanlurang Asya Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan? 3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 4. Geography Checklist Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklistsa ibaba. 1. Makilahok sa iyong pangkat. 2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin: 58 (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica. 3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat. Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila paper) sa tulong ng sumusunod na panuto: Isulat ang kabihasnang nakatalaga sa pangkat Geography Checklist Kabihasnan: Katangiang Heograpikal: DRAFT March 24, 2014 Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal ng kabihasnang nakatalaga sa pangkat. 4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang pangkat. 5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat. 6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto: Isulat ang pangalawang kabihasnang ihahambing Isulat ang pangatlong kabihasnang ihahambing Geography Checklist Kabihasnan: Katangiang Heograpikal: 1 2 3 Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung taglay ng mga kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpikal ng kabihasnan ng inyong pangkat. 7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal . 59 Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat. Pamprosesong Tanong 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan? 3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? 4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot. Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at kontinente ng America. DRAFT March 24, 2014 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya Sumer (3500-2340 B.C.E.) Ziggurat http://www.biblearchaeology.info/ziggurats.htm Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari. Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod. Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. Cuneiform (hugis-sinsel)ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida. Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy. Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian. 60 Akkad (2340-2100 B.C.E.) Sargon I http://en.wikipedia.org/wiki/Sarg on_of_Akkad Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig. Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o Agade. Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E). Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad. Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon. DRAFT March 24, 2014 Babylonian (1792-1595 B.C.E.) Code of Hammurabi http://en.wikipedia.org/wiki/Fil e:Code-de-Hammurabi-1.jpg Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia. Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia. Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur. Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon. Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno. Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey). 61 Assyrian (1813-605 B.C.E.) Ashurbanipal http://en.wikipedia.org/wiki/File:Ki nadshburn.JPG Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian. Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo. Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon. Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pagaalsa. DRAFT March 24, 2014 Chaldean (612-539 B.C.E.) Hanging Gardens http://en.wikipedia.org/wik i/File:Hanging_Gardens_of_ Babylon.jpg Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria. Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia. Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo. 62 Persian (539-330 B.C.E.) Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito. Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey). Darius The Great (521-486 B.C.E.) – Umabot ang sakop hanggang India. Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap. Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa. Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster. DRAFT March 24, 2014 Cyrus the Great http://en.wikipedia.org/wiki /Cyrus_the_great Gawain 5. Complete It! A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa patlang. 1. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia 2. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig 3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia 4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar 5. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia 6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang makumpleto ang pangungusap. 63 1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil __________________________________________________________. 2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __________________________________________________________. 3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _________________________ __________________________________________________________. 4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang __ __________________________________________________________. 5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Imperyong Persian ang _____________________________________ __________________________________________________________. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia? Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo? Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala? Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan”? Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod na diyagram. 64 Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito noong 2700 B.C.E. Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Planado at malalapad ang mga kalsada nito. Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo. DRAFT March 24, 2014 Harappa Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo Daro pahilaga. http://www.thenagain.info/webc hron/india/harappa.html Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system. Mohenjo-Daro Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus River. http://upload.wikimedia.org/wik ipedia/commons/thumb/d/da/Mo henjo-daro-2010.jpg/320pxMohenjo-daro-2010.jpg Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela. 65 Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain. Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng mga tao. Sewer System http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/I Nakatira sa bahagi ng moog ang mga ndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChannelPic naghaharing-uri tulad ng mga _large.jpg mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng pictogram tao. Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang Steatite Seal kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E. http://phys.org/news16853 Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa 9680.html sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala. Sewer system DRAFT March 24, 2014 Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan. 66 May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E. Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus. Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus. Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.) Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagangkanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic. Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India. Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: – maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan. Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari. DRAFT March 24, 2014 67 Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang ”lahi” o ”angkan. Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao. Brahmin kaparian Ksatriya mandirigma DRAFT March 24, 2014 Vaisya mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa Sudra magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan Pariah Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, nagbibitay sa mga kriminal Sistemang Caste Gawain 6. Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa kanilang pamumuhay. 68 DRAFT March 24, 2014 B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan. Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon Pamprosesong Tanong 1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito. 2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic? 3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot. 69 Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.) Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng Punjab, nagsimulang tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 B.C.E. noon at 16 pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara. Pagsapit ng 500 B.C.E.,ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo ng mga bagong lungsod at lansangan. Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain, mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka. Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 B.C.E.) Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan, at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon, nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar. Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagangkanlurang India. Noong 518 B.C.E. nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring makapag-aral. Tinapos ni Alexander, The Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas patungong India noong 327 B.C.E. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian, nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India. Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E., ang bahagi ng hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na pinuno. DRAFT March 24, 2014 Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan ang kasunod na diyagram. 70 Imperyong Maurya Pagkatatag Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan. Mahahalagang Pangyayari Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra. Tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa .at estratehiyang politikal. DRAFT March 24, 2014 Lions of Sarnath http://en.wikipedia.org/wiki/Emblem_of_India Pagbagsak Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado. Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232 B.C.E.) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha. 71 Imperyong Gupta Pagkatatag Mahahalagang Pangyayari Ang pangalan nito ay hango mula sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandragupta I (circa 319-335 C.E.) Chandragupta II (Circa 376-415 C.E.).Nakontrol uli ang hilagang India.Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra. Itinuturing itong panahong klasikal ng India. DRAFT March 24, 2014 Si Reyna Kumaradevi at Chandragupta I http://en.wikiped ia.org/wiki/File: Queen_Kumarad evi_and_King_C handragupta_I_o n_a_coin_of_thei r_son_Samudrag upta_350_380_C E.jpg Pagbagsak Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya. Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining, at agham ay yumabong. Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya (surgery) sa panahong ito. Si Kalidasa, ang kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na tinatayang isinulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. ay hango mula sa kaisipang Hindu. 72 Imperyong Mogul Pagkatatag Itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong 1526. Mahahalagang Pangyayari Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605. Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa. DRAFT March 24, 2014 Taj Mahal http://en.wikipedia.org/wiki/File:Taj_Mahal_2 012.jpg Pagbagsak Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop,ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon,at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda. Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India. 73 Gawain 7. Empire Diagram Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya. Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag na imperyo sa Timog Asya. Imperyo sa Timog Asya Maurya Gupta Mogul DRAFT March 24, 2014 Datos: Datos: Datos: * * * * * * * * * Pinuno: Pinuno: Pinuno: * * * * * * * * * Aral na Natutuhan: Pamprosesong Tanong 1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo? 2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya? 74 3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihasnan? Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang kasunod na diyagram: Kabihasnang Tsino Xia (? - 1570 B.C.E.) Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho. Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya. Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito. DRAFT March 24, 2014 Shang (1570? B.C.E. - 1045 B.C.E.) Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone. Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno. Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E. Oracle bone http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Orakelknochen.JPG Zhou o Chou (1045 B.C.E.- 221 B.C.E.) Confucius http://en.wikipedia.org/wiki/ File:Confucius_Tang_Dynas ty.jpg Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang: Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan. Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan. Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan. 75 Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou. Q’in o Ch’in (221 B.C.E. - 206 B.C.E.) Great Wall http://en.wikipedia.org/wiki/ File:The_Great_Wall_of_Ch ina_at_Jinshanling.jpg .jpg Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.). Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya. DRAFT March 24, 2014 Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang. Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism. Han (202 B.C.E. - 220 C.E.) Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han. Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin ang watak-watak na teritoryo ng China. Sui (589 C.E. - 618 C.E.) Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze. Grand Canal http://en.wikipedia.org/wiki/File:Kais erkanal01.jpg 76 T’ang Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T’ang. (618 C.E. - 907 C.E)) Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya. Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao. Mapa ng China sa ilalim ng T’ang http://en.wikipedia.org/wiki /File:Tang_Dynasty_circa_ 700_CE.png DRAFT March 24, 2014 Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang. Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pagaalsang naganap sa China. Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito. Song (960 C.E. - 1127 C.E.) Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural. Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag. Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo. 77 Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro. Yuan (1279 - 1368) Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan. Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe. DRAFT March 24, 2014 Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming. Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador. Ming (1368 - 1644) Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He. Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon. Forbidden City http://en.wikipedia.org/wiki /File:Forbidden_City_Cour tyard.jpg Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea. 78 Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan. Qing o Ch’ing (1644 - 1911) Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan. Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa. DRAFT March 24, 2014 Mapa ng China sa ilalim ng Qing http://www.inquirer.net/ Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin. Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895). Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China. 79 Gawain 8. Maramihang Pagpili sa Tsart A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga bilog. Kabihasnang Tsino Mga Dinastiya Chou Ming Q’ing Shang Sui T’ang Yuan 1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito 2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China 3. Huling dinastiya ng China 4. Yumabong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism 5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito 6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven 7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito DRAFT March 24, 2014 Mga Tauhan Zheng He Confucius Kublai Khan Shih Huangdi 8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador” 9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China 10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa 11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism Mga Ambag Great Wall Forbidden City Mandate of Heaven Taoism 12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador 13. Nagsilbing-tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China 14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming 15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan 80 Kabihasnang Egyptian Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt. Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt sa sumusunod na pagpapanahon: DRAFT March 24, 2014 1 Pre-dynastic Period 2 Early Dynastic Period 3 Old Kingdom Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya Panahon ng mga Unang Dinastiya Matandang Kaharian 4 First Intermediate Period Unang Intermedyang Panahon 5 Middle Kingdom Gitnang Kaharian 6 Second Intermediate Period Ikalawang Intermedyang Panahon 7 New Kingdom Bagong Kaharian 8 Third Intermediate Period Ikatlong Intermedyang Panahon 9 Late Period Huling Panahon Nauna sa 3100 B.C.E. Una at Ikalawang Dinastiya (circa 3100-2670 B.C.E.) Ikatlo hanggang Ikaanim na Dinastiya (circa 2670-2150 B.C.E.) Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya (circa 2150-2040 B.C.E.) Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (circa 2040-1650 B.C.E.) Ika-14 hanggang Ika-17 Dinastiya (circa 1650-1550 B.C.E.) Ika-18 hanggang Ika-20 Dinastiya (circa 1550-1070 B.C.E.) Ika-21 hanggang Ika-25 Dinastiya (circa 1070-664 B.C.E.) Ika-26 hanggang Ika-31 Dinastiya (circa 664-330 B.C.E.) Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang tiyak na petsa. 81 Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng sinaunang kasaysayan ng Egypt. 1 7 5 3 2 6 4 8 9 Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya Nile hieroglyphics nome nomarch Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari. Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan. DRAFT March 24, 2014 Tungkol saan ang larawan? ________________________________ Picture of Hieroglyphics Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga sinaunang Egyptian? __________ _________________________________ _________________________________ http://en.wikipedia.org/wi ki/Hieroglyphics 1 2 7 5 3 6 4 8 9 Panahon ng mga Unang Dinastiya Upper Egypt Lower Egypt Menes Memphis 82 Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes. Tungkol saan ang nasa larawan? ________________________________ Picture of Menes wearing two crowns Ano ang nais ipahiwatig nito? _________________________________ ________________________________ DRAFT March 24, 2014 http://www.markville.ss.yrdsb.edu.on.ca/projects/classof2007/16chong/don nelly/Egypt%20Web%20Site/donnellyegyptfacts.html 1 2 7 5 3 4 6 8 9 Matandang Kaharian Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro. Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo. 83 Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman. Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90 B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob halos ng dalawang siglo. Unang Intermedyang Panahon Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef. DRAFT March 24, 2014 Anong estruktura ang nasa larawan? ________________________________ Picture of Great Pyramid at Giza Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian? ________________________ _________________________________ http://en.wikipedia.org/wi ki/gizapyramid 1 2 7 5 3 6 4 8 9 Gitnang Panahon Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos 84 Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay el-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I (1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia. Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na namayani sa loob ng 45 taon. Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan. Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang hyksos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt. DRAFT March 24, 2014 Ikalawang Intermedyang Panahon Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pagusbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt. 85 Anong pangkat ng tao ang nasa larawan? _________________________ Picture of Hyksos Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasaysayan ng sinaunang Egypt? _________________________________ _________________________________ http://en.wikipedia.org/wiki/File :Ibscha.jpg 1 2 7 5 3 4 6 8 9 DRAFT March 24, 2014 Bagong Kaharian Empire Age Ahmose Hatshepsut Akhenaton Rameses II Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang Nubia sa katimugan. Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni. Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt. Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang 86 kaniyang sinimulan. Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono. Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 B.C.E.). Siya ay sinundan nina Seti I (1291-1279 B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.). Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw. Ikatlong Intermedyang Panahon Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal. DRAFT March 24, 2014 Ano ang nais ipahiwatig ng mapa? _________________________________ Map of Egypt Empire during New Kingdom Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang Empire Age? _________________________________ _________________________________ http://en.wikipedia.org/wi ki/File:Egypt_1450_BC.svg 1 2 7 5 3 4 6 8 9 Huling Panahon Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII 87 Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526 B.C.E.). Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya. Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya. Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy. Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.C.E. DRAFT March 24, 2014 Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82 Sino ang nasa larawan? _________________________ Picture of Cleopatra http://en.wikipedia.org/wi ki/File:Kleopatra-VII.-AltesMuseum-Berlin1.jpg Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian? _________________________________ _________________________________ Gawain 9. Walk to Ancient Egypt A. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto ang dayagram. 88 Kabihasnang Egyptian 1. Tauhan 8. Tauhan 2. Bagay 7. Bagay 3. Panahon 4. Tauhan 5. Tauhan 6. Panahon DRAFT March 24, 2014 1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig 2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian 3. Itinuring bilang “Empire Age” at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt 4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaing pinuno ng sinaunang Egypt 5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt 6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng mga pyramid sa Egypt 7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito 8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga Hititte Pamprosesong Tanong 1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa? 2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia? 3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian? 4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt? 5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian? Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente ng America, partikular sa Mesoamerica – ang mga Olmec at Teotihuacan. 89 Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000-1500 B.C.E.) Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop. Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec. DRAFT March 24, 2014 Ang mga Olmec Olmec (1500-500 B.C.E.) Picture of Olmec culture Ang kauna-unahang umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec Ang katagang olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kaunaunahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangitanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang 90 labi ng kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec. Kulturang Olmec Larong Pok-a-tok Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na larong tinatawag na pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica. Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugispiramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga diyos. DRAFT March 24, 2014 Hayop na jaguar Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutanng maninila (predator) sa central America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan saan mang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar. Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica. Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan. 91 Ang mga Teotihuacan Picture of Teotihuacan culture Avenue of the Dead at ang Pyramid of the Sun http://en.wikipedia.org/wiki/File:View_fr om_Pyramide_de_la_luna.jpg Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan sa mga lugar sa lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahulugang “tirahan ng diyos” Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang lungsod na may halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang populasyon nito ay minsang umabot sa 120,000 DRAFT March 24, 2014 Teotihuacan (250 B.C.E.-650 C.E.) Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan. Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin. Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatiglugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan. Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al (2012) 92 Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang impormasyon. a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48) b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico (pp. 9-16) Gawain 10. Tracing the Beginning Chart a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum. b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart. Ano ang sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig? Paano nagsimula ang kasaysayan ng kabihasnang ito? Ano ang katangian ng mga katutubo nito? DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito? 2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan? 3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag. 4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay? Gawain 11. Pagbuo ng K-Web Diagram Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.” 1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. 2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram. 93 Mesopotamia Mesomerica Egypt Sinaunang Kabihasnan Indus Tsino DRAFT March 24, 2014 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus Sagradong aklat ng mga Aryan Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian” Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu Bahay-sambahan ng mga Sumerian Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng diyos” Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa “Seven Wonders” ng sinaunang daigdig Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, at El Salvador 13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt 14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang China 15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan. Gawain 12. Kabihasnan Pathway Diagram a. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan. 1. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat 2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat 4 ang Kabihasnang Egyptian. 94 2. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahok sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang. 3. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang ekonomiya, kultura, at lipunan nito. 4. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram. DRAFT March 24, 2014 5. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong pathway diagram. 6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusunod na rubric. Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram Pamantayan Paglalarawan Puntos Nakapaloob sa diagram ang 5 o higit pang Nilalaman mahahalagang pangyayari sa nakatalagang 10 kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong 10 diyagram Iba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na may impormasyon kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang 5 kabihasnan Kabuuan 25 b. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan. c. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang sinaunang kabihasnan sa daigdig. 95 Gawain 13. Gallery of Ancient Rulers a. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin. b. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalang-alang ang kasunod na mga panuntunan: 1. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatwa” na kakatawan sa piniling pinuno. 2. Ihanda ang posisyon ng “estatwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling pinuno. 3. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatwa.” 4. Itanghal sa klase ang mga “estatwa”. Magtalaga ng 1-2 kapangkat na magpapaliwanag tungkol sa estatwa. Pamprosesong Tanong DRAFT March 24, 2014 1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno? 2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan? 3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipaliwanag. 4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng isang pinuno? Ipaliwanag. Bibigyan ng marka ang ginawang estatwa gamit ang kasunod na rubric. Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers Pamantayan Paglalarawan Puntos Gawang Angkop ang estatwa bilang kinatawan ng Estatwa piniling pinuno ng pangkat; wasto ang mga 10 simbolo at datos na ikinabit sa estatwa Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang Pag-uulat pinuno batay sa estatwa; naglahad nang higit 8 sa tatlong impormasyon tungkol sa nasabing pinuno Natatangi ang pagkakabuo ng estatwa; Orihinalidad gumamit ng mga akmang disenyo upang 7 maging makatotohanan ang hitsura Kabuuan 25 Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kanikanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at 96 aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon? Mesopotamia Ang ziggurat ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat. Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kaunaunahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo B.C.E. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya. DRAFT March 24, 2014 Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng arawaraw na buhay sa Mesopotamia. Epic of Gilgamesh http://www.crystalinks.com/ziggurat.html Code of Hammurabi Iba pang kontribusyon water clock paggawa ng unang mapa sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60 astronomiya http://www.crystalinks.com/ziggurat.html Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay tinatawag na cuneiform. 97 Indus May sewerage system ang Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern. Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong siglo B.C.E. Ito ang kaunaunahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya. Arthasastra Iba pang kontribusyon: Pamantayan ng bigat at sukat Decimal system Paggamot at pagbubunot ng ngipin Halaga ng pi (3.1416) http://www.mitchellteachers.org/WorldHist ory/IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterC Taj Mahal Pinagmulan ng hannelPic_large.jpg mga relihiyon (Hinduism, Ramayana at Buddhism, Jainism, at Mahabharata Sikhism) DRAFT March 24, 2014 Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari. Ayurveda Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman. 98 Tsino Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon. Iba pang kontribusyon: Paggamit ng silk o seda Kalendaryo Star map magnetic compass seismograph wheel barrow water clock sundial chopsticks abacus pamaypay payong Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E. DRAFT March 24, 2014 I Ching at Bing Fa http://en.wikipedia.org/wiki/Great_Wall_of _China Feng Shui Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan—malambot at kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas at masigla. 99 Egypt May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus. Iba pang kontribusyon: Geometry Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto Kalendaryo na may 365 araw Sagradong pagdiriwang DRAFT March 24, 2014 Hieroglyphics Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng pharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay. http://en.wikipedia.org /wiki/Tutankhamun http://en.wikipedia.org/wiki/gizapyramid Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na mummification, Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas. 100 Gawain 14. K-A-K Organizer Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer. a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng KabihasnanAmbag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer. b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao. Kabihasnan Ambag Kabuluhan DRAFT March 24, 2014 c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer. Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? 2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan? 3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito? PAGNILAYAN/UNAWAIN a. Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalim na pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao. 101 Gawain 15. Thank You Letter. a. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat. b. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito: 1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham pasasalamat. 2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao. 3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham. Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter Paglalarawan Mahusay na naipaliwanag ang bahaging Nilalaman ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa mga sinaunang tao Teknikal na Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay Pagbuo ng ng mga salita, at maayos ang mga bahagi ng Liham isang liham Pamantayan Puntos DRAFT March 24, 2014 Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay ng disenyo Kabuuan 12 8 5 25 4. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral. Gawain 16. Maimpluwensiyang Kabihasnan a. Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa sa kasalukuyang panahon. Impluwensiya sa Daigdig Impluwensiya sa Pilipinas Pamana ng Sinaunang Kabihasnan 102 Pamprosesong Tanong 1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang pamanang tinukoy sa dayagram? 2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa. 3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao? 4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksiyon? 5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang pamana? Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F (facts) ng mga bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa. DRAFT March 24, 2014 ILIPAT AT ISABUHAY Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod na proyekto. Gawain 17 – POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong bansa. Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong una bubuo ng isang panukalang proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa pagbuo ng panukalang proyekto: 1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod: Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia 103 Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica 2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto. a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba: Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian, at Pares 3 – isang sinaunang bagay b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang kasunod na template. Bansang nakatalaga sa pangkat: ____________________ National Committee on the Preservation of Cultural Heritage DRAFT March 24, 2014 UNANG BAHAGI: a. Pamagat ng proyekto: _________ b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________ c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: _________ d. Halagang gugugulin sa proyekto: _________ Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _________ IKALAWANG BAHAGI: a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?) b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?) c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong paraan?) IKATLONG BAHAGI: a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?) b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa proyekto?) c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit ng proyekto?) d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?) IKAAPAT NA BAHAGI: a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung isasagawa ang proyekto?) b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga sinaunang ambag at pamana ng bansa?) c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan ng gagawing proyekto?) 104 c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala. d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala. e. Iulat sa klase ang ginawang panukala. 3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito. Kraytirya Nilalaman ng Panukalang Proyekto 4 3 2 1 Kumpleto ang nilalaman ng panukalang proyekto; 100% na wasto ang itinala sa panukala; makatotohanan ang lahat ng sagot sa tanong; may kabuluhan ang gawang panukala; mahusay ang iginuhit sa magiging bunga ng proyekto May 1-2 ang nawala sa panukalang proyekto; hindi bababa sa 75% ang may wastong itinala sa panukala; Makatotohanan ang mahigit 75% sagot sa tanong; may kabuluhan ang gawang panukala; mahusay ang iginuhit sa magiging bunga ng proyekto na may 1-2 aspekto ng guhit ang kailangang isaayos Mahigit sa 50% ang nawala sa panukalang proyekto; mahigit sa 50% ang hindi wasto sa mga itinala sa panukala; may 50% sa nilalaman ng panukala ay hindi makatotohanan; may pagaalinlangan sa kabuluhan ang gawang panukala; hindi gaanong malinaw ang guhit Mahigit sa 50% ang nawala sa nilalaman ng panukalang proyekto; mahigit sa 50% ang hindi wasto sa mga itinala sa panukala; hindi makatotohanan ang panukala; hindi maipakita ang kaugnayan ng guhit sa panukala Ibinatay sa 3 o higit pang sanggunian ang datos na kabilang sa panukalang proyekto (aklat, pahayagan, video clip, Ibinatay sa 2 sanggunian ang datos Ibinatay lamang ang sanggunian sa batayang aklat Walang batayang pinagkunan at gawa-gawa lamang ang mga impormasyon DRAFT March 24, 2014 Pinagkunan ng Datos 105 internet, at iba pa) Presentasyon Mahusay ang ng paglahad sa Panukalang presentasyon; Proyekto malinaw at malakas ang boses ng tagapagsalita; lubos na naipaliwanag ang bawat aytem sa panukala Maayos ang paglahad sa presentasyon; may ilang kinabahan at mahinang boses; naipaliwanag ang higit sa 75% ng kabuuang aytem sa panukala Karaniwan ang paglahad sa presentasyon; maikli at hindi binigyan ng pansin ang maraming bahagi ng panukala; hindi gaanong maunawaan ang pagsasalita; mahigit sa 50% ang hindi naipaliwanag sa panukala Hindi malinaw ang paglahad sa presentasyon; hindi naipaliwanag ang maraming bahagi ng panukala; hindi maunawaan ang pagsasalita; kaunti lamang ang naipaliwanag DRAFT March 24, 2014 Transisyon sa Susunod na Yunit Tinalakay sa yunit na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao. Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon. Sa susunod na yunit, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon. 106 Talasalitaan Ahimsa– doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo Caste – pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic Core – pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380 milya ang kapal ng outer core Crust – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta Dinastiya– pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan DRAFT March 24, 2014 Hellenistic - nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks”; tumutukoy sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek pagkaraan ni Alexander the Great Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee at orangutan Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang Asya) Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal na panahon Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na nag-uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal 107 Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt Nomarch – pinuno ng nome Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino Pacific Ring of Fire – rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong bulkan Plate – malaking masa ng solidong bato Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy Satrapy – lalawigan ng Imperyong Persian Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang Europe at Asya DRAFT March 24, 2014 Terra-cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad Vedas – sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga salaysay. Sanggunian A. Aklat Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 B. Module Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 2 Project EASE Araling Panlipunan III Module 3 108 Modyul 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON Panimula “Change is inevitable”. Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman? Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahong ito ay masasagot mo ang katanungang: Paano nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig? DRAFT March 24, 2014 Mga Aralin At Sakop Ng Modyul Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1 Aralin 2 Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman) Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai) 110 Aralin 3 Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire” Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan DRAFT March 24, 2014 PANIMULANG PAGSUSULIT Ngayon, subukang sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot. 1.Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsodestado? A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya. B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod. C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”. 2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome? A. Censor at Praetor B. Etruscan at Roman C. Patrician at Plebeian D. Maharlika at Alipin 111 3. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia? A. maraming isla B. maliit na mga isla C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla 4. Ang “Holy Roman Empire” ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.? A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short 5. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada? A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko DRAFT March 24, 2014 Para sa bilang 6, suriin ang kasunod na mapa http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece 112 6. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pagunlad ng kabihasnan sa islang ito? I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II, at III Para sa bilang 7, suriin ang kasunod na larawan: DRAFT March 24, 2014 7. Makikita sa larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong kongklusyon ang maaaring mabuo batay sa larawan? A. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos B. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya C.Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman D. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya noong Panahong Hellenistic 113 Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na pahayag: “ Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…” PERICLES Funeral Oration 8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan DRAFT March 24, 2014 Para sa bilang 9, suriin ang timeline tungkol sa mga Kabihasnan sa America Mga Kabihasnan sa America 1200500 B.C.E. 200-700 C.E. 250-900 C.E. 900-1100 C.E. 1200-1521 1300-1525 Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca 9. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Prehistoric? A. Kabihasnang Olmec B. Kabihasnang Maya C. Kabihasnang Aztec D. Kabihasnang Inca 114 Para sa bilang 10, basahin at unawain ang comic strip Ako ang HARI, pagmamay-ari ko ang lahat ng lupain. Subalit ibinigay ko ang iba sa mga BARON. Ako ang BARON, dapat akong maging TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan sa kaniyang lupain.Dapat na handa akong ipaglaban siya at magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga KNIGHT. DRAFT March 24, 2014 Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtamnan at paunlarin. Tungkulin kong magbayad ng buwis at magkaloob sa kaniya ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain na kaniyang nasasakupan nang walang pahintulot ang KNIGHT. 10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic strip tungkol sa Piyudalismo? A. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga nasasakupan B. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay pagmamay-ari ng lupa C. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong Panahong Medieval D. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo 115 Para sa bilang 11, suriin ang kasunod na larawan 11. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor? DRAFT March 24, 2014 A. Pakikipagkalakalan B. Pagsasaka C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan Para sa bilang 12, suriin ang kasunod na graph: 45 40 Bilang ng populasyon sa milyon 35 30 25 20 15 10 5 0 20 0 40 0 60 80 1000 1200 0 0 Taon – Common Era (C.E.) 116 12.Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph, sa anong mga taon ito naganap? A. 1000 at 1500 C.E. B. 800 at 1000 C.E. C. 800, 1000, at 1500 C.E. D. 600, 800, at 1000 C.E. 13. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito? A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan. B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito. C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete. D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete. DRAFT March 24, 2014 14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado? A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar. C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado. D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito 15. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean? A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar. B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece. C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece D. Wasto ang lahat ng nabanggit 117 16. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito? A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara 17. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific? A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda. B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o “mana”. C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo. D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan. DRAFT March 24, 2014 18. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: Pari, Kabalyero, at Serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf? A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya. B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya. C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. D. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan 19. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag? A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao 118 20. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican. C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan. D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 119 ARALIN 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito? Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympiaisang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome. Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang:paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? DRAFT March 24, 2014 120 ALAMIN Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan ng China, India, Mesopotamia, at Egypt sa mga lambak-ilog. Ganito rin kaya ang mga kabihasnang nabuo sa Europe partikular sa Greece at Rome? Alamin sa araling ito ang kasagutan. Gawain 1. Ano ang Gusto Ko? Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Pilosopo Politiko Artist Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa Europe noong Panahong Klasikal. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa sumusunod na tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit? DRAFT March 24, 2014 Mandirigma Mangangalakal Kababaihan Pamprosesong Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong Panahong Klasikal? Ipaliwanag. 2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan 121 Gawain 2. I-R-F CHART Panuto:Basahing mabuti ang tanong. Pagkatapos ay isulat sa bahaging “initial” ng diagram ang maiisip na sagot. FINAL Paano nakaimpluwensya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? REVISED DRAFT March 24, 2014 INITIAL BINABATI KITA! Sa puntong itona aynais nagtatapos ang bahagi Tiyak mo pangna mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa PAUNLARIN mga kabihasnan noong Panahong Klasikal ng Europe. Sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa modyul na ito, madaragdagan ang iyong dating kaalaman at masasagot ang iyong mga tanong tungkol sa paksa. 122 PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang matututuhan mo ang mga kabihasnang nabuo sa Panahong Klasikal ng Europe, kabilang ang mahahalagang pangyayari sa bawat kabihasnan at ang mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng pandaigdigang kamalayan. Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto. Gawain 3. Mapa-Suri. Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito. Pamprosesong Tanong DRAFT March 24, 2014 1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece? 2. Saang direksyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete? 3. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek? Mapa 1.1 Mapa ng Europe 123 Gawain 4. Magbasa at Matuto Panuto: Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean. Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. DRAFT March 24, 2014 Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp. 8-10 Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Kabihasnang Greece. 499 B.C.E Nagsimula ang Persian War 700 B.C.E 700 B.C.E Umusbong ang mga Lungsodestado ng Greece 600 B.C.E 500 B.C.E 460 B.C.E Nagsimula ang Golden Age ng Athens 431 B.C. E Nagsimula ang Peloponnesian War 400 B.C.E 404 B.C.E Tinalo ng Sparta ang Athens 334-323 B.C. E Pananakop ni Alexander the Great 300 B.C.E 200 B.C.E Pigura 1.1 Timeline ng mga pangyayari sa Kabihasnang Greece. 124 Ang mga Minoans Ayon sa mga arkeologo, ang kaunaunahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala. Gabay na Tanong DRAFT March 24, 2014 Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan? ____________________________ ____________________________ Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan? ____________________________ ____________________________ Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan? ____________________________ ____________________________ Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan? ____________________________ ____________________________ 125 Ang mga Mycenaean Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek.Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark ageo madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din. DRAFT March 24, 2014 Mapa 1.2 Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaea http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto? 1. _________________________ _________________________ 2. _________________________ __________________________ 3. __________________________ __________________________ 4. __________________________ __________________________ 5. __________________________ __________________________ Halaw sa “Project Ease Modyul 4: Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego pp 10-11 126 Gawain 5. Daloy ng mga Pangyayari Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean. DRAFT March 24, 2014 Minoan Mycenean Pamprosesong Tanong 1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenean? 2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean? 3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng kabihasnang Greek? 127 Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Sa bahaging ito, alamin mo ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Klasikal na kabihasnang Greece. Gawain 6. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito. Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon. DRAFT March 24, 2014 Ang mga Polis Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsodestado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayang bilihan at kalakalan. Batay sa teksto, isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na salita: polis-______________ ___________________ ___________________ acropolis-___________ ___________________ ___________________ agora- _____________ ___________________ ___________________ 128 Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan. Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga lehitimong mamamayan ng isang lungsodestado? 2. Ano-ano ang responsibilidad ng isang mamamayan sa lungsod-estado? DRAFT March 24, 2014 3. Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek? Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pp. 114-116. Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na nagalsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot. 129 Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo. Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera. Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu-labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban,sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan,hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta bilang isang lungsod-estado ng Greece? 2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas? DRAFT March 24, 2014 3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan? Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 117 130 Ang Athens at ang Pag-unlad Nito Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan. Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan. Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantaypantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika. Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng sumusunod? tyrant-________________ _____________________ _____________________ Archon- _____________ _____________________ _____________________ DRAFT March 24, 2014 Larawan 1.1 Ang Parthenon ng Greece https://encryptedtbn3.gstatic.com/images?q=tbn:A Nd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64 yykmPzc7kg 131 Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas. Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek. Larawan 1.2 Si Solon, isang mambabatas na Greek http://en.wikipedia.org/wiki/Fil e:Solon2.jpg DRAFT March 24, 2014 Larawan 1.3 Si Pisistratus, isang mahusay na pinunong Greek http://en.wikipedia.org/wiki/ Cleisthenes 132 . Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kaunaunahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan. Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing katangian ng Athens bilang iang lungsodestado ng Greece? 2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig? DRAFT March 24, 2014 3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demoksrasya? Patunayan. Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego pahina 15-21. Karagdagang babasahin: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 116-117 133 Gawain 7. Paghahambing Panuto:Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece. Sparta Athens DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian? 2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pagunlad ng Kabihasnang Greek? 3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 8. Magbasa at Matuto Bagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa isa’t isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nil sa mga hindi Greek. Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan ng Greece. 134 Ang Banta ng Persia Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma. Ang Digmaang Graeco- Persia (499-479 B.C.E.) Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon , isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 puwersa ng Persia. Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay tagaSparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga tagaSparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas. Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara. DRAFT March 24, 2014 Larawan 1.4. Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia http://althistory.wikia.com/wiki/Greek _Glory?file=GRECO-PERSIANWARS.gif Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag. ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pp 117-118 135 Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League. Noong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 B.C.E. Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga Mapa 1.3 Lokasyon ng Digmaang Peloponnesian desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong _War Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon Ano ang epekto sa Greece ng siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga hidwaan at digmaan sa pagitan ng kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa mga lungsod-estado nito? Ipaliwanag Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng ______________________________ pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng ______________________________ Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila ______________________________ sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong ______________________________ 404 B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades. _____________________________. Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang Karagdagang Babasahin: suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain. Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo DRAFT March 24, 2014 Halaw sa Project EASE Modyul 4: Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Greece pp. 31-32 et.al. pp 119 136 Gawain 9. A-K-B Chart Panuto: Punan ang diagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto. Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece Aktor (Sino ang magkalaban?) DRAFT March 24, 2014 Kaganapan (Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari?) Bunga (Ano ang resulta ng digmaan?) Pamproseng Tanong 1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Spartan at Athenian sa daigdig? 2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan? Patunayan. 137 Gawain 10. Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol Ginintuang Panahon ng Athens. Ginintuang Panahon ng Athens Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E. Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens. Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan. Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.” Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral. Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang. Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang pambahay. Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao. Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon. Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle. Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto. DRAFT March 24, 2014 138 Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens. Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World. Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates. Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika. Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa larangan ng agham at pilosopiya. Ang kaunaunahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito ay maswerteng mga numero. Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat. Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangitanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito. Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang duladulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan. DRAFT March 24, 2014 Halaw sa Project EASE Modyul 4, Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Griyego. 139 Gawain 11. Talahanayan, Punan Mo. Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens, buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan. Larangan Ambag Kahalagahan DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang epekto ng kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon? 2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan. 140 Gawain 12. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng sumusunod na teksto tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece. . Imperyong Macedonian Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman. Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 119-120 DRAFT March 24, 2014 Larawan 1.5 Paglalarawan kay Alexander the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm ons/a/ac/BattleofIssus333BC-mosaicdetail1.jpg Gabay na Tanong 1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece? 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia? 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo? 141 GAWAIN 13: GREECE…SA ISANG TINGIN Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon. Politika Heograpiya Ekonomiya Sinaunang Kabihasnang Greece DRAFT March 24, 2014 Pilosopiya Sining at Arkitektura Agham at Teknolohiya Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 142 Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin. Suriin ang timeline ng kasaysayan ng Imperyong Roman. Magagamit itong gabay sa mga susunod na pagtalakay. 202 B.C.E. Natalo ng mga Romans si Hannibal 306 C.E. Naging emperador ng imperyo si Constantine 180 C.E. Nagtapos ang Pax Romana DRAFT March 24, 2014 750 B.C.E 250 B.C.E 500 B.C.E 509 B.C.E. Itinatag ang Roman Republic 264 B.C.E. Sumiklab ang Punic War 450 B.C.E Naging pundasyon ng batas ng mga Romans ang Twelve Tables 1 C.E. 476 C.E. Nagtapos ang imperyong Romano sa Kanluran 27 B.C.E Nagsimula ang Pax Romana sa pamumuno ni Augustus 45 B.C.E Naging diktador ng Rome si Julius Caezar 500 A.D. 250 C.E 284 C.E. Hinati ni Diocletian ang imperyong Rome Pigura 1.2 Timeline ng mga pangyayari sa Imperyong Rome. 143 Gawain 14. Magbasa at Matuto. Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng Rome. . Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome. Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon. DRAFT March 24, 2014 Mapa 1.4. Lokasyon ng Kabihasnang Rome Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ 144 Ang Simula ng Rome 3 1 Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa IndoEuropeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 B.C.E. DRAFT March 24, 2014 2 Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono. Paano nagsimula ang Rome? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ http://upload.wikime dia.org/wikipedia/co mmons/6/6a/Shewolf_suckles_Romul us_and_Remus.jpg 4 Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 126-127 145 Ang Republikang Romano Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul. Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician. Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi ng Republikang Romano. konsul- _________________ _______________________ _______________________ diktador- ________________ _______________________ _______________________ Patrician- _______________ _______________________ _______________________ DRAFT March 24, 2014 Plebeian- ______________ _______________________ _______________________ Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 127 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 92. 146 Tagumpay Patrician. ng Plebeian Laban sa Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan. May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapgasawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian? _________________________ _________________________ _________________________ _______________________ Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag _________________________ _________________________ _________________________ _______________________ DRAFT March 24, 2014 Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan _________________________ _________________________ _________________________ _______________________ Para sa karagdagang kaalaamn, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 127-128 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 92. 147 Paglaganap Rome ng Kapangyarihan ng Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunudsunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy. Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo. Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy. Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito- ang mga Carthagenian. Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome. ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ DRAFT March 24, 2014 Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 128. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 93 148 3 Digmaang Punic 2 Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean. Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily. Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. DRAFT March 24, 2014 Mapa 1.5 Lokasyon ng Digmaang Punic http://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/7/79/First_Punic _War_264_BC.png Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 94 1 Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon. Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat. 149 Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Unang Digmaang Punic (264241 B.C.E) Bagamat walang malakas na plota, dinaig ng Rome ang Carthage noong 241 B.C.E. Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo nito na maging magagaling na tagapagsagwan. Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia at Corsica Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome. Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog Frane kasama ng mahigit na 40, 000 sundalo. Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy. Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome saCannae noong 216 B.C.E. subalit hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang Rome nang hindi pa dumarating ang inaasahang puwersa na manggagaling sa Carthage. Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa upang Kinahinatnan Nanalo ang Rome laban sa Carthage. DRAFT March 24, 2014 Ikalawanag Digmaang Punic (218202 B.C.E) Natalo si Hannibal sa labanan sa Zama noong 202 B.C.E. Sa isang kasunduang pangkapayapaan noong 201 B.C.E, pumayag ang Carthage na siraon ang plota nito, isuko ang Spain, at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome 150 pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan. Ikatlong Digmaang Punic (149146 B.C.E) Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong Digmaang Punic. Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, isang pinuno at manunulat na Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya ang kasaganahan at luho ng pamumuhay rito. Batid niyang malakas ang Carthage at nananatili itong banta sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya sa isipan ng Senate at publiko na dapat wasakin ang Carthage. Nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod at ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin. Bakit mahalaga par pagkontrol sa Mediterra Ano ang dahilan ng p naganap na Digmaang Muling natalo ang Paano nakabuti sa R Carthage sa laban sa Carthage? digmaan. Kinuha ng Rome ang lahat ng pagaari ng Carthage sa Hilagang Africa Tagumpay sa Pagkatap pumunta sa sila Macedonia ay n ang Corinth at pangangasiwa n Mula 13 lupain. Sa pags ay nasakop ng n ang Mediterrane DRAFT March 24, 2014 Halaw sa Kasaysa nina Mateo et. a Kabihasnang Roman Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral. Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Roman. Pangunahin na rito ang kaalaman sa 151 Larawan 1.6 Ang labi ng Colloseum sa Rome. http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view /coliseum.jpg/92540006/coliseum.jpg DRAFT March 24, 2014 Batas Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. Inhenyeriya Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod. Panitikan Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy. Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman. Kabihasnang Roman Pananamit Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay Arkitektura Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. marunong na rin silang gumamit ng stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay 152bulwagan ang basilica, isang ng nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng DRAFT March 24, 2014 Gawain 15. Lagumin Mo. Panuto: Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan. Pangyayaring Nagdulot ng Paglakas ng Rome Patunay/ Paliwanag 153 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng Kabihasnang Rome? 2. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic? 3. Sa kabuuan, ilarawan ang pag-unlad at paglakas ng kabihasnang Rome. DRAFT March 24, 2014 Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Roman Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo. Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho. Ang yaman na pumasok sa Rome Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome bunsod ng paglawak ng kapangyarihan nito? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ________________________ Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang Roman? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Maihahalintulad ba ang mga 154 pangyayaring isinasaad sa teksto sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan? DRAFT March 24, 2014 Gawain 16. Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa mga pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag ng Imperyong Roman. Ang Banta ng Digmaang Sibil Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod: Pinuno/Taon Pangyayari Epekto Tiberius Nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa pamamagitan ng digmaan ay ipamamahagi upang magkaroon ng bukirin ang mahihirap. Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng mayayaman. 133 B.C.E Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang 155 mga ito sa pagkamkam ng higit pang maraming lupa. Gaius Gracchus Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang tungo sa 123 B.C.E pagbabago na sinimulan ng kanyang nakakatandang kapatid, subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sangGabay na Tanong: ayon sa kanyang mga Ano ang dahilan ng mga kaguluhang panukala.naganap sa Rome? Sinalakay si Gaius at ang kanyang 3,000 na tagasunod ng isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya naman ay nagpatiwakal. Ano ang ipinapahiwatig ng mga nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng mga patrician at plebeian? Ipaliwanag Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag. DRAFT March 24, 2014 Tunghayan mo sa mga sumusunod na teksto ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa Rome. Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 B.C.E. Bumalik kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla Si Julius Caesar Bilangang Diktador Batay sa bahaging ito ng noong 82 B.C.E. Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang agawan teksto, ano ang kahulugan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar Halaw sa Kasaysayan ngsa Daigdig, Batayang ngPanlipunan, Triumvirate? sa Rome. Karaniwang nauuwi digmaang sibil. Aklat sa Araling Ikatlong Mateo et. al.nipahina Noong Taon 60 nina B.C.E., binuo Julius133. Causa, _____________________ Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First _____________________ Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang _____________________ tao na nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang _____________________ kapangyarihang politikal at militar. Si Crassus ang _____________________ pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa _____________________ pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. _____________________ Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani _____________________ dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain. Si _____________________ Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa. 156 Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus. Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan. Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar. Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo. Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti. Bakit naging tanyag si Julius Caesar? Bakit siya tinawag na diktador sa kanyang pagbalik saRome? DRAFT March 24, 2014 Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius. Anu-ano ang mga pagbabagong ipinatupad niya sa Rome? Ano ang ipinapahiwatig ng kamatayan ni Julius Caesar? 157 Augustus: Unang Roman Emperor Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius. Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony. Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome. Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain. Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra. Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy. Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator. Noong 27 B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi Mula noon, si Octavian ay nakilala sa pangalan na ito. Sa wakas, pagkatapos ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon n g Imperyong Roman. DRAFT March 24, 2014 Sinu-sino ang bumuo sa Second Triumvirate? Bakit mahalaga ang pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium? Bakit tinawag na Augustus si Octavian? 158 o Limang Siglo ng Imperyo Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian. Gaano kalawak ang sakop ng Imperyong Roman? DRAFT March 24, 2014 Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 B.C.E. hanggang 180 C.E. Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Roman. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo. Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate. Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily. Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan. Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho. Ano ang Pax Romana? Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang Metamorphoses. Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan. Sinulat ni Tacitus ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar. Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang From the Founding of the City, ang kasaysayan ng Rome. Ano ang kahalagahan ng pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome? 159 Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng iba’tibang uri ng emperador. DRAFT March 24, 2014 Mula sa Dinastiyang Julio-Claudian Pinuno Tiberius (14-37 C.E.) Nagawa Magaling na administrador si Tiberius bagama’t isang diktador. Caligula (37-41 C.E.) Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang siya ay isang gladiator. Claudius (41-54 C.E.) Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador. Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang ginagawa ito. Nero( 54-68 C.E.) Mula sa Dinastiyang Flavian Pinuno Nagawa Vespasian (69-79 C.E.) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na patakarang pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng 160 pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator. Ang Limang Mahuhusay na Emperador Pinuno Nagawa DRAFT March 24, 2014 Nerva (96-98 C.E.) Trajan C.E.) Hadrian( C.E.) Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila. (98-117 Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan. 117-138 Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga hangganan at lalawigan ng imperyo. Antoninus Pius Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa (138-161 C.E.) mga Kristiyano. Marcus Aurelius Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod niya ang pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito (161-180 C.E.) ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will). Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pagpapanatili ng isang imperyo? Hango ang teksto sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 134-137. 161 Gawain 17. Rome… Sa Isang Tingin Panuto: Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas at paghina ng hirap sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart. DRAFT March 24, 2014 Sanhi Bunga Naging malakas na imperyo ang Rome sa Mediterranean. Humina at bumagsak ang Roman. unti-unting imperyong Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Roman ? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________ 162 Gawain 18. Pagsulat ng Sanaysay. Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa daigdig. Gawain 19: I-R-F CHART Panuto: Isulat sa bahaging “revised” ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon. DRAFT March 24, 2014 FINAL REVISED Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? INITIAL BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 1. Upang mapalalim pang lalo ang iyong kaalaman tungkol sa Panahong Klasikal sa Europe, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na bahagi ng modyul na ito. 163 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa mga impluwensiya ng Kabihasnang Klasikal sa Europe tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. DRAFT March 24, 2014 Gawain 20. E-Postcard Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard. Larawan Impormasyon Kahalagahan sa kasalukuyan. Gawain 21. I-R-F Chart Panuto: Muling sagutin ang tanong sa kahon. Isulat sa bahaging “final” ang iyong sagot. 164 FINAL Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? DRAFT March 24, 2014 REVISED INITIAL BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa araling ito. p Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan pagsibol, pagunlad at pagbagsak ng mga klasikal na Kabihasnan sa Europe. Ang mga aral na iyong natutunan mula sa araling ito ay magagamit mo upang maunawaan ang mga susunod na aralin at sa kabuuan ay pag-unawa sa mga pangyayari sa Kasaysayan ng Daigdig at ang kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan. Magagamit mo ang mga aral ng kasaysayan ng mga Klasikal na Kabihasnang European sa susunod na aralin. Magsisilbi rin itong gabay upang maunawaan mo at masuri ang kahalagahan ng kasaysayan ng daigdig sa kasalukuyan. 165 DRAFT March 24, 2014 166 ARALIN2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Ano-ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang mga salitang America, Ang Africa? At ang mga Pulo sa Pacific? Ano-ano na ang alam mo tungkol sa mga lugar na ito? Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang naitatag sa mga kontinenteng ito. Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan. DRAFT March 24, 2014 167 ALAMIN Natutuhan mo sa nakaraang aralin tungkol sa pagkakatatag at mga kontribusyon ng Kabihasnang Greek at Roman sa mundo. Tatalakayin naman sa susunod na aralin ang pagkakatatag ng mga kabihasnan at imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Bilang panimula, sagutin ang mga gawain sa bahaging Alamin. Gawain 1. ImbestigaSaysayan Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. DRAFT March 24, 2014 1 Ilarawan ang disenyo 2 3 Bakit ipinagawa? Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa? http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg 1 2 3 Ilarawan ang disenyo Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa? Bakit ipinagawa? http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg 168 Gawain 2.Ang Aking Paglalakbay.Simulan mo ang iyong paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Isulat mo sa bahaging “Simula” ang iyong sagot. Samantala, ang bahagi ng “Kalagitnaan” at “Katapusan” ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling ito. Katapusan Kalagitnaan Simula Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan? DRAFT March 24, 2014 BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin. Sa pamamagitan ng pagtutupad sa iba’t ibang gawain sa modyul na ito, higit na madaragdagan ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa. 169 PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang maiisa-isa mo ang mga kontribusyon at impluwensiya ng kabihasnang Klasikal ng America, Africa, at mga Pulo sa Pacific sa daigdig. Inaasahan ring masusuri mo ang kahalagahan ng mga kontribusyong ito sa kasalukuyang panahon. Sikaping suriin ang nilalaman ng bahaging ito ng aralin at sagutin ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman sa paksa. Simulan na! Gawain 3.Sulyap sa Nakaraan.Suriin ang timeline tungkol sa pagkakatatag ng iba’t ibang kabihasnan sa daigdig mula 3000 B.C.E. hanggang 500 C.E. Pagkatapos na masuri, sagutin ang mga tanong sa ibaba. DRAFT March 24, 2014 Ang mga pangyayari na makikita sa timeline ay natalakay na sa mga nakaraaang aralin. Makikita dito ang pag-unlad ng kabihasnan sa iba’t ibang lugar sa daigdig mula 3000 B.C.E. hanggang 500 C.E. Gabay na tanong: 1. Kailan umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Africa, China at India? 2. Anong mga lungsod ang naitatag sa Kanlurang Asya noong 3000 B.C.E.? 3. Batay sa timeline, alin ang mas naunang umunlad, ang kabihasnan sa Mediterranean o sa America? Ipaliwanag. 4. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa daigdig? Kung ito ang nagaganap sa mga nabanggit na bansa at kontinente, paano naman kaya namuhay ang mga tao sa kontinente ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific? 170 Pigura 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 B.C.E. – 500 C.E.) 3000 B.C.E. Mesopotamia at Persia - Pag-unlad ng agrikultura - Pag-usbong ng Sumer - Naimbento ang Cuneiform at paggamit ng gulong Egypt Africa - Pag-unlad ng agrikultura Paggawa ng palayok - Naimbento ang Hieroglyphics Mga guhit sa bato sa gitnang Sahara na nagpapakita ng tao Mediterranean Lands of Europe Pagtayo ng mga batong monument sa Malta Northern Europe Pagtayo ng mga batong monumento sa hilaga at timog Europe Western Asia India Mga unang magsasaka. China Mga unang magsasaka Mga unang siyudad ng Jericho at Catal Huyuk DRAFT March 24, 2014 OLD KINGDOM 2500 B.C.E. Pamumuno ni Sargon g Akkad Pagtatayo ng mga pyramid 2000 B.C.E. - Pag-usbong ng Babylon - Pamumuno ni Haring Hammurabi - Pag-usbong ng Assyria - MIDDLE KINGDOM - Pananakop ng Nubia - Pananakop ng Hyksos 1500 B.C.E. Ang pamumuno ng Mitanni sa hilagang Mesopotamia - NEW KINGDOM - Pamumuno ng mga warriorpharaoh - Queen Hatshepsut SINAUNANG PANAHON NG MINOAN sa Crete Pag-usbong ng kabihasnang Indus GITNANG PANAHON NG MINOAN Pagtatag ng Stonehenge HULING PANAHON NG MINOAN Paggawa ng kagamitang bronze Paglakas ng Mycenean Pagbagsak ng Crete Pagwasak sa Knossos America Pagdating ng mga Assyrian upang makipagkalakalan Pagtatag sa siyudad ng Mohenjo-Daro at Harappa Pagdating ng mga Hittites sa Anatolia Pagbasak ng kabihasnan sa Indus Pagtatanim ng Maize Pagdating ng mga dayuhang Aryan Paglakas ng Imperyong HITTITE - Pag-unlad ng Sistemang Caste - Pag-unlad ng relihiyong Hinduismo SHANG DYNASTY Naimbento ang sistema ng pagsulat 171 1000 B.C.E. 500 B.C.E. Pag-usbong at pagbagsak ng Imperyong Assyria -Tutankhamun Unti-unting pagbagsak ng kabihasnan Pananakop ng Assyrian at Kushite Pagsimula ng Kaharian ng Kush Pagtatag ng Carthage - Pagbagsak ng Mycenean -Pagdating ng mga Dorian sa Greece - DARK AGES sa Greece - Ang mga Etruscan sa Hilagang Italy - Ang pagtatag ng - Rome 753 B.C.E. - Pag-unlad ng mga lungsodestado sa Greece - Digmaang Persian sa pagitan ng Greeks a Persians - Pagiging makapangyarihan ng lungsod-estado ng Athens - Digmaang Peloponnesian - Pamumuno ni Alexander the Great Pag-usbong ng Rome Pandarayuhan ng mga Celts sa iba’t ibang bahagi ng Europe Pagdating ng mga Israelite sa Canaan Pamumuno nina Haring David at Haring Solomon sa Israel - Pagsulat ng Vedas (religious writings) DINASITIYANG CHOU DRAFT March 24, 2014 Ang PERSIAN EMPIRE sa kaniyang kalakasan Pananakop ni Alexander the Great kung saan naisama ang sa kaniyang teritoryo ang Persian Empire - Pananakop ng Imperyong Persia, pananakop ni Alexander the Great - Pamumuno ng mga Ptolemies - Pamumuno ni Cleopatra - Pananakop ng Imperyong Roman Digmaang Punic sa Pagitan ng Carthage at Rome Natalo at nasakop ng Carthage ang teritoryo ng Imperyong Rome sa Hilagang Africa Pananakop ng mga Roman sa malaking bahagi ng Hilagang Europe Ang pagusbong ng mga Olmec sa Mexico - Isinilang si Gautama (Buddha) Isinilang si Confucius Paglunsad ng tangkang pananakop ni Alexander sa India - Panahon ng warring states - Pag-iisa ng China sa ilalim ni Shih Huang Ti - Itinayo ang Great Wall - CHI’IN DYNASTY - HAN DYNASTY Pananakop ni Alexander the Great sa Eastern Mediterranean Pananakop ng mga Roman Pag-usbong ng mga Maya Naimbento ang papel 172 Gawain 4.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Maya. Mga Kabihasnan sa Mesoamerica Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. DRAFT March 24, 2014 Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America. Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.) Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E. 173 Mapa. 2.1 Lokasyon ng Kabihasnang Maya 1. Ano-anong lungsod ang makikita sa timog na bahagi ng Yucatan Peninsula? 2. Paano nakipagkalakalan ang mga Maya sa iba pang bahagi ng Mesoamerica? Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian pamamahala. sa Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach uinic o “tunay na DRAFT March 24, 2014 lalaki” ang mga pamayanang urban na sentro kanilang rin pagsamba ng sa kanilang mga diyos. Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid. . Sa larangan kabilang sa pangkalakal ng ekonomiya, mga ay produktong mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. 174 Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito. Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450. DRAFT March 24, 2014 Kasingtulad ng pyramid ang estrukturang ito. Subalit, mapapansin, na ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay. Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent” Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang hagdan. Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan Ang pyramid na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika. 175 Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak. Paglakas Tapat ang mga nasasakupan sa pinuno. Siya ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon. Pamahalaan at Relihiyon Napag-isa ang mga mamamayan dahil sa iisang paniniwala. Paghina Palagiang nakikipagdigma ang mga pinuno at kaniyang nasasakupan upang makahuli ng mga alipin na iaalay sa kanilang mga diyos. Nagbunga ito ng pagkaubos ng yaman ng mga lungsodestado. DRAFT March 24, 2014 Paglakas May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto. Ekonomiya at Kabuhayan Paghina Paglakas Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya. Mga LungsodEstado Pagkawala ng sustansya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain. Paghina Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsodestado. Pigura. 2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan. Gabay na Tanong 1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim? 176 Gawain 5.Ipaliwanag Mo.Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng impormasyon ang dayagram. Pamahalaan Relihiyon Ang mga Mayan ay may mataas na antas ng kabihasnan Ekonomiya Arkitektura DRAFT March 24, 2014 Napatunayan ko na may mataas na kabihasnan ang mga Mayan dahil ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________. Gawain 6.Exit Card.Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Naunawaan ko sa nakaraang aralin na ______________________________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________. Ang mga bahagi ng aralin na hindi ko gaanong naintidihan ay _______________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Ilan sa aking tanong ay: _____________________________________________ ______________________________________________________________________. Ang pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Kabihasnang Maya ay nagdulot ng GAWAIN 7.INFOCOLLAGE.Paunlarin angbahagi iyongng kaalaman at pag-unawa paglaho ng kanilang kapangyarihan sa timog na Mesoamerica. Sa panahong ito, tungkol sa Kabihasnang Aztec sa pamamagitan ng pagsusuri sa sumusunod nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamamayan na impormasyon. rito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica – ang Imperyong Aztec. 177 Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica. Gawain 7.Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang mga teksto tungkol sa Kabihasnang Aztec. Kabihasnang Aztec (1200 – 1521) DRAFT March 24, 2014 Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico. Mapa 2.2 Sakop ng Kabihasnang Aztec Gabay na Tanong: 1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang ito ay maging sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang panahon? Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan. 178 Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec. 1 Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden. DRAFT March 24, 2014 2 Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy. 4 Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at gansa. 3 Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-loob ialay ang sarili. 179 Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsodestado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico. Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. ang malawakang Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan DRAFT March 24, 2014 din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan. 180 Mga Milyon 1.5 1.4 Makikita sa pahinang ito 1.3 anggraph ng populasyon ng mga Aztec. 1.2 pagbaba ng populasyon ay dulot 1.1 Daang Libo ng epidemya bulutong, 1 Populasyon Ang biglaang ng pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, 9 at pagsasamantala. 8 kabuuan, 7 naubos SSa tinatayang ang mula 85 hanggang 95 bahagdan ng 6 kabuuang katutubong DRAFT March 24, 2014 populasyon 5 Mesoamerica 4 ng sa lamang ng 160 taon. 3 2 1 1500 1520 1540 1560 1580 1600 1620 1640 1660 1680 1700 Taon Pigura 2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito.Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan. 181 loob Gawain 8.Daloy ng mga Pangyayari. Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak ng Imperyong Aztec. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec? 2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop? 3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsodestado? Gawain 9.Pagsulat ng Sanaysay.Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica. Gamiting gabay ang sumusunod: 1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng Mesoamerica sa pag-usbong ng mga Kabihasnang Maya at Aztec? 2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang dalawang kabihasnan? 3. Ano-ano ang kanilang mga kontribusyon at bakit ito mahalaga? 182 4. Magbigay ng kongklusyong magpapatunay na ang nabanggit na kabihasnan ay maituturing na Kabihasnang Klasikal. Gawain 10.Pagsusuri sa Aking Natutuhan. Punan ng angkop na impormasyon ang kasunod na chart batay sa paksang tinalakay. Ang aking mga natutuhan sa araling ito ay ______________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ Madali kong naisakatuparan ang mga gawain tulad ng ______________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ DRAFT March 24, 2014 Ang aking mga tanong sa araling ito ay _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ Nahirapan ako na mapagtagumpayan ang mga gawain tulad ng _________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at katangian ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at kapangyarihan ng dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain partikular na ang Aztec. Isa pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang naging makapangyarihan sa America. Ito ang Kabihasnang Inca na lumaganap sa South America. 183 Gawain 11. Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Inca. HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy kagubatan. sa mayayabong na Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes DRAFT March 24, 2014 Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. indikasyon ng pagsasaka May mga gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E. Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang Andes Mapa. 2.3 Sakop ng Kabihasnang Inca. ang naging sentrong panrelihiyon. Gabay na Tanong 1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Imperyong Inca? mga pamayanang ito ay umusbong sa 2. Paano nakatulong ang mahabang kalsada na ipinatayo ng mga Inca upang mapatatag ang kanilang imperyo? 3. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na sistema ng transportasyon? Ang kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo. 184 Kabihasnang Inca (1200-1521) Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, Gabay na Tanong DRAFT March 24, 2014 at Argentina. Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang 1. Ano ang ibig sabihin ng Inca? 2. Sino si Pachakuti? sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador. Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca. BATAYAN Pinagmulan - nagmula sa maliliit na pamayanang agrikultural Paniniwala - pagsamba sa araw bilang diyos Inhinyera - mahusay sa paggawa ng kalsada, templo, at iba pang gusali AZTEC INCA PATUNAY Parehas na umunlad ang dalawang imperyo mula sa matagumpay na pagtatanim. Huitzilopochtli – diyos ng araw ng mga Aztec Inti – diyos ng araw ng mga Incan Pyramid of the Sun – ginawa ng mga Aztec Mahaba at batong kalsada – ginawa ng mga Incan 185 Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan. Siya ang namuno sa mga Espanyolsa pananakop sa Imperyong Inca. Gabay na Tanong 1.May pagkakatulad ba ang mga Pilipino at mga Inca? Patunayan. 2. Paano siya natutulad kay Miguel Lopez de Legazpi sa kasaysayan ng Pilipinas? DRAFT March 24, 2014 Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo. Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang pinakadakilang imperyo sa Andes. 186 Gawain 12.Sino Sila?Tukuyin ang mga nagawa ng sumusunod napinuno ng Kabihasnang Inca. Pachakuti Topa Yupanqui Huayna Capac Ano ang nagawa? Ano ang nagawa? Ano ang nagawa? Kahalagahan ng nagawa: Kahalagahan ng nagawa: Kahalagahan ng nagawa: GAWAIN 13.Puno ng Kaalaman.Isulat sa loob ng dahon ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Inca. DRAFT March 24, 2014 Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Imperyong Inca 187 Gawain 14.MAPAsuri.Suriin ang mapa ng Mesoamerica at South America. Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong. 1. Saang bansa sa kasalukuyan makikita ang mga Kabihasnang Klasikal sa Mesoamerica at South America? 2. Ano-ano ang anyong-tubig na nasa paligid ng mga nabanggit na rehiyon? 3. Paano nakaapekto ang heograpiya sa pagtatag ng mga Kabihasnang Klasikal ng Aztec, Inca, at Maya? 4. Sa iyong palagay, alin sa dalawang salik ang higit na nakaimpluwensiya sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa Mesoamerica at South America, ang mga tao ba o ang heograpiya? Ipaliwanag. DRAFT March 24, 2014 Mapa 2.4 Ang Mesoamerica at South America Gawain 15.KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan).Punan ng tamang sagot ang chart. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag tungkol sa pamamagitan ng pagdudugtong ng impormasyon sa pahayag na nasa ibaba. PAMAHALAAN EKONOMIYA RELIHIYON KONTRIBUSYON MAYA AZTEC INCA Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Maya, Aztec, at Inca dahil _______________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________. 188 Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa America. Gawain 16.Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga Kaharian at Imperyong naitatag sa Africa. Mga Kaharian at Imperyo sa Africa DRAFT March 24, 2014 Sa kasalukuyan, higit ang iyong kaalaman sa kontinente ng America subalit limitado lamang ang mga Pulo sa Pacific. Samantala, kadalasan ay hindi maganda ang iyong impresyon sa kontinente ng Africa. Maging sa sinaunang kasaysayan ng daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific. Maliban sa kaharian ng Egypt, hindi na natatalakay pa ang ibang sentro ng kabihasnan sa Africa. Samantala, halos walang pagbanggit naman sa mga pulo sa Pacific. Tunghayan sa araling ito ang mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito noong sinaunang panahon. Heograpiya ng Africa Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng Gabay na Tanong Bakit tinawag na dark continent ang Africa? ito hanggang noong ika-19 na siglo. 189 Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. hangganan ng rainforest Sa ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng DRAFT March 24, 2014 Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon Sahara, ng Sudan ang pinakamalawak Mapa 2.5 Katangiang Heograpikal ng Africa makikita ang pinakamalaki at na sa disyerto daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa Gabay na Tanong 1. Ano-anong uri ng vegetation at anyong-lupa ang makikita sa kontinente ng Africa? 2. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara? 3. Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong ng mga Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa. 190 Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African. Ang Kalakalang Trans-Sahara Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang TransSahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang TransSahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay. Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan. DRAFT March 24, 2014 http://northafrica nhistory.wikispac es.com/file/view/ timbuktu.jpg/112 619921/timbuktu .jpg Mapa 2.6 Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara Gabay na Tanong 1. Saang bahagi ng Africa makikita ang lupain ng mga Carthage? 2. Ano ang ibig sabihin ng caravan? 3. Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa? 4. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa? 191 Morocco Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa Berber Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa DRAFT March 24, 2014 Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Sudan at Hilagang Africa Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga Pigura 2.4 Kalakalan ng mga Berber at African aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa. Gabay na Tanong 1. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa? 2. Bukod sa pag-unlad ng kabuhayan, anong aspeto ng pamumuhay ng mga African ang naimpluwensiyahan ng mga Berber? 192 Gawain 17.MAPAghanap. Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga anyong-lupa, anyong tubig, at vegetation sa Africa. Tukuyin kung saang bahagi ng Africa matatagpuan ang mga ito sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa tiyak na lugar. Rainforest Savanna DRAFT March 24, 2014 Disyerto Oasis Pamprosesong Tanong 1. Alin sa mga nabanggit navegetation ang may pinakamalawak na saklaw? 2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at Sudan? 3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit? 193 Gawain 18.Magbasa at Matuto.Basahin at unawain ang teksto tungkol iba pang Kabihasnan sa Africa. Mga Kabihasnan sa Africa Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia. Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara. Kapwa nasa DRAFT March 24, 2014 Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito. Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai. 350 C.E. Namayani ang Kaharian ng Axum sa Silangang Africa 700 dantaon Naging makapangyarihan ang Imperyo ng Ghana sa Kanlurang Africa 1240 Naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang Imperyong Ghana 1335 Nagsimulang mamuno ang dinastiyang Sunni na siyang nagpalawak sa teritoryo ng Imperyong Songhai Pigura 2.5. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa. 194 Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa DRAFT March 24, 2014 Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E. Mapa Bilang 2.7. Ruta ng Kalakalang Axum Gabay na Tanong 1. Anong mga anyong-tubig ang dinaanan ng mga Axum sa pakikipagkalakalan? 2. Saang mga kontinte nakipagkalakalan ang mga Axum? 3. Paano ito natutulad at naiiba sa kalakalang TransSahara? Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa, nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai. 195 Ang Imperyong Ghana Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan DRAFT March 24, 2014 kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon. Ginamit ang mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga grupong mahina ang mga sandata. Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana Naging maunlad dahil naging sentro ng kalakalan sa Kanlurang Africa Bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo Ang mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito Gabay na Tanong 1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng Imperyong Ghana? 2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang pamumuhay? 196 ANG IMPERYONG MALI Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan Imperyong Ghana. ang kapangyarihan ng Mga Namuno sa Imperyong Mali Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, Sundiata Keita pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong DRAFT March 24, 2014 Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Mansa Musa Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook- dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Gabay na Tanong 1. Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa Imperyong Ghana? 2. Bakit naging tanyag si Mansa Musa? Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya. 197 Ang Imperyong Songhai Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito. Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. DRAFT March 24, 2014 Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga kawani sa pamahalaan. 198 Ghana Ipinag-utos ni haring AlBakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan. Sa ganitong paraan, napanatili ang mataas na halaga ng ginto. Gabay na Tanong 1. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai? 2. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African? asin Ghana, Mali at Songhai Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin. DRAFT March 24, 2014 Pag-isipan! Iugnay angLaw of Supply and Demand sa ipinalabas na kautusan ni haring Al-Bakri. ginto asin Mali Nagsilbing sentro ng kalakalan ang Timbuktu. Bukod dito, lumaganap rin ang relihiyong Islam at tumaas ang antas ng kaalaman dulot ng impluwensiya ng mga iskolar na Muslim. Ang Sankore Mosque ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1325. Pigura 2.6 Infographic tungkol sa Imperyong Ghana, Mali at Songhai ginto Sa panahong ito,ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain. 199 Gawain 19.History Makers.Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa. PINUNO Al-Bakri SundiataKeita Mansa Musa Dia Kossoi Sunni Ali IMPERYONG PINAMUNUAN MAHALAGANG NAGAWA GAWAIN 20.Triple Venn Diagram. Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn Diagram ang sagot. DRAFT March 24, 2014 Ghana Mali Songhai GAWAIN 21.KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan). Punan ng tamang sagot ang talahanayan.Isulat ito sa loob ng angkop na kolum. Dugtungan ang kasunod na pangungusap na nasa loob ng kahon. IMPERYO GHANA MALI SONGHAI KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN Maituturing na Kabihasnang Klasikal ang naitatag ng mga Imperyong Ghana, Mali, at Songhai dahil __________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________. 200 Bunga ng pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo, nabuo ang pagkakilanlan ng kasalukuyang kontinente ng America at Africa. Samantala, sa mga Pulo ng Pacific, nagsimula na ring makilala ang mga Austronesean. Tunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang kanilang nabuong kabihasnan. Gawain 22: Magbasa at Matuto. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific MIGRASYONG AUSTRONESIAN Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig. DRAFT March 24, 2014 Mapa 2.8. Migrasyon ng mga Austronesian. Gabay na Tanong 1. Magbigay ng ilang sa kasalukuyan na pinanirahan ng mga Austronesian. 2.Bakit nandayuhan ang mga Austronesian sa mga pulo sa Pacific. http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga Austronesian. Sa hangaring makahanap ng mga bagong teritoryo na masasaka, umalis sila ng China at nandayuhan simula noong 4000 B.C.E. Tumungo sila sa mga lugar na kilala ngayon bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Noong 2000 B.C.E., may mga Austronesian na tumungo pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, may mga tumungo pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng Pacific. 201 . Unang narating ng mga Austronesian ang New Guinea, Australia, at Tasmania. Noong 1,000 B.C.E., nanahan ang mga Austronesian sa Vanuatu, Fiji, at Tahiti. Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang nasa mga pulo ng Hawaii sila noong 100 B.C.E. Pinakamalayo nilang naabot ang Easter Island, isang pulo sa Pacific na bahagi na ng South America. Sa pag-aaral ng kabihasnan ng mga pulo sa Pacific, mahalagang tunghayan ang lipunan ng mga tao rito bago dumating ang mga Kanluranin. Ang lipunan at kulturang ito ay Austronesian. DRAFT March 24, 2014 Ang mga Pulo sa Pacific Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito. POLYNESIA – maraming isla poly – marami nesia - isla MICRONESIA – maliliit na mga isla micro – maliit nesia - isla MELANESIA – maiitim ang mga tao dito mela– maitim nesia - isla Mapa 2.9 Ang mga isla na bumubuo sa Pacifi. http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg 202 Polynesia Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang DRAFT March 24, 2014 sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay. Gabay na Tanong 1. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia? 2. Ano ang ibig sabihin ng mana? 203 May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay Gabay na Tanong Ano-ano ang mga paraan upang mapangalagaan ang mana? dapat nakabukod. Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na DRAFT March 24, 2014 parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu. Micronesia Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Micronesian. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap. 204 Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng kalakal ang matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral atolls). Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang gamot at pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan. Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga DRAFT March 24, 2014 rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani. Melanesia Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan. 205 Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka. Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan. Laganap din sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala sa mana. DRAFT March 24, 2014 May sariling katangian at kakanyahan ang mga isla sa Pacific. Nakabatay ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang isla at kontinente. Bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag at kasingyaman ng mga kabihasnan at imperyo sa America at Africa, nakaimpluwensiya rin ito sa mga mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa mga karatig bansa nito sa Timogsilangang Asya sa kasalukuyan. Gawain 23.Pagsagot saChart.Punan ng impormasyon ang talahanayan. Isla Polynesia Micronesia Melanesia Kahulugan ng Pangalan Kabuhayan Relihiyon Gawain 24.Anong Konek?Makibahagi sa iyong pangkat. Magsaliksik tungkol sa kultura ng mga taga-Pacific Islands at ihambing ito sa kulturang Pilipino. Iulat ang inyong nasaliksik sa klase. 206 Gawain 25. Ang AkingPaglalakbay.Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Kalagitnaan”. Katapusan Kalagitnaan Simula DRAFT March 24, 2014 Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan? BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2. Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga kabihasnang klasikal sa mga Pulo sa Pacific, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito. 207 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Tinalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa Panahong Klasikal sa Europe, America, at mga Pulo sa Pacific. Nagkaroon ka rin ng malawak na kaalaman tungkol sa iba’t ibang kontribusyon ng mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig. Ngayon naman ay kritikal mong masusuri ang impluwensiya ng mga nabanggit na kabihasnan sa daigdig. . Gawain 26.AdBakit?Makibahagi sa iyong pangkat. Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal na nakatalaga sa iyong pangkat. Gumawa ng dalawang pahinang pamphlet na nagsusulong ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa kasalukuyan. Sundin ang formatsa ibaba. DRAFT March 24, 2014 Front Page Larawan ng Kontribusyon First Page Second Page Ipaliwanag ang kahalagahan ng kontribusyon sa kasalukuyang panahon sa: Daigdig Pilipinas Sumulat ng maikling pahayag na naglalaman ng inyong adbokasiya upang mapangalagaan ang kontribusyon na inyong napili 208 Gawain27.Ang Aking Paglalakbay. Sa pagkakataong ito, isulat mo ang iyong sagot sa bahagi ng “Katapusan”. Katapusan Kalagitnaan Simula Paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan? DRAFT March 24, 2014 BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain para sa Aralin 2. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga kontribusyon at impluwensiya ng mga Kabihasnang Klasikal sa America at Africa at sa kultura ng mga mamamayan sa Pacific Islands. Handa ka na para sa susunod na aralin. 209 ARALIN 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon -Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between chaos and shape there was another chance.” Nangangahulugan ito na ang bawat kaguluhan at pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil pagkakataon para bumangon, pagkakataon para muling umunlad.Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon? Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Transisyunal na Panahon.Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng mga pangyayaring ito sa paggpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan? Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Transisyunal na Panahon sa paghubog at pagbuo ng pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon sa daigdig?Halina’t iyo itong tuklasin. DRAFT March 24, 2014 ALAMIN Matapos talakayin ang mga kabihasnang klasikal na nabuo sa daigdig, bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang kalagayan ng mundo sa Panahon ng Transisyon. Pagtutuunan sa araling ito ang mga kaganapan sa kasaysayan na nakasentro sa Europe- mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Ano nga ba ang epekto ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kaalaman? Subalit, bago mo tuluyang alamin ito, gawin mo muna ang sumusunod upang malaman ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? 210 Gawain 1.Photo-Suri Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong matapos masuri ang larawan. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? 2. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga tagpong nasa larawan? 3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng iyong nakikita sa larawan? Patunayan. Gawain 2.A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide) Panuto: Marahil ay nasasabik ka nang pag-aralan ang susunod na aralin. Upang mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, isagawa ang susunod na gawain. Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang taalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag at HSA namn kung hindi. 211 Bago ang Talakayan PAHAYAG 1. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano at pananalasa ng iba’t ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval. 2. Si Charlemagne o “Charles the Great” ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman. 3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang simbahan. Naging mahalaga ang papel ng “Kapapahan” o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyrihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko. 4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig. 5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan. 6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan. 7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan. Matapos ang Talakayan DRAFT March 24, 2014 212 8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao. 9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan. 10. Ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon. BINABATI KITA! Sa puntong ito ay natapos mo na ang bahagi ng Alamin. DRAFT March 24, 2014 Natititiyak kong nais mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul. Sa iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating kaalaman sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa Modyul na ito. PAUNLARIN Sa bahaging ito ay inaasahan na matututuhan mo ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Sagutin ang mga gawain upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? 213 GAWAIN 3. Daloy Ng Kasaysayan Tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 2 ang pagkakatatag ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Sa pagdaan ng panahon, ang dating matayog at makapangyarihang imperyong Romano ay unti-unting humina at tuluyang bumagsak. Makikita sa diagram ang mga salik ng pagbagsak ng Imperyong Romano. Panuto: Suriin ang diagram at sagutin ang kasunod na mga tanong. Paglubha ng Krisis Pangkabuhayan Paghina ng Hukbong Romano Pagkawala ng Katuturan ng Pagkamama -mayang Romano Pagbaba ng Moralidad ng mga Romano PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMANO Kakulangan ng mga Tapat at may Kakayahan g Pinuno DRAFT March 24, 2014 Pagsalakay ng mga Barbaro Diagram Blg. 3.1. Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman. Halaw mula sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 137-139 Pamprosesong Tanong 1. Mula sa mga nabanggit na salik sa diagram, ano sa tingin mo ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Bigyang katuwiran ang iyong sagot. 2. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagbagsak ng Imperyong Roman sa kabuuan ng Europe? 214 Suriin ang diagram tungkol sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon Ang Holy Roman Empire Ang Paglunsad ng mga Krusada Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo, Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod) Diagram Blg. 3.2 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Panahong Medieval sa Europe http://mrgrayhistory.wikispaces.com/file/view/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg/244152229/293x372/L_Middle_Ages_-_Pope_Apology.jpg http://images2.wikia.nocookie.net/__cb20101006230145/deadliestfiction/images/b/b1/Charlemagne.jpg http://ts2.mm.bing.net/th?id=H.4513801360115517&pid=15.1 http://crabberworldhistory.wikispaces.com/file/view/high_middle_agesjpg/180280913/high_middle_ages.jpg Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang institusyon noong Panahong Medieval. 215 Gawain 4.Magbasa at Matuto Panuto: Bilang panimula sa pagtalakay ng paksa, basahin at unawain ang teksto tungkol sa mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Pope sa Europe. Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan. Pagbagsak ng Imperyong Roman.Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo. Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagkaKristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari. DRAFT March 24, 2014 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang AKlat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al. pahina 141-144 Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano? ________________________________________ ________________________________________ Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano? 216 ________________________________________ ________________________________________ Matatag Organisasyon at ng Mabisang Simbahan. Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya. Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan. Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya. Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa. Ilarawan ang tungkulin ng sumusunod: Pari- _____________________________ _________________________________ _________________________________ DRAFT March 24, 2014 Obispo- __________________________ _________________________________ _________________________________ Arsobispo- ________________________ _________________________________ _________________________________ Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon. 217 Uri ng Pamumuno sa Simbahan Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan. Paraan ng Pamumuno Pinuno/ Papa Constantine the Great Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag. Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano. DRAFT March 24, 2014 Papa Leo the Great (440-461) http://upload.wikimedi a.org/wikipedia/comm ons/5/5b/Pope_St._L eo_IV.jpg Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang sa panahong ito. 218 Papa Gregory I http://upload.wikimedi a.org/wikipedia/comm ons/9/97/Francisco_d e_Zurbar%C3%A1n_ 040.jpg Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe. Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at Germany. DRAFT March 24, 2014 Papa Gregory VII http://hist2615.wikispa ces.com/file/view/Gre gory_VII1.jpg/251843136/174 x220/Gregory_VII1.jpg Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon? Ipaliwanag _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _______________________ Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan. 219 Pamumuno ng mga Monghe Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome. DRAFT March 24, 2014 Mga Gawain ng mga Monghe. Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng simbahan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo? ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Halaw sa “Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al, pahina 141-144 220 Gawain 5.Diagram ng Aking Natutuhan Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot. Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan. 2. Bakit madaling nahikayat ng simbahan ang mga grupong barbaro na yakapin ang Katolisismo? 3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng simbahan sa kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag. 221 Gawain 6.3-2-1 Chart Panuto:Punan ang chart ng hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang teksto. Konspeto o Kaalaman na Aking Natutuhan 1. __________________________________________ __________________________________________ 3 2. _________________________________________ _________________________________________ 3. _________________________________________ _________________________________________ Konsepto o Kaalaman na hindi ko gaanong naunawaan 1. __________________________________________ _________________________________________ DRAFT March 24, 2014 2 1 2. _________________________________________ _________________________________________ Tanong na nais ko pang mabigyan ng linaw 1. _________________________________________ _________________________________________ 222 Gawain 7: Sa Madaling Salita Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Bukod sa paglakas ng impluwensiya ng simbahang Katoliko, isa sa mahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”. Sino nga ba si Charlemagne? Bakit tinawag na Holy Roman Empire ang imperyo? Ano ang kontribusyon ng imperyong ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan? 223 Gawain 8.Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay- daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”. Ang Holy Roman Empire Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano. Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval. Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo. 481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano 496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak 687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo DRAFT March 24, 2014 Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon)nina Vivar et. al. pahina 140-141 Para sa karagdagang kaalaman basahin ang “Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 173-175 Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho. 224 Gawain 9: Paggawa ng Timeline Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ang timeline ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire. Pinag-isa ni Clovis ang mga tribong Franks at sinalakay ang mga Romano. 481 500 600 700 800 Pamprosesong Tanong 1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag ng Holy Roman Empire? 2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne? 3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”? 4. Sa kasalukyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at simbahan? Patunayan. DRAFT March 24, 2014 225 Gawain 10.Sa Madaling Salita Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikalawang kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang Katoliko sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval? Paano nakatulong ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko. Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao sa Europa, subalit nang bumagsak ang “Holy Roman Empire”, nawalan ng malakas na pinuno ang imperyo. Sa kabilang dako ay nagpapalawak din ng imperyo ang mga Muslim. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem.Bunsod nito, nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng mga Krusada. Alamin sa susunod na aralin ang mga sanhi at bunga ng paglulunsad ng mga Krusada. 226 Gawain 11.Magbasa at Matuto. Panuto:Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa Europe. ANG KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. DRAFT March 24, 2014 Unang Krusada Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim. Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus. Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria. Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada. 227 . Iba pang Krusada Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.Sa kabuuan, ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain. Mapa 3.1 Ruta ng ilan sa mga Krusada DRAFT March 24, 2014 Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 8 (“Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon) Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang “Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al, pahina 145-147 228 Gawain 12.History Frame Panuto: Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng History frame tungkol sa paksang napatakda s pangkat. Unang Pangkat; Pangyayari at Mga Tauhan Ikalawang Pangkat: Suliranin o Layunin Ikatlong Pangkat: Konteksto (Saan at Kailan) Ikaapat na Pangkat: Mahahalagang Pangyayari Ikalimang Pangkat: Kinalabasan/ Resulta History Frame: Pangyayari: Mga Pangunahing Tauhan: DRAFT March 24, 2014 Suliranin/ Layunin ng Pangyayari: Konteksto: Kinahinatnan/ Resulta: Mahahalagang Pangyayari: Aral na Natutunan: Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kahalagahan ng Krusada sa kasaysayan ng daigdig? 2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na Krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag 3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag. 229 Gawain 13.Lesson Closure Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata. Ang Krusada ay isang ____________________ na inilunsad ng mga Europeo sa panawagan ni ______________. Layunin nito na ______________________________________ __________________________________________________. Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ . Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na Krusada dahil _________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ DRAFT March 24, 2014 230 Gawain 14: Sa Madaling Salita Panuto: Mula sa naging talakayan tungkol sa paksa, sagutin ang tanong sa ikatlong kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Paano nakatulong ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval? DRAFT March 24, 2014 Paano nakatulong ang paglulunsad ng mga Krusada sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval? Tatalakayin naman sa bahaging ito ang tungkol sa Piyudalismo, Manorialismo, at ang Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod sa Europe noong Panahong Medieval. 231 Gawain 15.Comic-Suri Panuto:Suriin ang “comic strip” at sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Ako ang HARI, pagmamay-ari ko ang lahat ng lupain. Subalit ibinigay ko ang iba sa mga BARON. Ako ang BARON, dapat akong maging TAPAT sa HARI dahil ibinigay niya sa akin ang ilan sa kaniyang lupain. Dapat maging handa akong ipaglaban siya at magsanay ng mga KNIGHT. Ibinigay ko ang ilan sa aking lupain sa aking mga KNIGHT. Ano-anong mga uring panlipunan ang makikita sa “Comic Strip”? __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ _____ Ano ang salitang nababanggit sa lahat ng bahagi ng “Comic Strip”? Ano ang ipinapahiwatig nito? __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ______ DRAFT March 24, 2014 Ako ang VILLEIN, ibinigay ng KNIGHT sa akin ang ilan sa kaniyang lupain upang mapagtaniman at paunlarin. Tungkulin kong magbayad ng buwis at pagkalooban siya ng regalo. Hindi ako maaaring umalis sa lupain na kaniyang nasasakupan nang walang pahintulot ng KNIGHT. Sa iyong palagay, anong Sistema ang umiiral na ipinahihiwatig ng “comic strip”? Ipaliwanag. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 232 GAWAIN 16: Magbasa at Matuto Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa kahon kaugnay ng tekstong binasa. Ang Piyudalismo Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief.Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw. Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ DRAFT March 24, 2014 \ ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar . Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Mateo et.al. pahina 192-193 233 Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Ano ang kinahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong binasa? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ _ DRAFT March 24, 2014 Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang “Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon nina Mateo et. al. pahina 192-195 at Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al pahina 148-150 Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (“Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa) Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo. Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al pahina 150 234 Lipunan sa Panahong Piyudalismo Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin (serf) Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain. Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon. Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng piyudalismo? Ilarawan ang bawat isa. DRAFT March 24, 2014 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al pahina 148-149 235 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon uring lipunan sa Sistemang Piyudalismo? 2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag. 3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatwiranan Gawain 17.Alam Ko Na Panuto: Upang mataya at mapagtibay ang iyong kaalaman mula sa binasang teksto, sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang Piyudalismo? _________________________________________________________ _________________________________________________________ __________. DRAFT March 24, 2014 2. Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _______________. 3. Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudal? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ___________________________________________________. 236 Gawain 18.Magbasa at Matuto Panuto: Sa bahaging ito ng modyul, pag-aaralan mo naman ang Manoryalismo. Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paksa. Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan angmga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sakabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kaniyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari ringang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati ngunit nagiiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang ½ ng kabuuang lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa “Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon) nina Mateo, et.al pahina 195) Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (“Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa) 237 Gawain 19. Photo-suri Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon. Ano ang ipinapahiwatig ng kastilyo sa gitna ng manor? Ipaliwanag. __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __ Ano ang pangunahing ikinabubuhay sa isang manor?. __________________ __________________ __________________ __________________ ________________ Ano ang kahalagahan ng mga magbubukid sa manor? __________________ __________________ __________________ ____________ DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (“Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa) Pamprosesong Tanong 1.Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid? 2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan. 3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo? Ipaliwanag. 238 GAWAIN 20: Magbasa at Matuto Panuto: Kasama ng iyong pangkat, basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan. Paggamit ng Salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya. Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo. Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi. Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’tibang lugar. Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? DRAFT March 24, 2014 Unang Talata ________________ ________________ _______________ Ikalawang Talata ________________ ________________ _______________ Ikatlong Talata ________________ ________________ _______________ Ikaapat na Talata ________________ ________________ ________________ Ikalimang Talata ________________ ________________ ________________ 239 Ang Paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan. Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata _______________ _______________ _______________ ______ Ikalawang Talata _______________ _______________ _______________ ______ DRAFT March 24, 2014 Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag naburgher. Sa France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie. Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyunal na paghahati ng lipunan batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lordna may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o “middle class”. Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw. Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata ______________________ ______________________ _______ Ikalawang Talata ______________________ ______________________ _______ Ikatlong Talata ______________________ ____ ______________________ ____ Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong taon, nina Mateo et. al pahina 202-203 240 Ang Guild System Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay. Ang Merchant Guild Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan. Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga kanal para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito. Ang Craft Guild Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild. Halaw saKasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et. al pahina 204-205 DRAFT March 24, 2014 Bigyang kahulugan ang sumusunod na konsepto: Ang Merchant Guild _____________________________ _____________________________ _____________________________ Ang Craft Guild _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ Halaw sa Project EASE Araling Panlipunan, Module9 (“Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa) Para sa karagdagang impormasyon, basahin an sumusunod: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Vivar et.al pahina152-156 Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon nina Mateo et. al pahina 200-205 241 Gawain 21.Dahilan-Epekto Panuto: Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot. Dahilan Pangyayari Epekto Pag-unlad ng kalakalan DRAFT March 24, 2014 Paglitaw ng mga Bourgeoisie Ang paggamit ng Salapi Pagkakaroon ng sistemang Guild Pamprosesong Tanong 1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod? 2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga burgis sa lipunan? Ipaliwanag. 3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag. 242 Gawain 22.Sa Madaling Salita Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa ikaapat na kahon. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang Katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Paano nakatulong ang pagkakatatag ng “Holy Roman Empire”sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval? Paano nakatulong ang paglulunsad ng mga Krusada sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval? Paano nakatulong ang pag-usbong ng mga bayan at lungsod sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? GAWAIN 23: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide) Sagutin ang ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasang-ayon o SA kung ikaw ay sumasangayon sa pahayag at hindi sumasang-ayono HSA kung ikaw ay disumasang-ayon sa pahayag. 243 Bago ang Talakayan PAHAYAG 1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng iba’t ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval. 2. Si Charlemagne o “Charles the Great” ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman. 3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang simbahan. Naging mahalaga ang papel ng “papacy” o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyrihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko. 4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig. 5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan. 6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan. 7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan. Matapos ang Talakayan DRAFT March 24, 2014 244 8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao. 9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan. 10. Ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon. Pamprosesong Tanong 1. Magkatulad ba ang iyong kasagutan sa una at ikatlong kolum? 2. Paano mo ilalarawan ang iyong kaalaman sa paksa batay sa gawain? Ipaliwanag. DRAFT March 24, 2014 BINABATI KITA! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 3 Pagkatapos tuparin ang mga inihandang gawain sa bahaging Paunlarin ng aralin, tiyak na sapat na ang iyong kaalaman sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Maituturing ang mga pangyayaring ito na bahagi ng transisyon sa daigdig. Dahil sa iyong mga natutuhan, maaari mo ng gampanan ang mga inihandang gawain upang mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa paksang ito. PAGNILAYAN AT UNAWAIN Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksang pinag-aralan. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal mong masusuri ang mga epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan. 245 Gawain 24.Bumuo at Matuto Batay sa mga naganap na talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda, ano-ano ang kontribusyon ng sumsunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval? Panuto: Sumali sa pangkat at punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ngmga nabanggit na pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Bawat pangkat ay gagawa ng powerpoint presentation at ilalahad ito sa klase. Mga Pangyayaring Nagbigaydaan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval DRAFT March 24, 2014 Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon Ang Holy Roman Empire Ang Paglunsad ng mga Krusada Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon Kontribusyon Kontribusyon Kontribusyon Kontribusyon Patunay Patunay Patunay Patunay 246 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong Panahong Medieval sa kasalukuyan? 2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag Gawain 25.Makasaysayang Paglalakbay Panuto: Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa iyong mga naunawaan sa mga nakaraang aralin. Ano ang kontribusyon ng iba’t ibang panahon na tinalakay sa modyul na ito sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan? DRAFT March 24, 2014 Pag-unlad n Pangdaigdigang Kamalayan Kabihasnang Klasikal sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific Kabihasnang Klasikal sa Europe Mga Mahahalgang Pangyayari sa Panahong Medieval BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Tiyak na handa ka na para sa susunod na gawain. 247 ILIPAT/ISABUHAY Natitiyak kong lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa daigdig sa mga Klasikal at Transisyunal na Panahon. Sa bahaging ito ng Modyul, ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa kasalukuyan. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang indibidwal at bilang isang bahagi ng daigdig na iyong ginagalawan? Isagawa ang sumusunod na gawain. GAWAIN 25: Video-Kasaysayan Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may tatlo hangang apat na miyembro. Bawat grupo ay gagawa ng isang video tungkol sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transiyunal na Panahon. DRAFT March 24, 2014 Makagagawa ng isang video na nagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa isang pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon Goal Bigyang-tuon ang mga sumusunod sa paggawang video: a. Komprehensibong pagpapakila sa isang pamana ng Klasikal at Transisyunal na Panahon b. Pangangatwiran ng pangangalaga sa nasabing pamana c. Kahalagahan ng napiling pamana sa iyong henerasyon Role Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na may adbokasiyang ipaalam sa mga kapwa mag-aaral ang kahalagahan ng mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon Audience Mga kapwa mag-aaral Situation Magdaraos ng isang seminar tungkol sa pagpapahalaga sa mga pamanang Klasikal at Transisyunal na Panahon. Product/Performance Standards Video Ang video-kasaysayan ay mamarkahan batay sa sumusunod na pamantayan : 248 PAMANTAYAN Pagsusuri sa Pagunlad ng Pandaigdigang Kamalayan Organisasyon 3 2 1 MAHUSAY Naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnayugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari. NALILINANG Hindi gaanong naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pagunlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari. NAGSISIMULA Hindi naipakita ang mahusay na pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnayugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari. Ibinatay sa iba’t ibang Ibinatay lamang ang saligan ang mga saligan ng impormasyon impormasyon ngunit sa batayang aklat. limitado lamang. Walang batayang pinagkunan. Ang mga impormasyon ay gawagawa lamang. Naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad ngunit di-wasto ang ilan. May impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad. Hindi gaanong naunawaan ang paksa. Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad. May mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa. Organisado ang mga paksa sa kabuuan at may maayos na presentasyon ngunit di masyado nagamit nang maayos ang powerpoint presentation. Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng mga paksa. May powerpoint presentation ngunit hindi nagamit at nagsilbi lamang na palamuti sa Hindi naunawaan ang paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay. Walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang gawain. Di organisado ang paksa. Malinaw na walang preparasyon ang paksa. DRAFT March 24, 2014 Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa. sa Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga panguhaning kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan. Wasto at magkaka-ugnay ang mga impormasyon sa kabuuan. Pinaghalawan ng Datos Kaalaman Paksa 4 NAPAKAHUSAY Komprehensibo at mahusay ang pagsusuri sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan sa pamamagitan ng paguugnay-ugnay ng mga salik at epekto ng iba’t ibang pangyayari. Organisado ang mga impormasyon. Ang presentasyon ng gawain ay malinaw na naipapahayag at natatalakay gamit ang makabuluhang powerpoint presentation. 249 Pagkamalikhain Malikhain ang nagawang video. Bukod sa props at costume ay gumamit ng iba’t ibang teknolohiya tulad ng sound effects, digital at visual effects upang maging makatotohanan ang senaryo. pisara Malikhain ang nabuong Hindi gaanong malikhain video. Gumamit ng mga ang video. Gumamit ng props at costume ang mga mga props at costume nagsipagganap. subalit hindi gaanong angkop sa kanilang ginawa. Hindi malikhain ang ipinakitang video. Kulang sa mga props at costume upang maging makatotohanan ang senaryo. DRAFT March 24, 2014 Transisyon sa susunod na modyul Binigyang-tuon sa Modyul na ito ang pagtalakay sa mga pangyayari sa daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Nakasentro ang pagtalakay sa mga kontribusyon ng bawat kabihasnan at pangyayari sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Mahalagang ikintal sa isip ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makatutulong ito sa lalo mo pang pag-unawa sa kasaysayan ng mundong iyong ginagalawan. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang susunod na pangyayari sa kasaysayan patungo sa kasalukuyang panahon. 250 GLOSARYO Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang lungsod-estado ng Greece Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao sa Greece Barter- pakikipagpalitan ng produkto Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian DRAFT March 24, 2014 Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar sa hilagang-kanluran ng Greece Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak na lupain Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng Estado ng Vatican Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng singsing at tauhan para sa kanyang opisina Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo Mesoamerica- nangangahulugan ang katagang meso ng “gitna”, ang Mesoamerica ay rehiyon mula sa gitnang Mexico hanggang Gitnang America. 251 Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America: nangangahulugan ang salitang Olmec na rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma. Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang Athens Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mgamandirigma Piyudalismo- isang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. DRAFT March 24, 2014 Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilasasyong nabuo sa Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa ito sa mga unang kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico Tyrant- sa sinaunang Kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong maylupa. 252 BIBLIOGRAPHY A. Books Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila Philippines. 1999. Banks, James A. et. al. World History. Adventures in Time and Place. Macmillan/McGraw-Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York 10020. 1997. pp. 192-218, 422-448. Beck, Roger B. et. al. A Modern History of the World. World History Patterns of Interaction. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999 . 108-132, 138-166, 388-407 DRAFT March 24, 2014 Boehm, Richard G. Our World’s Story. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea Harbor Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997. pp. 210-234, 236-266, 336338. Camagay, Ma. Luisa T. et. al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. pp. Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human Experience. Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999. pp. Mercado, Michael M. Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009. pp. McCannon John. AP World History. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless Boulevard Hauppage New York 11788. 2010. pp. 58-61, 67-69. Millard, Anne. The Usborne Book of World History. Usborne Publishing Ltd, 20 Garrick Street, London WC2E 9BJ. 1995. pp. 24-27, 42-45, 66-73, 86-91, 138-140. Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Miffin Company Boston, Massahusetts USA. 1989. pp. 253 B. Modules Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 4: Ang Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong Romano Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Aprika Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo DRAFT March 24, 2014 C. Websites Colloseum http://ancientworld2009.wikispaces.com/file/view/coliseum.jpg/92540006/colis eum.jpg Gregory I http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/97/Francisco_de_Zurbar% C3%A1n_040.jpg Gregory VII http://hist2615.wikispaces.com/file/view/Gregory_VII1.jpg/251843136/174x220 Leo the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5b/Pope_St._Leo_IV.jpg Lokasyon ng Digmaang Peloponessian http://en.wikipedia.org/wiki/Peloponnesian Map of Pacific Islands http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pacific_Culture_Areas.jpg Mapa ng Minoan at Mycenean http://franceschini.cmswiki.wikispaces.net/Ancient+Greece 254 Mapa ng Mycenean Greece http://en.wikipedia.org/wiki/File:Path3959-83.png Migrasyon ng mga Austronesian http://en.wikipedia.org/wiki/Austronesian_peoples Moselum in Timbuktu http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg Paglalarawan ng Digmaang Graeco-Persia http://althistory.wikia.com/wiki/Greek_Glory?file=GRECO-PERSIANWARS.gif Paglalarawan kay Alexander the Great http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ac/BattleofIssus333BCmosaic-detail1.jpg DRAFT March 24, 2014 Parthenon https://encryptedtbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcReawl5Xp8agCBTODpqzMKAPIuktNE9yhizLwBds64yykmPzc7kg Pisistratus http://en.wikipedia.org/wiki/Cleisthenes Pyramid of Kukulkan http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg Punic Wars http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/79/First_Punic_War_ 264_BC.png Romulus and Remus http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6a/Shewolf_suckles_Romulus_and_Remus.jpg Ruta ng Kalakalang Trans-Sahara http://northafricanhistory.wikispaces.com/file/view/timbuktu.jpg/112619 921/timbuktu.jpg Solon http://en.wikipedia.org/wiki/File:Solon2.jpg 255 Panimula Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig. DRAFT March 24, 2014 Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pagusbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito. Mga Aralin At Sakop Ng Modyul Aralin 1: Paglakas ng Europe Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe Aralin 3: Pagkamulat Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Aralin 1 Aralin 2 Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, simbahang katoliko at repormasyon Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon sa daigdig Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe 258 Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo Aralin 3 Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng mga Rebolusyong Pranses at Amerikano Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng Nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig PAUNANG PAGTATAYA Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang sumusunod na pagsusulit. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. DRAFT March 24, 2014 1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem? A. B. C. D. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian tinagurian silang middle class o panggitnang uri. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika at pang-ekonomiya. 2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance? A. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko B. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano C. panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe D. panibagong kaalaman sa agham 3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? I. schism sa Simbahang Katoliko II. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent III. pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng Wittenberg Church A. I - II - III 259 B. II - I - III C. III - I - II D. I - III – II 4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means ”? A. Auman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang hangarin. B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging mabuti ang bunga nito. C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan. D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala. 5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate. DRAFT March 24, 2014 A. John Locke B. John Adams C. Rene Descartes D. Jean-Jacques Rousseau 6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition? A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europe. B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala. C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo. D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko. 7. Suriin ang mapa ng Italya. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa ekonomiya nito? 260 DRAFT March 24, 2014 A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa. B. May mapagkukunan ng yamang-dagat. C. Bukas ang iba’t ibang ruta nito sa kalakalan. D. Madali itong masakop ng ibang bansa. 8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe? A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe. C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang Pangangailangan. D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. 9. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain? A. Spain B. England C. Portugal D. Netherlands 10. Angt cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban sa British? 261 A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas. B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban. C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas. D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi. DRAFT March 24, 2014 11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon? 1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita. 2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay. 3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa. 4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino. A. 1,2,3,4 B. 1,2,3 C. 2,3,4 D. 3,4 12. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo? A. Magkakampi ang France at United States B. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang Inglatera. 262 13. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Politikal. B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan. C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng renaissance sa Europe. D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan. 14. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang ‘white man’s burden’? DRAFT March 24, 2014 A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin ang daigdig. B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo. C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop. D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo. 15. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin? A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito. B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang- agham sa Europa. C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob. D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin. 16. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na suliraning panlipunan at pangekonomiyang idinulot ng Rebolusyong Industriyal? A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya. B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy. C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho. D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika. 263 17. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses? A. Pagtanggal ng sistemang piyudal B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran 18-20) Tama o Mali Suriin ang bawat pahayag . Makatutulong ang nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Pillin ang letra ng wastong sagot. Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18-20. A. B. C. D. Tama ang una at ikalawang pangungusap. Mali ang una at ikalawang pangungusap. Tama ang unang pangungusap. Tama ang ikalawang pangungusap. DRAFT March 24, 2014 18. 19. 20. I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italya at lumaganap sa kabuuan ng Europa. II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kultural ang pagkakaimbento ng ‘movable press’ ni Johan Gutenberg. I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nang repormista ang nabuhay upang hamunin ang katuruan at kapangyarihan ng Simbahang Katolika. II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ang paniniwalang ang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindi ang Simbahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan. I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ng pananakop, nakahihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig. II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa at nakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia. 264 ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPE Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng kasaysayan. ALAMIN Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano muling lumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang naging ambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas ng Europe. Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo sa lubos na pag-unawa. Halina’t iyong simulan... DRAFT March 24, 2014 Gawain 1: Word Hunt Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng bawat salita. A D V C E T N M P E R Y L I S O M S I N A M U H A M I K D K R L T Y L C M B O A K U S W P M R R E S L T E Y F C L B E A R E P O R M A S Y O N N K T R L A T G B A U A O A N O I L T U S S R I M N A T K S A M N H G S L T T S O E P O R R E S A I S E W A T Y B E O A N L E T H R K A N O I N O I T O P L N S C P S C I S O R S K G O T Y I E T M R P E E P O R U E S A O P R I S R U K G A P N 265 1. 2. 3. 4. B____________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano 5. K____________O Nangangahulugang “universal” 6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak 7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihan ng M____________Y hari 8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko 9. R____________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang” 10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay yumakap sa ibang relihiyon Matapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mong bumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga salita. Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita? 2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit? 3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang iyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuo ang kaisipan? GAWAIN 2: Kilalanin Mo! Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at isulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa. 266 ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ ___________________________________________ DRAFT March 24, 2014 ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ ___________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ____________________________________________ 267 Pamprosesong tanong 1. Sino ang ipinakikita sa bawat larawan? 2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan? 3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga nakalarawan? 4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan? Patunayan. GAWAIN 3: Think –Pair- Share! Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag-unawa ng aralin. Panuto: Pumili ng kapareha sa gawaing ito at basahin ang katanungan sa aralin. Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ng aralin. DRAFT March 24, 2014 TANUNGAN SA ARALIN AKING KASAGUTAN (Sagot ng Mag-aaral) Paano nakaapekto ang paglakas ng Europe sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig at sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? AKING KAPAREHA (Sagot ng Kapareha) PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng Magkapareha) (Sa bahaging ito, isulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa) Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito. 268 Pagkatapos masuri ang sariling mong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin, natitiyak kong gusto mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul . Sa iyong pagsasagawa ng iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalamang matututuhan mo sa modyul na ito. PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang matututunan mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Ang bahaging ginampanan ng Bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance, at maging ng simbahang Katoliko at Repormasyon ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto ang mga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan! Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayan at lungsod sa panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sa pag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito. Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan. 269 DRAFT March 24, 2014 Diagram Blg. 1.1 Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 156 Pamprosesong tanong 1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito pinakamahalaga? Bakit? 2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa paglakas ng Europe? Simulan mo na ang pag-aaral tungkol sa mga bourgeoisie na malaki ang papel na ginampanan sa paglakas ng Europe. GAWAIN 5: Burgis ka! Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ng Europe. Gusto mo ba silang makilala? Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie. 270 PAG-USBONG NG BOURGEOISIE Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. DRAFT March 24, 2014 Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211 271 Ang mga bourgeoisie ay ____________ ________________________________ ________________________________ PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE Sino-sino ang mga Bourgeoisie? Katangian ng mga Bourgeoisie Halaga sa Lipunan (Noon at Ngayon) _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ Dahilan ng kanilang _________ Epekto________________ sa Paglakas ng Paglakas Europe __ DRAFT March 24, 2014 ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie? 2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie? 3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe? 4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan? 5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig? Hindi lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging ito ng kasaysayan ng 6: Magbasa at Unawain!sa panahong ito ang pag-iral ng sistemang nagbigay –daan paglakas ng GAWAIN Europe, bahagi rin ng pangyayari sa paghahangad ng mahahalgang metal mayroon ang ibang panig ng daigdig maliban sa Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang merkantilismo? Paano ito nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe? 272 Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamrposesong tanong. Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagama’t kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pangekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigaydaan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak. Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan. DRAFT March 24, 2014 Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa. Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 211-212 MERKANTILISMO 273 Pamprosesong tanong 1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano ang kahulugan ng merkantilismo? 2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin ang layunin ng merkantilismo? 3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe? 4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan. 5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng ating bansa? ng daigdig? Bakit? DRAFT March 24, 2014 Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkantilismo ay naging daan upang muling manumbalik ang kapangyarihan ng hari. Paano nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mga bourgeoisie sa pagiging makapangyarihan nila muli? Tunghayan mo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan. GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa! Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng National Monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy. 274 PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY MalakiEase modyul ang 10 naitulong ng pagtatatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador. DRAFT March 24, 2014 Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay untiunting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mga mamamayang nagpatupad ng batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 212 Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan ng hari? _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ 275 PAG-USBONG NG MGA NATIONSTATE Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya. naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa. Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pagkakaloob ng hustisya. DRAFT March 24, 2014 Mahalagang katangian ng nationstate sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari. Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pangekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 212-213 Paano nakatulong ang mga nationstate sa paglakas ng Europe? ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ 276 DRAFT March 24, 2014 PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at nagpalakas sa kapangyarihan ng hari? 2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at reyna? 3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe. 4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa ay hari at reyna? Bakit? Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin ang bahaging ginampanan ng simbahan sa paglakas ng Europe. GAWAIN 8: Discussion WeB PANUTO 1. Pagkatapos basahin ang teksto, bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang . 2. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sa panig ng Oo at Hindi. 277 3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat miyembro bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi. 4. Magtulungan ang bawat pangkat sa pagbuo ng dahilan at kongklusyon. 5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw sa buong klase. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pangaabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa. Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng Haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong ss Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon. DRAFT March 24, 2014 Sa pagsapit ng 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa kanyang obligasyong Kristiyano. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry V. Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang liderespiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari. 278 Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa. Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216 DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at transpormasyon ng daigdig? 4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa kasalukuyan? Patunayan. 279 GAWAIN 9: OO o HINDI! Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tungkol sa paglakas ng Europe. Panuto: Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo ang hawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi naman ng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo ang konseptong ito ng aralin. Pagkatapos ay suriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa. KONSEPTO/ KAALAMAN OO (NAUNAWAAN) HINDI (NAUNAWAAN) DRAFT March 24, 2014 1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnang uri ng lipunan. 2. Dahil sa impluwensiya ng mga Bourgeoisie nasimulan nila ang mga reporma sa pamahalaan. 3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. 4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national monarchy. 5. Ang simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa imperyo noong panahong Medieval. 280 Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa bahaging ito ng aralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang ng Renaissance sa huling bahagi ng ika-14 na siglo. GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang gawain PAG-USBONG NG RENAISSANCE ` DRAFT March 24, 2014 Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsodestado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220 Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ 281 BAKIT SA ITALY? Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europe. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. DRAFT March 24, 2014 http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ 282 ANG MGA HUMANISTA Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pagaaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. DRAFT March 24, 2014 Ano ang pagkakaiba ng pagtingin ng mga humanista ng sinaunang panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 220-221 MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pagibig sa pinakakamahal niyang si Laura. 283 Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. DRAFT March 24, 2014 Desiderious Erasmus (c.1466-1536). “Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. Nicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikha ng lakas.” Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. 284 Sa Larangan ng Pinta at PintorSining Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon. Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. DRAFT March 24, 2014 Raphael Santi (1483-1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna.” Agham sa Panahon ng Renaissance Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; “Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.” Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan. 285 Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. Paano binago ng mga ambag ng Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe noon at maging sa kasalukuyan? Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga tanong. DRAFT March 24, 2014 __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ _____________ Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa Modernong Panahon. Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod- buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan. Halaw mula sa: Ease Modyul 10 286 ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Laura Cereta Isotta Nogarola DRAFT March 24, 2014 Sa pagsulat ng tula, mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630). Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’ al pp.224-225 Veronica Franco Vittoria Colonna Ano-ano ang kontribusyon ng kababaihan sa larawan? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ Pangkatang Pag-uulat: Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa tulong ng tekstong iyong binasa ay ilahad ninyo ng inyong kapangkat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Renaissance. Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance 287 Pagkatapos ng inyong presentasiyon ay maglagay ng mga datos sa concept definition map para sa mas malinaw na daloy ng mga impormasyon kaugnay ng paksa. Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa naging presentasiyon ng kamag-aaral kung mayroon kang hindi naunawaan. CONCEPT DEFINITION MAP DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano ang kahulugan ng Renaissance? 2. Ano-ano ang naging mga salik sa pag-usbong ng Renaissance? 3. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance? 4. Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng panibagong pagtingin sa politika, relihiyon at pag-aaral? 5. Sino-sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance? 6. Ano-ano ang mga naiambag ng Renaissance sa ating kabihasnan? 288 7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito? 8. Ano-ano ang kanilang naging kontribusyon sa Panahon ng Renaissance? 9. Paano nakatulong ang Renaissance sa paglakas ng Europe? 10. Nagaganap pa rin ba ang mga pangyayari sa Panahon ng Renaissance sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. 11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi ng nito? Pangatuwiranan. Nagdala ng maraming pagbabago at mga pamana sa daigdig ang Panahon ng Renaissance. Sa bahaging ito ay tutungo ka naman sa kwento ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 11: Palitan Tayo! Panuto: Sa huling bahagi ng Middle Ages ay naranasan ang paghina ng Simbahan dahil sa sa mga pagbabagong politikal, ekonomiko at panlipunan. Pagsapit ng ika-14 na siglo, maraming mga reporma ang hinihingi sa Simbahan. Dito magsisimula ng Repormasyon. Basahin at unawain ang teksto sa Repormasyon upang masuri ang mga kaganapan sa panahong ito. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa mga gawain sa bahaging ito ng aralin. 289 Ang Repormasyon Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano, gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben Germany. Ang kaniyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri. DRAFT March 24, 2014 Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan….”Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Roman 1:17). Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Nagpasiklab ng galit ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, ang pagbenta ng indulhensiya, kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos na maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses). Kumalat sa iba’t ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang “protestasyon”- ang pinagmulan ng salitang “Protestante” (ang mga sumasalungat sa mga mamamayang Katoliko) sa emperador ng Banal na Imperyong Romano na nananawagan sa pagwawakas sa paghihimagsik ng simbahan. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na hanggang humantong sa digmaan, tinapos ni Charles V ang panrelihiyong digmaan sa pamamagitan ng paglagda sa “Kapayapaang Augsburg” noong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ang kapangyarihan ng mga hari o namumuno na malayang pumili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan. Batay sa teksto, paano nagsimula ang Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Repormasyon? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ 290 KONTRA-REPORMASYON Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan. 1. Pagbabawal sa mga pari na magasawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa Diyos. 2. Pag-aalis ng simony. 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag ang kilusang ito na Catholic Reformation o CounterReformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus). Ano-ano ang binago ni Pope Gregory VII sa Simbahang Katoliko? Ano ang naging bunga ng Kontra-repormasyon? ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ DRAFT March 24, 2014 Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland at timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang naging makapangyarihang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan at naging dalubhasa bilang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malaking kaugnayan sa politika ng Europe. Naging tagapayo sila at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa panahon nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad ang Inquisition laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granada. Maging ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna. Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Itinatag ni St. Ignatius de Loyola ang Society of Jesus noong 1514. 291 Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng sumusunod na epekto: nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko; sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba. gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning pangrelibhiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng simbahan; at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan; ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon. at ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na espiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa: Ease Modyul 12 Ano-ano ang naging epekto ng Repormasyon? ______________________________ ______________________________ ______________________________ Mabuti ba o masama ang naging epekto ng Repormasyon? Patunayan. ______________________________ ______________________________ ______________________________ Ano ang mahalagang aral na iniwan ng Repormasyon sa mga tao? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ 292 Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, sipiin mo ang Contrast-Compare Map. Punan mo ito ng hinihinging mga impormasyon. Pagkatapos, makipagpalitan ka ng papel sa iyong kamag-aaral. Suriin ang gawa ng bawat isa at magbigay ng reaksiyon sa kasagutan ng iyong kamagaral. Kumpletuhin din ang 3 - 2 -1 Chart tungkol sa Repormasyon at KontraRepormasyon. DRAFT March 24, 2014 293 3 2 1 Bagay na aking natutuhan sa naging dahilan ng pagkakaroon ng Repormasyon at KontraRepormasyon 1. Kontribusyon ng mga tao na aking nalaman sa Repormasyon at KontraRepormasyon 1. Mahalagang tanong sa paksa: Paano nakatulong ang Repormasyon at KontraRepormasyon sa paglakas ng Europe? Sagot: 2. 3. 2. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano ang Repormasyon? 2. Bakit iniugat kay Martin Luther ang unang yugto ng Repormasyon? 3. Paano lumaganap ang Repormasyon? 4. Ano ang naging sagot ng Simbahang Katoliko sa Repormasyon? 5. Ano-ano ang naging pamana ng Repormasyon? 6. Paano binago ng Repormasyon ang Europe? 7. Sa kasalukuyan, nakaapekto ba sa iyong paniniwala sa Diyos ang pagkakaroon ng iba’t ibang denominasyon ng relihiyon sa iyong paligid? Bakit? GAWAIN 12: Tayain Mo ! Suriin ang sumusunod na pahayag. Itanong mo sa iyong sarili kung ginagawa mo o di-ginagawa ang mga gawaing nakatala. Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi sa mga gawaing ito. Gawain 1. Pagbabasa ng Bibliya Ginagawa Di-ginagawa Dahilan/ Mungkahi 294 2. Pagdalo sa mga gawain ng relihiyon (e.g. pagsisimba) 3. Pagsasabuhay ng mga aral ng kinabibilangang relihiyon 4. Pagrespeto sa pananampalataya ng iba 5. Pakikipagpalitan ng ideya at aral sa mga taong may ibang relihiyon DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 13: Think –Pair-Share Chart Panuto: Muli mong babalikan ang Think-Pair-Share Chart. Sa pagkakataong ito na natutuhan mo na ang mahahalagang konsepto ng aralin ay sagutan mo na at ng iyong kapareha ng pinal ang katanungan sa aralin sa pagsisimula nito. Tiyaking mapag-uusapan ninyong kapareha ang magiging pinal na kasagutan at kung may mga nais pang idagdag na bagong kaalaman na naunawaan ay gawin ito. Huwag ding kalimutan na ilagay ang mga sanggunian at batayan ng iyong nabuong kasagutan. KATANUNGAN SA ARALIN AKING KASAGUTAN (Sagot ng mag-aaral) Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa Europe sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? AKING KAPAREHA (Sagot ng Kapareha) PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng magkapareha) (Sa bahaging ito isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin) Mga Sanggunian/ Batayan (Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa) 295 Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa pamamagitan ng talakayan at iba’t ibang gawain ang mga konseptong dapat mong maunawaan tungkol sa paglakas ng Europe. Balikan mo ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin mo kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa naging sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong konsepto ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito. PAGNILAYAN / UNAWAIN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin natin ang iyong mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglakas ng Europe at ang bahaging ginampanan nito patungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at iyong simulan. DRAFT March 24, 2014 Gawain 14. Pagnilayan Mo! Panuto: Malaki ang bahaging ginampanan ng Simbahan at mga Bourgeoisie (mga mangangalakal at propesyunal) sa naging paglakas ng Europe. Sila ay nagsilbing saligan ng Europe para muling manumbalik ang kalakasan nito. Sa panahon natin ngayon, ang ating bansa ay naharap sa ilang isyung panlipunan na kung saan ang Simbahan, mga Mangangalakal maging ibang propesyunal at ang pamahalaan ay nagkakaroon ng salungat na pananaw. Suriin mo ang mga punto na inilahad ng simbahan at pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya. Pagkatapos nito ay itala mo ang iyong reaksyon sa paniniwala ng Simbahang Katoliko at ng pamahalaan. Ihanda mo rin ang iyong sarili sa pagsagot sa mga pamprosesong tanong. 296 PAGPAPLANO NG PAMILYA “As we all know, the President is the President not only of Roman Catholics but also of other faiths as well. He has to be above faith. Responsible parenthood is something which I believe is favorable to all faiths,” giit ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo. Ang isyu sa paggamit ng contraceptives ay isyung lantad na lantad na. Kahit na gaano pa ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng kahit anong uri ng contraceptives --- condom, IUD at pills para mapigilan ang pagbubuntis, ito ay matagal nang ginagawa ng mga mag-asawa. Ang totoo’y natuto na ang mga magasawa na dapat ay magkaroon ng pagitan at may hangganan ang panganganak. Marami nang mga mag-asawa ang natuto na ang dalawa o tatlong anak ay kaya nilang pakainin at pag-aralin. Nasasayang ang pondo ng pamahalaan sa pagbili ng mga contraceptives sa halip na gamitin ito sa mas mahalagang suliranin ng bansa. "Life begins at fertilization, anything that prevents the fertilized ovum to be implanted in the uterus may be considered as abortive and therefore, if prescribed, may violate our solemn oath as physicians to save and protect human life particularly the unborn." Dr. Oscar Tinio PMA President Ang RH Law ay nakasisira sa moralidad ng mga mamamayan. Ang contraception ay nakasasama dahil nawawalan ng disiplina ang mga tao at tumatakas sa mga responsibilidad. Ang sex education ay nakasasama dahil magdudulot ito ng pagkasira sa murang pag-iisip ng mga batang nag-aaral. DRAFT March 24, 2014 Ang gobyerno ang nagpapasan ng problema na may kinalaman sa pagdami ng populasyon at hindi ang Simbahan. Kung magpapatuloy ang walang kontrol na panganganak, maraming ina ang manganganib ang buhay. Kapag sobra-sobra ang dami ng tao, nakaamba ang kahirapan na katulad nang nangyayari ngayon sa bansa. Maraming walang trabaho, maraming bata ang hindi makapag-aral at maraming nakakaranas ng gutom. Ang paggamit ng Contraceptives ay masama sapagkat taliwas ito sa natural na pamamaraan ng pagkakaroon ng buhay. Natural family planning dapat ika nga at hindi mga contraceptives. Pamprosesong tanong http://farm3.static.flickr.com/2355/2203255034_66db9b449c.jpg http://www.asiatravelling.net/philippines/manila/images/manila_c athedral.jpg 297 1. Sakaling dumating ka na sa panahong ikaw ay magpapamilya, kaninong paniniwala ang iyong susundin; ang simbahang Katoliko o ang sa pamahalaan? Bakit? 2. Lumalabag bas a moralidad ang paninindigan ng pamahalaan na dapat gumamit ng contraceptives sa pagpplano ng ng pamilya? Ipaliwanag ang sagot. 3. Sang-ayon ka bang pondo ng pamahalaan ang dapat gamitin sa pagbili ng contraceptives? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong batas kaugnay ng pagpaplano ng pamilya: ang Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012). Sa iyong palagaya, makatutulong ba ito upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon? Ipaliwanag. 5. Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo upang mabawasan ang mabilis na paglaki ng populasyon at ang di-mabuting epekto nito? DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 15: Ano ang Gusto Mo! Gamit ang iyong mga natutuhang kaalaman sa aralin, lumikha ng isang poster o editorial cartoon. Gawin ito nang pangkatan. Sundin ang PDRS (Plan, Do, Review at Share) technique. Ang lilikhaing poster o editorial Cartoon ay maglalaman ng mga pamana sa kabihasnan ng Bourgeoisie, Merkantilismo, National Monarchy, Simbahang Katoliko, Renaissance, at Repormasyon. Maaari mo itong gawin sa isang cartolina o illustration board. Maging malikhain sa magiging laman ng inyong gagawin at sikaping lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi sa gawain. Lagyan din ng paliwanag at pasasalamat sa naging ambag sa daigdig ng mga nasabing salik sa paglakas ng Europe. Ibahagi ito sa klase pagkatapos. Mamarkahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. Sagutin rin ang mga pamprosesong tanong para sa mas malalim na pag-unawa sa aralin. CRITERIA IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 Ang nabuong poster o editorial cartoon ay nakapagbibigay ng kumpleto, wasto at napakahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay nakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nabuong poster o editorial cartoon ay kulang sa sapat na impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe. MARKA 298 MALIKHAIN KATOTOHANAN Ang pagkakadisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang pagkakadisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. May kakulangan ang elemento ng pagdisenyo ng poster o editorial cartoon tungkol sa paglakas ng Europe. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may bisa/dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay may dating sa madla. Ang poster o editorial cartoon ay nagpapakita ng iilang pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Ang nilalaman nito ay walang dating sa madla. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano ang iyong napuna sa nabuong mga poster/ editorial cartoon? 2. Paano nakatulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang mga pamanang iniwan ng mga pangyayaring kaugnay ng paglakas ng Europe? 3. Paano ipinakita sa poster/editorial cartoon ang naitulong ng mga pamanang iniwan ng paglakas ng Europe sa transpormasyon ng ating daigdig sa kasalukuyan? GAWAIN 16: Salamin Ng Aking Sarili! Ano ang naramdaman mo habang ikaw inaalam ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paglakas ng Europe? Alin sa mga paksa ng aralin ang mas nakapukaw ng iyong interes? Bakit? May bahagi ba ng aralin na nais mo pang tuklasin nang mas malawak? Sa proseso ng paunlarin at pagunawa ng aralin, ano ang mga natuklasan mo sa iyong sarili bilang isang mag-aaral, at ano ang iyong mga susunod na hakbang upang mas maging produktibo at makabuluhan ang iyong pag-aaral? Isulat mo sa reflection journal ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang maging gabay sa pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong naisakatuparan. Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili. 299 _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Binigyang-diin sa Aralin 1 ang pagtalakay ng mga pangyayari tungkol sa paglakas ng Europe. Nakasentro ang pagtalakay sa mga salik na nagbunsod nito, ang pagsilang at kontribusyon ng Renaissance, ang Repormasyon maging ang naging tugon ng Simbahang Katoliko, ang Kontra-repormasyon. Mahalagang tandaan ang mga bagay na iyong natutuhan dahil makakatulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng daigdig. Mahalaga rin ang mga natalakay upang mapag-ugnay ang nakaraan sa kasalukuyang panahon. DRAFT March 24, 2014 ARALIN 2: PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ng daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great Britain. Ang mga lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan at maging ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon ng malawak na pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito.. ALAMIN Matapos mong matalakay ang mga salik sa naging paglakas ng Europe, Renaissace at Repormasyon, bibigyang-diin naman sa araling ito ang naging paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Nais mo bang malaman kung paano ito nangyari? Gayundin kung paano nakatulong ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe sa transpormasyon ng daigdig tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan? Marahil ay handa ka na para sa mga gawain sa araling ito. Simulan mo na... GAWAIN 1: Sasama Ka Ba! Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang iyong sagot sa tanong. 300 Panahon: 1430 Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang banda,may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain. Ang malalaking alon ay maaring sumira at magpalubog ng barko. Ang barko ay maaaring maglaman ng ginto, mamahaling hiyas, at mahahalagang bagay na nagmula sa kabilang bahagi ng karagatan. DRAFT March 24, 2014 Sasama ka ba? 301 DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Ano ang pabuyang possible mong matanggap kung sasama ka sa paglalayag? 2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa iyo sakaling sumama ka sa paglalayag? 3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain ang pamumuhay at lipunan ng Europe? GAWAIN 2: Suriin Mo! Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat ang naiisip mong naitutulong sa iyo ng bawat isa. 302 DRAFT March 24, 2014 NAITUTULONG SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan? 2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit? 3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan? 4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag. GAWAIN 3: Bahagdan Ng Aking Pag-Unlad Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil ay nanabik ka nang malaman ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pangyayaring ito. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang kasunod na gawain. 303 Panuto: Sagutan ang unang kahong Ang Aking Alam at ang ikalawang kahong Nais malaman. Samantala, ang ikatlo at ikaapat na kahon Mga Natutuhan at Halaga ng Natutuhan sa Kasalukuyan ay sasagutin mo pagkatapos ng aralin. PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUHAN DRAFT March 24, 2014 HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN BINABATI KITA! Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng paglawak ng kapangyarihan ng Europe, marahil nais mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol ditto. Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng araling ito sa pamamagitan ng ibat ibang gawain. Suriin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan. 304 PAUNLARIN Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe; ang Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, maging ang iba’t ibang Rebolusyong naganap, ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi upang masagot ito patgkaapos ng pag-aaral sa bahaging ito ng aralin. GAWAIN 4: Maglayag Ka! Panuto: Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain ang teksto tungkol dito. DRAFT March 24, 2014 UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan. Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng pagiging mausisa na dulot ng Renaissance, pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 305 MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin. Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng tungkol sa Asya ay limitado lamang at paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain - ang Portugal at hango lamang sa mga tala ng mga Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay manlalakbay tulad nina Marco Polo at Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng mga Ibn Battuta, napukaw ang kanilang manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga paghahangad na marating ito dahil sa dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap, ang mga paglalarawan dito bilang makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat at ng Portugal. na The Travels of Marco Polo (circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng Europeo ang yaman at kaunlarang mga Europeo noong ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan taglay ng China. Hinikayat nito ang mga naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Europeo na marating ang China. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang Samantala, itinala ng Muslim na pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito manlalakbay na si Ibn Battuta ang noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Aragon. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin Nakadagdag ang mga tala nina Marco nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Reconquista. Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, Sa ika-17 siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa lalo pa at ang rutang dinaraanan sa hilagang MOTIBO SA Europe, Great Britain, France at Netherlands. Ang mga Kanlurang Asya sa panahongAT ito SALIK ay ito ang nagbigay-lakas sa mga Europeo upang palakihin ang EKSPLORASYONpakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing kontrolado ng mga Musim. DRAFT March 24, 2014 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 sa Silangan. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 180 - 181 Batay sa binasang teksto, anoano ang motibo at salik sa eksplorasyon? MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 306 _________________________ Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 ang siglo ay naging Pinangunahan ng Portugal depende na ang Europe sa spices na Paggagalugad matatagpuan sa Asya lalong lalo na sa India Ang ilan sa mga spices na may malaking demand Ang Portugal ang kauna-unahang bansang para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, Europeo na nagkaroon ng interes sa at nutmeg. panggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng Ang kalakalan ng spices sa Europe at mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang Tsino at Indian ay nagbibili ng spices sa mga rutang katubigan patungo sa Asya. mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga Noong Agosto 1488mangangalakal natagpuan na ni taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng ganitong ng kalakalan mga mangangalakal Africa na uri naging kilala sasakatawagang Cape of na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay sa kalakalang ito ay makarating naghangadsaang mga nagpakilala na maaaring Silangang Europeong mangangalakal na direktong Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. magkaroon ng kalakalan sa Asya sa mga spices na kailangan nila. Angnoong panlupang ay na di Samantalang 1497 kalakalan ay apat (4) na garantisadong protektado dahil sa mga sasakyang pandagat ang naglakbay na pananambang na mgamula Mongol kaya pinamumunuan ni ginagawa Vasco da ng Gama Portugal mas minabuti ng mga gamitin ang hanggang sa India. Ang Europeo nasabingna ekspedisyon ay katubigan. umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan Hindi lamang kalakalan ang at nakarating mataposang angkita 10 sa buwan sa Calicut, naglunsad sa kanilang mga eksplorasyon kundi India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu angMuslim pagkokonberto rin ng mgangkatutubo sa at na nakikipagkalakalan mahuhusay relihiyong Katolisismo. Napag-alaman nila na ang na seda, porselana at panlasa na pangunahing relihiyong ng Islam ay Portuges patuloy na sa kailangan mga sa lumalaganap kanilang bansa. Asya kaya kailangan na ito’y hadlangan. Ang Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal eksplorasyon ay direktang bunga ng mga malikhaing na magkaroon ng pakikipagkalakalan sa kaisipan na naikintal ng Renaissance sa mga kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Europeo na lumabas lugar at Sa bansang Portugal saaykanilang kinilala mga siyang isang tumuklas ng iba pang mga lugar. Ang mga bayani at dahil sa kaniya ay nalaman ng mga eksplorasyon na ito ay wakas din sa Portuges ang yaman na nagbigay mayroon sa Silangan at isolasyon ng Europe at naging preparasyon sa ganoon din ang maunlad na kalakalan. paghahangad ng ibang lupain para maging bahagi ng kanilang mga teritoryo. Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks at medisina. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-14 na siglo Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? __________________________________ __________________________________ __________________________________ Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon? __________________________________ __________________________________ __________________________________ 307 Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pagaanyaya ng mga mandaragat, tagagawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang Ang Nabigador. Sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating ito sa Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco Da Gama Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto? _____________________________________ _____________________________________ _______________________ Sino-sino ang mga Portuguese na naglayag at ano-ano ang lugar na kanilang narating? _____________________________________ 308 _____________________________________ ____________________________ Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Ferdinand V DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Columbus Amerigo Vespucci Bakit hinangad ng Spain ng yaman sa Silangan? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 309 Paghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain ay humingi sila ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang di nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. DRAFT March 24, 2014 Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain. Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga-Europe. Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________ 310 http://www.sandiegohistory.org/journal/66april/images/pg8map.jpg Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain.Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan. Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga miyembro, gayon din ng taggutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at mga pampalasa. Naging matagumpay din sila sa kumbersyon sa Katolisismo ng mga katutubo. Sa pangkalahatan, nagpatunay ang ekspedisyon na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan at lalong nakilala ang mga yaman nito. Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa, Portugal kina Rui de Magalhaes, ang kanyang ama at Alda de Mesquita, ang kanyang ina. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Ang ruta ng paglalakbay ni Magellan ng marating ang Pilipinas Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ Ano ang mahalagang nbunga ng paglalayag ni Magellan? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ 311 Ang mga Dutch Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York City. Si Henry Hudson, sa kaniya ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t nang ika-17 siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito’y pinalitan ng Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe. DRAFT March 24, 2014 Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245 Halaw mula sa : Ease Modyul 14 Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya? ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____ 312 Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong ika15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia. Sa North America, kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo. Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigaydaan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain? ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon DRAFT March 24, 2014 Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago. Bagkus, ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang kanilang salapi. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at imperyalismo? Patunayan. ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ Maraming mahahalagang unang yugto ng kolonisasyon. epekto ang 1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ang nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon. 3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon. 4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito. 5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World. Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 185 - 186 313 GAWAIN 5: Talahanayan Ng Manlalayag Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon. MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON PERSONALIDAD Halimbawa: Vasco Da Gama BANSANG PINAGMULAN Portugal TAON 1498 LUGAR NA NARATING/ KONTRIBUSYON India DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang kanilang nakarating? 2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain? 3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit? 314 GAWAIN 6: Pin The Flag Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon? Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop. Panuto: Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang narating at nasakop. DRAFT March 24, 2014 Pinagkunan: http://geology.com/world/world-map.gif Portuguese Español French Dutch English Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan. BANSANG KANLURANIN 1. 2. 3. 4. 5. BANSANG NASAKOP 315 Pamprosesong tanong 1. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong bansa ang kanilang nasakop? 2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin? 3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa? 4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin? 5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong gagawin? GAWAIN 7: Mabuti O Masama ? Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot. DRAFT March 24, 2014 EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN 1. Paglakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. 3. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman at sakit. 4. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop. 5. Interes sa mga bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. 316 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano ang masasamang epekto? 2. Sino ang higit na nakinabang sa Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit? 3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit? Ngayon ay alam mo na ang mahahalagang pangyayari at epekto ng Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Ang mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala ng eksplorasyon, maging ng Renaissance at Repormasyon ay nagbunsod upang pagtuunan ng mga tao ang edukasyon at agham. Tatalakayin sa bahaging ito ng aralin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 8: Ikaw At Ako. Lahat Tayo! Panuto: Alamin ang pangyayaring kaugnay ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay humanda sa pangkatang gawain Ang Rebolusyong Siyentipiko Hindi naimbento ang agham sa panahon lamang ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa halip, malaon na itong ginagamit ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ng lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 189 317 Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa Amerika. Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narating ng isang manlalakbay ang dulo nito ay posible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala sa katawagang Teoryang Heliocentric. DRAFT March 24, 2014 Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng Inquisition. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ang Teoryang Heliocentric Ano ang ibig sabihin ng teoryang heliocentric? _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ ___________ 318 Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe) Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural scientist at mahusay na matematisyan ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito’ y tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo. Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong nteleskopyo at naging dahilan ng kaniyang pagdidiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang pagdidiing ito sa kaniya ng Simbahan ay naging daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-aaral at di maging daan ng pagtitiwalag sa kaniya ng Simbahan. Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika. DRAFT March 24, 2014 Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil siya’y kabilang sa Kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon. Nguni’t ang kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Paano ipinaglaban nina Kepler at Galileo ang kanilang paniniwala? __________________________________________ __________________________________________ Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa daigdig? __________________________________________ __________________________________________ 319 Ang Panahon ng Enlightenment Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga philosopher o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254 DRAFT March 24, 2014 Ang Makabagong Pampolitika Ideyang Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang mapag-iisipan ng mga pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob (universe) at kapaligiran, maaari ring maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang political, pangkabuhayan at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatwiran. Tunay na malaki ang impluwensya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampulitika. Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tukol sa Pamahalaan Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na Leviathan noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatwiran ang pamamalakad. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ano ang paliwanag ni Hobbes tungkol sa pamahalaan? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ 320 Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may parehong paniniwala gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari. Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na karapatan. Binigyang-diin din niya na kung ang tao ay gumamit ng pangangatuwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang pamahalaang mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kaniya. Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing Two Treatises of Government. Ang kaniyang sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie Arouet,sa tunay na buhay at isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay napatapon sa Inglatera. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ano ang pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes? ___________________________________ ___________________________________ Sa mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan? ___________________________________ ___________________________________ 321 ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita nang malaki. Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa Rebolusyong Industriyal? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Ang Bagong Uri ng Rebolusyon Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 322 ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko (domestic system) ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya namang pinagbibili at pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. DRAFT March 24, 2014 Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay halos ginagawa ng 50 manggagawa bago maimbento ang cotton gin. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at mura na itong bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang spinning jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya nang mabilis at sa maraming sisidlan. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya. http://www.stamp-collecting-world.com/images/GB_Map_01.jpg 323 Ease Modyul 13 Ang Paglago at Paglaki Rebolusyong Industriyal ng Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig na magbibigay ng enerhiyang hydoelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika. DRAFT March 24, 2014 Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa mga riles. Nakatulong ito sa mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at ugnayan sa pamamagitan ng makabagong telekomunikasyon. Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa ibang lugar. Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanapbuhay sa mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking puhunan at nagbago sa pamumuhay ng mga tao hanggang mabuo ang panggitnang uri ng mga tao sa lipunan. Halaw mula sa: Ease Modyul 13 Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensyon. 1. Steam engine – 2. Telepono – 3. Telegrapo – 4. Bombilya – 324 EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong lndustriyal? DRAFT March 24, 2014 Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na suliraning panlipunan at pangekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang mga produkto. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Nakatutulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-arawaraw mong pamumuhay? Patunayan _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p.189 325 Pangkatang Pag-uulat: Bumuo ng pangkat na makasasama mo sa gawaing ito at magplano ng magiging sistema ng inyong paglalahad ng aralin. Maaari ring magsaliksik ng mga karagdagang datos tungkol sa inyong paksa. Pangkat 1: Rebolusyong Siyentipiko Pangkat 2: Enlightenment Pangkat 3: Rebolusyong Industriyal Pagkatapos ng inyong presentasyon ay itala sa Data Chart ang mahahalagang kaalaman para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon sa paksa. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa naging presentasiyon ng kamagaral. DRAFT March 24, 2014 DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO/ KINALABASAN Rebolusyong Siyentipiko Enlightenment Rebolusyong Industriyal EPEKTO SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE 326 Pamprosesong tanong 1. Ano-ano ang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal? 2. Sino-sino ang mga indibidwal na nanguna sa bawat panahon? 3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain? 5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga Rebolusyong ito sa panahon natin ngayon? 6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon? Sa iyong pananaw, anong rebolusyon ang maaaring maganap sa kasalukyan na may malaki ring maitutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay? GAWAIN 9: May Ginawa Ako! Ikaw Ba? Panuto: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa sa aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito. DRAFT March 24, 2014 PERSONALIDAD Halimbawa: Galileo Galilei LARAWAN LARANGAN Astronomiya KONTRIBUSYON Teleskopyo 327 Pamprosesong tanong 1. Sino-sino ang personalidad na inyong itinala? 2. Ano-ano ang naging kontribusyon nila sa kanilang larangan? 3. Paano nakatulong ang kanilang kontribusyon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 4. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga kontribusyon? 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabigyang-halaga ang naging kontribusyon nila? GAWAIN 10: MAGSURVEY TAYO! Panuto: Susukat ang gawaing ito ay sa lalim iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutan ang survey form na naglalaman ng mahahalagang konseptong dapat mong naunawaan sa aralin. Suriin din ang magiging resulta ng survey na ito. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng gawaing ito. DRAFT March 24, 2014 Eskala 3 - Lubos na Naunawaan 2 - Naunawaan 1 - Di - naunawaan Pamantayan 1. Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, naipaliwanag ang kaibahan ng likas na agham at karunungang pangkulto. 2. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikita sa paglalagay ng tao ng kaniyang kapalaran sa sariling mga kamay sa tulong ng katuwiran. 3. Mahalagang ambag ni Sir Francis Bacon sa siyentipikong pag-aaral ang inductive method. 4. Ipinakilala ni Nicolas Copernicus ang heliocentric view. 5. Nagsimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal. 6. Napagyaman ang mga kaisipan sa edukasyon noong panahon ng Enlightenment. 7. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay isa sa mga epekto ng Rebolusyong Industriyal. 8. Sa Panahon ng Enlightenment, isinulong ang pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan at ang karapatan ng kababaihang lumahok sa pamahalaan. 9. Ipinakilala ni Thomas Hobbes ang ideya “ang tao ay likas na makasarili kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao”. 10. Nakilala sa panahon ng Rebolusyong Industriyal ang dalawang uring panlipunan - ang proletariat at bourgeoisie. 3 2 1 328 Pamprosesong tanong 1. Alin sa mga kaisipang binanggit sa survey ang hindi mo naunawaan? 2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang pagsagot sa survey? 3. Paano nakatulong ang survey na ito sa iyong pag-unawa ng aralin? GAWAIN 11: ICOLLAGE MO AKO! Panuto: Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon sa ating kabihasnan ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isang collage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal). Gawin ito nang pangkatan. Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang. Isaalang-alang ang mga miyembrong hindi mo pa nakasama sa bubuuing pangkat. Maging malikhain sa inyong gawain. Tiyaking makikiisa ang bawat miyembro ng pangkat. Pagkatapos magawa ang Collage ay ibahagi ito sa klase. Sagutin rin ang mga pamprosesong tanong bilang gabay sa pagunawa ng gawaing ito. DRAFT March 24, 2014 Markahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria. CRITERIA IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD MALIKHAIN NAPAKAGALING 3 MAGALING 2 MAY KAKULANGAN 1 Ang nabuong collage ay nakapagbibigay ng kumpleto, wasto at napakahalagang impormasyon tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang nabuong collage ay nakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga Ang nabuong collage ay kulang sa sapat na impormasyon tungkol sa tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Ang pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. MARKA May kakulangan ang elemento ng pagkakadisenyo ng collage tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga 329 naganap rebolusyon. KATOTOHANAN Ang collage ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. na Ang collage ay nagpapakita ng pangyayari tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. naganap na rebolusyon at nagpapakita ng limitadong antas ng pagkamalikhain. Ang collage ay nagpapakita ng iilang pangyayari lamang tungkol sa naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na rebolusyon. Pamprosesong tanong 1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage? 2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa kabihasnan ng mga Rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo ang mga pamanang ito? DRAFT March 24, 2014 Sa nakaraang paksa ay nilinaw sa iyo ang mga pangyayari at kontribusyon ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Sa susunod na gawain ay pag-aaralan mo naman ang Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. GAWAIN 12: Hiwag Mo Akong Sakupin ! Panuto: Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Gusto mong malaman ang mga dahilan ng kanilang pananakop? Anong uri na ng pananakop mayroon sa panahong iyon? Gaano kalawak ang imperyong Kanluranin? Sige, basahin at unawain mo na ang teksto tungkol sa aralin. IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Ang Pananakop sa Makabagong Panahon Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands, France at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada at ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal. Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 siglo, samantalang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o Westernization ng ibang lupain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213 330 Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop. Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop, pinakamalawak ang imperyo ng Britain. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213 Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa. Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang bansa. DRAFT March 24, 2014 Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang Ikalawang Yugto ng Pananakop. Maraming pagbabagong politikal, kultural at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya. Ano-anong lugar sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Ano-ano ang mga dahilan at uri ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ 331 Paggalugad at Pag-aagawan sa Gitnang Africa Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa ng Europe Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating ang kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga ito ang malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat dito at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating ito ng isang misyonerong Ingles, si David Livingstone. Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa - ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat Mediterranean, ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi at ang malamig na bahagi sa may tiimog. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa sakit. Madaling marating mula sa Europe ang unang rehiyon sa pamamagitan ng Dagat Mediterranean. Ngunit matapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahiwalay ito sa Europe hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man. Islam ang naging malaganap sa hilagang Africa at naging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo sa Europe. Yumaman ang mga lungsod sa bahaging ito tulad ng Tunis at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang-dagat ng mga Europeo. DRAFT March 24, 2014 Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang ambisyon at mga pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang gitnang Africa. Sa loob ng 30 taon, ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng mga Kanluraning bansa. Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal at Italy ang ibang bahagi. Makatuwiran ba ang ginawang pangangalakal ng mga alipin? Bakit? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Sa simula, interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit sagana sa likas na yaman ang mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, mga punong citrus, butyl at pastulan ng hayop at magagandang panirahan ng mga Europeo. Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco. Kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon at kayamanan para sa mga Europeo. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 213 - 214 332 Bakit tinawag ng Great Britain ang India na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Imperyalismong Ingles sa Timog Asia Sa mga mananakop, hindi natinag ang imperyo ng Great Britain. Sa halip, lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company ang naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng imperyo noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang India. Sa Kasunduan sa Paris noong 1763 na nagwakas sa Pitong Taong Digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France. Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ngmga teritoryo, napasali ito nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898. Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico at Pilipinas. Ayon kay Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang nararapat gawin sa Pilipinas. DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ____________________________ Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo - ang Samoa na naging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor, pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Anong paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Kanluranin sa West Indies, Australia, New Zealand at Central America? _____________________________________________ _____________________________________________ ___________________________________________ 333 Ang Protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng America ang nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan, makakuha ng hilaw na sangkap at mapangalagaan ang kanilang ekonomikong interes. Ang malalaking samahan sa negosyo ng America ay nakakuha ng malalaking bahagi ng lakas-pangkabuhayan sa pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga daangbakal at samahan ng mga sasakyang dagat. Isa pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong hawak ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito ang simula ng pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao. EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON Epekto Ng Ikalawang Yugto Ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop Maraming aspeto ng buhay na naaapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at espiritwal at pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang sakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho sa pataniman, pagawaan ng barko at pagsisilbi sa hukbo. Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Sakop DRAFT March 24, 2014 Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 Ano-ano ang naging epekto ng Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 - 218 Epekto ng Imperyalismo Ang imperyalismo sa Africa at sa Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 294 334 GAWAIN 13: Punuan mo ako! Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang hinihinging impormasyon ng Concept Map. Ibahagi sa klase ang iyong sagot at hingan ng reaksiyon ang iyong mga kamag-aral. Magpalitan rin ng mga pananaw tungkol sa mga konseptomg nakapaloob sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON DAHILAN URI NG MGA TERITORYONG ITINATAG LAWAK NG KOLONYA NG MGA MANANAKOP DRAFT March 24, 2014 Reaksiyon... _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ __________________________________________ 335 Pamprosesong tanong 1. Bakit naganap ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo? 2. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop sa mga bansa? 3. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan. 4. Paano napasama ang United States sa pananakop ng mga bansa? 5. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating kolonya? 6. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Patunayan. 7. Anong mga alaala ang naibahagi ng iyong mga ninuno na nakaranas ng pananakop? Ibahagi ito sa klase. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 14: Talahanayan Ng Pananakop Sa tulong mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang talahanayan ng pananakop. Sundan ang halimbawa para sa maayos na pagsagot sa gawain. Itala ang mga bansang nanakop, sinakop at ang naging bunga ng pananakop sa dalawang bansa. BANSANG NANAKOP Halimbawa: Great Britain BANSANG SINAKOP India BUNGA NG PANANAKOP Sa bansang nanakop Nakinabang ang mga hilaw na materyales ng India. Sa bansang sinakop Nabago ang maraming aspeto ng kultura at tradisyon ng India. 336 Pamprosesong tanong 1. Sino ang higit na nakinabang sa Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga bansang nanakop o ang mga bansang nasakop? Pangatuwiranan. 2. Nakaapekto ba sa kasalukuyang ugnayan ng mga bansang nanakop at sinakop ang mga pangyayari sa panaho ng pananakop? Patunayan. 3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa ba sa mga bansa ang pananakop? Bakit? GAWAIN 15: Timbangin Mo! Naging mabuti ba o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming epekto ng pangyayaring ito: mabuti o masama? Itala ang mga naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang eskala. Ibigay mo rin ang iyong reaksiyon sa gawaing ito. Matapos ang palitan ng kuro-kuro at reaksiyon sa gawain, bumuo ng kongklusyon sa naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. DRAFT March 24, 2014 IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON 337 Kongklusyon: __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Pamprosesong tanong 1. Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama? Bakit kaya? 2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ipaliwanag. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 16: Bahagdan Ng Aking Pag-Unlad Sa bahaging ito, ay babalikan mo ang Concept Map na sinagutan mo sa unang bahagi ng aralin. Sagutin sa pagkakataong ito ang ‘Mga Natutuhan’ at ‘Halaga ng Natutunan sa Kasalukuyan’. PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE AKING ALAM NAIS MALAMAN MGA NATUTUNAN HALAGA NG NATUTUHAN SA KASALUKUYAN 338 Sa bahaging ito ng aralin ay nilinang mo sa tulong ng talakayan at iba’t ibang gawain ang mga konseptong dapat maunawaan tungkol sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Balikan ang katanungan sa bahagi ng pagtuklas at suriin kung ano ang pagkakaiba ng mga una mong sagot sa sagot mo ngayon. Ilan sa mga una mong sagot ang natalakay at nabigyang linaw? Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin, palalimin pa ito sa pagpapatuloy ng mga gawain na nasa susunod na bahagi ng araling ito. PAGNILAYAN / UNAWAIN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe at sa bahaging ginampanan nito tungo sa transpormasyon ng daigdig. Halika at ating simulan. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 17: Manifest Destiny Panuto : Ang iyong mababasa ay bahagi ng paliwanag ni dating U.S. Pres. William Mckinley hinggil sa pagsakop nito sa Pilipinas. Isang pagsusuri sa pananaw ng Manifest Destiny. Pagkatapos basahin ay ibigay mo ang iyong reaksyon at saloobin hinggil sa nilalaman nito. Ito ay isusulat mo sa kasunod na kahon. Pagkatapos sasagutin mo naman ang Pamprosesong Mga Tanong. 339 Manifest Destiny, Continued: McKinley Defends U.S. Expansionism Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like to say just a word about the Philippine business. I have been criticized a good deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t want the Philippines, and when they came to us, as a gift from the gods, I did not know what to do with them. When the Spanish War broke out Dewey was at Hongkong, and I ordered him to go to Manila and to capture or destroy the Spanish fleet, and he had to; because, if defeated, he had no place to refit on that side of the globe, and if the Dons were victorious they would likely cross the Pacific and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to destroy the Spanish fleet, and did it! But that was as far as I thought then. When I next realized that the Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with them. I sought counsel from all sides—Democrats as well as Republicans—but got little help. I thought first we would take only Manila; then Luzon; then other islands perhaps also. I walked the floor of the White House night after night until midnight; and I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God for light and guidance more than one night. And one night late it came to me this way—I don’t know how it was, but it came: (1) That we could not give them back to Spain—that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not turn them over to France and Germany—our commercial rivals in the Orient—that would be bad business and discreditable; (3) that we could not leave them to themselves—they were unfit for self-government—and they would soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the very best we could by them, as our fellowmen for whom Christ also died. And then I went to bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War Department (our map-maker), and I told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing to a large map on the wall of his office), and there they are, and there they will stay while I am President! DRAFT March 24, 2014 Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23. http://historymatters.gmu.edu/d/5575/ 340 GAWAIN 18: Salamat Sa Iyo ! Balikan ang napag-aralang mga pamana ng iba’t ibang Rebolusyong naganap sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe. Pgnilayan rin kung alin sa mga pamanang ito ang iyong nakita at nagamit na. Pagkatapos ay lumikha ng isang liham pasasalamat para sa mga pamanang ito. Makipagpalitan ng nabuong liham sa ibang kamag-aral at hingan sila ng reaksyon. Kung maaari mong ipost ang liham sa isang social media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba pa at mabigyang-halaga din nila ang mahahalagang pamana ng mga pangyayaring naganap sa panahong tinalakay sa aralin. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ DRAFT March 24, 2014 341 Pamprosesong tanong: 1. Ano ang nararamdaman mo habang gingawa mo ang sulat pasasalamat? habang binabasa ng iyong kamag-aral at ng ibang liham? 2.Bilang isa sa mga nakikinabang sa mga pamanang ito sa kasalukuyan? 3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, anong bagay ang gusto mong maipamana sa susunod na henerasyon? Bakit? GAWAIN 19: Aking Repleksyon ! Sa puntong ito, sumulat ka ng sariling repleksyon na maglalaman ng iyong naramdaman at naranasan sa pagsagot sa mg gawain ng aralin. Itala ang mga mahahalagang bagay na iyong natutunan at kung paano ito tumutulong sa pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong baguhin o paunlarin tungo sa isang produktibo at mapanagutang indibidwal. DRAFT March 24, 2014 __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ ___________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ ______________________________ 342 Binigyang-diin sa Aralin 2 ang mga pangyayayri na nagbunsod sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Ang Una at ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, Rebolusyong Siyentipiko, Rebolusyong Industriyal, at Enlightenment na siyang nagsilbing batayan ng pag-usbong ng mga bagong kamalayan at nasyonalismo sa Europe na siyang tatalakayin sa susunod na aralin. ARALIN BLG. 3: PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO ALAMIN DRAFT March 24, 2014 Sa araling ito tuklasin ang mga dinamikong ideya tungkol sa Rebolusyong Amerikano at Pranses at ang impluwensya nito sa pagsilang ng nasyonalismo sa daigdig. GAWAIN .1: Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3Ms) Panuto: Pakinggan ang awiting TATSULOK. Maaari itong awitin gamit ang sumusunod na lyrics. . Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito. TATSULOK 343 Hangga't marami ang lugmok sa Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng mga balang ligaw Totoy makinig ka, wag kang magpagabi Baka mapagkamalan ka't humandusay diyan sa tabi Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo DRAFT March 24, 2014 Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Hindi pulat dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo....... Di matatapos itong gulo..... 344 Alam mo bang ang awiting ‘Tatsulok’ ay orihinal na awitin ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang militarisasyon ng dating Pang. Corazon Aquino? Layon ng administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang awiting ito bilang paalaala sa di-pantay na istrukturang panlipunan ng bansa. DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. 5. 6. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit? Sino ang kinakausap sa awit? Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy? Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok? Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming Pilipino? 345 GAWAIN BLG. 2: Hagdan Ng Karunungan Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? FINAL DRAFT March 24, 2014 REFINED D INITIAL Pagsasakonteksto: Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa estruktura ng lipunan kung saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok.Ito’y mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tukto”. Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang “rebolusyon”? 346 Sa susunod na gawain ay higit mong pagtutuunan ng pansin ang konsepto ng rebolusyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay sa ibang konteksto. Sa pagsusuri ng konseptong ito’y huwag limitahan ang sarili sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Sa bahaging ito’y higit mong palalawakin ang iyong nalalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Gamit ang iyong mapanuring pag-iisip, subukin ang susunod na gawain. GAWAIN BLG.3: Hula- Arawan Panuto: Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang- pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig. DRAFT March 24, 2014 347 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ipinakikita ng larawan? 2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan? 3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita rito? 4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo? 5. Sino naman ang kinakatawan ng taumbayan? 6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan? 7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig o nasaksihang katulad ng sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase. 8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan? Pangatuwiranan. DRAFT March 24, 2014 BINABATI KITA! Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin. PAUNLARIN Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal, partikular ang Rebolusyong Pranses at Amerikano. Nilalayon din na pagkatapos ng aralin ay iyong maipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Makatutulong sa iyo ang naunang mga gawain upang higit na maunawaan ang mga tekstong kasunod na babasahin. 348 Pagsasakonteksto: Malaki ang ginampanan ng Scientific Revolution (1500’s-1600’s) sa pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham ay nagpatunay sa lakas ng ‘reason’ o ‘katwiran’. Napag-isipang kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa ‘physical world’ (physics, geology, chemistry, biology at mga tulad nito) bakit hindi ito gamitin upang maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan. Tinalakay na sa nagdaang aralin ang konseptong ito ngunit palalalimin pa ito. DRAFT March 24, 2014 PAGSUSURING PANTEKSTO Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang pinag-ugatan o pinagmulan. Patutunayan ito ng ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Pampulitikal sa Europa. 349 REBOLUSYONG PANGKAISIPAN Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at maging sa edukasyon.Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng ‘reason o katuwiran’ sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Mas kinilala ang kaisipang balance of power Ni Montesquieu Na tumutukoy SA paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan SA tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). DRAFT March 24, 2014 Kaisipang Politikal Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan sa ika-18 siglo (1700’s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito si Baron de Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon. Sa kaniyang aklat na pinamagatang The Spirit of the Laws (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europa. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. Paano kaya nakapangyayari ang ‘balance of power’ sa isang bansang may tatlong sangay ng pamahalaan? Ngunit mas kinilala ang kaniyang kaisipang balance of power na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). Ayon sa kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan. 350 Philosophes Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 siglo, isang pangkat ng mga taong tinatawag na philosophes (FIHL-uh-SAHFS) ang nakilala sa Pransya. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya. 1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang katwiran. Para sa kanila, ang katwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. DRAFT March 24, 2014 Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay? 2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala din sila na may likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisika na may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya at politika ay gayon din. 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay. 4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan”. 5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason. 351 Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at maging drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. DRAFT March 24, 2014 Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugalian ng Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag at pagpili ng relihiyon, at tolerance. Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Voltaire sa pamahalaang Ingles? Anong aspeto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire? 352 Bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mga mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH). Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom). Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa ‘kabutihan’ ng tao. Ayon sa kaniya, ‘likas na mabuti ang tao’. Nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pagkakapantaypantay na siya namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang-diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France. DRAFT March 24, 2014 Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya at relihiyon. Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyunal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito. Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya at Africa. ‘Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya at Africa.’ 353 Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment Ang islogang ‘kalayaan at pagkakapantay’ ay tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa mga kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 siglo (1700’s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan. Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng kababaihan. Sa kaniyang akdang A Vindication of the Rights of the Woman, hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay ang kalalakihan at kababaihan. Mahabang panahon bago binigyang-pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan. DRAFT March 24, 2014 Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary Wallstonecraft? Pangatuwiranan. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ ____________ Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban ng kababaihan ng panahong iyon? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ __ 354 Kaisipang Pang-ekonomiya Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal na namayani sa Europa at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ipinakilalananiya ang bagong patakaran sa samahan ng ekonomiyaSanapulitika, hindi nararapat pakialaman ang pamahalaan. Taliwas ito sang nakagisnang merkantilismo na pinagbabatayan ng ang yaman ang dami ng ng ginto at pilak. isang makatarungang pamahalaan. Ito pagkakaroon tatlong sangay ng pamahalaan- tagapangasiwa, tagapagbatas at hukuman- na Tinanggap angatideyang angnglupa ang mga tanging pinagmumulan ng yaman o nagtutulungan nagsusuri kanilang gawain. Ang prinsipyong ito ang nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na Physiocrats ang mga naniwala at ginamit ng mga Amerikanong mambabatas tulad nina Thomas Jefferson at nagpalaganap nito ngAdams ganitong kaisipan. John Quincy bilang batayan sa paggawa ng kanilang Saligang Batas. Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o ni George Berkeley walang laman ang utak pamilihan aySamantala, maaaring ipinahayag dumaloy nang maayos nang na hindi pinakikialaman ng ng tao kundi mga ideya at naaayon ang katotohanan sa kung ano ang tunay pamahalaan. saPangunahin pag-iisip ng tao. umanong tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay-proteksiyon ng mga mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan, at pamahalaan ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Kung maisasagawa ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat indibidwal na siya namang magpapaangat ng Insert photo: Rene Descartes, John Locke, Immanuel Kant kasama ang kanilang ekonomiya at pamumuhay ng mga mamamayan. mga ideya DRAFT March 24, 2014 Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinagaralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600’s tuwing nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal. 1. Ano ang kaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa prinsipyo ng laissez faire? 2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats? 3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa? 355 Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya. Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba’t ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal na sinunod. Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipuan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon: Ang Rebolusyong Politikal. DRAFT March 24, 2014 Pinagkunan: World History: Connections to Today (Discovery Channel School) World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553 Kasaysayan ng Daigdig (Vivar, T. et al) pp. 222-225 Ngayon ang panahon upang iyong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang sangkap ng Rebolusyong Plitikal.Gawin mo ang unang hamon para sa iyo. GAWAIN BLG.4: Tala-hanayan (3-2-1 Chart) CHART) PANUTO: Gawaing Indibidwal Punan ang sumusunod na chart. . 356 MGA BAGAY NA AKING NALAMAN 3 2 1 MGA INTERESANTENG IDEYA MGA TANONG NA NAIS MASAGOT DRAFT March 24, 2014 PAMPROSESONG TANONG 1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal at pilosopikal ang sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europa? 2. Paano binago ng iba’t ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa kanilang pinuno at pamahalaan? 3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga Philosophes? Pangatuwiranan. 4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng mga marami sa: a. relihiyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. kalayaan 357 Pagkatapos mong maunawaan ang Rebolusyong Pangkaisipan bilang mahalagang salik ng pag-usbong ng Rebolusyong Pampolitikal, napapanahon na upang pagtuunan ng pansin ang mga estadong dumaan sa Rebolusyong Pampolitikal, partikular ang Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses kasama na dito ang rebolusyon sa Latin America. PAGSUSURING PANTEKSTO Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa America at France. Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang kapatiran. REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON DRAFT March 24, 2014 Ang digmaan para sa kalayaan sa America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America. 358 Ang Labintatlong Kolonya Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananamplataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia. Bawa’t isa sa mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Nais ng British na ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis. DRAFT March 24, 2014 Makikita sa mapa ang labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang America Isa-isahin ang 13 kolonya ng British sa North America 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 359 Dahilan Walang Pagbubuwis Representasyon Kung Walang Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwis kung walang representasyon”. Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. DRAFT March 24, 2014 Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya. 360 Ang Unang Kongresong Kontinental Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa Amerika ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang tagaVirginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan. Ang Pagsisimula ng Digmaan Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad. DRAFT March 24, 2014 Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. 361 1. Ano-anong polisiya ang nagtulak sa mga Amerikano na lumaban sa mga British? 2. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya nang binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental? DRAFT March 24, 2014 Ang Ikalawang Kongresong Kontinental Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies of America” (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776. 362 Ang mapa sa kaliwa ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan ng Amerikano laban sa mga mananakop na British. DRAFT March 24, 2014 Ang Deklarasyon ng Kalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Britanya. Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. 363 Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New York. DRAFT March 24, 2014 Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan Paglusob mula sa Canada Simula noong 1777 ay sinimulan ng mga British ang pagatake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na sa halos 20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates. Paano ipinaglaban Amerikano ang kalayaan? ng mga kanilang Ang bansang France ay tradisyunal na kalaban ng British at ang mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang Pranses ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Disyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng British. 364 Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan. DRAFT March 24, 2014 Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Britanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang lumaon. 365 DRAFT March 24, 2014 Ano ang sinisimbolo ng larawang makikita sa itaas? _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pinagkunan: World History: Connections to Today (Discovery Channel School) Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 Mga Mungkahing Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al (pp. 228-230) Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al (pp. 262-266) Pagtapos mong matutuhan ang Rebolusyong Amerikano, subukin mong isagawa ang sumusunod na gawain upang masukat ang iyong kaalaman sa paksa. 366 GAWAIN BLG.5: Pulong- Isip PANUTO: Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin ang mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro. LEARNING CENTER I LEARNING CENTER II Ano-anong dahilan ang nagtulak sa mga Amerikanong humingi ng kalayaan mula sa Gran Britanya? Paano isinakatuparan ng mga Amerikano ang tahasang paghingi ng kalayaan? LEARNING CENTER III LEARNING CENTER IV DRAFT March 24, 2014 Paano nakaapekto ang pagtulong ng Pransya sa mga Amerikano sa pagtamasa nito ng kalayaan? Ano ang naging kinalabasan ng Rebolusyong Amerikano? 367 Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang pangyayaring nagbunsod sa pagsilang ng Rebolusyong Amerikano? 2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan ng mga Amerikano? 3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng Great Britain? 4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan. 5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatwiranan. Ang pananagumpay ng Estados Unidos ay nag-iwan ng aral hindi lamang sa mga Amerikano kundi maging sa ibang bahagi ng daigdig. Tunghayan ang kasunod na teksto at alamin ang dinamiko ng Rebolusyong Pranses. DRAFT March 24, 2014 PAGSUSURING PANTEKSTO REBOLUSYONG PRANSES: Ang Pamumuno ng Karaniwang Uri Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ang kawalan ng katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari, personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan. 368 Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine right theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikangPranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa. Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses. DRAFT March 24, 2014 Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng hari ng France? __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng buwis? Makatwiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin. __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ 369 Ang Pambansang Asemblea Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 sa Versailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli. Dahil dito humiling ang ikatlong estate na malaking bilang ay mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tig-iisang boto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan nila dito ang una at ikalawang estate . Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulong. Isinara ang lugar na dapat sana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court ng palasyo. Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa kanila at hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi naisakatutuparan ang kanilang layunin. Matapos ang isang linggo’y ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlong estate nang kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalawang estate sa pambansang asemblea. Maituturing ang pangyayaring ito ng unang pagwawagi ng ikatlong estate. DRAFT March 24, 2014 Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ____ 370 DRAFT March 24, 2014 Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, France Ang Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembliya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Ang desisyong ito ay lalong nagpaigting sa paglaganap ng rebelyon. Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga galit na mamamayan ang Bastille. Ito ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan. Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng France at tinawag na mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban. Sila’y binubuo ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asemblea. Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang France. 371 Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang-diin nito na ang lipunang Pranses na kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos. DRAFT March 24, 2014 PRIMARYANG BATIS NG KASAYSAYAN Agosto 27, 1789 nang isinulat ng mga Pranses ang Declaration of the Rights of Man. Ilan sa mga prinsipyong nakapaloob dito ay makikita sa apat na kahon. Unawain ang mga kaisipang nakapaloob sa bawat kahon at sagutin ang mga tanong tungkol dito. The aim of the government is the preservation of the …rights of man… Men are born and remain free and equal in rights… Every man is presumed innocent until proven guilty… Law is the expression of the general will (of the people). Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan? Naniniwala ka ba dito? Bakit? Bakit mahalaga na paniwalaang inosente ang nasasakdal hanggat hindi napatutunayan ang kanyang sala? Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa Declaration of the Rights of Man? 372 Ang Pagsiklab ng Rebolusyon Maraming mga monarko sa Europa ang labis na naapektuhan sa pagsiklab ng French Revolution. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. 1. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan ng monarkiya sa France? ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ DRAFT March 24, 2014 Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga noble ng France ay bumubuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at ang mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. 2. Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon. ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI. Sa taong ding iyon ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunod-sunod nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya. 373 Ang Reign of Terror Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sa digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano. Ang manananggol na si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign of Terror.Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan. DRAFT March 24, 2014 Ang France sa ilalim ng Directory Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay rin sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng France ang kaniyang pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britain.Taong 1795 nang ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-batas na ang layunin ay magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na tauntaon ay ihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera. Samantala, iba’t ibang pangkating pampolitika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya. Ano ang ‘reign of terror’? ________________________________________________________ Bakit ito lumaganap? ________________________________________________________ 374 Ang Pagiging Popular ni Napoleon Kailangan ng France ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon, kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kaniyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampoltika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan. DRAFT March 24, 2014 Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 Mga Mungkahing Babasahin: Kasaysayan ng Daigdig’ (Mateo et al.) pp 262-266 Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 228-230 Iyong natunghayan ang masalimuot na kasaysayan ng Rebolusyong Pranses. Ano ang iyong saloobin tungkol sa pangyayaring ito? Naging makatuwiran ba ang mga Pranses sa mga pagbabagong kanilang isinakatuparan? Hinahamon kita na ipahayag ang iyong kaisipan sa pagsasagawa ng susunod na gawain. 375 GAWAIN 6: Diagram ng Pag-unawa PANUTO: Gawaing Dyad Gamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon ayon sa iyong pagkaunawa. REBOLUSYONG AMERIKANO REBOLUSYONG PRANSES PAANO NAGKAKATULAD? DRAFT March 24, 2014 376 PAANO NAGKAKAIBA? REBOLUSYONG AMERIKANO ASPETO REBOLUSYONG PRANSES MGA DAHILAN MGA SANGKOT NA AKTOR DALOY NG MGA PANGYAYARI DRAFT March 24, 2014 BUNGA O IMPLIKASYON SALOOBIN TUNGKOL SA PANGYAYARI Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihang mamamayang Pranses sa pagsibol ng rebolusyon? 2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya? 3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan? Pangatwiranan. 4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo? 5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses? 6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa? 7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europa? 8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino partikular sa mataas na buwis? Pangatuwiranan. 377 ANG NAPOLEONIC WARS Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kaniyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay serye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte. Ang digmaan ay nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815. Mga Pangunahing Dahilan ng Digmaan Ang digmaang Napoleonic ay nagsimula sa panahon ng Rebolusyong Pranses. Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng hari sa France at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno. Noong 1792 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upang lusubin ang France. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw nila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay palaganapin ito sa karatig- bansa. Noong 1793 ay nagsimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng Britanya, Espanya, Portugal, at Russia na sumali sa digmaan. DRAFT March 24, 2014 1. Ano ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars? _____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ 378 Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ng Francesa pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago lang ang sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral ni Napoleon Bonaparte. Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa ay naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Germany. Tinalo niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng mga Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay kaniyang nasakop ang Gitnang Germany na nakilala bilang Rhine Confederation. Patuloy niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya. Noong 1807 ay tinalo niya ang puwersa ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya nang lumaon ang Poland. Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa France. Sinunod naman niya ang pagsakop sa Espanya at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at napalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang Britanya na lamang ang nakikipagdigma sa France. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan ay miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph, ay itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland. DRAFT March 24, 2014 Ang mga bagong pinuno na ito ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mga kaharian. 1. Sino si Napoleon Bonaparte? ________________________________________________________ ________________________________________________________ _______________________________________________________ 2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ 379 Peninsula War (1808) Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Britanya sa mga rebelde ngunit tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya kaya minabuti ng mga British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa bahagi ng Europa na Iberian Peninsula. Ang Paglusob sa Russia (1812) Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y kaniyang masakop ay madali na niyang mapapasok ang Britain. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng Polish, German, Italyano at mga Pranses upang lumaban sa Battle of Borodino Ang Pagkatalo ng France Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kaniyang hukbo sa France dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa natirang mga sundalo na kaniyang nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik sa France. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima o napatay ng mga Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik nang maluwalhati sa France. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala naman ng mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang pakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog France at ang pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa HilagangFrance. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at untiunting bumagsak ang imperyong itinayo ni Napoleon. DRAFT March 24, 2014 Marami sa mga sundalong ipinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan at kinulang ang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo ni Napoleon hanggang sa Moscow ngunit laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao dito nang sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima. Sino kaya ang maaaring nagsimula ng sunog sa Moscow? Pangatuwiranan. 380 Pagtatapos ng mga Labanan Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 nang talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria, Prussia at Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kaniyang nagbubunying kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng France noong 1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng Italya. DRAFT March 24, 2014 Ang Duke ng Wellington, si Arthur Wellesly (kaliwa) ng puwersang British at si Gebhard von Blucher (kanan) ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangunahing aktor sa pagpapahina ngpuwersa ni Napoleon Bonaparte. 381 Pagkamatay ni Napoleon Bonaparte Nakatakas noong Pebrero 1815 si Napoleon sa Elba at nakabalik sa France. Nang ipahayag ang kanyang pagbabalik ay dali-dali siyang sinalubong ng dati niyang mga sundalo. Bumuo na muli siya ng isang hukbo at nagmartsa patungong Paris upang agawin ang trono sa haring si Louis XVIII. Muling nagkaisa ang alyansang unang tumalo kay Bonaparte at naglunsad ng digmaan laban sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo na matatagpuan sa Netherlands. Dahil sa pinagsamang puwersang militar ng Britain at Prussia, madaling natalo si Bonaparte. Hunyo 22 nang sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang kanyang ‘Isang Daang Araw’. Siya ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning. DRAFT March 24, 2014 382 Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya pagkatapos na maipatapon si Napoleon sa St. Helena. Bunga ng Rebolusyon Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig. Sang-ayon sa mananalaysay na si John B Harrison, ‘Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang mabuksan ay nagpakawala ng mga kaisipang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos lahat ng sulok ng daigdig.’ Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan, politikal at pangkabuhayan. DRAFT March 24, 2014 Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 GAWAIN 7: Turn –Back Time ( Timeline Plotting ) Panuto: 1. Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic. 2. Itala ang mga esensyal na pangyayaring magtutulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito. 3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang timeline. 4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang saloobin tungkol dito. 5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka sa ginawang timeline. 383 TIMELINE RUBRIC Kategorya/ Pamantayan Pamagat Petsa Pinakatama 4 Epektibo, nakatatawag pansin at madaling maunawaan Kumpleto ang petsa ng mga pangyayari, Tiyak at tumpak ang lahat ng pangyayari MedyoTama Malinaw Malabo 3 2 1 Epektibo at Simple at Walang pamagat madaling madaling maunawaan maunawaan May kulang na 1-2 petsa ng mga pangyayari, May 2-3 mali o Malabo sa mga pangyayari Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, may 2-3 petsa sa panahon na hindi kapareho ang pagitan May kulang na 3-5 petsa sa mga pangyayari, mahigit sa lima ang hindi tiyak Hindi tiyak ang nawawalang mga pangyayari,halos lahat ng pangyayari ay di tiyak DRAFT March 24, 2014 Estilo at Sumasakop sa Organisasyon lahat ng mahahalagang panahon,tama at pare-pareho ang pagitan ng bawat taon/petsa Nilalaman Layunin Sumasakop sa lahat ng mahahalagang panahon, nagtataglay ng 5 petsa/panahon na di parepareho ang pagitan Nagtataglay Nagtataglay Nagtataglay ng 11-15 ng 8-10 ng 6-7 pangyayaring pangyayaring pangyayaring kaugnay ng kaugnay ng kaugnay ng paksa paksa paksa Malinaw at Malinaw Hindi malinaw tiyak ngunit mayroong mga ideyang di-tiyak Dalawa lamang ang nasasakop ng mahahalagang panahon, hindi pareho-pareho ang pagitan ng mga petsa/panahon Nagtataglay ng 5 lamang pangyayaring kaugnay ng paksa Walang ibingay na layunin PAMPROSESONG TANONG 1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europa? 384 2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europa? 3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europa na ibalik ang pamahalaang monarkiya? 4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa Pransya? Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag. Ang Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga sa kaayusang politikal ng mga bansa sa daigdig. Isang siglo matapos ang mga ito’y ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo. PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG DRAFT March 24, 2014 Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan. Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, kailangang isakripisyo pati ang buhay. Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na may ipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging makabayan. Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t-ibang pamamaraan kung paano nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan. 385 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint. Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia si Ivan the Great, tumalo at nakapagbagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka. DRAFT March 24, 2014 Paghimok ni Lenin sa mga kapwa-Ruso na pamunuan ng mamamayan ang bansa matapos mapatalsik ang czar. Ito ay naipinta ilang taon matapos ang nasabing pangyayari. 386 Himagsikang Ruso Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya sa mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar. Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido. DRAFT March 24, 2014 Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong 1940. Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar? 387 Nasyonalismo sa Latin America Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at Katoliko Romano ang pananampalataya. DRAFT March 24, 2014 Mapa ng South America na nasakop ng Spain at Portugal Pagtapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal. Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung bakit ito umunlad bilang hiwahiwalay na bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng Bundok Andes at ng Disyerto ng Atacama. Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga talampas at bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t-isa ang Colombia, Venezuela at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes. 388 Nakalilikha ng likas na hangganan ang malaking daanan ng ilog upang paghiwalayin ang mga bansa. Nakahiwalay ang Argentina sa Uruguay dahil sa Rio de Plata at mga bahagi nito. Ang Ilog Orinoci ang naging hangganan ng Colombia at Venezuela. Nasa timog Brazil ang pinakamalaking ilog sa daigdig, ang Amazon. Ang mga bundok, gubat, ilog at ang Dagat Caribbean ay nakatutulong na paghiwahiwalayin ang mga ito sa iba’t ibang bansa. Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile. Ang populasyon ng ibaEcuador, Peru, Bolivia at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican Republic,itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing Aprikano, Indian at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain , Germany at Italy. Maraming Europeo ang naninrahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil lamang nagkaroon ng pagaasawahan ang iba’t-ibang lahi at nasyonalidad. DRAFT March 24, 2014 Ang mga Creole Tinatawag na Creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba’tibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo (Espanyol at Indian), zambo (Indian at ibang lahi) at mulatto (puti at ibang lahi). Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika. 389 Hindi tulad ng 13 kolonya sa Estados Unidos, nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mga bagong republika na mabigyang –halaga ang kanilang naiambag gayundin ang kanilang mga bayani. Sa Latin America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay-diin ito sa mga pagkakaiba ng mga Latin Amerikanong bansa. Maraming himagsikan ang nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi. Mga Sagabal sa Nasyonalismo Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America. Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo. Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa pagkakaalipin. Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin America at nakasagabal sa kanilang nasyonalismo. DRAFT March 24, 2014 Sa mga bansang Latin Amerikano, napabayaan ang nasyonalismo sapagkat matagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap. Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador at Bolivia ang tumira sa bundok upang malayo sa pamamahala ng banyaga. Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang-uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _ 390 Si Bolivar- ang Tagapagpalaya Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang Timog Amerika laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain. Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika. DRAFT March 24, 2014 Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes. Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno. 391 Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong republikaang Venezuela, Colombia at Ecuador. DRAFT March 24, 2014 Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador. Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827, ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal. Nawalan ng saysay ang mga ito dahil sa pananakot, pagpapahirap, katiwalian at mga pagpatay na isinagawa ni Juan Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa Argentina hanggang 1852. 392 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Ang Sahara ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa. Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing Itim sa kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy. Binuo ang mga lahing Puti ng mga mangangalakal na Arab,mga Asyano at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang ang Puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap. Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. DRAFT March 24, 2014 Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910. Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1975. Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa? 393 DRAFT March 24, 2014 Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Africa 394 http://culturextourism.com/wp-content/uploads/2011/12/african-tribes_1.jpg Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng Nasyonalismo Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ay nag-uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at namulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ang nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop. May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan subalit maraming nagbuwis ng buhay upang lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu at iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin . Nakahanda silang magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban. DRAFT March 24, 2014 SANGGUNIAN: Kasaysayan ng Daigdig (Vivar et al.) pp 234-241 GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya ? Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay na bilang iyong gabay. S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’. C_______________2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahingEuropeo. N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses naglalayong magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa. L_______________ 4. Haring iniluklok sa Pransya matapos magapi ang puwersa ni Napoleon Bonaparte. 395 M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na nagtanggol laban sa mga nagtatangkang buwagin ito. T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika B______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang monarkal ng Pransya. J_____S________ 8.Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR sa kaniyang kamatayan. P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa mga British.. DRAFT March 24, 2014 N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan. Pamprosesong Tanong 1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo? 2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso? 3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America? 4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? Patunayan ang iyong sagot. 5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang nasyonalismo? 6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng halimbawa. 396 GAWAIN 9: WHO’S WHO IN THE REVOLUTION? Personality and History (GROUP DYNAMICS) Panuto: Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit ang internet. Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay na maaaring ikuwento sa klase . Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin. Pangkat I- Patrick Henry Thomas Jefferson DRAFT March 24, 2014 Pangkat II- Napoleon Bonaparte Camille Desmoulins Pangkat III- Vladimir Lenin Josef Stalin Pangkat IV- Simon Bolivar Jose de San Martin Rubric para sa Presentasyon Criteria Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysayan Istilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka Natatangi Mahusay Medyo Hindi Mahusay Mahusay 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos 397 Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. 5. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing isinagawa? Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng mga personalidad na sangkot sa rebolusyon? Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa kanilang bansa. Sa iyong palagay lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na ito ang kanilang naisin? Pangatuwiranan. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo din ba ang kanilang ginawa? Bakit oo? Bakit hindi? DRAFT March 24, 2014 Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan. 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit? 2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?Bakit kaya ninanais ng may-akda na baliktarin ang tatsulok? 4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya. 6. 7. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ? Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit? 398 GAWAIN 10: Hagdan Ng Karunungan … Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? DRAFT March 24, 2014 FINAL REFINED D INITIAL Naunawaan mo ba ang mga konsepto at ideyang tinalakay sa araling ito? Kung hindi ay malaya kang magtanong sa iyong guro at kapwa-mag-aaral upang higit mong maunawaan ang Aralin 3. Kung oo, isang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Mahusay mong natapos ang bahaging Paunlarin sa Aralin 3. 399 PAGNILAYAN AT UNAWAIN Ngayong mayroon ka nang sapat na kaalaman sa ugnayan ng rebolusyong pangkaisipan sa rebolusyong politikal at ang implikasyon nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo, napapanahon na upang palalimin ang iyong kaalaman sa paksang ito. Inaasahan din na sa bahaging ito’y kritikal mong masusuri ang mga kaisipang may kinalaman sa paksa. Isang batikang mananalaysay na nagngangalang Dr. Jaime Veneracion ang nagsabi na sa pag-aaral ng kasaysayan ay mahalagang maunawaan hindi lamang ang pangyayari kundi pati ang ugnayan ng panahon at pangyayari. Ginamit niya ang terminong ‘spirit of the time’ upang ilarawan ang ‘esensya ng isang panahon’ at ang kwentong pumapaloob dito. Kailangang lubusang maunawaan ang ‘pangyayari at panahon’ kung ang nais ay makuha ang aral ng kahapon. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 11: KUWENTONG MAY KUWENTA (Tanungin mo sila…) Panuto: Kapanayamin ang isa o dalawang taong nakilahok na sumama sa EDSA Revolution noong 1986 (EDSA I). Maaaring ito ay iyong lolo o lola, magulang, tiyo o tiya, guro, kapitbahay, malayong kamag-anak o kakilala. Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera o anumang electronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon kaugnay ng pangyayari. Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay sa pakikipanayam. 1. 2. Ano po ang dahilan ng pagsama ninyo sa EDSA I? Mayroon po bang pumilit sa inyo na sumama o ito ay kusang-loob ninyong desisyon? 400 3. 4. 5. Ano po ang naging karanasan ninyo sa pagsama rito? Maaari po bang ikuwento ninyo? Nakuha po ba ang inyong ipinaglalaban (kung meron man) sa pagsali sa EDSA ? Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon, uulitin po ba ang ninyo ang pagsama dito? Ipaliwananag. Ibahagi sa klase ang iyong dokumentaryo o impormasyong nakalap.Ikaw ay mamarkahan gamit ang kasunod na rubric. * May kalayaan ang mga mag-aaral kung ito ay isasagawa ng indibidwal o pangkatan. Rubric Para sa Presentasyon Criteria Natatang Mahusa i y Medyo Mahusa y 3 puntos 2 puntos Hindi Mahusa y 1 puntos DRAFT March 24, 2014 Kaalaman sa paksa Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiya Kaalaman sa kontekstong pangkasaysaya n Estilo at pamamaraan ng presentasyon Kabuuang Marka 4 puntos 401 PAMPROSESONG TANONG 1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa? Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng iyong kinapanayam sa kaniyang pagsama sa EDSA I? Nakita o naramdaman mo ba ang ‘katuwaan, kasiyahan o kalungkutan na ipinakita ng iyong kinapanayam? Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapanayam? Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa kinapanayam. 2. 3. 4. 5. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 12: LESSON CLOSURE : A Good Ending Panuto: Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sa pagsulat ng mga impormasyon. LESSON CLOSURE Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo… Isa sa mahalagang kaisipan ay… Ito ay mahalaga sapagkat… Isa pang mahalagang ideya ay… Nararapat itong tandaan dahil… Sa pangkabuuan… 402 GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal) Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay ang pagiging mapagmahal sa bayan o isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo. Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino? Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang isabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo? GAWAIN 14: Hagdan Ng Karunungan … DRAFT March 24, 2014 Panuto: Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging “final” ang iyong nalalaman tungkol sa tanong. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses? FINAL REFINED D INITIAL Mahusay mong naisakatuparan ang gawain sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain sa Aralin 3. 403 ILIPAT AT ISABUHAY Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Sa puntong ito nais kong unawain mong mabuti ang bahaging gagampanan mo sa pagtatagumpay ng gawain. Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong tinamong kaalaman sa mga nakaraang aralin. Ang iyong gawain ay mamarkahan gamit ang rubrics. Gallery Walk/ Every Child A Tour Guide Magsasagawa kayo ng isang open exhibit tungkol sa mga kaganapan at naging pamana ng mga pangyayaring nagbunsod sa transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Gawin ito nang pangkatan lalo na sa bahagi ng paghahanda ng mga gagamitin para sa exhibit. Maaaring ninyong gamitin ang mga ginawang poster, editorial cartoon, collage, at biograpiya ng mga indibidwal na bahagi ng aralin sa nakalipas na mga gawain. Kung madadagdagan pa ito ng iba pang pwedeng iexhibit ay gawin ito. Kung may gamit para sa audio-visual na presentasyon at marunong lumikha ng multi-media presentation ay maaari din isama ito sa exhibit. Magtatalaga ang grupo ng mga tagapagpaliwanag o curator tungkol sa mga larawan o bagay na kanilang ieexhibit. Bibigyang-diin nang bawat pangkat ang naging implikasyon ng mga kaganapan at pamanang ito sa pamumuhay, komunidad at bansa ng daigdig. DRAFT March 24, 2014 Ang gawaing ito ay mamarkahan gamit ang rubric. Panukatan Presentasyon Nilalaman Pinakamahusa y (4) Nagpamalas ng pagkamalikhain , kahandaan, kooperasyon at kalinawan sa presentasyon ang pangkat Higit na Mahusay Mahusay (3) (2) Di Mahusay (1) Nagpamalas ng 3 sa 4 na kahusayan sa pagtatangha l Nagpamalas ng 2 lamang sa 4 na kahusayan ng pagtatangha l May tuwirang kaugnayan sa pananaw batay sa pamantayan tulad ng orihinal, pagkakabuo, Naipamalas ang 3 sa 4 na pamantayan Naipamalas ang 2 sa 4 na pamantayan Isa lamang ang naipamalas na kahusayan sa pagtatangha l Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas 404 Pangkalahatan g Impak pagkakaugnay ng ideya at makatotohanan ang mga ipinakita sa exhibit. Sa kabuuan ng presentayon, nag-iwan tumpak na mensahe, nakahikayat ng nagmasid, positibong pagtanggap at maayos na reaksyon ng mga nagmasid. Tatlo sa apat na pamantayan ang naisagawa Dalawa sa apat na pamantayan ang naipamalas Isa lamang sa 4 na pamantayan ang naipamalas DRAFT March 24, 2014 Transisyon sa susunod na modyul Binigyang-diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran at epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Tinalakay rin ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan, at maging ang pagsibol ng Nasyonalismo sa iba’t ibang panig ng Daigdig. Ang mga kaganapan at pamanang iniwan ng mga pangyayaring ito ay nagdulot ng transpormasyon ng daigdig tungo sa makabagong panahon. Subalit hindi dito natapos ang mga Suliranin at Hamon ng daigdig tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa at Kaunlaran. Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng Kasaysayan ng ating daigdig ay iyong matutunghayan sa susunod na modyul. 405 Talasalitaan Absolute monarchy- Uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng sinuman Bourgeoisie- Panggitnang uri o middle class na binubuo ng negosyante, banker, may-ari ng pantalan o daungan at mga kauri nito Enlightenment- Kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang ‘agham’ sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural French Revolution- Rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at kalayaan. DRAFT March 24, 2014 Geocentrism- Paniniwala noong panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ay ang sentro ng solar system Heliocentrism- Paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system Humanismo- Isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito. Imperyalismo- Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin Industriyalisasyon- Pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon. Kolonyalismo- Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang Bansa Kontra-Repormasyon- Kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo partikular sa Katolisismo 406 Laissez faire- Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan Merkantilismo-Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso Monarchy- Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna at mga kauri nito Napoleonic Wars- Digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang buong Europa Nasyonalismo- Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa DRAFT March 24, 2014 pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan Nation-state- Terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at napasasailalim sa isang pamahalaan. Philosophes- Grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightenment na naniniwalang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay Physiocrats –Mga taong naniniwala at nagpalalaganap ng ideyang ang lup ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman Rebolusyon- Nangangahulugan ng mabilis, agaran at radikal na pagbabago sa isang lipunan Renaissance- Tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang Italya Repormasyon- Kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristiyano. 407 Sanggunian A.Aklat Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 185 – 186 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p.189 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 241 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp.244-245 DRAFT March 24, 2014 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 254 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 211-213 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 213 - 214 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al pp. 215 - 216 Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al p. 217 - 218 Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C. Mateo et’al p. 294 Kasaysayan ng Daigdig ni Teofisto Vivar et al (pp. 228-230) Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et al (pp. 262-266) Kasaysayan ng Daigdig (Vivar, T. et al) pp. 222-225 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) World History: Patterns of Interactions (Beck, R. et al) pp 552-553 World History: Connections to Today (Discovery Channel School) Source: General James Rusling, “Interview with President William McKinley,” The Christian Advocate 22 January 1903, 17. Reprinted in Daniel Schirmer and Stephen Rosskamm Shalom, eds., The Philippines Reader (Boston: South End Press, 1987), 22–23. 408 B. Modules Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 10 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 14 Project Ease Araling Panlipunan III Modyul 13 Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 15 DRAFT March 24, 2014 409 MODYUL 4: ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANG SA KASALUKUYAN): MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN PANIMULA: Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa. Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika- 20 siglo maraming pangyayari ang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War at ang malawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di- pagkakaunawaan bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa. DRAFT March 24, 2014 Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga babasahin at teksto ang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano ka makakatulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran? Mga Aralin at Sakop ng Modyul Aralin 1 – Unang Digmaang Pandaigdig Aralin 2 – Ikalawang Digmaang Pandaigdig Aralin 3 – Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Aralin 4 – Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Yunit na ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto. Sige na! Simulan na nating basahin… 411 Ang Kontemporaryong Daigdig (Simula sa Ika-20 Siglo Hanggang sa Kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon Tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan at Kaunlaran Aralin I - Ang Unang Digmaang Pandaigdig Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig Nasusuri ang Mahahalagang pangyayari naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig DRAFT March 24, 2014 Natataya ang mga epekto ng Unang Dimaang Pandaigdig Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran Aralin II- Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaidig Nasusuri ang mahahalagang pangyayari naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran 412 Aralin III- Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Nasusuri ang mga ideolohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng establisadong institusyon ng lipunan. Natataya ang epekto ng Cold War sa iba’t ibang bahagi ng daigdig Nasusuri ang mga epekto ng neokolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na bansa Aralin IV- Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. DRAFT March 24, 2014 Ang United Nations at ang mga sangay nito Mga organisasyon at alyansa Mga pang-ekonomikong organisasyon at trading blocs PANIMULANG PAGTATAYA K1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa: A. B. C. D. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa Gamiting gabay ang mapa ng Europe upang masagot ang tanong sa ibaba. 413 Source: http://mapofeurope.com/wp-content/uploads/2013/07/map-of-europe1024x833.jpg?a600a5 P 2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng World War I . Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito? A. B. C. D. Labanan ng Austria at Serbia Digmaan ng Germany at Britain Paglusob ng Rusya sa Germany Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland DRAFT March 24, 2014 K3.Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon A. B. C. D. Demokrasya Liberalismo Kapitalismo Sosyalismo P 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan” A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensya U 5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles? A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany B. B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente 414 D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito K 6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng World War I A. B. C. D. Treaty of Paris United Nations League of Nations Treaty of Versailles Suriin ang T-diagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong sa bilang 7-8 DRAFT March 24, 2014 Demokrasya Komunismo Timog Korea Hilagang Korea Timog Vietnam Hilagang Vietnam P 7. Alin sa mga sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diagram? A. B. C. D. 17th parallel at 38th parallel 38th parallel at 17th parallel 19th parallel at 38th parallel 38th parallel at 19th parallel P 8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diagram, na nahati ang Korea at Vietnam matapos ang World War I. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa sa Asya? A. Upang magkaroon ng tiyak na hangganan B. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansa C. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa 415 D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawat bansa U 9. Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang pagsiklab ng digmaang pandaigdig dahil ito ay nagging pandaigdigang forum upang pag-usapan ang sigalot ng mga bansa Pahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sa pang-aabuso ng Israel sa karapatang pantao ng mga Palestinian. A. B. C. D. Tama ang pahayag I at Mali ang pahayag II Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II Parehong tama ang pahayag I at II Parehong mali ang pahayag I and II DRAFT March 24, 2014 K 10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary, Rusya, at Ottoman U 11. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan? A. B. C. D. Naitatag ang United Nation Nagkaroon ng World War III Nawala ang Fascism at Nazism Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya U 12. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN? A. B. C. D. Mga bansang nanalo sa digmaan Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig Gamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong bilang 13. 416 Source: http://library.thinkquest.org/06aug/02455/pictures/worldwarII.jpg DRAFT March 24, 2014 P 13. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan? A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado D. Lahat ng nabanggit K 14. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutungaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A. B. C. D. US at USSR US at France Germany at USSR Germany at France U 15. Alin sa mga sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansa kung sasanib sila sa APEC? A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastraktura B. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansa C. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pag-papaunlad ng agham at ekonomiya D. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga kasaping bansa P 16. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II” 417 A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga arkitekto nito D. Naging mahina ang League of Nationsna isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa U 17. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang? A. B. C. D. May karapatang makaboto May kalayaan sa pananampalataya Militar ang nangingibabaw sa sibilyan Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon U 18. Malaki ang naging epekto ng Cold War s ekonomiya ng mga bansa sa Asya at Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War? DRAFT March 24, 2014 A. B. C. D. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States Pangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na makapasok sa kanilang bansa P 19. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita ng chain of events sa ibaba. Naideklarang Open City ang Maynila Pagsabog ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan Labanan sa pagitan ng Luftwaffe at Royal Army Forces Pagpapadala ni Hitler kay Lt. Gen. Erwin Rommel at ang kanyangn African Korps sa Libya A. Mga salik na nagbigay daan sa World War I B. Mga salik na nagbigay daan sa World War II C. Mga pangyayaring naganap sa World War 418 D. Mga pangyayaring naganap sa World War II Basahin at unawain ang talata sa ibaba upang sagutin ang tanong. Noong World War II, nakalikha ang United States ng sandatang nukleyar sa ilalim mg Manhattan Project. Ang lakas ng pwersang pinapakawalan ng bombang ito ay katumbas ng pinasabog na TNT na nasa kilotons o megatons ang bigat. Ika-6 ng Agosto 1945 nang hulugan ng bombang nukleyar ng mga Amerikano ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nagdulot ito ng pagkasawi ng maraming tao at pagkawasak ng mga imprastraktura. Disyembre 1983, nang may ilang siyentipikong naglabas ng kanilang pag-aaral sa posibleng epkto ng pagpapasabog ng sandatang nukleyar sa mga klima sa mundo na tinawag na nuclear winter theory. Ayon sa teorya, ito ay magtatapon ng usok at alikabok na sapat upang takpan ang araw sa loob ng maraming buwan na magiging sanhi ng paglamig ng klima ng mundo na ikamamatay ng mga halaman at mga bagay na may buhay. Pinagkunan- http://en.wikipedia.org/wiki/Nuclear_Weapons DRAFT March 24, 2014 U 20. Inilahad sa talata sa itaas ang posibleng epekto ng sandatang nukleyar sa daigdig? Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nararapat ipatupad ng mga bansa sa daigdig hinggil dito? A. Maaaring gumamit ng plantang nukleyar upang mapanatili ang kapayapaan sa daigdig B. Dapat ipagbawal ang paggamit nito upang maiwasan ang epekto sa tao at halaman C. Nararapat magkaroon ng patakaran sa paggamit at siyasatin ang mga plantang nukleyar ng mga bansa D. Nararapat na magkaroon ang bawat bansa ng sandatang nukleyar sapagkat mahalaga sa bawat bansa ang pwersa. 419 ARALIN 1: ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ALAMIN Malalaman sa Yunit na ito ang mga dahilan at mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan.Bibigyang- pansin din ang matinding epekto nito na nag-iwan ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin din ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang kapayapaang Pandaigdig. Inaasahang masasagot ng mga mag-aaral ang tanong na Paano nagsikap ang mga bansa upang wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig? Ngayon, DRAFT March 24, 2014 simulan mo nang basahin ang kasunod na teksto at ihanda ang iyong sarili sa pagtupad sa iba’t ibang gawain. GAWAIN BLG.1: Konseptong Nais Ko, Hulaan Mo Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon. 1. Pagkakampihan ng mga bansa A Y A 2 Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe M I T A S O 3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa. I P Y L O 4. Pagmamahal sa bayan N S N L M 5. Bansang kaalyado ng France at Russia G T B T N 420 6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig E E F A O 7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig V S I L 8. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig R S P 9. Siya ang lumagda sa Proclamation of Nuetrality W D O L N 10. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany DRAFT March 24, 2014 T L E L I N E Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mahihinuha sa salitang iyong nabuo? 2. May magkakaugnay bang salita? Kung mayroon, paano ito nagkaugnay? 3. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig? GAWAIN BLG. 2: Graphic Organizer Matapos masagutan ang gawain, Punan ng impormasyon ang Storming Web sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Facts 421 FacTs storming Web Posibleng Dahilan Mga Posibleng Mangyari Digmaan Epekto DRAFT March 24, 2014 Posibleng Maging Wakas Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. Ano ang naging batayan mo sa pagsagot ng gawain? Bakit kaya nagkakaroon ng digmaan? Ipaliwanag ang mga posibleng mangyari sa panahon ng digmaan? May pagkakatulad ba ang kasagutan mo sa kasagutan ng kaklase mo? sa paanong paraan? Maaaring magpalitan ng mga tanong at kuro-kuro hinggil sa mga kasagutan. GAWAIN BLG. 3- Larawang Suri Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. 422 Source:https://www.google.com.ph/search?q=world+war+i+pictures&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ei =OqF4UrPRINOciQf3zYHgAw&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1208&bih=598 DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ideyang ipinakikita ng larawan? 2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong maramdaman? 3. Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig? PAUNLARIN Matapos mabatid ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig, marahil ay marami ka pa ring katanungan na nais masagot tungkol sa paksa. Handa ka na bang tuklasin ang mga pangyayari,mga dahilan at epekto ng Unang Digmaang Pandigdig? Nais mo rin bang malaman ang mga hakbang na ginawa ng mga pinuno upang wakasan ang digmaan? Basahin ang kasunod na teksto sa nasa ibaba at humanda sa pagsagot ng mga gawain kaugnay ng paksa. 423 Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig 1. Nasyonalismo -Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria. Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso. Itong dahilan ng Russia upang makialam sa Balkan. Gusto ring maangkin ng Russia ang Constantinople upang magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo. Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop din ng Austria. Ang France naman ay nagnais ding maibalik sa kaniya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Germany noong 1871 bunga ng digmaan ng France at Prussia (Germany). Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na natural nilang kaaway ang mga Aleman. Lagayan ng picture DRAFT March 24, 2014 Nasyonalismo Source: http://i982.photobucket.com/albu ms/ae306/etajima62/presente.jpg Mula sa teksto, isa-isahin ang mga bansa na nagpakita ng diwang nasyonalismo ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ 424 2. Imperyalismo – Isa itong paraan ng pangaangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga bansa. Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan, nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib sa kaniyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Russia. Naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina . Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang nabahaging nakuha ng Inglatera at France. Paano naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo at Militarismo? Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang imperyalismo dahil ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 3. Militarismo- Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan. Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang imperyalismo sapagkat ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ _____________________ 425 4. Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance. Binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italya, ang Triple Entente. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa kanilang bansa. Nais din ng alyansaa na pantayan ang lakas ng Triple Alliance. Samantala, sumali ang Germany sa grupo dahil nais mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa Balkan. Itinatag naman ni Bismarck ang Triple alliance nong 1882. Resulta ito ng dipagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ng Russia at Pransiya noong 1884(Dual Alliance), ng Pransya at Britanya noong 1904 (Entente Cordiate) at ng Britanya at Russia noong 1907, Bilang ganti, sumali ang Pransya sa Triple Entente. Ang Russia naman gaya ng nabanggit na, ay karibal ng Germany at Austria sa rehiyon ng Balkan. Ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong 1899 ay hindi naging mabisa dahil hindi naman obligado ang isang bansang mapailalim dito. Ang unang pagpupulong sa Hague noong 1899 na pinatnubayan ni Czar Nicholas II ng Russia. Ang pangalawang pagpupulong sa Hague ay noong 1907, sa mungkahi ni PangulongTheodore Roosevelt. Nabigo rin ito. Layunin nitong magpabawas ng armas ngunit nagkaroon ng unawaan tungkol sa lalong makataong paglalabanan. Sa kasamaang-palad, ang mga kasunduang ito ay nabura nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Triple Entente/ Alliance Source: agayan ng picture http://tomatobubble.com/sitebuil dercontent/sitebuilderpictures/en tente.gif DRAFT March 24, 2014 Pandaigdig na Hidwaan Source: http://www.athyheritagecentr e-museum/img/worldwar.jpg 426 Alin kaya sa mga nabanggit na sanhi ang tunay na nagpatindi ng tensiyon upang magsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig? Bsahin ang kasunod na teksto upang malaman ang sagot. Ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig. DRAFT March 24, 2014 1. Ang Digmaan sa KanluranDito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng Switzerland. Lumusob sa Belhika ang hukbong Germany at ipinagwalangbahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang malusob ang France. Ngunit sila'y inantala ng magiting na pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa Leige. Digmaan sa Kanlurang Europe Source:http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2013/10 /07/article-2448492-0F7F8D0300000578555_634x402.jpg Halaw sa PROJECT EASE- Module 17Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 9-12 427 2. Ang Digmaan sa Silangan- Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers. DRAFT March 24, 2014 3. Ang Digmaan sa Balkan- Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa Dardanelles. Source: http://mentalfloss.com/sites/default/ files/Balkan-War-combatants_5.jpg 428 4. Ang Digmaan sa Karagatan -Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya. ang Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mabibilis na raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser. Lagayan ng picture DRAFT March 24, 2014 Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 13-17 Digmaan sa Karagatan Source:http://militaryfactory.com/ships/i mgs/bretagne-1915.jpg Nalaman mo na ang mga pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig. Bakit sinasabing ang digmaan sa Kanluran ang pinakamahigpit at mainit na digmaan? Ano kaya ang posibleng maging epekto nito sa mga bansa, Basahin ang kasunod na teksto. Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian. Tinatayang umabot sa 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000,000 naman ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18,000,000 an sibilyang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar. 429 Sadyang nabago ang mapa ng Europedahil sa digmaan. Nag-iba rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig. . Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania ay naging malalayang bansa. Apat na imperyo sa Europe ang nagwakas: ang Hohenzollern ng Germany, Hapsburg ng AustriHungary, Romanov ng Russia at Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang paghahanda upang muling makipaglaban sa mga bansang Alyado. DRAFT March 24, 2014 Halaw sa PROJECT EASE- Module 17Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 13-17 http://ritter.tea.state.tx.us/student.assessment/re sources/online/2003/grade10/ss/p103.gif 430 Mga Kasunduang Pangkapayapaan Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan. Bumalangkas sila ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920. Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng tinatawag na Big Four: Pangulong Woodrow Wilson ng US ; Punong Ministro David Llyod George ng Great Britain; Vittorio Emmanuel Orlando ng Italy; at ang Punong Ministro Clemenceau ng France. Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ay ibinatay sa Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson. Lagayan ng picture DRAFT March 24, 2014 Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero, 1918 ang labing-apat na puntos na naglaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma. Naglaman din ito ng kaniyang mga ideya tungkol sa isang “kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng lahat ng bansa. Tatlo sa mga puntos na napagkasunduan ang sumusunod: 1. katapusan ng lihim na pakikipagugnayan; 2. kalayaan sa karagatan; 3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan 4. pagbabawas ng mga armas; 5. pagbabawas ng taripa; 6. pagbuo ng Liga ng Mga Bansa. Woodrow Wilson Source: http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commo ns/5/53/Thomas_Woodrow_Wilson,_Harris_% 26_Ewing_bw_photo_portrait,_1919.jpg Magtala ng ilang katangian ni Pangulong Wilson bilang isang lider. _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ ________________________________ 431 Ang Liga ng Mga Bansa Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson. Sa wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang alyado naitatag at sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang konstitusyon nito ay napaloob sa kasunduan sa Versailles na may sumusunod na mga layunin: Lagayan ng picture 1. maiwasan ang digmaan; 2. maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba; 3. lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi 4. mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan, at 5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan. DRAFT March 24, 2014 Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod: 1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920, Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at peru noong 1934. 2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato. 3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan. Pulong ng myembro ng Liga ng mga Bansa Source: http://upload.wikimedia.org/wikipedi a/commons/c/cd/Waffenstillstand_gr. jpg Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 22-24 432 Naging sapat kaya ang mga kasunduan ng mga bansa upang tuluyang matuldukan ang Unang Digmaang Pandaigdig? Natupad kaya ni Pangulong Wilson ang kapayapaang matagal niyang hinangad? Naging pabor kaya sa lahat ng bansa ang mga probisyon ng Kasunduan? Bakit nagkaroon ng lihim na kasunduang lingidsa kaalaman ni Pangulong Wilson? Halina at alamin ang mga kasagutan. Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson Lingid sa kaalaman ng Britanya, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng Alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italya ng teritoryong hindi naman nito sakop. Ang Turkey naman ay maaaring paghati-hatian ng ibang maiimpluwensiyang bansa. Pormal itong naganap nang mabuo ang kasunduan sa Versailles. Naisagawa ang mga sumusunod na pangyayari: DRAFT March 24, 2014 1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen, Kanlurang PRussia at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato. 2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim ng pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon. 3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark. 4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat. Binawasan ito ng marami at ang pinaglalakbayang ilog ng Germany at ipinagbawal ang kanilang mga partisipasyon sa anumang digmaan. 5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-internasyonal. 6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany. 7. Ang Germany ay pinapangakong magbayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang kapayapaan ng daigdig. Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 23-24 Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250 at Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-319. 433 GAWAIN BLG. 4: Story Map Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Story Map upang masuri ang dahilan, pangyayari, at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tauhan Daloy ng Pangyayari Tagpuan Epekto Simula Wakas DRAFT March 24, 2014 Kasukdulan Pamprosesong Tanong: 1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan? 3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap at naging wakas ng Digmaang Pandaigdig. 4. Paano nakaapekto ang digmaang ito sa mundo? 434 GAWAIN BLG. 5: Pangkat namin: The Best To Magpangkat-pangkat at isagawa ang gawaing napatakda sa grupo. Unang Pangkat: Panel Interview - Tungkol sa mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig Ikalawang Pangat: Human Frame- Tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa sa Unang Digmaang Pandaigdig Ikatlong Pangat: Role Play -Tungkol sa epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Ikaapat na Pangkat: Isadula ang pagpupulong ng mga bansa upang makamit ang Kapayapaang Pandaigdig DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong: Batay sa ipinakitang pangkatang gawain, sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano- ano ang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Ilarawan ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig 3. Bakit napilitan ang United States na makisangkot sa digmaan? 4. Ipaliwanag ang epekto o bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig? 5. Nakabuti ba ang usapang pangkapayapaan na pinangunahan ng Alyadong Bansa? Bakit? 6. Bakit nagkaroon pa rin ng lihim na kasunduan na lingid kay Pangulong Wilson? 7. Bakit hindi naging kasiya-siya sa ibang bansang kasangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig ang Kasunduan sa Versailles? 8. Paano nagsikap ang mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig? GAWAIN BLG. 6: Kapayapaan, Hangad Ko Gamiting gabay ang binasang teksto tungkol sa Kasunduang Pangkapayapaan at Liga ng mga Bansa , upang makabuo ng mga ideya na isusulat sa cloud callout. Sikaping makabuo ng ideya na nagpapakita ng pagsisikap ng mga pinuno ng mga 435 bansa na mawakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig. Bigyang-pansin ang mga hakbang na kanilang ginawa upang wakasan ang digmaan. Woodrow Wilson (America) Lloyd George (England) DRAFT March 24, 2014 Vittorio Orlando (Italy) George Clemenceau (France) 436 Pamprosesong Tanong 1. Paano ipinakita ng mga lider ang kanilang paghahangad sa kapayapaan? 2. Kung isa ka sa kanila, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit? 3. Sa iyong palagay, epektibo ba ang kanilang hakbang upang makamit ang tunay na kapayapaan? GAWAIN BLG. 7: Magpaliwanag Tayo Ang sumusunod na pahayag ay binanggit ng mga lider na nakilala noong Unang Digmaang Pandaigdig. Gamit ang 2-3 pangungusap ipaliwanag ang kahulugan ng bawat pahayag sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa paksang tinalakay. DRAFT March 24, 2014 Pahayag Paliwanag 1. “Ang United States ay lumahok sa digmaan upang gawing mapayapa ang mundo para sa demokrasya” -Woodrow Wilson 2. “ Ang mga alitan ay dapat na lutasin hindi sa pamamagitan ng kumprehensya kundi sa pamamagitan ng dugo at bakal -Otto von Bismarck 3. “Lahat ng ilawan sa Europe ay nawalan ng liwanag, at hindi natin makikita ang kanilang pag-iilaw na muli sa loob ng mahabang panahon” -Edward Grey 437 PAGNILAYAN/UNAWAIN Sa bahaging ito, pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan ding kritikal mong masusuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. GAWAIN BLG. 8: Islogan Ko, Para Sa Bayan Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN BLG. 9: Imahinasyon Ko Sa Mapayapang Mundo Basahin o awitin ang “Imagine”, awitin ni John Lennon. Pagkatapos, suriin ang nilalaman nito at iugnay sa Unang Digmaang Pandaidig. Ipakita ito sa iba’t ibang malikhaing paraan tulad ng pagguhit. Ibahagi sa klase angginawa sa pamamagitan ng malayang talakayan sa tulong ng mga tanong sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. 2. 3. 4. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit? Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyong pansin? Bakit? Paano mo ilalarawan ang isang bagong daigdig batay sa awitin? Sa iyong palagay, posible kayang magkaroon ng tunay na pagkakaisa, kapayapaan at pagtutulungan ang mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag. 5. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang bansa? 438 "Imagine" John Lennon Imagine there's no heaven It's easy if you try No hell below us Above us only sky Imagine all the people Living for today... Imagine there's no countries It isn't hard to do Nothing to kill or die for And no religion too Imagine no possessions I wonder if you can No need for greed or hunger A brotherhood of man Imagine all the people Sharing all the world.. You may say I'm a dreamer But I'm not the only one I hope someday you'll join us And the world will live as one DRAFT March 24, 2014 Imagine all the people Living life in peace... You may say I'm a dreamer But I'm not the only one I hope someday you'll join us And the world will be as one Pinagkunan- www.oldielyrics.com/lyrics/john_lennon/emagine.html GAWAIN BLG. 10: Damdamin Ng Mga Sundalo, AAlamin Ko, Pag-aralan ang teksto tungkol sa kasunod na telegrama at talaarawan ng mga sundalo. Matapos mabasa ang telegrama at talaarawan, humanap ka ng kapareha at ibahagi ang iyong saloobin tungkol sa teksto. Gamiting gabay ang kasunod na mga tanong . 439 Mga Telegrama Tsar to Kaiser 29 July 1914, 1 a.m. Peter’s Court Palais, 29 July 2014 Sa Majeste l Palais Am glad you are back. In this serious moment, I appeal to you to help me. An ignoble war has been declared to a week country. The indignation in Russia shared fully by me is enourmous. I foresee that very soon I shall be overwhelmed by the pressure forced upon me and be forced to take extreme measures which will lead to war. To try and avoid such calamity as a European War I beg you in the name of our old friendship to do what you can to stop your allies from going too far. DRAFT March 24, 2014 Kaiser to Tsar 29 July 1914, 1.45 a.m. (this and the previous telegraph crossed) 28 July 1914 It is with the gravest concern that I hear of the impression which the action of Austria against Serbia is creating in your country. The unscrupulous agitation that has been going to Serbia for years has resulted in the outrageous crime, to which Archduke Francis Ferdinand fell a victim. The spirit that led Serbians to murder their own king nd his wife still dominates the country. You will doubtless agree with me that we both, you and me, have a common interest as well as all Sovereigns to insist that all the persons morally responsible to the dastardly murder should receive their deserved punishment. In this case politics plays no part at all. On the other hand, I fully understand how difficult it is for you and your government to face the drift of public opinion. Therefore, with regard to the hearty and tender friendship which binds us both from long ago with frim ties, I am exerting my utmost influence to induce the Austrians to deal straightly to arrive to a satisfactory understanding with you. I confidently hope that you will help me in my efforts to smooth over difficulties that may still arise. www.firstworldwar.com 440 Talaarawan Introduction from Bob Mackay This is the First World War Diary of my grandfather, Robert Lindsay Mackay (1896-1981), OBE, MC, MB, CHB, MD, DPH, giving an account of his day-to-day life with the 11th Battalion of the Argyll and Sutherland Highlanders from 1915 until the end of the war1972 Introduction from Robert Lindsay Mackay 2 August 1972 My Dear Alan, Sheila, Mary and Murray. I finished, two days ago, what I intended to be positively the last contribution to my side of the family story, quite certain that apart from minor corrections here and there nothing more could be added. Then I looked around for something to do. It occurred to me to look at my diary of War I which had been in my desk or on my shelves, almost DRAFT March 24, 2014 unopened and unread, for over fifty years! Indeed, only three persons had read it, namely John Buchan (Lord Tweedsmuir) who had asked for a perusal of personal war diaries for his History of the 15th. Scottish Division, my friend the late Dr. D.T. McAinsh, M.C., and the third, strange to say, my next-door neighbour, Chatwin. About a month ago, Chatwin had been talking about the Somme Offensive of which he was a survivor when I mentioned I still had my Somme Diary, and he asked for the loan of it to compare with his experience in that prolonged battle. I am not quite clear why I wrote this diary, day by day, a scrappy record of a scrappy period. I had no literary or military ambitions. My parents did not read it. Perhaps it was to provide a kind of continuous alibi, to remind me where I had been, perhaps an interesting memorial if I failed to return. Like cakes off a hot griddle, it was written as events occurred, or immediately thereafter, in four little brown leathercovered notebooks, and when the war ended these were in no state to last long for they were soiled and grubby, and, where written in pencil, the writing was fading. So, in 1919, I copied their contents, straight off, without editing, into two larger note-books, and destroyed the four little ones. You, Mary, arrived last night from Hull, with your two children, and the talk drifted on to the Highlands and to my family history. Urged on by you, and by Judith, whose family roots in England go back a century or two further than mine in Scotland, urged too by your Mother, I'll type out a copy for each of you, for your deed-box, and for futurity! Love to you all, Father 441 Background To the Diary On 5th November 1914 Britain declared war on Turkey and a few days later the first echelon of an expeditionary force, consisting of the 16th Infantry brigade and two Indian mountain batteries under Brigadier-General Delamain, landed at Fao, a fortified town near the head of the Persian Gulf. After two stubbornly contested engagements both Fao and Basra were captured. The invasion of Mesopotamia was ostensibly to protect the oil wells at the head of the Persian Gulf. This motive became obscured, however, when, lured by the prospect of capturing the legendary Baghdad, the British commander Gen. Sir John Nixon sent forces under Maj. Gen. Charles Townshend up the Tigris. After overwhelming a Turkish outpost near Qurna in an amphibious assault on May 31 1915, Townshend began to move inland. By September the British had taken Kut-el-Amara. Refusing to stop there, Nixon ordered the reluctant Townshend to continue northward. Arriving (November) at Ctesiphon, Townshend discovered that the Turks had fortified extensively and had been reinforced to a strength of 18,000 regulars and additional Arabs, with 45 guns. Townshend mustered approximately 10,000 infantry, 1,000 cavalry, and 30 guns. He also had, for the first time in that theatre, a squadron of 7 aeroplanes. Townshend attacked Ctesiphon savagely on November 22, but after 4 days of bitter battle, during which more Turkish reinforcements arrived, Townshend withdrew to Kut. Kut was invested by the Turks on December 7. In Mesopotamia, Townshend's besieged force at Kut-el-Amara vainly waited for help. The British suffered 21,000 casualties in a series of unsuccessful rescue attempts, and with starvation near, Townshend capitulated on April 29, surrendering 2,680 British of the 6th Division. By the time the Armistice was signed in 1918 1306 of these had perished and 449 remained untraced. Of the 10486 Indians who surrendered, 1290 perished and 1773 were never traced. British and Indians alike left a trail of whitening bones along the awful road from Kut to Baghdad, to Mosul from there to Fion Kara Hissar in Asia Minor, Aleppo and even Constantinople. Never, until the disaster at Singapore in 1941, in the whole history of the British Army, had there been a surrender on the same scale. This diary was put together by Lt. Edwin Jones who experienced many of the privations of the campaign. It provides a unique glimpse into the everyday life of a junior officer at the time. It is a pity that the diary finishes when it does for Edwin later took part in the drive towards Damascus under General Allenby before being demobbed in 1919. DRAFT March 24, 2014 442 Source: http://www.firstworldwar.com/diaries/whitmore.htm,, Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang magkakatulad na mensahe ng mga sundalo? 2. Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang kanilang telegrama at talaarawan? Bakit? 3. Anong aral na napulot mo mula sa teksto? Ipaliwanang. GAWAIN BLG. 11: Reflection Journal Gumawa ng komitment sa reflection notebook. Gawing gabay ang sumusunod na tanong. Bilang isang mag-aaral , nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan matapos malaman ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang sagot. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa bansa? DRAFT March 24, 2014 Reflection Journal __ __________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ______________________________________. 443 ARALIN 2: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ALAMIN Mahusay ang ipinakita mo sa nakaraang aralin, binabati kita! Sa aralin ito, ay tatalakayin ang mga konseptong may kinalaman sa mga pangyayari,dahilan at pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama na ang mga pagsusumikap ng mga bansang sangkot na makamit ang kapayapaan. Inaasahang sa pagtatapos ng aralin ay matalino mong masasagot ang tanong na: Paano mo ipakikita ang pakikiisa upang maitaguyod ang kapayapaan sa iyong bansa? GAWAIN 1: Hula, Hoop! DRAFT March 24, 2014 Handa ka na bang simulan ang aralin? Kung handa ka na, tingnan natin kung kaya mong sagutin ang unang gawain. Isulat mo sa maliliit na hula hoop ang letra ng iyong tamang sagot. a. League of Nations b. United Nations c. Hiroshima d. National Socialism e. Fascism 1. Isa ito sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States sa pamamagitan ng atomic bomb 2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 444 Matapos sagutan ang unang gawain, subukan mo namang tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang fact ( katotohanan ) at view ( opinyon ). Isulat ang tamang sagot sa patlang. GAWAIN 2: Right Angle Approach 1. ________ FACTS 2. ________ 3. ________ DRAFT March 24, 2014 V I E W S 1. ________ 2. ________ 3. ________ A. Ang mapusok na pamumuno ni Hitler sa Germany ay isa sa mga nagbunsod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. B. Fascism ang tawag sa ideolohiyang pinairal ni Benito Mussolini sa Italy. C. Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii, nagalit ang United States at nagdeklara ng digmaan laban sa Japan. D. Umalis ang Germany sa League of Nations. E. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, idineklarang Open City ang Maynila. F. Lumaganap ang madugong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng bansa sa daigdig . 445 GAWAIN 3: Map Talk Tuntunin sa mapa ang ilang lugar na naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Piliin sa kahon sa ibaba ang tamang sagot. DRAFT March 24, 2014 The blank box should contain dots Pananda: … . _ = ilang lugar na sakop/sinalakay ni Hitler = ilang lugar na sakop ni Mussolini = ilang lugar na sakop ni Tojo Pagpipilian: France Britain Somalia Hawaii Egypt Pilipinas Gamit ang mga gabay, pangkatin ang mga bansang nasakop noong 0 Ikalawang Digmaang Pandaigdig ayon sa pinunong sumakop sa kanila. . HITLER MUSSOLINI TOJO . , . . . 446 GAWAIN 4: I-R-f Chart Ano ang naging karanasan mo sa pagsagot sa mga naunang gawain? Huwag kang mag-alala paunang gawain pa lamang ito.Sa mga susunod na gawain, matutuklasan mo ang mga tamang kasagutan. Magpatuloy at sagutan ang IRF Chart. Isulat sa hanay ng I (Initial) ang kasagutan sa tanong na “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig at magkaroon ng kapayapaan bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?” Ang dalawang natitirang hanay ay sasagutan mo sa mga susunod na bahagi ng aralin. I-R-F CHART I – nitial answer DRAFT March 24, 2014 R- evised answer F- inal answer Matapos mabatid ang lawak ng iyong dati nang kaalaman tungkol sa mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maaaring marami ka pang katanungan na nais masagot. 447 PAUNLARIN Sa bahaging ito, inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,sa mga panyayaring nagbunsod nito,sa mga epekto nito at pagsusumikap ng mga bansang makamit ang kapayapaan. Maaari mong balikan ang mga kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa unang bahagi ng araling ito.Handa ka na ba?Basahin ang teksto at sagutan ang mga Gawain. GAWAIN 5: Magpangkat- Pangkat Tayo! Magpangkat sa apat (4).Pagkatapos ay suriin ang dayagram sa ibaba at gawin ang paksang napatakda sa grupo.Iulat sa malikhaing paraan ang nabuong output ng pangkat. DRAFT March 24, 2014 Simula Mahahalagang Wakas Epeko Pangyayari Pangkat I I. II. III. IV. Pangkat II Pangkat III IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Pangkat IV Unang Pangkat:Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig Ikalawang Pangkat:Mahahalagang Pangyayari noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ikaltlong Pangkat:Paksa: Mga Kaganapang nagbigay-daan sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ikaapat na Pangkat:Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Basahin ang mga teksto at gawin itong gabay sa pangkatang gawain. Maaari ring basahin ang Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela Mateo, et. al. para sa karagdagang impormasyon. 448 Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayarig naganap at nagpasiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay a ng mga sumusunod: Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit? __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Noong 1931, inagaw ng Japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng pagkundena,itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan. DRAFT March 24, 2014 2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-aarmas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang mulng pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang France ay nakipag-alyansa sa Rusya laban sa Germany, Sanggunian: http://www.thejc.com/n ews/on-day/39302/onday-nazi-germanypulls-out-leaguenations 449 Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang o laki ng puwersa ng Germany.Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany. 3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League) 4. Digmaang Sibil sa Spain Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang pas istang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng ibang bansa. 6. Paglusob sa Czechoslovakia Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany. 7. Paglusob ng Germany sa Poland Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari: DRAFT March 24, 2014 5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya at Germany na kinalabasan ng Rome Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon ng Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938. 1.Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia. 2.Pagkainis ng Russia sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ng Inglatera sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao. 450 GAWAIN 6: Up The Stairs Timeline Upang matiyak ang iyong pag-unawa sa mahahalagang pangyayaring nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gawin ang Up the Stairs Timeline sa ibaba.Iguhit mo ito at pagkatapos ay isulat sa kahon ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gawing gabay ang tekstong binasa. UP THE STAIRS TIMELINE DRAFT March 24, 2014 Paksa: Pamprosesong mga Tanong 1. Ano-anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 2. Sa mga binanggit na sanhi,ano sa palagay mo ang pinakamabigat na dahilan? Bakit? 451 GAWAIN 7: Tri- Story! Dahil alam mo na ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,alamin din ang mahahalagang pangyayaring naganap sa digmaang ito. Basahin ang teksto sa ibaba. Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito.Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at angPolish Corridor.Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis.Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan. DRAFT March 24, 2014 https://www.google.com.ph/search?q=a dolf+hitler+quotes&tbm=isch&source=iu &imgil=HGZg9fV9 452 Ang Digmaan sa Europe Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nagabang sa likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at tulay. DRAFT March 24, 2014 http://lostimagesofww2.com/im ages/places/maginot-map2.jpg Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk. Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan ay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux. Maginot Line http://www.google.com.ph/imgr http://ndynes.weebly.com/uplo es?sa=X&biw=1024&bih=665& ads/8/8/1/1/8811313/3804860_ tbm=isch&tbnid=j0GJ2TygLXc orig.jpeg WTM 453 Ang United States at ang Digmaan Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong 1941. http://www.historyinanhour.com/wpcontent/uploads/2011/12/HidekiTojo.jpg Ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Japan ay naghahanda sa digmaan. DRAFT March 24, 2014 Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa.” Ang Digmaan sa Pasipiko Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas MacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya ang Bataan at Corregidor. 454 Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy.” Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan ang United States, gayon din ang Britanya. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito. DRAFT March 24, 2014 http://rememberpearlharborday.com/wpcontent/uploads/2013/12/pearl-harborbombing-history_1386137288.jpg http://en.wikipedia.org/wiki/File:AftermathJa p.jpg 455 Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.” DRAFT March 24, 2014 Halaw sa: Project EASE module (ph. 31-37) Matapos mapakinggan ang ulat ng Ikalawang Pangkat, buuin ang kasunod na graphic organizer. Isulat sa bilog ang mahahalagang pangyayaring naganap sa mga tinukoy na lugar. Para sa digmaan sa Hilagang Africa, basahin ang susunod na teksto. Digmaan sa Europe Digmaan sa Hilagang Africa Ikalawang Digmaang Pandaigdig Digmaan sa Pasipiko at Pagkasangkot ng United States sa Digmaan 456 Pamprosesong Tanong: 1. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan? 2. Bakit sumali ang United States sa digmaan? 3. Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahog iyon, lulusob ka rin ba sa panganib? Mahusay ang iyong mga naging sagot sa nakaraang aralin. Ngayon, alamin naman kung paano natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga naging bunga nito. GAWAIN 8: History Frame Ngayong alam mo na rin ang wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isulat sa historical frame ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Mababasa rin ang Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista Vivar, et. al. Pakinggan ding mabuti ang ulat ng ikatlong pangkat. DRAFT March 24, 2014 ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ANG MGA PAGBABAGONG DULOT NITO Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre. 457 Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mga puwersang Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni Pietro Badoglio. Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa hilagang Italya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945. https://www.rutherford.or g/files_images/general/Ol dSpeak_Ike.jpg DRAFT March 24, 2014 Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo, tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at nang sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E Day (Victory in Europe). Ang Pagbagsak ng Germany Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang mga Nazi. http://latesthdwallpaper.co m/wpcontent/uploads/2013/05/V E-Day-New-HDWallpaper.jpg Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi. http://pacificparatrooper.file s.wordpress.com/2013/06/a _day_that_changed_americ a_d-day.jpg 458 Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mga Alyado sa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan ang kanyang kakampi at noong umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay. Ang Tagumpay sa Pasipiko http://www.gvhotels.com.ph /visitphilippines/wpcontent/uploads/2011/10/Le yte-Hotels-MacArthurShrine.jpg Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon, kaya tinanggap nito ang ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluysn nang sumuko. DRAFT March 24, 2014 http://upload.wikimedia.org/wi kipedia/commons/5/54/Atomi c_bombing_of_Japan.jpg Noong huling araw ng Agosto nang lumapag sa bansang Hapon si Heneral MacArthur bilang SCAP o Supreme Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay. 459 Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig. 1. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig. 2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa. 3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito. 4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar. DRAFT March 24, 2014 5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa. Halaw sa: Project EASE module (ph. 41-45) Matapos basahin ang teksto at pakinggan ang ulat ng ikaapat na pangkat, punan ng mahahalagang impormasyon ang hustong frame na nasa susunod na pahina. 460 Pamagat/Pangyayari: Mga Personalidad na kasangkot: Suliranin o Mithiin: Saan: Kailan: Kinalabasan: Mahahalagang Pangyayari: DRAFT March 24, 2014 Tema/ Aral na nakuha: Pamprosesong Tanong: 1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan? 2. Para sa iyo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, politika at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan? 461 GAWAIN 9: Semantic Web Upang hindi na masundan pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, humanap ng paraan ang mga bansa upang tuluyan nang makamit ang kapayapaan. Isa sa mga hakbang na ginawa nla ay ang pagtatatag ng United Nations. Basahin mo ngayon ang teksto sa ibaba tungkol dito. Ang Mga Nations) Bansang Nagkakaisa (United Hindi pa natatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip ni Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa. DRAFT March 24, 2014 Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill ng Inglatera ay bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations). Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States, Great Britain at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis. Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang Tsina, para maitatag ang isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo. Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika24 ng Oktubre, 1945 ay itinatag ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations (UN). Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal na unang Sekretaryo-Heneral, si Trygve Lie ng Sweden. UN Headquarters http://www.un.org/cybersch oolbus/untour/imgunh.jpg 462 Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang Pangkalahatang Asemblea (General Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito isinasagawa ang mga pangkalahatang pagpupulong. http://www.worldpeace.or g/images/UN/UNSticker.jpg Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay permanenteng miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na panunungkulan na dalawang taon. Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U. N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw. DRAFT March 24, 2014 http://www.unesco.org/n ew/typo3temp/pics/3e65 368aa2.jpg Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa. Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspeto ng pangkabuhayan, panlipunan, pangedukasyon, siyentipiko at pangkalusugan ng daigdig. Halaw sa: Project EASE module (ph. 45-47) Matapos basahin ang teksto, bumuo ka ng semantic web tungkol sa United Nations. Isulat sa mga kahon na nasa paligid ang layunin ng United Nations, gayundin ang mabubuting naidulot ng organisasyon. 463 UNITED NATIONS DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang layunin ng United Nations? Nakatulong ba ito upang mawakasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 2. Sa kasalukuyan ano ang ginagawang mga hakbang nito upang maisulong ang kapayapaan sa daigdig? 3. Paano pinanatili ng United Nations ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig? 464 GAWAIN 10: I-R-F Chart Muli mong balikan ang I-R-F Chart. Isulat sa bahaging REVISED ang mga bagong kaalaman na natutuhan mo sa paksa. Inaasahan ding mas malinaw mo nang masasagot ang katanungang “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang DIgmaang Pandaigdig at magkaroon ng kapayapaan, bakit nagkaroon pa rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?” I R F Chart I – nitial answer DRAFT March 24, 2014 R- evised answer F- inal answer 465 PAGNILAYAN/UNAWIN: Sa bahaging ito, pagtitibayin mo ang iyongkaalaman tungkol sa paksa. Inaasahan ding kritikal mong masusuri ang mga konseptong napag-aralan tungkol sa mahahalagang pangyayari, at mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. GAWAIN 11: Reflection Journal Nasa ibaba ang larawan ng nagpapakita ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isipin mong nanirahan ka sa mga lugar na ito. Ano ang mararamdaman mo? Gumawa ng reflection journal at isulat doon ang iyong damdamin. DRAFT March 24, 2014 http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/ a0/The_Sandman_a_B24_Liberator,_piloted_by_Robert_Sternfels.jpg http://withfriendship.com/images/i/40744/Effects-ofWorld-War-II-image.jpg Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinakikita sa larawan? 2. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang ganitong pangyayari? 466 REFLECTIVE JOURNAL: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ _________________________________________________________________. GAWAIN 12: I-R-F Chart Balikan ang I-R-F Chart. Sa pagkakataong ito, isusulat mo na ang iyong pinal na sagot batay sa iyong pag-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan ding mahusay mo nang masasagot ang katanungang “Sa kabila ng pagsisikap ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig at magkaroon ng kapayapaan, bakit naganap pa rin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?” Isulat mo ang iyong pinal na sagot sa kahon na katapat ng “Final Answer”. DRAFT March 24, 2014 I R F Chart I – nitial answer R- evised answer F- inal answer GAWAIN 13: Kapayapaan, Palalaganapin Natin Ito! Bukod sa kapayapaang pandaigdig, nais din ng lahat ng bansa na magkaroon ng panloob na kapayapaan sa kanilang bansa. Sa Pilipinas, may proklamasyong inilabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naglalayong palaganapin ang kapayapaan sa Pilipinas. Basahin ang Proclamation 675 ni noong 2004. Matapos basahin ito, humanda upang sagutin ang mga tanong sa kasunod na graphic organizer. 467 Proclamation No. 675, s. 2004 Published: July 20, 2004. MALACAÑAN PALACE MANILA BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES PROCLAMATION NO. 675 DECLARING THE MONTH OF SEPTEMBER 2004 AND EVERY YEAR THEREAFTER AS “NATIONAL PEACE CONSCIOUSNESS MONTH” WHEREAS, Executive Order No. 3, s. 2001, mandates the continuing pursuit of a comprehensive peace process along six major peace-making and peace-building components, otherwise known as the Six Paths to Peace, to wit: DRAFT March 24, 2014 • Pursuit of social, economic and political reforms to address the root causes of armed conflicts and social unrest; • Consensus-building and consultations and people participation; empowerment for peace through • Peaceful, negotiated settlement with different rebel groups and the effective implementation of peace agreements; • Programs for reconciliation, reintegration into mainstream society and rehabilitation of former rebels and their communities; • Addressing concerns arising from continuing armed conflicts, such as the protection of non-combatants and the reduction of the impact of armed conflicts on communities; and • Building and nurturing a climate conducive to peace through peace education and advocacy programs and confidence-building measures. WHEREAS, there is a need to instill greater consciousness and understanding among the Filipino people on the comprehensive peace process to strengthen and sustain institutional and popular support for and participation in this effort, as well as in the global movement spearheaded by the United Nations to promote a Culture of Peace based on nonviolence, respect for fundamental rights and freedoms, tolerance, understanding and solidarity; 468 WHEREAS, Proclamation No. 161 dated February 28, 2002 specifically addresses the above concern by way of an annual observance of a National Peace Consciousness Week from February 28 to March 6; WHEREAS, there is a need to reset the period of observance of the National Peace Consciousness Week to September of every year to allow more active participation from the citizenry and institutions, including educational institutions, as well as to expand the week-long celebration to a period of one month; WHEREAS, the month of September holds several significant milestones in the history of pursuing the peace process in the country, some of which are as follows: • Creation of the National Unification Commission, through Executive Order No. 19 issued on September 1, 1992, which undertook nationwide consultations in 1992–1993 to lay the foundations of the Philippine Government’s agenda for a just, comprehensive and lasting peace; DRAFT March 24, 2014 • Issuance of Executive Order No. 125 in September 15, 1993 by then Pres. Fidel V. Ramos which provided for the administrative and policy structure to pursue the NUC-proposed comprehensive peace process agenda, including the creation of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process; • Signing of a Final Peace Agreement by the Philippine Government and the Moro National Liberation Front on September 2, 1996; and • Signing of a Peace Pact, or “Sipat” by the Philippine Government and the Cordillera People’s Liberation Army on September 13, 1986. WHEREAS, the month of September has international significance relative to the global advocacy for peace because of activities such as: • Annual observance of the United Nations’ International Day of Peace on September 21; • Launching of the 2001–2010 International Decade for a Culture of Peace and Non-Violence for the Children of the World on September 19, 2000; and • Commemoration of the September 11, 2001 terrorist bombings in the United States of America which roused not only the world, but the Philippines as well, to take firm action against the horrors of international and domestic terrorism. 469 NOW, THEREFORE, I, GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare the month of September 2004 and every year thereafter as “National Peace Consciousness Month.” All concerned Government agencies and instrumentalities, including local government units, government-owned and controlled corporations, as well as members of the private sector and civil society groups, are hereby enjoined and encouraged to initiate and participate in relevant and meaningful activities in celebration of the National Peace Consciousness Month to instill greater consciousness and understanding among the Filipino people of the comprehensive peace process and the Culture of Peace agenda. The Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) shall be the lead Government agency to coordinate and monitor the observance of the National Peace Consciousness Month. DRAFT March 24, 2014 This Proclamation supersedes Proclamation No. 161, series of 2002. All other executive issuances, orders, rules and regulations or parts thereof inconsistent with this Proclamation are hereby repealed or modified accordingly. IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed. DONE in the City of Manila, this 20th day of July, in the year of Our Lord, Two Thousand and Four. (Sgd.) GLORIA MACAPAGAL ARROYO Sanggunian: http://www.gov.ph/2004/07/20/proclamation-no-675-s-2004/ 470 Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ano ang nilalaman ng proklamasyon? Para saan ito? Proclamation 675 Ano-ano ang kabutihang dulot nito? DRAFT March 24, 2014 Ano-ano ang Reaksiyon mo dito? Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang Proklamasyon ni dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo? 2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang magkaroon ng “National Peace Consciousness Month” ang isang bansa? Ipaliwanag. 3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa iyong komunidad? Binabati kita sa iyong matagumpay na pagsagot sa araling ito! 471 ARALIN 3 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR AT NEOKOLONYALISMO Alamin Pag-aralan mo sa araling ito ang iba’t ibang ideolohiyang umiral sa daigdig. Bibigyang-pansin din ang mga dahilan ng pagkakaroon ng Cold War at Neokolonyalismo, ang impluwensiya nito sa mga bansang hindi pa maunlad at papaunlad pa lamang. Inaasahang magbibigay ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa mga isyung ito. Inaasahan ding ang aral na mapupulot mo rito ay magiging gabay mo upang masagot ang katanungang paano nakaapekto ang iba’t ibang ideolohiya, ang cold war at neokolonyalismo sa kaunlaran ng mga bansang papaunlad pa lamang? Halika at simulang basahin ang aralin. DRAFT March 24, 2014 Handa ka na ba? Subuking sagutin ang kasunod na mga gawain. GAWAIN 1- MGA LETRANG ITO: AYUSIN MO! Panuto: Bumuo ng salita batay sa ginulong mga letra. RDAWOCL 6. SSIURA 1. 2. 3. AYIHOLIDEO OLWRD N A B K 7. 8. 9. 4. 5. RONI TAINCRU NOMIEKOKO SONMUOMKI FNGEIOR AID RIMEAAC LONMONEOLISKOYA 10. 472 1. 2. 3. 4. 5. _____________ _____________ _____________ _____________ _____________ 6.____________ 7. ____________ 8. ____________ 9. ____________ 10. __________ Pamprosesong Tanong Pagkatapos mabuo ang mga salita, subuking sagutin ang kasunod na mga tanong. 1. Anong ideya ang mabubuo mo tungkol sa mga salitang iyong nabuo? 2. May ugnayan kaya ang bawat salita? 3. Paano mo maiuugnay ang mga salitan ito sa mga kasalukuyang isyu sa bansa? Ipaliwanag. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 2- DONUTS GAME Bumuo ng dalawang bilog sa anyong donut gaya ng nakalawaran. Tiyaking may katapat ka sa bilog.Gabay ang kasunod na mga tanong. Ibahagi ng bawat isa ang sariling ideya sa pamamagitan ng pag-ikot upang makapareha/ makausap ang lahat na kasapi ng pangkat. 473 Pamprosesong Tanong 1. Sa mga salitang nabuo sa unang gawain, alin sa palagay mo ang magkakaugnay? 2. Bakit naging magkaugnay ang salitang iyong napili? Pakinggan ang anim na kaklase na nasa loob ng bilog sa kanilang pag-uulat ng mga ideyang kanilang nabuo. GAWAIN 3 : Mga Larawang Ito Surrin Mo Pag aralang mabuti ang kasunod na mga larawan at subuking sagutin ang katanungan loob ng talahanayan. DRAFT March 24, 2014 http://www.tldm.org/News10/Ha mmer3.png http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/1024975/ 110632307/stock-photo-american-symbol-statue-of-liberty110632307.jpg- https://encryptedtbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9Gc QvOOjDjqEMr0x3_V5hANSi9kV7LkZJ1kS 6Xx5SDghVNWXkwI8n- 474 Mga Tanong Sagot 1. Anong mga imahe ang kapansin-pansin sa unang larawan? 2. Ano ang kahulugan ng unang larawan? . 3. Anong bansa sa iyong palagay ang gumamit ng ganitong simbolismo bilang representasyon ng kanilang paniniwala? 4. Anong sikat na estatwa ang ipinakikita sa pangalawang larawan? Anong mga detalye ng estatwa ang ipinakikita rito? 5. Ano sa iyong palagay ang kahulugan ng mga DRAFT March 24, 2014 detalye ng estatwang ito? Saang bansa ito matatagpuan? 6. Anong aksiyon ang ginagawa ng mga imahe sa ikatlong larawan? 7. Sa iyong palagay anong mga bansa ang sinisimbulo ng nagtutunggaling imahe? 8. Ano ang kahulugan ng pagtutunggaling ito ng mga bansa? GAWAIN 4: ABC BRAINSTORM STRATEGY Kaya mo pa ba? Sa pagkakataong ito, isulat sa kahon ang salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin.Tandaang ang mga salitang isususlat ay kailangang nagsisimula sa letrang napili. Gayundin, hindi kailangang mapuno ang kahon. Ang mahalaga’y naisulat mo ang iyong mga ideya. A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W XYZ 475 Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. Ilang salita ang naisulat mo? Ano ang ginawa mong batayan sa pagsagot? Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa mga gawain? Bakit? Paano kaya maiuugnay ang mga salitang napili mo sa paksang aralin tungkol sa ideolohiya? PAUNLARIN Marahil ay may mga tanong na naglalaro sa inyong isipan tungkol sa iba’t ibang paniniwala o prinsipyo ng mga bansa. Halina’t basahin ang teksto tungkol sa iba’t ibang ideolohiya at humanda sa mga pangkatang gawain. DRAFT March 24, 2014 Ang Kahulugan ng Ideolohiya Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May iba’t ibang kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang sumusunod: 1. Ideolohiyang Pangkabuhayan. - Nakasentro ito sa mga patakarang pang- ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa. 2. Ideolohiyang Pampolitika. - Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin. Desttutt de Tracy http://img829.imageshack.us/i mg829/332/destuttdetracy3.jpg 476 3. Ideolohiyang Panlipunan. - Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan. Halaw sa PROJECT EASE Module 18 ph. 8-9 Maaaring basahin ang teksto na Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, 263-271 at Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo Ph.D et al, 337 Ang Iba’t Ibang Ideolohiya 1. Kapitalismo. – Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan. 2. Demokrasya. – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya, maaaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative o kinatawang demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan. Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at isawalangbahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador ay namumuno batay sa kaniyang sariling kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao. 3. Anu-anong impormasyon ang mahihinuha mo mula sa teksto? DRAFT March 24, 2014 _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 477 3. Awtoritaryanismo. - Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986. 4. Totalitaryanismo. Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya. Halimbawa nito ang pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamit ang http://malacanang.gov.ph/wp-content/uploads/Marcos-w960.jp sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal. http://contents.pep.ph/images2/ news/d4d9aac74.jpg DRAFT March 24, 2014 http://malacanang.gov.ph/wpcontent/uploads/Marcosw960.jpg Paano nagkaiba ang paraan ng pamumuno nina Corazon Aquino at Ferdinand Marcos? 478 . Subalit, matapos ang kagipitan, ay umalis ang ganitong katungkulan. Sa sinaunang panahon, maraming bansa ang yumakap sa sistemang ito, na ang pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog Amerika at iba pang lugar sa Asya at Africa ngunit higit na makapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagong diktadurya. Napananatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng pagkontrol sa pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag, simbahan, at pati kaisipan ng mga mamamayan. 5. Sosyalismo. - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang-diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa Tsina at ang dating Unyong Sobyet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan. Sa iyong palagay, paano nakaapekto ang ideolohiya sa pag-unlald ng ekonomiya ng isang bansa? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 Halaw sa PROJECT EASE MODULE 18- pg. 13 . Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343 479 GAWAIN 5: TALAHANAYAN, PUNAN MO! Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart. Mga Ideolohiya Katangian Bansang Nagtaguyod DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. Ano ang iba’t ibang uri ng ideolohiya sa daigdig? Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito? Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian? Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito? 5. Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit? 480 GAWAIN 6: HAGDAN NG MGA IDEYA Gamit ang kasunod na ladder web , isulat ang kahalagahang ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa. Bakit mahalaga ang ideolohiya sa isang bansa? DRAFT March 24, 2014 Iba’t ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa sa daigdig. Ayon ito sa kanilang kasaysayan, paniniwala at kultura. Anuman ang ideolohiya ng bawat isa, nararapat na ito ay makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at maging daan sa pag-unlad ng bansa. 481 Ngayon, suriin natin kung paano lumaganap ang komunismo sa Russia, Fascismo sa Italy, at Nazismo sa Germany. Basahin ang teksto sa ibaba. MGA PUWERSANG POLITIKA NG BANSA PANGKABUHAYAN SA Ang Pagsilang ng Komunismo sa Rusya Nag-ugat ang ideolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng mga Tsar. Ayon sa nasusulat sa kasaysayan, ang Rusya sa ilalim ng Tsar, ay naging makapangyarihan subalit ang mga namumuno ay naging despotic. Noong Marso 1917, ang Dinastiyang Romanov ay bumagsak bunga ng hindi maiwasang himagsikan. ILan sa mga dahilan ng kaguluhang ito ay ang sumusunod: DRAFT March 24, 2014 1. Pulitikal - Ang pamahalaan ay awtokratiko, bulagsak at mahina. Hindi sila nagbigay ng pantaypantay na karapatan sa mga tao. 2. Pangkabuhayan - Mahirap at makaluma ang kalagayan at pamamaraan ng pagsasaka. Walang kalayaan at maliliit ang sahod ng mga manggagawa. 3. Sosyal - Kakaunti lamang ang mga kalayaang sosyal. Lahat ay pinilit na sumunod sa pananampalatayang Orthodox. Sapilitang pinalaganap ang wikang Ruso sa mga minoryang kultural tulad ng mga Poles, Hudeo, taga-Finland at mga taga-Baltic. Dumating sa Petrograd ang ilan sa mga lider na Bolshevik, kabilang sina Vladimir Lenin, Leon Trotsky at Joseph Stalin. Nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao dahil sa programang pag-aangkin ng pamahalaan sa lahat ng mga pagawaan. Ang kaniyang panawagan, "Kapayapaan, lupain, at tinapay". Sa tulong nina Trotsky at Stalin, binalak ni Lenin na magkaroon ng Pamahalaang Komunismo base sa mga prinsipyo ni Karl Marx. Noong Nobyembre 1917, naghimagsik ang mga Bolshevik sa Petrograd at bumagsak ang pansamantalang pamahalaan ni Kerensky. Tumakas itong huli at pagkatapos ay itinatag na ni Lenin ang pamahalaang Komunismo na una niyang pinamunuan. http://rememberingletters.files.wordpre ss.com/2012/03/russia-map-of-russianfederation.jpg 482 Ang Paglaganap ng Komunismo Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga Red Army ng mga Bolshevik at ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating tagasunod ng Tsar. Dala ng galit sa dating pamahalaan, nasupil ng mga Red Army ang mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng Komunista ang buong Rusya. Ipinalalagay ni Lenin na kailangan ang dahas at pananakop para maitatag ang "Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong naitatag nila ay tinawag na Union Soviet Socialist Republic o USSR. Mga prinsipyong pinaniniwalaan ng Komunismo ang mga sumusunod: Vladimir Lenin http://www.biography.com/imp orted/images/Biography/Images /Profiles/L/Vladimir-Lenin9379007-1-402.jpg DRAFT March 24, 2014 1. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang supremo ng pamahalaan. 2. Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon ng pag-aari 3. Pagwawaksi sa kapitalismo. 4. Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at ng simbahan. 5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buong daigdig. Lagayan ng picture Joseph Stalin http://wwwtc.pbs.org/behindcloseddoors/tm p_assets/stalin-bio.jpg Halaw sa PROJECT EASE MODULE 19- pg. 17 Le Trosky http://upload.wikimedia.org/wiki pedia/en/2/2a/LeTrotskyDB.jpg 483 Pagsilang ng Fascismo sa Italy Mapa ng Italy Sa Italy, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascismo. Mga kondisyong nagbibigay-daan sa fascismo sa Italy ang sumusunod: 1. Nasyonalismo - Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig gayong nabigyan naman ito ng bahagi sa mga pabuya ng digmaan. 2. Paghihirap sa Kabuhayan - Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagkulangsa pagkain at maraming pangangailangan sa Italy. Tumaas ang halaga ng mga bilihin. Iginawad ng pamahalaan ang mataas na buwis upang mabayaran ang malaking pagkakautang ng bansa bunga ng digmaan. Marami ang nawalan ng trabaho sapagkat nasira ng digmaan ang mga sakahan at pagawaan. DRAFT March 24, 2014 3. Kahinaan ng Pamahalaan - Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang mga suliranin ng bansa. Pinalala pa ng pagkakaroon ng mahinang opisyal sa pamahalaan. Bunga nito, nawalan ng saysay ang mga tradisyong demokratiko pati na ang mga tao sa kanilang demokratikong institusyon. Noong 1920, inagaw ng mga manggagawa ang tradisyong demokratiko. Nawala rin ang tiwala ng mga magsasaka sa mga may-ari ng lupa kaya't inagaw nila ang mga lupain. Ang kapayapaan ay naibalik ng mga Fascista, isang samahang itinatag ni Benito Mussolin na dating sosyalista at editor ng pahayagan. http://0.tqn.com/d/goeurope/1/0/O/t/ 1/italy-cities-map.png Paano lumaganap ang Fascismo sa Italy? ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ _. 484 Benito Mussolini Ang mga tagasunod ni Mussolini ay bumuo ng mga pangkat militar na tinawag na Black Shirts na nagsagawa ng mga pagpupulong ng mga grupong sosyalista at komunista. Ipinangangako nilang pangalagaan ang mga pribadong ari- arian. Noong Oktubre, 1922, naganap ang dakilang Pagmamartsa sa Roma. Pinilit ni Mussolini at ng mga Black Shirts na buwagin ang kabinete. Si Haring Victor Emmanuel ay napilitang magtatag ng bagong kabinete na si Mussolini ang Punong Ministro. Ang Parliyamento ay napilitang maggawad ng mga kapangyarihang diktatoryal kay Mussolini. Ayon sa paniniwala ni Mussolini, Bigo ang demokrasya, kapitalismo at sosyalismo. Sa halip, itinatag niya ang isang diktaduryang totalitarian.Corporate State. Pinagsama-sama niya ang kapitalismo, sosyalismo at ang sistemang guild ng Panahong Midyebal. Mga prinsipyong sinunod ng Fascismo ay ang mga sumusunod: 1. Gumagawa lamang ang tao sa kapakanan ng estado. 2. Ang demokrasya ay mahina at walang saysay at lakas ang kinakailangang pangibabawin. 3. Lahat ng bibitiwang opinyon, pasalita man o pasulat, ay kailangang naaayon sa pamahalaan. 4. Kinukontrol ang buong sistema ng edukasyon upang ang mamamayan ay makapagsilbi sa estado at makatulong sa paghahanda sa digmaan. Dinodominahan ng fascistang propaganda ang mga paaralan. 5. Maingat na sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon. 6. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng pamahalaan. 6. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil. 7. Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya. 8. Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, politikal at pangkabuhayan ang mga babae. Lagayan ng picture Benito Mussolini DRAFT March 24, 2014 Anu-ano ang mga katangian ni Benito Mussolini bilang isang pinuno? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 485 Ang Nazing Germany Bilang isang ideolohiya, ang Nazismo nangyari sa Germany simula noong 1930. Isa pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan makabagong panahon. Nakakahawig ito fascismo sa Italy at ng komunismo sa Russia. ay sa sa ng Lagayan ng picture Adolf Hitler Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang paniniwala na ang Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa pangunahing layunin ng diktaturyang Nazismo. Basahin ang sumusunod na pangyayaring kaugnay nito: http://www.counter-currents.com/wpcontent/uploads/2011/04/09hitler.jpg DRAFT March 24, 2014 1. Ang kahinaan ng Weimar Republic - Ang Republikang itinatag sa Germany pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga pinakademokratikong pamahalaan sa buong mundo. Ngunit hindi ito pinatiwalaan ng mga tao. 2. Kasunduan ng Versailles - Nasaktan ang makanasyonalismong damdamin ng mga Aleman dahil sa mapagpahirap na mga probisyon ng Kasunduang Versailles. Ang mga masugid na makabayan ay nakahandang tumulong sa pamahalaan upang maiwasto ang sa palagay nila ay mga pagkakamali upang mabawi ang pagkapahiya ng Germany. 3. Ang paghihirap sa kabuhayan - Pagkatapos ng digmaan, ito ang talagang nagbigay-daan sa pagbagsak ng Republikang Weimar. Dahil sa mga pinsalang dulot ng digmaan at sa malaking pagkakautang, at mga reparasyong pagbabayaran ng Germany nagkaroon ng inflation. http://www.galacticwind.com /Assets/versaiiles.jpg 486 Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang pinunong Nazi. Isinilang siya sa Austria at maituturing na isang panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, binuo niya ang National Socialist Party na tinawag na Nazi. Ang mga prinsipyo ng Nazismo na napapaloob sa akdang “Mein Kampf, Ang Aking Labanan”, ni Adolf Hitler ay ang sumusunod: 1. Ang kapangyarihang racial – Pinaniniwalaan ng mga Aleman na sila ang nangungunang lahi sa daigdig. Nanggaling sila sa mga makalumang tribung Germanic na tinatawag ding Nordic o Aryano. 2. Anti-Semitism - Naniniwala ang mga Nazista na ang mga Hudyo na nanirahan sa Germany ay hindi mga Aleman at ang mga ito ang sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng kanilang bansa kayat kinakailangang mawala sa daigdig. Ito ang naging dahilan ng holocaust o pagpatay sa mga Hudyo. 3. Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles – Sinisi ng mga Nazista ang Kasunduan sa Versailles na sanhi ng mga suliranin ng Germany.. 4. Pan-Germanism - Ayon kay Hitler, ang isang pinalawak ng Germany ay kailangang maitatag, kasama na ang mga teritoryong nawala sa kanila noong Unang Digmaang Pandaigdig. 5. Ang pagwasak sa Demokrasya - Laban ang Nazismo sa demokrasya at pamahalaang Parlyamentaryo. Nanawagan silang wasakin ang Republika at itatag ang Third Reich na siyang estadong totalitaryan ng Nazismo. Ayon sa teksto, anu- ano ang mga katangian ni Adolf Hitler? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 Halaw sa PROJECT EASE MODULE 19- ph 23- 25 487 GAWAIN 7: PANINIWALA KO GETS MO Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay magpapakita ng isang maikling presentasyon tungkol sa mga prinsipyo, paniniwala, at mga patakarang ipinatupad ng Russia, Italy at Germany sa mga bansang pumanig sa kanilang ideolohiya. Unang Pangkat- Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia Ikalawang Pangkat- Ang Pagsilang ng Fascismo sa Italy Ikatlong Pangkat- Ang Nazismo sa Germany Pamprosesong Tanong 1. 2. 3. 4. 5. 6. Ano ang mga dahilan ng kaguluhan sa Russia? Paano nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao sa Russia? Paano naging ganap na komunista ang Russia? Anu- ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Fascismo sa Italy? Naniniwala ka ba sa prinsipyong sinusunod ng Fascismo? Ipaliwanag Bakit itinuturing na pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan ang Nazismo sa makabagong panahon? 7. Paano pinamahalaan ni Hitler ang Germany sa ilalim ng ideolohiyang Nazismo? 8. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang Fascismo, Komunismo at Nazismo sa buhay ng karaniwang tao sa Russia, Italy at Germany? Bakit? 9. Ipaliwanag ang mga salik na nagbigay-daan upang yakapin ng mga bansa ang kanilang ideolohiya. 10. Ano ang bahaging ginagampanan ng puwersang demokrasya at komunismo sa kalagayan ng tao? 11. Paano nagkakaiba-iba ang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa? 12. Paano nauugnay ang puwersang pangkabuhayan ng bansa sa kalagayang politikal nito? DRAFT March 24, 2014 488 GAWAIN 8 – TRIAD WEB Sa pamamagitan Triad Web, paghambingin ang katangian ng mga sumusunod na tatlong pinuno. Isulat sa gitna ang pagkakatulad ng kanilang mga paniniwala at sa bilog ang kanilang pagkakaiba. Adolf Hitler DRAFT March 24, 2014 BenitoB Benito Mussolini Vladimir Lenin Gawain . 9 – PUNTO POR PUNTO Ngayon ay magkaroon kayo ng isang debate, tungkol sa paksang nasa ibaba. Sundin ang kasunod na mga hakbang. Mga Hakbang: 1. Basahin at unawaing mabuti ang paksang ito! “ Aling ideolohiya ang dapat pairalin sa Pilipinas? Komunismo o Demokrasya?” 2. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat at pagkatapos ay pumili ng lider. 3. Simulan ang debate sa pamamagitan ng pagpapalitan ng argumento. 4. Isasagawa ang “rebuttal” matapos maisagawa ang argumento 5. Ibuod ang argumento ng bawat pangkat 6. Suriin ang debate batay sa pamantayan 7. Tanungin ang klase kung aling pangkat ang mas epektibo. Inaasahan ang mahusay na pagtanggap ng pagkatalo (sportsmanship) at ang paglinang ng kakayahang magsalita, mag-isip at mangatuwiran. 489 GAWAIN 10: PAG-ISIPAN MO, ARALING ITO Ano-anong ideya o salita ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang “Cold War”? Isulat sa cloud callout ang iyong sagot. DRAFT March 24, 2014 Ang Pananaw sa Cold War Ang United States at Unyong Sobyet ay naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag na superpower. Nauwi ito sa Cold War na bunga ng matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito. Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang naging papel ng Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa pagsasaayos ng daigdig matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng United States ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur. Symbol of US http://teamsuperforest.org/superforest/ wp-content/uploads/2009/02/600px-usgreatseal-obversesvg-500x500.png 490 Mga Tunay na Sanhi Symbol of USSR Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay dating magkakampi at kasama sa mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Ngunit dumating nga ang pagkakataong sila’y nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan. May mga pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tension dahil sa pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang pangunahing bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista. Ang kanilang sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa, pinutol nito ang pakikipagugnayan sa mga kanluraning bansa. DRAFT March 24, 2014 http://www.relinquishingjunk. com/Politi6.gif Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng bukas na kalakalan ng mga bansang ito. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base militar sa bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet. Bilang tugon sa nagpalabas noong 1947 ng patakarang Truman Doctrine si Harry S. Truman, pangulo ng Estados Unidos. Anu- ano ang mahahalagang impormasyong mahihinuha mula sa teksto? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 491 _________________________ _________________________ _________________________ Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA Naunahan ng Unyong Sobyet (USSR) ang United States (US) sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan. Sinimulan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR, si Yuri Gagarin na unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961. Ngunit nahigitan pa ng US ang USSR nang nakaikot sa mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7. Sinundan pa ito ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronaut na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin. Hindi rin nagpahuli sa mga imbensiyon ang Estados Unidos. DRAFT March 24, 2014 Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng US ang lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pangkomunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng US. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa. 492 Mabuting Epekto ng Cold War Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Coexistence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiyaat pangangailangan ng nakararami. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati na sa medisina at komunikasyon. Anu-ano ang mabuting epekto ng Cold War? ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ DRAFT March 24, 2014 493 Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang non-aligned. Anu- ano ang hindi mabuting epekto ng Cold War? _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ DRAFT March 24, 2014 Halaw sa PROJECT EASE Modyul 19- pg. 5-6 Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 273-280 at Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355 GAWAIN 11: COMPARE AND CONTRAST Batay sa tekstong binasa, paghambingin ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Isulat sa loob ng larawan ang kanilang pagkakaiba at sa gitna naman ang mga pagkakatulad. 494 US Demokrasya USSR Komunismo COMPARE AND CONTRAST DRAFT March 24, 2014 Pamprosesong Tanong 1. Ano- ano ang mga bansang nasangkot sa Cold War? Isulat sa tapat ng figure ang mga bansang pumanig sa US at USSR. 2. Ipaliwanag ang mga patakarang ipinatupad ng dalawang superpower. GAWAIN 12: DISCUSSION WEB Panuto: Sagutin ang tanong na nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay isulat sa tamang kahon ang iyong paliwanag. 495 Oo, Bakit? Hindi, Bakit? Naging dahilan ba ng dipagkakaunawaan ng mga bansa ang Cold War? GAWAIN 13: OPINYON MO, SAY MO DRAFT March 24, 2014 Ano-anong patakaran ang ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas nang masakop nila ito? Ano ang opinyon mo tungkol sa mga patakarang iyon? Nakabuti ba o nakasama? Bakit? Ibahagi ang iyong sagot sa malikhaing paraan. Pamprosesong Tanong: 1. Paano pinalaganap ng mga superpower ang kanilang impluwensiya? 2. Nakabuti ba ang impluwensyang iniwan ng mga superpowers sa mga bansang pumanig sa kanila? Pangatuwiranan GAWAIN 14: BILI TAYO Susubukin ngayon ang galing mo sa pagpili. Suriin ang mga produktong tinda ni Juan de la Cruz. Alin sa mga ito ang bibilhin mo? 496 TINDAHAN NI JUAN DELA CRUZ PIZZA PIE Hotdog BIBINGKA Marikina Shoes CD NG OPM MUSIC Filipiniana dress CD NI MICHAEL JACKSON Spaghetti Maong shorts Hamburger Pamprosesong Tanong: DRAFT March 24, 2014 1. Kung ikaw ay nasa supermarket at kailangan mong mamili ng limang produkto na nasa tindahan ni Juan de la Cruz, aling mga produkto ang iyong bibilhin?Isulat sa ibaba. 2. Bakit mo binili ang nasabing mga produkto? Pangatwiranan. Isulat din sa kasunod na talahanayan ang iyong sagot. Mga Produktong Binili ko Paliwanag Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa mga sagot pagkatapos. Maitatanong natin: “Tapos na ba ang kabanata ng kolonyalismo?” o napalitan lamang ba ito ng tinatawag na “neokolonyalismo”? Alamin natin sa susunod na teksto ang kahukugan ng “neokolonyalismo”. 497 NEOKOLONYALISMO: PAMAMARAAN O SANGKAP NITO Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya, bagamat wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga ito. Ang Pamamaraan ng Neokolonyalismo Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ang neokolonyalismo at interbensiyon. Itinuturing ang neololonyalismo nab ago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na bansa. Ayon sa mga agham-politika, ito ang pananatili ng control ng isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Malumanay (subtle) at patago ang pamamaraang ito. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita sa negosyo. Sa kabuuan, pinaigting nito ang imperyalismo sa ekonomiya, politika, military at ideolohiyal na mga aspeto. Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo ay ang pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan sa pamumuhunang industriyal at pinansyal. Kabilang dito ang pagbuo ng iba’t ibang uring kompanya; pandaigdigan at pampribadong pondo; pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum (samahan ng mga namumuhunan), pagsisiguro ng pamumuhunan, at pagpapautang ng malaking halaga na makakatulong hindi lamang sa nangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat na tubo sa magpapahiram. Ang mga imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang inilagay sa mga negosyo ng papaunlad ng mga bansa. Ang mga kumpanya ng langis ang kadalasang kumikita ng malaki lalo na sa kanlurang Asya, Venezuela, Cambodia, Argentina, Brazil, Bolivia, at Africa. Isa pang pamaraan ay ang pagluluwas ng puhunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga internal at pribadong kompanya upang makagawa ng konsorsyum at makakuha ng mas magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga bansa. Halimbawa nito ay ang Atalantic Community Development Group for Latin America (ADELA) na itinayo ng 120 pribadong kumpanya at mga bangko ng kanlurang Europa, pondo sa mga bansang Brazil, Ecuador, Nicaragua at Chile. DRAFT March 24, 2014 Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot. http://isyungpnu.files.wordpress.co m/2011/08/impe-eagle.jpg?w=614 Ipaliwanag ang kaugnayan ng larawan sa tekstong binasa. ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ 498 ________________________ MGA PAMAMARAAN AT URI NG NEOKOLONYALISMO Sa araling ito, tatalakayin ang mga pamamaraan at uri ng neo-kolonyalismo upang lalong maging epektibo ang pananakop ng mayayamang bansa sa larangan ng ekonomiya at kultura. Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo Ang mga pamamaraang ginamit ng neokolonyalismo upang makuha ang kanilang gusto sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-ekonomiya at pangkultura. May mga pagkakataong ginamit din ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pangespiya. DRAFT March 24, 2014 1. Pang-ekonomiyaNaisasagawa ang neolonyalismo sa pamamagitan ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong. 2. Pangkultura- Sa pamamaraang ito, nababago ng neokolonyalismo ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng dayuhang tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang pinahahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungan bansa sa pananamit, babasahin, maging sa pag-uugali. Halimbawa, itinuro ang kabuhasnan, kasaysayan at wika ng mga Amerikano kaya naapektuhanang sariling kalinangan pati na ang paggamit ng http://barbadosfreepress.files. wordpress.com/2009/07/thom pson-foreign-aid.jpg 499 sariling wika. Ilan lamang ito sa naging dahilan ng pagtataglay ng mga Pilipino ng kaisipang kolonyal na pumupuri at dumarakila sa anumang bagay na gawa ng Estados Unidos at nagwawalang-bahala sa mga bagay na gawa sa sariling bayan. Bahagi rin ng neo-kolonyolistang kultural ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano na ngayo’y palasak na sa panlasang Pilipino – hotdog, hamburger, at mansanas na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaing tulad ng kalamay, puto, latik, ginatan, bibingka at marami pang iba. Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangad ang mga Pilipino ng mga materyal na bagay na naging batayan ng katayuan sa lipunan. Sa pananaw ng mga katutubong pinuno sa politika at ekonomiya, nakaugnay ang pambansa o pansariling interes sa interes ng mga neo-kolonyalista. Dahil dito, madaling maimpluwensiyahan huli ang una upang gawin ang mga nais nila. Ayon sa teksto, ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na uri ng neo-kolonyalismo: 1. Pang-ekonomiya ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ 2. Pangkulltura ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ 3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ DRAFT March 24, 2014 3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid Isa pang instrumento ng mga neokolonyalismo ang nakapaloob sa dayuhang tulong o “ foreign aid” na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar. Sa una’y maiisip na walang kundisyon ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ng mga aklat. Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang “libreng” pagtulong. Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga “imported” na produkto sa bansang tinulungan kaya nga’t bumabalik rin sa kanya ang malaking tubo ng kanyang puhunan. 500 4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt Gayundin, anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang na bansa. Dahil dito, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap ang itinawag dito. 4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ 5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neo- kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan. Epekto ng Neo-kolonyalismo Maraming epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop at pinagsamantalahan nito. 1. “Over Dependence” o labis na pagdepende sa iba-: Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States. 2. “Loss of Pride” o Kawalan ng Karangalan- Sanhi ng impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto. http://www.recoveredhistorie s.org/images/enslave-01.jpg 501 3. Continued Enslavement o Patuloy na Pangaalipin- Totoo ngang ang umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran. Halaw sa PROJECT EASE MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14. Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284 and Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 358-361. Anu-ano ang mga impormasyong mahihinuha mula sa teksto? _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 15: NARARAMDAMAN MO, IGUHIT MO! Batay sa binasang teksto, ang bawat pangkat ay gagawa ng karikatura o anumang malikhaing gawain tungkol sa paksang napatakda sa pangkat.. Unang Pangkat- Nagpapaliwanag ng sangkap at kahulugan ng neo-kolonyalismo Ikalawang Pangkat- Mga uri ng neo-kolonyalismo Ikatlong Pangkat- Mga bansang nagpatupad ng mga impluwenisya sa ibang bansa Ikaapat na Pangkat- Epekto ng neo-kolonyalismo Pamprosesong Tanong: Matapos mapakinggan ang Gawain ng lahat ng pangkat, sagutin ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang iyong ideya tungkol sa salitang neo-kolonyalismo? 2. Bakit kaya nagkaroon nito? 3. Ipaliwanag ang mga patakaran at impluwesiyang ipinatupad ng mga makapangyarihang bansa sa mga bansang kontrolado nila? 4. Paano naapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga bansang papaunlad pa lamang? 502 GAWAIN 16- LARO TAYO Halika! Maglaro tayo ng garter game. Simple lamang ang patakaran sa larong ito. Kailangan ng garter na bibigkis sa mga manlalaro. Kapag positibo (maganda ang dulot nito, ang salita/ pariralang tinuran ko, nangangahulugan ito ng isang hakbang ng mga manlalaro papunta sa gitna. Kapag naman negatibo (hindi maganda ang dulot) 1 hakbang palayo sa gitna. Nangangahulugan ito na kapag mas marami ang positibong dulot ng neo-kolonyalismo magiging maluwag ang garter subalit kapag mas marami ang nagatibong dulot nito, mararamdaman ng mga manlalaro ang pagsisikip ng garter. DRAFT March 24, 2014 GARTER GAME 503 Handa ka na ba? Ready set go: 1. 2. 3. 4. 5. Foreign investment Loss of pride Foreign debt Over dependence Continued enslavement Pamprosesong Tanong 1. Batay sa gawaing ito, nakabuti ba o nakasama ang neo-kolonyalismo sa daigdig? 2. Ngayong nalaman mo ang negatibong epekto nito, ano ang nararapat mong gawin? Bakit? DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 17: ABC BRAINSTORM STRATEGY Muli mong sagutan ang ABC Brainstorm Strategy, ngunit sa pagkakataong ito, ipaliliwanag ang kahulugan o kaugnayan ng salitang iyong isinulat. Halimbawa: A- Asia Paliwanag- Pinakamalaking kontinente sa daigdig, narito ang maraming papaunlad na bansa, gaya ng Pilipinas, (Third World Countries) na naimpluwensyahan ng mga superpower. A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W XYZ 504 Pamprosesong Tanong 1. Ilang salita ang nadagdag sa dating isinagot mo? Ano-ano ito? 2. Paano mo naipaliwanag ang iyong mga sagot? PAGNILAYAN/UNAWAIN GAWAIN 18: PAGSUSURI SA MAKABAGONG MUNDO Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa paksang nasa ibaba. Gamitin ang link sa larawan upang medaling Makita ang artikulo. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan tungkol dito. DRAFT March 24, 2014 China in Africa: Neocolonialism or a Chance for Growth? © Flickr.com/Fir Z/cc-by-nc-sa 3.0 Mga bansa sa kontinente ng Africa na may presensiyang pang ekonomiya ang China. 505 http://voiceofrussia.com/2013_08_13/China-in-Africa-neocolonialism-or-chancefor-growth-9071/ WEBSITE: Relations between China and Africa have recently flourished and the two have broadened political, diplomatic, economic, educational, cultural and military ties. As Chinese economy grows it needs greater cooperation with African markets. Recently, Johannesburg hosted the first South Africa-China Markets Forum attended by South African and Chinese businessmen, including more than 80 top fund managers from the Shanghai Stock Exchange. The forum resulted in a letter of intent to create exchange traded funds for Chinese investors to trade in Africa China-Africa trade turnover was almost $200 billion in 2012, and China's trade with South Africa alone reached $60 billion. The increasing presence of Chinese companies in Africa has caused concern in the West, which says undemocratic China is undermining human rights and causing environmental devastation. But what do Africans themselves make of the tendency? VoR's Tom Spender travelled to Kenya to find out. Tom has been greatly impressed by a brand-new highway in congested Nairobi. The road was built by Chinese China Wu Yi Company, Sino hydro Corporation and Sheng Li Engineering Construction. Young Kenyan, Andrew, says the new road saves him two hours of commuting time. China claims its increasing activity in Africa to be a win-win game, not just pouring money in the continent but developing together, compared to the Mao times when financial aid, was a tool to make Africa shift from Taiwan to People’s Republic of China. Today Chinese projects in Africa include a new Indian Ocean port, residential construction, copper mines in Zambia, cobalt mines in Congo, and a rail network linking Addis Ababa to Djibouti. China has invested some 75 mln dollars into the continent, going neck-to-neck with the US that contributed 90 mln to bilateral projects. Some Africans, however, have mixed feelings about this cooperation. Thus, governor of Nigerian Central Bank Mallam Sanusi said, “China takes from us primary goods and sells us manufactured ones - this was the essence of colonialism.” US President Barack Obama has also warned Africa of possible aftermaths in one of his speeches “When we look at what other countries are doing in Africa, our only advice make sure it is a good deal for Africa.” Professor Stephen Chan from the School of Oriental and African Studies believes that China, however, has certain moral principles when operating in Africa. “Africa finally has a chance to make a choice – it’s not only America anymore. And what stands behind Western concerns is angst about the continent’s resources. While its discourse is clad in the rhetoric of democratic values, Chinese are being shown as not caring about these values at all,” Dr Chan said. The expert believes that moral principles prevent China from going too far in economic exploitation of the continent and Beijing is also more sensitive to African aspirations, as it is prepared to build universities in the region, while the only education the West sees for Africa doesn’t go beyond basic literacy and primary schools. “Chinese came out of great deprivation, so they understand the power of aspiration. It’s a natural desire to see your kids going to university,” the expert said. DRAFT March 24, 2014 506 Some locals complain that flocks of Chinese coming to the continent push them out of business and take local jobs. “It’s wrong for them to do what Kenyans can do,” activist Boniface Mwangi said, adding that “They bribe and don’t care about human rights, which makes it a win-lose situation.” Now there are about 1 mln Chinese in Africa with the largest community in South Africa, Egypt and Nigeria. Some Africans are happy with China’s non-interference into local policy, while the West keeps dictating people whom to vote and care only about free and democratic elections. Democracy doesn’t necessarily bring development with it, that’s one of China’s guidelines, and its leaders say that the right to food and life is more important than democracy words. “Though many African countries have adopted European democracies, they are still underdeveloped, while China searches for the best way to improve living standards,” a Chinese top official said. Chinese presence in the region also causes environmental concerns: oil factories and mines heavily pollute the atmosphere. Ivory poachers make fortunes on wealthy Chinese. According to the Kenya Land Conservation Trust, China is now number one market for ivory, but 80% of this ivory is illegal, which means that elephants can go extinct in less than 10 years. China, however, has recently issued guidelines on environmental practice for overseas companies. Generally, Africans agree that China brought a new wave of life and development to the continent. A Consumer Insight poll has shown that China was the top source of inspiration for Kenyans, who learnt many useful business and negotiating skills from Chinese. DRAFT March 24, 2014 This means the West needs to admit – it doesn’t dominate the continent anymore. Source: http://voiceofrussia.com/2013_08_13/China-in-Africa-neocolonialism-orchance-for-growth-9071/ Pamprosesong Tanong 1. Maituturing bang isang uri ng makabagong neokolonyalismo ang ginagawang pagpasok ng China sa mga bansa ng kontinenteng Africa? Pangatwiranan ang sagot. 2. Sa iyong pananaw nakabubuti ba o nakasasama ang pagtulong ng China sa ekonomiya ng mga bansa sa Africa? 507 Isulat sa bahaging ito ang inyong sagot. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 19- TAPOS NA! Dugtungan ang sumusunod na pangungusap tungkol sa paksang tinalakay. Sa araling ito, natutunan kong ________________________________________ _________________________________________________________________ Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay ____________________ _________________________________________________________________ Mahalaga ito, sapagkat ______________________________________________ __________________________________________________________________ Sa pagkakataong ito, naisip kong _______________________________________ ___________________________________________________________________. 508 ARALIN 4: MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON, PANGKAT, AT ALYANSA ALAMIN Binabati kita sa matagumpay mo na pagkakamit ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga ideolohiya at epekto ng neo-kolonyalismo sa nakaraang aralin. Ngayon, pag-aaralan mo sa araling ito ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon, pangkat, at alyansa sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kaunlaran. Sa pamamagitan ng iba’t ibang Gawain, GAWAIN Blg. 1pagtutulungan, : PAGSUSURIatSA LARAWAN inaasahang highit na madaragdagan at lalawak ang iyong kaalaman sa paksa. Inaasahan ring matalino mong masasagot ang katanungang: Paano mapananatili ng mga organisasyong pandaigdig ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig? DRAFT March 24, 2014 GAWAIN 1: THE QUEEN WANTS TO KNOW! May mahalagang papel na ginampanan ang mga organisasyong pandaigdig sa mga hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng mga bansang kasapi nito. Sisimulan mo na ngayong tuklasin ang ginampanang papel ng mga pandaigdigang organisasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at ang kanilang pagtutulungan upang makamit ang pag-asenso. Ngunit bago tayo tumungo sa aralin, halina muna’t maglaro! Subukan mong sagutin ang mga tanong ng guro sa larong “The Queen Wants to Know!” 1. Anong W ang bangkong na nagbibigay ng tulong-pinansiyal at teknikal sa mga bansang papaunlad para sa mga programang pangkaunlaran? 2. Anong A ang isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa TimogSilangang Asya? 3. Anong W ang isang organisasyong pandaigdig na nilikha upang mamahala at magbigay ng kalayaan sa kalakalang panginternasyunal? 509 SAGOT: 1. W ____ ____ 2. A ____ ____ ____ ____ 3. W ____ ____ DRAFT March 24, 2014 Mahusay ang ipinakita mo sa laro! Ang mga organisayong pandaigdig ay may kani-kaniyang sagisag o simbolo. Ngayon, tingnan naman kung pamilyar ka sa mga sagisag ng mga samahang pandaigdig na ito. GAWAIN 2: GOTTA GUESS THE FLAG! Hulaan ang mga watawat ng sumusunod na organisasyong pandaigdig. Tingnan ang kahon sa itaas para sa mga pagpipilian. Organization of Islamic Cooperation (OIC) Association of Asian Nations (ASEAN) Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) World Bank (WB) World Trade Organization (WTO) European Union (EU) 510 3 1 2 5 4 DRAFT March 24, 2014 Sagot: 1. 4. 2. 5. 3. Binabati kita sa matagumpay na pagsagot sa gawain sa itaas! Ngayon, balikan ang iyong mga datihang-kaalaman tungkol sa paksa. Isipin mo rin ang mga bagay na nais mo pang tuklasin at ang mga kaalaman na gusto mo pang matutuhan. Maghanda na para sa susunod na gawain. 511 GAWAIN 3: GENERALIZATION TABLE Tingnan ang Generalization Table. Isulat sa bahagi ng “My Initial Thoughts” ang mga nalalaman o kaalaman mo tungkol sa iba’t ibang pandaigdigang organisasyon o samahan. Iwan mong blangko ang mga sumusunod na talahanayan sapagkat sasagutan mo ito sa mga susunod pang gawain. Ready, set, go! My Initial Thoughts My Findings and Corrections Supporting Evidence My Generalization 1. 2. DRAFT March 24, 2014 3. Pamprosesong Tanong: 1. Marami ka bang naitala sa hanay ng Initial Thoughts? Sapat na ba sa iyo ang kaalamang ito o nais mo pa itong dagdagan at palalimin? 2. Ao-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa mga organisasyong pandaigdig? Bakit mo ito gustong malaman? PAUNLARIN Matapos mabatid ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga organisasyon pandaigdig, maaaring marami ka pang katanungan na gusting masagot. Handa ka na bang tuklasin ang kahalagahan ng mga ito sa pagtatamo ng pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran? 512 ANG MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON Bukod sa United Nations marami pang organisasyong pandaigdig na nabuo na may layuning pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng kasunod na teksto na patungkol sa pagkakatag at layunin ng ilang mga organisasyong pandaigdig. 1. European Union (EU) Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at pampulitikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga mallaayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992. Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa patakarang publiko, patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan. DRAFT March 24, 2014 2. Organization of American States (OAS) Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano ay isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu't limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika. Layunin nitong makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang kanilang kalayaan. 3. Organisation of Islamic Cooperation (OIC) Ang OIC ay isang internasyonal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan. 513 4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng tl.wikipedia.org mga kultura ng bawat kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon. GAWAIN BLG. 4: ORG-OUTLINER! DRAFT March 24, 2014 Subukang gawan ng outline ang mga organisasyong binanggit sa teksto. Gamitin ang sa ibaba. Organisasyon Taon ng Pagkakatatag Layunin 1. 2. 3. 4. 5. 514 Pamprosesong Tanong: 1. Narinig mo na ba ang mga nabanggit na organisasyon sa teksto? Saan? 2. Sa iyong palagay, saklaw ba ng mga organisasyong ito ang mga bansa sa iba’t ibang kontinente? 3. Ano ang masasabi mo sa layunin ng mga organisasyong ito? Ipaliwang ang sagot. GAWAIN 5: ORGANISASYON, MAHALAGA BA ITO? Dahil nalaman mo na ang ilan sa mga pandaigdigang samahan na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, isa-isahin ngayon ang mga layunin nito. Pagkatapos ay itala sa tabi nito ang kahalagahan ng nasabing organisasyon. DRAFT March 24, 2014 Kahalagahan ng mga organisasyon sa mga Bansa ng Daigdig MGA ORGANISASYON European Union L A Organization of American States Y U Organisation of Islamic Cooperation Association of Southeast Asian Nations N I N 515 Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang organisasyon? 2. Paano makatutulong ang mga ito sa pagkakamit ng pandaigdigang kapayapaan kalayaan at kaunlaran? GAWAIN 6: UP Dev CHECKLIST Narito ang iba pang mga pandaigdigang organisasyon. Basahin at unawaing mabuti ang mga layunin nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga kaugnay na tanong tungkol sa binasa. DRAFT March 24, 2014 WORLD BANK Ang World Bank ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan. INTERNATIONAL MONETARY FUND (IMF) Ang International Monetary Fund ay isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinasyal na tulong kapag hiningi. 516 WORLD TRADE ORGANIZATION Ang World Trade Organization ay isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal. Ang WTO ay nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng Pangkalahatang Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT). Sanggunian: tl.wikipedia.org Narito na ang tseklist na iyong sasagutan. Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay na maliwanag na isinusulong ng mga organisasyon. DRAFT March 24, 2014 Organisasyon Unity Peace Development 1. 2. 3. Pamprosesong Tanong: 1. Paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagpapanitili ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-unlad? 2. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong katulad ng World Bank, IMF at WTO sa taas na nagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran? 517 Iba pang Organisasyong Pandaigdig Bukod sa mga pandaigdigang organisasyon na nabanggit sa katatapos na teksto, marami pang organisasyong internasyunal ang nilikha upang patatagin ang kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran. Nilikha ang mga organisasyong ito upang magbigay tulong sa pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. May mga samahang rehiyunal din na bumuo ng trade blocs. Ang trade bloc ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang rehiyunal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa. DRAFT March 24, 2014 Narito ang halimbawa ng trade blocs: 1. ASEAN Free Trade Area Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) ay isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local manufacturing) sa lahat ng mga bansa sa ASEAN. 518 Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit ang sumusunod: - Palakihin ang hangganang pagkainaman bilang batayang pamproduksyon sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAN, ng mga salabid ng taripa at walang-taripa; at - Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan sa ASEAN. 2. 2. North American Free Trade Agreement (NAFTA) Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United States na lumilikha ng trilateral trade bloc sa North America. Ito ay nabigyang bisa noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang trade bloc na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang purchasing power parity sa GDP. DRAFT March 24, 2014 Sanggunian: tl.wikipedia.org GAWAIN 7: MAGPALITAN TAYO! Pagmasdan mong mabuti ang mga larawan. Ipinapakita nito ang naitulong ng mga trade blocs sa itaas. Gamitin itong gabay sa pagsasagawa ninyo ng pangkatang gawain. North American Free Trade Agreement Sanggunian: naftanow.org 519 ASEAN Free Trade Area Agreement DRAFT March 24, 2014 Sanggunian: http://www.tariffcommission.gov.ph/afta-cep.html Ngayon ay magsasagawa tayo ng Role Playing. Kayo ay hahatiin sa apat na pangkat. Inaatasan ang bawat grupo na gumawa ng maikling dula na nagpapakita ng kabutihang naidudulot ng trade bloc sa mga bansang kabilang dito. Una at Ikalawang Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga miyembro ng ASEAN Free Trade Agreement. Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Mabuting naidudulot ng trade bloc sa mga miyembro ng North American Free Trade Agreement. 520 GAWAIN 8: MY GENERALIZATION TABLE Ngayong natutunan mo na kung paano nakatulong ang mga organisasyon sa pagsusulong ng kaunlaran, kapayapaan, at pagkakapantay-pantay, balikan natin ang iyong “My Generalization Table” at iyo nang sagutan ang bahagi ng “My Findings and Corrections”. Isulat din sa hanay ng “Supporting Evidence” ang bagay na magpapatunay sa iyong sagot. Inaasahang may pag-unlad na magaganap sa iyong kaalaman sa pagkakataong ito. My Initial Thoughts My Findings and Corrections 1. Supporting Evidence My Generalization 1. DRAFT March 24, 2014 2. 2. 3. 3. PAGNILAYAN/UNAWAIN Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa ukol sa paksa. Inaasahan ding sa bahaging ito ay kritikal mong masusuri ang mga bahaging ginampanan ng mga organisasyong pandaigdig sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unlad. Nalaman at naunawaan mo na ang mahahalagang papel ng mga pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa. Ngayon, basahin at unawain mo ang artikulo sa ibaba mula sa South African Broadcasting Corporation tungkol sa layunin ng World Bank na wakasan ang matinding kahirapan sa taong 2030. 521 GAWAIN 9: PAGSUSURI NG BALITA Basahin mo at suriin ang tekstong mula sa World Bank. Pagkatapos ay punan ang graphic organizer na tungkol sa dito. Ethiopia: Extreme Poverty Is a Moral Issue - World Bank 5 October 2013 World Bank President Jim Yong Kim says with more than a billion people in the world living on less than $1.25 a day, extreme poverty has become the defining moral issue of our time, SABC reports. Kim has also outlined how the Bank's new strategy would realign the global institution to help end poverty by 2030 and boost shared prosperity. DRAFT March 24, 2014 Kim says the Bank should be bold and not be afraid to take 'smart risks' to support projects that have the potential to transform a country or a region: "Our goals are clear. End extreme poverty by 2030. Share prosperity with the bottom 40% and share it with future generations. We have an opportunity to bend the arc of history and commit ourselves to do something that other generations have only dreamed of." "For the World Bank Group, our strategy is based on the entire organisation working and pulling together. Our strategy also forces us to be selective - first, choosing our priorities and then, abandoning those activities that are not." Kim then outlined three key elements of the Bank's strategy: "First, we will partner with the private sector to use their expertise and capital to fight poverty. This is particularly important to create good jobs for the poor. Second, we will increase our commitment to fragile and conflict-affected states, which will require us to be bolder, take more risks, and commit more resources. And third, we will be as ambitious as possible on issues that are of global importance, including investing in women and girls and climate change. Our response to climate change, for instance, must be bold enough to match the scope of the problem." Kim has called for the convening of a social movement to end poverty and remarked that interest in the issue was coalescing around the globe. "Just six months ago, the board of governors for the World Bank Group laid a foundation for a social movement by endorsing our two goals and declaring that we can end extreme poverty by 2030. Now we are seeing interest from all corners," Kim said. Source: South African Broadcasting Corporation (http://allafrica.com/stories/201310070084.html) 522 Ngayong natapos mo nang basahin ang teksto, kumpletuhin mo naman ang hinhingi ng diagram sa ibaba. Ano ang target ng World Bank sa taong 2030? Tatlong Estratehiya: 1. _________________ 2. ___________________ 3. ___________________ DRAFT March 24, 2014 3 estratehiya na gagamiting ng World Bank upang makamit ang layunin nito sa 2030 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang hakbang na ginawa ng World Bank upang malutas ang suliranin ng kahirapan sa mga bansa sa daigdig? Sang-ayon ka ba sa hakbang na ito ng World Bank? Pangatwiranan. 2. Sumasang-ayon ka ba sa World Bank na ang kahirapan ay maituturing na isyung moral? Bakit? 3. Sa iyong palagay, nararapat nga bang bigyang-pansin din ni Pangulong Jim Yong Kim ang kababaihan? Ano ang maaaring maging bunga nito sa kalagayan ng kababaihan sa buong mundo? 523 GAWAIN 10: 1-2-3 SUMMARY! Basahing mabuti ang balita sa ibaba tungkol sa pagsususpinde ng Organization of Islamic Cooperation sa Syria at humandang sagutin ang mga tanong sa gawain. Organisation of Islamic Cooperation Suspends Syria By Asma Alsharif MECCA | Wed Aug 15, 2012 7:53pm EDT (Reuters) - The Organisation of Islamic Cooperation suspended Syria's membership early on Thursday at a summit of Muslim leaders in Mecca, citing President Bashar al-Assad's violent suppression of the Syrian revolt. DRAFT March 24, 2014 "The conference decides to suspend the Syrian Arab Republic membership in the OIC and all its subsidiary organs, specialized and affiliated institutions," the closing statement said. The move had been approved on Monday at a preliminary meeting of OIC foreign ministers and was agreed on the summit's second night despite opposition from Iran. Saudi Arabia, the summit's host, has led Arab efforts to isolate Syria diplomatically and has backed calls for the Syrian rebel opposition to be armed, which Foreign Minister Saud al-Fasial described in February as "an excellent idea." However, speaking to reporters after the summit, OIC Secretary General Ekmeleddin Ihsanoglu said he "did not see much support for external military intervention" in Syria during the summit. He described the decision to suspend Syrian membership as "a message to the international community ... that the Islamic community stands with a politically peaceful solution and does not want any more bloodshed." The summit, which has taken place late on consecutive nights because of the Ramadan fast, had been billed as a diplomatic showdown between Sunni Muslim Saudi Arabia and Shi'ite Iran, which have backed different sides in sectarian conflicts in the Middle East. 524 However, Saudi King Abdullah tried to conciliate Iran at the summit opening by placing President Mahmoud Ahmadinejad at his side to welcome Muslim leaders in a gesture Saudi political analysts said was aimed at putting old grievances aside in the quest for a resolution to the Syrian crisis. He also suggested founding a centre for dialogue between Islam's sects, another move aimed at defusing some of the region's sectarian tensions. That proposal was adopted by the summit. In his first published comments since the summit opened, Ahmadinejad appeared to rebuff the Saudi move. On Iran's Mehr news agency on Wednesday he said countries which wanted the Syrian crisis solved must come up with a plan of action to do so. Sanggunian: http://www.reuters.com/article/2012/08/15/us-syria-crisis-islamicsummit-idUSBRE87E19F20120815 DRAFT March 24, 2014 Maghanda ka na sa pagsagot sa gawain sa ibaba. Ano ang alam ko na bago pa basahin ang artikulo? Ano ang natutuhan ko? Ano ang nakapukaw sa atensiyon ko? 525 Pamprosesong Tanong: 1. Ayon sa balita, bakit isususpinde ng Organisation of Islamic Cooperation ang Syria? 2. Mahalaga ba ang ginawang hakbang ng OIC para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Syria at sa mundo sa kabuuan? Bakit? GAWAIN 11: REAKSYON MO, SEY MO! Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman ng balita sa ibaba. Isusulat mo mamaya ang iyong positibo/ negatibong reaksiyon sa isyung nakapaloob sa iyong binasang teksto sa reaction corner sa susunod na pahina. DRAFT March 24, 2014 GAWAIN BLG. 9: REAKSYON MO, SEY MO! PHL’s $1-B loan to IMF not the first nor the biggest ROUCHELLE GMA SuriinDINGLASAN, mo ang bahagi ng News balita sa ibaba at ibigay ang iyong July 3, 2012 10:46pm positibong/negatibong reaksyon ditto sa pamamagitan ng pagsagot sa reaction corner sa ibaba. One billion dollars is roughly P42 billion, and can buy 1.5 billion kgs of National Food Authority rice or 267.50 million Big Mac meals. For a country like the Philippines, that as of March 31 owes $62.9 billion in foreign debt and where only about 20 percent of citizens have bank deposits, $1 billion is a significant amount. So when Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. revealed that the BSP is “extending a $1-billion loan to the International Monetary Fund… to ensure economic and financial stability across the globe,” the news was a surprise to some at the very least. The $1-billion loan of the Philippines forms the $456-billion multilateral fund that will be extended to debt-stricken European countries such as Greece, Portugal, Italy, and Spain. “[BSP’s loan extension is] an arrogant pretension of a country very much in debt,” the Freedom from Debt Coalition (FDC) said in a statement. 526 “May pera pala tayo? Bakit kapag sa pagkain ng mga nagugutom, sa edukasyon ng mga bata, sa kalusugan ng mga may sakit, at sa pabahay para sa maralita, kung hindi kulang, walang budget?” added urban poor leader Mercy Donor, also a member of the FDC. Public reaction to the loan was also one of surprise and disappointment based on the notion that international reserves in the custody and management of the BSP could be spent like the national budget. Halaw sa: http://www.gmanetwork.com/news/story/264036/economy/finance/phl-s-1-b-loanto-imf-not-the-first-nor-the-biggest DRAFT March 24, 2014 Punan ng angkop na sagot ang reaction corner sa ibaba. s ISYU: __________________________________________ REAKSIYON Positibo Negatibo Narito ang tekstong iyong babasahin: 527 Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang balita? Saan daw nangutang ang Pilipinas at para saan ang pangungutang na ito? 2. Sinusuportahan mo ba ang desisyon na ito ng pamahalaan? 3. Nararamdaman ba ang epekto ng pagkakautang ng bansa? GAWAIN. 12: GENERALIZATION TABLE Muli nating balikan ang iyong Generalization Table. Ngayong natapos na natin ang aralin , isulat mo na rito ang iyong sagot sa hanay ng “My Generalization”. Inaasahang mas malalim at wasto na ang iyong isusulat sa puntong ito. DRAFT March 24, 2014 My Initial Thoughts My Findings and Corrections Supporting Evidence My Generalization 1. 2. 3. 528 GAWAIN. 13: SYNTHESIS JOURNAL Tingnan ang synthesis journal sa ibaba. Isulat mo sa unang hanay ang mga gawaing iyong isinagawa at sinagutan. Ang iyong mga natutuhan naman ang iyong ilalagay sa ikalawang hanay. Sa pinakahuling hanay, isulat mo kung paano mo magagamit sa pang-araw-araw na buhay ang mga ito. Maaari mong simulan ang pagsasagot. Mga Gawain Mga Natutuhan Paano Ito Magagamit? DRAFT March 24, 2014 529 ILAPAT/ISABUHAY Sa bahaging ito ay pagtitibayin ang iyong pang-unawa ukol sa aralin. Magkakaroon ka ng mas malalim na pagtalakay at pagkaunawa sa mga kontemporaryong isyu sa daigdig at ito’y magsisilbing hamon sa iyo upang maging kasangkapan ka sa pagkakaroon ng kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan tungo sa pagkakamit ng isang matatag na Republika tungo sa tunay na kaunlaran. GAWAIN 14: GAWIN AT ISAKATUPARAN PARA SA BAYAN, KAYA KO ITO! DRAFT March 24, 2014 Sa pagkakataong ito, kayo ay papangkatin ng guro sa apat at kayo ay inaasahang bumuo ng isang Ordinansa ayon sa sitwasyon na nasa ibaba. Ikaw ay naatasang maging chair person ng samahan ng mga kabataan sa Barangay X. Nahaharap sa suliraning pangkatahimikan ang inyong Barangay dahil sa ilang pangkat ng kabataan na tumatambay at umiinom ng alak hanggang hatinggabi. Gumagawa sila ng ingay at gulo na labis na nakakaapekto sa mga kapitbahay. Ikinababahala ito ng mga residente kaya’t humingi sila ng tulong sa mga opisyales ng barangay. Bilang chair person ng Samahan ng Kabataan, ikaw ay inaatasang gumawa ng ordinansa na magbibigay solusyon sa suliraning pangkapayapaan sa inyong lugar. 530 Gamiting gabay ang format na ito sa paggawa ng ordinansa. Republika ng Pilipinas BARANGAY _________________ Address:_______________________ ORDINANSA NG BARANGAY ___________. S- [Taon] ISANG ORDINANSANG NAGBABAWAL SA LAHAT NG ANYO NG ________________________ AT ANG PAGPAPATAW NG KAUKULANG PARUSA SA PAGLABAG NITO. DRAFT March 24, 2014 Inihain ni: ________________________ [Posisyon] KUNG SAAN, sa Artikulo _______ [sumipi ng mga artikulo na may kaugnayan sa ordinansang gagawin] KUNG SAAN, sa Artikulo ______ …… SAMAKATUWID, ITINATAKDA NG KONSEHO NG BARANGAY ________ SA PAGPUPULONG NITO ANG MGA SUMUSUNOD: SEKSYON 1. SEKSYON 2. SEKSYON 3. SEKSYON 4. Maikling Pamagat – Deklarasyon ng Patakaran – Depinisyon ng Katawagan – Ipinagbabawal na mga Gawain – a. b. c. d. SEKSYON 5 Mga Parusa – 531 SEKSYON 6. Separability – Kung may probisyon sa Ordinansa na ito na mapapatunyang labag sa Saligang Batas, o kung sa iba pang paraan ay mapapasawamlabisa, mananatili pa rin ang bisa ng iba pang probisyon SEKSYON 7. Pagkakabisa – PINAGTIBAY: [Petsa] _____________________________ Punong Barangay at Tagapangasiwa ng Pulong DRAFT March 24, 2014 Halaw sa: http://www.galangphilippines.org/media/ADO-Brgy.-Pansol.pdf ___________________ Kagawad ___________________ Kagawad Pinatunayan ni: ______________________________ Kalihim ng Konseho ng Barangay 532 Buod: Sa pagtatapos ng ika-18 siglo at pasimula ng ika-19 na siglo naabot ng Europe ang rurok ng kanyang kapangyarihan. Tiningala ito ng daigdig dahil sa matatag na industriyalisasyon,mabilis na komunikasyon at makabagong sandata na nagsilbing lakas ng mga bansa sa Europe. Kaalinsabay nito ay ang pag-unlad ng diwang nasyonalismo na humantong sa pagpapalawak ng territoryo sa pamamagitan ng pananakop. Ang kolonya na siyang nagbigay ng malaking tulong upang mapagkunan ng sangkap ng makinarya, gumawa at bumili ng kanilang produkto at paglagakan ng kapital ng kanilang negosyo ay pinag-agawan at pinagpaligsahan ng mga bansa sa Europe. Ito at iba pang dahilan ang nagbunsod upang magkaroon ng alitan na humantong sa Digmaang Pandaigdig. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Hulyo, 1914. Pangunahing sanhi nito ay ang nasyonalismo, imperyalismo, pagbuo ng alyansa at ang pandaigdig na hidwaan. Naging hudyat ng digmaan ay nang pataksil na patayin ni Gavrilo Princip, isang Serbian si Francis Ferdinand, ang tagapagmana ng trono ng Austria. Europe ang naging entablado ng digmaan, naging pinakamainit ang labanan sa bahaging Kanluran mula Belgium hanggang Switzerland. DRAFT March 24, 2014 Naging malagim ang epekto nito. Maraming buhay ang nawala, at ang mga ari-arian ay napinsala, lumaganap ang kagutuman at pansamantalng natigil ang gawaing pangkabuhayan. Ang mapa ng Europe ay nagbago at naibalik ito sa dating anyo. Nilagdaan ang mga kasunduang pangkapayapaan, at nagtatag ng Samahang Pandaigdig tulad ng Liga ng mga Bansa, na ang pangunahing layunin ay mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan. Isang kasunduang nabuo ng Liga ay ang kasunduan sa Versailles noong Hunyo 1919, na pinaniniwalaang maraming kontrobersya. Ilang probisyon nito ay ang pag-aalis ng lahat ng kolonya ng Germany at pagbabayad nito ng malaking halaga. Nahirapan ang Germany na tumupad sa kasunduan sa halip naghimagsik ito na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap noong 1939-1945, ang itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan. Dahil sa Sistema ng alyansa, naglaban-laban ang Allies na pinangunahan ng US, France, Great Britain at Russia at ang pwersang Axis na binubuo ng Germany, Japan at Italy. Sa pagkakampihan ng mga bansa naghangad ang bawat isa na paunlarin ang kanyakanyang imperyo. Si Adolf Hitler na may layuning maging superyor ang mga German ay gumamit ng kamay na bakal upang mapalaganap ang imperyo at magkaroon ng kapangyarihan. Kasabay nito ay ang paglusob ng Italy sa Greece at ibang bahagi ng Africa. Samantala, ang Japan ay nanakop sa Asya upang may 533 mapagkunan ng hilaw na materyales kayat nanalakay ito sa Asya at iba’t ibang bahagi ng Pacific. Sa huli, nanaig pa din ang pwersa ng Allies at naging daan sa pagwawakas ng digmaan ay ang pagbagsak ng Germany noong Abril 1945, kasunod ang pagsuko ng Japan noong Setyembre 1945. Ang pagtatapos ng digmaan ay nagiwan ng malaking pinsala sa sangkatauhan lalo na ang kasindak-sindak na pagkitil sa maraming buhay at pagkasira ng mga ari-arian. Natigil ang pagsulong ng ekonomiya dahil sa epekto nito sa larangan ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi sa Asia, Africa at Europe. Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming pagbabago ang naganap sa iba’t ibang larangan. Nalipat ang sentro ng kapangyarihan sa dalawang superpowers, ang United States at Russia. Pumanig sa magkaibang ideolohiya ang dalawang bansa, ang demokrasya sa US at ang komunismo sa Russia. Umigting ang tunggalian at paghihinala sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng militar at ekonomiya. Tinagurian itong “Cold War” o digmaan na hindi ginagamitan ng dahas. Nangangahulugan ito na walang direktang armadong labanan, sa halip ay kinapapalooban ito ng propaganda warfare, arms race, espionage at iba pang kauri nito. Kasunod ng Cold War ay ang paglaganap ng bagong anyo ng pananakop, ang neokolonyalismo. Makabago at higit na nakapanlilinlang ang estratehiya nito spagkat gumagamit ito ng politikal, ekonomiko at kultural na pamamaraan upang maisakatuparan ang pananakop sa mahihinang bansa. DRAFT March 24, 2014 Upang maiwasan at tuluyang matuldukan ang sigalot na mga bansa sa daigdig,itinatag ang United Nations at ang mga sangay nito. Gayundin ang iba’t ibang organisasyon at alyansa tulad ng European Union (EU), Organization of American States (OAS), Organization of Islamic Countries, at Asean. Naitatag din ang mga pang-ekonomikong organisasyon at trade blocs tulad ng GATT, World Trade, IMF/ World Bank, APEC, Asean Economic Community, NAFTA, AFTA, OPEC at iba pa. Ang trade bloc ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang rehiyunal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa mga miyembrong bansa. Nilikha ang mga ito upang magbigay tulong sa pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. Layunin nitong patatagin ang kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran. Sa pamamagitan ng mga samahang nabanggit, mapangalagaan ang kapayapaan, kalayaan at katarungan ng daigdig. 534 Talasalitaan Allied Powers – mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis Powers. Kabilang ditto ang United States, Great Britain, at Soviet Union Alyansa – pagbubuonggrupo o luponngmgamakapangyarihangbansasa Europe Apollo 11 – sasakyang panghimpapawid na mula sa United States, unang sasakyang nakarating sa buwan Armistice – kasunduan na pansamantalang pagtigil ng labanan o digmaan Axis Powers – mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang ditto ang Germany, Italy, at Japan Cold War – labanan ng ideolohiya, labanan na hindi ginagamitan ng dahas DRAFT March 24, 2014 Death March - Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa mga sumukongsundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan Demokrasya – uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan Fascism – ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini, na tumututol sa anumang uri ng oposisyon sa pamahalaan Genocide – Malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo na laban sa mga Hudyo Glasnost - openness o pagigingbukas, nangangahulugang malayang pag-usapan ang mga suliranin ng bansa sapamamagitan ng malayang pamamahayag Imperyalismo – pagpapalawak ng teritoryo na isinagawa ng mga bansa sa Europe sa pamamagitan ng pagtatatag ng kolonya Kasunduan sa Versailles - kasunduang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig, naganap noong Hunyo 28, 1919 sapagitan ng Allies at Germany Komunismo - ideolohiyang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa lipunan 535 Liga ng mga Bansa (League of Nations) – itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na ang pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya Marxism – teoryang politikal at ekonomiko ni Karl Marx na nagsasaad na ang kilos ng tao ay bunga ng kapaligiran at uri ng kanyang kinabibilangan Mein Kampf - (My Struggle) akda ni Hitler na pinagbatayan ng ideolohiyang Nazism, unang lumabas noong 1925 Militarismo – pagpapalakas ng pwersang militar Narzism – ideolohiyang ipinalaganap ni Adolf Hitler na nagsasaad ng pagiging superyor ng lahing Ayan, ang lahing kinabibilangan ng mga German Nasyonalismo - pagmamalasakit at pagmamahal ng mga mamamayan sa sariling bansa DRAFT March 24, 2014 Perestroika - tumutukoy sa pagsasaayos ng ekonomiyang USSR upang manaig ang pwersang pampamilihan Sputnik - kauna-unahang space satellite sa kasaysayan na inilunsad ng USSR Third Reich – panahon sa Germany mula 1933-1945 kung saan na pasailalim ang bansa sa kontrol ng ideolohiyang totalitarian Third World – mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas Triple Alliance – kilala sa tawag na Central Powers na kinabibilangan ng Germany, Austria, Hungary at Italy Triple Entente – tawag sa alyansang France, Great Britain at Russia, kilalabila ng Allies Tsar – tawag sa pinuno ng Russia 536 Sanggunian A. Books Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250 Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284 Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-319. Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343 Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355 Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 358-361. B. Modules Project Project Project Project EASE- Araling Panlipunan III Module 17EASE Araling Panlipunan III MODULE 18- pg. 13 . EASE Araling Panlipunan III MODULE 19- pg. 17 EASE Araling Panlipunan III MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14. DRAFT March 24, 2014 C. Website http://www.gov.ph/2004/07/20/proclamation-no-675-s-2004/ http://www.tariffcommission.gov.ph/afta-cep.html http://allafrica.com/stories/201310070084.html http://www.reuters.com/article/2012/08/15/us-syria-crisis-islamic-summitidUSBRE87E19F20120815 http://www.gmanetwork.com/news/story/264036/economy/finance/phl-s-1-bloanto-imf-not-the-first-nor-the-biggest http://www.galangphilippines.org/media/ADO-Brgy.-Pansol.pdf http://voiceofrussia.com/2013_08_13/China-in-Africa-neocolonialism-or-chancefor-growth-9071/ http://www.tldm.org/News10/Hammer3.png-http://image.shutterstock.com/display_pic_with_logo/1024975/110632307/stockphoto-american-symbol-statue-of-liberty-110632307.jpghttps://encryptedtbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQvOOjDjqEMr0x3_V5hANSi9kV7LkZJ1kS6 Xx5SDghVNWXkwI8nhttp://www-tc.pbs.org/behindcloseddoors/tmp_assets/stalin-bio.jpg http://fascistitaly.files.wordpress.com/2011/05/benito-mussolini1.jpeghttp://eternity.xhost.ro/hitler.jpghttps://www.google.com.ph/search?q=world+war+i+pictures&source=lnms&tbm=isc h&sa=X&ei=OqF4UrPRINOciQf3zYHgAw&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1208& bih=598- pics s WWI 537 www.oldielyrics.com/lyrics/john_lennon/emagine.html- www. firstworldwar.comtelegram http://www.firstworldwar.com/diaries/whitmore.htm http://mapofeurope.com/wp-content/uploads/2013/07/map-of-europe1024x833.jpg?a600a5Source: http://library.thinkquest.org/06aug/02455/pictures/worldwarII.jpg pics world wwar 2 http://en.wikipedia.org/wiki/Nuclear_Weapons tl.wikipedia.org naftanow.org DRAFT March 24, 2014 538